Moonlight War (Gazellian Seri...

By VentreCanard

4.9M 342K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... More

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 41

64K 5.5K 985
By VentreCanard

Chapter 41

Ikalawang bugtong

Hindi na kami nag-aksaya ng oras sa ilalim ng karagatan, matapos kong angkinin ang ikalawang relikya ay agad na kaming bumalik sa pangpang.

Liwanag na ng umaga ang siyang sumalubong sa amin.

Tanging ako na lamang at si Divina ang siyang malapit sa dagat, sina Nikos, Hua, Rosh at Lucas ay kapwa na nakahanda sa tabi ng aming karwahe.

Ang aking mga paa'y nakayakap na sa mga buhangin habang si Divina ay tila ayaw humiwalay sa mga sirena. Hindi mawala ang paghanga ko sa munting bata at sa mabilis niyang pagkakalapit sa bawat nilalang na aming nakakasalubong sa paglalakbay na ito.

"I know that the time will come that you'll grow like your mother, even better." Ani ng kasalukuyang reyna ng mga sirena kay Divina, Reyna Almera.

Bata pa man si Divina ay nakikitaan ko na siya ng ganoong ugali, karakter na hinahangan ng lahat sa kanyang ina.

Ngumiti si Divina at pilit yumakap sa kanya, hindi alintana ang pagkabasa ng kanyang kasuotan.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa sirenang siyang tagabantay ng ikalawang relikya.

Kapwa sila nakadapa ni Reyna Almera sa mababang parte ng dagat habang ang kanilang mga buntot ay sumasabay sa alon ng tubig.

"Sana'y magtagumpay ka sa 'yong paglalakbay, Leticia..."

"Maraming salamat..."

Lumingon muli ako kay Divina upang kuhanin na ang kanyang atensyon nang bigla kong maalala ang siyang katanungan ko.

"Hindi ko pa nalalaman ang iyong pangalan."

"Rohana..."

Ngumiti ako sa kanya at tipid na tumango. "Isang karangalan ang personal na makilala ang isa sa babaeng kinilala ni Haring Thaddeus bilang nararapat na umupo sa makasaysayang pitong trono."

Mapait siyang ngumiti sa akin.

"Divina..." tawag ko sa munting prinsesa.

"Coming!"

Nakita ko siyang muling yumakap sa sirenang isa sa naging matalik na kaibigan ni Claret, bago siya nagsimulang tumakbo patungo sa akin.

Ilalahad ko na sana ang aking kamay nang pilit lumabas sa isipan ko ang katanungang iyon...

"R-Rohana, ikaw ba'y isa sa mga babaeng nabihag ng hari?"

Hindi ko alam kung bakit nagpumilit lumabas ang katanungang iyon, kung tutuusin ay hindi na iyon mahalaga sa aming paglalakbay, ngunit tila may bumubulong sa akin na alamin ang bagay na iyon.

Sinalubong niya ang aking mga mata at tipid siyang ngumiti, inakala kong may dala pa ring pait iyon, ngunit maaliwalas ang ngiting iyon, magaan at masarap pagmasdan.

"Makisig siya, matalino at mabulaklak ang pananalita, ngunit sinuwerte akong hindi nahulog sa kamandag ng hari, may iniibig na ako bago ko siya nakilala."

Galak ang siyang unang naramdaman ko nang marinig iyon sa kanya, galak sa kaalamang hindi siya natulad sa kinahinatnan ng puso ni Ressa, ang puting lobo.

Ang paghawak ni Divina sa aking kamay ang nag-alis ng titig ko sa sirena. "Let's go?"

Tumango ako. "Maraming salamat muli..."

Tatalikod na sana kami ni Divina nang magbigay ng huling mensahe si Rohana.

"Lagi mong tatandaan na ang mga sirena at ang bawat nilalang na nabubuhay sa ilalim ng karagatan ay mananatiling tapat sa 'yo at sa lahat ng pinaglalaban mo, Leticia. Ang karagatan ay hindi lamang nasa likuran mo... nasa paligid, nagkalat at nagmamasid... at naghihintay ng iyong hudyat."

Kumirot ang dibdib ko nang marinig iyon.

"Maraming salamat..."

Nang sandaling tipid akong yumuko, ganoon din ang siyang ginawa ni Divina.

Hindi na muling sumagot ang dalawang sirena dahil sabay na silang sumukbo sa dagat at ang tanging iniwan sa amin ay malalakas na hampas ng mga alon.

Ang pagkaway sa amin nina Hua at Nikos ang nagbalik sa aking atensyon. Lumingon ako kay Divina na nakahawak pa rin sa aking kamay at nakatanaw sa dagat.

"Bibisita tayo sa kanila, Divina. Pagkatapos ng lahat ng ito. Ipinapangako ko."

"I will ask Mama and Papa too!"

Si Divina na mismo ang humila sa akin pabalik sa karwahe. Naroon at naghihintay na ang aming mga kasamahan na hindi mawala ang ngiti sa mga labi.

"Nasaan si Iris?"

"Nasa loob na, abala sa kanyang mapa..." sagot ni Lucas.

Hinintay nila muna kami ni Divina na makasakay sa karwahe bago sumunod sina Lucas at Rosh na hanggang ngayon ay limitado pa rin ang mga salita sa isa't isa.

Nang makaupo na kaming lahat ay nagsimula na rin tumakbo ang aming karwahe.

"Ang sunod na relikya ay kina Finn at Kalla, hindi ba?" tanong ni Rosh.

Tumango ako.

Muli siyang naglaro ng pulang rosas habang nakasandal at nakakrus ang mga hita, si Lucas ay nakatingin sa labas ng bintana, Iris na hindi maabala sa kanyang mapa at si Divina na nakatitig na naman kay Rosh.

"Bakit hindi pa lumalabas ang sunod na punyal?" tanong ulit ni Rosh.

Iyon din ang aking katanungan. Ang relikya nina Lily at Adam ay itinuro ng punyal na pumasok sa aking katawan na nagmula sa ritwal na aking isinagawa, ngunit bakit ngayon ay tila wala pa akong nararamdaman ng presensiya ng sunod na punyal?

Ang punyal na iyon ay may dalang bugtong.

"Siguro ay kailangan din natin maghintay ng saglit?" sagot ko.

"Kung sabagay..." sumandal muli si Rosh sa kanyang upuan.

"When are you going to give me flowers, Prince Rosh?" biglang tanong ni Divina.

Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang masasaksihan na naman namin ang walang katapusang pangungulit ni Divina kay Rosh sa susunod na paglalakbay na ito.

Kay Iris ko na lamang ibinigay ang aking atensyon, kanina pa siyang tahimik na tila ay bumabagabag sa kanya.

Tapos na kami sa mga lobo at mga sirena, anong nilalang naman kaya ang siyang sasalubong sa amin?

"Iris, may maitutulong ba ako?"

Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "May hindi ipabasa ang mapa, Mahal na Diyosa ng Buwan... tila may hinihintay..."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ito ang mahirap sa palaisipan ng paglalakbay na ito, hindi ito nag-uulit na kasagutan at paraan upang malaman ang susunod na hakbang.

Laging may bago... mas lalong nagiging komplikado.

"Ngayong napagdaanan na ng paglalakbay na ito ang dalawang klase ng nilalang mula sa pitong trono, lima na lang ang natitirang siyang ating dapat pagdaanan." Napatango ako sa sinabi ni Iris.

"Ang mga Diwata, anghel, demonyo, babaylan at bampira..." napaisip ako kung sino pa bukod kay Danna ang bampirang napili ni Haring Thaddeus.

Gusto kong buksan ang usaping iyon kay Iris, ngunit nangangamba akong baka marinig iyon ni Divina.

Habang nag-uusap kami ni Iris, pansin ko na ang kalahati ng atensyon ni Rosh ay nasa amin.

Tipid siyang tumikhim. "Do you want to go outside, Divina?"

Suminghap si Divina at hinawakan niya ang kanyang magkabilang pisngi.

"Is it a date?!"

Kumunot ang noo ni Rosh. "What is a date—" saglit siyang umiling. "Alright. Yes. It is a date." Ani niya kahit hindi niya naiintindihan ang salitang iyon.

Ibinuka niya na ang kanyang mga braso kay Divina at binuhat na niya ang munting prinsesa.

"Stop giggling, Divina..."

"But you asked me a date, Prince Rosh. You're just shy because of Uncle Caleb? It's okay. He's not against us."

Ngumiwi si Rosh sa sinabi ni Divina. Hinuli niya ang mga mata ko, hindi na namin kailangang magpalitan ng mga salita ni Rosh dahil sa tagal na paglalakbay namin, natuto na kaming intindihin ang sitwasyon at iniisip ng isa.

Dahil siguro marami kaming pagkakapareho ni Rosh... si Rosh ay Prinsipeng sinasamba ng kalikasan at ako'y diyosang nabuhay na pinakikinggan ay kalikasan.

Naiintindihan namin ang isa't isa.

"Salamat, Rosh..."

"Anytime."

Nang tumalon na siya sa karwahe habang buhat si Divina saka lamang nagsalita si Lucas habang nakakrus ang mga braso at hita.

"He's really good at it..."

Ngumiti ako kay Lucas.

Ngayong wala na si Divina at malaya na naming mapag-uusapan si Haring Thaddeus at ang kanyang mga bugtong, nagsimula na akong ilahad kina Iris at Lucas ang aking iniisip.

"Tapos na tayo sa mga lobo at mga sirena..." panimula ko.

Nang dumating ako sa lupa, ang tanging naabot lamang ng aking kaalaman ay ang mga lobo at mga bampira, ngunit hanggang sa pagkakataong ito'y blangko pa rin ako sa ibang nilalang.

Sa pinakamaiksi at simpleng paraan ay ipinaliwanag ko kina Iris at Lucas ang naunang plano ni Haring Thaddeus at ang paraan niya sa tulong ng mga kababaihan.

"They are not just ordinary girls... lahat sila makapangyarihan at matatalino. At nagawa niya silang lahat kumbinsihin... damn amazing." Naiiling na sabi ni Lucas.

"Ang isa pa sa nakahahanga ay nagawa niya silang pagbuklud-buklurin... simula nang masira ang pitong trono, hindi na naging maganda ang samahan ng bawat mga lahi. But King Thaddeus made it possible, those women had different beliefs, ways of ruling, and justifications... na kahit sa panahong ito na ilang daang taon na ang lumipas, hawak pa rin nila ang mga relikya at pilit pa rin nilang iyong pinangangalagaan." Mahabang sabi ni Iris.

"But are you ready to face the other creatures? Sa mga lobo'y may matindi ka nang koneksyon. Ang mga sirena'y malumanay at naghihintay lamang, ngunit hindi natin maaaring alisin sa kaalamang hindi lahat pare-pareho... paano kung ang natitirang nilalang ay iba na ang pinaniniwalaan?" tanong ni Lucas.

Iyon din ang nasa isip ko.

"Isa pa rin sa iniisp ko'y ang bampirang may hawak ng isa pang relikya... sa nakaraan ay tanging si Danna lamang ang nakikita kong bampira..."

Natahimik sina Iris at Lucas sa sinabi ko. Ibig sabihin ay hindi lang si Danna ang nag-iisang bampirang may alam ng mga plano ng hari noon?

Huminga ako nang malalim. Kung nais kong maging reyna at mamuno sa lahat, dapat ay marunong akong tumingin sa lahat ng direksyon at sitwasyon.

Hindi lang sa mga lobo, bampira o kaya'y mga sirena. Ang dating mithiin ni Haring Thaddeus na pagbuklurin ang lahat ay hindi natuloy dahil sa pag-ibig, at ipinapangako kong hinding-hindi na iyon muling mangyayari.

"Katulad ni Haring Thaddeus, kailangan kong hulihin ang loob ng mga tagapangalaga, ngunit sa pagkakataong ito'y ang pangakong ihahandog ko sa kanila'y hindi maglalaho, kung anuman ang pinaniniwalaan nila ngayon, pakikinggan ko at bibigyan ng puwang upang intindihan, ngunit sisikapin ko pa rin silang kumbinsihin sa siyang mithiin ko..."

Sabay tumango sina Lucas at Iris sa akin.

"Mamamatay akong ipinaglalaban ang kabuuan ng Nemetio Spiran... at kung anumang kapangyarihan ang mayroon ang kwebang iyon, sisiguraduhin kong mga kamay ko ang aangkin doon. Wala nang iba..." hinawakan kong sabay ang mga kamay nina Iris at Lucas.

"Kayong dalawa ang siyang pinaka pagkakatiwalaan ko sa lahi ng mga lobo..."

Sabay nagningas ng ginto ang kanilang mga mata sa akin.

"Ang aming katapatan ay para sa 'yo lamang, Mahal na Diyosa ng Buwan."

Sina Nikos at Rosh ay ibinigay na rin sa akin ang kanilang mga katapatan, si Hua ay ilang beses nang ipinakita sa akin na maging ang buhay niya'y handang ihandog sa akin, ang mga lobo'y sumumpa na rin at maging ang mga sirena.

Ang paglalakbay na ito'y hindi lang lumulutas ng walang katapusang bugtong, kundi katatagan para sa akin at sa tronong pilit kong binubuo.

Sa tronong wala sa tuktok habang nasa ibaba ang bawat nilalang, kundi tronong nakahilera sa iba't ibang uri ng upuan na nararapat lang sa bawat nilalang. Hindi lang sa pitong pangunahing nilalang ng mundong ito, maging sa maliliit na nilalang.

Muli akong sumulyap sa mapa. Bukod sa pitong trono'y kanina ko pang iniisip ang siyang paraan upang magkaroon ng koneksyon ang punyal sa aking katawan at ang mapa.

Ngayong tapos na kaming pag-usapan si Haring Thaddeus at ang koneksyon nila sa ibang nilalang, tinawag na namin ang atensyon ni Rosh.

"Done?" tanong ni Rosh.

Si Divina ay nanatiling nasa braso niya at mukhang natutuwa sa pulang rosas na hawak niya.

Tumango ako.

"Do you need help? May nakuha na ba kayo?" tanong ulit ni Rosh.

Tumalon na si Divina mula sa braso niya habang patuloy na nilalaro ang pulang rosas. "Divina will help too!"

Lumapit siya sa amin ni Iris habang dala iyong rosas na inagaw niya kay Rosh, dumungaw siya sa mapa at ilang beses siyang tumango-tango na tila may naiintindihan siya roon.

"Sutil..." pinisil ni Rosh ang tungki ng ilong ni Divina.

"I am not sutil nga, Prince Rosh!"

Nang sandaling humarap si Divina kay Rosh, hindi niya sinasadyang napahawak sa mapa, dahilan kung bakit lahat kami ay nagulat.

Biglang nagliwanag ang mapa, ang mga mata ni Divina ay nagkulay ginto at naramdaman ko ang pamilyar na init sa aking katawan.

"The second dagger..." usal ni Rosh.

Mabilis inalalayan ni Rosh si Divina, si Iris ay hindi tinanggal ang mga kamay sa nagliliwanag na mapa at buong atensyon kong pinagmasdan ang lumalabas na punyal mula sa dibdib ko.

Sa ibabaw ng mapa'y ang munting mga kamay ni Divina ang umabot sa hawakan ng punyal. Malalim akong napahugot ng hininga.

Ang buong atensyon namin ay na kay Divina na at sa kanyang mga katagang sasabihin.

Mga aninong nakaguhit, sa kisap mata'y tila imahe'y dalawa

Landas na nagsimula sa linaw, sa katapusa'y itim na dala'y hapdi

Mata at puso'y magkasalungat sa likod ng itim na mga ulap

Hiningang naupos kasabay ng pag-ibig na naudlot...

Continue Reading

You'll Also Like

56.3K 2.8K 5
Alina is a shy and quiet girl who is in love with Samuel, her high school classmate but doesn't have the courage to confess her feelings to him becau...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
496 81 13
To all people who's suffering in a failed relationship, to those who want to exert revenge, and to those who's having a hard time forgiving the one y...
46.5K 2.3K 66
It's amazing how you can hide so many emotions behind a smile. ~~ Book cover was made by mintexprezz in their Milky Graphics Shop. Thank you!