Wicked Witch

Af crestnotfallen

31.1K 1.2K 216

"It's easy to say that you're willing to love a person not until the day you've seen her capability to destro... Mere

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 33

595 34 8
Af crestnotfallen

That night, I stayed in Levi's bedroom with Zara. Dahil malakas ang buhos ng ulan sa labas at delikado na upang bumyahe pa, hindi na rin siya pinauwi pa ni Levi kaya magkatabi kami ngayong matutulog sa kama.

Levi was just in the living room. He insisted on sleeping on the couch. Hindi ko nga alam kung may balak pa siyang matulog dahil pagkatapos niyang hugasan ang mga pinagkainan namin kanina at maglinis ng sarili ay inayos niya lamang ang tutulugan namin tapos umupo na ito sa living room at naging abala sa mga papeles na hawak niya.

Inuuwi siguro nito lagi ang trabaho sa bahay at dito tinatapos iyon. I don't know why he's always so serious with his work when he doesn't even have any rivalry in the field. He's just really a workaholic, even before. Once he's already occupied with something, nothing can distract him anymore.

Mula kanina ay hindi ko pa siya nakita o narinig man lang na tumayo sa pwesto niya simula pa nang umupo siya doon.

Ipinilig ko ang ulo dahil sa iniisip. Wala naman akong pakialam kahit lunurin pa niya ang sarili sa trabaho. Nagpasya na lamang akong lumabas na mula sa CR sa loob ng silid.

Pagkalabas ay nadatnan kong nahimbing na si Zara. May hawak pa itong suklay na mistulang nakatulugan nang tapusing suklayin ang buhok dahil hinila na ng antok. Nauna itong naglinis ng sarili sa akin kanina dahil na rin sa amoy ng usok mula sa suot na damit.

Marahil, sa kahihintay sa aking matapos ay inihiga na nito ang sarili.

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan siyang bagsak na roon. Napailing ako dahil sa pagtulog nalang talaga siya nagiging tahimik.

Tinuyo ko na ang buhok gamit ang tuwalya na galing din kay Levi at isinampay iyon sa backrest ng isang upuan. Pinasadahan ko ng suklay ang buhok gamit ang mga daliri saka inayos ang pagkakabutones ng pantulog ko. Nang hindi pa naman inaantok ay napagdesisyonan ko munang magsulat.

I picked up my laptop from Levi's study table that I brought with me earlier and went to his mini couch in the room. I squat on the carpeted floor and placed my laptop on top of the mini table there. Binuksan ko iyon upang magsimulang magsulat. Dahil linggo naman kinabukasan ay hindi ko na nilimita ang oras ko sa ginagawa. I need to write more to draw Zara's attention to my works in order to have something she has to beg me for.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Daddy sa ginagawa ko ngayong kinalas niya na ang kung anong koneksyon namin sa mga Zardeleja, but that's the least of my concern now.

It's not as if I needed his opinion to pacify my rage. Marahil nga ay nakalimutan na ako nito at ang hindi ko pagdalo sa okasyon nila ngayon sa bahay. He's probably too occupied now since it's his most favored daughter's birthday.

Alam kong kompleto sila doon ngayon. Both my Aunties with their families are probably there including my cousins. Nandoon din panigurado si Mamita at Dada. They never miss to attend any of Reign's birthday celebrations, not even once. With all of them there, they won't even feel my absence.

I was about to continue writing even if Zara already started snoring softly when I heard a buzz coming from a phone somewhere.

Noong una ay wala akong balak na pakialaman pa iyon. But Zara has been tossing around the bed, clearly being irritated because of the noise.

Nakapikit itong nagrereklamo sa ingay. At the end, I rolled my eyes and stood up.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang ingay at dinala ako ng mga paa ko sa harap ng study table ni Levi.

I can hear the buzzing sound of the vibrating phone inside the drawer of the table and yet I can't find the urge in me to open it.

Lumingon muli ako kay Zara nang umismid ito habang pilit tinatakpan ang tenga gamit ang unan.

"Stop the damn noise!", she mumbled irritatingly, her words slurring a bit.

Wala sa loob na binuksan ko ang drawer.

Nakita ko roon ang cellphone ni Levi na nagvavibrate para sa isang tawag. I read the caller ID as the screen lit up.

Pangalan ni Vivienne ang nakita ko roon. Awtomatikong kumunot ang noo ko.

Alam kong sinabi ni Levi kanina na hindi niya girlfriend si Vivienne ngunit nang makita ang pangalan ng babae na tumatawag sa ganitong oras ng gabi ay mas lalo lamang akong hindi na naniniwala sa kaniya.

Pinanood kong kusang huminto ang tawag.

Ngunit wala pang ilang segundo ay tumawag ulit ito. Hindi ko muli iyon sinagot at hinayaan itong gumawa ng ingay kahit umaangal muli si Zara. I stared at the phone until it stopped ringing. It only lit up again but this time, it's for a message.

From Vivienne:

I brought you food since you refused to eat with me at the restaurant earlier. I know you're busy so let's just eat there. Nasa elevator na ako.

Nakaramdam ako ng pagkairita nang mabasa ko ang mensahe niya.

Akma ko nang pabalang na isasarado ang drawer pagkatapos makita ang text message na iyon nang makuha ng atensyon ko ang pamilyar na kwintas sa tabi ng cellphone.

Salubong ang kilay na dinampot ko iyon at pinakatitigan.

How will I forget? It was the necklace Levi had given me before he left abroad. It was also the same heart pendant necklace I threw at him when we ended.

I suddenly don't know what to feel knowing that he still kept it after all these years.

Mistula lamang akong natauhan mula sa pagkakatitig doon nang tumunog ulit ang cellphone ni Levi para sa tawag na naman ni Vivienne.

Mabilis na sinarado ko ang drawer at binulsa ang kwintas sa loob ng suot kong pantulog.

Naglakad ako papunta sa pinto saka lumabas ng silid.

Malalaki ang hakbang na tinahak ko ang daan papunta sa living room at nakita si Levi doon na subsob sa trabaho. Ngunit nang mistulang maramdaman ang presensya ko ay agad siyang nag-angat ng tingin.

Mula sa malalim na pagkakakunot ng noo, his face lit up when he saw me. A tired and weak smile flashed on his face as he stopped whatever he's doing and paid me undivided attention.

"Hi.", masuyong sambit niya habang naroon pa rin ang mabining ngiti sa mga labi. "You can't sleep?", pagkatanong niya niyon ay tuluyan na siyang huminto sa ginagawa.

I halted in front of him and threw him a glance. Nakaangat ang tingin nito sa akin.

"Want me to make you a glass of milk?"

Mabilis akong umiling nang akma siyang tatayo upang ipagtimpla ako ng gatas.

By the looks of it, it's him who needs it than I do.

Tumikhim ako dahil hindi ko maitago ang pagkairita kahit wala naman siyang ginagawa.

"Lalabas muna ako."

Kuminang ang salamin niya dahil sa repleksyon ng ilaw nang umayos siya ng upo at tapunan ng tingin ang relong pambisig.

"It's already late, Raegan. Where are you going?", takang tanong niya habang inaayos ang salamin at ibinalik ang tingin sa akin.

I unconsciously reached for my damp hair and ran my fingers to fix it a bit knowing that I haven't even comb it earlier.

"I need to get something from my unit.", I lied.

Tumango siya saka bahagyang inilayo ang mesa na may nakapatong na mga papeles at laptop sa harap niya saka siya tumayo.

"I'll go with you."

Mabilis siyang kumilos upang maglakad palapit sa pinto nang maagap ko siyang pinigilan.

"Saglit lang ako. I'll just get the charger of my laptop."

Tumingin siya sa akin na waring kinukumpirma kung nagsasabi ako ng totoo. Nagdalawang isip muna ito saka walang nagawa na bumuntong hininga.

"Okay. Basta...bumalik ka agad."

Hindi ko alam kung bakit may himig ng takot at pagkabahala sa boses niya. Or it's just my mind messing with me again.

Wala sa sarili na tumango na lamang ako.

Pinihit ko ang seradura at binuksan na ang pinto. Nang isasara ko iyon pagkalabas ay nakita kong sinusundan pa rin ako ni Levi ng tingin na mistulang gusto talaga akong samahan ngunit pinipigilan lang nito ang sarili.

Just when I shut the door, that's the time when Vivienne finally arrived at our floor.

Nakita ko siyang natigilan malapit sa pinto ng unit ko at kitang kita niya akong lumabas mula sa unit ni Levi.

Pinasadahan niya ako ng tingin at mas napaawang ang mga labi niya nang makitang basa ang buhok ko at nakasuot na rin ng pantulog.

It wasn't even Levi's clothes. It's mine and yet it looks like it already brought too many conclusions in Vivienne's head.

I began to walk towards her.

Mistula itong natauhan nang makita akong papalapit.

I saw her forced herself to regain her composure when she cleared her throat, like snapping herself out of her thoughts.

From her surprised face, she shifted to being so furious, like she caught me commiting a crime.

"Why did you come out from there? Anong ginawa mo sa loob ng unit ko?", pagalit na tanong niya nang makabawi.

I scoffed as I stopped in front of her.

"Levi's unit, you mean?"

"T-That's mine ! He just visits me from time to time after work!

I smirked because of her blatant lie.

"I haven't seen any trace of you inside. Zara said it herself that it wasn't yours. Nakapangalan lang sa'yo sa papel."

Nang mag-iwas siya ng tingin ay saka ko lang nakumpirma na kay Levi nga talaga ang unit. Marahil ay hindi niya inaasahan na malalaman ko ang bagay na iyon ngayong taas noo niya pang sinabi na binibisita lamang siya ni Levi.

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paperbag ng isang restaurant na alam kong dinala niyang pagkain para rito.

Hindi ko naiwasang mapailing. She's really trying too hard.

Alam kong matagal na siyang may gusto kay Levi. I just didn't expect that she'll pull all strings to woo him just to like her back.

Hindi ko alam kung bakit biglang may gusto akong patunayan. I don't even know why I wanted so bad to let her realize that she will never own him. That she will never make him hers. Kahit magmakaawa pa siya.

"We already ate. Levi cooked us chicken adobo. I don't think he still have a room for that."

Natigilan si Vivienne sa sinabi ko at hindi makapaniwalang tumingin ulit sa akin.

"I-Ipinagluto ka ni Levi?", waring hindi kayang iproseso ng utak niya na tanong.

I smirked smugly, like it's already a confirmation itself without the need to open my mouth to expound any further.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa ginawa ko.

Hinaklit niya ang kwelyo ng suot kong pantulog at hinila iyon.

"A-Are you back together? Y-You can't do that! You're already engaged!", biglang histerya niya.

Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kaniya.

I don't know why I find the satisfaction to see her lose control. Hindi niya nagagawa ito sa harap ni Levi at ng ibang tao. Mistula siyang anghel sa harapan ng iba kaya't hindi ko maiwasang mamangha sa bilis ng pag-iiba ng ugali niya tuwing ako ang kaharap.

"What are you planning to do? Ano? Gagawin mo rin ba siyang kabit tulad ng ginawa ng Daddy mo kay Aubrey? You hate your father's infidelity but you're doing it just the same? You're just as dirty like your father! What a hypocrite!"

Mabilis na nagpanting ang tainga ko kaya't maagap na lumipad ang palad ko papunta sa pisngi ni Vivienne nang marinig ko ang sinabi niya.

Nabitawan niya ang damit ko nang muntik siyang mawalan ng balanse dahil sa ginawa ko.

Dinama nito ang pisngi na nasaktan.

"Don't provoke me, Vivienne.", nanggagalaiti kong saad.

Ngunit laking gulat ko nang bigla ring umangat ang kamay nito para sampalin ako.

I looked at her unbelievably because of what she dared to do. Talagang sinusubukan niya ang galit ko.

"I told you multiple times already to let Levi go, didn't I? Bakit hindi ka marunong makinig?! He's already happy with me after you broke him because you got engaged with his best friend! Kaya huwag mo na siyang sulutin sa'kin!"

Malakas na sinampal ko muli siya.

"You have the audacity to tell that to me after what you did years ago? Hindi ko pa nakakalimutan iyon, Vivienne. I saw you in bed with him all naked before we even ended. Sino sa tingin mo ang sulutera sa atin?"

She suddenly froze. Nakita ko kung paano unti unting dumaan ang takot sa mga mata ni Vivienne dahil sa sinabi ko.

Bahagya itong napaatras.

"D-Did you ask L-Levi about that? Nagkausap ba kayo t-tungkol sa...n-nakita mo?", there was a sudden panic from her voice that I can't determine what for.

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa tinanong niya.

"Bakit? Ano ngayon kung napag-usapan namin iyon? Will it change the fact about how a fucking whore you are?"

Nag-iwas siya sa akin ng tingin at hindi niya sinagot ang tanong ko.

That irked my curiosity.

"I'm asking you, Ocampo. What is it to you if I brought that out to him? Why? Are you hiding something or you're just too shy to let me know how you enjoyed being fucked by him that night? Was he good in bed that you're too crazy for him? Masarap ba?"

I pushed her shoulders. Napaatras siya doon. Inulit ko pang itulak siya sa balikat nang hindi siya sumasagot.

"Answer me if you're not that shameless! How many times did you kneel in front of him to lick every part of his body that made him surrender to you?! How many times did you spread your legs willingly just so you can own him inside you?!"

Nagyuko siya ng ulo at hindi na makatingin sa akin.

"Sabihin mo ngayon. Sinong madumi sa'tin, Vivienne?"

I mocked as I held her chin to force her to look at me.

"Between the two of us, ikaw ang ipokrita...ikaw ang sulutera, you get me? Nakakaawa ka. You can't even make him fall for you unconditionally while I can get his full attention even without trying. Anong pinagmamalaki mo? Boto sa'yo si Vince Zardeleja? Baka kayo talaga para sa isa't isa."

Marahas na tinanggal niyang ang mukha sa palad ko at nanlilisik ang mga mata na tumingin siya sa akin.

"Levi will know about this!"

Umangat ang dulo ng labi ko.

"Huwag kang mag-alala. Ako pa mismo ang magsasabi sa kaniyang sinaktan kita."

"Sir Vince will hear about this. He'll surely help me destroy you!"

Hinugot ko ang damit niya at kinwelyuhan siya tulad ng ginawa niya sa akin kanina.

I leaned to her ear to let her mark my words.

"Do whatever you want, Vivienne. Pero sisiguraduhin ko na si Vince Zardeleja ang pababagsakin ko and not the other way around. After him, wait for your turn. Seize the day as long as you can. Because one of these days, I'll come after you."

Naramdaman ko ang bahagya niyang pagnginig dahil sa sinabi ko. I slowly stepped back and looked at her.

Nakita ko siyang lumunok kaya't napangisi ako. Pabalang kong binitawan ang damit niya. She stumbled a bit so I managed to grab the paperbag from her grip.

"I'll let Levi know that you dropped by."

Tinaas ko ang paperbag at iwinagayway iyon sa mukha niya bago ako tumalikod.

Pinindot ko ang password na nakita ko mula kay Levi kanina. Nang tumama iyon ay tinapunan ko muli ng tingin si Vivienne na kahit naroon pa rin ang takot sa mga mata niya ay mababakasan din ng pagtataka iyon dahil nabuksan ko ang pinto nang walang kahirap hirap.

Obviously, she doesn't know the password so she's surprised because I do.

Pumasok na ako sa loob at sinarado ang pinto.

Nang makabalik ako ay wala si Levi sa sala kung saan ko siya iniwan kanina kaya't dumeretso ako sa kusina.

I saw him there. He just finished making a cup of coffee and a glass of milk.

Pagkaharap niya sa akin ay agad nagsalubong ang mga mata namin.

He was about to open his mouth to say something when his eyes drop to the paper bag I'm holding.

Pabalang na nilagay ko iyon sa taas ng dining table.

"Vivienne brought this for you. She's still outside if you like to talk to her."

"Vivienne?", takang tanong niya na mistulang hindi nito inaasahan na nandito ang babae. "You talked to her?"

"Sinampal ko siya. I slapped her two times."

Pinanood ko kung paanong nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Naglakad siya palapit sa akin at itinuko ang dalawang kamay sa taas ng dining table.

"You did what, Raegan?"

"Pinangatawanan ko lang ang sinabi mo. I'm a monster, right?"

He darted me a glare.

"Don't worry. She didn't bleed this time. Nakasampal pa nga sa'kin ng isa e."

Napatuwid si Levi ng tayo at bahagyang sinuri ng tingin ang kaliwang pisngi ko na siguradong namumula.

"See? It doesn't mean that just because I'm a monster for you, you can already consider Vivienne an angel."

Guilt was plastered on his face when I said that. Nag-iwas siya ng tingin saka tumalikod sa akin.

"Nadala lang ako ng...galit. I'm sorry", mababa ang boses ngunit puno ng sinseridad na sambit niya habang kumukuha ng ice cubes sa fridge.

Nilagay niya ito sa ice pack saka muling naglakad papunta sa akin.

He raised his hand that was holding the ice pack towards my cheek but I moved away from him.

"You said that not because of anger, Zardeleja. Bakit hindi mo nalang aminin na iyon talaga ang tingin mo sa'kin? You've always seen me as the bad guy."

Bumuntong hininga siya saka kumilos upang ilapit muli ang ice pack sa pisngi ko kaya iritadong hinablot ko iyon mula sa kaniya at itinapon.

Gulat na napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko.

"Raegan---"

He stepped forward to reach me while trying to explain but I quickly took a step back. Nakita kong dumaan ang sakit sa mga mata niya nang ni ayaw kong magpahawak.

Tumango siya saka napayuko.

"I just don't want you to hurt other people again, Raegan.", kalmadong turan niya na mas nakapagpainit ng ulo ko.

"You don't want me to hurt other people pero kapag ako ang sinaktan nila okay lang?!"

Umangat muli ang tingin niya nang bahagyang tumaas na ang boses ko.

"I don't want you to lose  yourself for revenge. I don't want you to live your life in hatred and pain. I don't want to watch you turn to a monster. You're already changing yourself before. Ayaw kong bumalik ka na naman sa dati."

I scoffed because of what he said. I stared at him unbelievably.

"Bakit? Sino ka ba? Who are you to do that?"

Marahil ay hindi niya inaasahan ang mga tanong ko kaya't hindi siya agad nakasagot.

Nang makabawi ay halos pabulong siyang nagsalita.

"I'm just doing that to protect you.", mahinahon niyang pahayag.

Sarkastiko akong tumawa.

"Protect me? Protect me from what?"

"Raegan hindi na tayo mga bata. I don't like it when you dart your anger towards people by hurting them physically. I don't want you involved in any fight that can lead to something serious dahil paano kung kasuhan ka nila? Hindi na lang ito basta detention sa high school. Pwede ka nang makulong sa lagay na iyan. Pwede kang---"

"Come on Zardeleja stop acting like you really care about me---"

"Of course I care about you. Why would I even follow you at New York if I don't? Bakit pa ako dito sa tabi ng unit mo tumira if I don't care about you?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Ano?", I asked, confused.

"I was mad at you for leaving me hanging like that. I was so upset when you got engaged. Pero nang malaman ko na nasa peligro ang buhay mo, saan ako dinala ng galit ko? Sa'yo pa rin. Kahit hindi mo ako kailangan, I still wanted to be with you. I wanted to protect you too, Raegan. Kahit patago. Kahit hindi mo alam."

Hindi ako agad nakaapuhap ng salita dahil sa pahayag niya. Mabilis na bumalik sa memorya ko ang mga pagkakataon na alam kong may nagmamatyag sa akin sa ibang bansa noon. There was always a white car secretly following me.

I already have a hunch that it was him but I just don't want to believe then.

Saka ko lang din napagtanto ang dahilan kung bakit dito siya naninirahan mismo sa tabi ng unit ko.

Napamaang ako sa kaniya.

"You mean...you've been around me all this time, secretly protecting me? How the hell didn't you let me know?", gulong gulo na tanong ko.

"You told me you don't want to see me anymore. How will I let you know?"

"But Vivienne...I saw you in bed with Vivienne all naked, Levi----"

"Walang nangyari sa amin.", maagap na pahayag niya.

"Don't make me a fool. I saw it with my naked eyes. Pinuntahan kita at nakita mismo ng dalawang mata ko! You're hugging her while you're asleep at wala kayong mga saplot. Ano sa tingin mo ang maiisip ko?"

"I don't know what happened that time but I can assure you that nothing happened between us. I know how much pain it can cause you if I do that, Raegan. I can't hurt you the same way your father did. I don't want to cause another trauma for you."

Napahilamos ako sa mukha dahil gusto kong maniwala kay Levi.

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa tagal ng panahon na nakilala ko siya bilang tao, gusto kong kwestyunin ang sarili ko sa mga pinaniwalaan ko noon.

"I really hate you, Levi Zardeleja."

Mapaklang ngumiti si Levi sa akin.

"I'm well aware, princess. And it's better than not feeling anything for me at all."

May pamilyar na umusbong sa dibdib ko ng mga sandaling iyon dahil sa mga nalaman. And I hate the fact that it slowly ruining the plan that I already set up in my head.

"Why? Why are you doing this?"

Hindi nagbitaw ng tingin si Levi sa akin at kitang kita ko ang hirap sa mga mata niya habang nakatingin sa distansya sa pagitan namin.

"Haven't I made it clear? I love you.", diretso niyang sagot.

And for the first time, I saw how emotions started to break free from his eyes.

Since the day I came back home, whenever our eyes meet, I can only see the coldness and resentment in his eyes. Lagi ay mistulang ayaw niya pa akong makita.

Ngunit ngayon, samut saring mga emosyon ang bumabaha mula sa mga mata niya. Na mistulang wala na siyang pakialam kung makita ko ang tunay na nararamdaman niya sa limang taon na lumipas.

"Kahit ang hirap hirap...kahit ang saki sakit. Mahal kita, Raegan. That's why I can't understand how can you just throw me away while accusing me of things I didn't do. Do you think I'm a kind of a fool to even hurt you like that? You don't know that hurting you means hurting myself more?"

Nakagat ko ang ibabang labi nang makita ang sakit sa mga mata ni Levi.

"Hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko naiintindihan. Paano, Raegan? How can you keep it as a hobby to hurt me over and over? I refuse to believe that you got engaged that easily when you can't even say you love me. Do you know how painful it was for me to watch you over a distance with a damn ring on your hand? What's worse? Sinasadya mo pa talagang isuot 'yan sa tuwing kikitain mo ako."

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko at mababakasan ng sakit at panghihinayang ang mga mata niya.

"Hindi mo ba alam na sa tuwing nakikita kita na suot 'yan, lagi kong tinatanong kung bakit hindi ako? I'm more successful than him. I'm more responsible. I understand you better...I can love you the most. Pero bakit...bakit siya pa rin", umiling siya saka malalim na bumuntong hininga. "I always win over de Vera, but because of you, I feel like I lost against him my entire life."

Nag-iwas ako ng tingin nang mamula ang mga mata niya dahil sa panunubig nito.

"How did we end up this way, Raegan?", tanong niya sa mababang tinig.

Napahilamos siya sa mukha.

He looked up to the ceiling as he's trying to stop the tears lurking in his eyes.

I just stood there watching him feel the pain for the time and love we lost while I hate how my heart also reacted as I share the same pain with him.

Gustong gumalaw ng mga paa ko. I wanted to cross the distance between us and hug him. I was so close to doing that...but I stopped myself.

I reminded myself that I need to be headstrong. Hindi ako pwedeng bumigay nang ganoon kadali. I can't do what I'm supposed to do if I let my feelings overpower my desire for revenge.

This is not what I came back for. He is not what I came back for.

I'm here to destroy him and Vince Zardeleja. Each one of them who caused me pain until they'll beg in front of me for mercy.

So instead of doing something that I might regret, I turned my back on him.

"Do you know the reason why I can't love you, Levi?", malamig na tanong ko habang nakatalikod sa kaniya. "It's because you are you. I don't care if you're the best among all the male population combined. The fact that you are your father's son, made you the lowest of the lows."

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Pumasok na ako agad sa kuwarto at iniwan siya.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

254K 1.1K 5
Kaye is forever in-love with chinky eyes. It's her weakness. Maputi, singkit at makalaglag pangang ngiti. She met Ayano via Marie and from there she...
2.9K 86 34
Levi, a civil engineering student and Zarah, a tourism student got into an arrange marriage because of their parents. They both agreed to stop the ma...
97.4K 4.1K 28
[Longlisted at Wattys Award 2018] When I was a child, I used to watch the movie Casper...and my mom cried every time Casper choose not to be human ju...
75K 3.1K 69
🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Casti...