Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮

By Exrineance

165K 7.6K 6.9K

•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliM... More

꧁ ρгơƖơɠơ | ʂɬąг ƈгơʂʂєɖ
꧁ ąгƈ ı | ıʄ ʂɧє ɬųгŋʂ ıŋɬơ ą Ɩıє
꧁ ı | ųŋơ
꧁ ıı | ɖơʂ
꧁ ııı | ɬгєʂ
꧁ ıѵ | ƈųąɬгơ
꧁ ѵ | ƈıŋƈơ
꧁ ѵı | ʂєıʂ
꧁ ѵıı | ʂıєɬє
꧁ ѵııı | ơƈɧơ
꧁ ıҳ | ŋųєʋє
꧁ ҳ | ɖıєʑ
꧁ ҳı | ơŋƈє
꧁ ҳıı | ɖơƈє
꧁ ҳııı | ɬгєƈє
꧁ ҳıѵ | ƈąɬơгƈє
꧁ ҳѵ | զųıŋƈє
꧁ ҳѵı | ɖıєƈıʂєıʂ
꧁ ҳѵıı | ɖıєƈıʂıєɬє
꧁ ҳѵııı | ɖıєƈıơƈɧơ
꧁ ҳıҳ | ɖıєƈıŋųєʋє
꧁ ҳҳ | ʋıєŋɬє
꧁ ҳҳı | ʋıєŋɬıųŋơ
꧁ ҳҳıı | ʋıєŋɬıɖơʂ
꧁ ҳҳııı | ʋıєŋɬıɬгєʂ
꧁ ҳҳıѵ | ʋıєŋɬıƈųąɬгơ
꧁ ҳҳѵ | ʋıєŋɬıƈıŋƈơ
꧁ ҳҳѵıı | ʋıєŋɬıʂıєɬє
꧁ ҳҳѵııı | ʋıєŋɬıơƈɧơ
꧁ ҳҳıҳ | ʋıєŋɬıŋųєʋє
꧁ ҳҳҳ | ɬгєıŋɬą
꧁ ҳҳҳı | ɬгєıŋɬą ყ ųŋơ
꧁ αяƈ ıı | нσω нє вєƈσмєѕ тнє тяυтн
꧁ ҳҳҳıı | тяєιηтα у ᴅσѕ
꧁ ɢʟᴏꜱᴀɾɪᴏ | ɢʟᴏꜱꜱᴀɾʏ

꧁ ҳҳѵı | ʋıєŋɬıʂєıʂ

1.9K 96 7
By Exrineance

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

Mataimtim kong tinitigan ang malaking krusipiho na nasa gitna ng altar bago unti-unting tumungo't nagtanda ng krus.

Tuluyan na kaming lumabas ng simbahan pagkatapos ng ilang saglit na pagninilay-nilay. Paglabas namin ay ramdam na ramdam ko na ang sikat ng araw na tumatagos sa aking balat. Inabot na kami ng tirik ng araw. Kailangan ko na talagang umuwi dahil malalagot ako kay Doña Soledad.

"Albino, maghanap ka na lamang ng makukuhang kutsero na maghahatid sa atin pauwi," baling ko kay Albino na nasa aking tabi.

Agad na tumango't tumalima ang aking guardia civil bago umalis at maghanap ng mauupahang kalesa.

Ilang segundo lamang ang nagtagal nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan.

"Maria..."

Agad kong nilingon ang may ari ng boses. Nasilayan ko ang isang matangkad, maputi at payat na prayle. Nakangiti siyang naglalakad palapit sa akin.

Ngunit nang makita niya ang aking mukha ay daglit na nanlaki ang kanyang mga mata. Ngunit hindi rin nagtagal at lumawak ang ngiti nito.

"Buenas dias, Padre Salvi," magalang kong pagbati sa prayle na tumawag sa akin.

"Pagpalain ka nawa ng mahabagin nating Diyos, binibini," malumanay na tugon niya sa akin.

Matapos noon ay wala nang nagsalita sa pagitan naming dalawa. Nakatingin lamang ako kay Padre Salvi at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Ngunit ang prayle ay nakangiti lamang habang nakatingin sa akin.

Naghintay muna ako ng ilang sandali sa pag-aakalang kumukuha lang ng tyempo si Padre Salvi upang ilahad ang kanyang ibig sabihin. Nagbilang na rin ako kung ilang mga dahon ang nanlalaglag sa lupa mula sa puno na malapit sa amin. Subalit sa kabila ng lahat ng ito ay nananatiling tikom ang kurbadong labi ng prayle.

"Ipagpaumanhin ninyo, ngunit bakit n'yo ho ako tinawag?" nagtatakang tanong ko matapos ng ilang segundong katahimikan.

Tila natauhan si Padre Salvi sa aking tanong kaya inalis na niya ang tingin sa akin. Bumaba iyon at humimpil sa aking mga kamay na magkasaklop.

"Nasilayan ng aking mga mata ang rosaryo na iyong suot-suot, Binibining Mirasol. Kaya naman napagsapantahan kong ika'y si Maria Clara buhat niyan," tugon ng prayle nang hindi inaalis ang tingin sa aking kamay.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Maria Clara? Ang Maria Clara ni Ibarra?

Dahil sa pagkagulantang ay naibaba ko rin ang aking tingin sa aking kamay na may suot na rosaryo tulad ng ginawa ni Padre Salvi kanina.

Ang dalagang nagbigay sa akin nito nang una kong makilala si Padre Salvi ay si Maria Clara de los Santos?

Sa naisip kong ito ay bigla na lamang tumibok ng malakas ang aking dibdib.  Isa, dalawa, tatlo at sandaling huhupa. Isa, dalawa, tatlo at muli na namang mababagal. Ganyan ang ritmo ng tibok ng aking puso ngayon.

Naingat ko ang aking kamay upang matingnang maigi ang rosaryo. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ngunit aking pakiwari'y matagal nang nasa akin ito. Na para bang simula pagkabata ay nasa akin na ang rosaryo at nawalay lang sa aking paglaki. At ngayon ay naibalik na ito sa aking piling.

"Binibining Mirasol, sadyang hindi kayo maitulak-kabigin ni Maria. Nawa'y maunawaan mo ang aking pagkakamali," paumanhin pa ni Padre Salvi.

Akmang kukunin niya ang kamay kong nakataas sa ere kaya agad na dumagundong lalo ang aking puso. Nakaramdam na naman ako ng pagkagitla. Ibig kong lumayo at iwasan ang kanyang kamay ngunit natuod ang aking katawan sa lupa.

"Maria Sol, tignan mo ang gin..."

"Binibini, naririto na po ang kalesa— Ah! Magandang araw po, padre," ang malakas na sabi ni Albino na sumapaw sa nais sabihin ni Padre Salvi.

At tulad ng nagdaang tagpo na pamilyar na pamilyar sa akin, ang oras ay muli na namang huminto. Ang lahat ay naging papel at unti-unti na namang lumitaw ang mga tila sulat kamay na titik.

Ibig mang lapitan si Albino ay hindi ko nagawa dahil sa biglaang pagpintig ng aking sentido. Ako'y napapikit at napasapo sa aking ulo. Napaungol pa ako dahil sa kirot nito. Wala sa sariling napaatras ako dahil tila nahuhulog ako sa isang bangin na hindi ko masilayan ang hangganan.

Mula sa kadiliman ay sumibol ang liwanag dala-dala ang tagpong hindi ko naman maalalang naganap sa aking buhay.

"MARIA, TIGNAN MO! TIGNAN MO ANG NANGYARI SA KANYA!"

-̷̳̲̠̠̱̱̅̅̿͞-̷̱̲̳̳̱̳̲̄̿̅-̷̲̠̲̳̲̠̿̅̿͟-̷̲̳̲̲̠̄̅̿͟͞1̷̱̳̠̠̱̿̄̄̿͟8̷̳̠̳̱̳̱̅̿͞͞8̷̳̲̳̲̄̄̿̄̅͟8̷̳̲̲̅̿̄̅̄͟͞-̷̲̲̳̲̱̳̄̄͟͟/̷̿̅̅̅̿͟͟͟͟͞-̷̠̳̲̲̠̠̱̿̄͟-̷̲̱̠̳̲̠̳͟͞͞-̷̠̳̱̳̄̄̅̅͞͞1̷̱̱̠̳̱̳̳̠̄͟8̷̠̳̱̲̠̳̿͟͞͞8̷̠̠̳̠̱̳̿̿̄͟X̷̲̲̲̠̄̄͟͟͟͞-̷̠̠̲̅̅̅̄̅͟͟/̷̠̱̠̳̿̄̿̿̿͞-̷̠̠̱̠̄̅̄͟͞͞X̷̳̠̳̳̳̳̄̿̄̿X̷̱̠̲̠̠̳̅̿͟͞8̷̳̱̲̱̲̠̄͟͟͞8̷̳̲̲̱̳̱̠̱̿͟-̷̲̠̅̅̅͟͟͟͟͞/̷̳̱̲̳̿̅̿̄͞͞-̷̲̱̄̄͟͟͞͞͞͞X̷̠̱̱̿̄̿͟͞͞͞X̷̠̲̿̿̿̿͟͞͞͞X̷̱̱̳̅̿͟͟͟͟͞X̷̱̠̠̲̄̿̅̅̅͞-̷̱̱̠̱̿̅͟͟͞͞-̷̲̠̲̳̠̿̿̿̄͞-̷̳̠̱̳̱̄̅̄͞͞/̷̱̠̲̠̠̠̿̄͟͞-̷̳̲̠̠̳̅̅̿̅͞-̷̲̳̱̲̳̲̿͟͟͟

"Maria, tignan mo ang ginoo na iyong iniibig. Sinubukan ka niyang iligtas! Ngayon ay siya ang nariyan at nagdurusa. Nararapat lamang 'yan sa kanya! Walang ibang nararapat sa'yo kung hindi ako lang," nababatid sa boses ng kasama ng dalaga ang masama nitong intensyon.

Nilalaro nito ang laylayan kanyang belo. Paminsan-minsan pa ay inilalapit sa ilong upang amuyin.

"Kasalanan sa Diyos ang ginagawa mo! Isa ka pa man ding simbolo ng Kanyang kapurihan ngunit sinangla mo na sa demonyo ang iyong kaluluwa," panunuya ng dalaga habang patuloy ang pagtangis niya dahil sa nangyari.

Tila hindi nagustuhan ng kasama niya ang sinabi ng dalaga at naiyukom nito ang kamay na nakahawak sa kanyang belo.

Ang tagpo ay bigla na lamang nilamon ng dilim at hindi na muling nanumbalik. Daglian lamang iyon pero nakatitiyak ako sa aking natunghayan.

Ang mga boses na aking narinig ay pagmamay ari naming dalawa. Subalit ang tagpong iyon ay hindi pamilyar sa akin.

"Binibining Mirasol! Ano pong nangyayari?" naghihikahos na tinig ni Albino.

Saka ko lamang naramdaman na nakasandal na ako sa kanyang dibdib nang ako ay dumilat.

Naroroon pa rin ang sakit ng aking ulo. Habol-habol ko ang aking hininga kaya aking nailagay ang mga kamay sa dibdib at iniyukom.

"Marapat lamang na iuwi mo na siya, señor. Tila binuhusan ng gatas ang kanyang mukha sa putla," narinig kong saad ni Padre Salvi kay Albino.

Agad na nagpaalam si Albino sa prayle bago ako inalalayan sa paglalakad.

"Ipagpaumanhin ninyo ang aking kalapastanganan, binibini," ani Albino matapos niya akong ilapit sa kanyang bisig.

Hanggang sa marating namin ang naturang kalesa ay nakasandal lamang ako kay Albino.

Nababagabag ako sa aking natunghayan. Hindi ko man lubos maintindihan ang nakita ay nakakasigurado akong kaming dalawa ni Padre Salvi ang nasa tagpong iyon. Punong puno ng kalungkutan at poot ang aking tinig doon. Tumatangis habang matalim na nakatitig sa prayle na kasama ko.

Nabanggit ng prayle sa tagpong iyon ang isang ginoo na akin daw iniibig. Ngunit wala naman dito si Yuan para masabing siya ang tinutukoy ng prayle. Ang ginoong tinutukoy ay iniligtas daw ako at kapalit noon ang kanyang pagdurusa.

Sino ang ginoo'ng tinutukoy ng prayle? At ano ang sanhi ng kanyang pagligtas sa akin?

Sa lahat ng katanungang nabubuo sa aking isipan, isa lang ang lubos kong pinangangambahan.

Kung hindi si Yuan ang tinutukoy na ginoo sa tagpong iyon, ibig bang sabihin noon ay magmamahal ako ng iba rito?

Lumakas ang tibok ng aking puso at nagsikip ang aking dibdib. Hindi ko mapigilang hawakang mahigpit ang singsing sa kuwintas na aking suot.

"Hindi maaari iyon, Yuan..." naibulong ko sa hangin.

Buong biyahe ay dito umiikot ang aking isipan. Namalayan ko na lamang na kami ay nakauwi na nang maramdaman kong huminto ang kalesa.

Naunang bumaba si Albino. Narinig kong tinawag niya si Crispin bago ako alalayan sa pagbaba.

"Señorita! Kanina pa po kayo hinahanap ng doña," salubong sa akin ni Crispin nang tuluyan akong makababa.

May sasabihin pa sana ang paslit ngunit nang makita niya ang aking kalagayan ay agad akong nilapitan.

"Lucas! Tawagin mo si Doña Soledad!" ang agarang sabi ni Crispin matapos lingunin ang kinaroroonan ni Lucas.

Nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata ang mabilis na pagtakbo ni Lucas sa loob ng bahay-tuluyan.

"Binibini, tumuloy na po kayo sa loob nang makapagpahinga ng lubusan," nag-aalalang sambit ni Albino na sinang-ayunan agad ni Crispin.

Marahan akong inalalayan ni Crispin sa paglalakad papasok ng bahay-tuluyan. Nang makarating na kami sa malaking pintuan ay nagpaalam na si Albino.

"Ako po'y tutuloy muna sa tinyente mayor upang isalaysay ang nangyari," ang paalam ni Albino sa amin.

Hinatid ko muna siya ng tingin bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Hindi rin naman nagtagal ay nagtanong si Crispin kung saan ako nanggaling.

"Sa pamilihang bayan, Crispin. Sumaglit din kami sa simbahan," maikling sagot ko sa tanong ni Crispin.

Iginiya niya ako na umupo muna sa malambot na stipa ng salas kung saan malapit ang malaking bintanang capiz. Sa pag-upo ay naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin na nagpagaan kahit paano sa sakit na aking nararamdaman.

Stipa : Couch

"Maria Sol! Ano ba 'tong sinabi sa akin ni Lucas at namumutla ka raw?" bungad sa akin ni Doña Soledad habang nababa siya sa hagdan.

"Magandang umaga po, Doña Soledad?" ang pagbati ko nang siya ay makalapit sa amin.

Yumuko naman si Crispin bilang paggalang.

"Magandang umaga rin pero mas gaganda sana ang umaga kung ikaw ay mag-iingat, hija. Kalilipas pa lamang ng ilang araw mula noong nangyari sa'yo nang tayo ay sumapit dito sa San Diego. Ngayon ay makakarating sa akin na may masama na namang nangyari?" may bahid ng pag-aalalang sermon sa akin ng doña habang nagpapaypay ng dala niyang abaniko.

Pasimple naman akong ngumiti at humingi ng tawad sa kanya.

Akala ko nakalimutan na ng doña ang nangyari roon. Nakakahiya pa rin kahit isipin ko ngayon. Kung tutuusin nga ay hindi na ako nabibigla kung may mga kakatwa akong nararanasan at nakikita ngayon. Bagamat hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang mga ito ay akin nang nakasanayan ang mga kakaibang nangyayari. Dahil naiiba rin naman ako kaysa sa kanila.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita si Lucas sa gilid ng hagdanan na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya na sinuklian din niya ng matamis na ngiti.

"Mucama, halika rito't alalayan ninyo ang señorita sa kanyang silid!" may kalakasang utos ng doña upang marinig ng sinumang malapit sa amin.

Maya-maya lang ay may dumating na isang may katandaang ginang na inalalayan akong makatayo.

"Crispin, magpadala ka ng utusan sa hacienda ng mga de Espadaña..." hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi ng doña dahil nakalayo na kami sa kanila.

Nakita ko namang sumunod sa amin si Lucas. Ngunit nanatili siya sa labas nang kami ay makapasok sa aking silid.

"Salamat po," ani ko sa katulong na umalalay sa akin.

Ngumiti ang ginang bago nagpaalam na lilisan na. Pagkaraan nito ay kumatok sa nakabukas na pinto si Lucas.

"Maaari po ba akong pumasok sa inyong silid, binibini?" nakangiting paghingi ng permiso ni Lucas sa akin na sinang-ayunan ko naman.

Sa paglapit ni Lucas sa akin ay inilabas niya mula sa kanyang likod ang isang sikero na gawa sa kawayan. Ito'y kanyang inilahad sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Sikero : Tumbler

"Ito po ay naglalaman ng tubig na mula sa bukal na hindi kalayuan dito. Mainam po na kayo ay uminom nito upang mabawi ang inyong lakas," saad ni Lucas.

Nakangiti ko itong tinanggap at inalis ang pasak sa bibig ng sikero. Sa aking paglagok ng tubig ay salap na salap ko ang manamis-namis na lasa nito. Dahil sa sarap ay hindi ko napigilan magbuga ng hininga.

Narinig ko ang impit na tawa ni Lucas. Napatikhim tuloy ako para hindi mahalata ang aking hiya.

"Huwag po kayong mangamba dahil ipinatawag na ng doña si Don Tiburcio. Maya-maya lang ay darating na ang ginoo rito," pahayag ni Lucas makaraan ng ilang segundo.

Kumunot ang aking noo sa narinig. Hindi ko alam na isa palang manggagamot si Don Tiburcio. Ni minsan kasi ay hindi ko narinig na nagbanggit ang mag-asawa tungkol dito.

"Hindi na dapat natin inabala pa si Don Tiburcio. Malayo pa ang kanyang lalakbayin mula Santa Cruz tungo rito sa San Diego. Ako'y iidlip lamang at natitiyak kong magiging maayos na ang aking pakiramdam," buwelta ko naman sa kanya.

"Po?" nagtatakang tanong ni Lucas.

Bago pa man ako makatugon ay bumukas na ang pinto ng aking silid. Iniluwa noon sina Crispin at Doña Soledad kasa-kasama ang isang hindi ko kilalang matandang ginoo.

Agad na umayos ng tayo si Lucas at humarap sa kanila. Napatayo rin tuloy ako dahil sa bagong dating.

"Magandang umaga po, Don Tiburcio," magalang na pagbati ni Lucas sa matandang ginoo.

Nanlalaking mata na napatingin ako sa aming bisita.

Ang matandang ginoo ay matangkad at may payat na pangangatawan. Namumuti na ang tuktok ng kanyang buhok at may suot-suot na tila ginintuang monokol sa kanang mata. Nakasuot din ito ng puting amerikana at itim na sapatos. Hawak-hawak ng ginoo ang isang parihabang maletin na kulay itim. Ngunit kapansin-pansin sa gawi ng kanyang paglalakad na ang ginoo ay may pilay sa kaliwang paa. Dahil dito ay may dala-dala itong tungkod na gawa sa makinis at binarnisang kahoy.

Ang inaakala kong Don Tiburcio ay iba sa Don Tiburcio na nasa aking harapan ngayon.

"Lucas, anong ginagawa mo rito sa loob ng silid ng isang binibini? Hindi ka ba nangangatal sa kalapastanganang ginagawa mo? Lalo pa't da-dalawa lamang kayo rito ni Mirasol!" masidhing pangaral ni Doña Soledad nang makita si Lucas.

Agad na yumuko ang binata at humingi ng tawad. Matapos noon ay lumingon siya sa akin upang sandaling makapagpaalam bago tuluyang lisanin ang aking silid.

"Huwag n'yo po sanang masamain ang pakay dito ni Lucas. Siya'y sinasamahan lamang ako rito upang hindi mabagot sa paghahantay," pagtatanggol ko kay Lucas.

"Naiintindihan ko. Ngunit hindi na dapat itong maulit, hija," pagkatapos ay bumaling ang doña sa matandang ginoo, "Kasama ko nga pala si Don Tiburcio upang matignan ang iyong kalagayan."

Humakbang ng isa ang matandang ginoo at yumuko sa akin.

"Magandang umaga, binibini. Ang ngalan ko ay Tiburcio de Espadaña. Marapat mo na lamang ako na tawaging Don Tiburcio," pagpapakilala ni Don Tiburcio.

Ako naman ay nagbali ng kaliwang tuhod habang hawak hawak sa pagkabilang gilid ang aking saya.

"Ako po si Maria Sol Marqueza. Maaari n'yo po akong tawagin sa aking palayaw na Mirasol," pagpapakilala ko sa aking sarili.

Sinabihan ako ng Don Tiburcio na maupo na lamang sa aking kama habang isinasaayos niya ang mga aparatos na kinakailangan.

Nagpatuloy ang kanyang pagsusuri ng ilang minuto. Tahimik lamang ako maliban kung may mga tanong siya sa akin. Palihim ko namang nililimi ang kanyang mga ginagawa.

Napatunayan ko na hindi nga totoong manggagamot si Don Tiburcio tulad ng paglalarawan sa kanya sa Noli Me Tangere.

Kung anu-ano ang ginawa ng ginoo sa akin. Pinakiramdaman ang aking pulso, nagturok ng ilang maninipis na karayom sa aking batok, may kung anu-anong pinagpipipindot sa aking braso at nagtapal ng mga dahon sa aking noo.

Ang lahat ng iyon ay nagdulot sa akin ng pagkasuya at nagsimula na naman akong manginig. Nang hindi ko na matiis ang nakakagimbal na pakiramdam ay sumigaw na ako.

"T-tama na!" singhal ko.

Napabitaw si Don Tiburcio sa aking braso at nanlalaki ang matang napatingin sa akin. Napaigtad naman sina Crispin at Doña Soledad.

"P-paumanhin po. Ngunit ayoko na pong ipagpatuloy ito," pagbawi ko sa aking nasabi.

Ayoko namang magmukhang bastos dahil sa hindi ko napigilang pagsigaw.

Tumikhim si Don Tiburcio at tumayo na. Lumapit sa amin sina Crispin at Doña Soledad upang malaman ang resulta ng pagsusuri.

"Sa tingin ko ay ayos lang ang binibini. Tulad nga ng inyong tinuran ay nagmula sa pamilihang bayan at sa simbahan si Binibining Mirasol. Marahil ay masyado lamang siyang napagod dahilan ng kanyang pagkamutla. Ang kanyang panginginig naman ay dahil labis na pagkahuyong," ang kuro-kuro ng matandang ginoo.

Muntik ko ng hindi mapigang matawa sa nasabi niya. Bilang may pinag-aralan sa modernong medisina ay halatang halata para sa akin ang kamangmangan ni Don Tiburcio rito. Nagpapanggap lamang siyang manggagamot ngunit wala naman talaga siyang nalalaman ni singkong duling pagdating sa medisina.

Hinayaan ko na lamang ang kanyang pagpapanggap at hindi nagsalita. Kahit malayong malayo naman sa katotohanan ang kanyang sinabi.

"Salamat sa Diyos at iyon lamang ang dahilan ng kanyang karamdaman. Mabuti pa't pumanaog na tayo at magtungo sa hapagkainan," paanyaya ng doña.

Sandali akong pinasadahan ng tingin  ng doña bago igiya si Don Tiburcio palabas ng aking silid.

"Señorita, mauuna po muna ako sa baba. Susunduin na lamang po kita rito kapag nakagayak na ang mga pagkain," paalala ni Crispin na tinanguan ko naman.

Sa totoo lang ay wala akong gana kumain. Kaya hindi totoong dahil sa gutom kaya ako namumutla at nanginginig.

Tumayo ako upang magpunta sa tokador. Umupo ako sa silya nito at tinitigan ang sarili sa salamin.

Ang dami ko nang nakilala na mga tauhan sa Noli Me Tangere. Naranasan ko na rin ang isang tagpo mula sa nobelang iyon. Maraming bagay ang nagsasabing nasa loob ako ng libro. Ngunit may mga pangyayari na hindi nagtutugma.

Muli kong iniangat ang aking kamay na may suot na rosaryo. Mula sa salamin ay tiningnan ko ang aking mukha at ang rosaryo.

"Pakiramdam ko talaga ay akin ito. Na sa akin talaga 'to," mahina kong sambit sa kawalan.

Sa gilid ng aking paningin ay nakita ko ang talaarawan. Kinuha ko ito mula sa istante gamit ang aking kamay na may suot na rosaryo.

Inilapag ko ito sa lamesa at marahang hinaplos ang nakaukit na titulo sa pabalat ng talaarawan. Hindi ko pa rin mahinuha kung ano ito.

Kung tutuusin ay mas pamilyar pa nga ang aking pakiramdam sa rosaryo kaysa sa talaarawang ito na nagmula sa pa kasalukuyan tulad ko.

Binuklat ko talaarawan at huminto sa pahina kung nasaan ang huling tala. Nakatitig lamang ako rito at naghihintay sa mangyayari.

Hindi ko namalayan ang pagkurba ng aking labi nang oras na mag-apoy at masunog ang bawat letra sa pahina. Bawat pilantik ng apoy na lumalamon sa pahina ay hindi nakaligtas sa aking paningin. Tila ba normal lang na makakita ng ganito kahit hindi naman ako naniniwala sa mahika at salamangka.


L͙̫̲a͖͎ ̳̘̜̖̫c͙̭a̯̥̝u̬s̳̞̣̘a̳͙̰̪̲ ͎͈y̥͚ ̹s̝̠̰̖̙u̳̝ ͎̤e͎̙̰f̦͔̗̥̮e̗̫̞͕͚c̹̗̼̫͙t̥o̳̟̪͈͔ ̳͖̰̦̹s̲̞ͅe̖̝̟ r̤̣̹̤̠e̥̞̖̦͔u̦̖̱̠͖n̩͚i̪ͅr̳̮a͚̯͙̬n͕̥

e͔̰̼n̹͇̗̯͉ ͍̮e͚̥̪̫̣l̰̝̘ ͍̜̥̼̳m̞̰a̞̳̤ͅr̩̠̮̭ ̮͓d̤̯e̗̗̼̼̘ ̼̮la͕̬͉͙̳ ̗̣̦a͍̺̗̲ͅg̺ḭ͍̼͍͍t̜̳a͎̞̳̗̬c̘͚̮i͓͚͈o̰͔n͎͔̼̩


Nang tuluyan nang lamunin ng apoy ang buong pahina ay pinanood ko kung paano pumailanlang ang kakarampot na abong naiwan doon. Maya-maya lamang ay muli na namang lumitaw ang dikit-dikit na sulat kamay sa panibagong pahina. Sulat kamay na kapareho ng akin.

Ilang beses ko pang binasa ang nilalaman nito. Lingid sa aking kamalayan na nananabik pala ako sa katuparan ng sinasaad ng pahinang ito.

Tatlong magkakasunod na katok ang umalingawngaw sa aking silid. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at sumilip mula roon si Crispin.

"Señorita, handa na po ang piging," ang anunsyo niya.

Nakangiti akong tumango bilang tugon. Isinarado ko na ang talaarawan at ibinalik ito sa istante bago sumunod kay Crispin.

Pagdating namin sa hapagkainan ay nasa kabisera na ng lamesa si Doña Soledad. Nasa gawing kanan naman nakaupo si Don Tiburcio de Espadaña kaya tumuloy ako sa kaliwa at doon umupo.

Ang doña at si Don Tiburcio lamang ang madalas nag-uusap habang ako ay tahimik lang na kumakain. Paminsan-minsa'y natatanong ngunit ang madalas nilang paksa ay ang balak na itayong pagawaan ng lambanog dito sa San Diego.

"Marapat lamang na si Kapitan Valentin ang makapanayam mo ukol diyan. Siya ang may hawak sa bayang ibig ninyong pagtayuan ng pagawaan," ang rinig kong saad ni Don Tiburcio.

Nagsalok muna ng sabaw ang doña sa kanyang mangkok bago tumatangong tumingin sa aming bisita.

"Naihayag ko na ang aking saloobin tungkol diyan. At iyan din ang tinuran ni Don Primitivo," tugon ni Doña Soledad.

"Makakaasa ka kung gayon! Dahil si Don Primitivo ay pinsan ni Kapitana Tinchang," ani Don Tiburcio bago sumubo ng isang kutsarang kanin.

"Ang may bahay ni Kapitan Tinong? Balita ko'y matatakutin daw iyon," usisa naman ng doña.

Nagpatuloy pa ang kanilang diskurso hanggang sa matapos kaming kumain.

Nagpaalam na akong tutuloy na sa aking silid sapagkat mukhang hindi pa tapos ang pag-uusap nina Doña Soledad at Don Tiburcio de Espadaña.

Pagpasok ko sa silid ay agad akong dumiretso sa kama at natulog.

Nagising lamang ako dahil tumatagos ang sinag ng araw sa aking talukap. Unti-unti kong iminulat ang aking mata at nasilayang tirik na tirik na ang haring araw sa labas.

Ako ay nag-unat ng butu-buto bago lumisan sa aking kama. Dumiretso ako sa tokador upang ayusin ang aking sarili. Sinuklay ko ang aking buhok at nagtanggal ng mga muta sa mata bago bumaba.

Naabutan ko si Crispin na nagbubunot ng sahig. Lumingon ako sa paligid ngunit bukod sa kanya ay wala na akong iba pang nakikita na katulong sa bahay-tuluyan.

"Crispin, anong oras na?" bungad ko sa kanya nang ako ay makalapit.

Napatigil ang paslit sa pagbubunot at nagpunas ng pawis gamit ang kanyang braso.

"Cuatro menos cuarto po ng hapon, señorita," hinihingal na tugon ni Crispin.

3:45 PM na pala.

Nilibot kong muli ang aking paningin upang hanapin ang bagay na aking kailangan. Mukhang napansin ito ni Crispin kaya lumapit siya sa akin.

"Ano pong problema, señorita?" usisa ni Crispin.

Nilingon ko siya at nginitian bago sumagot, "Naghahanap ako ng isa pang bunot upang matulungan ka sana sa iyong ginagawa."

Pagkarinig niya sa aking sinabi ay agad na napaatras si Crispin at mariing umiling.

"Naku po, señorita! Hindi n'yo po gawain ang pagbubunot. Kami ang magsisilbi sa inyo at kayo lamang po ang mag-uutos," natatarantang tugon ni Crispin.

Alanganin na lamang akong ngumiti para kumalma si Crispin.

"Ah! Nagbilin po ang doña na sa paggising ninyo ay aluking kayo ng mami-merienda. Naroroon po sa hapagkainan ang natitirang sabaw mula kanina. Kakainit lamang po no'n," salaysay ng paslit habang itinuturo ang direksyon ng hapagkainan.

Tumango at nagpaalam muna ako kay Crispin bago magtungo sa hapagkainan. Nadatnan ko nga roon ang isang palayok na naglalaman ng sabaw. Ngunit busog pa naman ako kaya 'yung isang hiwa na lamang ng pakwan ang aking kinuha.

Dahil wala namang magawa sa loob ay nagpasya akong magpunta sa bakuran upang doon magmuni-muni. Madalas na naroroon si Albino. Gusto ko sana siyang makausap.

Paglabas ay naabutan ko roon sina Doña Soledad at Don Tiburcio de Espadaña kasama sina Tinyente Guevarra at Padre Sibyla. Napatigil ako sa paglalakad dahil hindi ko alam kung tama bang istorbuhin sila o hindi.

Ngayon ko na lamang nakita ang tinyente at ang prayle mula noong salu-salo.

Isang karangalan ang makilala ka, Ginoong Ibarra...

Naalala kong muli si Ibarra at ang saglit naming pag-uusap ng gabing iyon.

Hindi ko alam kung bakit ngunit napangiti ako dahil dito.

"Kumusta ka na, Crisostomo Ibarra?" ang naisambit ko sa hangin.

Ano na kaya ang ginagawa ng ginoo ngayon?

Kung totoo ngang nakilala ko na si Maria Clara ay magkasama kaya sila ngayong dalawa?

"Nakarating sa akin ang balita. Nalalaman ni Nol Juan ang balangkas ng paaralang ibig ipagawa ni Don Crisostomo. Dahil dito'y maantala ang..." hindi ko na nalaman ang sumunod na sinabi ni Padre Sibyla dahil pumasok na ako sa bahay-tuluyan.

Dahil wala akong magawa sa ibaba at sa labas ay nagpasya na akong pumanhik na lamang at magkulong sa aking silid.

Kumuha ako ng isang aklat mula sa istante at nagpasyang magbasa na lamang. Isa ito sa mga libro na binili ni Juan Vicente sa Calle de Creacíon noon.

Padapa akong humiga sa kama at tinignan ang pamagat ng libro.

"Ang Barlaan at Josephat?" patanong kong basa sa pamagat.

Ayon sa aklat, ang kasaysayan ng Barlaan at Josephat ay umiikot sa nabigong pagsisikap ng isang hari na mailayo sa Kristyanismo ang anak na prinsipe. Naituro ni Tomas Apostol ang aral ng Diyos sa Indiya na pinaghaharian noon ni Abenir.

Dahil sa hulang magiging Kristyano ang kanyang magiging anak na lalaki ay sinikap na ibukod ng tirahan at kapaligiran si Prinsipe Josephat noong isilang ito. Sa paglaki ni Josephat, narinig nya ang tungkol sa kamaharlikaan ng bagong relihiyon. Natutuhan niyang pag-isipan ang buhay ng kamatayan nang matanaw niya ang isang taong kahabag-habag.

Nabalitaan ng matandang paring si Barlaan— na noo'y nasa Senaar— ang tungkol sa mabuting kalooban ni Josephat. Nagpanggap siyang isang tagapagtinda kaya nakatagpo niya si Josephat na nahikayat niyang magpabinyag. Lahat ng ito'y lingid sa kaalaman ni Haring Abenir hanggang sa makaalis sa palasyo si Barlaan.

Nang matuklasan ni Haring Abenir ang nangyari sa anak ay iniutos niya na dakpin si Barlaan. Ngunit hindi nila ito matagpuan. May pinagpanggap na Barlaan ang hari at siya'ng dinakip.

Sa pag-aakalang malagim ang kararatnan ng kaibigang pari, nagtapat si Prinsipe Josephat sa hari. Ngunit ito ay naging daan
para pagsikapan ni Josephat na hikayatin ang ama.

Napagtanto ni Haring Abenir na kailangang paghimok ang gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Kaya naman hinamon ni Haring Abenir ang anak at ang mga kapanalig nito sa isang pagtatalo.

Kung mananalo si Prinsipe Josephat at ang paring si Barlaan ay magpapabinyag ang hari at ang mga kampon nito.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang may umistorbo sa akin at kumatok sa pinto. Agad akong umayos ng upo upang hindi maabutang nakadapa ng sinumang papasok sa aking silid.

"Señorita, oras na po para sa hapunan," bungad sa akin ni Crispin pagkapasok niya ng kuwarto.

Tumaas ang aking dalawang kilay dahil hindi ko namalayang hapon na pala. Lumingon ako sa bintana at nakitang nagsisimula na ngang lumubog ang araw.

"Sige, susunod na ako," nakangiti kong tugon sa paslit.

Pagkasadarado ng pinto ay saka ko lang napagtanto na dumidilim na nga sa aking silid. Tumayo ako mula sa kama upang sindihan ang mga gasera na nakasabit sa tabiki.

Lumapit ako sa isa sa mga bintana upang iladlad sana ang nakataling kurtina. Subalit pagkaraang mahawakan ko ang sutlang tela ay nakarinig ako ng kaluskos na nagmumula sa labas.

Natigil ako at naging alerto sa paligid.

Ang Aking Katotohanan.

Ikaw, na siyang naglalakbay sa nakaraan.  Nawa'y ang bawat himala ng santinakpan na nasa iyong kamay ay maging hinggil ng dalisay naming paggiliw.

Maghahanay ang mga tala ng katotohanan at ng kanyang kasinungalingan sa kalangitan.

Sa pagkakataon na ang kanilang tadhana ay magngalis mula sa matagal nang pagkakahimlay.

Ngunit ikaw ang aking katotohanan.  Maniwala ka sa akin kapag sinabi ko sa iyo na hindi magtatagal bago maabot ng mga bituin ang kanilang sariling kalawakan.

Sa iyong himala ay muling hihinga ang bibig na inalisan ng tinig.

Tandaan mo ang aking katotohanan...

La estrella privada de su fin y su luna reaparecerá una vez más en el espejo de sus mentiras.

∙∙·▫▫ ≍ ⋟⋟۵ ⋟⋟۵⋞⋞ ▫≼≽▫ ⋟⋟۵⋞⋞ ۵⋞⋞ ≍ ▫▫·∙∙

Updates will be on every second and fourth Saturday of the month.

Yehey! Nagbabalik na ang Estrella Cruzada. Sisikapin ko talagang matapos 'to ngayong taon.

Ang kuwentong ito ay hindi pulido at maaaring makakita ng wrong spelling of words, wrong grammar in a sentence at typographical errors. Maaari akong itama sa bawat pagkakamaling makikita ninyo. Salamat sa pag-unawa.

Paalala na ang iba ay maaaring taliwas sa katotohanan. Sinasadya iyon ng manunulat dahil sa napakatinding rason.

彡Exrineance

𝘈𝘙𝘊 𝘐╹𝘜𝘯𝘭𝘰𝘤𝘬╻𝘐𝘧 𝘴𝘩𝘦 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘴 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘢 𝘭𝘪𝘦

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 90.3K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
513K 16.2K 46
Unang kita pa lang ni Celestine sa portrait ng isang binatang nagngangalang Simoun Pelaez ay may naramdaman na siya sa binata. Para siyang baliw na h...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.3M 80K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...