Dusk and Downfalls

By ColineZy

105 9 11

Dying at sunset sounds dramatic enough. It symbolizes ending. The ambiance was solemn and peaceful. It also... More

Trigger Warning
[02] A Glimpse Beyond
[03] The Aftermath

[01] The Girl Who Sees

41 4 1
By ColineZy


MAIA CLAIRE

I have a very brilliant idea for anyone who's willing to listen.

See, I think giving birth is out of style already. We've been doing that for millenia and honestly, coming out of the womb as wailing babies with zero free will is not fair.

So what if instead, we were just whisked here as teenagers with the complete ability to walk and speak for ourselves?

I would like that very much.

I would have looked around, said "Oops, wrong world." and go back to wherever souls stay in their free time.

Ang kaso ay hindi ganoon ang nangyari kaya wala akong choice kundi mag-improvise.

I'm just gonna go kill myself later.

Pero sa ngayon ay aattend muna ako sa mga natitira naming klase because apparently, education is the most important thing in the world. 80% ang passing grade sa entrance exam ng kabilang buhay.

Kidding, I want to see the people I love for the last time. And I hope you would bear with my corniness. I had to replace all my emotions with jokes.

I cannot say goodbye dahil hindi nila pwedeng malaman. Hindi na rin naman nila ako mapipigilan. Siguro ay yayakapin ko na lang sila, ipaparamdam ang mga bagay na hindi ko masabi. Gusto kong maging maganda ang huling ala-ala nila sa akin kaya kahit ayaw na ayaw ko rito ay pumasok ako sa kahuli-hulihang pagkakataon.

Well it's now lunch time and I hate my life even more.

Na-stuck ako sa classroom. Ang mga taong ipinunta ko rito ay naroon sa canteen at kumakain. Karamihan sa mga kaklase namin ay hindi na bumaba at mas piniling tapusin ang activities. Malapit na kasi ang sembreak at protocol daw na pahirapan muna kami para worth it ang ibibigay na bakasyon.

Personally, I don't give a damn about the schoolworks. Nahihiya lang talaga akong takasan ang mga kagrupo ko sa research.

"Hindi ba medyo malayo na sa topic yung mga sagot nila?" problemadong tanong ng leader namin.

My two other groupmates nodded in agreement. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa mga sagot ng respondents, walang kwenta.

Can't blame them to be honest, wala rin namang kwenta yung topic namin.

"Paano 'yun? Baka paulitin pa tayo niyan?"

"Mag-iinterview tayo ulit?"

"Hoy naman, dayain na lang natin"

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa tatlo habang nagdidiskusyon sila. Mababakas na ang stress sa mga pagmumukha nila habang ako ay mukha pa ring walang pakialam.

Would they find it weird if I hugged them? I wanna hug them. I wanna pat their heads and tell them that there's a bigger world out there and they don't have to take all of these too seriously.

But the outside world is actually not any better.

"Paano kung hanapin yung audio record ng interview? E'di nahuli tayo?"

"Mai, anong tingin mo?" Tumaas ang pareho kong kilay nang bigla nila akong lingunin.

Nagpanggap akong nag-iisip ng ilang segundo bago maingat na tumugon. "Siguro mag-settle na lang tayo sa mga sagot nila?"

Ito ang isa sa hindi ko maintindihan sa mga tao, tayo-tayo na nga lang ang narito, nagagawa pa nating maglokohan. What's the point? Bakit kailangang magsinungaling at mandaya? Imagine how much better the world would be if we were just genuine with each other. Imagine if you can trust everyone.

"Baka mababang grade ang makuha natin kapag ganoon."

I gave her a shrug as a response and went back to reading. Kung kakausapin niya ako tungkol sa grades ay mauuwi kami sa walang katapusang rants.

Once upon a time, I actually enjoy studying. I enjoy reading books. I enjoy writing essays and doing research about things I'm interested in. I enjoy the projects and tasks they give us. What I don't enjoy is being graded for it.

I just want to learn, I don't need the judgment.

Why do you have to be rated for such things anyway? Why is a good voice necessary if you want to sing? A flexible body if you want to dance? Why do you have to be good at something before you get the social license to do it?

And why do people use this social license to judge other people?

"No, no! Hear me out!" I snapped out of my thoughts when Artemis suddenly shouted.

Natahimik ang buong klase. Pati iyong mga nagpapractice ng sayaw sa harapan ay pinatay muna ang speaker nila. We looked expectantly on the girl at the back of the room, standing atop an armchair. Her hair was slightly being blown away by the wind. Add that to her regal stance and lively expression, you could almost picture a movie heroine.

Nagtataka siyang lumingon sa amin nang mapansin ang katahimikan. "Ay hala hindi kayo, sila lang."

Tinuro niya ang mga class officers na kaharap. May meeting yata sila para sa class play namin sa isang subject.

"Sobrang lakas kasi ng boses mo," Shantelle, our class president, commented.

Art smiled at us apologetically and waved us off, sensyas na bumalik na kami sa kani-kaniyang pinagkakaabalahan. Nanatili akong nakatingin sa kanya because I was still in awe that she could command everyone's attention just like that.

That was the top one of our class. She was nice and awesome but her presence wasn't particularly comforting.

I still can't wrap my head around the idea that there are people like her, magaling sa lahat ng bagay at nakukuha ang lahat ng gusto. Siya yung tipong kahit saan mo isabak ay hindi ka madi-dissapoint.

Yes, I know she has her flaws and shortcomings too. People probably expects a lot from her but I never saw her look tired. At times like these, halos lahat ay nakadepende sa kanya but she doesn't seem to mind. She was a transferee but she fits right in.

Meanwhile, I've been in this place for five years and sometimes, I still feel out of place in my own circle of friends.

It's just that... she's probably having it harder than me but she was happy. I wish I was happy.

"Come on, masyado nang cliche ang romance. We need a fresh genre," she convinced them enthusiastically. "Wala pang masyadong gumagawa ng horror dito sa school."

"Kasi mahirap siyang i-pull off. Bukod sa mahirap i-act, masyado pang magastos sa costume at props," pagkontra ni Shantelle habang tinatali ang bagong rebond na buhok. Paano nakalusot ang blonde highlights nito sa admin?

Nang mapagtanto ang ginagawa ay bigla niya ring tinapon ang ponytail.

Hindi ko sigurado kung kumokontra siya dahil gusto niya talaga ang romance o malakas ang kutob niya na sa kanya ibibigay ni Art ang role ng multo dahil siya ang pinakamaputi sa klase.

The other officers were just watching them back and forth. Sino ba namang maglalakas loob na sumingit sa debate ng top 1 at top 2?

"Eh kung mag-hire tayo ng tunay na multo para tipid?"

Shantelle shook her head while the others laughed and dismissed the joke. If it was really just a joke. My eyes narrowed at Artemis.

Nakikita niya ba?

Nalipat ang tingin ko sa pigurang nakatayo malapit sa likuran niya. Magulo ang classroom at pagala-gala ang mga kaklase ko ngunit hindi mahirap tukuyin na naiiba iyon sa amin. Mabigat ang atmosphere sa paligid nito kaya mahirap titigan ng diretso. Mula sa sulok ng mga mata ko ay naaninag ko ang mahabang buhok at puting bestida.

As if sensing that someone was looking at her, the figure suddenly looked up at my direction. Napatayo ako sa gulat. Ngunit bago ko pa maproseso ang hitsura niya ay agad itong naglaho.

Biglang may humawak sa balikat ko mula sa likuran.

"Ri!" I exclaimed in relief after realizing that it was just him.

"Mai," natatawa niyang tugon. "Okay ka lang?"

Alanganin akong tumango. "Y-yeah nagulat lang ako."

When I finally calmed down ay sinipat ko ang kabuuan niya. My eyes roamed from his curly black hair, down to his sparkling eyes and easy smile. Ri or Rio, as we fondly call him, was my first friend when we moved into their neighborhood. He was also the first person who managed to make me smile after my father died.

Tatanga-tanga kasi siya at muntik nang mahulog nang subukang akyatin ang bintana ko.

"Nagulat din ako sa'yo eh, bigla-bigla kang tumatayo." His laughter was music to the ears.

Nahagip ng paningin ko ang takeout lunch na bitbit niya. Itinaas niya iyon para ipakita sa'kin.

"Ang sweet ko 'di ba?"

I have no coherent reply to that kaya tinawanan ko na lang siya.

"Nakita mo ba si Shantelle?"

I pointed to where his girlfriend is. He nodded and ruffled my hair. "Thanks. Ikaw ba kumain ka na?"

"Busog pa ko," tugon ko na may kasamang pag-iling. He tsk-ed, bid goodbye, and went on his way.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palayo. I had the urge to call him back.

I wanna hug him, the way he used to hug me when we were younger. I wanna tell him I was drowning again.

Huminga ako ng malalim. The feelings are starting to be overwhelming and the noise wasn't helping.

"Kakain lang ako," paalam ko sa mga kagrupo ko. Binigyan nila ako ng nagtatakang tingin ngunit hindi ko na hinintay ang sagot nila at nagmamadali nang lumabas.

Nang marating ko ang hagdanan ay saka ko lamang naalala ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako sumama sa mga kaibigan ko kanina. I'm not sure if I have the energy to go down three floors.

Sumandal muna ako sa isang tagong pader at pumikit. Stop. Stop. Stop.

It felt like something was eating my heart out again.

I inhaled and exhaled thrice before opening my eyes. After a few seconds, I managed to wear the appropriate expression and went downstairs.

Nang makarating ako sa canteen ay agad na dumapo ang mga mata ko sa table namin. Not technically ours pero parang ganoon na rin dahil kami ang madalas na kumakain doon mula pa noong grade 7. Mas kilala pa nga yata ako ng mesang 'yun kaysa sa mga kapitbahay namin.

Two curly haired girls sat on the left side, Jillian and Lara fussing with their phones. Si Jill lang talaga ang natural na kulot, gumaya lang si Lara mga two years ago. Parang kambal ang dalawang iyon dahil parehong-pareho ng taste sa lahat ng bagay.

Katapat nila sina Megan at Katherine na nag-aasaran na naman. Lagi talaga silang aso't-pusa kaya hindi mo aakalaing matalik na magkaibigan mula pagkabata.

Ako naman ay pantay-pantay lang ang closeness sa kanilang apat. Kapag kinakailangan ay ako rin lagi ang pumapagitna. It was nice. It makes me less worried about leaving them because they would still have each other.

Napansin kong kumakain pa si Katherine kaya bumili na rin ako ng sariling pagkain. Iilang hakbang na lang ang layo ko sa kanila nang makita niya ako at sumigaw kahit may nginunguya pa.

"Maia Claire!" May kasama pang pagkaway na akala mo ay hindi ko sila nakikita.

Napayuko ako at dali-daling nagtungo sa kanila dahil ramdam ko na ang mga matang nakatingin. Ayaw na ayaw ko pa naman ng atensyon.

Humahagalpak na ng tawa si Jillian nang maupo ako sa tabi niya.

"Parang sobrang hina naman yata ng boses mo Bea Katherine. Hindi ka siguro narinig sa kabilang building," sarkastikong bati ko.

"Hahahaha bwisit." Nagpupunas na ng luha si Jillian. "Biglang lumingon sa'yo lahat Mai, para kang nasa The Voice."

"I want you!" panggagatong ni Lara na may kasama pang pagturo.

Umiling na lang ako at susubo na sana nang masalubong ang tingin ni Megan na nakapangalumbaba sa harap ko. Chill na chill siya, parang hindi hinila ang buhok ng katabi ilang segundo lang ang nakakalipas.

"Akala ko ba hindi ka kakain?" mataray niyang tanong. Sa kanya ay normal talaga ang tonong iyon dahil laban na laban siya palagi.

I hang around brave and confident people most of the time pero bakit parang hindi man lang ako nahahawa?

Nagkibit-balikat ako. "Akala ko rin."

They settled for that at hinayaan na akong kumain. Inabutan pa ako ni Jillian ng bottled water. "Kung kailan ten minutes na lang girl, okay ka lang ba?"

I told you last week that I wasn't.

You forgot an hour after.

I didn't answer and drank from the water she gave me instead. Mabilis din naman akong natapos, halos sabay lang kami ni Katherine. Nang palabas na kami ay idinaan ko muna ang mga plato sa dishwasher gaya ng nakasanayan.

They were a few steps ahead of me, hindi nila napapansin dahil sanay na silang humahabol ako. But this time, I decided not to. Binagalan ko lang ang lakad ko, pinapanood silang magtawanan. If one's going to look at the four of them side-by-side, he wouldn't notice that anyone was missing. They still look whole... and happy. I smiled.

Gusto kong tumakbo patungo roon at akbayan silang apat. I wanna hug them tightly and thank them for always being by my side, even when they don't understand.

But instead I watched them dissapear in the corner of my eye.

The afternoon class went by with me staring at the window the whole time. Um-attend na nga ako ng klase, kailangan ko pa rin bang makinig? Honestly, kahit subukan ko malamang ay papasok lang sa isang tainga at lalabas sa kabila ang sinasabi ng teacher.

I hate school. I hate our subjects. I hate my strand. Ni hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa ABM.

Basta ang alam ko lang ay hindi naman ako pwedeng tumigil sa pag-aaral dahil madi-dissapoint si mama. Wala ni isa sa mga strand na pamimilian ang nakapukaw sa atensyon ko. Kahit saan sa mga iyon ay alam kong hindi ako mage-excel. Pero dito ang mga kaibigan ko kaya sumama na lang ako.

I thought maybe It's easier to bear since I'm with my friends. But that wasn't enough.

Nothing has ever been enough.

Minsan pakiramdam ko ay nagmamaneho ako ng kotseng bukod sa walang malinaw na patutunguhan ay wala ring preno. Tila walang katapusan at habang tumatagal ay pinapagod lang ako. The only choice left was to crash the car somewhere. Make it stop.

Dalawa na lang kami sa classroom nang tumayo ako para mag-ayos ng gamit. Hindi talaga ako nakikisabay sa paglabas ng karamihan dahil masyadong magulo. Habang dinadampot ang bag ay tinanong ko ang kaklase kong may pinapanood pa yata sa bintana. I actually don't want to, but manners.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

Hindi siya sumagot kaya nagtataka akong nag-angat ng tingin. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig. Nakatalikod siya at nakauniporme rin kaya awtomatiko akong nag-assume na isa siya sa mga kaklase ko. Pero ngayon ay napagtanto kong hindi pamilyar ang nakatalikod niyang pigura.

Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso na palabas ng pinto. Naabutan kong naghihintay sa'kin sa corridor si Megan at ang isa pa naming kaklaseng may hawak ng susi. Agad nitong ni-lock ang room pagkalabas ko at nauna nang bumaba.

"Bakit parang namumutla ka?" tanong ni Megan.

"Ha? Wala," agad kong tugon at inaya na rin siyang bumaba. Iyong tatlo raw ay sa gate na lang kami hihintayin.

Habang binabagtas ang mahaba at halos wala nang taong corridor ay muling nagsalita si Megan.

"Maia"

"Hmm?"

"Gusto mo bang... matulog sa'min ngayon?"

Napatigil ako sa paglalakad. Nagtataka akong lumingon at nasalubong ang seryoso niyang mukha.

"Bakit?"

Hindi ako sanay na ganito si Megan. Palabiro siya kahit may pagka-harsh ang mga banat. Ngunit ngayon ay halos magsalubong ang mga kilay niya, as if something was troubling her.

"Kinakabahan ako," she quietly answered.

I started getting worried. "May problema ka ba?"

Kumunot ang noo niya at umiling-iling na parang hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. She opened her mouth to speak twice ngunit nagdadalawang-isip siya at hindi tinutuloy ang sasabihin.

"Wala," maya-maya ay tugon niya. Pagkatapos ay maingat na nagtanong,

"Ikaw, may problema ka ba?"

Hindi rin ako agad nakasagot. I met her determined eyes, kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

I feel like this is the final offer for a boat ride, before the waves come and sweep me away.

Kung magkukwento ako ay sigurado akong makikinig siya. Sigurado akong tutulungan niya ako sa kahit anong paraang kaya niya. And yet when I willed myself to speak, the words that came out were,

"I'm fine, pero pass muna sa sleepover." I gave her a genuine smile, dahil totoong masaya ako  na nagtanong siya.

But the nights are getting scarier and I don't think I can endure one more.

Nang makalabas kami ay naabutan namin sina Katherine na nagfifishball. Pinilit pa niya akong kumagat ng isa sa stick na hawak niya. Doon na rin kami naghiwa-hiwalay. Silang apat ay sabay-sabay pa hanggang sa sakayan. Ang bahay naman namin ay hindi ganoon kalayo kaya nilalakad ko na lang.

"Bye girl!"

"Ingat ka Mai, see you sa monday!"

Kinawayan ko silang apat, si Megan ay sumulyap pa ulit sa akin bago tuluyang tumalikod. Nang makalayo na sila ay nagsimula na rin akong maglakad sa kabilang direksyon.

I don't mind walking home. It used to be refreshing dahil nakakapag-isip isip ako habang nilalanghap ang medyo sariwang hangin, sariwa kapag wala masyadong sasakyan. Pero nagagawa ko lang iyon noong kasabay ko pang umuuwi si Rio na ginagawa kong human shield.

Ngayon kasi ay hinahatid pa muna niya ang girlfriend. I need to keep a presence of mind para hindi mahagip ng mga dumaraang sasakyan.

That wouldn't be such a bad way to go pero ayokong mandamay ng inosenteng driver. Ayoko ring mamatay sa kalsada dahil baka may kumuha pa ng litrato at i-post sa Facebook, utang na loob.

Sa halip na dumiretso pauwi ay lumiko ako sa isang kanto at nagtungo sa tulay. Hindi gaanong dinadaanan ito dahil hindi na bahagi ng highway. Maswerte ako ngayon dahil talagang walang tao, napakatahimik ng paligid.

Kumapit ako ng mahigpit sa railings at sinilip ang rumaragasang tubig sa ibaba. The water wasn't very calm today, nahihilo ako sa panonood lang.

But it was a very different story when you look above.

Everything looks serene up there. Birds were flying towards the horizon, where the sun was painting the sky in shades of orange and pink.

I closed my eyes and savoured the fresh air, wrapping my arms around each other.

There were so many people I wanted to hug but at the end of the day, it was just me hugging myself.

Nang muli kong imulat ang mga mata ay wala namang nagbago. Tahimik kong pinagmasdan ang papalubog na araw sa kanluran.

The light may go out in a few moments.

But I do not have to fight the darkness anymore.

Continue Reading

You'll Also Like

867K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...