Common Point

Av XamRed

5.5K 375 104

PEARL OF THE ORIENT #2 Most people believe that a dream is the opposite of reality. For instance, you dream o... Mer

I | Exordium
II | Explication
III | Elucidation
IV | Epigraph
V | Playlist
01 | Oldest Street
02 | Gloomy Phonecall
03 | Tongue-tied
04 | Dasmariñas Village
05 | Twittering Parents
06 | The Supper
07 | Hope All
08 | Vivid Dream
09 | Label First
10 | Entombment
11 | Departure
12 | Fork Fight
13 | Nipples
14 | Helpful Guy
15 | Can't Speak
16 | Karma
17 | Culprit
18 | Choked Him
19 | Friendly Help
20 | Warm Embrace
21 | Handkerchief
22 | First Friend
24 | Coffee and Dream
25 | Hunger
26 | Tryout
27 | First Time
28 | First Ride
29 | First Song
30 | Butterflies in Stomach
31 | Hasty Visitation
32 | Daydreams
33 | Upset
34 | It's You
35 | Blush
36 | Pray
37 | Wishing Well
38 | Wish Granting Ritual
39 | Taoist Temple
40 | Scar of Past
41 | Fort San Pedro
42 | Anniversary
43 | Indirect Confession
44 | Old Woman
45 | The Voice
46 | Debut
47 | First Dance
48 | Mad Man
49 | Wounded Heart
50 | Reverie
51 | Helplessly Fighting
52 | Maybe
53 | Sober
54 | Serenade
55 | Sex Drive
56 | Runaway
57 | Lost
58 | Last Dance
59 | Bullet
60 | Revelation
61 | Goodbye Love
62 | Final Chapter
VI | Acknowledgment
VII | Feedbacks / Updates

23 | Course

45 5 3
Av XamRed

23 | Course

"O, ba't gulat na gulat ka? Sinabi ko namang pupuntahan kita, 'di ba?" tanong ni Reggie at muli siyang naglakad kahit na kaharap niya na ang babae. Nilampasan niya pa si Almira.

Napansin ni Almira na tinatanaw ni Reggie si Pharell, nakita kasi nito na may kausap ang babae. Mabuti na lang nakatalikod na si Pharell nang makita niya at ngayon hindi na halos makilala ni Reggie dahil malayo na si Pharell sa kanila.

"Sino 'yong kausap mo?" tanong ni Reggie nang lumingon siya at maglakad pabalik kay Almira.

"Gie... nagugutom na 'ko, tara na sa canteen." Hindi ibig sagutin ni Almira ang tanong kaya inilalayo niya ang topic.

At para hindi na magtanong pa si Reggie ay nauna na siyang lumakad. Binilisan niya ang mga hakbang ng paa at sinusundan naman siya ni Reggie na halatang dismayado dahil kinukutuban na naman siya sa inaasta ng babae.

[ Oy, Peng... 'di kita masasabayan sa lunch ngayon. I'm with Almira now. ]

Tinawagan ni Reggie si Spencer habang naglalakad siya at sinusundan si Almira. Si Spencer kasi dapat ang kasabay niya ngayon kaso nga nangyari 'yong kanina. Tamang selos at duda itong si Reggie, gusto niyang totohanin talaga ang pagbabantay kay Almira.

Sa bagay, he has the permission at daddy na rin naman na ng babae ang nagsabi. Sabi ni Antonio, bahala na raw si Reggie sa anak niya kaya ito siya guguwardiyahan ang dalaga.

Sa kabilang banda naman, kasama ni Spencer si Sierra at hinihintay nila si Pharell.

"Sige lang..." ani Spencer habang kausap si Reggie sa cellphone, "kasama ko naman si Sierra saka si... oy, nand'yan ka na pala," sabi pa niya nang paglingon ay nakita niya si Pharell.

"Sorry, kanina ka pa ba rito?" ani Pharell, nakatayo sa harap ni Spencer at hinihintay ang tugon ng kapatid.

"Babay na p're," Spencer ended the call.

Naisip niyang mas importanteng ipakilala niya ang kasama niya sa kapatid niya kaysa makipag-usap sa cellphone kay Reggie.

"Sie... this is my brother, Pharell." Lumingon si Spencer sa babae na nakakubli sa likod niya. Hinawakan niya ito sa kamay at marahang hinatak papunta sa gilid niya.

"Pal... si Sierra," ani Spencer na ipinakilala naman sa babae ang kapatid.

Nginitian at kinawayan nila ang isa't isa.

"Girlfriend mo?" tanong ni Pharell habang tinitingnan ang reaksyon ng dalawa.

"Uhm..." Nagtinginan sina Spencer at Sierra na para bang hindi alam o iniisip ang isasagot.

"Ah! Okay, okay, okay, gets ko na!" ani Pharell habang iwinawagwag ang kamay sa dalawa na para bang sinasabi na hindi na nila kailangan pang pag-isipan ang isasagot dahil obvious naman na ang sagot.

"Tara na, nagugutom na 'ko." Anyaya niya sa dalawa na ngayon ay namumula na ang pisngi. Nagkukurutan ang nagsisikuhan pa. Ayan na naman sila.

Magkakasabay silang naglakad papunta sa cafeteria, hanggang sa pag-order ng pagkain at s'yempre hanggang sa pagbalik sa table na napili nilang puwestuhan.

"Kumusta first day?" tanong ni Sierra na siyang nagbukas ng topic na pag-uusapan. Nakayayamot naman kasi kung kakain lang sila tapos hindi man lang mag-uusap.

"Okay naman, may mga naging kaibigan na nga ako, nakalimutan ko lang yung mga pangalan nila pero sabi nila ano balak din nilang mag-try out sa football team, napagkwentuhan namin kani-kanina lang," mahabang ani Spencer habang nagkukwento nang puno ang bibig niya.

"Dude, did you forget how to swallow?" natatawang tanong ni Pharell sa kapatid habang pinapanood kung paano nito pinupuno ang bibig ng pagkain.

Bakit ba gutom na gutom siya? Kailan pa siya naging ganito katakaw?

"Kaya nga! May naintindihan ka ba sa sinabi niya?" ani Sierra na sumasang-ayon sa opinyon ni Pharell.

Muling sumabat si Spencer, "Bakit ano naman kung--"

"Peng, umayos ka! Um!" Binatukan ni Sierra si Spencer na balak pang makipagtalo. Mayamaya ay sinasakal niya na si Spencer at hindi na makahinga ang binata, hindi makawala sa mga kamay niya.

"Oy! Pa'no siya makakalunok kung sinasakal mo?" natatawang ani Pharell at umiiling. Natutuwa siyang panoorin ang dalawa.

Inis namang pinakawalan ni Sierra ang binata at inirapan.

"Gan'yan siya! Siraulo 'yan, e!" banas na pakli ni Spencer, inaayos ang kwelyo ng polo at ang nagulong buhok niya.

"Hop! Hops! Tama na! Nasa harapan kayo ng pagkain. Igalang n'yo naman yung grasya... pinagtitinginan na kayo ng mga tao, o!" ani Pharell na nagtagumpay namang sawayin ang dalawa.

"Yawa! Anong tingin 'yan?" sabi niya pa matapos magtinginan ng dalawa bago ibaling ng mga ito sa kanya ang mga tingin na nakaloloko.

"Patawad po, itay!" magkasabay na saad nina Sierra at Spencer, obviously they're picking the crap out of Pharell. Kanina lang magkaaway sila tapos ngayon naman magkasundo na ulit sila? They're teaming up to tease Pharell.

"Sie... saang club ka sasali?" tanong ni Spencer sa katabi matapos isubo ang panghuling subo. Ang bilis niyang kumain, naunahan niya pa yung dalawa. Partida, dumadaldal pa siya habang kumakain, a!

"'Di ko pa alam, pero gusto ko yung may kinalaman sa course ko," sagot ni Sierra bago sumipsip sa straw ng softdrinks niya.

"Ano bang course mo?" tanong ni Spencer at dahil do'n mas lalong napalakas ang higop at napalaki ang lunok ng babae sa inumin.

"AB Major in Philosophy to be exact po, sir!" aniya nang igilid ang tingin sa katabi sabay irap bilang pagbawi.

"Buang ka Peng, course ng jowa mo 'di mo alam?" ani Pharell na nakatuon lang ang atensyon sa kinakain.

"Bakit, alam mo ba course ko?" tanong ni Spencer sa kanya.

"Hindi."

"See? Stepbrother mo 'ko pero 'di mo alam course ko!"

"Malay ko ba."

"Gano'n lang din sa kanya pero History yung sa 'kin," ani Spencer at ipinagpatuloy ang pag-inom sa baso.

"'Wag kang mag-angas, alam kong 'di mo rin alam course ng kapatid mo!" ani Sierra na sumabad na naman sa usapan ng dalawa.

Inis na nilapag ni Spencer ang basong wala nang laman, "Cheese crap, kasatsat mo!"

"Mamatay na sinungaling," pakli ni Sierra, taas-kilay at kumpiyansa sa sarili ang dating.

"Oo na! 'Di ko alam! Happy?" Mukhang napipikon na si Spencer, nagiging paiyak na kasi ang boses niya saka lumalakas na rin ang boses niya.

"BS in Management yung sa 'kin," sagot ni Pharell na natapos na ring isubo ang huling salok ng kutsara niya.

"We're all even now, pare-pareho lang pala nating 'di alam," ani Spencer na ngayon ay nakasandal na sa upuan, medyo dumausos na sa pagkakaupo, nakabuka ang mga hita habang nagkukuyakoy at nag-aalis ng tinga sa ngipin.

"Excuse me, alam ko course mo!" salangsang ni Sierra na ngayon ay hawak na ang cellphone ay nagtwi-Twitter.

"Shh..." ani Spencer habang nakalapat ang hintuturong daliri sa labi, "magagalit si itay."

Muling nagkatinginan ang dalawa at nang tingnan si Pharell ay magkasabay ulit nilang sinabi, "Patawad pong muli itay."

"Buang!" natatawang bigkas ni Pharell sa kanila.

"Ikaw, Pharell saang club ka sasali?" tanong ni Spencer sa kapatid nang makitang busy si Sierra sa kaka-cellphone.

"I think yung may kinalaman sa music," sambit ni Pharell bago uminom sa kanyang drinks na in-order niya.

"O magaling ka kumanta?" ani Sierra na narinig ang sinabi ni Pharell kaya nalipat doon ang atensyon niya, "Sample nga!"

"'Di mo ba alam masamang kumanta 'pag kumakain?" Spencer tsk-tsked just enough to pissed off his girl. "Maganda boses n'yan narinig ko nang minsan no'ng naliligo siya sa banyo kaya lang puro old song lang alam n'yan saka s'yempre mas maganda boses ko."

"Talaga lang, a! Maganda as in parang sinasakal na kambing?" pambabara ni Sierra kay Peng na binubuhat na naman ang sariling bangko. Napakahangin talaga.

"Epal!" ani Spencer at inis na inambaan ng suntok ang babaeng katabi. Hay... mukhang napuno na siya. Napakabilis mapikon talaga.

Pharell faked a cough as he cleared his throat to catch the attention of the two, "Tapos na ba kayo? Tara na kaya? Lalong dumadami yung tumitingin sa'tin, e!"

Nauna nang tumayo si Pharell and that is the right cue for the two to stand too. They should leave the cafeteria now, it's so embarrassing.

"Ito kasi, e! Ayan tuloy ikinakahiya na tayo ni Pharell," ani pa ni Spencer na sinisisi ang babae.

Sa sobrang inis ni Sierra, kinurot niya ulit yung utong ni Spencer dahilan para mapaaray nang malakas.

"Para kayong mga bata," ani Pharell na napakamot na lang sa ulo habang naglalakad sila palayo sa cafeteria at pabalik sa mga klase nila.

Fortsett å les

You'll Also Like

84.6K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
4.3M 169K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
Rebel Hearts Av HN🥀

Ungdomsfiksjon

1.8M 76.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
3.3M 113K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.