Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 52

1.5M 36.4K 25.2K
By jonaxx

Kabanata 52

You Think

Tumunog ang cellphone ko kinaumagahan. Masakit pa ang katawan ko habang kinakapa ang katabing mesa para doon. Di ko pa dinidilat ang mga mata ko ay sinagot ko kaagad iyon.

"Hello, Good morning, Megan!" Si mommy.

"Mom..." Kinusot ko ang mata ko at nilingon ang kama. "Good morning."

Wala na roon si Noah. Kumirot ang puso ko sa libo libong naiisip ko. Bakit wala siya? Iyong gabing iyon ba ay panaginip lang? Pinagtabi ko ang aking binti. Underwear lang ang suot ko at ramdam ko ang sakit at hapdi ng nangyari kagabi. We did it three times and hell I can't move without feeling sore.

"Uuwi ka ba ngayon? Namimili ako ng isusuot sa birthday mo. Alam kong wala ka pang plano pero gumagawa na ako." Nakangiting sinabi ni mommy.

Nanlaki ang mata ko. "Mom, I want it to be simple! Wag mo pong gawing bongga. I mean, ang plano ko lang ay magpaparty kami nina Everlyse, wala nang iba."

"Oh don't say that, Megan. Dapat ay ang uwi namin ng daddy mo galing sa bakasyon ay sa Biyernes pa. I know hindi ka magpaplano kaya umuwi kami ng mas maaga para ako na ang gagawa ng hindi mo hinahanda. You don't say that to me now."

Umirap ako at umiling. "Okay mom. If that's what you like. Anyway, I have to go. May gagawin pa akong presentation. Maghahanda lang ako." Sabi ko at sinubukang tumayo.

"Alright, Meg. You take care and don't forget to eat your breakfast. I love you."

"Love you, my." Sabi ko at binaba na agad ang aking cellphone.

Tumikhim ako at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto na walang bakas ni Noah. Pumikit ako ng mariin at nag isip na imposibleng panaginip iyon dahil masakit. Nang biglang bumukas ang pintuan at napaangat ang tingin ko. Bumungad sa akin si Noah na may kasamang waiter. Namilog ang mata ko nang nagtama ang paningin namin. Ngiti niya ay nanunukso at kita sa mga mata niya na may kahulugan ang titigan namin.

"You can leave it here." Ani Noah nang hinarap ang waiter na may dalang tray. Inilagay nong waiter ang isang tray ng pagkain sa mesa sa tabi ng kama. "Thank you." Bago umalis.

Sinarado ni Noah ang pintuan at bumaling sa akin. Hindi parin ako makapagsalita.

"Ngayon ang uwi mo?" Tanong niya at inilapit sa akin ang mesa.

Tumango ako, naiilang. "Pero mamaya pa kasi may presentations pa kami." Nilingon ko ang orasan at 6:30 na ng umaga. Alas otso ang dapat dating namin sa hall para sa pang huling araw.

"I'll wait for you here. Di ka nagdala ng sasakyan diba? Ako na ang mag uuwi sayo." Aniya.

Tumango ako at tiningnan ang pagkain. Umupo siya sa tabi ko at nilapit ng husto ang mesa. "Eat."

"Hindi ka kakain?" Tanong ko nang napansin kong dalawa ang pagkain sa hapag ngunit hindi niya iyon pinansin.

Umupo siya sa tabi ko at ang isang kamay niya ay nakatukod na malapit sa baywang ko.

"Mamaya na. I want to feed you first." Aniya at kinuha ang kutsara.

Tiningnan ko ang ham na hinihiwa niya ng dahan dahan bago niya inilapit sa aking bibig. "I can do it, Noah." Sabi ko.

"Let me do it for you." Aniya at tumango pa habang nakatitig sa akin.

Tinanggap ko ang sinubo niyang ham. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Pagkatapos gawin iyon ay hinalikan niya ang balikat ko. Halos hindi ko manguya ng maayos ang pagkain.

"Sorry nasaktan ulit kita kagabi." Aniya.

Nilingon ko siya at ngumuso ako. Nag iwas ng tingin at tinagilid ko ang ulo ko sa aking pinggan. That was the best pain I've ever felt my entire life, Noah. "Sanay na ako. Lagi mo naman akong sinasaktan." I smirked.

"Tss." Humalakhak siya sa tainga ko. Binawi ko ang tinidor sa kanya at mamaya ay di pa ako matapos sa pagkain ko. Hinalikan niya ang baba ng aking tainga kaya bahagya ko siyang tinulak. "Noah!"

"You smell so good. I can even smell my perfume on you, miss. Amoy-Noah." Kumindat siya.

Ngumiwi ako sa kanya. "Shut up." iling ko.

Humalakhak siya sa tainga ko at ilang sandali pa naistorbo ang pagkain ko bago niya ako nilubayan. Tumunog ang cellphone niya kaya humiga siya ng maayos sa kama para sagutin ito.

"Yeah... Yeah... Yup." Iyon lang ang tanging narinig ko sa pagsagot niya sa tawag.

Nilingon ko siya nang tapos na akong kumain. "Kain ka na rin. Maliligo lang ako." Sabi ko.

Tumango siya at bumaba pa ang tingin niya sa dibdib ko. Malagkit ang kanyang tingin habang may kinakausap sa cellphone. Umiling na lang ako. Unbelievable, Noah Elizalde!

Nagmadali na ako sa bathroom. Nang nakapasok ay tinitigan ko ang mukha ko sa salamin at hindi ko mapigilan ang pag puna sa pulang mukha ko. Damn it! Mababaliw na yata ako nito!

Nagmadali ako sa pagligo. Doon na rin ako nag bihis. Damn, after last night ay pakiramdam ko may malisya na ang lahat ng paninitig ni Noah sa akin. Lumabas ako sa banyo ng naka corporate attire na. Nadatnan ko pa siyang nakapangalumbaba, nakasimangot na nakatitig si flatscreen bago niya ako nilingon na ganon parin ang ekspresyon. Di parin talaga matatanggal sa kanya ang pagiging suplado!

Nilingon niya ang orasan at nakita ko ring kinse minutos na lang at mag aalas otso na. Umayos siya sa pagkakaupo sa kama. Naglakad ako patungo doon sa laptop at hindi ko mapigilan ang pamumuna sa pagtitig niya sa paglalakad ko. Nang nagtama ang paningin namin ay nagkibit balikat lang siya at bumangon.

"I'll wait here until you are done. O baka maligo ako sa dagat. Depends on my mood." Tumayo siya sa tabi ko at pinulupot niya ang kanyang braso sa aking baywang.

Tumango ako at pinanood ang pagkuha niya sa aking laptop.

"Ihatid na kita don."

Iyon nga ang ginawa niya. Marami siyang bilin sa akin tungkol sa presentation at naging kabado na rin ako sa mangyayari. Nang nakarating kami sa hall ay hindi pa nagsisimula. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng hall samantalang abala ako sa pag iisip sa gagawin ko mamaya.

"Don't be nervous. Kaya mo 'yan. I checked your presentation, it's good." Bulong niya sa akin.

Tumango ako at inisip na kaya ko ito. Isa pa, bukas ang tunay na presentation sa Pharmaceutical Company. This is just a mock presentation. I can do this.

Lumabas rin siya nang nagsimula na. For some reason, habang naghihintay ako ay kabado ako ngunit nang nasa harap na ay hindi na ako nakaramdam ng kaba. Naging mabuti rin ang nangyari kaya natahimik na ako pagkatapos ng presentation ko. Sa huling oras ay binigyan na kami ng certificate, plaques, at kung anu-ano pa.

Malaki ang ngiti ko pagkatapos ng nangyari. Nakaabang pa si Noah sa labas at binalot niya ako ng yakap nang nakitang malaki ang ngiti ko.

Kinagat ko ang labi ko. Everything's perfect to me. Hindi ko matanggal ang ngiti ko kahit nong kumain na kami sa restaurant.

"Do you want to stay here for another day? or uuwi na tayo?" Tanong ni Noah habang nilalapag ng waiter ang mga inorder namin.

Umiling kaagad ako. "Uuwi na tayo. May presentation pa ako bukas, for real."

Ngumuso siya, "After that presentation, please resign. I don't want to see you with your boss."

Umismid ako, "Noah, sayang 'yong experience."

Umirap siya. "Heto na naman tayo. Magpaalam ka na lang sa mommy mo na doon ka na sa Moon Records mag trabaho. Or better, wag ka nang mag trabaho. Seriously, I can pay for us. I can even pay for our future family. You don't need to work."

Nanlaki ang mata ko. "Noah, are you kidding me? Mag boyfriend pa lang tayo. Masyado kang advance mag isip. At isa pa, I feel worthless pag wala akong trabaho."

Ngumuso siya at nagtaas ng kilay sa akin. "Saan ba patungo ito? Sinagot mo ba ako para hiwalayan sa sunod na buwan?"

"Hindi naman sa ganon." Iling ko.

"Then if that presentation of your tomorrow is exceptional, then I want you to resign right after."

Aangal na sana ako ngunit tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa aking bag at nakita kong si Stan ay tumatawag sa akin. "Si Stan..." Sabi ko bago iyon sinagot.

"Where the hell is Noah Elizalde? Two mall shows and he's not here! Pauwi na kami!" Sigaw ang binungad niya sa akin.

"What? Stan? Asan ka?" Tanong ko.

"Nasa Batangas! At wala kaming lead kasi wala siya! Asan ba 'yong manliligaw mong iyon? I figured ikaw lang naman siguro ang pwedeng maging rason kung bakit di siya nakadalo! He's not answering his phone!"

Sa titig pa lang ni Noah sa akin ay alam kong alam niya na kung anu ano ang mga sinasabi ni Stan sa akin. Ngumiwi ako at nagpatuloy lang si Noah sa pagkain na parang wala.

"Okay, I'll tell him."

"I knew it! So he's with you? He's with you!? Kagabi pa iyon ah? We're packing. Pauwi na kami at wala kaming gig ng dalawang araw. The next days mag rerecord kami. Sabihin mo na galit na ang manager namin at makakarating 'to sa kay tita Alejandra! Tell him, Megan!"

"Yes, Stan. I will. Okay, bye."

Hinarap ko si Noah at nag kibit balikat lang siya sa akin.

"Iniwan mo sila? Stan's furious!" Tanong ko.

"They can do it without me. Sinabi ko naman sa manager na may gagawin ako. Tsaka, I'm kind of annoyed there. Diva's always with us the whole time."

Nanliit ang mata ko. "Yeah, I've noticed. Close kayo, no?" Sabi ko habang kumakain.

Nag angat siya ng tingin sa akin. "Magkakilala na kami noon pa. You know, their band and Zeus. Madalas kaming pareho ng line up sa gigs."

Tumango ako. Nakatitig parin siya sa akin na parang may inaabangan. "Anyway, Stan's furious. You should call him, Noah."

"Pupuntahan ko lang sila pagkauwi nating Manila. Alam ko na anong sasabihin niya pag tumawag ako. Mumurahin lang ako non." Iling niya. "Mas importante sa akin na nandito ako, baka bumalik pa iyong boss mo."

Tumawa ako. "You want to leave last night, Noah. Remember?"

He smirked. "Yeah, I will leave your room but not the vicinity. Of course, not."

Ngumiwi ako. "Bolero!"

Tumwa siya. "I'm glad I didn't leave your room." He flashed a sexy smile.

Umiling na lang ako at nagdasal na sana ay hindi masyadong mamula ang pisngi ko sa sinabi niya.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami patungo sa suite nang sa ganon ay makuha ko na ang gamit ko at makapag check out na kami. Napag alaman ko pa namang binayaran ni Noah ang pangatlong araw kahit na hindi naman kami dito magpapalipas ng gabi.

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Ysmael iyon. Binitiwan ko ang kamay ni Noah. Papalapit na kami sa kwarto at pakiramdam ko ay kahit na ganon ang nangyari kagabi ay kailangan kong sagutin ang tawag ni Ysmael.

Napansin ni Noah ang pagsagot ko sa tawag kaya nilingon niya ako bago binuksan ang pintuan ng kwarto.

"Hello?" Sagot ko.

"Hey! I just want to know if the seminar's done? How was it?" Malamig ang kanyang boses taliwas sa concern sa mga tanong niya.

"M-Maayos naman." Napatingin ako sa malamig na titig ni Noah.

Pinapanood niya ako at para bang alam niyang hindi si Stan o kahit sinong tao ang tumatawag. It was like he knew it was Ysmael. Sa titig niyang matalim at sa pag sandal niya sa dingding habang lumalayo ako ng bahagya sa kanya ay alam kong alam na niya.

"Uhm, I'm sorry kagabi-" Sabay kami ni Ysmael nang sabihin ito.

"I'm sorry." Ulit ni Ysmael.

"No. I should be sorry." Nag iwas ako ng tingin kay Noah at tumingin sa kanan, humalukipkip. I'm sure Noah will understand that after all he's still my boss. "Ibibigay ko ang report sa iyo bukas. Thank you so much for this experience." Sabi ko habang nararamdaman na hinaplos ni Noah ang aking baywang.

Naglakbay kaagad ang kanyang kamay sa aking baywang. Ang isa ay nasa tiyan ko na. Bahagya ko siyang tinulak at pinatahimik. Nasa cellphone pa si Ysmael!

"No problem! You need that at kaya kong ibigay iyan sayo. I'm just sorry last night." Tumikhim si Ysmael.

Ang hininga ni Noah ay nasa tainga ko na. "I know you're still sore." Hinga niya.

Siniko ko si Noah ngunit hindi ko naiwasan ang pag init ng pisngi.

"Are you alone? I-I'm... still here in Batangas. Sa isang hotel sa malapit. Uuwi ka na, diba? Sunduin na kita." Maligaya niyang sinabi.

Aangal na sana agad ako ngunit hinahaplos na ni Noah ang dibdib ko. Nasa likod ko siya at bahagyang dinidiin ang sarili sa akin. Fuck it, Elizalde!

"U-Uhmmm... H-Hindi na pwede, e." Hindi ko madiretso ang sinasabi ko dahil sa lintik niyang ginagawa.

"It's okay. Gusto ko lang bumawi sana kagabi."

Bumaba ang isang kamay ni Noah sa hita ko at sa manipis na paldang suot ko ay nararamdaman ko ang bawat haplos non.

"I-I-I'm sorry, Ysmael. Pero may s-sundun, I mean, susundo na... sakin."

Naglakbay na ang init sa aking katawan. Halakhak ni Noah ang bumalot sa aking tainga.

"Oh! I see. See you in Manila, then," ani Ysmael.

Pinatay ko kaagad ang cellphone ko at nilingon si Noah. "Noah!"

Ngumuso siya. "I'm sorry. I hate it when you talk to Ysmael."

"Baliw ka na talaga!" Angil ko.

Nagkibit balikat siya at nilapitan ako. "I waited years for you, miss. I'm sorry but I waited for you too long. I can't share you with anyone. I earned you. And your boss needs to know that. Huh?" Hinanap niya ang mata ko. Hindi ko na siya matingnan dahil nalasing na ako sa kanyang bulong.

Kinagat ko ang labi ko at huminga ako ng malalim. "Hindi mo ako maihahatid. Baka magalit si daddy. Kina Stan mo na lang ako ihatid." Sabi ko, nag iiwas ng tingin sa kanya.

I like all of these. And I can't afford to ruin it just because of dad. Alam kong hanggang ngayon ay ayaw parin niya kay Noah. Alam kong hindi niya magugustuhan si Noah habang nasa banda siya at wala sa negosyo.

Dahan dahan niya akong sinandal sa dingding. Ikinulong niya ako sa kanyang braso. Wala pang ginagawa ay mabilis na ang hininga ko. Ang kanyang labi ay nasa aking tainga. Ang cellphone na hawak hawak ko ay nabitiwan ko na. Umalingawngaw ang tunog ng cellphone na tumama sa sahig ng suite.

"You think I'm afraid of him? After all these years, miss?" Bulong niya sa aking tainga.

Continue Reading

You'll Also Like

709K 25.4K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
88.2K 5.1K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
26.2M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
99.6K 1K 27
Mackenzie G. Lopez fall in love to mr.Genius Nicolo Irie F. Xiang the number one student in Conan High University Paano kapag may ginawa si Mackenzie...