I.
Tagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ito'y isang munting tula, para sa'yo na aking iniwan
Sana mabasa mo ito, kahit ikaw na ay lumisan
Mahalin ka ng tunay hindi ko kayang pigilan
Kahit ilang ulit mo na akong sinasaktan
At kinalimutan na ng lubusan
Kaya sisimulan ko na ang pagbilang mula isa hanggang tatlo
Dahil ayaw ko nang patagalin ang larong ito
Isa, dalawa, tatlo
II.
Ayaw ko nang maglaro at itago
Ang nararamdaman ko para sa'yo
Oh, sino na naman ang hinahanap mo?
Kung nandito naman ako sa tabi't harapan mo!
Ano pa ba ang kulang o wala ako?
Pagod na pagod na ako kakahabol sa'yo
Tagu-taguan matagal na nating nilalaro
Habang tumatagal, pagtingin mo sa 'kin ay lumalabo
At pinaparamdam mo sa akin na hanggang kaibigan lang pala tayo
III.
Pero kahit malapit ng matapos ang larong 'to
Ikaw pa rin ang pipiliin ko hanggang sa dulo.
Kahit nasa tabi lang ako nagtatago
Masaya pa rin ako dahil nakita't nakilala mo na ang para sa'yo
Hanggang ngayon, ay hindi mo pa rin ako pinapansin
Pero 'wag kang mag-alala, kaya ko naman 'tong tiisin
Kahit ang hirap nang isipin at tanggapin
IV.
Salamat nga pala, dahil nakilala kita
Salamat sa panandaliang saya na iyong dinala
Salamat sa mga pangakong sinabi mo sa akin na puro kasinungalingan lang pala
Paalam, malaya kana
Tapos na ang larong ito na mayroon tayong dalawa
ScarletVidia
2019
Note:
Based po ito in real-life, I mean naranasan ko na 'to lol. If only he can read this poem, if only alam niya lang ang nararamdaman ko :(
Oh well, Back to December and Better Man yarn? Charot. Sana magustuhan niyo!