MARRIED At First Sight

By Brad_Poison_Ivy

29.4K 666 65

VICERYLLE STORY More

EXPLANATION
INTERVIEW
MATCHMAKING
THE WEDDING DAY
THE HONEYMOON ( 1st night)
1 WEEK HONEYMOON
7 DAY OF MARRIAGE (Rated SPG)
PAALAM NA!
5 YEARS AFTER
NICE TO MEET YOU....AGAIN!
PUSANG GALA!
ANG PAGBABALIK
SPY VICE
THE TRAGEDY
#ALAMNA
NEW HOME, NEW LIFE, NEW BEGINNING
ASAR TALO!
BE PATIENT
ISTORYA
Selfish Alert
Happy Moments
-_- MALING AKALA -_-
MALING AKALA TALAGA
THE MAGIC WORD

MULING IBALIK

1.2K 20 1
By Brad_Poison_Ivy

Kinabukasan, nagising si Karylle sa lakas ng alarm na isi-net niya bago natulog. Mabigat pa ang mga talukap ng kanyang mata nang siya'y bumangon upang patigilin ang pag-alarm ng kanyang cellphone. Kinuha na niya ang kanyang tuwalya at saka tumuloy sa banyo para maligo. Malapit lang ang pinapasukan niyang hospital kaya walang problema sa pagbyahe. Kaya nga siya nagka-apartment dahil sa kanyang trabaho. Malayo kasi kapag uuwi pa siya sa mismong bahay nila na ilang kilometro rin ang layo sa kanyang apartment.

Matapos makapagbihis at mag-almusal ay handa na siyang umalis ng bahay. Pagbukas niya ng pinto ay agad niyang napansin ang nakaparadang sasakyan sa harap mismo ng kanyang apartment.

Alam ko kung kanino ang kotse na 'to ah.

Walang tao sa loob nito kaya sinuyod niya ng tingin ang paligid upang hanapin ang may-ari at bingo! Sa ikaapat na bahay na may tindahan mula sa tinitirhan niya ay nakita niya ang naka-clear-shades na si Vice na nakikipagkwentuhan sa mga lalaking certified tambay sa kanto nila.

Anak ng...anong ginagawa nya dito?

Mabilis niyang tinungo ang tindahan ni Aling Nina kung saan naroon si Vice.

"Ahmm...excuse me mga kuya! Pwede bang makausap itong barkada nyo? May itatanong lang ako" Malakas niyang wika na may kasama pang pekeng ngiti. Tiningnan niya ng masama si Vice na kala mo eh close na sila ng mga kausap niya ngayon.

"Ikaw pala miss beautiful. Kilala mo si Vice? Napapanood namin sya minsan sa Tv eh. May kamukha pa nga sya sa pelikulang napanood ko eh...yong..ano nga yon..." Napapakamot sa ulong sabi ng isang tambay.

"Petrang Kabayo!" Malakas na salo ng isa pa.

"Tama! Yon!" Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlong tambay. Nakitawa rin si Vice sa mga ito.

"Galing eh no?" Aniya na pilit pinipigil ang mainis sa mga ito. Hinarap niya si Karylle na puting-puti sa suot.

Nurse nga pala 'to!

"Buti naman at lumabas ka na sa bahay mo. Kung tumagal ka pa baka napektusan ko na tong mga 'to eh. " Nakita niyang biglang sumeryoso ang tatlong tambay "Joke! Hahaha..hindi naman kayo mabiro. Sige, kuha lang kayo ng makakain nyo dyan, sagot ko na!"

Naiinis na hinila ni Karylle si Vice papunta sa kotse nito. Pero bago sila makalayo sa tatlong tambay ay may pahabol pang hirit ang mga ito.

"Uy Vice! Yong pambayad ng kinuha namin, baka magkalimutan tayo!"

Feeling close agad!?

Huminto naman si Vice at kumuha sa kanyang wallet ng isang libo saka iniabot sa lalaking tumakbo patungo sa kanila.

"Oh ito, tipirin nyo yan ha? Dapat pagbalik ko may matitira pa dyan!" 

"Ha? Kelan ba balik mo dito?" Seryosong tanong nito.

"Sa sunod na taon!"

Napakamot na lamang ng ulo na naglakad pabalik sa tindahan ni Aling Nina ang may katangahang tambay.

Naniwala nga ang tanga!

Bumalik ang atensyon ni Vice kay Karylle na nakataas na ang isang kilay.

"Wala bang trabaho ang mga lalaking yon? Kaloka! Naperahan ako ah" Reklamo niya.

"Kasalanan mo rin kaya ka naperahan. Isang tanong,isang sagot. Bilisan mo lang sumagot dahil may fifteen minutes nalang ako at mali-late na ako sa trabaho. Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ni Karylle.

"Para dalawin ka. Masama ba? Tsaka di ba nga, friends na tayo?"

"Wala akong sakit para dalawin. Tsaka hindi ka nakikinig. Sabi ko isang tanong,isang sagot lang di ba? Kaya umalis ka na dahil papasok na ako sa trabaho" Akmang tatalikod na si Karylle para umalis pero pinigilan siya ni Vice sa braso.

"Wait! Ahmm..hatid na kita sa hospital na pinapasukan mo" Alok nito.

Napaisip si Karylle kung papayag o hindi. "Sige kung yon ang gusto mo. Makakatipid rin naman ako ng twenty pesos na pamasahe ko hanggang hospital. Tsaka malapit na ang duty ko kaya tara na" Siya na mismo ang naunang pumasok sa loob ng kotse ni Vice.

Abot naman hanggang tenga ang ngiti ni Vice. Paatras ang labas ng kanyang kotse sa Masagana street. Kinawayan pa niya ang tatlong tambay bago sila lubusang nakarating sa Highway.

"Sabi sayo, mahirap lumiko sa street namin eh. One way lang kasi don. Buti't hindi nakita ng mga KGPB boys ang kotse mo" Ani Karylle.

"Anong KGPB?" Kunot noong tanong ni Vice habang binabaybay ang daan patungo sa direksyong tinuturo ni Karylle.

"Kuha Gulong Palit Bato. 'Yon ang tawag sa kanila ng mga tao dito. Kapag may mga hindi sila kilalang tao na may dalang sasakyan at nagpark doon katulad mo, Siguradong pagbalik ng taong yon sa kanyang sasakyan ay wala na ang apat na gulong ng kotse nila at tanging sa malalaking bato na lamang ito nakapatong. Kaya ingat ka sa street namin, naku! Sinasabi ko sayo! Sinwerte ka pa " May pananakot na kwento niya.

"Ano!? Kaloka! Wala ka na bang ibang lugar na mahahanap na pwede mong tirhan at sa ganoong lugar ka padpad?" May pagtataka nitong wika.

"Hoy! Alam ko namang safe ako doon noh. Kahit ganun ang mga tao doon, mababait parin naman ang mga 'yon" Pagtatanggol niya.

Nakarating na sila sa hospital na pinagtatrabahuhan ni Karylle. Isa itong private hospital kaya kahit papano ay alam ni Vice na maayos naman pala ang hospital na pinaglilingkuran ni Karylle.

"Salamat sa paghatid ha? Sige dyan ka na. Bye!" Bumaba na siya sa kotse at walang lingong tinungo ang lobby ng hospital.

○|••》■●♢♤◇¡♡◆¡♡◆¿♡◆¿◆♧♡◇♢◇■♡●♡♢□◇■♢♢◇♢>◇♢□>□♢>□♢>□♤♢□♤♢□♧■♢■{■[>{♧♤♢◇>♢◇]{♤

Bago umalis sa harap ng hospital ay tinawagan muna ni Vice si Karylle. Nakuha niya ang number nito nang magpaload siya kanina sa tindahan ni Aling Nina. Tinanong siya ng ginang kung anong sadya niya sa lugar na iyon dahil kanina lang siya napadpad sa lugar na iyon. Sinabi naman niyang kaibigan siya ni Karylle,nagtaka lang ang Ali ng tanungin niya ito kung may number ba si Karylle sa kanila. Binigay naman nito ang numerong laging ginagamit ng dalaga kapag magpapaload. Mukhang matagal na ang sa lugar na iyon ang dalaga dahil halos kilalang-kilala na ito doon. Makikipagkwentuhan pa sana si Vice kay Aling Nina upang malaman ang naging buhay ni Karylle nang sumingit ang tatlong tambay kaya tanging mabait at mabuting kapitbahay lang ang narinig niyang sinabi nito.

Nakailang tunog rin ang aparato bago sinagot ng nasa kabilang linya.

"Hello sino 'to?"

"Hi! Si Vice 'to. Itatanong ko lang sana kung anong oras ang uwi mo mamaya?"

"Anak ng...pano ka nagkaroon ng number ko? Tsaka naka-duty na ako kaya wag kang istorbo ok? Gabi na ang uwi ko. At isa pa,wala ka bang trabaho?"

"Meron. But im the boss kaya hawak ko ang oras ko"

"Yon naman pala eh. May trabaho ka parin kahit sabihin mong ikaw ang boss. Bye!"

"Wait! Teka...argh!"

Tootttt.......

Toottt.....

Toottt...

Wala nang nagawa si Vice kundi ang umalis na. Ayaw rin naman niyang tawagan ulit ito at baka magalit pa sa kanya. Maganda ang simula ng araw na ito sa kanya kaya ganado siyang nagtungo sa kanyang opisina na may malaking ngiti sa labi na ipinagtataka naman ng kanyang empleyado. Nasanay ang mga ito na seryoso siyang pumapasok araw-araw kaya pinangingilagan siya ng lahat.

KINAGABIHAN...eight o'clock dapat ang oras ng off ni Karylle ngunit biglang nagka-emergency at may kailangan silang operahan. Kinailangan siya ng doktor para mag-assist sa gagawing operasyon. Hindi na siya nagdalawang isip na tumanggi dahil bata ang kanilang ooperahan. Nakita niya ang pamilya ng bata na umiiyak at todo ang dasal sa kaligtasan nito. At bilang magulang, alam niya ang nararamdaman ng mga ito. Ilang segundo, minuto at oras rin ang lumipas bago sila nakalabas ng operating room upang ibalita sa pamilya ng bata na ligtas na ito at naging successful ang kanyang operasyon.

Laking pasasalamat rin niya sa Diyos dahil hindi bumigay ang bata. Tiningnan niya ang orasan ng hospital. Mag-na-nine-thirty na ng gabi. Tumayo siya sa kanyang upuan saka kinuha ang kanyang gray jacket sa drawer ng kanyang mesa at isinuot.

Palabas na siya sa lobby ng hospital nang makita na naman ang nakaupong si Vice sa waiting area.

Agad na tumayo si Vice pagkakita kay Karylle. Nginitian niya ito.

"Ikaw na naman? Vice naman!" Bungad niya. Patuloy parin siya sa paglalakad palabas habang nakasunod si Vice.

"Sabi mo kasi kanina na gagabihin ka ng uwi kaya naisipan kung sunduin na kita. You know! Wala ka kasing sariling sasakyan"

"Alam mo sumusobra ka na ha. Kung alam ko lang na gusto mo palang maging driver kita at hindi pagkakaibigan ang in-offer mo, hindi ko nalang tinanggap" Mahinahon niyang sagot. Tuluyan na siyang nakalabas ng hospital at pumara ng dumadaang taxi. Tulad ng dati, hirap na naman siyang makakuha ng available na taxi.

Bwisit na mga taxi 'to oh! Kung kelan kailangan tsaka wala!

"Ayaw mo non? Libre ka na sa pamasahe mo. Halika na, ihahatid na kita" Pagpipilit ni Vice.

"Sige! Pagbibigyan ulit kita ngayon. Pero simula bukas o sa susunod pa ay hindi mo na ako maaaring ihatid ok? Hanggang ngayon nalang 'to"

Napaisip si Vice. "Ay sige mag-taxi ka nalang ngayon pauwi. May naalala ako, may pupuntahan pa nga pala kami ng mga kaibigan ko" Biro niya.

"Nakakabwisit ka!" Binatukan niya si Vice.

"Joke lang! 'to naman masyadong seryoso. Tara, sakay na"

Nakasimangot na sumampa sa kotse si Karylle. Habang nasa daan ay nag-uusap sila ng mga naging buhay nila pagkalipas ng limang taon. Naikwento ni Karylle ang pagkamatay ng kanyang ama pati na rin ang mga problema at pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Syempre pa, iniiwasan niyang mabanggit ang tungkol kay Nathalie. Kaya ang pagkakaalam ni Vice ay dalaga parin siya.

Ganoon rin si Vice, lahat ng mga masasakit at mapapait na ala-ala na dumating sa kanyang buhay ay ikinuwento niya kay Karylle. Pati ang pagpanaw ng pinakamamahal niyang lolo. Ultimo ang mga lalaking nakarelasyon niya at mga nanloko sa kanya ay ibinahagi niya. Wala siyang inilihim sa dalaga.

Marami pa silang napag-usapan bago sila tuluyang makarating sa apartment ni Karylle. Hindi na rin nagtagal pa doon si Vice sa takot na mabiktima siya ng KGPB boys.

Lumipas ang sabado na hindi nagpaparamdam si Vice kahit sa tawag o text man lang. Ikinasaya naman iyon ni Karylle dahil walang nangungulit at nag-i-istorbo sa kanya. Naisip rin niya na sana ay tigilan na siya ni nito. Apat na araw nalang at darating na ang ina at anak niya galing sa pagbabakasyon. Hindi pa niya nababanggit sa ina ang tungkol sa pagkikita nilang muli ni Vice kaya wala pa itong alam.

●°◆°■♤《●♡●》◇♢♢◇♡■●》●♧♤•》•♧•{●●●♢●♧♤•●◆••¤●♢♤•♧♡•♧《•♤}•¤♡•¤♢•《♢●[♡●}¤●♢○《♢○《}●♡[●●[♡●♢

Araw ng Linggo, half day lang ang pasok sa trabaho ni Karylle. Pauwi na siya nang maabutan ang kaibigang si Iza sa harap ng kanyang apartment na naghihintay sa pagdating niya.

"Friend 'bat ang tagal mo namang dumating? Twelve-fifteen na kaya. Di ba five AM to eleven-fourty-five ka lang?" Usisa ni Iza.

"Napatagal ang pagsakay ko eh. Tsaka anong ginagawa mo dito? Wag mong sabihing gigimik ka na naman at idadamay mo pa ako?" Aniya habang sinususian ang pinto upang makapasok sila sa loob ng bahay.

"Bakit ang galing mong manghula? 'Yon nga ang sadya ko dito. Sige na, sumama ka na samin. Out of town. Sa Bulacan. Maganda yong pupuntahan natin" Pagkukumbinsi nito na sumusunod sa kaibigan hanggang sa pagpasok sa kwarto upang magbihis.

"Iza, may trabaho ako bukas. Hindi ako pwedeng um-absent kasi naka-schedule na ang pag-absent ko sa Wednesday dahil susunduin ko sina Mama sa airport" Pagdadahilan niya. Totoo naman.

"Ano ka ba. Hindi naman tayo mag-o-over night doon eh. Tsaka isa pa,ngayon ka nalang ulit libreng gumala dahil sa susunod na araw hindi ka na makakapamasyal kasi naka-focus ka na ulit kay Kulit"

"Sino ba ang mga sasama?" Sukong tanong niya.

Lumabas na siya sa kwarto matapos makapagbihis. Sumunod naman sa kanya si Iza hanggang sa maupo sila dalawa sa sala.

"Marami. Ang bhabe ko, si Kevin, Sina Archie at yong mga kaibigan nya"

"Si Archie? 'yong kaibigan ni Paolo na bading? Yong pumunta sa birthday party ng boyfriend mo!?" Paniniguro niya.

"Tumpak! Kilala mo?"

"Hindi ko lubusang kilala si Archie pero 'yong kaibigan niyang si Vice kilala ko"

"Ano ka ba! Kilala naman ng lahat si Vice. Ilang beses nang napapanood sa Tv yon eh" Tipikal na sagot ni Iza.

"Hindi! Meron kang hindi alam at never ko pang nasasabi sayo" Mahinang wika ni Karylle.

Nanlaki ang mga mata ni Iza. Kunwaring nahuhulaan nito ang ibig sabihin ni Karylle.

"Oh My God! Wag mong sabihing High School Lovebirds kayo!" Napatakip pa ito ng bibig.

Ngali-ngaling makutusan niya ang kaibigan. "Hindi!"

"Eh ano!?" May naisip na naman ito. Muling nanlaki ang mata nito kasabay ang paglaki rin ng butas ng ilong at pagbuka ng bibig. " OMG! Alam ko na. Dati syang lalaki tapos naging jowa mo at nong naghiwalay kayo ay hindi niya natanggap kaya ngayon ay sa lalaki na siya pumapatol!" Paghuhula nito.

Natawa si Karylle. "Hindi rin!"

"Eh ano?"

"Pano ko maipapaliwanag eh sabat ka ng sabat diyan"

"Ok, tatahimik na ako" Anito.

"Si Vice ang ama ni Nathalie" Mabilis niyang wika. Nakailang kurap muna si Iza bago sumagot. Mukhang nabigla ito sa narinig.

"May lagnat ka ba friend?" Sinalat pa nito ang noo at leeg ni Karylle upang masigurong normal ang temperature ng kaibigan. "Baka kasi nagdidiliryo ka na kaya mo nasabi 'yon eh"

"Totoo ang sinabi ko. Si Vice nga ang ama ni Nathalie. Alam mo ba ang palabas sa Tv na Married at first sight na katatapos lang ng bagong season last year? Isa kami sa mga naikasal noong season three. Hindi nag-work kasi nga bakla sya at hindi kami magkasundo. Basta mabilis ang mga pangyayari noon. May nangyari samin bago kami nagkahiwalay at si Nathalie ang naging bunga" Paliwanag niya.

"Kaya pala napansin ko noong birthday ni Paolo, bigla ka nalang naging tensyunado pagkakita kay Vice. Hindi ko inisip noon na dati na kayong magkakilala. Pano ngayon yan? Anong balak mo? Alam nya na ba ang tungkol sa inaanak ko?"

"Hindi ko pa nga alam eh. Ang alam nya ay dalaga parin ako. Iniiwasan kong mabanggit sa kanya ang anak namin. Palagi na rin siyang pumupunta dito simula nong ihatid nya ako dito pagkagaling sa birthday ni Paolo"

"Hindi ko alam yan ah. Ikaw ha, kung hindi pa ako pumunta dito, hindi ka pa nagkukwento sakin na lagi na pala kayong nagkikita ni Vice"

"Naguguluhan na nga ako eh. Alam ko na darating ang araw na malalaman nya rin ang totoo pero hindi ko alam kung xmagiging handa ba ako sa araw na yon"

"Basta, lakasan mo lang ang loob mo. Nakukuha naman yan sa paliwanag kaya wag kang mag-alala. Andito lang ako para maging resbak mo" Anito na nilalakasan ang loob ng kaibigan. "Masyado nang napahaba ang usapan natin. Pano? Sasama ka ha? Magbihis ka na kasi pagbalik ko after thirty minutes alis na tayo" Paglilihis nito sa usapan nila. Napapansin na rin kasi ni Iza na mawawala na sa mood si Karylle kaya muli niyang pinabalik ang sigla.

"Ok, hindi na rin naman ako makakatanggi" Sagot ni K saka inihatid ang kaibigan palabas ng apartment.

○♤○♤□•♤■◇♡■□♢■♡○♤|○♡■♡¡■♢◆♡♢□♢♤◇♢♡■♧◆♧●♡•♡◇♡■◇♢♤◆♡◆♡◆♧♡◆♢♤◇■}♤♢◇♤◆♧♡◆♧♡¤♧¤♢

Dalawang sasakyan ang gamit nila papuntang Bulacan. Ang limang mga baklang kaibigan ni Vice na sina Archie,Buern,Bernard,Aaron at Matt ang magkakasama sa isang van samantalang sina Vice,Karylle,Kevin at ang magkasintahang sina Paolo at Iza naman ang magkakasama sa isa pang van.

Si Paolo ang nagmamaneho ng sinasakyan nila at katabi nito ang nobya. Napapagitnaan naman nina Kevin at Vice si Karylle. Puno naman ng kanilang mga dalang gamit ang hulihan ng van.

Habang nasa byahe. Tahimik lang na nakikiramdam si Karylle kay Vice. Kanina nang magkita-kita sila sa bahay ni Paolo bago umalis papuntang Bulacan ay binati lang siya nito ng simpleng ngiti. Nagtataka man ay hindi na niya ito tinanong.

Maaga siya kanina nagising dahil maaga ang pasok niya sa trabaho kaya naman hindi niya maiwasang antukin habang nasa byahe. Umayos siya ng upo at saka pumikit. Ilang sandali pa ay para na siyang dinuduyan at tuluyan nang nakaidlip.

NAPATINGIN si Vice sa nakapikit na si Karylle. Nakahilig ito sa braso ni Kevin. Napansin niyang tiningnan siya ni Kevin na parang nagtatanong. Umiwas na lamang siya at tumingin sa labas ng bintana.

Ano ba ang nangyayari sa akin?

Sinadya niyang huwag magpakita o magtxt o tumawag kay Karylle kahapon. May gusto siyang alamin sa mga tanong niya sa sarili simula nang magkita ulit sila ng babaeng minsan nya nang naging asawa. Hindi niya mawari pero nakakuha siya ng kasagutan. Ngayon,alam na niya na muling bumalik ang dating nararamdaman niya para dito five years ago. Ang katangi-tanging babaeng nagturo sa kanya na mahalin ang kapwa nya babae. Ang babaeng naging dahilan kung bakit natotomboy siya ngayon.

Siya ang may pakana kung bakit papunta sila ngayon sa Bulacan. Kinausap niya ang mga kaibigan at ikinuwento sa mga ito ang tungkol sa muli nilang pagkikita ni Karylle. Ilang segundo rin ang lumipas bago maalala ng mga ito ang dalaga. Kaya naman sa kagustuhan niyang makasamang muli ang dalaga ay naisipan niyang bigyan ng birthday gift na trip to Bulacan Adventures si Paolo na ikinatuwa naman ng huli. Sagot niya ang lahat nang kanilang gagastusin sa pamamasyal. Alam niyang hindi makakatanggi si Karylle sa kaibigan nitong si Iza kapag ito na ang nagyaya sa kanya base na rin sa kwento ni Archie na matalik na kaibigan ng magkasintahang Paolo at Iza.

MABILIS silang nakarating sa isang bulubunduking lugar sa Bulacan. Maganda ang tanawin doon,sariwa ang malamig na simoy ng hangin. Tahimik ang lugar. Mayroong tree house sa gitna ng parang na nalalatagan ng carabao grass. Maririnig ang mga huni ng ibon na tila umaawit. Isang pribadong lupain ang tinuluyan nila na ayon sa caretaker ng nakatirik na bahay ay pag-aari umano ito ng isang pamilyang naninirahan na sa ibang bansa. Open sa lahat ng mga gustong mamasyal sa lugar na iyon ang lupain kaya naman doon nila naisipang mag-stay.

Nilatag na nila ang tatlong tent na dala nila. Nagtaka naman si Karylle kung bakit kailangan pa nila ng tent samantalang hindi naman sila mag-o-over night sa lugar na iyon. 'Yon ang pagkakaalam niya.

"Guys? Ano 'to? Bakit may tent?" Nagtataka niyang tanong sa lahat.

Nagkatinginan naman ang mga kaibigan ni Vice na hindi alam ang sasabihin. Kaya mismong si Vice na rin ang lumapit sa kanya upang magpaliwanag.

"Hindi ba nabanggit sayo ng kaibigan mong si Iza na dalawang araw tayo dito?"

"Ha! Hindi pwede! May trabaho ako!" Nakakunot-noong wika niya. Tiningnan niya ang kaibigang si Iza na tinutulungan ang nobyo sa pagtayo ng tent. Nilapitan niya ito at hinila palayo sa kanilang mga kasama.

"Best! Bat hindi mo sinabi sakin na dalawang araw pala tayo dito? Pano na 'to? Pano ang trabaho ko? Malalagot ako nito sa hospital!" Pinipigilan niyang mapalakas ang boses.

"Hindi ko rin nga alam. Walang sinabi sakin na dalawang araw tayo dito. Promise! Ang akala ko talaga babalik rin agad tayo. Kanina ko lang rin nalaman kay Paolo. Hindi nya sinabi sakin na two days tayo dito kasi alam niyang hindi ako papayag. May trabaho rin kaya ako" Sagot nito.

Napahilamos sa mukha si Karylle. Napansin naman ni Iza na palapit sa kanila si Vice.

"Pssst, ayan ang tanungin mo. Ang alam ko, birthday gift nya kay Paolo ang trip nating 'to kaya sya ang pagpaliwanagin mo" Mahinang bulong nito sa kanya.

Tiningnan naman ni Karylle ang papalapit na si Vice na inginuso ng kaibigan. At nang tuluyang makalapit sa kanila si Vice ay agad na nagpaalam si Iza upang makapag-usap ang dalawa.

"Bakit!?" Bungad ni Karylle. Naiinis siya sa kaalamang ito pala ang dahilan kung bakit nasa Bulacan sila ngayon. Hindi niya ito tiningnan. Nakatutok siya sa malawak na tanawin. Alam niyang nakatingin sa kanya si Vice.

"Anong bakit?"

"Bakit mo ginagawa ito? Marami ka namang pwedeng iregalo kay Paolo, trip to Bulacan pa ang binigay mo? At dinamay mo pa ako kaya ngayon namomroblema ako kung pano ko ipapaliwanag ang pag-absent ko bukas at sa susunod pang araw sa hospital!" Hinarap niya ito. "Sinasadya mo ba 'to? Pwede namang kayo nalang ang mamasyal eh. Bakit kailangang isama nyo pa ako?" Mababakas na sa kanyang mukha ang pagkainis.

"Teka,teka..hindi naman ako ang nag-imbita sayo ah. Tsaka kung ang trabaho mo ang pino-problema mo, wag kang mag-alala. Kinausap ko na ang pamunuan ng hospital na pinagtatrabahuhan mo. Nabanggit kasi sakin ni Archie na hindi mo alam 'to kaya bago tayo umalis kanina ay dumaan na ako sa hospital para ipaalam ka. Pumayag naman sila, hindi naman sila makakatanggi sakin eh. Kaya wala ka nang problema" Nakangiting paliwanang nito.

Nabigla naman siya sa narinig. "What!?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "Alam mo, gusto kitang sapakin sa pangingialam mo sa buhay ko at sa trabaho ko. Sigurado ako na ginamit mo ang impluwensya mo kaya mo sila napapayag di ba?" Na ang tinutukoy ay ang hospital.

Nagkibit balikat si Vice. "Wala eh, madali silang madala sa matatamis kong salita. Ganun talaga" Pagmamalaki pa nito.

"Eh Gago ka pala eh!" Napalakas ang pagkakasabi ni Karylle kaya nagtinginan sa kanila ang kanilang mga kasama. Tiningnan niya ng masama si Vice na parang nang-iinis pang kung ngumiti.

Lumapit naman ang magkasintahang sina Iza at Paolo sa kanila para sila'y awatin.

"Friend tama na yan. Ang ganda ng view dito oh. Kaya wag mong sayangin" Ani Iza na inilayo na siya kay Vice.

♡■●}■●♡■◇♢■[♤□♢♤□》♡■●}■●}●}■◇♢♤■♧■♧♡■]♡♢●♢■•♢■♢■◇♧♤◆♧♡◆♧♡◆♧♡■}●♤○♤□•♡■♢♤◇♧◆{¿♧♡◆》{■

Pagsapit ng dapit-hapon ay masaya silang lahat na nakaupo sa damuhan habang pinapanuod ang paglubog ng araw. Humupa na rin ang inis ni Karylle kay Vice at inabala ang sarili sa panunuod sa magagandang bagay na nilikha ng Diyos. Lalo pa siyang natuwa nang may dumapong puting paruparo sa kamay niya. Inisip niyang ang kapatid niya ito o di kaya'y ang ama niya na tila ba sinasabing magpakasaya siya habang nabubuhay.

Napatingin siya sa gawi ni Vice na masaya ring nanunuod sa papalubog na araw. Napansin yatang tinitingnan niya ito kaya lumingon rin ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Bahagya siyang ngumiti at ganun rin ito. Ngunit biglang sumingit si Kevin.

"K pwede ba tayong magpapicture? Remembrance lang" Anito.

"Sure" Masaya niyang tugon.

Matapos ang sama-samang panunuod sa paglubog ng araw ay kapansin-pansin naman ang palaging paglapit ni Kevin kay Karylle na hindi nakaligtas sa paningin ni Vice. Kung saan pupunta ang dalaga ay palaging nakabuntot dito ang lalaki. Naiinis siya kapag nakikita niyang maayos itong pinakikitunguhan ni Karylle. Tulad ngayon, naghahanda sila ng kanilang hapunan. Tuwang-tuwa naman ang dalawa habang nag-iihaw ng pork at bangus na dala nila.

"You know what K, maswerte ang lalaking mapapangasawa mo" Ani Kevin.

"Bakit naman?" Nakagiting tanong ni Karylle.

"Because your pretty, masipag ka pagdating sa trabaho mo at hindi lang yon. Masaya ka ring kausap" Sabi nito na may kasama pang pa-cute.

"Ikaw talaga, palabiro ka rin pala" Kinikilig pa niyang sagot.

"No! Its true. Totoo ang sinasabi ko. Here. Luto na 'to." Kinuha ni Kevin ang bangus at inilagay sa dahon ng saging.

"Maswerte rin naman ang babaeng mapapangasawa mo" Aniya.

"Bakit? Dahil ba gwapo ako?" Ipinakita pa nito ang pamatay nitong ngiti.

"Oo, alam na ng lahat yan" Natatawang wika ni Karylle. "Hindi ka lang naman gwapo. Gentleman rin"

"Wow! Thank you!" Abot hanggang tenga ang ngiti nito. "Kung sakaling secret agent ang mapapangasawa mo? Tatanggapin mo ba sya?" Seryoso nitong tanong.

"Hindi ba delikado ang trabaho ng secret agent? Kasi parang siya ang ginagawang pain"

"Hindi naman. Sanayan lang sa trabaho"

"Delikado parin yon. Kawawa naman ang asawa ng isang agent kung sakaling may mangyaring masama sa kanya. Kung sakaling ganun ang trabaho ng mapapangasawa ko, malamang na hindi ako mapalagay araw-araw tuwing aalis sya ng bahay. Lagi akong mag-aalala sa kanya,things like that..."

"Kung ganun,patitigilin mo ako sa trabaho ko?" Biro nito.

"Ha? Bakit naman?" Gulat niyang tanong.

"Wala. Biro lang. 'To naman,seryoso agad. Pero alam mo mas lalo kang gumaganda kapag seryoso ka."

Feeling tuloy ni Karylle, ang haba ng hair nya. Hindi nya namalayan na malapit sa braso niya ang screen ng kanilang iniihawan kaya ayon,sa pagkakilig ay nadali siya ng mainit na ihawan.

"Ouch! Aray!" Sigaw niya.

Narinig naman ng lahat ang pagtili ni Karylle kaya dinaluhan siya ng mga ito. Kitang-kita naman ang pag-aalala sa mukha ni Vice.

"Are you ok?" Aligagang tanong ni Kevin.

"Nakita mo na ngang napaso,tatanungin mo pa kung ok sya? Try mo kayang pasuin ang sarili mo para malaman mo kung ok o hindi" Naiinis na sabat ni Vice.

"Hoy,ano bang sinasabi mo!" Awat ni Karylle.

Tiningnan lamang siya ng makahulugang  tingin ni Vice. Mabilis na inutos nito sa kaibigang si Matt na kumuha ng bimpo at malamig na tubig. Kunuha ni Vice ang kamay niya upang ilagay ang malamig na towel sa bahagi ng kanyang brasong napaso.

"Sa susunod kasi na magharutan kayo, huwag sa harap ng ihawan. Ayan tuloy, napaso ka pa" Pagtataray ni Vice kay Karylle.

Kahit pagalit ang pagkakasabi ni Vice ay ramdam ni Karylle ang pag-aalala sa boses nito.

Pero bakit sya nag-aalala sakin?

Tahimik lang namang nakatingin sa kanila ang kanilang mga kaibigan. Nakaramdam naman ng hiya si Karylle sa paraan ng pagtingin ng mga baklang kaibigan ni Vice at ni Iza. Tanging ang magkapatid lang na sina Paolo at Kevin ang hindi nakakaalam sa nakaraan nilang dalawa.

"Ahm, o-ok na ako. Salamat. Maliit lang naman ang paso kaya hindi na gaanong nasakit" Binawi na niya ang kanyang kamay na hawak nito.

"Sigurdo ka? Sabagay,nurse ka naman. Alam mo na kung anong igagamot sa paso. Itong towel baka kakailanganin mo pa" Iniabot niya ang hawak na bimpo kay Karylle saka siya naglakad pabalik sa kanilang tent upang ihanda na ang kanilang hapunan.

MATAPOS ang masayang hapunan na pinagsaluhan nilang lahat sa dahon ng saging ay nagsimula na silang magligpit ng kanilang mga pinagkainan.

"Whew! Parang puputok ang tiyan ko sa kabusugan,ah" Pumalatak si Paolo.

"Ako rin" segunda naman ni Kevin.

"Naparami rin ang kain ko" Ani Iza.

"Masarap talaga kumain kapag marami kang kasama" Sabat naman ni Aaron.

"Yeah!" Sagot ng apat pang bakla.

"Nabusog rin ako,sobra" Masayang wika ni Karylle.

"Halata nga" Natatawang sabi ni Vice saka tumingin sa bahagyang laki ng kanyang tiyan.

"Tse! Kala mo naman sya. Eh kulang nalang kainin mo pati tinik ng bangus eh" Ganti niya kay Vice. Biro lang naman.

"Eh sayang rin naman" sagot nito.

Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal

Nanlaki naman ang mga mata ng nakarinig sa pagtunog ng cellphone maliban sa pagkapatid.

"Oops, thats my phone" Ani Iza na may nakakalokong ngiti. Tumayo ito sa pagkakaupo sa picnic mat na inilatag nila kanina.

"Bhabe kelan ka pa nagpalit ng ringtone?" Nagtatakang tanong ni Paolo.

"Kanina lang habang nasa byahe. Excuse me,sasagutin ko lang. Tumatawag si Mama" Nanunudyong tumingin ito kay Karylle saka lumakad palayo sa kanila.

"Hey bro! Pwede bang samahan mo muna ako 'don sa pinagparkingan natin ng sasakyan. Naiwan ko kasi ang cellphone ko don kanina eh" Ani Paolo kay Kevin.

"Ok, tara!" - Kevin

"Ay naalala ko 'yong ano pala hindi ko pa na ano" Ani ni Archie.

"Anong ano?" Naguguluhang tanong ni Bernard.

"Oo nga! Anong ano?" Segunda ni Matt.

"Kayo talaga, basta halika na. Samahan nyo na muna ako 'don sa tent natin" Sagot ni Archie. Hinila na niya ang mga ito na hindi makaunawa sa ibig nyang ipahiwatig.

"Ang ibig sabihin ni Archie. Yong tent natin, kailangang ilipat don sa ilalim ng tree house para bukas hindi tayo maiinitan sa sikat ng araw. Di ba?" Salo ni Buern.

"Oo nga! Tama! Yon nga. Kaya tara na" - Archie

"Kayo talaga, kung anu ano pang sinasabi nyo. Eh gusto nyo lang namang iwan ang dalawang 'to!" Walang pakundangang sabat ni Aaron. Pakaladkad itong hinila nina Archie at Buern.

Natatawang naiwan sina Vice at Karylle. Pareho silang nakaupo sa picnic mat. Sa harap nila ang kanilang mga pinagkainan.

"Tingnan mo 'yong mga 'yon. Matapos magsilamon, iniwan nalang ang kanilang mga kalat" Sabi ni Vice.

"Hayaan mo na, kayang kaya naman natin itong linisin eh" Sagot ni Karylle. Tumayo siya para pulutin ang mga nagkalat na dahon ng saging at inilagay sa sako.

Tumayo na rin si Vice upang tulungan si Karylle sa paglilinis.

"Nanliligaw ba sayo si Kevin?" Bigla na lamang na tanong ni Vice.

"Bakit mo naman naitanong?" Huminto siya sa ginagawa.

"Napansin ko kasing lagi mo siyang kasama" Seryosong sagot ni Vice.

"Wala naman sigurong masama kung nanliligaw sya sakin di ba? Wala namang magagalit" Muli itong nagpatuloy sa pagpulot ng kalat.

"Gusto mo rin ba sya?"

"Kahit sinong babae magkakagusto sa tulad ni Kevin. Pero sa kaso ko,kaibigan lang ang turing ko sa kanya"

Tila nabuhayan naman si Vice sa narinig. "Bakit naman? Gwapo sya, mukhang matalino, gentleman at matipuno ang katawan. Actually,bagay nga kayo eh"

"Sa sinasabi mong 'yan. Iisipin kong ikaw ang may gusto sa kanya" Panunudyo niya. "Tell me, crush mo sya no? Uuuuyyyy..."

"Ewan ko,pero hindi ko sya type"

"Weeeehhhh??? Di nga? Gusto mo ilakad kita sa kanya?" Biro ni Karylle.

"Tigilan mo nga ako! Wala talaga,promise! Di ko sya bet!" Pabaklang  sagot niya.

NATAPOS na sila sa kanilang ginagawa. Nag-umpisa namang maglatag ng mas malaki at mas makapal na sapin sa damuhan ang mga bakla dahil balak ng mga itong manuod mga nagkikislapang mga bituin. Maganda nga naman talaga tingnan ang mga bituin sa kalangitan lalo pa at walang kaulap-ulap na nagtatakip sa mga ito. Idagdag pa ang liwanag na binibigay ng buwan.

Nag-unahan silang lahat sa pagpwesto sa inilatag na sapin. Si Kevin na may dalang gitara ay tumabi sa nakaupong si Karylle.

"Marunong kang mag-gitara?" Puna ni Bernard kay Kevin nang mapansin nito ang dalang instrumento.

"Yeah, pampalipas oras kapag nasa trabaho"

"Ay naku guys! Gusto nyo bang marinig ang boses ni Kevin?" Tanong ni Iza.

"Yes please! Pasample naman" - Aaron

"Oo nga...sample..sample..sample" cheer ng lahat maliban kay Vice.

Game na game namang pumayag si Kevin.

"Ok,this is for you" Malambing na wika nito na kay Karylle nakatingin.

Nagtilian naman ang mga bakla pati na si Iza at Paolo. Si Vice naman ay simpleng siniko ang katabing si Buern na kilig na kilig.

"'Wag kang maniwala d'yan. 'Di ka nya mahal talaga...Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya...."

Aba loko 'to ah! Sa dinami-daming kanta na pwedeng kantahin ang akin ka nalang pa ng itchyworms! Naisaloob ni Vice.

"Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka...Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya...."

Baka ikaw ang maraming babae! Tado 'to ah! Sabat ng isip niya.

"Akin ka nalang..(akin ka nalang)..iingatan ko ang puso mo. Akin ka nalang..(akin ka nalang)..wala nang hihigit pa sayo...."

Hindi pwede! Akin lang ang asawa ko! Pagpo-protesta ng puso at isip ni Vice.

Correction! Ex-wife mo nalang sya! Kontra ng isang bahagi ng isip niya.

"Wow! Ang lamig naman ng boses mo" Malambing na sabi ni Matt.

"Malamig? May yelo bang lumalabas sa bunganga niya?" Naiiritang sagot ni Vice.

Nagkatinginan naman ang mga bakla. Si Iza naman ay aliw na aliw sa panunuod sa reaksyon ni Vice. Habang nagbubulungan ang mga kaibigan nito.

"Its more selos in the Philippines" Mahina at natatawang wika ni Archie.

"Tama!" Sagot ng apat.

MALALIM na ang gabi. Nasa kanya-kanyang tent na ang lahat. Sina Iza at Karylle ang magkasama sa isang tent na itinayo ni Paolo para sa kanilang dalawa. Nasa loob na sila nito upang magpahinga. Ngunit hindi pa siya inaantok. Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo. Napansin marahil ng kaibigan niyang si Iza ang kanyang paggalaw kaya bumangon rin ito.

"Hindi ka makatulog?" Ani Iza.

"Naistorbo ba kita?"

"Hindi naman. Hindi rin kasi ako makatulog eh. Naninibago lang siguro ako. Anong iniisip mo?" Tanong nito.

"Marami. Sina mama,sina Nathan at Nathalie pati na rin ang trabaho ko"

"Tumingin ka nga sakin best. Nakikita ko sa mga mata mo na iba ang sinasabi ng bibig mo sa sinasabi ng isip mo. Si Vice ba?" Mahina nitong tanong.

Kilalang-kilala na talaga siya ng kanyang kaibigan. Wala na talaga siyang maililihim dito. Tumango siya.

"Napansin ko, mas lalo na kayong nagkakalapit. At nakikita ko rin ang reaksyon nya kapag si Kevin ang kasama mo. Ayaw kong isipin, pero parang naiinis siya kapag magkasama kayo ni Kevin. Para bang nagseselos siya"

"Hindi naman siguro. Kanina nga,habang naglilinis kami ng pinagkainan natin, napag-usapan namin si Kevin. Parang gusto nya pa nga si Kevin para sakin eh" Pag-amin niya.

"Malay mo, sinabi nya lang yon para pagtakpan ang nararamdaman nya"

Nagkibit balikat na lamang si Karylle.

"Sya nga pala. Walang alam si Kevin na may anak ka na pala sabi ni Paolo. Hindi naman kasi masyadong nag-uusap ang magkapatid na 'yon. Alam mo naman si Pao, masyadong tahimik. Hindi magsasalita kapag hindi mo kinakausap."

"Alam ko yon. Thank you ha?"

"Saan?"

"Sa lahat-lahat na ginagawa mo para sa akin. Thankful ako kasi ikaw ang naging bestfreind ko"

"Sus! Wala yon. Basta ikaw. Mahal mo parin siya no?" Kinikilig nitong tanong na ang tinutukoy ay si Vice.

"Itatanggi ko pa ba? Eh mukhang alam mo na ang isasagot ko" Nakangiti niyang sabi.

"OMG! Push mo yan teh! Walang imposible"

Sabay silang naghagikhikan. Mahina lang naman ang kanilang pag-uusap pati na rin ang pagtawa dahil hindi naman magkakalayo ang kanilang mga tent. Ilang sandali pa ay nakatulog na rin ang mga ito na parehong masaya.

Continue Reading

You'll Also Like

39.3K 748 52
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
365K 7.9K 28
Highest rank #2 in short story. lyr father wants to marry her to his bestfriend son and shes not agree with it.. she get drunk on a bar and give her...
23.4K 571 18
Taga-laba, taga-luto, taga-linis ng bahay, ilan lang ang mga iyan sa naka-atang na gawain kay YUMI. In short, all around maid but no sahod. Magbabago...
103K 1.3K 17
Si-siguraduhin kong magiging akin ka at pagkatapos non, ra-rape in kita ng bonggang bongga! Humanda ka Mr.Yan! Ipapa-mukha ko sa'yong, Tama ako! YAN...