Fate of Darkness

By Shane_Rose

34.5K 2K 220

Every century, the elements - Fire, Water, Earth, Air, and Aether - choose one vessel among millions of peopl... More

A. N
Prologue
Chapter 1: Darkness
Chapter 2: Stigma
Chapter 4 : Breach
Chapter 5: Fire
Chapter 6: Companion
Chapter 7: Guillier
Chapter 8: Reflection Room
Chapter 9: Past and Present
Chapter 10: Restore
Chapter 11: Survival Room
Chapter 12: Unexpected Visitor
Chapter 13: Second Challenge
Chapter 14: Crossover
Chapter 15: Forbidden Forest
Chapter 16: Underground
Chapter 17: Salvation
Chapter 18: Choices
Chapter 19: Links
Chapter 20: Elementals
Chapter 21: Pact

Chapter 3: Two Souls

1.4K 99 21
By Shane_Rose

*Xavier's POV*

"What really happened? " tanong ko habang nakahalukipkip sa gilid ng bintana at nakatingin kay Racquel na natutulog na sa kaharap kong Clinic bed.

"I don't know..." Sagot ni Simon.  Inalis ko ang mga mata ko Kay Racquel at bumaling sa kanya.  Nasa kabilang kama siya sa kabilang panig ng silid.  Nasa bandang paanan siya ni Racky at gaya ko kanina ay nakatingin din siya sa kanya. "Nasa gubat ako kasama ni Tyrone ng lumabas ang mga ningas sa paligid." Sabi niya at sandaling natigilan.  Pagkatapos ay nakita kong napapikit siya sandali at nahihirapang nagbuntong hininga. "At first... Akala ko...  Nagbalik na siya.  Iyong iyon din kasi ang nagagawa niya.  Kaya naman..  Sinundan ko ang paggalaw ng mga ningas hanggang sa nakita ko siya sa gitna ng maliit na clearing.  She looked in pain.  Kaya agad namin siyang nilapitan ng makita kong bumagsak siya.  Bakas ang matinding sakit sa mukha niya at kahit tawagin ko ng paulit ulit ang pangalan niya ay hindi naman niya idinidilat ang mga mata niya.  Then...  Nagsisimula na siyang mamutla at bahagya kong nakikitang... " huminto siya saglit at muling binalingan si Racquel.  Sinundan ko naman ang tingin niya at naaawang tumingin sa dalaga sa harap ko.  Narinig kong tumikhim muna siya bago nagpatuloy.  "Nakikita kong unti unti siyang nawawalan ng buhay.  Dahan dahang humihina ang pagtibok ng puso niya at bumabagal ang paghinga niya.  Nagpanic ako... Kaya ginawa ko ang unang pumasok sa isip ko."

Kumunot ang noon ko at tumingin sa kanya.  "And that is? "

Malungkot siyang ngumiti at tumingin sa akin. "Kinuha ko ang sobrang kapangyarihan niya at isinalin sa akin." Sabi niya na nakapagpatayo sa akin ng tuwid.

"What?! " di makapaniwalang sabi ko.  "Kaya mong gawin yun?"

"Yes...  And No." Naguguluhang sagot niya.  Maging ako naguluhan sa kanya kaya hinarap ko siya pero bago pa ko makapagsalita ay naunahan na niya ko. "I don't know, ok." Frustated na sagot niyo. "At walang makapagexplain sa akin kung bakit at paano. Basta nagawa ko nalang yun kay Sallie,  at ngayon...  Nagawa ko naman yun kay Racquel.  Pero ng subukan kong gawin yun sa iba ay hindi naman ako nagtatagumpay.  Kaya hindi ko alam kung kakayahan bang matatawag iyon."

Sandaling binalot kami ng katahimikan pagkatapos.  Hindi ko rin kasi alam kung anong dapat sabihin sa kanya at medyo nahihirapan pa ang utak kong pagdugtungdugtungin at hanapan ng rason ang mga sinabi niya.   Pero sa gitna ng magulong isip ko ay may alaalang lumitaw sa akin.  Natigilan ako at napatingin kay Simon. Sinalubong naman niya ang tingin ko. 

"Before...  Ng nasa Guild tournament tayo kasama ng kapatid mo.  May napansin tayong wierd sa kanya, hindi ba?" Sabi ko at napangiwi.  Para kasing negative ang dating ng sinabi ko.  Nakita kong napaderetso ng upo si Simon at alam kong nasa pagiging protective mode nanaman siya para sa kapatid niya.  Kaya bago pa niya ko sitahin sa sinabi ko at nagpatuloy ako. "Hindi lang sa kanya.  Kundi sa akin din. "

Nagsalubong ang kilay niya pero hindi naman siya nagsalita.

Nagkibit balikat ako sa pananahimik niya at nagpatuloy."During our trainings kasama sila Clynne... Naaalala mo ba ng utusan nila si Shiela.  Isa sa kaguild natin ang ienhance ang kakayahan ng bawat isa sa pamamagitan ni Sallie. Hindi kasi niya kayang sabay sabay na palakasin ang kakapangyarihan natin. That's her limitation.  Kaya kailangan niya ang kakayahan ni Sallie para maging daan sa ating lahat. Ipapasa niya ang kakayahan niya kay Sallie at bahala ang kapatid mong ipasa sa atin ang lahat ang kakayahan ni Shiela.  She's a Source, kaya alam nating magagawa niya yun.  Pero during our trainings....  Napapansin nating madali siyang mapagod dahil sa ginagawa niyang pagiging tulay sa atin at kay Shiela.  Doon tayo nagsimulang magtaka.  Dahil kahit sa kanya unang bumabagsak ang kakayahan ni Shiela..  Mukhang hindi naman siya naapektuhan nito. Kaya humanap muna tayo nila Clynne ng paraan para palakasin si Sallie.  Dahil kung hindi natin magagawang solusyunan yun..  Siguradong bibigay siya ng maaga sa gitna ng laban.  We tried everything.  Ang ipasa sa kanya ang kapangyarihan natin.  Yes,  nagagawa niyang makuha ang kapangyarihan namin and store it inside her.  But that is all.  She's storing it.  Pero hindi yun umiipekto sa kanya.  It can make her attack  stronger.  Pero hanggang sa maubos lang ang kakayahan nating ibinigay sa kanya. But her body?  And her real ability?  It didn't change.  She's just like a container.  Isang sisidlan na hindi naapektuhan ng nasa loob niya."

"I remember that." Sagot niya. "Kaya niyang gamitin ang kakayahan natin in a way na magpapalabas siya ng pang-attack skills.  Na para bang bubuksan nya lang ang sarili niya at gagamitin ang mga kapangyarihan natin para umatake sa kalaban.  But she can't absorb our power inside her.  Gaya ng ginagawa natin sa kakayan ni Shiela.  Once it touched us, Our power absorbed it and mixed it.  Kaya lumalakas tayo kahit kakaunti lang ang kapangyarihang hinahatak natin sa link. "

"Exactly." Sabi ko sa kanya. " Kaya nagdesisyon si Clynne na isa isa tayong mageksperimento.  One by one kailangan nating kumunekta sa kanya.  Para mahanap natin ang pinaka-'tuned' sa kapangyarihan niya. Maging ikaw...  Walang epekto sa kanya." Nagaalangan na sabi ko.

Napatango siya.  "Dahil hindi iyon ang "Epektong" kaya kong iinvoke sa kanya. " sagot niya.

"Yahh.  I know that now.  But the point is..."

"You are." Agap niya sa sasabihin ko.  "Tanging ikaw ang nakakapagpalakas sa kakayahan niya.  Ang tanging kinikilala ng kapangyarihan niya."

Dahan dahan akong tumango. "Hindi ko din alam kung bakit.  Pero kung tanging ako lang ang nakakagawa nun sa isa sa Sources.  Then maybe....", I trailed off and looked at Racquel.  "Magagawa ko din yun sa kakambal niya. "

Ilang segundo ang lumipas at wala akong narinig na komento kay Simon.  Kaya muli akong bumaling sa kanya. Nakatingin din siya kay Racquel at halata na malalim ang iniisip niya.  Maya maya pa ay tumingin siya sa akin.

"I don't think that enhancing her power right now...  Is a good idea." Sabi niya at tumayo.  Pagkatapos ay lumapit siya sa paanan ng kama ni Racquel at namulsa.  "Kanina..  Ginamit niya ang kapangyarihan niya to kill herself." Nakakasiguradong sabi niya.

Gulat na bumaling ako sa kanya.  "What?! You can't be so sure about that!  Malay mo... "

"Hindi mo naramdaman ang naramdaman ko kanina Xavier." Putol niya sa akin at seryosong tumingin sa akin. "I was there.  Inside her consciousness. Nakita ko ang pinto ng link niya. Bukas na bukas yun at hinahayaan nya lang na kumawala ang kapangyarihan galing dun. Sinubukan ko siyang tulungang isara yun.  Pero hindi niya ko hinahayaan.  Kaya no choice...  Pinalabas ko yun sa kanya gamit ang sariling kakayahan ko.  So now tell me...  If it's not an attempt suicide...  Then what did you call that?" Hamon niya.

Hindi ako nakasagot sa kanya at tumingin nalang kay Racquel.  Nanumbalik din sa akin ang nangyari kaninang umaga.  Ang nakita kong trato ng mga kaHouse ko sa kanya.  Hindi man nila lantarang sinasabi ang mga panunuya nila sa kanya ay alam kong halatang halata naman yun sa paraan ng pagkakatingin at pagiwas nila sa kanya.

"It's too much for her." Nausal ko.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nagbuntong hininga si Simon.  "Yes.  And without my sister.  She's still lost."

"How can we help her then?"

"First..  Subukan nating tulungan siyang hindi patayin ang sarili niya.  Then...  "He trailed off at tumingin sa akin.  "Protektahan natin siya mula sa ibang magtatangkang saktan siya.  Emotionally and physically."

Napapangiting napailing ako sa kanya.  "Parehong mahirap gawin."

"Pero hindi imposible." Mabilis na sabi niya at ibinalik kay Racquel ang tingin niya.

Napabaling ako sa kanya at pinanatili naman niya ng mga mata niya sa dalaga.  "Why?  Bakit mo gagawin yun sa taong naging dahilan ng pagkawala ng kapatid mo?  Hindi ba dapat ay sinisisi mo siya gaya ng iba? "

Malungkot na napangiti siya. "I can't blame her.  Dahil alam ko sa sarili ko na wala siyang kasalanan.  I know my sister..  At alam kong sarili niyang desisyon ang magpaiwan sa Chasm para sa ikaliligtas ng marami.  It's just unfortunate na bumagsak ang sisi kay Racquel.  Isa pa..  Alam kong ito din ang gusto ni Sallie.  Na protektahan ang kakambal niya.  Their souls are bonded.  Therefore...  In a way...  She's also my sister. And I.." Sabi niya at tumingin direkta sa akin.  "Will protect my sister. At all cost. "

Alam kong totoo ang  mga sinabi niya.  At hindi ako nagdududa sa determinasyong nakikita ko sa mga mata niya, kaya napatango nalang ako bilang pag- unawa sa kanya.

"What about you? Why do you want to help her?" Maya maya ay tanong niya.

Sandali akong natahimik.  Hindi ko rin inakalang mahirap sagutin ang simpleng tanong niya.

Bakit nga ba?  Hindi ko naman masasabing malapit ako kay Racquel?  At wala naman akong responsibilidad sa kanya? Kaya bakit gustong gusto ko kanina saktan sila Ramon ng tuyain nila siya?

Ng wala akong maisip na sagot ay nagkibit balikat nalang ako.  "I don't know.  Maybe..  I pity her?   That's all." Hindi kombinsidong sagot ko. Mukhang nakita din yun ni Simon kaya napailing siya. Ganun pa man ay hindi na siya nagkomento.

Pareho kaming natahimik.  Ako pinag-iisipan parin ang sagot sa itinanong ni Simon,  habang siya ay abala sa kung ano man ang tumatakbo sa isip niya.

Pareho pa kaming napatingin sa may pinto ng bumukas iyon.  At pareho kaming napaayos ng tayo ng makita sila Headmaster at dalawang Head ng Houses. Sila Mr. Daniels ng House of Lumiere kung saan kami nabibilang ni Simon at si Mr Pierce ng House of Nacht.  Nasa likod din nila sila Ms Kath at Mr Mike.  Mga Healers na tumingin kay Racquel kanina ng dalhin namin siya dito ni Simon.

Huminto sila sa Harap namin at tumingin kay Racquel.  Sila Mr Mike at Ms Kath ay nanatili sa bandamg likuran ng grupo habang si Mr Daniels ay lumapit kay Racky at naupo sa gilid ng kama nito. 

Itinaas niya ang kanang kamay niya at naglabas ng puting liwanag.  Pagkatapos ay idinantay niya iyon sa noo ni Racky.

Nakita kong napakislot ang walang malay na katawan ni Racky.  Na animo nabigla sa ginawa ni Mr Daniels. Agad na may kakaibang pakiramdam na lumitaw sa loob ko at nakita ko nalang ang sarili kong humakbang para sana pigilan si Mr Daniels sa ginagawa niya.  Maging si Simon nakita ko sa gilid ng mga mata ko na humakbang din palapit kay Racquel,  pero nakakaisang hakbang palang kami ng magsalita si Mr.  Pierce.

"Don't move."maawroridad niyang utos sa amin.

Simon and I were trained to be a warrior.  Kaya nakilala agad ng katawan namin ang utos ng Head ng Nacht.  Kaya kahit nagproprotesta ang loob ko ay kusang tumigil ang katawan ko sa utos ng Superior namin. Maging si Simon napatigil din. 

Nagtangis ang mga bagang ko sa samut saring nararamdaman ko. 

Inside me...  There's obedience.  And also..... Protectiveness.

Napahugot ako ng hangin ng makilala ang emosyong yun sa loob ko.  Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam nun sa isang taong hindi ko naman lubusang kilala.  Pero anut ano man...  Hindi nun mababago ang katotohanang nakakaramdam ako ng ganun sa kanya.

Unti unting natensyon ang katawan ko.  Sa kagustuhan kong kumilos sa kabila ng pagnanais kong sumunod sa utos. 

Naramdaman ko na din to dati,  ng utusan nila akong bantayan at kaibiganin si Sallie.  Ganun din ng utusan nila kong ipagkanulo siya sa kanya.

Napakuyom ang kamay ko at kikilos na sana ako ng makita kong nawala ang liwanag sa kamay ni Mr Daniel at ialis niya iyon sa noo ni Racquel.  Pagkatapos ay tumingin siya kay Headmaster.

"She's ok.  Gaya ng sabi nila Kath.  But she's drained too.  At masyadong natrauma ang katawan niya sa pagcontain ng ganung kalakas na kapangyarihan.  It refuses any kind of power.  Including mine. So I cant help her either." Sabi niya at tumayo.

"Ganun din kami Headmaster." Wika naman ni Mr Mike. "Our power is no use.  Her body keeps rejecting it. We tried to force it. Pero imbes na makatulong ay tila lalong lumala ang kondisyon ng katawan niya." Sabi niya na nakapagpakabog ng dibdib ko.

"Kung ganun...  Ano ang mangyayari sa kanya kung hindi natin siya matutulungan?" Tanong ni Headmaster ng balingan siya.  Maging lahat kami napatingin kay Sir Mike.

"Maari tayong maghintay hanggang sa tuluyang gumaling ang katawan niya.  But.... "Sabi niya at napabunga ng hangin.  "She can't use her power for the meantime."

"What?" Bulalas namin ni Simon.

Hindi niya kami pinansin at nagpatuloy.  "If she use her power...It will trigger her body." Subok niyang pageexplain ng maayos sa amin. "Like a  traumatic patient.  Their brain  refused to remember the traumatic event that happened to them..  So it shut itself down or forget it altogether. Same with Racquel.  What happened earlier traumatized her body.  At sa oras na subukan niyang gamitin ang kapangyarihan niya...  Matritriger ang utak at katawan niyang pigilan siya.  And when I say 'stop'...  I meant it literally. Posible na huminto maging ang pagtibok ng puso niya. May mga warrior tayong dumaan sa ganyang sitwasyon. And I hope na wala sa mga estudyante natin ang makaranas ng ganyan."

Pare pareho kaming natahimik sa sinabi niya.  At maging si Headmaster napapikit sa gustong iparating ni Mr Mike.

"Hinayaan niyang mangyari ito sa kanya." Mahinang sabi ni Simon.  Lahat kami napabaling sa kanya.

"Anong sinabi mo Simon? " seryosong tanong ni Headmaster.

"Simon... " babala ko sa kanya pero matatag niyang sinalubong ang mga mata ko.

"I told you.  I will help her at all costs.  Kasama dun ang protektahan siya sa sarili niya." Sabi niya sa akin at tumingin kela Headmaster.  Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila ang mga sinabi niya sa akin kanina.

Napapikit nalang ako habang dinidetalye nya ang mga nangyari.  Gusto ko man siyang suntukin ay unti unti ng naiintindihan ng utak ko na tama siya.

Ng matapos siya ay pareho kaming tumingin kela Headmaster at naghintay sa kung ano man ang sasabihin nila.

Sandali silang tila nag-isip bago nagsalita si Mr Pierce.

"So ang dapat nating gawin ay pagbawalan siyang gumamit ng kapangyarihan niya. And make sure na susundin niya yun."

"How?" Tanong ni Mr. Daniels. "Huwag nating kalimutan na isa siya sa mga Sources.  An 'Aether' Source to be exact.  She's stronger than us.  At nasisiguro kong magagawa niyang sirain ang anumang pagbabawal ang ibibigay natin sa kanya."

"You're right." Sabi naman ni Headmaster at seryosong bumaling kay Mr Daniels. "Pero sinabi mo na din... 'Isa' lang siya sa kanila.  Meron pa tayong walo.  At kung may makakapigil sa kanya...  Yun ay walang iba kundi ang mga katulad niya."

"Sino sino sa kanila?  The ones in the Light?  Or the ones in the dark? " tanong ni Mr Pierce.  At parang nagprotesta ang loob ko sa ginawa niyang pagdidistingush sa kanila sa ganung paraan.

Ganun pa man ay itinikom ko ang bibig ko at mahigpit na ikinuyom nalang ang mga kamay ko.

"All of them.  Sabi nga ni Matt.  She's an Aether.  So we need all four elements to stop her." Sabi ni Headmaster.

"But for how long? " tanong ko naman. Lahat sila bumaling sa akin.

"Hanggang sa tuluyang gumaling at lumakas ulit ang katawan niya." Sagot ni Mr Mike.

"Hanggang kelan? " tanong ko ulit.

Napabuntong hininga si Mr Mike.  "It's not an ordinary wound,  Xavier.  As elementals we need to synchronized our body to our power.  Kaya nga nandito lahat kayo para siguraduhing mangyayari yun.  Kaya ibang usapan na pag sinubukang sirain ng kapangyarihan ang katawang humahawak dito.  It's like...  An internal battle.  Right now..  Kaaway ang tingin ng katawan niya sa kapangyarihan niya. Bagay na pwedeng sumira dito.  At walang makapagsasabi kung kelan magiging handa ulit ito para tanggapin ang kapangyarihan ninuman.  Sa atin man o sa kanya.  Her life source is locked.  No one can access it.  Siya man o tayo.  So we can't help her through our power."

"Wait. " sabi ko ng may ideang pumasok sa isip ko dahil sa sinabi niya.  "Is that it?  Hindi natin siya matulungan dahil hindi natin magawang kumonekta sa life force niya? "

Kumunot ang noo ni Mr Mike pero sinagot parin niya ko. 

"Yes.  Lahat kami kayang magpagaling gamit ang link channels sa buong katawan ng isang tao.  And to access that...  We need to touch her lifeforce at pasunurin sa daloy sa mga channels nito ang kapangyarihan namin.  That is the only way na nakakapagpagaling kami."

"What about outside her body? Can't you just.... I don't know...  Pagalingin at palakasin yun ng hindi dumadaan sa mga channel na sinasabi mo?"

Nagkatinginan sila Ms Kath at Mr Mike.  Maging sila Simon at Headmaster naman ay curious na bumaling sa akin.

Ng tumingin sa akin ulit si Mr Mike ay nakakunot pa din ang noo niya.  "No.  No one can do that. Water Users always use the channels to mend and fix anything inside the body.  But...... "

"But? " I urged habang unti unting lumalakas ang tibok ng puso ko sa naiisip ko.

"I think it's  possible." Sabi niya. 

Gulat na tumingin sa kanya sila Headmaster.  "What do you mean?."

Nagkibit balikat si Mr Mike.  "It's just a theory.  For... Aether Users. As you can see...  Aether's ability is limitless.  Kaya nung baliin ang oras at tumawid sa ibang demension.  And one.. so not ancient theory of us suggested ....  Na kaya nung magpagaling without using the channels."

"How? " curious na tanong ni Mr Daniels.

"By just touching the person? " di siguradong  sagot ni Mr Mike.  "I'm sorry.  Gaya nga ng sinabi ko,  hindi pa napapatunayan ang theoryang yun.  At wala pa sa history ng mga Aether natin ang may full healing ability."

"You're wrong." Kontra ko sa kanya.

Bahagyang tumaas ang kilay ni Mr Mike.  "Oh yeah?  Then..  Can you tell me kung sino ang Aether User natin na may ganoong Healing ability?"

Napabaling sa akin ang atensyon nilang lahat.  Kaya sandali akong nanahimik at pinagisipan kung tama ang gagawin ko.  Muli akong tumingin kay Racquel.  Tama si Simon,  hindi gugustuhin ni Sallie kung may mangyayaring masama sa kanya.  At alam kong gugustuhin din nyang tulungan namin siya.

Napabuntong hininga ako at pinakatitigan si Mr Mike.

"She's not in here. At hindi rin siya estudyante ng Academy o ng kahit anong branch nito."

Lalong nacurious si Headmaster.

"Sinong tinutukoy mo? Anong pangalan niya?" Tanong pa niya.

"Crystal.  My sister." Sabi ko habang kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

________________________________

*Simon's POV*

"Ayaw mo bang pumasok sa loob? "

Napabaling ako sa kanan ko ng may magsalita.  Nakita ko si Tyrone na nakatayo malapit sa akin.  Pinagmamasdan nya lang ako pero di nagtagal ay bumaling sa pintong kaharap ko ang mga mata niya.

Napatingin din ako doon at muling napabuntong hininga.

"Tapos na ba sila?" Tanong pa niya at lumapit sa akin.  Sumandal din siya sa kabilang panig ng bintana kung nasaan ako.  Medyo madilim na ang corridor dahil sa papalubog na araw at tanging ang sinag ng araw sa sahig ang namistulang harang sa amin ni Tyrone.

"I don't know." Sagot ko sa kanya. "Hindi ko pa sila nakikitang lumabas mula kanina." Tukoy ko kela Teresa.  Halos kalahating oras na ata ang lumipas ng ipatawag sila ni Headmaster.  Mas pinili kong maghintay sa labas kesa makita ang gagawin nila.

"Sorry to say this....  Pero hindi ko gusto ang ideyang pagsi-seal sa kapangyarihan niya." Maya maya ay sabi ni Tyrone.  "Ngayon pa na higit niyang kailangan yun para ipagtanggol ang sarili niya." Nahimigan ko ang inis sa boses niya pero nanatili lang akong tahimik.  "Ano ang balak nilang gawin sa kanya dito sa loob ng Academy na wala siyang kapangyarihan?  Seriously ?"

"Mas mabuti na yun kesa naman sa mamatay siya ng dahil sa kapangyarihang yun." Wala sa loob na sagot ko. "Isa pa...  Temporary lang ang ginagawa nila.  Inaasikaso na ng Academy ang pagtratransfer sa kapatid ni Xavier. Hindi magtatagal ay narito na siya at matutulungan niya si Racquel."

"Pero hanggat wala siya...." Simula ni Tyrone na agad kong pinutol.

"I'll protect her." Determinadong sabi ko.  Pagkatapos ay tiningnan siya sa mga mata.  Bahagya ko pang nakita ang shock at pagkalito sa mga mata niya bago siya napakurap at nagsalita.

"Why?" Pag-uulit niya sa naging tanong ko kay Xavier kanina.

Napatingin ulit ako sa pinto bago tumayo mula sa pagkakasandal ko sa bintana.

"Dahil ito ang tama." Yun lang at tinalikuran ko siya. 

Narinig ko pa ang pagtawag niya.  Pero binalewala ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Ang totoo ay hindi ko rin alam kung bakit at kahit ilang beses ko hanapin ang sagot sa magulong isip ko ay wala akong makuha. 

Maaaring naaawa din ako sa kanya gaya ng sinabi ni Xavier.  O dahil alam kong malaki ang parte niya sa buhay ng kapatid ko. 

I meant it ng sabihin kong parang kapatid ko na siya. Pinaniniwalaan yun ng utak ko.  Pero.....  Bakit ayaw yung tanggapin ng puso ko. 

Naguguluhan na ko.  At sa bawat paghahanap ko ng rason sa mga nararamdaman ko ay lalo lamang gumugulo ang isip ko.

Kaya naman hindi ko na gustong mag-isip.  Bahala na.  Basta gagawin ko ang isinisigaw ng puso ko.

I will protect her.  Hindi ko hahayaang maulit ulit ang nangyari kanina. 

At hindi ko hahayaang maulit ulit ang nalaman kong nangyari sa kanya kaninang umaga.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakarating na ko ng Dorm naming mga taga House of Lumiere. Kung hindi pa ko binati ng ilang estudyante ay hindi pa ko magiging aware sa paligid ko.

Mukhang alam na ng katawan ko kung saan ko talaga gustong pumunta kaya ito na ang nagkusang magdala sa akin.

Umakyat ako ng hagdan at nagtuloy tuloy hanggang sa third floor kung nasaan ang silid naming mga Elites.

Sa pinakabungad palang ng hagdan ay nakita ko na sila Caleb at Kyle na nagbibiruan.  Agad din nila akong nakita.  At nagtaka pa ko ng makitang nawala ang ngiti ng dalawa ng mapatingin sa akin.  Nakita ko rin na parang umatras ang ilang estudyante na nakakita sa akin at nagaalalang sinundan ang bawat hakbang na ginagawa ko.

Nakita ko pang napakurap si Caleb bago nananantiyang lumapit at sinabayan ako.

"Uhmm...  Simon. Ok ka lang?" Seryosong tanong niya. "Pwede ka ba muna naming makausap sa kung ano man ang kinagagalit mo." Sabi pa niya at ng hindi ko siya sagutin ay hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa paglalakad. "Simon."

Napatigil ako at walang emosyong tiningnan siya.  Nakita kong napalunok siya at napahigpit ang hawak niya sa braso ko.  Hindi naman siya nagsalita kaya bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin.

At doon ko nakita ang pagliliwanag ng braso ko. No...  Ng buong katawan ko. Nababalutan ako ng berdeng flare ng hindi ko namamalayan.  Saka ko lang naunawaan ang kakaibang tingin at kinilos ng mga kapwa ko Elites ng makita nila ko kanina.

"Calm down, dude." Sabi pa ni Caleb.

Huminga ako ng malalim at sinubukang alisin ang flare.  Tinawag ko sa loob ng katawan ko ang kapangyarihan ko at dahil doon ay unti unting nawala ang liwanag.

Parang nakahinga naman ng malalim sila Kyle at Caleb.  Dahan dahan din niya kong binitiwan habang tinitingnan ang reaksyon ko.

"Are you ok? " tanong pa niya.

Umangat ang gilid ng labi ko.  "More than ok." Sabi ko at tinalikuran sila.

Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad habang nararamdaman na sumunod sa akin ang dalawa.  Hindi lang pala sila...  Kundi pati na din ang ibang nakakita sa akin kanina.

Wala akong ginawa at hindi ko sila binigyan ng hint sa naipong lakas sa loob ko.

Nagtuloy tuloy ako sa Common Room naming mga Elites.  Basta inutusan ko nalang ang hanging itulak ang pinto at bumukas yun ng hindi ko hinahawakan.

Sandali pa kong tumigil sa harap ng pinto at iniscan ang loob ng silid.  Mukhang marami sa amin ang nandito at nagpapalipas ng oras.

Nahuli ng mga mata ko si Clynne.  Ang Head Elite.  Nakita niya rin ako at nakita kong kumunot ang noo niya ng titigan ako.  Kumilos din siya para puntahan ako.  Pero ng mahagip ng mga mata ko ang pakay ko ay agad akong kumilos at naglakad papunta sa kanya.

Nakatayo siya at nakatalikod sa akin. Habang kasama niya ang ilang kaibigan niya.  Halatang nagkakasiyahan sila at kahit sa mahigit sampu silang nagtitipon tipon ay hindi ako nagdalawang isip na tapikin ang balikat niya.

Tumigil ang usapan at napalingon siya sa akin.  Nakita ko ding kumunot ang noo niya ng humarap siya sa akin. 

"Yes?" Tanong pa niya.

"Ramon Fenson, right? " I asked and grinned at him.

"Yeah. And you are? " tanong pa niya.

"Not important.  But  I don't think that I welcome you properly when you arrived." Sabi ko kasabay ng pagkawala ng ngiti ko.  Agad kong pinakawalan ang naipong lakas sa loob ko at nagsabog yun ng berdeng liwanag ng lumabas ang flare ko.

Narinig ko pa ang pagsinggap ng iba sa gulat at ang pagpalatak nila Caleb sa likod ko.  Binalaan din ako ng hangin sa pagkilos nila para pigilan ako.  Pero huli na.

Pinapunta ko ang lahat ng kapangyarihan sa kamay ko at tinawag ang hangin.  Mabilis yung gumawa ng Air ball at pagkatapos ay basta ko nalang yung pinatama kay Ramon.

Nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya at sa mga kasama niya ng tumama sa kanya ang atake ko.  Itinulak siya ng malakas niyon at halos tumilapon siya hanggang sa kabilang dulo ng silid.  Nakita ko pa ng tumama siya sa pader at halos gumawa yun ng crack sa solidong dingding.

Hindi naman ako nabahala para sa kaligtasan niya.  Dahil gaya ng inaasahan ko sa isang Elites ay agad niyang prinutektahan ang sarili niya.  Nakikita ko pa ang puting liwanag ng flare niya ganun din ng nasa likod niya na sumalo sa impact ng pagtama niya.

The room froze. At walang sinuman ang nakahuma sa biglaang atake ko.  Ng mawala ang hangin ko ay saka lang bumagsak si Ramon sa sahig.  Nasapo niya ang bandang dibdib niya kung saan tumama ang Air ball ko.  Pero base sa mapusyaw na ilaw doon ay alam kong nagawa niyang protektahan ang sarili niya.

Not fully,  but enough to lessen the damage.

"What the hell?  Are you crazy?" Sigaw sa akin ng kasama niyang babae.  Mabilis ding dinaluhan nila ang kaibigan nila. 

Ramon looked in pain.  But honestly....  I don't care.

Nagsimula akong lumapit sa kanila.  Air surrounds me at halos liparin nun ang mga bagay sa paligid ko.

Napaatras din ang karamihan palayo sa akin pero biglang humarang sa harap ko si Clynne.

"Enough. Stop this." Nagtatangis ang bagang na sabi niya.  Nakita ko din ang paglabas ng mapusyaw na Puting flare sa kanya.  Tanda na nagpipigil siyang gumamit ng kapangyaihan.

Babalewalain ko sana siya ng hawakan ako nila Kyle at Caleb sa magkabilang braso. The air that surrounds me consider them as threat.  Kaya kumilos yun at parang patalim na humiwa sa mga braso at kamay nila. 

Pero mukhang naanticipate na nila ang mangyayari dahil imbes na bumitaw ay lalo nila akong hinawakan sa kabila ng pagpalatak nila dahil sa sakit.

"Simon." Muling tawag ni Clynne. Sinalubong ko ang tingin niya. Pero ng makita ko ang pagkilos ng sinuman sa likod niya ay saka ako kumilos. 

Mabilis kong itinulak sila Caleb at Kyle para makawala sa pagkakahawak nila.  Pareho naman silang natumba habang muli kong tinawag ang hangin at gumawa ng dome sa likod ni Clynne. 

Inakala pa ni Clynne na siya ang target ko at muntik na nya kong tamaan ng Fireball na ginawa niya kung hindi niya narinig ang pagtama ng atake sa dome na ginawa ko.

Napapihit siya paharap sa kapangyarihan ko kasabay ng pagkulong ko sa apoy na dragon sa likod niya.  I made a Ball of wind at naniningkit na tiningnan ang nagbato ng kapangyarihan. 

Pagkatapos ay pinaikot ko ang hangin at basta nalang pinakawalan yun papunta sa mismong may gawa ng apoy na dragon.

Nanlaki pa ang mga mata ni Rona ng makitang papunta sa mga kasama niya ang dragon niya.  Sinubukan niyang kontrahin yun at tumawag ulit ng apoy pero masyado ng huli.

Tatama na yun sa kanila.  Napasigaw pa ang ilan sa mga kasama niya at maging siya naiharang nalang ang mga braso sa harap niya at naghintay ng pagtama nito sa kanila.  Pero agad na may bumalot na puting liwanag sa kanilang lahat. At ng tumama doon ang dragon niya ay agad iyong naglaho.

Narinig ko ang gulat at singhap ng mga kasama namin sa silid bago nawala ang liwanag at muling ipinakita sa amin ang mga transfer students.

Tumutok ang mata ko kay Ramon na nakaluhod sa sahig at sapo ang dibdib niyang tinamaan ko kanina.

"Binigla mo ko kanina.  Pero hindi na yun mangyayari sa susunod." Kalmadong sabi niya pero nakikita ko sa mga mata niya ang iniipong galit.

I smirked a him.  "Next time iba na ang gagawin ko.  And believe me when I say...  That.  You. Can't. Stop. Me. Kahit gamit pa ang Nullifying ability mo.  If I can't use my power to hurt you..  I still got this." Sabi ko at pinalabas ang espada ko. Napatingin din siya doon at nakita kong lalong tumindi ang galit niya. "Bago ka lang dito kaya huwag kang maging kampante.  Subukan nyo ulit saktan si Racquel o sinuman sa mga kaibigan nya. Then you will have me to deal with.  Same goes to all of you." Sabi ko sa mga ka House ko.  "Hindi ako magiging mabait sa susunod." Sabi ko pa at saka sila pinasadaahan ng tingin . Pagkatapos ay tinalikuran silang lahat at tinungo ang pinto.

"He's back." Narinig ko pang sabi ng kung sino.

Napaismid ako at lumabas ng silid.  Tama sila.  Nagbalik na ang Simon na kilala nila bago pa man dumating dito si Sallie.  My sister is gone.  Kaya wala na din akong pakiaalam sa lahat. 

Maliban nalang....  Sa protektahan ang mga kaibigan niya.  Hanggang sa pagbabalik niya.

_______________________________

A. N

Salamat sa Votes and Comments!

Shane_Rose

Continue Reading

You'll Also Like

Istasyon By Ailous

Short Story

662 90 9
Minsan kasunod ng kamatayan ay hindi pala paraiso o paghihirap? Ito ay maaring palengke? mall? o kahit istasyon ng tren? Walang nakakaalam, unless p...
6.8K 380 18
Magnus Academy: The Cursed Blood Continuance As the title suggests, due to unforseen circumstances of that certain Wattpad rule of having only 200 pa...
10M 498K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...