Moonlight War (Gazellian Seri...

By VentreCanard

4.9M 341K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... More

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 45

94.4K 7.6K 6.8K
By VentreCanard

Dedicated to: Faith Ashley

Chapter 45

Gazellian

"But I will always choose you... choose me... run. We don't need a baby... you will survive, and you'll be my Queen in this war." 

Kung inaakala kong ang malalamig niyang salita, paulit-ulit na pagtataboy at pagpapamukha sa akin na hindi niya ako kailangan ang lubos na gigimbal sa akin, isa iyong malaking pagkakamali. Dahil ang ngayo'y naririnig ko sa kanya at maging sa mga babae sa palasyo ay tila uubos ng aking tamang pag-iisip.

Marahas kong inihiwalay ang sarili ko mula kay Dastan. Wala sa sarili akong napaatras habang ang mga mata'y nanatili sa kanya.

"L-Leticia..." sinubukan niyang humakbang patungo sa akin ngunit sabay kong inangat ang kamay ko dahilan kung bakit ang daang nagliliwanag na punyal ay tumutok sa kanya.

"Huwag na huwag kang lalapit sa akin!" malakas na sigaw ko.

Isa-isa akong lumingon sa bawat babaeng nasa palasyo, mula sa magkapatid na Gazellian hanggang kina Claret, Kalla at Naha.

Wala na akong maintindihan. Nalilito na ako sa mga naririnig ko at sa nararamdaman ko.

Malinaw ang ipinakita sa akin ng panaginip at ipinaliwanag sa akin ng diyosang tagabantay sa puno kung saan ako isinilang. Ang katulad kong nagmula sa puno ng En Aurete ay kailanman ay hindi mabibigyan ng pagkakataong magdala ng buhay sa kanyang sinapupunan.

Bago ko pa man isagawa ang ritwal at sumpa, wala na akong maramdamang buhay sa aking katawan na ilang beses kong hiniling, na sana ako na lang. Sana ako na lang ang magsilang ng unang prinsipe.

Wala sa sarili akong napasulyap kay Alanis na nanatili sa sulok ng silid, nakayuko ang kanyang ulo at pilit lamang pinakikinggan ang pagtatalo ng mga maharlikang nasa paligid niya.

"L-Leticia... mahal ko..."

Mas nanlisik ang mga mata ko kay Dastan. "HUWAG na HUWAG mo akong tatawagin sa ganyang paraan!"

Hindi ko na inalintana ang pagtulo ng dugo mula sa ilong ko. Kung totoo ang sinasabi nilang may bata sa aking sinapupunan, siya ang dahilan kung bakit tila nararamdaman kong may humihigop ng kapangyarihan ko...

Kaya hindi ko magawang maramdaman ang buhay niya dahil malakas siya at itinatago niya iyon sa akin upang maprotektahan niya ang kanyang sarili.

Ang katawan ko at ang batang nasa sinapupunan ko ay hindi magkatugma. At bilang kapareha ni Dastan, ang punong kinikilala ang kanyang dugo ay higit na kikilalanin ang batang nasa sinapupunan ko dahil nasa kanyang nanalaytay ang dugo ng haring kanyang pinaglilingkuran.

Tulad ng sabi ni Dastan, ang puno'y pipiliin ang batang nasa sinapupunan ko dahil nasa bata ang kanyang dugo.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kusang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Naiintindihan ko na ang pag-aalinlangan sa katanungan ng matandang babaylan sa kubong bulwagan.

Tinanong niya sa akin kung magagawa kong tanggapin ang bata, hindi dahil magmumula iyon kay Alanis kundi... ang bata ay magiging mitya ng aking buhay.

Muli akong napasulyap kay Alanis na nasisiguro kong may dinadala sa kanyang sinapupunan.

"I am not the father..." tila nabasa ni Dastan ang tumatakbo sa aking isipan.

Hindi ko alam kung bakit tila nabunutan ako ng tinik, pero hindi pa rin nagawang tanggalin niyon ang galit na nag-uumapaw sa akin. May malaking parte pa rin sa sarili ko ang pagdududa.

"I tried to help you. I tried to stop their illusions. Pero mas malakas sila sa akin, Leticia..." napalingon ako kay Finn.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa bawat pagsabat ng magkakapatid na Gazellian.

"Caleb, Casper, Lily... please... bring my Queen out. Away from here." Halos magmakaawa na si Dastan sa kanyang mga kapatid.

"Walang lalapit sa akin!" sigaw kong muli.

"L-Leticia... everything I did was for you..."

Hirap na hirap na akong marinig ang paliwanag ni Dastan. "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Dastan?!" mas malakas na sigaw ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, pinaulan ko na ang nagliliwanag kong punyal sa kanya. Sunud-sunod na tawag sa pangalan ko at kay Dastan ang umapaw sa loob ng silid. Ngunit sa gitna ng liwanag, ang inaakala nilang pagdaloy ng dugo'y nanatili lamang nagdidiklap na mga punyal sa hangin hanggang sa tuluyang itong maglaho.

Ilang beses ko na nga bang sinabi sa sarili kong nais ko siyang kitilin? Ilang beses ko na nga bang kinumbinsi ang sarili ko na ang mga kamay ko ang kikitil sa kanya?

Wala man lang punyal ang dumaplis sa kanya. Sa haring diretsong nakatindig habang ang mga mata'y hindi mawalay sa akin.

Sa gitna ng mga punyal na patuloy na umuulan patungo sa kanya ngunit kusa rin nalulusaw bago pa man siya tamaan, hinayaan ko ang sarili kong maglakad patungo sa kanya.

Bawat hakbang ko patungo sa kanya ay hindi man lang nabawasan ang matinding galit ko sa kanya at sa lahat ng paghihirap ko.

At nang sandaling abot kamay ko na siya, lahat ng punyal sa kabuuan ng silid ay naglaho ng parang bula, umalingawngaw ang malakas kong sampal sa kanyang mukha.

"Para sa akin!"

Isa muling malakas na sampal ang pinadama ko sa kanya sa kaliwang pisngi niya. "Sa anak ko!"

Ikatlong sampal. "Sa lahat ng luha at paghihirap ko!"

Ika-apat na sampal. "Sa lahat ng maka-sarili mong desisyon!"

Ikalimang sampal. "Sa lahat ng lihim mo sa akin!"

Pisikal na lakas lamang ang ginamit ko roon, ngunit tila higit pa akong nanghina sa sunud-sunod na pagsampal kumpara sa pagpapalabas ng mga punyal.

Lahat ng sampal na iyon ay tinanggap ni Dastan. Walang kurap at hindi man lang napaatras, ngunit ang kanyang magkabilang pisngi'y nagsusumigaw ng matindi kong galit.

"Pffrt..." hindi man ako lumingon, nakikilala kong si Caleb iyon.

"CALEB!" sigaw ng lahat ng babaeng nasa loob ng silid maliban sa akin at kay Alanis.

"I am sorry, ladies. I know this is heavy. Nadala lang ako ng aking emosyon."

"Leticia, hindi ko hinihiling magkaroon ng anak kung ang kapalit ay—"

"Ang batang ito na lang ang magiging kakampi ko sa mundong ito, buhay man ako o hindi. Mabubuhay ang bata, Dastan. Mabubuhay ang anak ko."

Umiling si Dastan, bakas sa kanyang mga mata ang nag-uumapaw na takot, lalo na nang makita niya ang pag-aatras ko habang may panibagong grupo ng ugat ng puno ang nagsisimulang gumapang patungo sa akin.

Habang patuloy ako sa pag-atras, bumalik sa aking gunita ang misyon na siyang aking naiwan. Alam kong wala man ako sa paglalakbay na iyon ay magagawa nilang makumpleto ang mga relikya at mabuksan ang lagusan. Dahil hindi ko magagawang ipagpatuloy pa ang paglalakbay sa kaalamang ako ang unti-unting kumikitil sa sarili kong anak.

"Leticia... don't make do this. Don't force me to fight you." Sa pagkakataong ito'y inilabas na rin ni Dastan ang kanyang espada. Hindi ang espadang gawa sa kanyang sariling dugo, kundi katulad rin ng sa akin.

Nagliliwanag at makapangyarihan.

"Dastan, respect her decision. Pinili ni Leticia ang bata." Usal ni Lily.

Bago pa man umatake sa akin si Dastan at ilayo ako sa mga ugat na pupulupot na sa aking mga paa, bigla na siyang nawala sa aking harapan, inasahan ko nang muling mapuputol ang ugat na siyang magpipiit sa akin ngunit nawala nitong mahawakan ang aking katawan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan kong ang malalaking ugat na mismo ang magbuhat sa akin upang dalhin ako sa pinakapuno nito.

"What the fuck?! Dastan is not going to kill the crawling roots! The fucking king will kill his own tree!" sigaw ni Zen na nagpaalarma sa lahat.

Ang siyang pumutol sa ugat na nakapulupot sa akin ay si Casper. Agad nagpakawala ng makapal na usok si Lily at mabilis niya kaming dinala sa lugar kung nasaan nakatindig ang pinaka  tanyag na puno ng Parsua Sartorias.

Ang puno ni Hari. Ang punong nagliliwanag.

"Fucking Dastan!" sigaw muli ni Zen.

Mabilis nawala sa kanilang mga posisyon ang mga prinsipeng Gazellian upang humarang sa puno ng kanilang kapatid.

Natigil sa dapat na pag-atake si Dastan nang may malaking yelong humarang sa kanya, sa tuktok niyon ay nakatindig sina Zen, Evan, Finn, Casper at Caleb.

"The fool is going to kill himself." Usal ni Lily na humakbang malapit sa akin.

"Puputulin niya ang sarili niyang puno para huwag ka lang saktan. Gazellian's tree is their life symbolism. Lalo na ang punong pag-aari ni Dastan." Ani ni Claret.

"It's either you, the baby, or the King. What a fate?" naiiling na sabi ni Kalla.

"MOVE!" utos ni Dastan sa kanyang mga kapatid.

Hindi natinag sina Zen, Finn, Caleb, Evan at Casper sa harapan ni Dastan.

"As the King—"

"Hindi kami mga tagasunod sa mga oras na ito, Dastan. Mga kapatid mo ang nasa harapan mo ngayon!" sigaw ni Zen sa kanya na hindi pinatapos ang sasabihin ng kapatid.

"I said FUCKING MOVE!" isang malakas na hampas ng espada at pwersa ng liwanag ang pinawalan ni Dastan patungo sa mga kapatid niya.

Ngunit inasahan na iyon ng limang prinsipe na sabay-sabay inilabas ang mga kapangyarihan, hindi lang upang protektahan ang kanilang sarili kundi pati na rin ang puno ng kanilang hari.

"Ano ang mangyayari sa mundong ito kung ang isa sa inyo ay mawala?!" malakas na sabi ni Zen. "Anong delubyo ang iiwan n'yo sa amin kung kayo mismong dalawa ang magpapatayan?!"

Kumuyom ang mga kamao ko. "Ano ang gusto n'yong mangyari? Papatayin ko ang sarili kong anak?!"

Kung kay Dastan nagmula ang unang atake, sa pagkakataong ito ay ako naman ang umatake sa magkakapatid na Gazellian. Ngunit tulad ng una'y nagawa nilang pagtagumpayan harangan ang kapangyarihan ko.

Nang muling sinubukan ni Dastan sirain ang harang na ginawa ni Zen, wala nang pinagpilian ang prinsipe ng mga nyebe at bumaba na siya sa malaking pader na siyang ginawa niya.

"Cover me!" sigaw niya sa mga kapatid na nasa likuran niya.

Dahil hindi inaasahan ni Dastan ang biglang pagtalon ni Zen patungo sa kanya, hindi niya na nagawang iwasan ang malakas na suntok na tumama sa kanyang mukha.

Tumilapon ang katawan ni Dastan dahil sa matinding pwersa, bumaba na rin si Caleb at dinaluhan ang katawan ng kanilang hari, akala ko'y upang tumulong ngunit isang malakas na suntok pa ang pinakawalan niya dahilan kung bakit tila nabitak ang lupa.

"What the hell? Personal na yata iyan, Caleb!" sigaw ni Lily.

"Gasgas lang 'to!" sigaw pabalik ni Caleb bago siya tumalon papalayo sa posisyon niya nang umatakeng muli si Dastan.

Isang malakas na kidlat ang tumama kay Dastan nang akma siyang titindig. Habang akong natulala na sa mga nangyayari.

Hindi ba't kanina'y hindi man lang makasuway ang mga kapatid niya sa kanyang utos?

Nakarinig ako ng sipol sa tagiliran ko. "Lily, may lihim na galit ba ang mga kapatid mong iyan kay Dastan? Dapat pinaputol n'yo na lang ang puno. Parang pinapatay na rin..." natatawang sabi ni Tobias.

"What's going on?" tanong ni Adam.

Hindi na ako nakakilos habang pinapanuod ko sina Caleb, Zen, Finn, Evan at Casper na halinhinan sa pag-atake kay Dastan.

"Hindi pa ba sila titigil?" tanong ni Harper.

Nang sandaling masiguro na nina ng limang prinsipe na hindi na makakalaban sa kanila si Dastan at magagawang makalapit sa puno na ang ugat ay nagsisimula na namang lumapit sa akin, marahas na nilang hinila si Dastan malapit kina Lily at Harper.

Pansin ko na tipid na nagpahid ng luha sina Kalla at Claret habang si Naha ay humahagulhol pa rin.

Hinayaan ng magkakapatid na Gazellian na nanghihinang nakahiga sa lupa si Dastan habang umuubo ng sariling dugo. Sina Lily, Harper, Zen, Finn, Caleb, Evan at Casper ay gumawa ng sariling bilog.

Silang magkakapatid habang nasa gitna si Dastan. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita kong halos ipagdikit nila ang kanilang mga ulo habang nakayuko.

Si Lily ang siyang namuno sa kanila.

"Maghihiwa-hiwalay muna tayo mga kapatid, ha? Sandali lamang ito... dalawang grupo para sa hari't reyna..."

Nakita kong sabay-sabay silang tumango sa sinabi ng sinusunod nilang prinsesa.

"Ito ang digmaang tutuldok sa lahat... sa lahat lahat..." nang sandaling pumiyok ang boses ni Lily sa gitna ng magkakapatid, hindi na napigil nila Kalla at Claret ang kanilang emosyon.

"We need Dastan... we need Leticia... silang dalawa. At gagawin nating pito ang lahat para sa kanila mapunta ang trono. Hindi para sa pangalan natin o sa susunod nating salinlahi... kundi sa Nemetio Spiran... sa kaayusan ng mundong ito..."

"Walang malalagas. Babalik tayo sa palasyong itong walo. Mangako kayo." Muling tumango ng sabay-sabay ang magkakapatid na Gazellian sa sinabi ni Lily.

"Let's see each other in the war." Pagtatapos ni Zen.

Nang sandaling naghiwa-hiwalay ang magkakapatid na Gazellian, nabuo ang dalawang grupo.

Sina Caleb, Harper, Kalla, Claret at Zen ay mabilis na nagtungo sa akin. Si Caleb ay agad akong binuhat kasabay nang pasipol niya, dahilan kung bakit may lumipad na malaking ibon na siyang sabay-sabay nilang tinalunan upang ilipad kami papalayo sa palasyo.

Sa palasyong unti-unting nahuhubaran ng totoong kaanyuan. May sunog, usok, mga kawal na nakikipaglaban at ingay ng mga espadang nagtamama. Mga ingay mula sa karahasan.

"Finn's illusion is fading..." usal ni Claret.

"The whole empire is in chaos, Leticia. Kailangan na nating magmadali." Nanghihinang sabi ni Kalla.

Wala sa sarili akong napahawak sa aking tiyan. Marahang hinawakan ni Claret ang kamay kong iyon.

"I will try my best to protect you both."

Ang kaninang pinipigilan kong luha'y lumabas na. "Bakit ngayon lang? Bakit ngayon n'yo lang ako tinutulungan? Hirap na hirap na ako..."

"Believe us, we tried... papatay kami para lang tulungan ka. But our King... he's weaker than you... his pain could have killed him, na kaming magkakapatid ay hindi na magawang tanggalin ang mga mata sa kanya..." mahinang sabi ni Zen.

"Maraming naganap sa palasyo..." dagdag ni Harper.

"And letting you travel behind the shadows, without any traces from us might keep you safe... malaki ang tiwala ng mga Gazellian kay Rosh." Ani ni Caleb.

"But we're all desperate now, Leticia. Gazellians are now fighting desperately." Sina Zen at Claret ay kapwa hinawakan ang mga kamay ko.

Sina Harper, Caleb, Kalla at Claret ay kapwa tumango rin sa huling sinabi ni Zen. 

"We'll die fighting for your throne. Kaming mga Gazellian."

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 95.9K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
4.7M 102K 32
Kingdom University Series, spinoff || Mahirap turuan ang puso na magmahal, lalo na kung sa simula ay wala ka namang feelings para sa kanya.
4.9M 341K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...
62.8K 1.3K 36
Luch - a free spirited young chef in a foreign land who's struggling to find acceptance, love and happiness was bound to make a change in her life. S...