Teen Militia: School For The...

By viennech

73.5K 8.1K 5.3K

Behind the tall walls out there; spread in miles away in front of your naked eyes, there you will see Teen Mi... More

School For The Criminals
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39*
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Author's Note
Special Chapter

Chapter 14

857 168 27
By viennech


Just kidding! Tawang-tawa pa nga ako rito habang ginagamot yung bukol ni Chinito. Nasa resting area kami ng training room. Naka-topless na siya habang tahimik na nagpupunas ng pawis dahil sa nangyari sa kanya kanina. He have marks sa mga katawan niya. Parehas ng kay Liam. Weird, saan kaya nakuha nila ang mga ito?


Nevermind that. Sorry, pero nakakatawa talaga yung pagmumukha ngayon ni Clyde. Para siyang bata na pinagsabihan na wag tumakbo pero tumakbo pa rin kaya't natumba at- alam mo na.


"Uyyy. Ang tahimik mo." I tilted my head para makita ang ekspresyon sa mukha ni Clyde. Nakayuko siya kaya't di ko masyadong makita. Patuloy pa rin yung paghawak ko sa ice bag na nasa noo niya.


Tsk, kawawang nilalang.


"Ang lakas na ni Sky sumuntok, fuck." pabulong na mura nito. "Dapat sinuntok ko na rin pabalik."


Mas lalo akong natawa dahil sa sinabi niya. "Babae 'yon." I told him.


"Kahit na!" he protested. Tinignan niya ako gamit ang seryoso niyang mga mata. Wow, first time niya maging pormal yet nakakatawa pa rin siya habang tinitignan.


I smiled at him. "In the first place, kasalanan mo naman 'yon." sabi ko. He groaned.


Habang nag-uusap kami sa gilid ay napatigil na lang ako nang makarinig ng kung ano sa tenga ko. Tila ba the same sound na narinig ko kanina nong pumutok ang baril malapit saakin. I looked at him at tila napapahawak rin ito sa tenga niya. When it stop tinanong ko siya.


"What was that?"


"Frequency." tipid na sagot ni Clyde.


"Saan galing?"


"I don't know. Di naman ako matalino."


Muli ulit akong nakarinig ng ganon. Dahil roon nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin si Sky. Wala na siya sa boxing ring. Ganon rin si Liam. Baka nagpalit na ang mga iyon ng kanilang damit. Tinignan ko na lang sa kabilang gilid sina Trevor at ang pinsan niyang si Cloe na kanina pa tahimik na nag-aaral doon. Saka ko napagtanto na naririnig rin nila iyon. Napapatigil at umiiba ang ekspresyon ng mga mukha.


I guess lahat naman kami rito naririnig yung nakakabinging tunog na 'yon. Di na sana ako bwebwelta nong aksidenteng dumapo ang tingin ko kay Madam Majestic. Tahimik itong naka-upo sa mesa niya. I stop and noticed na wala man lang siya reaksyon doon. Parang wala siyang naririnig.


Clyde noticed what I've been noticing right now. He laughed teasingly saka ako binalingan. "Naalala ko. Nakabase rin sa edad yung makakarinig ng ganong tunog." sabi niya. Tinignan ko naman siya gamit ang mga inosente kong mata. "The lesser your age, the more you can hear. The older you are, the lesser you can hear them... the frequency." he confirmed.


Napa-awang na lang ako sa nalaman. I remembered. Nabanggit yun ng Science teacher ko nong junior high pa ako.


"Iba-iba ang lakas ng tunog niya?" I asked him again.


Hinawi niya yung kamay ko na hawak-hawak ang icebag sa ulo niya. Bagkus kinuha niya iyon para siya na yung maglagay non sa bukol niya. "You're a bad nurse. Mas lalong sumasakit pasa ko."


I groaned. Eto na naman siya. Napa-irap na lang ako at tinignan naman si Clyde ng masama. "Dagdagan ko pa 'yan."


He laughed mockingly. "Joke lang."


"Hoy, Clyde!"


Napa-angat naman kami ng tingin at bumungad samin sina Trev at Cloe na hawak-hawak na ang kanilang bag.


"Aalis na daw sabi ni Liam." pormal na sabi ni Cloe rito. Dumulas yung tingin niya sakin but didn't gave an effort to talk to me. "Ngayon na." then she frowned. She acted na sila lang yung tao sa training room.


"Agad?!" bwelta ni Clyde. Tatayo sana siya pero mas pinili niyang umupo na muna. "Nagdadate pa kami ni Hannah." tinignan ko naman siya gamit ang di makapaniwalang ekspresyon ko.


"Nice joke, Clyde." sarkastikong mura ni Trevor sa pinsan niya. Tinignan niya ito na parang inoobserbahan ang sitwasyon ni Clyde ngayon. "Are you fine? Para kang maiiyak sa bukol na 'yan." asar nito.


Napa-irap si Clyde at kakamaohin sana si Trevor na nasa tapat namin. "Yabang mo. Parang di ka naman umiyak nong nagbreak kayo ng bumugbog sakin."


Pumait ekspresyon ni Trev. Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya pero pinilit kong pigilan. Hindi kami close para asarin siya.


I saw Cloe rolled her eyes. "That's quite disgusting." sabay krus ng kamay. Tinignan ko naman siya nang masama pero madali lang 'yon para di ako mahuli.


Naramdaman kong may papalapit saamin. At the other side I saw Liam and Sky walking toward us. Si Liam diretso ang tingin kay Clyde habang si Sky ay mataray pa rin ang ekspresyon sa mukha habang tinitignan ang katabi ko.


"Kailangan na niyong umalis. Pinapatawag na kayong tatlo sa faculty." malamig na sabi ni Liam sa mga pinsan niya habang nag-aayos ng tuwalya. Muli niyang tinignan ang bubug saradong pinsan at pakantsaw na nagpakita ng gulat sa mukha. "Clyde, buhay ka pa?" he asked mockingly. Cold pero bakas yung sarkastiko sa boses niya. "Anong nangyari sa'yo?"


Napasinghal na lang si Clyde. "Grabe, Pre! Pakiramdam ko may bakal yung gloves nong demonyong 'yon." pagpaparinig nito kay Sky. He tried to sound friendly nong nasa harap na namin si Liam. Halatang ayaw niya magpakita ng inis rito.


Sky smirked pero di na nagbitaw ng salita. Nakinig lang ako sa kanila.


"Mabuti di ka natuluyan." napakibit-balikat si Liam. I can't belive it. Bukod sa pagiging seryoso, misteryoso at snob-may ganito rin pala siyang ugali. Nakaka-asar. Sabi na, magpinsan talaga sila.


"Kung mapatay yan, malulungkot yung Teen Militia." singit naman ni Cloe. Her tone was kinda offending or what. Di ko ma describe. Di ko nga alam kung joke o tunay 'yon. With her frowning face, crossed arms and straight posture di ko masasabi na makakavibes ko talaga ang babaeng 'to.


Di naman bumwelta roon si Clyde. Bagkus napatayo ito at asar na pinalpag yung tshirt niya sa harap ng apat. "Tangina, ang papangit ng ugali niyo." he muttered. Natawa naman kaming lahat dahil rito.


Samantha Trinity Dizon:


Nasan na 'yon? Nasan na si Hann? My God, nawala ko siya!


Napasabunot na lang ako ng buhok at inilibot ang tingin sa paligid. It's dark and cold here. Agad ko pinunasan yung sugat sa mukha ko. Talagang trinatraydor ako non ah.


Halos maghahating gabi na rito at di ko pa rin nahahanap ang kadormmate ko. Bumalik ulit ako sa paglalakad. Ilang minuto rin ang nadulot non hanggang mapatigil na lang ako nang may makasalubong.


Nagtinginan kami at pati siya napatigil nong maka-eye contact ko. "You?" panimula ko.


Napapalpag naman si Jacob sa kanyang pantalon at hinarap ako. "Hinahanap ko lang kaibigan ko rito." sabi niya. His ginger hair compliments his milkish skin. Chinito rin ito na mas lalong nagpapagwapo sa kanya.


Agad ko siya nginitian. "Ah yon si Lance?" tanong ko saka nilapitan siya.


Napakunot naman ito nang makita ang daplis sa mukha ko. Damn, bakit kasi nakuha ko 'to kanina?


"What are you doing here?" kuryus na tanong niya sakin.


Nagkibit balikat naman ako. "Ba't ko naman sasabihin sa'yo?"


"Samantha." suway ni Jacob. Suway niya sa pinapakita kong ugali ngayon sa kanyang harap.


Mapait ko siyang nginitian. "Hinahanap ko rin kaibigan ko." I answered Jacob saka tinalikuran na siya. Narinig ko itong mapa-tsk.


"The event is near. Siguro sa katapusan ng taon o next year." pahayag niya sakin habang nakabuntot sa likod ko.


Finocus ko na lang ang atensyon ko sa paglalakad. Hinawi ko ang mahahabang damo na humaharang sa dinadaan namin. "Eh ano naman?" bwelta ko rito. Di ko pa rin siya tinitignan.


Depressed siyang napasinghal. "I'll stop them, this chaos." aniya habang naririnig ko ang mga yapak nito.


Wow, kaya niya? Kaya niya patumbahin ang Teen Militia? Imposible ata iyon. Napaisip naman ako sa magiging circumstances.


He came from a very rich family na wala ako. He is also friendly at madaling magpakampi ng tao habang ako naman mapili sa pwede kong lapitan o pagkatiwalaan. Nevertheless may grupo nang nabuo si Jacob na walang-wala ang iba. May tulong rin siya sa labas at ang umutos sa kanyang gumawa nito ay napaka makapangyarihang tao sa pamahalaan.


Maybe he could be sucessful. Baka mapatay pa nga niya yung apat na inheritors ng Teen Militia. Iyon yung tanging dinidispatsahan ng mga katulad niya. While ako? Wala lang. Paki-alam ko sa mga inheritors na 'yan. Di nga nila ako kilala o kinausap man lang ng isang beses.


Napatigil na lang ako sa paglalakad nang makita si Hannah na pababa pa lang sa puno. Inaalayan siya nong kaklase namin na nag ngangalang Lance. Napakunot ang noo ko habang minasdan sila.


Parang may sinasabi sa kanya si Lance na binabalewala lang ng bago kong kadorm mate.


"Nandito lang pala sila." sabi ni Jacob at nilampasan ako mula sa likod ko. Agad niya nilapitan ang dalawa. Nagtataka kaming tinignan ni Hann habang nakakunot ang noo.


"Ano 'yang nasa pisngi mo?" tanong ni Hannah nong lumapit na ako sa kanya. Malungkot ko siyang tinignan saka niyakap siya.


"May bumabaril kanina." iyak ko. Napalean ako sa balikat niya. Tinignan naman ako nang makahulugan nong Lance. Pinapahayag na may mali akong sinabi. Binalewala ko lang yon at niyakap ng mahigpit ang babaeng kaharap ko. "Akala ko papatayin nila ako." I said.


I heard a sudden knock on the door. bagay na nagpatigil sa pagmumuni-muni ko sa nangyari kagabi. Napatayo ako sa armchair at tinignan ang pinto ng dorm namin. I'm expecting Hannah to come in pero di bumukas iyon. Dahil roon ay napilitan akong lumapit sa pinto at sumilip sa peephole nito.


"Samantha, open the door."


Nagulat na lang ako nang makita si Roxanne sa labas. Napa-atras pa nga ako. With her short hair ang suplada face ay napatingin siya sa peephole.


"Dizon, bilis!"


Binuksan ko naman agad ang pinto at sinalubong siya. "Bakit?" tanong ko. "Bakit ka nandito?" my hearts start pounding. Pilit ko itong nginitian.


Inilibot niya ang tingin sa kwarto bago ako sinagot. "Wala lang. I just want to tell you my confirmation about sa mga key-to-corrections na binigay ko sa'yo kahapon." aniya.


Walang paalam ay pumasok siya sa silid. Muli niyang pinasadahan ito ng tingin mula sa dalawang kama papunta sa balcony namin hanggang sa mini sala, kusina at comfort room.


"Di tayo nahuli ni Sir Matin." she announced. Napaharap siya sakin. Inabangan ko lang sasabihin ni Roxanne. "Bagkus sina Loki pa yung pinagbintangan. Under investigation pa ang grupo nila."


Napatango naman ako. "That's good." sabi ko na lamang.


Tinignan naman niya ako na parang may mali akong sinabi. "Oh? Ba't parang di ka masaya?" prankang tanong ni Rox.


I flinched saka tinaas ang kamay sa ere. Sinenyasan ko siya na okay lang ako about doon. "No. I'm okay." sabi ko. Napangiti ako ng pilit. "Salamat." sabay cling sa braso niya.


Agad niya inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya. She breathed sabay irap. Parang dumilim ang paningin ko dahil rito. "Aalis na ako. I noticed wala pa rito yung magaling mong roommate." bahagya siyang naglakad palapit sa pinto and stopped to face me. "I don't want to see her every day. Nakakairita na yung mukha niya sa classroom. Akala mo kung sino pag umasta." aniya.


Napasinghal na lang ako. "She's new here." nag-akto pa akong mabait habang sinasabi yon.


"Whatever." bara niya sakin. Then I watched Roxanne walked away from my room.


Pagod kong sinara ang pinto at napasandig doon. I've been thinking of something. Marami na akong pinaplano ngayon and I don't want to miss a single chance about it. Sinimulan ko na 'to since pumasok ako sa Teen Militia. Gusto ko 'to. Gusto ko 'tong mangyari. At gagawin ko ang lahat para makamit ang hustisya ni Papa. Sana maging worth it rin. You know...


I'm Samantha Trinity Dizon. One of the students sent here to spy Teen Militia. And I am willing to destroy this organization with the help of someone from the goverment society and of course, with my playing safe character.






Hannah Angela Agile:


"Hintayin mo ko rito sa labas." sabi sakin ni Sky habang abala sa kakaisip kung saan niya naiwan yung ipapasa niyang assignment sa isang faculty member. "Parang naiwan ko ata sa locker, tignan ko lang doon." aniya.


Agad niya ako iniwan sa harap ng double door ng training room namin. Halos walang security guards rito sa corridor. Nasa kabilang liko pa kasi sila pinapabantay ni Madam Majestic.


Napalingon na lang ako kina Clyde, Trevor at Cloe na naglalakad na palayo. "Bye, Hann!" paalam sakin ni chinito. Agad ko naman siya kinaway habang nakangiti. Senyas na okay lang sakin na mauna na siya.


Ilang segundo tumalikpd na sakin si Clyde. Nakisabayan na rin sa pag-uusap ng kanyang pinsan. Habang naiwan naman si Liam rito sa gilid na abala sa pagtetext sa smart phone niya.


Feeling ko yung tatlo niya lang na pinsan yung kailangan sa meeting na pinag-uusapan nila kanina.


Kaya't ayon, pinagmasdan ko si Liam na seryoso sa kanyang ginagawa. Ang gwapo niya habang nasa gilid at parang may hinihintay. Pero feeling ko wala naman dahil masyado siyang introvert saaming mga kabatch at pumapaligid sa kanyang tao.


Naalala ko tuloy ang nangyari next week. Lakas loob akong lumapit rito. Tahimik akong naglakad sa direksyon niya. Di naman kalayuan ang anak ng headmaster kaya madali kong nagawa 'yon.


Nong napansin niya ang ginawa ko ay kunot noo niya ako tiningala. Inalis ang tingin sa hawak niya and gave me his questioning look. Napa-ayos na lang siya ng postura at sinalubong ako ng maayos nong nasa harap ko na siya. Tinignan ko naman ito.


"Here." sabi niya.


Sabi ni Liam nong tumatakbo kami sa corridor non. Habang hinahabol ng mga guards ni Mommy. He handed me some wet wipes like a real gentleman. Naluluha man ako noon ay focus ang atensyon ko makatakas that time. I didn't even noticed his presence or what he did.


And now, here he is now. Kailangan ko ata siya pasalamatan sa ginawa niya sakin nong araw na 'yon. No, I really need to thank him.


"Thank you." sabi ko sa kanya.


"Huh?" nagtataka niya akong tinignan.


"Thank you for saving me last week. Ang kay Mommy." paglilinaw ko.


Nagets naman agad niya ang sinabi ko. Tumango siya sa harap ko at dinapuan ako ng tingin sandali. "Prego." aniya. Kita kong may sasabihin siya pero di na natuloy yun nong lumabas si Sky sa double door.


"Nakuha ko na." sabi nito habang tutok lang ang atensyon sa papeles na hawak niya.


Napalingon sa kanya si Liam at parang natauhan ito. Agad niya ako binalikan ng tingin and his eyes was so blank. Tinalikuran niya ako nang wala man lang pasabi. Naglakad na siya palayo sakin.


Di ko talaga gets kung blessing in disguise ang lalaking 'to or what. Feeling ko may something sa kanya na di ko ma intindihan.


All I know siya yung mastermind na idala ako sa Teen Militia. Without him di ako makakalayo sa buhay ko kay Mommy at kung ano pa mang kasakiman ang naranasan ko sa labas. Nang dahil sa kanya I have a chance to show my real self sa loob ng Teen Militia.


I need to know him more.


Mr. Liam Tristan Morqanion.


"Bumalik na tayo sa dorm, Hannah." nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Sky sa tabi ko. Napacling siya aking braso. Sumangayon naman ako sa sinabi nito.











Samantha Trinity Dizon:


"I'm back!" nagulat na lang ako nang biglang bumuga sa harap ko si Hannah. Halos nasa kalagitnaan na ako nang pagplaplano. Suminghal ako at napahawak na lang ng dibdib.


Relax, Sam. Di ka mahahalata ng babaeng 'to.


Nakangiti at maaliwalas ang mukha ni Hannah ngayon. Marahas akong napalingon kung saang direksyon galing si Roxanne at kung saan naman dumeretso si Hann. Thanks God, they were in an opposite direction.


"Ang aga mo ata." bungad ko rito. Konti na lang at malilintikan na ako kanina.


Tinignan naman niya ako gamit ang nagtataka niyang ekspresyon sa mukha. "Ata? Bakit? Alam mo ba yung schedule ko?" she asked innocently sabay pasok sa dorm at diretso sa mini ref sa kusina. Kumuha siya ng malamig na tubig at uminom nang dire-diretso.


Napailing naman ako sabay ngiti ng malapag sa kasama ko. "No, of course not. Sadyang early as I expected." aking palusot. Sinara ko na ang pinto namin at naglakad palapit sa kanya.


Patuloy lang si Hannah sa paghahanap ng pwede niyang makain sa cabinet namin. More likely akin yung karamihan doon pero nevermind. Okay lang.


So I snapped her again. "Ano? Naka-isip ka na ba ng paraan para makadaya tayo?"


Doon umaliwalas ang mukha niya at ngumiti. She pulled me near her. "Alam mo, Sam? Naka-isip ako ng great idea para mapadali 'yon." Hannah said.


Nakuryus naman ako dahil rito. Ano kaya 'yon?


"May radyo ba sa classroom natin? Or any sound system device?"


Umiling naman ako. "Not really. Kung meron man ay iyong announcer na nakasabit sa taas ng whiteboard natin." pagpapaliwanag ko rito.


She dramatically sighed bago ako binitawan at umupo sa kanyang study desk. "Alam mo ba yung frequency law? Something like that?"


Huh? Ano bang pinagsasabi niya.


"We can use it para sa Lunes! We can cheat in an easy way!" she screamed joyfully.


Napa-awang na lang ako ng bibig dahil di ko talaga magets yung tinutukoy niya.


She rested her head sa kamay niyang nakatuko sa lamesa. "But I need someone para makatulong saatin sa pag-aayos non. Like di pa ako marunong sa field ng electronics at," napatigil siya.


Don't say-


"Tatawagin ko yung chinitong maputi!" she claimed. "Sa bagay nakita naman natin siya kagabi so parang close na natin sila. Lalo na nong kasama mo siya." tinuro niya ako.


Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at di makagalaw rito sa kinakatayuan. Umiling ulit ako. Di naman 'yon pinansin ng kasama ko.


"At saka, Sam, may atraso yung kaibigan niya akin. Yung kasama ko kahapon." Hannah said.


Nong narinig ko 'yon ay pasimple akong napa-irap. Nagkrus ang braso ko at nagsalita na ulit. "He saved you. Bakit siya pa yung may atraso?" tanong ko. Bigla na lang umiba ang aking mood.


"Basta, long story. Nakakatamad ikwento." mapait na sagot sakin ni Hannah. Tinignan niya ako diretso sa mata at bakas doon ang glimpse ng madidilim niyang mga plano.


Teka alam ko na 'to. Bahagya akong napailing. No!


No.


No way!


"Ang bilis naman niyang desisyon mo. Care to explain to me kung ano muna 'to?" sabi ko sa kanya. Kinukumbisi ko siyang wag na ituloy 'yon. "Like kaya naman nating dalawa." sabi ko pa. Bakas yung pagtutol sa mukha ko.


She sighed at di makapaniwalang tinignan ako. "Anong kaya? Kailangan natin ng kadamay rito. Saka pa, he owe me. They owe me." she said with confidence.


My God, Hannah!


Nginitian ko siya ng pilit dahil alam ko namang kahit anong suway ko sa kanya ay siya pa rin ang masusunod saamin.


"Alright, fine. Ikaw na bahala saating dalawa." sabi ko at bagsak na napahiga sa kama.


Tinawagan na niya agad si Jacob gamit ang phone ko. This girl is rich pero ayaw niyang magpabili ng sarili niya. Er.


Di ko maiwasang mapraning habang tinitignan ang ginagawa ni Hannah. I gritted my nails using my teeth. Wala ka namang magagawa, Samantha. She's in a higher caste than you. You need to stick with her para maka-angat rin sa iba.


Napasinghal na lang ako sa sitwasyon kong ito. If only...


Anak ako ng mayaman, anak ng sucessful na tao, God's favorite, swerte sa buhay- edi sana di ako napadpad rito. Di ko na kailangan gawin 'to.


"What? Kami pa yung pupunta diyan?" she hissed. Napalingon naman ako sa kanya. "Sige. Sige. Dadating agad kami ni Sam." Hannah smiled sweetly to me bago niya inend ang tawag. I smiled back like I need to do it. Di ko pinahalata sa kanya na ayaw ko.


After non ay dumeretso kami sa main chamber ng Teen Militia. Doon nalolocate ang main hall at first lobby ng lugar na ito.


Umaliga sa paligid si Hannah para hanapin yung taong gusto niyang makita. Pati ako ginawa rin ito. Pumako yung tingin ko sa dalawang lalaki na naglalakad palapit sa direksyon namin. I froze bago bumalik sa katinuan at kinablit sa likod si Hannah. "Nandon sila." I told her.


Kakakita lang naming apat kagabi tapos eto na naman, hays.


Slow motiong napaharap si Hannah sa tinuturo kong direksyon. Nakangiti pero napawi rin ito nong may nakita. "Akala ko mag-isa lang si Jacob." she whispered saka ktinabig ang braso ko.


Tinignan ko kung saan nakatutok ang mata niya. I saw Lance. Pasikreto akong napangisi at di na tinanong si Hannah dahil sa napansin. Seems like naiilang siya sa lalaking 'yon ah. Hays, Lance.


"Tara na. Imbita ko kay Hannah." naglakad kami nang marahan palapit sa kanila, yung mga lalaki.


"Hannah." bati ni Jacob.


"Hi."


"Buonasera." bungad saamin ng bait-baitan nasi Lance. Tinignan niya kaming dalawa ni Hannah. He's tall and towering. Di tulad kay Jacob na tama lang ang height. "Kumain na ba kayo? Gusto niyo sa dining area muna natin pag-usapan yan?" he asked us like a real gentleman.


Napatango naman ako. Tinignan ko si Hannah para hintayin ang sagot niya. Napabilog siya ng mata saka pasimpleng napabulong sakin. "No, Sam. Ayoko malaman ng iba yung pinaplano natin except kay Jacob. We are cheating. Nakakahiya." she cried.


Mas lalo akong napangisi sa nalalaman. She obviously have a small crush to Lance. Halata naman kahapon eh. The way na makatingin siya lalaking 'to. Last week ay lagi rin niya sinusulyapan kung saan umuupo si Lance.


"I'm hungry na, Hannah. Saka pa wala namang mali doon. Mukhang maiintindihan naman ng mga 'to." I said with a low tone. Napalingon ako sa dalawang lalaki na nasa harap namin sabay ngiti. "Tara."


At dahil doon ay dali-dali kaming dumeretso sa dining area. Nagdadalawang-isip pa si Hannah. Si Jacob at Lance ay friendly na kinausap kami habang naglalakad na parang walang baho sa kanilang ugali. Ako kalmado lang as usual.


"Hannah, ano nga pala yung gusto mong tulong?" asked Jacob. Napairap naman ako.


Lumapit sa kanya si Hannah saka bumulong. "Alam kong electronic expert ka. I just want to ask you if I can borrow some small speaker of yours." she said sweetly.


"Yun lang? Bakit?"


"Ahh, basta. Hirap iexplain."


My God, Hannah. Ituloy mo na. Sabihin mo na sa kanila.


"Bakit nga?" Jacob.


"We need it. Para dumaya sa Lunes." I finally hopped in their conversation. Prangka ko itong sinagot.


Kung di ko yun sasabihin ay sino pa? Pinanlisikan ako ng mata ni Hannah. Napasinghal na lang ako.


"It's my plan." pag-aako ko rito. Nagdududa akong nilingon ni Jacob. Hinayaan ko lang siya at di ko na pinansin.


Dahil doon parang nabunutan si Hannah ng tinik. "Alam mo yung frequency? Pwede natin yun gamitin." sabi niya kay Jacob.


Napatabi naman sakin si Lance na tahimik habang naglalakad kami kanina. He moved his gaze at me saka ako tinignan gamit ang mapahiwatig niyang mga mata. Again? Seriously, Lance?


"Angela Agile!" tawag niya rito na parang wala siyang pinapahiwatig sakin kanina. Tumabi ito kay Hannah. "Kanina mo pa ko di pinapansin." he said.


"Huh? Ah wala. Busy lang ako." Hannah.


"May mali ba ko nasabi sa'yo kagabi?" pangungulit pa rin ni Lance.


Hannah just shrugged, ignoring this charming guy.


"Ano ba yung pinaplano niyo? Sounds like terrific." Lance asked in a charming way. Para icaptivate ang atensyon ni Hannah. Pero sa huli di parin siya pinapansin nito.


Sa wakas, nakadating na kami sa dining area. Di masyadong matao rito. The two boys ordered our food habang kami naman ni Hannah ay umupo na saaming upuan sa mahabang table ng pasilyo. Nong dumating na ang aming pagkain at sina Lance at Jacob ay doon rin nagsimula ang aming usapan.


"As you can see, we have this thing called frequency." Hannah.


Napa-inom naman ng juice si Jacob. "So we will used it habang dunadaya? By the way saan niyo nakuha yung key-to-correct? Legit ba yan?" seryosong tanong nito.


"Di naman sila lalapit satin kung hindi." Lance snapped bago pinagpatuloy yung pagkain.


Napa-irap si Hannah sa marahang paraan. "Of course, yes! Kung hindi bahala na." she claimed.


Binaba ko naman yung fork na hawak-hawak ko ang slightly pointed Jacob. "Alam mo ba yung different levels ng frequency? We can label them to A, B, C, D and E." sabi ko rito. "And we will use any sound system device para marinig iyon in patern."


Napakunot naman ng noo si Lance. But he still looks friendly on that expression. "So you're telling us na tayo-tayo lang makakarinig non pag pumili tayo ng tamang frequency?" tanong niya. Nagtinginan naman sila ni Jacob. "Kasi kung maririnig yun ng proctor na magbabantay satin, which will be older than us, mahahalata yun."


"Kaya nga. We will use it." Hannah. "Para di tayo mahuli. Pahinain rin para tayo-tayo lang makakarinig, nasa dulo lang naman tayong apat."


Lance agreed on her. "Okay." at pinagpatuloy yung pagkain. "You're really witty, Hannah."


I saw Hannah blush. Natawa na lang ako ng patago. Pati ako kinilig sa sinabi ni Lance. Kahit kailan gago ang lalaking 'yon.











Hannah Angela Agile:


Dumating na yung araw na pinakahihintay ko. After pumayag nina Jacob na makisali sa plano namin ni Samantha, which is ako talaga halos nag-isip nong lahat, dumeretso kami sa workplace ng mga boys. Malayo ito sa main hall at malapit sa boys' dormitory. Nakahilera sa mga organization rooms. Malaki at malawak. Dark and interesting.


"Dito kami dati gumagawa ng mga projects." Jacob. "Machineries and electronics yung strand namin kaya kailangan."


Napa-oww na lang ako at manghang tinignan ang silid. Puno ito ng mga computers, files na nakadikit sa pader, swivel chairs, dark designed interiors, stuffs na pang-ayos ng mga device at different kind of work equipments. "I can't believe na pwede pala kumuha ng silid rito sa Teen Militia. Yung pang personalize. Kayo lang ba gumagamit nito?" tanong ko sa kanila.


Napalingon naman sakin si Lance habang nag-aayos ng kalat na nakikita niya. He became silent but di ko na pinansin. Parang may iniisip. Dumeretso si Jacob sa specific computer niya. Habang si Samantha naman ay napalibot sa kwarto.


"Kami-kami lang rito ng mga barkada namin." mahinang tugon ni Jacob. Tinignan niya ako. "Pwede ring kumuha kayo kung gugustuhin niyo. Basta't magpapirma ka sa faculty at may bakanteng espasyo sa kabila, Hannah." sagot nito.


Agad naman ako napatingin kung nasaang gilid siya nakaturo. "Nah. Wala naman akong magagawa sa silid na yan if ever makakakuha ako. Kung meron, gagawin kong tae-kwon-do facility." ani ko. "Pero hindi worth it ng time so wag na lang." dumulas ang tingin ko kay Lance. Nagkatinginan kami. Napansin kong ang lalim talaga ng iniisip niya. Weird. Ako na ang umiwas ng tingin saamin.


"Okay, ikaw nagsabi niyan." Jacob.


Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula na sa paglilibot ng paligid. Tinignan isa-isa ang mga lumang computers. "But in fairness, ang ganda pala rito." palusot ko sa kanilang lahat. Sinabi ko lang 'yun to lessen the awkwardness nong eye-contact namin kanina ni Lance.


Muli akong sinilayan nito habang nag-aayos siya ng gamit. Nakita ko siya sa peripheral view ko. Lumapit si Lance sakin at may nilahad. "Eto yung speaker na gagamitin natin " aniya sabay patong nito sa desk na nasa harap ko.


Tinignan ko naman ito. Bilog na speaker na halos kasing laki ng baseball. "It's quite small." naaalanganin ko pang sabihin rito.


"What do you expect? A large one, Hannah? Para marinig tayo?" Samantha. Nilingon ko siya. Naglalakad ito palapit damin ni Lance. Binigyan niya naman ako ng malapad niyang ngiti nong tinaasan ko siya ng kilay.


Agad ko naman ito nilapitan. "Tell them na magsimula na." sabi ko sabay ayos ng pula niyang buhok.


Tinignan naman ni Sam sina Jacob at Lance na parang nagdadalawang-isip sa gagawin. Pero sa huli, pilit siyang nagsalita. "Let's start." Samantha.











[JULY 3, 2000]


A quiet and busy day. Lahat ay preperado na sa mangyayaring assessment. Halos lahat ng makita kong mga senior ay may nakainprentang eyebags sa kanilang mga mata. Antok at parang zombie na maglakad kahit ang aga pa ngayon.


"Hoy, Hannah! Handa ka an ba?" Sky greeted me ko siya nakita sa hallway. Napatakbo ito palapit sakin habang nakangiti. Her skirt bounced as she run.


Tinignan ko naman siya gamit ang inosente kong ekspresyon. Marahan akong napatango kay Sky. "Of course. Actually, naantok na nga ako kaka-aral kagabi. You know, ang haggard ko na." nag-akto pa ako na na-aantok bago napatingin sa kanya. "Ikaw?"


"Of course, hindi. And dami non." snapped Sky. She pouted her lips. Dumulas ang tingin niya sakin. When she saw me blooming ay minulatan niya ako ng mata. "Grabe ah. Fresh na fresh. Parang di nastress." tukoy niya sakin. Inayos niya ang aking black straight hair.


Shame, masyado ba akong pahalata?Napangiwi na lang ay napaharap ako kay Sky. Napalunok ako. Napagtanto ko kasing wrong choice of words yung sinabi ko kay Sky kanina. I would really regret it someday kung gamitin niya yun against me. "Joke lang talaga 'yun." bawi ko. "Ang hirap." I said.


Inirapan niya ako in a teasing way. "Excuses." sabay crossed arms. "Pasimple pa." We both chuckled. Sa kanya totoong halakhak. Sakin ay parang kinakabahan na kung ano. After non dumeretso na agad kami sa opisina ni Madam Majestic para magpa-alam na handa na kami sa pagsusulit mamaya.


8:30 am ay nagsimula na ang aming test. Si Jacob na ang bahala saamin sa paglilipat ng subject patterns. Habang ginagawa namin ang pagdadaya, na inexpect kong masakit sa tenga ay napagtanto kong hindi. Those boys really used a type of frequency na di kami ganon mabibingi habang ginagawa iyon. Di na ako kinabahan non. Kahit na malapit saamin ang aming mga kaklase ay di nito nahahalata. Ni proctor na nagbabantay saamin ay di kami pinapansin na nasa likod. Tapos ang strikto-strikto sa mga tao na nasa unahan.


"Wooh! Let's celebrate." sigaw ni Samantha saamin habang tumatambay kami sa dining area. Napagdesisyunan naming maparito pagkatapos ng isang araw naming pagsusulit. Palubog na ang araw at eto kami ngayon sobrang saya sa magiging ranking namin sa Byirnes.


Napangiti na lang si Jacob at ganon rin si Lance, may tinatagong ngisi sa kanyang mukha. Tinaas ni Sam ang kanyang wine glass na puno ng orange juice. "Cheers!"


Tinaas ko naman ang akin at ganon rin yung ginawa ng mga lalaki. I can't deny it. Nakakaguilty but worth it naman yung ginawa namin. Not that na naguguilty ako, nararamdaman ko lang 'yon pagnahuhuli lang ako sa wisyo.


Nakita ko si Jacob na may nilabas na maliit na camera. Agad ko naman ito kinuha sa kanya at napalingon kina Sam at Lance na kasama namin. "Picture tayo." sabi ko rito. Parang natigilan naman sina Jacob at Lance sa sinabi ko. Si Sam ay napatahimik. Agad naman ako nagtaka sa naging reaksyon nila.


"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanila.


Lance snapped at inayos ang kanyang upo. Tinignan niya sina Jacob. "Picture daw sabi ng katabi kong 'to." he said with his nice tone.


Napangiti na lang ako dahil rito bago tinaas sa ere ang aking phone. Agad ako nagpose saka ganon rin ang ginawa nong tatlo. Naka-peace sign si Sam. Naka-okay sign si Jacob. At si Lance naman ay lumapit ng bahagya sakin bago ko clinick ang phone ko.


"Isa pa." sabi ko. Dahil roon ay mas lalo naming inayos ang itsura sa litrato. Click!





Continue Reading

You'll Also Like

89.8K 2.6K 57
Paano haharapin ng isang buong klase ang matinding suliranin dulot ng paghihiganti mula sa nakaraan? Labing-walang taon na ang nakalilipas. Muling na...
1.5K 551 43
Jonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above c...
929 61 6
Upang maalis ang sumpang ipinataw sa bayan ng Terrania ay isang dalaga ang pipiliin upang maging mahalagang alay sa angkang pilit winawala sa kasyasa...
20.3M 702K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...