Wicked Witch

By crestnotfallen

31.1K 1.2K 216

"It's easy to say that you're willing to love a person not until the day you've seen her capability to destro... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 34

505 22 4
By crestnotfallen

Kinabukasan ay kinusot ko ang mga mata nang bumangon ako mula sa kama. Lumingon ako sa tabi at nakitang wala na roon si Zara.

I reached for my phone placed on the bedside table and checked the time.

It was already nine in the morning. I usually wake up late during weekends, especially on Sundays but knowing that I'm not sleeping in my bed while inhaling Levi's scent on my pillow was not really a good idea.

Nagpasya akong mag-ayos na ng sarili at tumayo mula doon. Ngunit nang pagdaan ng kamay ko sa bulsa ng suot na pantulog ay nakapa ko roon ang kwintas na kinuha ko mula sa drawer ni Levi kagabi. Napapikit ako at napahilot ng sentido nang maalala ko na naman ang naging pag-uusap namin. The image of him with tears breaming in his eyes is tormenting me. But there's just too much rage in my heart. At natatabunan iyon ng kung ano pa man ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Bumuntong hininga ako at ikinundisyon ang sarili. I decided to leave the room only to realize that I was already alone in the unit. The living room was empty and all of the paperwork that Levi was working with last night were no longer in sight. Malinis at tahimik na muli ang buong lugar.

Luminga muli ako sa paligid upang kumpirmahin na ako na lamang mag-isa ang naiwan doon nang natanaw ko ang dining table at nakitang may natakpan na pagkain. I went near to it when I noticed a note on top of the food cover.

Dinampot ko iyon at binasa.

I went out to hire people and buy things to fix your kitchen in case you're wondering why there's no one else home. I cooked you breakfast already. Eat before you leave and don't go anywhere without telling anyone where you are. Please be safe.

Levi

Binaba ko ang note at tinapunan lang ng tingin ang pagkain sa mesa.

I was about to head out when I realize that it's the perfect time for me to find something in here that I can use against them.

Bumalik ako sa kuwarto ni Levi at hinalughog ang drawer ng study table niya. Naalala ko na may napansin ako doon nang buksan ko iyon kagabi.

May isang envelope doon na kung saan may nakalakip na confidential sa harap. Kinuha ko iyon at tinignan ang laman. Nang makita na pwede ko iyon magamit ay tinago ko iyon sa baba ng damit saka ako nagdesisyon nang lumabas.

Pagkalabas ko ay nadatnan ko si Ashton sa pinto ng unit ko na abala sa pagkausap sa mga trabahador na marahil ay mag-aayos ng kitchen.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang makita siya doon.

"Glad you're already awake.", sarkastiko na saad niya nang lumingon siya sa akin pagkapasok ng trabahador na kinausap niya pabalik sa loob ng unit.

Nag-uumpisa na marahil ang mga ito na magkumpuni doon.

My eyes went back to Ashton. He's just wearing a casual polo shirt and jeans while crossing his arms in front of his chest, ready to interrogate me.

"Care to tell me what happened?", nanliliit ang mga matang tanong niya sa akin.

I rolled my eyes at him.

"Bakit nandito ka na?", tanong ko na hindi sinagot ang tanong niya.

He was supposed to go back here in Manila tomorrow. Pero linggo palang ngayon ay nandito na siya. I wonder how he even knew what happened in my unit last night for him to be here gayong wala naman akong sinabi sa kaniya.

"Levi called me and informed me what happened. I know you're going to stay the night with him and his sister there."

Natahimik ako saglit nang malaman na ginawa ni Levi iyon. I never expect him to personally contact Ashton or let alone tell him that I stayed the whole night in his unit.

"Ano? Wala ka man lang sasabihin?"

Bumuntong hininga ako at tinalikuran siya. Nakausap naman na pala siya ni Levi. Ano pa bang gusto niyang sabihin ko? It's not as if something happened. At kung meron nga dahil sa mga sinabi ni Levi kagabi, it's not as if it can do anything with our engagement if that's what he is afraid of.

Iniwan ko siya doon at pumasok ako sa unit ko upang tignan ang ginagawa nila.

As I enter the room, my eyes automatically scan the whole area.

Sumunod si Ashton sa akin at tumayo sa tabi ko.

"He drove Zara home after I arrived here. Nagkausap lang kami saglit para personal pa niyang ipinaalam kung ano ang nangyari at kung ano ang kailangang ipaayos dito bago siya umalis saglit.", pagpapaalam ni Ashton sa akin kahit wala naman akong sinasabi.

"I didn't ask.", naiiritang sambit ko saka pumanhik sa kuwarto upang maglinis ng sarili.

Hindi ko siya pinansin kahit tinatawag pa niya ako pabalik.

Pagkapasok sa kuwarto ko ay nilabas ko ang envelope na kinuha mula sa unit ni Levi at tinago iyon sa drawer ko king saan din nakalagay ang flash drive na nakuha ko kay Zara.

When I already secured it, I quickly went inside the bathroom and spent almost an hour there to clear my head. Paglabas ko doon ay nagpalit ako agad at saglit na tinuyo ang buhok. Habang nagsusuklay sa harapan ng dresser ko ay tinapunan ko ng tingin ang cellphone ko nang umilaw iyon para sa isang mensahe.

I reach for it and check the several text messages and missed calls from the people back home. Nakita ko rin ang pinadalang mensahe ni Reign na hindi na ako nag-abala pang basahin. Binasa ko lang ang pinadalang mensahe ni Zara na siyang nakalagay sa pinakataas ng inbox ko para sabihin na magkita kami ulit para makausap muli ako tungkol sa kagustuhan niyang magpublish ng mga nobela ko.

I smirk as she's still persistent with the idea. I decided not to reply.

Pinasadahan ko muli ng isang beses na suklay ang hanggang balikat kong buhok at hinayaan itong nakalugay. I'm still not used of its length since I never had it cut this short. Idagdag pa na pinakulayan ko ito kaya mistulang nakakakita ako ng ibang tao tuwing haharap ako sa salamin. Bago pa tumayo mula doon ay hindi ko kinalimutang isuot ang relo upang takpan ang mga guhit sa palapulsuhan ko. Pagkatapos ko doon ay saka ako nagpasya nang lumabas ng kuwarto.

Pagkalabas ay dalawang pares ng mga mata ang awtomatikong dumapo sa akin. Nadatnan ko si Ashton at Levi na nakatayo sa gitna ng malawak kong sala habang nag-uusap nang matigilan sila dahil sa paglabas ko.

I unintentionally met Levi's gaze, staring at me intently. Nagtagal ang mga mata niya sa mukha ko saka bumaba sa suot kong damit. Wala sa sariling tinignan ko rin ang sarili ko. I'm just wearing a simple black statement shirt that says, "I want to see an empire fall" , and white shorts with my house slippers under my feet.

Bumaling din ang tingin ko kay Ashton na sinusuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos niyon ay pumirmi ang mga mata niya sa mga binti ko. I snickered. He keeps on throwing insults to me before saying, makinis lang ang legs mo pero hindi kita type, but he's ogling at me like that.

"Anong tinitingin tingin niyo diyan?", mataray kong tanong at pinagtaasan sila ng kilay.

Tumikhim si Levi at siya ang unang nagbawi ng tingin. Nahuli ko naman ang pag-ikot ng mga mata ni Ashton sa akin at inismiran ako.

"Tignan mo kung gusto mo ang nabiling bagong gamit mo sa kitchen. This Zardeleja already compensated for everything.", saad niya saka inginuso ang mga boxes na nakalapag sa sahig.

Wala iyon kanina bago pa man ako pumasok sa kuwarto. Marahil ay kapapadala lang ito ni Levi dahil mistulang kadarating lang din niya mula sa pamimili at paghatid kay Zara pauwi.

Lumapit ako doon saka sinuri ang mga iyon. I decided to open one of the boxes. Kinuha ko ang isang medyo maliit na kahon para sa rice cooker upang tignan iyon dahil iyon ang pinakakailangan ko. Nang mapansin na tulad din ng nasira ang binili ni Levi ay hindi na ako nagkomento.

I also went over some of the other boxes until I got curious of the huge box which I later found out that contains an oven. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong oven na nasunog at kailangang palitan. Nagtataka na tinignan ko iyon dahil hindi ko alam kung bakit binili pa ito ni Levi.

"Let me."

Bago pa ako makapagsalita upang makapagtanong kung bakit niya binili iyon ay naramdaman ko na ang presensiya niya sa tabi ko at walang kahirap hirap na tinanggal niya ang oven mula sa box at ipinatong iyon sa kitchen counter upang mas maayos kong makita.

"Why did you buy that? Your sister didn't burn an oven since Raegan didn't have one.", si Ashton iyon na lumapit na rin sa amin.

"I just thought Raegan might also like it.", he explained while glancing over me. "I remember how she wanted to bake even before.", he also added, sounding so sure.

Umangat ang dulo ng labi ko dahil sa sinabi niya. I remember telling him years ago that I wanted to try baking since my cousin, Arisse, was fond of pastries but I never thought that he still have that in mind.

I cleared my throat.

"Hindi naman ako nagpabili."

"Hindi nga pero...alam kong gusto mo.", Levi said carefully, almost trailing off.

Hindi na ako nagkomento. Hindi ko na muli naituloy ang gustong gawin at hinayaan na lamang si Ashton na sumuri sa oven.

"Magkano ba 'to? I'll just pay you back."

"You don't have to."

"I'll pay you back since it's for my fiancé, Zardeleja. Letting you buy something for my soon-to-be wife just doesn't sit well with me."

Ashton darted Levi a hard stare when he said that. Mistulang hindi naman nagustuhan ng huli ang narinig kaya't nagsalubong ang makakapal na kilay nito. The tension started to rise again between the two.

Napailing ako.

"I-refund mo na lang. I no longer want it."

Tinapunan ako ng tingin ni Levi at mas lalong nagkunot noo. Of course, he knew how I badly wanted it so he's probably offended that I'm rejecting it since he's the one giving it to me.

Tinalikuran ko na lamang sila doon at lumapit ako sa mga trabahador na abala pa rin sa pag-aayos.

"How long will it take for this to finish?", tanong ko.

"Kung hindi pa matatapos ito, you can just stay at my condo for the mean time.", Ashton said without even letting me hear one of the workers talk.

Ngunit pagkasabi niya niyon ay nagsalita agad si Levi.

"This can be finished in a day. Maaga naman silang nagsimula at minor damage lang ang kailangang ayusin."

I don't want to assume but by the way he said it can be interpreted that he doesn't like the idea of me staying at Ashton's condo.

I grunted.

Ano bang karapatan niya?

Hindi ako lumingon sa kanila at nanatili ang mga mata ko sa ginagawa ng mga trabahador. It's true that they can finish this in a day considering that there are several workers and they work really fast, kaya hindi na ako umimik pa.

Maayos na ang parte ng mga hanging cabinet at ang kasalukuyan nalang nilang inaayos ay ang parte ng stove.

They are currently testing the newly installed electric stove and Levi also instructed them to secure it to avoid any problem that can arise again.

In the midst of that, Ashton's phone started to ring. He excused himself and got out of the unit to answer the call.

Naiwan kami doon ni Levi kasama ang mga trabahador.

May konting distansya ang nakapagitan sa amin at tanging ang kitchen counter lamang ang nakaharang. Kung wala iyon ay nasa mismong likuran ko lamang siya.

Maliban sa ingay na nanggagaling sa mga nagtatrabaho ay walang nagsasalita ngunit ramdam ko ang mga titig niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit mistulang hindi nito alintana ang mga sinabi ko kagabi. He acts as if nothing happened, like he didn't hear anything.

The atmosphere was becoming really tensed so I just fished for my phone inside the pocket of my shorts to dial the number of a restaurant that can deliver lunch for the workers.

Bahagya lamang akong lumayo mula sa kusina pero hindi ako lumabas kaya rinig nila Levi ang pagkausap ko sa taong nasa kabilang linya. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko mapigilang sundan ng tingin kung paano siya lumapit sa mga tao at personal na sinusuri ang mga gamit doon na mistulang sinisigurado na ligtas itong gamitin muli.

Mabilis lang akong nag-iwas ng tingin nang bigla siyang lumingon at nahuli niyang pinagmamasdan ko ang ginagawa niya. Saglit pa siyang nanatili muna roon at nakipag-usap sa mga trabahador saka kumilos paalis.

I saw him walking out of the kitchen and stopping near the boxes which are located just near the living room where I'm standing.

Binaba ko na ang tangan na cellphone nang matapos ako sa tawag.

"Did you eat your breakfast?"

Rinig kong tanong niya pagkabulsa ko ng cellphone sa bulsa ng suot kong shorts habang inaayos niya ang mga gamit na nilabas ko kanina sa mga box.

"No.", tipid ngunit pabalang kong sagot.

Napatingin siya sa akin at hindi agad nakasagot.

"Maaga kong...niluto iyon para sa'yo bago ako umalis...para kumain ka.", dahan dahan niyang sinabi at binalik ang tingin sa mga kahon.

Hindi ako umimik. If he remembers me too well like what he claims to be earlier with the oven, he should also know that I'm not a morning person and I don't really eat breakfasts.

"You should really stop skipping meals and start watching over your health, Raegan.", he nagged at me.

Kasalukuyan niyang inaayos ang mga box sa isang linya. He's facing the boxes so I can only see his side view.

"Bagay mo ang...buhok mo. But when Don Ricardo pointed out his worry that it made you thin, napansin kong pumayat ka nga. Nahihirapan ka pa rin bang makatulog?"

My forehead creased when I heard him. Hindi ko alam na nagkakausap pa rin sila ni Dada sa kabila ng nangyayari sa pagitan ng pamilya namin lalo at mainit si Daddy at Vince Zardeleja sa isa't isa.

Ngunit imbes na pagtuunan iyon ng pansin ay mas nairita lang ako sa pangingialam niya.

"Ano bang pakialam mo kung pumayat ako? Si Vivienne nga lumiit ang pwet at dibdib may narinig ka ba sa akin?"

Levi furrowed his brows in utter disbelief with what I said.

"What?"

I rolled my eyes at him.

"You told me I stayed the same but looks like you also haven't changed at all. Until now you're still too nosy on what's going on in my life. Bakit hindi mo na lang pagtuunan ng pansin ang mukhang octopus mong girlfriend na laging galit na galit sa akin?", I said annoyed.

"Wala nga akong girlfriend sabi, Raegan.", tiim bagang na pagtatama niya muli sa akin.

"Oh edi maghanap ka para hindi ako ang laging pinakikialaman mo!"

His lips formed a thin line like I'm really testing his patience.

Akala ko ay hindi na siya iimik upang hindi na patulan pa ang mga sinasabi ko nang maya maya ay may binitawan pa siyang salita. Halos pabulong iyon ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko.

"Ikaw nga sana ang girlfriend ko...hindi mo lang ako nahintay. Kaya hindi na ako naghanap pa."

I scoffed mockingly.

"It's not as if you can do anything about it if your father wanted it for you."

"I can already decide on my own, Castañeda."

"Oh really? That's a surprise.", eksaherada kong pahayag.

Kumunot anong noo niya sa akin.

"Are you insinuating something?"

"Hindi ba't gusto nga ni Vince Zardeleja si Vivienne para sa'yo? Knowing you, of course you wouldn't dare to disobey him dahil dakilang uto uto ka."

"Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa'kin, Raegan?", medyo madiin niyang sambit nang hinarap niya ako.

Ngumisi ako at sinalubong ang mabibigat na titig niya.

"Hindi mo ba narinig? I will always think lowly of you, Levi Zardeleja."

Pinanood ko kung paanong umigting ang panga niya dahil sa sinabi ko. His ego might've been bruised because of what I said but I still leveled his hard gaze with the same intensity, too stubborn to even look away.

"Are you two fighting?"

Our heated argument just came into a halt when the door opened and Ashton returned.

Kapwa kami natahimik.

I watched how Levi inhaled sharply and looked away.

I also heaved a deep breath and sat on the couch while my back is facing him.

Hindi na ako nag-abala pang sagutin si Ashton na naguguluhang nagtatanong sa amin kung ano ang nangyari.

Natapos ang araw na iyon na hindi na kami nagkibuan ni Levi. Nanatili siya sa unit ko hanggang natapos ang mga nagtatrabaho ngunit hindi na kami ulit nagpansinan. Bandang gabi na nang umalis siya. Ashton was already the one who talked with him regarding the expenses and settlement about the labor and other matters.

Tinapunan niya lamang ako ng tingin bago siya tuluyang umalis na ng unit ko.

I glared at the door where he walked out and rolled my eyes in annoyance.

Nang matapos kong ayusin ang mga pinagtrabahuhan kanina ay nahahapo akong ibinagsak ang sarili sa couch. I leaned my head on the headrest and closed my eyes a bit.

Maghapon silang nagtrabaho at maghapon ko ring pinagtiisan ang presensya ni Levi kaya't ngayon na wala na sila ay nakaramdam talaga ako ng pagod.

Naramdaman kong umupo rin si Ashton sa katapat na upuan ko at bumuntong hininga, mistulang bumwebwelo itong magsalita.

I can feel his uncertainty about whether it's fine for him to talk so I release a sigh.

"What is it de Vera?", pagod na sambit ko upang magsalita na siya.

Ilang segundo muna ang dumaan bago siya nagbuntong hininga ulit saka nagsalita.

"We'll have a meeting with your Dad once he returns from Cagayan.", panimula niya. "We have to finalize the preparations for the wedding. Doña Ana will also be there habang pansamantalang nasa kanila Auntie Therisse mo si Don Ricardo."

Hindi ako agad nakaimik dahil sa narinig.

I didn't expect Mamita to be personally involved with this. But why was I even surprised? Kahit isa siya sa nagpalaki sa akin, wala pa rin naman siyang pinagkaiba kay Daddy. Of course, she will support this marriage since it's still for the benefit of the company.

I smiled bitterly.

Nagmulat ako ng mga mata ngunit nanatili ang tingin ko sa kisame ng sala.

Tahimik lamang si Ashton habang marahil ay pinapakiramdaman ang magiging reaksyon ko ngunit nanatili akong blangko ang mukha.

"What is the scheduled date of the wedding?"

"Twenty-first of October."

That's barely a month away from now. Talagang wala na silang balak patagalin pa.

I bit my lower lip and hastily stood up from my seat to enter my room. Iniwan ko si Ashton doon at nilabas ang cellphone sa bulsa. I dialed Zara's number.

Mabilis na sumagot ito sa unang ring pa lang.

"Raegan!", she squealed merrily on the other side of the phone. "I was about to call you! Are you free tomorrow? Can we meet? Please?"

"Meet me after work. Let's talk about your deal."

She celebrated enthusiastically because of what she heard and told me she can't wait for tomorrow. She didn't even care to point out my sudden change of heart. Saglit lamang siyang dumaldal kung saan niya ako aantayin sa pagkikita namin bukas saka tinapos ko na ang tawag.

I sat on my swivel chair and massage my temples. I really have to get this over with.

Continue Reading

You'll Also Like

13.9K 486 26
Hindi inaasahang nakapasa sa Entrance Exam si Yasmin sa isa sa mga prehisteryosong eskwelahan ng bansa, ang Figuerra High University o tinatawag na F...
3.3M 55.9K 62
Torrence Felly, an ordinary student who's full of dreams and ambition in life, finding a boyfriend is not in her list - until she found Clifford Airm...
74.8K 3.1K 69
🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Casti...
231K 1.2K 5
Paano kung ang taong nakapukaw ng natutulog mong feelings ay...kalaban? Meet Merjie Rodriguez...ang rockstar from Davao at fan ng Barangay Ginebra...