Letters Love, You

By _pastelhues_

7.5K 3.7K 8K

Book I Unang kita ko palang sayo, Bigla bigla nalang ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung lala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Last Chapter

Chapter 18

246 128 278
By _pastelhues_

Chapter 18: Isa.. Dalawa..

Charles' POV

"Sure ka ba dito tol?"

"Ano bang tanong iyan? Syempre hindi.."

"Bahala ka. Kung laro lang naman.. huwag mo nang ituloy."

"Ang seryoso mo naman masyado." sabay mahinang suntok ko sa braso ni Dave.

Papunta kaming mall para makipagkita kay Michelle. My new girlfriend. Medyo nagutom ako kaya kinuha ko ang soda can sa likod ng kotse niya.

"Uyyy para kay Irene iyan. Ano ba iyan.."

"Bilhan kita mamaya.. Ano ba itong iniinom ni Irene. Puro coke.. allergic ba siya sa tubig?"

"Gago.. Puro kasi kayo tubig ni Nat."

Napatingin ako sa coke na hawak ko. Huh.. Sumasakit tiyan niya dito eh. Binuksan ko ang bintana at tinapon ang can.

"Gago ka.. Sayang iyun"

Sinindihan ko ang sigarilyong nasa bulsa ko.

"Ayan na naman tayo eh.. masaya na iyun. Move on ka na kasi.."

"Ayoko.." sabay buga ko ng usok.

"Napag iiwanan ka na. Lahat sila masaya na.."

"Hindi siya masaya.. Hindi siya magiging masaya sa iba."

"Sa tingin mo magiging masaya siya kapag nakita ka niyang ganiyan? Tol.. may Kyle na si Nat.."

"Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng gagong iyan."

"Oh.. Sorry.. Kalmaa."

Nakarating kami sa mall mga 9:00. Hindi pa kami nakakarating sa café ay nakita ko sina Niana kasama si Kyle. Agad akong napa ayos ng buhok at damit ko. Hindi ko maialis ang titig ko sa kaniya.

Kamusta ka Nat? Naging malaya ka ba nang nawala ako? Ako kasi parang nakulong na. Ang dilim dilim nang wala ka.

"N-Nat.. K-kayo pala" bati sa kanila ni Dave pagkatapos akong lingunin.

"2nd monthsary namin." pagmamayabang ng gago.

"Oh... Happy two months" Aba binati pa ng isang gago.

"Kayo?" paki mo ba kung saan kami pupunta.

"May sinusundo lang" Agap ni Dave.

"Sino? Girlfriend mo?" Paki alam mo? Tiningnan ko siya ng masama.

"G-girlfriend ni Charles" nagpalipat lipat ang tingin niya mula kay Nat papuntang sakin.

I didn't leave my vision on her. Ramdam kong ayaw niya akong tingnan. Tuwing magtatama ang paningin namin ay agad siyang umiiwas.

Ganiyan mo ba ako kagustong ayaw makita? Don't you miss me Nat? Hanggang ngayon ba nasasakal ka pa rin sa akin?

"L-let's go babe" kumulo ang dugo ko nang akbayan niya si Niana.

"You know what.. Why don't you come with us. We'll just have some sweets and we'll go home." I butted in.

Kahit sandali lang Nat. Gusto lang kitang makita. Kahit sandali lang please. Miss na miss na kasi kita.

"Tol.." higit sa akin ni Dave. Nakita kong napayuko si Nat.

Ayaw mo Nat? Ayaw mo ba? kasi okay lang din.. Kung iyan ang gusto mo..

"Is it okay with you babe?" hindi ako makatingin sa kanila. Napakuyom ako ng kamao ko.

"O-okay.. I'll just tell mama I'll be late..babe"

"Hayaan mo na tol." bulong sa akin ni Dave

"Good. Let's go" sabi ko at nauna nang maglakat sa kanila. Nakakairita sila.

Kumain kami at napansin kong hindi pa rin siya nagbabago. Ang paborito pa rin namin ang gusto niya.

"Ah.. Yeah.. Iyung sayo parin"

Dapat lang Nat. Dapat sa akin ka pa din. Dapat..

Magkatabi kami pero parang wala ako sa tabi niya. Kahit isang lingon ay hindi niya maibigay sa akin.

"I love you too" sagot ko kay Michelle.

Napalingon ako kay Nat na umalis at pupuntang banyo daw. Nawalan ako nang gana. Akmang aalis na ako nang sinenyasan ako ni Dave na siya na. Sinundan niya si Nat at hindi ako mapakali..

"Nat is so pretty no.. babe"

"Sobra.." mahinang sagot ko kay Michelle.

Napalingon sa amin si Kyle na kanina pa abala sa phone niya.

"Girlfriend ko ba pinag-uusapan niyo?"

"Girlfriend?? Really? You don't even know what she likes.." mataray na sagot ko kay Kyle.

"Why do you care. Pina alis ka na niya sa buhay niya. Just mind your own business.. Wala nang kayo.. Kaya huwag mo na kaming pakialaman"

Napahinto ako sa sinabi niya. Hindi ako maka imik dahil totoo naman talaga iyon. Inabala ko nalang ang sarili sa pag ubos ng juice para pagdating ni Nat ay maka uwi na. For sure ay mag aaya iyung umuwi.

Pagbalik niya ay tama ang hinala ko. Napatingin ako sa mga mata niya. Umiyak ba siya? Umiyak siya. Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang mukha niya.

"Bakit ka umiyak?" agad siyang umatras.

"H-hindi.. Uuwi na ako" sabay talikod niya at nagmamadaling umalis.

Agad akong sumunod sa kaniya.

"Nat.."tawag ko sa kaniya.

"Charles ano ba.. Kanina ka pa ah"

"You shut up" sigaw ko kay Kyle at gumanti ng tulak.

Dumako ang mga mata ko sa kamay ni Nat sa braso ni Kyle.

"Nat.." tawag ko sa kaniya.

"Hmm? I'm okay.. Don't worry--." Kita ko ang mata niyang nagtutubig na naman.

"How can I not worry."

Please come back to me...that's the only thing that will make me at ease Nat. Please..

"I'll break up with her.." I used my last straw. Baka kapag nakita niyang walang may masasaktan ay bumalik na siya sakin..

"What are you talking about? You're crazy "  imbes na maawa siya sakin ay sinigawan niya lang ako.

"Damn! I'll do it just tell me you're jelous."

Ako kasi Nat selos na selos na..

"Charles stop it!" her voice cracked. Shit!

"Don't cry please.. baby."

Nasasaktan kasi ako kapag umiiyak ka.. Please baby.. Stop crying..

Kyle moved so quick that I didn't noticed his punched. Naramdaman ko nalang nang nakahiga na ako. Hindi ako nagpatalo at lumaban na din.

Halos wala akong marinig.. Hindi ko tinigilan ng suntok si Kyle hanggang sa mamaga ang pisngi niya.

Para iyan sa pangtatraidor mo sa akin.

"Chubs.. please." napatigil sa ere ang kamao ko.. Hingal akong napaupo sa sahig.

"Both of you are hurting me" nakitang umiiyak na si Nat. Tumayo ako at humingi ng tawad.

"I'm sorry.. I'll change.. just choose me this time.. please Nat."

"Tol tama na." hinigit na ako ni Dave nang hindi ako tumitigil sa paglapit kay Nat.

"I'm not gonna choose you.. never."

That stings. Mas masakit pa sa suntok ni Kyle.

Its okay baby... I'll still choose you. I'll still choose you everyday. I'll still choose you no matter what happen.


Nat's POV

Its already December and we are about to take our semestral break.

"Finally.. we can have our two weeks break. Ahh. This is heaven" sabi ni Camille nang palabas na kami sa gate. This is our last day in school and everyone is so happy.

"Saan kayo this break?" tanong ni Irene.

"Baguio siguro para malamig. Kayo?"

"Hindi ko pa alam. May work si mama" sagot ko sa kanila.

"Sad naman niyan. Labas nalang kayo ni Kyle.. Total mag t-third month na kayo.. Basta ako.. Ieenjoy ko ito.. Single is life.." positibong sabat ni Camille.

"Sana all single.. Haha" napatingin ako kay Irene. Diba sila ni Dave?

"Ano girl? Gusto mo maging single? Abaa.. Baka magkatotoo"

"Joke lang.. Haha" saktong pagdating nang sasakyan namin.

"Guys una na ako. Enjoy your Christmas break. See you in January" paalam ko sa kanila.

"Bye Nat" paalam nilang dalawa.

Saktong pagpasok ko sa sasakyan ay may tumawag sa akin.

"Nat.." napalabas ako dahil doon. Si Dave pala..

"Oh bakit?"

"May nagpapabigay." I was in shock because its a pink envelope. A letter!

Anong ginagawa ni Kyle? Sinabihan ko naman siya noon na huwag nang magbigay ng letters dahil kami na.

"T-thank you Dave." pag aalinlangan kong tinanggap ito.

Pagpasok ko sa sasakyan ay binuksan ko agad ito.

Its me again.
The guy behind the pen.
I'm sorry for everything.
For all the pain you have been enduring.

I'll be leaving soon.
I'm flying to London.
It will be just a vacation.
Just a week and I'm coming home.

I know you don't care,
But it kills me to know that you're not aware.
I hope you're okay.
But I know you'll be fine even if I'm away.

Love,
You


Napansin kong nag iba ang penmanship ng sulat. It looks familiar. Sino nga ba ang may sulat na ganito? The letters before look so neat and are more straight. This time.. the letters are slanted. Is it Chubs?

I shook my head because of my thoughts. Kyle is the one whose writing.. not him okay?

I came back to my senses when my phone vibrated. Its Kyle.

"Babe?"

"Bakit babe?" balik na tanong ko.

"Punta ka dito sa bahay.. May mga bagong alaga ako." masiglang paliwanag niya

"O-okay.."

"Manong sa village nalang nila Kyle bababa" tinanguan lang ako ni Mang Jun.

"Papunta ka na babe?"

"Oo.. Bababa na ako maya maya."

"Okay.. hintayin kita sa gate" binaba ko na ang tawag dahil nakikita ko na ang gate nila.

"Mang Jun baka po ma late ako umuwi ha."

"Okay po ma'am." bumaba na ako sa kotse at nakikita ko sa si Kyle binuksan ang maliit na pinto ng gate nila.

"Hi babe.." salubong niya. Wala siyang suot pantaas kaya napatigil ako sa harapan niya.

"Babe nagdidilig kasi ako.." napailing lang ako at hinila niya na ako papasok. Agad niya akong dinala sa dulo nang maliit nilang hardin.

"Tadaa!" pakita niya sa akin ng rose niya na namulaklak na.

"Plantito ka na?" sabay tawa ko.

"Eehh.. Tinanim ko para sa iyo iyan."

"Ganon ba? Thank you.."

"Hindi ka naman ata masaya.." pagtatampo niya.

"Masaya ako.. Ano ba.." nakita ko siyang lumapit sa hose nila. Bigla akong napaatras dahil sa naisip. Hwag Kyle. Sakitin ako..

"Eto ata makakapagpangiti sa iyo eh" binigyan niya ng maliit na siwang ang bibig ng hose at itinuon sa banda ko. Tumama ang maliliit na tubig sa mukha ko.

"Kyle!" sabay takbo ko sa likod ng bahay nila. Agad niya naman akong hinabol.

"Ayaann!" tinapat niya pa sa akin ang hose kaya basang basa ako ngayon.

"Kyle!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Napansin niya ang pagtaas ng boses ko kaya tinigil niya na ito.

Tinakpan ko ang katawan ko dahil alam kong bakat na ngayon ang panloob ng uniform ko.

"Hindi na nakakatuwa.." agad kong kinuha ang tuwalya niyang inabot.

"Sorry na.. Magbihis ka na at may damit si ate dito." napailing nalang ako at kinuha na ang mga damit na hinanda niya. So eto talaga ang gusto niyang gawin ngayon?

Matapos kong magbihis ay dumiretso kami sa kwarto niya. Suot ko ang medyo maluwang na damit ni ate Kelly at ang sobrang iksing shorts. Hindi na nga masyadong kita dahil sa haba ng damit. Medyo sinisipon na ako kaya kumuha na ako ng tissue sa bag ko.

"Sorry na babe.." napabuntong hininga nalang ako.

"Alam mo namang mabilis akong dapuan ng sipon diba? Bakit mo pa ginawa iyon"

"Nakalimutan ko kasi.." nakalimutan?

Akma niya akong yayakapin nang umiwas ako.

"Kumain na nga lang tayo" tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain sa harap. Ilang sandali ay kumain na rin siya. Nanood nalang din kami ng movie na gusto niya. Sa kalagitnaan ng movie ay naalala ko ang letter.

"Kyle.." tawag ko sa kaniya. Binalingan niya lang ako.

"May sasabihin ka sakin?" sumalubong ang mga kilay niya.

"Wala naman. Bakit?"

Hindi ako sumagot at sinuklian lang ang mga titig niya. Umayos niya nang upo.. Pinuwesto ko naman ang sarili ko sa harap niya. Naalala niya na ata.

"Aalis pala kami babe.."

"Ahuh.."

"Sa ibang bansa kami mag Ch-Christmas break.."

"O-okay.."

"Pero next week pa naman iyun."

"Mag enjoy ka doon.." iyan nalang ang nasabi ko.

Hindi niya ba sasabihin sa akin ang letters? That's the thing I wanted to hear. Taimtim ko siyang tinitigan.

"Kyle.. Diba.. Nung naging tayo.. Sinabi ko sayo na huwag ka nang sumulat.." 

"Oo.. Bakit mo naitanong?" sabi niya habang nginguya ang sandwich.

"Ahmm.. Nagsusulat ka pa ba ngayon?"

"Hindi na.. Diba iyun ang sinabi mo?" biglang napatigil ako. Hindi na siya nagsusulat? Eh kanino galing iyung natanggap ko kanina?

"Bakit babe? May natanggap ka ba?" kahit siya ay natataranta na

"Ah wala.. Naisip ko lang" agad akong uminom ng juice.

Nalilito na ako sa nararamdaman ko. Feeling ko kasi mas nagiging masaya pa ako kapag nakakatanggap ako ng sulat na alam kong mali. Dapat mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama kita. Hindi na iyung sulat kundi ikaw na. Bumabalik na naman kasi ulit iyung nararamdaman kong saya noon na hindi ko nararamdaman kapag ikaw ang kasama ko ngayon.

"Uwi na ako.." biglang paalam ko.

"Maaga pa ah.."

"Di na kasi maganda pakiramdam ko.."

"Oh sige. Sorry ulit babe.. Hatid na kita.." malungkot niyang sabi.

"Hindi na.. Magco-commute nalang ako." agad na tanggi ko

"Sure ka?"  pag aalinlangan niya.

"Oo naman.." Wala na siyang nagawa at hinatid niya lang ako sa labas at binantayan ng jeep.

"Ingat ka babe ha.." kumaway lang ako sa kaniya at umalis na ang jeep.

Pagkarating ko sa bahay ay nandoon na si mama..

"Good evening po mama."

"You're late.."

"Sorry po.." She noticed ny rashes

"Kaninong damit iyan? That's not your style"

"Nabasa po kasi ako kanina. Pinahiram po ng kaibigan ko." kita ko sa mukha ni mama ang hindi pagtanggap ng rason ko.

"Hayy nako Niana. Sinisipon ka na naman! Hindi ka talaga nag iingat."

"Sorry po."

"Oh siya.. Kumain ka na at magpahinga. By the way.. Tawagan mo si Chubs na dito na magdinner bukas."

"Okay po.."

Its Saturday morning and I helped my mother in arranging things for tonight. Although there is nothing to prepare much dahil intimate dinner lang naman, tumulong nalang ako sa pagpalit ng mga mantel sa mesa. Mama decided to change the color to maroon dahil birthday niya daw. Matapos ay bumalik nalang ako sa kwarto at nagpahinga ulit. I decided to text Chubs

To Chubs:
Are you free tonight? |

Napahinto ako sa pagtitipa.. Parang ang formal naman. Agad ko itong binura.

To Chubs:
Its mama's birthday. Punta ka|

Napailing ako. Ang pangit! Lagi niya namang alam ang birthday ni mama.. Kailangan ko pa bang ipaalam?? Binura ko ito ulit.

To Chubs:

Have dinner here tonight|

Napabuntong hininga ako. Okay na siguro ito.. 1..2..3 pikit mata kong pinindot ang send botton.

SENT

I already turned off my phone in case he reply. I dont know what will I reply if that happens.

Time have passed and its dinner time..I'm still in my room deciding what clothes to wear.

I tried my jumper shorts.. I looked my self in the mirror.

"Chubs doesn't like this. He will never let me wear shorts."

Pinalitan ko ito ng floral dress that has a deep neck line.. Exposing my cleavage..

"This is a no no! Chubs is gonna kill me if he saw this."

Pinalitan ko ulit ito ng white fitted shirt paired with a pencil skirt. Tinabingi ko ang ulo ko

"Okay na to.. Not too revealing but still not too conservative."

I finally went down and helped mama fix the table. Hindi nagtagal ay dumating na din si Chubs. He is the only visitor we have. I fixed myself first before facing him.

"Happy birthday po tita"

Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Inabot niya ang regalo kay mama. Lumapit siya sa akin kaya sinalubong ko na rin siya ng yakap.  Noon ay bumebeso pa siya sa akin pero ngayon inamoy niya lang ang buhok ko.. Lumapit din siya sa mga kapatid ko.. This is awkward..

"Thank you Chubs.. You're very thoughtful" nag ngitian lang sila at napagdesisyunan nang umupo.. Tumabi sakin si Chubs.

"Let's eat" si mama.

Our dinner was peaceful having Chubs and mama talking while I am just silent in the corner until mama brought up my runny nose.

"May basaan ba sa school niyo at bakit sinisipon na naman itong si Niana? "

"Mama.." pigil ko sa kaniya.

Agad siyang napabaling sa akin. Yumuko ako para hindi niya makita ang namumula kong ilong.

Mabilis na dumapo ang likod ng kamay niya sa noo ko. 

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ako. Tinitigan ko siyang mabuti.

Sana ikaw nalang iyung nagsusulat. Sana hindi na ako nalilito ng ganito..

Mga salitang gusto kong isatinig. Bigla kong naalala si Kyle.

Mali! Mali itong iniisip ko. May boyfriend ako at si Kyle iyun. Mali itong nararamdaman ko. Dapat si Kyle ang nasa isip ko. Dapat sa kaniya ko nararamdaman ito. Dapat sa kaniya ako mahulog. Dapat sa kaniya ako magkagusto.

Agad kong iniwas ang mukha ko. Dahilan para maiwan sa ere ang kamay niya.

"Wala akong lagnat" agap ko.

"Wala pa." mama insisted.

"Busog na po ako mama" ibinaba ko ang mga kobyertos at pinunasan ang bibig.

"Bakit? Halos hindi pa nga nangangalahati iyang pagkain mo"

"Wala po akong panlasa. I'm sorry.." huli kong binati si mama bago umakyat sa kwarto ko.

Isinalampak ko ang sarili ko sa kama. Ibinaon ang sarili sa unan at hindi namalayang may tumakas ng butil ng luha sa aking mga mata.

Shit! I missed him..

Litong lito ako sa nararamdaman. Dapat hindi ako nagdududa sa nararamdaman ko. Si Kyle ang mahal ko. Wala nang iba. Si Kyle ang boyfriend ko. Si Kyle ang nagsusulat..

Napabangon ako nang may kumatok.

"Ma?" tanong ko

"Ako ito"

Shit!

"May kailangan ka pa?" lumapit ako sa pintuan ngunit hindi ito binubuksan.

"Okay ka lang?" nanlambot ako sa alalang tanong niya. This is my Chubs. The one I missed.

Chubs please.. Huwag ganito please. Huwag mo nang lituhin ang nararamdaman ko. Okay na ako noon eh. Pero heto na naman. Nandiyan ka na naman. Hindi na naman tumatahimik ang puso ko.

"Umalis ka na." pagmamatigas ko.

Hindi ko kasi alam ang gagawin kapag humaba pa ang usapan namin. Baka huwag ko na siyang paalisin. Baka gustuhin ko nalang na nandito siya. Baka pagsisihan ko pang paalisin siya.

"Sabihin mo namang okay ka Nat" idinikit ko ang noo sa pintuan.

Umalis ka nalang Chubs please.

".. Okay ako" sambit ko kasabay ang mga luhang nag uunahan sa paglabas.

Isa..

Sabihin mo naman Chubs na aalis ka na.

Dalawa..

Pagbilang ko nang tatlo ay baka sabihin ko na na mahal kita..

Tat--

"Aalis na ako.. Magpahinga ka na"

Nanlambot ang mga paa ko at napaluhod nalang. Pilit na pinipigilan ang mga hikbi.

Tatlo..

Umalis na iyung taong mahal ko.




Love,
_pastelhues_


Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
1.4M 33.6K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]