The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 14

112K 3.4K 283
By Maria_CarCat

Marry







Ilang minuto pang nabato si Kenzo sa kanyang kinauupuan. Napanguso ako, nakangisi ko siyang tiningala. Sumalubong sa akin ang mabigat at malalim niyang tingin sa akin.

"What did you just say?"

May panghahamong tanong pa niya sa akin. Alam kong narinig niya iyon, nagiinarte lang ang gago at gusto niyang ulitin ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong nakahawak na ngayon sa kanyang hita.

"I love you too" malambing na pagsasabi ko. Tangina neto kung hindi lang ako tipsy hindi ko sasakyan ang kaartehan niya. Pasalamat siya mahal ko siya.

Ang kaninang madilim niyang tingin sa akin ay kaagad gumaan. Dahan dahang sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. "Ayaw mag sink in" paos na sabi niya kaya naman napanguso ako.

"Isa pa" nakangising utos niya kaya naman inirapan ko siya. Ikinawit ko ang magkabilang kamay ko patungo sa kanyang batok. "Gago" asik ko sa kanya.

Imbes na magalit ay natawa lamang ito sa akin. He kissed me again passionately. Kung hindi tumunog ang cellphone niya ay baka hindi pa kami tumigil. Tahimik akong naghintay. Tango lamang ito ng tango habag nakikinig sa kabilang linya.

Sinundan ko ang pagbaba niya ng cellphone niya. Muli kong binalik ang tingin sa kanya at naabutang nakatingin na din siya sa akin. "Pinapauwi ka na?" nakangiwing tanong ko sa kanya. Nalulungkot din dahil sa ideya.

Pinagdikit niya ang aming ilong. Bahagya akong nakaramdam ng kiliti dahil duon. "Hindi na ako bata para tawagan pa ng parents ko at pauwin. I have my own place" pagyayabang niya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"So you can stay here, kung hihilingin ko?"

Kita ko ang pagtigas ng ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi nagustuhan ang aking tinuran. Mariing napapikit si Kenzo.

"Ayaw mo?" may bahid ng pagtatampong tanong ko sa kanya. The moment he open his eye it was dark. Para bang may sumaping kung ano sa kanya.

"Baka hindi tayo makatulog" paos na sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil duon.

"Bakit naman?" panguusisa ko sa kanya. Diretso ang tingin niya sa akin. Makailang beses kong nakita ang pagdila niya sa kanyang pangibabang labi.

Buong akala ko ay may paliwana siya. Sa huli ay mariin lang siyang umiling sa akin. "Basta wag ka lang magmumura" seryosong utos niya sa akin.

Napanguso ako bago kusang sumilay ang ngisi sa aking mga labi. "I can't promise" pilyong sabi ko sa kanya.

Pumayag si Kenzo na magstay ngayong gabi. Sandali siyang bumaba para ilipat sa parking lot ng dorm ang sasakyan niya. Habang wala siya ay pumasok na ako sa banyo, naglinis ng katawan at nagpalit ng pantulog. Mabuti na lang at palaging may dalang duffle bag na may lamang extra na damir si Kenzo sa likod ng kanyang sasakyan. Saktong paglabas ko ng banyo nang pumasok siya, dala niya ang key card  ko kaya naman hindi na niya ako kinailangan pang hintayin para makapasok.

Sinuri niya ang suot kong kulay light pink na pantulog. Partner na pajama iyon kaya naman hindi problema. "Better" sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

Pumasok na si Kenzo sa aking banyo. Tumalon ako padapa sa aking sofa kaya naman natawa ako ng muntik na akong magbounce pababa. Kinuha ko ang phone mo at kaaga na nakibalita kay Abby. Nakareveice ako ng message mula sa kanya na nakauwi na siya sa bahay nila.

Bukas ay tutulak kaagad ang kaagad ang pamilya nila patungo sa tagaytay. Mukhang hindi ko talaga siya makakasama sa outreach program sa bulacan. Panay ang scrol ko sa social media ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Mabilis kong nilingon si Kenzo. With his black cotton short ang a white shirt mas lalong nadepina ang ganda ng kanyang katawan.

Mas lalo akong nanliit, mas lalo akong naging parang bata para sa kanya. Napanguso na lamang ako. I should i wear a sexy lingerie or something lacy. Sinuyod ng mga mata ni Kenzo ang kabuuan kong nakadapa sa sofa.

Tinuro niya ang kama. "Matulog na tayo" utos niya sa akin. Napatingin ako sa nakasabit na digital wall clock. Magaalastso pa lang.

"Ang aga pa" puna ko sa kanya. Tumalim lang ang tingin niya sa akin.

"Higa na baby" seryosong utos pa niya muli sa akin. Namanhid ang buong katawan mo.

Wala sa sarili akong tumayo mula sa pagkakahiga. Hindi kalakihan ang kama ko kaya naman paniguradong magkatabing magkatabi kami. Umusog ako sa pinakadulo ng kaba, naramdaman ko mula sa aking likuran ang pader. Nanatili ang tingin ko kay Kenzo habang ginagawa ko iyon. Ganuon din naman siya sa akin.

Lumundo ang kama ko ng umupo siya, hindi nagtagal ay umayos din siya ng pagkakahiga. Inalalayan ko siya para umusog palapit pa sa akin, konting maling galaw niya lang ay pwede siyang mahulog.

Sa paglapit ni Kenzo ay pumatay ang mukha ko sa kanyang dibdib. Masyadong matangkad para sa akin. Nahalata niya iyon kaya naman mas lalo niyang idinikit ang ulo ko sa kanyang dibdib. Walang pagaalinlangan akong yumakap sa kanya.

"Thank you for staying" paos na sabi ko. Naramdaman ko ang malambing niyang paghaplos sa aking buhok.

"You know i can do anything for you Sera" malambing na sabi pa niya. Itinaas ko ang kamay ko para haplusin ang kanyang pisngi.

"Am I giving you a hard time?" medyo nahihiyang tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi ang biglang pagbabago ng mood niya kanina nang hilingin kong magstay siya. Ano nga naman ba ang pwedeng gawin ng dalawang tao sa loob ng kwarto. Lalo na't magkarelasyon pa kami.

Marahan siyang umiling. "We'll just cuddle and sleep. Not make love..." paos pang sagot niya sa akin. Ramdam na ramdan ko ang hirap niya.

"You mean sex?"

Nagtiim bagang siya. "Love making Sera"

Napanguso ako. Masyadong pasugar coat pa ang loko. "Sex" pagdidiin ko pa din.

Mariin siyang napapikit. Mabilis niya lamang akong hinalikan sa aking noo. Lumipat ang kamay ko sa kanyang dibdib ng mapansin ko ang mabibigat niyang paghinga.

"I want to do it with you Kenzo. Pero hindi pa ako ready..." nahihiyang sabi ko sa kanya. Dumilat siya, diretso ang tingin sa akin.

"Don't think about that Baby. Hindi naman kita iiwan kung hindi natin gagawin iyon sa ngayon. I love you..." pagpapaintindi niya sa akin. Kahit malambing ang pagkakasabi niya nuon ay ramdam ko ang awtoridad. Ramdam ko ang maturity ni Kenzo. Pakiramdam ko is akong uhuging batang inaalagaan niya pag magkasama kami.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. Pagkatapos ay inabot ko ang labi niya para halikan. "I love you" malambing na sabi ko pa din sa kanya maya naman sinuklian niya lang ang aking mga halik sa kanya.

Nakatulog ako ng mapayapa ng gabing iyon. Ramdam na ramdam ko ang presencya ni Kenzo sa aking tabi kaya naman i feel so secured. Kung pwede lang sana na araw araw ko siyang kasama.

Wala na si Kenzo sa aking tabi kinaumagahan. Napakusot ako sa aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang banyo pero halatang wala din siya duon. Bumaba ako ng kama saktong bumukas ang pinto. Medyo nagulat pa ako dahil sa biglaan niyang pagpasok. Mabilit tuloy akong napasuklay sa aking buhok. Chineck ko din kung baka may muta pa ako o tuyong laway.

Nahuli ko ang pilyong ngiti niya habang pinapanuod ako sa pagiging taranta. "Ngiti ngiti ka diyan" masungit na sita ko sa kanya.

Nilapitan niya ako at tsaka hinalikan sa ulo. "Good morning" malambing na bati niya sa akin. Hindi pinansin ang pagsusungit ko sa kanya.

Nagpaalam ako kay Kenzo na pupunta sa banyo para nakapaghilamos at magtoothbruh. Paglabas ko ay nakaupo na ito sa may sahig nakahanda na din ang aming almusal.

"Anong oras ka uuwi?" tanong ko sa kanya. Muli akong nalungkot sa isiping magisa nanaman ako dito mamaya.

"After this baby? Malambing na sagot sa akin ni Kenzo. Nagtiim bagang si Kenzo ng mapansin ang pagiging malungkot ko.

Hinila niya ako palapit sa kanya. Muli akong umupo sa gitna ng kanyang mga hita. "Bakit?" nagaalalang tanong niya sa akin.

Ayoko sanang magsalita. Ayokong magmukhang clingy ba girlfriend. Ang rinig ko ayaw ng mga lalaki na clingy ang girlfriend nila.

Umiling ba lamang ako kesa sabihin ko sa kanyang malulungkot ako pag umalis siya. "Magkasama naman tayo bukas sa out reach niyo" sabi niya na ikinagulat ko.

Kaagad ko siyang nilingon. Malaki ang aking mga mata. " Kasama ka namin bukas?" paguulit ko pa na ikinatango niya.

Isa pala siya sa sinasabi ng prof namin na mga alumni ng pharmacy from college of medicine. Nawala ang ngiti ko ng muli ko siyang lingonin.

"Kasama mo ang tangina squad?" hindi pa din makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Ang alin?" nakangising tanong niya. Napanguso ako. Kasama si Lola Fidez at Andrew. Baka magaway nanaman kami duon. Naku, baka magaway pa kami ni Fidez sa harap ng mga bata.

Nakaramdam ako ng kiliti ng lunapit ang labi ni Kenzo sa aking tenga. "Hindi naman natin sila kailangang pansinin" paalala pa niya sa akin.

Pagod kong isinandal ang ulo ko sa kanyang dibdib. "Kahit naman hindi ko siya pinapansin. Inaaway pa din niya ako eh" sumbong ko kay Kenzo.

Umikot ang kamay niya sa aking bewang. "Wala ng pwedeng umaway sa girlfriend ko. Pag inaway ka ulit sabihin mo asawa na kita" sabi niya kaya naman siniko ko siya. Natawa din ang gago sa kagaguhan niya.

"Edi mas lalo akong inaway nuon. Sabihin nagiimbento ako ng kwento" pagdadahilan ko pa.

Hindi nagsalita si Kenzo. Kinuha niya ang daliri ko pinaglaruan sandali bawat daliri bago sinakop ng malaking kamay niya ang akin.

"Seryoso ako nang sabihin kong papakasalan kita after graduation mo"

Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses. Muli nabalot ng kung ano ang puso ko. "Baka hindi ako payagan" natatakot na sumbong ko sa kanya. Ofcourse i want to marry Kenzo. Hindi naman importante kung gaano katagal na kami. It seem fast, pero ramdam ko na what's between us is real.

Muli akong nakaramdam ng kiliti dahil sa bibig niya sa aking tenga. "Maayos naman kitang hihingin sa kanila" paninigurado niya sa akin. Mas lalo akong naiilove may Kenzo. Natatakot ako, baka hindi na ako makaahon pag nagkataon.

Hindi nawala sa isip ko ang sinasabing kasal ni Kenzo sa akin. Nakaalis na siya pero iyon pa din ang nasa isip ko. Buong akala ko ay inaasar niya lang ako kagabi nang sabihin niya iyon. Hindi ko inakala na kung anong sasabihin niya ay gagawin niya talaga.

Ofcourse i want to marry him too. Pero naisip kong baka kaya niya lang gusto iyon para tulungan akong makaalis sa poder nila Daddy. Hindi biro ang kasal, baka mamaya marealize niyang hindi naman pala talaga ako ang gusto niya.

Naggym ako nung hapon sa may anytime fitness gym malapit sa fatima. Ginawa ko iyon para mapagod ako at makatulog ng maayos sa gabi. Ilang kaklase ay pamilyar na mukha ang nakita ko duon. May ilang ngumiti sa akin kaya naman nginitian ko din sila pabalik.

Kakatapos ko lang tumakbo sa threadmill ng makita ko ang message ni Kenzo. Alaskwatro na iyon ng hapon.

Kenzo: What are you doing?

"Gym" sambit ko habang tinitipa iyon sa aking cellphone.

Wala pang ilang segundo ay nakita ko na kaagad ang kanyang pagtawag. "Send me a picture of you Sera. What are you wearing?" matigas na utos at tanong niya sa akin mula sa kabilang linya.

Napanguso ako kahit hindi naman niya iyon nakita. Pinagmasadan ko ang kabuuan ko sa malaking salamin ng gym. Suot ang itim na sports bra at black leggings ay naka high ponytail din ang aking buhok. Nagpicture ako at kaagad sinend iyon kay Kenzo.

"Go back to your dorm now" maawtoridad na utos niya sa akin.

"Pero hindi pa ako nakakapag squat..." reklamo ko sa kanya.

"Now Sera!" matigas ba utos pa niya sa akin kaya naman bagsak ang balikat kong inayos ang aking gamit. Kaagad kong sinuot ang kulay pula kong jacket.

Bago pa man ako tuluyang makaalis duon ay may lumapit na sa aking isang lalaki. He offered me a 1 month free pass sa gym. After that pag naging consistent ako sa pagpunta sa gym nila they will offer me some sponsor ship lalo na at nakita nilang taga fatima ako at they think na pwede kong iendorse iyon sa mga schoolmates ko.

Ayoko naman itake down kaagad ang offer niya. Kaya naman ngumiti ako at sinabing pagiisipan ko kahit naman ang totoo ay ayaw ko dahil baka ito na ang huling punta ko sa gym lalo na at ganuon ang reaksyon ni Kenzo. Siguradong wala na din akong time mag gym pag nasimula ang klase dahil masyadong hectic ang sched ng 4th year.

Nagpumilit pang mag video call si Kenzo para masiguradong nakabalik na ako sa dorm ko. Hindi ko alam kung anong pinuputok ng butsi niya eh tama naman ang attire ko for gym. Nasermonan pa ako ng lolo niyo.

Maaga akong nagising kinaumagahan. Ngayon ang outreach program namin at mas lalo akong naexcite dahil kasama ko si Kenzo. Isang puting white shirt na may nakaprint na pharmacy ang nasa aking tshirt. Lahat kami ay ganuon ang suot. Naka maong ba pantalon lamang ako at white sneakers. May ilang extrang damit din ako sa aking back pack dahil baka pagpawisan kami duon. Buong araw ang hinanda naming program para sa mga bata.

Pagkatapos kong magayos ay kaagad din akong bumaba. Mula sa kabilang kalsada ay natanaw ko na ang pagaassemble ng ilang sa mga kaklase ko. Dalawang section kami ngayon kaya medyo madami. Sakay kami ng bagong mini bus ng fatima. Dalawa ang gamit dahil na din sa bilang namin.

Napanguso ako ng makita ko si Valerie and friends. Ang sama nanaman ng tingin nito sa akin. Umagang umaga badtrip ang lola niyo. Tumayo akonsa gilid habang pinapanuod ang professor namin na panay ang lakad kung saan saan. Kanya kanya ding kumpulan ang mga kaklase ko. Maging ang kabilang section. Inayos ko na lamang ang pagkakasukbit ng bag ko. Mula sa entrance ng fatima hospital ay lumabas si Kenzo ang his tangina squad.

Napabuntong hinga ako. Hindi naman niya directly kausap si Fidez o si Andrew. Narealize ko na sa sitwasyon niya, wala talaga siyang choice. Makakasalamuha talaga niya ang mga ex friends kahit anong gawin niya. Mukhang prof nilang isang doctor ang kausap nila ngayon. Hindi pa niya ako nakikita, seryosong nakikinig sa sinasabi ng Doctor.

Napairap ko ang pagsulyap sulyap ni Fidez kay Kenzo. Mula sa papel na hawak ng doctor ay lumilipat ang tingin niya sa boyfriend ko. Aba ang lola niyo sumisimple pa. Napabaling ako sa gagong si Kenzo. Wala naman siyang kasalanan, pero nainis pa din ako slight. Ang gwapo kasi amputa. Andami ko tuloy kaagaw.

Kagaya namin ay suot din nila ang college shirt nila. Kitang kita ang nakaprint na college of medicine sa likod ng kanilang puting polo shirt. Mas maganda ang college shirt nila ay mas may dating, may pakwelyo lalong nagmumukhang professio nals. Kami ay simpleng round neck white tshirt ba may printa din.

"Aalis na tayo" anunsyo ng professor namin. Kaagad na kumilos ang lahat dahil sa sigaw niya. Pumila ang mga kaklase ko para makasakay sa mini bus. By section sana ang sakay pero inis nung iba ang kukulit.

Nakipila din ako. Ayokong lumapit kay Kenzo lalo at nanduon si Fidez. Magkikita naman kami sa venue. Bahala siya baka mawalan pa ako ng upuan. Tangina baka standing pa ako nito pabulacan.

"You're going with me" matigas na sabi nito na ikinagulat ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nakuha namin ang atensyon ng ilang.

"Pero..."

"Nagpaalam na ako kay Sir" pagputol pa niya sa pagtanggi ko. Tumango na lamang ako at tsaka napahila sa kanya. Bukod kay Fidez at andrew ay may dalawa pang medicine student ba hindi ko kilala. Bali lima silang magkakaklase.

Humaba ang leeg ng iba kong mga kaklase ng makita ang pagalis namin ni Kenzo. Napanguso ako, baka mamaya puro na sila mga giraffe pag dating namin ng bulacan. Lumagpas kami sa hospital. Sa gilid nito ay nakita ko ang sasakyan ni Kenzo. Namataan ko din ang pagsakay ng mga kaklase niya sa kani kanilang sasakyan.

"Arte niyo, ayaw niyo duon sa bus? Jamming sa byahe" sita ko sa kanya pero tamad lang akong tiningnan ni Kenzo.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan.."Pasok na"

Tangina. Umagang umaga din nakabusangot ang gago. Ang ganda pa naman ng gising ko dahil kasama ko siya ngayon tapos susungitan lang ako.

"May dala ka bang extra napkin? Baka tagusan ko duon" mapanuyang asara ko sa kanya. Daig pa ang babaeng nireregla.

Humalukipkip ako pagkasakay ko sa sasakyan niya. Naamoy ko kaagad ang amoy ng jollibee burger. Nilingon ko ang backseat ay nakitang may paper bag ng jollibee duon. Umayos ako ng upo ng pumasok na si Kenzo sa sasakyan.

"Galit ako. Pinapaalam ko lang sayo" seryosong sabi niya sa akin. Gusto ko sanang matawa. Siraulo neto, share niya lang ganon?

"Oh bakit? May nagawa ba ako?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

Nagtiim bagang siya. Mula sa kanyang bulsa, kinuha niya ang kanyang cellphone. Inis siyang may tinipa dito. Napatingin ako sa magugat na kamay ni Kenzo. Paataas sa suot ba wrist watch, hanggang sa braso niya. Mas lalong lumakas ang dating niya sa suot niyang tshirt. Mas lalong nadepina yung muscles at ang kanyang broad shoulder.

"Ito ang kinagagalit ko" seryosong sabi niya sabay pakita ng cellphone niya.

Tinaasan ko muna siya ng kilay bago ko tiningnan ang cellphone niya. "Share mo lang ulit?" pangaasar ko sa kanya pero hindi nagbago ang ekspresyon nito.

Naginit ang mukha ko ng makita kong litrato ko iyon sa gym kahapon. Yung sinend ko sa kanya ng sabihin niya sa aking magpicture ako. "Oh anong masama diyan?" tanong ko pa.

Napaawang ang bibig ko ng nagzoom ang picture. Mula sa aking likuran, repleksyon mula sa salamin ay nakita ko yung ilang mga schoolmates na nakatingin mula sa aking likod.

"You had your audience huh?"

Napakurap kurap ako. "Nakita mo pa iyon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Kung hindi naman izozoom yung picture hindi naman halata iyon. Masyadong imbestigador itong si Kenzo.

"Oh anong kasalanan ko? Nagpunta lang ako duon para mag gym" laban ko pa sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa aking katawan. Bayolente akong napalunok. "If you want to go there isama mo ako Sera" matigas pa utos pa niya. Napairap na lamang ako sa kawalan. Pinatunog niya ang makina ng sasakyan. Nakita ko na ang pagdaan ng school bus.

Si Kenzo na ang nagsuot ng seatbelt sa akin. Mula sa likod, kinuha niya ang paper bag ng jollibee. "Kumain ka muna ng breakfast"

Tinanggap ko iyon ng iabot niya sa akin
Hindi na ako tatanggi, gutom ako.

Nagsimulang magdrive si Kenzo. Pinabuksan niya sa akin ang isang burger. Nagdrive siya habang kumakain nuon.

"Nagseselos ka lang pala. Sinungitan mo pa ako, good mood ako kanina eh" reklamo ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin.

"What's mine is mine, Sera" giit niya.

"Oh eh bakit. May umaagaw ba sa akin?" tanong ko sa kanya pinanlakihan ko pa siya ng mata.

Muli siyang sumulyap sa akin. Ngayon mas matalim na.

"Some med student from freshmen and sophomores like you Sera" walang kaemoemosyong kwento niya sa akin. Natigilan ako sa pagkagat sa burger ko.

"Sa akin? Bakit ako?"

Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. "Can you turn down your dating app account" utos niya.

"Hindi ako gumagamit nuon" laban ko pa sa kanya. Muli siyang nagtiim bagang.

Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo. "Someone says you swiped right and you sent Hi..." mariing kwento niya na ikinagulat ko.

Napaawang ang bibig ko at napatingin sa kalsada. Matagal na akong hindi gumagamit ng dating app. Who the hell?

Tumingin ako kay Kenzo na ngayon ay seryoso na sa pagmamaneho. "Sorry. Matagal naman na iyong dating app...naghahanap lang ako ng kachat nuon kasi gusto ko ng kausap. Pero boring kaya tinigilan ko na din" pagamin ko sa kanya. Dahan dahan siyang tumango na para bang gusto pa niya akong magsalita ay makikinig siya.

"Yun lang. May boyfriend na ako kaya hindi na ako gumagamit nuon" sabi ko pa tukoy sa kanya.

"Then turn it down baby"

Umirap ako sa kawalan. Kinuha ko ang phone ko at kaagad na inuninstall ang dating app. Pinakita ko iyon kay Kenzo kaya naman natahimik siya.

"Wag ka ng magselos. Magpapakasal na nga ako sayo after grad ko eh" panunuyo ko pa sa kanya.

Nagtaas ng kilay si Kenzo. "A baby after your boards then" sabi pa niya sa akin na ikinalaki ng mata ko.

"Baby agad!? Jusko!" paghyhysterical ko.























(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
811K 15.5K 38
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.5M 213K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
10.8M 353K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook