Crossing the Line

By hirayawrites

3K 50 5

Stella, a business and management student na napilitang magpakasal kay Xavier na anak ng kaibigan ng kanyang... More

PROLOGUE
DISCLAIMER & AUTHORS NOTE
01
02
04
05
06
07
08

03

215 3 0
By hirayawrites

Linggo ngayon at uuwi ako ng bahay. Nag text kasi si mama na umuwi muna ngayong araw may mahalaga daw siyang sasabihin sakin. Dati naman kahit sobrang halaga pinag uusapan lang namin through phone call pero ewan ko ba bakit ngayong araw gusto niya ay umuwi ako ng bahay para personal daw niyang sasabihin sakin.


"Saan punta mo?" tanong ni bella sakin ng makita niya akong nag aayos ng pumasok siya sa kwarto ko. "Bahay namin" sagot ko sakanya. Hindi naman siya umimik at humiga nalang sa kama ko habang nag cellphone.




"Wala ako alam gawin or puntahan ngayon" sabi niya ng nakatingin sa kisame na para bang nag-iisip. "Uwi nalang kaya ako?" tanong niya sa sarili niya.




Ilang minuto din ng matapos si bella sabay na raw siya sakin bumaba. Nag book na rin naman siya ng grab kaya walang problema. Uuwi na lang din daw siya sa kanila.




Nang makarating ako sa bahay namin. Agad ko naman na datnan sila papa na nag-uusap ni mama sa sala. Hindi man lang ako pinansin.



"I'm home" sabi ko kaya doon palang nila ako na pansin. "Kanina ka pa ba diyan, anak?" tanong ni mama. "Ilang segundo lang naman. Ano ba pinag-uusapan niyo? Grabe hindi niyo lang ako napansin na nakapasok na."sabi ko. Hindi ko man kasi narinig kung ano pinag-uusapan nila pero mukhang seryoso.





"Sa hapag kainan na natin pag-usapan" seryosong sabi ni papa ng dumaretso na sa kusina at sumunod naman kami ni mama. 





Hala bakit ako kinakabahan? Alam ko naman this past few weeks wala akong ginawang masama.




Nang makaupo nakami at kumakain nag kwentuhan muna kami. Kinamusta naman nila ako at kung kamusta na rin ang pag-aaral ko. Simula highschool kasi nag condo na ako at pa minsan minsan nalang umuuwi sa bahay tutal lagi rin naman silang wala dito dahil sa mga business trip nila kaya hinayaan nalang din nila akong mag condo sa murang edad.





"Ngapala anak yung pinag-uusapan namin ng papa mo kanina..." nakikinig lang ako ng biglang tumigil si mama sa pananalita kaya tinignan ko siya na nagtataka kaya tinuloy naman niya. 





"Yung kumpanya kasi natin may naging problema, hindi konalang sasabihin kung anong nangyari" tuloy niya pa at hindi muna ako nag salita. "malulutasan naman yoon kung pakakasalan mo yung anak ng kaibigan ko na may business din" sabi niya at hindi ko na narinig yung iba pa niyang sinabi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.





"Ma, naman?" tanging yun lang ang lumabas sa bibig ko. Naiiyak ako. Ayos lang naman sakin kung ano ipapagawa nila. Wag lang iyon. Ayoko. Pumayag naman ako sa lahat ng pinapagawa nila kaya nga ang kurso ko ngayon ay business related kasi yun yung gusto nila kahit hindi ko gusto. "Anak intindihin mo naman 'tong sitwasyon na 'to para sayo rin naman" sabi pa ni mama. 





Hindi ko alam na hanggang sa ganitong sitwasyon aabot kami. Nawalan na ako ng ganang kumain. Ayoko rin naman mag salita baka ano pa masabi ko kaya bigla nalang ako tumayo at dumaretso sa kwarto ko.






Nang makarating ako sa kwarto ko. Bumalik lahat ng sakit na matagal ko nang naramdaman.






It's my day of enrollment today for my college pero hindi ako masaya. Gusto kong maging doctor pero nandito ako ngayon sa college of bussiness and management. Ilang ulit kong sinasabi sa mga magulang ko na gusto ko maging doctor pero hindi nila ako pinakinggan ang sabi pa nila if gusto ko mag doctor tatanggalin nila allowance ko at ako ang magpapaaral sa sarili ko. Like ganoon ba talaga dapat? na dapat laging sumunod sa magulang? Ilang iyak at pagpapaliwanang ginawa ko pero wala parin.





Bawat pasok ko parang gusto ko na lang umuwi. Atat na atat na akong matapos ang isang araw. Kaya bawat exams ay umiiyak ako. Buti nalang sa buong school year ko nakahanap din ako ng makakasama ko. At sila chloe, bella, raina, natasha iyon, especially wyatt. Alam din nila ang kwento at alam ko rin ang kwento nila. Magkakaiba kami ng kurso pero hindi 'yon naging hadlang para hindi kami magkakasama. Kaya I'm so thankful to have them in my life. Kasi sila yung mga nakasama ko sa mga panahong wala akong mapag sabihan.





Nagising nalang ako ng kumatok si mama. Kaya pinagbuksan ko siya ng pinto.




"Anak, pagpasensyahan mo na kami ng papa mo sa mga desisyong na pinapagawa namin sayo. Para rin sayo 'to anak. Alam ko sa ngayon hindi mo pa naiintindihan pero dadating din yung oras na magpapasalamat ka samin ng papa mo at masasabi mo na tama yung ginawa namin sayo anak. Kaya sana anak pumayag kana" sabi ni mama habang yakap yakap niya ako.





Kinabukasan, papasok nanaman ako. Ayoko nga pumasok kasi namamaga pa mata ko.





Nang makapasok ako sa gate ng school bigla naman ako binunggo sa braso ni wyatt. Parang timang talaga 'to kahit kailan. Hindi ko siya tinignan at derederetso akong lumakad.




"Ayos ka lang?" tanong niya nung mapansin niyang hindi ko siya tinatanong. Kaya hinawakan niya yung mukha ko. Pero wala naman siya sinabi pero halata na alam niyang umiyak ako. "Tara ice cream libre ko" sabi niya.




Kaya ayun hindi tuloy ako nakapasok ng first subject at siya din. Hindi naman siya nag tanong at kinwentuhan niya lang ako. Tsaka nalang niya ako hinatid sa building namin bago mag second subject.




Nang uwian naman napag desisyonan namin mag kakaibigan na sa condo muna namin sila mag stay. Hindi naman kami iinom  samgyeopsal lang sa condo doon sa balcony. Nauna nakami ni bella, raina. Si hazel naman at natasha ang bumili ng mga kailangan.





Sakto rin kaming natapos mag ayos sa balcony nang dumating sila hazel. Nag kwentuhan naman sila at nakikinig at tumatawa ako pag may nakakatawa silang sasabihin. Nang mapansin nila iyon bigla silang tumigil sa kakatawa at tinanong ako ni hazel.




"Kanina ka pa tahimik diyan. Anong nangyari?" tanong niya at nag hintay naman sila bella, chlose, natasha ng sasabihin ko. "Oo nga pansin ko rin habang nag aayos dito walang kibo yan" sabi naman ni raina.




"Ano kasi..." hindi ko matuloy yung sasabihin ko ng pinunasan ni bella yung luha ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.




"Arrange marriage ako ni mama" sabi ko at hindi ko na natuloy nang humagulgol na ako. Kaya naman inakap ako ni hazel.



Ilang minuto rin noong nakabawi ako kaya kinwento ko na sakanila.




"May naging problema kasi company namin then ayun masosolusyonan daw if papakasalan ko yung anak ng kaibigan niya na may company din" kwento ko.



"Anong sabi mo? pumayag ka ba?" tanong ni chloe.



"Nakita mo na kung sino?" tanong naman ni raina



"gwapo ba?" tanong naman ni natasha.



"Ano ba naman kayo! Bakit ganyan tanong niyo. Dapat ganto. Hindi gwapo kaya ka naiyak no? 'Di mo type. Dapat ganyan" sabi ni bella.



Kaya natawa ako.




"Oh 'di ba tumawa ang gaga" sabi ni bella na tawang tawa.



"Pero seryoso anong nangyari? Hindi naman namin masisi si tita. Kasi family thing yan. Pero nandito lang kami always." sabi ni bella kaya tumahik at naging seryoso kami ulit at maiiyak nanaman ako sa sinabi ni bella.





"Mayroon kaming dinner bukas. Hindi naman ako pumayag kay mama pero sigurado ako na kahit hindi ako pumayag siya pa rin ang mag dedesisyon. Sigurado din ako na ayaw din naman siguro nung guy sa ganitong arrangement 'di ba? Lalo na lalaki siya. Bukas ko rin malalaman kung sino" sabi ko sakanila.



Nang mag aalas nuebe na nang gabi, nag ayos at nag ligpit nakami. Uuwi narin kasi yung tatlo. 





Pagka labas nung tatlo dumaretso nako sa banyo para maligo at matulog na. Nang matapos ako at makapasok sa kwarto ko. Bigla nag text si bella.




From: Bella 

Good night star! Wag kana iyak. Keep shining. Love you! :*



Napangiti tuloy ako. Nasa tabing kwarto ko lang siya pero hindi niya ako pinuntahan. Hindi kasi sweet 'tong si bella. Hindi niya pinapakita pero i know deep inside mahal niya kami.



Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

——————————————————————————————————————————————————

a.n// btw stella means star  ✰

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...