Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮

By Exrineance

165K 7.6K 6.9K

•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliM... More

꧁ ρгơƖơɠơ | ʂɬąг ƈгơʂʂєɖ
꧁ ąгƈ ı | ıʄ ʂɧє ɬųгŋʂ ıŋɬơ ą Ɩıє
꧁ ı | ųŋơ
꧁ ıı | ɖơʂ
꧁ ııı | ɬгєʂ
꧁ ıѵ | ƈųąɬгơ
꧁ ѵ | ƈıŋƈơ
꧁ ѵı | ʂєıʂ
꧁ ѵıı | ʂıєɬє
꧁ ѵııı | ơƈɧơ
꧁ ıҳ | ŋųєʋє
꧁ ҳ | ɖıєʑ
꧁ ҳı | ơŋƈє
꧁ ҳıı | ɖơƈє
꧁ ҳııı | ɬгєƈє
꧁ ҳıѵ | ƈąɬơгƈє
꧁ ҳѵ | զųıŋƈє
꧁ ҳѵı | ɖıєƈıʂєıʂ
꧁ ҳѵıı | ɖıєƈıʂıєɬє
꧁ ҳѵııı | ɖıєƈıơƈɧơ
꧁ ҳıҳ | ɖıєƈıŋųєʋє
꧁ ҳҳ | ʋıєŋɬє
꧁ ҳҳı | ʋıєŋɬıųŋơ
꧁ ҳҳıı | ʋıєŋɬıɖơʂ
꧁ ҳҳııı | ʋıєŋɬıɬгєʂ
꧁ ҳҳıѵ | ʋıєŋɬıƈųąɬгơ
꧁ ҳҳѵ | ʋıєŋɬıƈıŋƈơ
꧁ ҳҳѵı | ʋıєŋɬıʂєıʂ
꧁ ҳҳѵıı | ʋıєŋɬıʂıєɬє
꧁ ҳҳѵııı | ʋıєŋɬıơƈɧơ
꧁ ҳҳıҳ | ʋıєŋɬıŋųєʋє
꧁ ҳҳҳ | ɬгєıŋɬą
꧁ αяƈ ıı | нσω нє вєƈσмєѕ тнє тяυтн
꧁ ҳҳҳıı | тяєιηтα у ᴅσѕ
꧁ ɢʟᴏꜱᴀɾɪᴏ | ɢʟᴏꜱꜱᴀɾʏ

꧁ ҳҳҳı | ɬгєıŋɬą ყ ųŋơ

1.9K 91 9
By Exrineance

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

"Binibini?" hindi ko na natuloy ang aking sinasabi dahil may tumawag sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata nang ako ay matauhan.

Lumukso ang tibok ng puso ko sa pag-aakalang si Ibarra ang tumawag sa akin. Ngunit agad akong nakahinga ng maluwag nang makalingon at makita si Albino na nakapiling ang ulo na parang nagtataka.

"Binibini," muling tawag niya sa akin.

"Huh?" ang nasabi ko na lamang.

Naghahanap pa ako ng masasabi dahil hindi ko na naman maipaliwanag ang lumabas sa aking bibig.

Makailang beses nang nangyayari sa akin ito. Ang mga imahe sa isipan ko na bigla-biglang lumilitaw at tila ba isang alaala na noon lamang nanumbalik sa akin. Mga tinig na akin lang nahihimigan ngunit hindi ko mawari kung saan nagmumula. Ang poot, lungkot, pangungulila at pagkabahala na agad ko na lamang nararamdaman.

Hindi ko alam kung sinasapian na ba ako ng kaluluwa na siyang nagmamay-ari ng mga iyon, o may nagbabago na talaga sa aking pagkatao.

Hindi ko alam.

"Ano ang ginawa mo sa aking ama?!" ang muling tanong ni Ibarra na agad nagpabalik ng aking atensyon sa kanila.

Nawala ang aking iniisip dahil nanumbalik ako sa kasalukuyang nangyayari. Nagkasalubong nga pala sina Ibarra at Padre Salvi. At dahil sa nalaman ni Ibarra kanina, natitiyak kong wala siya sa matinong pag-iisip ngayon.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya sa prayle. Alam kong alam niya kung ano ang bunga nang panghahamak ng isang tao sa alagad ng simbahan. Nababahala ako na baka makagawa si Ibarra na magiging sanhi ng pagka-eskomulgado niya.

Ako ay humakbang upang pigilan si Ibarra, ngunit agad na humarang sa aking harapan si Albino.

"Albino, tumab-"

"Binibini, ang hilahil ni Don Crisostomo ay sa kanya upang aregluhin. Hindi n'yo po kailangan manghimasok," walang pag-aalinlangan sabi ni Albino sa akin.

Hilahil : Trouble

Natahimik ako sa kanyang sinabi. Gusto kong sumabat ngunit walang salita ang namumuo sa aking isipan. Hindi ko tuloy mapigilang samaan ng tingin si Albino. Nahimasmasan ako't bumaling na lang sa kinaroroonan nina Ibarra at Padre Salvi.

Ang prayle, na unti-unting nahutok ang katawan dahil sa lakas ng kamay na dumiriin sa kanya, ay nagpumilit na sumagot nang, "Kayo'y nagkakamali. Ako ay walang anumang ginawa sa inyong ama!"

Dahil nakalalamang sa tikas ng pangangatawan si Ibarra ay hindi magawang manlaban o magpumiglas si Padre Salvi. Ang abito niya ay nasasayad na sa lupa at narurungisan ng mga alikabok at lupa.

"Anong wala?" ang patuloy ni ibarra at ipinagdiinan niya ang kausap hanggang sa lubusang mapaluhod ang prayle.

Tila nilalamon ng anino ni Ibarra si Padre Salvi. Napahawak na lamang ng mahigpit ang prayle sa kanyang suot-suot na rosaryo. Kung titignan ay hindi mapagkakaila na tila hinaharas ni Ibarra ang walang kalaban-laban na si Padre Salvi.

Ni hindi man lamang magawang pigilan ng matandang utusan na kasama ni Ibarra na pigilan siya. Patuloy itong parito't paroon sa dalawa at hindi malaman kung sino ang ilalayo kanino.

"Hindi po ako. Natitiyak ko sa inyo ang bagay na ito! Kung hindi ang aking hinalinhan, si Padre Damaso-" ani Padre Salvi habang nakapikit at nakatingala sa langit.

"A!" ang nasambit ng binata sabay bitaw sa padre at saka nagtampal sa kanyang sariling noo.

May kumurot na naman sa aking puso nang makita ang reaksyon ni Ibarra sa sinabi ni Padre Salvi.

Hindi ko na napigilan ang sarili at puwersahang hinawi si Albino upang makalapit ako kay Ibarra. Narinig ko ang nagbababalang tono ng boses niya ngunit dumire-diretso lamang ako. Nang apat na hakbang na lamang ang nalalabi sa pagitan namin ni Ibarra ay huminga ako ng malalim.

Si Padre Salvi at ang matandang utusan ay napatingin sa akin. Ngunit nanatiling nasa sariling kalungkutan si Ibarra at tila hindi ako nababatid.

Pagkakita ni Padre Salvi sa akin ay hindi nakalagpas ang dagliang pagtalim ng kanyang mga mata. Agad iyong nawala dahil nilapitan na siya sa wakas ng matandang utusan upang tulungang makatayo.

"Binibining Miras-"

"Don Crisostomo, ang pagkikita natin ngayon ay lubos kong ikinatutuwa," agad kong pagputol sa sasabihin ni Padre Salvi.

Upang maalis ang anumang bahid ng tensyon sa paligid ay hindi ko na hinayaang magsalita pa ang prayle. Nang alisin ni Ibarra ang kanyang kamay sa noo at tumingin sa akin, ako ay marahang ngumiti nang hindi binibitawan ang kanyang paningin.

"A! Magandang hapon po sa inyo, Padre Salvi," pagkukunwari ko matapos bumaling sa wakas kay Padre Salvi, "Nakakaistorbo ba ako sa inyo? Wari'y may masinsinan kayong pinag-uusapan."

Wala agad akong natanggap na kasagutan mula sa tatlong naririto. Si Padre Salvi ay patingin-tingin lamang sa akin at tila may nais sabihin na hindi niya masabi-sabi. Ang matandang utusan ay pumapagitna naman kina Ibarra at Padre Salvi. At si Ibarra ay nakatanaw sa malayo na tila pinakakalma ang sarili.

"Magandang hapon po sa inyo, Reverencia," ang magalang na pagbati ni Albino kay Padre Salvi bago bumaling sa iba pa naming kasama, "At sa inyo, mga ginoo."

Sa pagbati ni Albino ay saka lamang tuluyang nahimasmasan si Ibarra. Umayos siya ng tindig habang itinutuwid ang nalukot na manggas ng kanyang amerikana. Matapos no'n ay pinilit niyang itinago ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagsukbit ng isang ngiti sa mukha niya.

"Buenas tardes, Binibining Mirasol," magalang na pagbati niya sa akin bago tinanguan si Albino.

"Magandang hapon sa iyo, binibini," agaran namang bati ni Padre Salvi.

Kung hindi ko nalalaman ang nangyari kanina ay aking iisipin na walang namamagitang tensyon sa pagitan nila. Kapwa nakangiti at hindi mababahiran ng alitan ang ilustrado't prayle na bumati sa amin.

"Bagamat nasisiyahan din ako sa ating pagkikita ay ipagpaumanhin mo, binibini. Ako ay lilisan na upang bumisita sa aking kinalakihang tahanan," pamamaalam ni Ibarra na nakatingin lamang sa akin at hindi lumilingon sa gawi ng prayle't ng matandang utusan.

Lihim na sumilay ako sa matandang tahanan na malapit sa amin. Hindi tulad ng naalaala ko kanina, wala na ang kinang at karangyaan ng haligi't pundasyon nito. Sa lago ng mga puno ay halos marating na nito ang mga bintana. Ang mga halaman at bulaklak sa aking alaala ay hindi ko na namamalas ngayon sa matandang tahanan. Bagkus ay napalitan ng mga nanlaglag na tuyong dahon sa lupa.

"G-Ginoo!" dahil nagsimula na siyang tumalikod at umalis ay wala sa sariling napalakas ang aking tawag kay Ibarra.

"Don Crisostomo, maaari ba akong bumisita sa iyong tahanan?" pagpapatuloy ko sa aking ibig sabihin.

"Binibini! Hindi nararapat na pumanhik ka sa bahay ng isang ginoo kung hindi mo siya katipan," pabulong na babala sa akin ni Albino.

Saglit ko siyang nilingon at ngumiti upang iparating na hindi magbabago ang aking tinuran. Matapos nito ay humakbang ako ng isang beses palapit kay Ibarra na siya namang natigilan at nagtatakang nakatingin sa akin.

"Binibini, hindi ko pahihintulutan ang iyong kagustuhan," buong tutol ni Ibarra.

"Ako sana ay iyong pagbigyan na masilayan ang tahanang ito," tumigil ako upang saglit na lumingon sa bahay na malapit sa amin, "Wala namang masama sapagkat hindi naman tayo mag-iisa, hindi ba, Albino?"

Nang bumaling ako sa aking kasama ay wala siyang nagawa kung hindi sumang-ayon kahit napipilitan. Alam ko na para sa aking kabutihan ang ninanais ni Albino ngunit nalalaman din niya na hindi ako madaling makumbinsi na bawiin ang aking mga desisyon.

Hindi naman makasagot si Ibarra dahil mukhang tinitimbang pa niya ang mainam na sasabihin upang tanggihan muli ako. Ngunit hindi na siya nakapagsalita nang si Albino na mismo ang nagsabi sa kanya ng patunay.

Sa huli'y pumayag na rin si Ibarra na samahan namin siya sa matandang tahanan. Bumaling siya't nilapitan ang matandang utusan. Doon ay may ibinulong siya saglit bago kami inanyayahang lumisan. Kapansin-pansin ang hindi niya pagpansin kay Padre Salvi.

Mabilis naman akong yumuko't nagpaalam sa prayle at hindi na hinintay ang kanyang itutugon.

Habang papalapit kami sa matandang tahanan ay lalo akong kinakabahan. Ang totoo niyan ay gusto kong makita ang loob ng tahanan upang pabulaanan ang aking nakita sa alaala kanina. Kapag napatunayan kong taliwas ang itsura nito sa aking alaala, baka sakaling paniwalaan ko ang aking sarili na guni-guni lamang ang alaalang iyon.

"Don Crisostomo, may hindi ba kayo pagkakaunawaan ni Padre Salvi?" sinubukan kong buksan ang paksa kay Ibarra.

Hindi agad siya sumagot dahil narating na namin ang mataas na tarangkahan ng matandang tahanan. Ang katawan nito ay gawa sa pahabang kahoy at ang haligi naman ay gawa sa bakal. Nababalutan ng rehas na tanso ang kandado na kanya namang binubuksan.

"Hindi lamang kami nagkaintindihan. Ito ay maliit na bagay na lilipas din sa muling paglubog ng araw," ang malabong paliwanag ni Ibarra.

Aking nabatid ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito kaya hindi ko na inungkat pa. Tahimik ko na lamang pinanood kung paano alisin ni Ibarra ang tansong rehas sa kandado ng tarangkahan. Ito ay kanyang hinayaang mahulog sa lupa bago itinabi gamit ang kanyang paa.

"Maligayang pagdating sa aking munting tahanan, binibini," aniya matapos bumaling sa akin.

Nakangiti akong tumango at nagpatiuna sa pagpasok. Subalit agad itong nawala sa aking nasilayan. Bumungad sa akin ang makapal na alpombra ng mga tuyong dahon mula sa puno ng ilang-ilang. Ang punong iyon ay kawangis nang sa aking alaala ngunit hindi tulad do'n, ang nasa harapan ko'y mukhang napabayaan na. Ang dilambaka na noo'y berdeng berde at may mga bulaklak pa nga ay nangatuyo na't nabibilang na lamang sa iisang kamay ang masasabing mabubuhay pa.

Nanlalaking mata na lumingon ako sa dako kung nasaan ang bintana ayon sa aking naalaala. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ro'n ang aking hinahanap. Ang bintana na may mga puntas ng kurtina noon ay pawang mga nakasarado't nababakasan na ng alikabok. Wala na rin ang mga halaman na naliligid sa tahanan. Tanging mga paso at malalaking gusi na lamang na may mga tuyong lupa ang makikita.

"Kay tagal na mula nang ako'y mapadpad sa tahanang ito..." ang narinig kong bulong ni Ibarra nang siya ay makalapit sa amin ni Albino.

Hindi ko pinansin ang aking narinig dahil napupuno ako ng samu't saring emosyon. Ang mga naalala ko kanina at ang aking natutunghayan sa pagkakataong ito ay hindi ko na mapagkakaila. Bawat madadaanan ng mga mata ko ay tumatatak sa aking isipan.

"Binibini," saka lamang ako natigilan nang tinawag ako ni Albino.

Nang lumingon ako'y nakahinto na pala sina Albino at Ibarra sa entrada ng bahay. Palihim akong huminga ng malalim upang ayusin ang sarili bago ko sila lapitan. Nagpaalam si Albino na mananatili na lamang sa bakuran kaya kami na lang ni Ibarra ang pumasok sa bahay.

Gawa sa bato ang unang palapag ng matandang tahanan. Ang mga muwebles at kasangkapan na naroroon ay nakataklob ng puting tela. Kung ang aming bahay-tuluyan at ang tahanan ni Kapitan Tiyago ay nakikitaan ng mga kuwadro, dito sa matandang tahanan ay kapansin-pansin ang iba't ibang hugis at laki ng salamin na nakasabit sa dingding.

Sa pagiging abala sa pagkamangha ay saka ko lamang napagtanto na pinagmamasdan ako ni Ibarra. Mula sa repleksyon namin sa salamin ay do'n ko nakita si Ibarra na nakatingin sa akin. Nilingon ko siya't pinagtaasan ng dalawang kilay bilang pagtatanong.

"Mahilig ang aking abuelo mangolekta ng mga salamin mula sa iba't ibang lupain. Ito'y naipamana sa aking ina na siya namang sumunod na nangalaga sa mga ito," paliwanag ni Ibarra na nakuha ang ibig kong itanong.

Abuelo : Grandpa

Nilibot namin ang unang palapag ng matandang tahanan. Mula sa salas hanggang sa kusina't bakuran, maging ang ikalawang palapag kung nasaan ang mga silid-tulugan at ang munti nilang silid-aklatan. Bagamat nagagayakan ng mga palamuting tila ang mga mararangya lamang ang nakakabili, ang mga ito naman ay ikinukubli ng mga puting tela at nababalutan ng makapal na alikabok.

"Disculpe, señorita, pero como pueden ver, no puedo entretenerlos bien," paumanhin ni Ibarra nang makababa kami sa hagdan. (Forgive me, miss, but as you can see, I cannot entertain you well.)

Nauunawaan ko kung bakit niya ito nasabi. Inaakala siguro ni Ibarra na ako'y sumama sa kanya upang maglibang sa kanyang tahanan. Kaya't nang matapos akong ilibot ay parang ibig na niya akong yumao upang makapagsimula na siyang maglinis.

Hindi ako nakatugon sapagkat ayaw ko pang lumisan. Palihim kong nilibot ang aking paningin. Naghahanap ng rason at palusot upang manatili pa sa mantandang tahanan.

Ngunit wala akong mahanap na katanggap-tanggap para kay Ibarra. Nahuli ko sa gilid ng aking paningin na lalakad na siya tungo sa pintuan upang pagbuksan ako. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi mabilis na magpunta sa kabilang dako ng pintuan.

"Hanggang dito na lamang kita maihaha..." ang narinig kong sabi ni Ibarra.

Hindi ko talaga alam kung saan ako paroroon subalit natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nasa kusina. Hindi ko masyadong napagmasdan ang lahat sapagkat may kabilisan ang paglibot namin kanina.

May mga iba't ibang laki at hugis ng palayok na nakapatong sa parihabang banggera sa gilid ng lababo. Nilapitan ko ito para lang sana tignan ang mga palayok. Dinaanan ko ng tingin ang karamihan dito ngunit napako ang aking mga mata sa isa sa mga palayok. Hindi ko nga namalayang nakaangat na pala ang aking kaliwang kamay upang alisin sana ang takip ng palayok, kung hindi lang may biglang tumawag sa akin.

"Ang itinanim ay siya ring aanihin. Ngunit paano magbubunga ang buto kung nauhaw ito sa tubig ng ilang taon?" matalinhagang tanong ni Ibarra.

Agad akong napatalikod dahil sa pagkabigla. Si Ibarra ay nasa likuran ko na pala. Nanlaki tuloy ang mata ko dahil dito. Subalit mukhang hindi niya ito napansin sapagkat nakatuon ang kanyang mata sa mga palayok na nasa banggera.

"Buto?" ulit ko sa sinabi niya.

Hindi sumagot si Ibarra bagkus ay lumapit sa banggera. Hindi niya inalintana kung mabahiran ng dumi ang mga daliri nang ito'y kanyang ihipo sa mga palayok. Dahan-dahan at marahan niya itong ginawa hanggang sa tumigil siya sa isa sa mga ito. Daglit na nanlaki ang aking mata dahil ang palayok na kanyang hinawakan ay ang palayok na ibig ko ring buksan.

"Mahilig ang aming familia uminom ng kape," maikling paliwanag ni Ibarra.

Kinuha niya ang palayok mula sa banggera at inilapag ito sa mesa na katapat nito. Nang buksan ni Ibarra ang takip ng palayok ay bumungad sa amin ang kakarampot na butil ng kape. Hindi tulad ng kape na ibig ko sanang bilhin para kay Juan Vicente sa pamilihang bayan, ang butil na ito ay halos itim na ang kulay at hindi ko na naaamoy ang aroma nito.

"No'ng ako ay bata pa, tinutulungan ko ang aking ama sa paggiling nito. Magigising akong nasa kalangitan pa ang buwan ngunit siya'y nasa bakuran na at abalang naggigiling. Sapagkat ako ay pinalaking matulungin, kahit pupungas-pungas ay papanaog na upang daluhan si ama sa kanyang ginagawa," pagsasalaysay pa ni Ibarra matapos kumuha ng isang butil ng kape mula sa palayok.

Ito ay tinitigan niya ng mabuti na para bang hindi mismo ang butil ang kanyang nakikita, kung hindi ang mga alaala niya kasama ang butil na yaon. Mukhang nababalot na naman si Ibarra ng lungkot dahil unti-unting kumukusot ang kanyang noo.

Mula sa kanyang mukha ay bumaba ang tingin ko sa hawak-hawak niyang butil. Nakakuha ako ng ideya upang pawiin ang kanyang lungkot. Kinuha ko mula sa kanyang palad ang butil at mabilis na tumalikod at nilisan ang kusina.

Narinig ko ang pagkabigla ni Ibarra sa aking ginawa base sa tono ng boses niya nang ako'y kanyang tawagin. Hindi ako huminto o tumugon man lang. Kahit nga hindi ko pa masyadong tanda ang pasikut-sikot sa matandang tahanan, natagpuan ko kaagad ang pintuan tungo sa harapan ng tahanan.

Sa aking paglabas ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Sumasayaw ang mga dahon ng ilang-ilang sa indayog ng hangin. At nang marinig ko ang mga yabag ng paa ni Ibarra ay tuluyan nang kumurba ang aking labi.

"Bagkus hindi pangkaraniwan ay hindi ko nalalaman na ika'y napakasugid sa maraming bagay," mahihimigan sa tinig ni Ibarra ang katuwaan.

"Bumabagabag sa iyong puso ang pagkauhaw ng butong ito," huminto ako upang hintayin siyang makalapit.

"Sa iyong labi na rin nagmula ang kasagutan, ginoo. Ngayong naririto ka'y mapapawi na ang uhaw ng mga nalimot at naiwan," dagdag ko pa.

Hindi tumugon si Ibarra at tinitigan lamang ako. Binigyan ko siya ng ngiti bago lumapit sa puno ng ilang-ilang. Sapagkat maraming laglag ng dahon doon ay hindi ako nahirapang maghanap ng natuyong sanga ng puno. Ako ay umupo ng kaunti upang kunin ang isang sanga roon.

"Binibini! Marurumihan ang iyong kamay. Hayaan mong ako ang siyang gumawa ng ibig-"

"Don Crisostomo Ibarra, hindi ako lumaki sa bayang ito. Hindi ako kagaya ni Maria Clara na mahinhin at dapat lubusang ingatan. Naiiba ako," hindi ko na mapigilang sabi.

Yumuko naman agad si Ibarra nang mapagtanto na may mali siyang nasabi.

Kalimitan ay hinayaan ko ang mga ganitong bagay dahil ito ang panahon kung saan konserbatibo ang pananaw ng karamihan. Noong sinabi ni Juan Vicente na huwag akong magsalita ng Ingles para makaiwas sa mga mausisang mata, ito ay aking sinunod dahil naiintindihan ko ang ipinupunto niya.

Dahil sa mga paghihigpit na ito ay nalilimutan ko minsan na hindi ako tagarito. Ngunit kapag kasama ko si Ibarra, bumabalik ang Aria na naibaon sa pagkatao ni Mirasol. Naipamaamalas ko kung sino ako sa aking kasalukuyan. Naipapakita ko ang aking kaalaman sa medisina at ang mga makabagong konsepto ng modernong panahon.

Hindi ko nga namamalayan ang mga iyon. Kaya tumalim ang dila ko kanina.

"Nababatid kong naiiba ka. Ngunit hindi ko lamang kayang hayaan kang makita na marumihan," paliwanag ni Ibarra.

Ngumiti ako nang marahan sa kanya at ibinalik na ang tuon sa aking ginagawa.

"Hindi problema sa akin ang marungisan kung bunga naman iyon ng aking kagustuhan," saad ko pa habang bumubungkal ng lupa.

Nang makita kong sapat na ang lalim ay tumigil na ako at inihulog doon ang butil ng kape. Ito ay tinabunan ko ng lupa bago lagyan ng maliit na bato na nasa lupa.

"Hindi na siya mauuhaw pa sapagkat nahihitik sa tubig ang lupa," nakangiti kong sabi bago lumingon kay Ibarra.

Naabutan ko siyang masayang nakatingin din sa akin. Hinintay ko ang kanyang itutugon ngunit nananatiling nakangiti lamang si Ibarra. Kaya naman nagtaas na ako ng dalawang kilay bilang pagtatanong.

Nang makita niya ang ginawa ako ay kumawala na ang impit na tawa ni Ibarra sa kanyang labi. Lubos akong natuwa dahil sa kanyang kasiyahan ngunit ako'y nabitin sapagkat pinigil niya agad ang kanyang pagtawa.

Hindi ako nakagalaw o nakapagsalita man lang nang lapitan niya ako. Nakapaskil pa rin sa kanyang mukha ang makisig niyang ngiti at lumilinaw ang aking repleksyon sa kanyang mga mata habang papalapit.

"Tunay ngang kapag may itinanim ay siya ring may aanihin," mahina itong sinabi ni Ibarra ngunit napakaklaro sa pandinig ko.

Tumigil siya sa aking tapat at sinundan ko ng tingin kung paano niya itinaas ang kaliwang kamay. May kung ano siyang kinuha sa bunbunan ko na siya namang nagpahalikhik sa kanya ng kaunti.

Para akong nahipnotismo sa tawa niyang iyon dahil hindi ko namalayang lumipas na ang ilang segundo. Natauhan na lamang ako nang magsalita siya at makitang may dalawang hakbang na ang layo namin sa isa't isa. Hawak-hawak ni Ibarra sa maliit nitong tangkay ang isang dahon. Mukhang nalaglag ito mula sa puno at napunta sa aking uluhan kaya niya ito kinuha. Nakangiti niya itong tinititigan habang pinapaikot-ikot ang dahon gamit ang tangkay na kanyang hinahawakan.

"Napasaya mo akong tunay," tumigil si Ibarra upang tignan ako.

"Kahit nalalaman mong hindi iyon tutubo at wala kang maaani?" pabirong tanong ko.

Lumawak ang ngiti ni Ibarra bago niya binitawan ang dahon. Dahan-dahan at pasuray-suray na nalaglag ito sa lupa.

"Lo entiendo. Pero ya saque algo de lo que plantaste," makahulugang sabi ni Ibarra sa akin. (I know. But I already got something out of what you planted.)

Tinanong ko pa kung ano 'yon ngunit tikom ang kanyang bibig bagamat nananatili itong nakakurba.

Nang lumaon ay sinabihan akong muli ni Ibarra na lumisan dahil magsisimula na siyang maglinis. Pero dahil matigas ang aking ulo ay nagmatigas akong manatili upang tumulong. Akala ko'y igigiit niyang huwag sapagkat madudumihan ako at dahil sa maginoo siya ay hindi niya iyon hahayaan. Ngunit nakakabigla bagamat natahimik si Ibarra ng ilang segundo ay pumayag din siya sa huli.

Saglit siyang nagpunta sa looban upang kumuha ng walis tingting kaya naiwan akong mag-isa sa terasa. Sa aking paghihintay ay may bigla akong naalala. Lumingon-lingon ako sa paligid upang hanapin ang nawawalang si Albino.

"Saan kaya iyon nagpunta?" ang naisambit ko sa hangin.

"Sino ang 'yong hinahanap? Ang iyong guardia civil?" biglang bungad ni Ibarra na narinig pala ang sinabi ko.

Lumingon ako sa kanya at nakitang may dala-dala siyang dalawang walis tingting. Umangat ang tingin ko mula roon tungo kanyang mukha bago tumango.

"Siya'y nasa may pultahan nang minsang masilip ko siya noong tayo ay nasa silid-aklatan," sagot niya.

Palihim akong umiling-iling sa nalaman. Natatawa ako sa aking isipan dahil kanina lang ay matigas niyang sinasabi na hindi dapat ako maiwang mag-isa kasama si Ibarra. Ngunit nasaan siya ngayon at tuluyan kaming binigyan ng puwang?

Naputol na ang pag-iisip ko nang ibigay sa akin ni Ibarra ang walis tingting na may mahabang hawakan. Naiwan sa kanya para gamitin ang pangkaraniwang walis tingting na ginagamit ng marami.

"Tulad ng nais mo, maaari ba?" nakangiting paghingi ng pahintulot ni Ibarra sa akin.

Tumawa lang ako habang kinukuha ang ibinigay niya sa aking walis tingting.

Dahil hindi ako hinahayaang tumulong nina Doña Soledad at Juan Vicente sa gawaing bahay, ito ang unang beses na makakapaglinis ako sa loob ng matagal na panahon.

Sa bandang kaliwa inabala ni Ibarra ang kanyang sarili. Bagamat hinayaan niya akong tumulong, ibig pa rin niyang huwag akong mahirapan. Kaya pinaglinis niya ako sa kanang bahagi kung saan mas kakaunti ang mga dahon. Kaysa sa kaliwang banda kung sa'n naroroon ang puno ng ilang-ilang.

Ilang minuto kaming hindi nag-usap dahil parehas kaming abala sa paglilinis. Huminto na lamang ako nang makitang halos patapos na ako sa aking pagwawalis. Lumingon ako kay Ibarra upang alamin kung patapos na rin siya. Ngunit nakita ko siyang nasa may puno at may hinahawakan doon.

Tinapos ko ang pagwawalis bago lumapit sa kanya. Sa unang tingin ay hindi agad mapapansin kung anong mayroon sa puno. Hindi ko rin ito napansin ngunit nang aking sundan ang tinitignan ni Ibarra ay saka ko lang napagtanto ang tinitignan niya.

May mga guhit na nakaukit sa katawan ng puno. Wala namang kakaiba roon pero agad ko itong naunawaan. Kung hindi ako nagkakamali ay mga marka ito ng sukat ng tangkad ng isang bata.

"Buhat ito ng musmos na katuwaan naming magkababata. Subalit hindi rin nagtagal ang inosenteng mga paglingap sapagkat namulat ang aking isipan sa katotohanang hindi mananatiling dalisay ang bawat bata sa kanilang pagtanda," hindi tiyak na kuwento ni Ibarra nang hindi tumitingin sa akin.

"Si Maria Clara ba?" pabiro ko itong isinatinig dahil sa lungkot ng tono ng pananalita ni Ibarra.

Sa pagbanggit ko sa pangalan ng kanyang nobya ay sa wakas nanumbalik muli ang ngiti sa kanyang mukha. Lumingon si Ibarra sa akin, bumaling ang mata niya sa aking likuran- siguro upang tignan kung tapos na ba ako sa aking ginagawa- bago muling tumingin sa aking mga mata dala-dala na ang mas malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Tama ka," tipid ngunit masayang sabi ni Ibarra bago mapatingin sa ibaba, "Ang malulusog na dilambaka na minsan nang naging bahagi ng aming pagkabata. Ngayo'y naging isa na lamang pataba sa lupa. "

Sinundan ko ang tingin ni Ibarra at doon nakita ang mga nawalis niyang tuyong dilambaka.

"Hindi ba't minsan mong inibig pumitas niyan upang gawing sangkap sa kendi? Ngunit kinagalitan ka ng iyong ina dahil ang tangi mo lamang nakamit ay mga tinik sa iyong mga palad," aking masiglang kuwento na hindi ko alam kung saan napulot.

"Nakapagtataka't nalalaman mo ang pangyayaring yaon. Bagkus kami lamang ni Clarita ang nakakaalam niyan. Ngunit kung tutuusin ay maaaring naikuwento niya sa iyo ang tungkol diyan sapagkat kayo'y magkaibigan," gulat at nagugulumihang tugon ni Ibarra.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga iyon. Bigla-bigla na lamang ito lumabas sa aking bibig nang banggitin ni Ibarra ang dilambaka bilang bahagi ng kanyang pagkabata.

"A! Ang tinutukoy ko ay si Maria Clara. Bagamat yaon na ang aking tawag sa kanya ngayon, no'ng kami ay mga bata pa, Clarita ang palayaw ko sa kanya at Juanito naman ang sa akin," paliwanag ni Ibarra sa pag-aakalang ang aking nababahalang reaksyon ay dahil hindi ko nababatid kung sino si Clarita.

"Sa'n iyon nagmula? Nababaliw na ba ako?" wala sa sariling naibulong ko sa hangin.

Masyado akong nabagabag sa nangyari na hindi ko napagtanto na hindi pala aking naibulong ang mga iyon. Narinig ito ni Ibarra kaya napangiti siya at lumapit sa akin ng isang hakbang.

"Inaamin kong nahihiwagaan ako sa'yo sa mga una nating pagkikita. Ikaw ay nagmula sa Bagong Espanya, subalit gamay na gamay mo ang ugaling Filipino kahit noo'y halos isang linggo ka pa lamang nalalagi rito sa Filipinas. Bunga noon ay inihalintulad na kita sa mga kababaihang naririto," huminto si Ibarra saglit upang tumingin sa langit.

"Ngunit unti-unti na kitang nakikilala. Pautay-utay ko nang naiintindihan na ikaw ay sadyang naiiba sa lahat. Hindi ka isang babasaging plorera na madaling mabasag sa isang iglap. Malakas ka at kaya mong tumindig sa iyong sariling mga paa," muling bumalik sa akin ang tingin ni Ibarra.

Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanyang mga mata. Nakikita ko sa kanyang balintataw ang aking repleksyon.

"Maria Sol... Para kang araw sa paningin ko. Nag-iisa ka lang para sa akin," mainit-init na saad ni Ibarra.

Para bang napaso ako sa init na iyon at wala sa sariling napa-atras ang mga paa ko. Nagkakarerahan na naman ang mga kabayo sa aking dibdib.

"G-Ginoo, anong..." hindi na ako nakapagsalita dahil wala akong maisip na isusunod doon.

Sa dinulot niyang kaba, pagkalito at pagsikdo ng aking puso, wari'y walang kinalaman dito si Ibarra dahil nagpatuloy pa siya sa kanyang ginagawa.

"Hindi ba nagkasundo tayong huwag nang maging iba sa isa't isa? Iginalang ko't sumabay ako sa iyong kagustuhan nitong mga nakaraan nating pagkikita. Ngunit palagay ko sa puntong ito, tayo ay ganap nang magkaibigan, bueno?" magalang ngunit mahihimigan ng pagbibiro na tanong ni Ibarra.

"Ha?" ang nautal ko na lamang.

"Ibig kong sabihin na kagaya ng una tayong magkakilala, hindi mo na ako kailangang tawaging don o ginoo," walang paliguy-ligoy na sabi ni Ibarra.

Nanlaki naman ang mata ko. Kailan ko siya tinawag sa kanyang pangalan nang walang paggalang?

Hindi ko na matandaan ang aking mga nasabi noong una kaming nagkita sa handaan. Gusto kong tampalin ang aking sarili dahil sa posibleng katangahang ginawa roon. Nag-iwas na lang ako ng tingin kay Ibarra dahil sa kahihiyan. Sapagkat kapupunta ko lamang noon sa panahong ito ay hindi ko pa alam ang mga dapat gawin. Sana lang ay hindi ito masamain ni Ibarra.

"Gusto kita, Mirasol," ang sinabi ni Ibarra na agad ikinalingon ko sa kanya.

Lumukso ang tibok ng aking puso. Hindi ko mapigilang ilagay sa aking likuran ang mga kamay ko. Hinawakan ko ang aking kanang pulso at maski do'n ay hindi ko mapagkakaila ang bilis nito.

"Me gusta ser tu amigo si no te importa," pagkaklaro niya sa kanyang tinuran. (I like to be your friend if you don't mind.)

Muntik ko nang hindi maitago kung gaano ako nakahinga nang maluwag. Hindi ko pa rin mahanap ang lakas para makapagsalita kaya umiling-iling na lamang ako.

"Nauunawaan ko na hindi angkop na maging magkaibigan ang isang lalaki at isang babae. Ngunit naniniwala akong pantay-pantay ang lahat. Nirerespeto ko ang kabanalan at kapurihan ninyong mga kababaihan na dapat pakaingatan naming mga kalalakihan. Ang kaugaliang ito'y sadyang nakaugat na sa kultura ng Filipinas," napatigil saglit si Ibarra para humanap ng angkop na salita upang makumbinsi ako.

"Subalit nakasisiguro ako, Mirasol. Sa Europa, nirerespeto rin ang mga kababaihan. Ngunit kahit paano ay may kalayaan silang makadaupang-palad kaming mga kalalakihan. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makakilala ang ilan sa kanila. Mga matatalino at maabilidad. Ngayon ibig ko ring bigyan mo ako ng pagkakataon upang makilala ka," ang kapani-paniwalang salaysay ni Ibarra sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot.

Naalala ko ang aking ikinumpisal sa simbahan. Naririto pa rin ang takot na baka hindi lang kuryosidad ang dahilan ng aking nararamdaman para sa kanya. Hindi ko pa kayang pumasok sa mundo ni Ibarra.

Ngunit siya na mismo ang naglahad ng kamay upang bigyan ako ng pagkakataon na tumapak sa kanyang buhay. Kinakabahan akong pumayag. Dahil natatakot akong dumating ang araw na pagsisisihan kong nanghimasok ako sa nakatadhanang mangyari kina Ibarra at Maria Clara.

"Ipanatag mo ang iyong kalooban, Mirasol. Hindi kita pinipilit," ang nasabi ni Ibarra matapos kong hindi sumagot, "Kulay kahel na ang kalangitan. Hindi natin gugustuhing abutin dito ng dilim."

Iniba na ni Ibarra ang paksa. Ipinaalam ni Ibarra na balak niyang linisin ang salas ngayong hapon at sa mga susunod na araw na lamang ang mga nalalabi. Dahil batid kong marami-rami pa rin ang gagawin ay tinawag ko na si Albino upang tulungan kami.

Sa pinagsama-samang tulong naming tatlo ay nagawa naming malinis at mapunasan ang mga kasangkapan at ang mga bintana sa salas. Huli naming inasikaso ang sahig kung saan napuno na ng alikabok at agiw mula sa mga pinunasan namin.

Nakatayo ako malapit sa isa sa mga bintana roon at pinagmasdan ang kabuuan ng salas. Si Ibarra ay kasalukuyang nagtutupi ng mga puting tela na pinagpag ko kanina. Nasa labas si Albino upang mag-igib ng tubig na ipanglilinis sa sahig.

Lumapit ako kay Ibarra para sana magtanong pero hindi ko naman alam ang aking nais na itawag sa kanya. Juan sana kaso mukhang 'yon na ang palayaw sa kanya ni Maria Clara. Ayokong magkaparehas ang tawag namin sa kanya. Pwede ring Crisostomo pero apelyido iyon ni Yuan. Baka malito ako kung sino ang aking tinutukoy.

"...Ginoo, mayroon ba ritong suka, asin at sabon?" ang natanong ko na lamang.

Nagtatakang tinapos muna ni Ibarra ang huling tela na kanyang tinutupi bago ako tinanguan. Hindi siya nag-atubili at umalis upang kuhain ang hinahanap ko. Magtataka na nga sana ako kung bakit hindi man lang nagwari si Ibarra kung para saan 'yon, pero pagbalik niya ay nagtanong na siya tungkol dito.

"Gagawa ako ng mas mabisang panglinis ng sahig. Nagdududa ako kung tuluyan bang malilinis ng tubig lamang ang mga dumi rito," ang paliwanag ko.

Sakto naman ang dating ni Albino. Pasan-pasan niya sa balikat ang tila dos por dos na kahoy kung saan nakasabit sa magkabilang dulo ang tig-iisang balde ng tubig. Inilublob ko ang aking isang kamay sa isa sa mga balde upang malaman ang temperatura nito. Saglit akong napangiti nang maramdamang papasa na ang init ng tubig sa kailangan kong gawin.

Pinaghalu-halo ko ang suka, asin at sabon sa balde ng tubig. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung magiging epektibo ito. Imbis kasi na asin at sabon, ang dapat na ilagay ay 'yung washing soda at dishwashing soap. Ngunit dahil panahon ito ng Kastila kung saan hindi pa naiimbento ang maraming bagay, alternatibo na lang ang ginamit ko.

"Pwede na 'tong gamitin panglinis," masigla kong sabi matapos mahalong mabuti ang tubig.

Nasa balde kanina pa ang aking atensyon at ngayon ko lang napagtanto na ni isa ay wala akong nakuhang tugon. Lumingon ako sa dalawa kong kasama at hindi mapigilang matawa sa mukha nila. Sa hilatsa ni Albino ay hindi mapagkakaila na hindi siya kumbinsido sa ginawa ko. Samantalang puno ng kuryusidad ang mga mata ni Ibarra habang nakatingin sa balde ng tubig.

"Ako na ang magsisimula," pabiro kong sabi sa kanila.

Nakatalikod na ako nang mapagtanto ko na may kulang. Napapikit ako ng mariin dahil nakalimutan ko ang isa pang mahalagang bagay. Alanganin akong humarap uli sa kanila at ngumiti.

"Pwede bang makahingi ng tela at matibay-tibay na mahahabang patpat?" nahihiya kong sabi.

Hindi ko na nagawang makipagkuwentuhan pa dahil minamadali na naming matapos ang paglilinis. Madilim na sa labas at kung hindi namin agad ito matatapos ay aabutan kami ng toque de queda.

Toque de queda : Curfew

Inatasan ko si Albino na gupitin ng pahaba 'yung tela. Tinuruan ko naman si Ibarra na itali sa isang dulo ng patpat ang dalawang bungkos na mga ginupit na tela ni Albino.

"Que es esto?" namamanghang tanong ni Ibarra. (What is this?)

Napangiti ako bago sumagot nang, "Panlampaso sa sahig."

Dahil mabilis matuto ang dalawa kong kasama, isang pagpapatotoo ko lang ay nakuha na nila agad kung paano gawain.

Magkalapit lamang kami ni Ibarra samantalang nasa kabilang dako naglalampaso si Albino. Sinabi niyang naiintindihan na raw niya at kaya na niyang mag-isa. Sinamahan ko si Ibarra dahil marami siyang katanungang ibinabato sa akin.

"Hindi ganyan. Pigaan mong mabuti para hindi maging matubig ang tela kapag nilampaso," pangaral ko kay Ibarra.

Sa kabila ng pagod at karungisan namin ay maaliwalas pa rin ang ngiti ni Ibarra. Nagtanong tuloy ako kung bakit masaya siya gayong pagod na kaming lahat.

"Hindi lang ako makapaniwala sa aking nakikita," masiglang sabi ni Ibarra bago saglit na tumigil at tumingin sa akin, "Nakapupulot ako palagi ng aral tungkol sa maraming bagay kapag nariyan ka, Mirasol."

Saglit kaming nagkatitigan bago sabay na napatawa. Nasa gitna kami ng kasiyahan nang marinig namin ang matikas na boses ni Albino.

"Don Crisostomo! Tawagin n'yo nang may paggalang ang binibini," puna nito.

Kami ay napalingon kay Albino. Kasalukuyang inilulublob niya ang panlampaso sa baldeng panlinis. Nginitian ko na lamang siya at babalik na sana sa paglilinis nang may mapansin ako. Mukhang nakita rin ito ni Ibarra dahil naglakad siya papunta kay Albino.

Nanlaki ang mata ko at sinubukang pigilan si Ibarra. Pero mukhang huli na ang lahat.

"Sandali lang! Madu- Aaa!" hindi ko natuloy ang aking babala dahil nadulas na rin ako kasabay ni Ibarra.

"Binibini!!" ang narinig kong sigaw ni Albino.

Nadulas ang kanan kong paa ngunit agad akong naka-ikot at nakabawi kaya hindi ako tuluyang nadapa. Ngunit si Ibarra, na sa kasamaang palad ay umapak sa mas matubig na parte ng sahig, ay natuluyang madapa.

Nabalot ng katahimikan ang buong salas. Napatakip ako ng bibig matapos mapasinghap sa pagkabigla. Tila natuod naman si Albino na hindi nagawang makalapit pa sa akin. Si Ibarra- na hindi makapaniwala sa nangyari- ay unti-unting napatingin sa amin... At bigla na lamang tumawa. Sinundan ito ni Albino kaya pati ako'y nahawa na rin.

"Akala ko ba'y kaya mo nang mag-isa? Gayong nalimot mo na kailangang pigaang mabuti ang tela bago ilampaso sa sahig," ang sabi ko kay Albino sa pagitan ng aking pagtawa.

Bilang paghingi ng paumanhin, nagprisinta si Albino na siya na lamang ang magtatapos maglinis ng sahig. Sinabi niyang magpahinga na lamang kami sa harapan at nangakong pagbubutihin na niya ang paglalampaso.

"Nakakatuwa ang iyong guardia civil, Mirasol," masayang saad ni Ibarra nang umupo siya malapit sa akin.

Nasa harapan kami ngayon ng matandang tahanan. Naglabas si Ibarra ng pahabang bangko na gawa sa kahoy upang aming maupuan. Bagamat kapalagayang-loob na namin ang isa't isa, naroroon pa rin ang maginoong respeto niya sa akin. May espayo sa pagitan naming dalawa nang tabihan niya ako sa upuan.

Dahil sa pagod ay walang salita ang agad namagitan sa amin. Parehas lang kaming nakatanaw sa maningning na kalangitan. Nakangiti kong hinahanap ang ilan sa mga natatandaan kong pangalan ng mga bituin.

"Polaris," ang bigkas ko nang aking mahanap ang tala na nagmamay-ari ng pangalang iyon.

"Sirius..." sambit ko pa sa isa pang bituin sa kalangitan.

"Sirius?" biglang sabi ni Ibarra na ikinalingon ko sa kanya.

"Dalawang dekada pa lamang mula ng ilathala sa publiko ang tungkol sa bituin na 'yan," ang panimula ni Ibarra.

"Paano kung sabihin ko sa iyo na isang pares ang bituin na iyan?" pamisteryoso kong tanong sa kanya.

Ang alam ko'y unang nadiskubre ang Sirius A at nalaman lamang ng mga siyentipiko ang tungkol sa Sirius B matapos ang ilang taon.

"Tunay ngang nag-iisa ka," namamanghang sabi ni Ibarra bago nakangiting tumingin sa langit, "Ang mas matingkad na tala ang unang natuklasan at nakilala. Samantalang nagawa nitong ikubli ang kanyang kapareha ng matagal. Ngunit sila ay magkarugtong. Ipinanganak sa takdang oras ang nakadiskubre sa kanyang kabiyak. Nakilala at namalas sa lahat ang kanilang pagtakhan."

Nanatiling nakatanaw si Ibarra sa kalangitan ngunit natali ang mga mata ko sa kanya. Sa mga mata niya, nakikita ko roon ang karagatan ng mga tala. Ngunit imbis na araw ay isang maningning na buwan ang nasa sentro nito.

Nagkakaintindihan kami sa maraming bagay. Sa unang pagkakataon ay sumaya ako ng lubusan dahil lamang sa isang simpleng bagay. Hindi ako isinama ni Ibarra sa isang magandang lugar o pinakain ng masasarap na pagkain. Kung tutuusin ay napagod pa nga ako dahil sa kanya. Pero nawala ang lahat ng iyon dahil sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko inaakalang mararamdaman ang ganitong kaligayahan sa kabila ng kapaguran.

Pilit kong pinaniwala ang aking sarili. Na ang mabilis na tibok ng puso ko ay buhat ng aking pagod sa paglilinis. At hindi dahil sa aking nasisilayan ngayon.

Sa ilalim ng maliwanag na buwan, ang mga butil ng pawis na dumadaloy sa mukha ni Ibarra ay tila nagiging dyamante dahil sa sinag nito. Na para bang ang mga tala na aming napag-uusapan kanina ay bumaba mula sa kalawakan at pinalibutan si Ibarra.

Tanggap ko na sa puntong ito. Tuluyan nang nabuksan ang baul na nakatago sa aking kaibuturan. Ngayon ay nasisiguro ko nang si Ibarra nga ang susi sa aking pagbabalik. Siya ang aking sadya nang makapasok ako sa loob ng Noli Me Tangere. Marami man akong nakilala na akala ko'y sila ang dahilan, sa huli ay natagpuan ko rin kung saan ako nararapat.

Kung ako ay nagiging kasinungalingan na dahil binabago ko ang kanilang wakas, paninindigan ko ang kahihinatnan ng lahat ng ito hanggang sa huli. Kung ang kuwentong ito ay nagiging kasinungalinan na dahil sa aking panghihimasok, ihahayag ko mismo ang panibagong kuwento mula sa aking labi.

Kung ako ay nagiging kasinungalingan na sa sandaling ito, ang susunod na yugto naman ang magsisiwalat kung paano siya magiging katotohanan sa dulo ng pagwawasto ng lahat.

∙∙·▫▫ ≍ ⋟⋟۵ ⋟⋟۵⋞⋞ ▫≼≽▫ ⋟⋟۵⋞⋞ ۵⋞⋞ ≍ ▫▫·∙∙

Updates will be on every second and fourth Saturday of the month.

BUT... THIS IS THE END OF THE ARC I!!

What? ∼6K words ang chapter na 'to? Really?

Yes ahahhaha. Parang two chapters na rin. Actually, one and a half lang dahil ∼4K words ang usual count per chapter sa EC. Pero dahil nga naka-lay out na ang kaganapan per chapter sa lahat ng arc nito ay mahihirapan po ako mag-adjust. Kaya pinagkasya ko na ang lahat sa chapter na ito.

Paumanhin kung naduling kayo sa mahabang update na ito. Kailangan kasi talaga para di makain 'yung content ng next chapter. Speaking of next chapter, ARC II na po ang susunod! And yes, mahaba po ulit ang ikalawang arc. Mostly dito magaganap ang magaganap sa Noli kaya kung mahaba pa ang pasensya ninyo ay abangan ang mga mangyayari∼.

At if may nababahala na iniiba ko ang kuwento ng noli, pakibasa po ang huling pangungusap sa dulo ng bawat kabanata ng EC. Yes, si Ibarra ang ating ML. Hindi naman po ito spoiler dahil nakasaad ito sa prologue. Si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere ay para kay Maria Clara de los Santos. Ngunit si Crisostomo Ibarra ng Estrella Cruzada ay para kay FL.

Ang kuwentong ito ay hindi pulido at maaaring makakita ng wrong spelling of words, wrong grammar in a sentence at typographical errors. Maaari akong itama sa bawat pagkakamaling makikita ninyo. Salamat sa pag-unawa.

Paalala na ang iba ay maaaring taliwas sa katotohanan. Sinasadya iyon ng manunulat dahil sa napakatinding rason.

彡Exrineance

𝘈𝘙𝘊 𝘐╹𝘜𝘯𝘭𝘰𝘤𝘬╻𝘐𝘧 𝘴𝘩𝘦 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘴 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘢 𝘭𝘪𝘦

Continue Reading

You'll Also Like

Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.5K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.6M 294K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
632K 35.3K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...