HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

Av maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... Mer

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 193

2.2M 55.2K 72.9K
Av maxinejiji

DEIB'S POV

NATINAG KAMING pareho ni Taguro sa dalawang magkasunod na katok. Umayos ako ng tayo at tumitig sa malamlam niyang mga mata.

"Deib Lohr, baby!" nangibabaw ang tinig ni mommy. "The party is ready!"

"I'm coming, mom," malakas kong tugon, hindi naalis ang paningin kay Taguro.

"Bumaba na kayo ni Maxi, okay?" aniya saka ko narinig ang mga yabag niya papalayo.

"I love you," pabulong kong sinabi. Nakita ko ang paglunok niya, gusto kong matawa. "I don't care if you're sick of this, I'll still kiss you every chance I get. We'll continue later." 'Tsaka ko siya tinalikuran upang sandaling sipatin ang sarili ko.

Nasa gano'n pa rin siyang posisyon nang makabalik ako. Hinawakan ko ang kamay niya saka siya iginaya papalabas ng kwarto. Palihim akong nangiti nang maramdaman kung gaano kalamig ang kamay niya, bahagya pang nanginginig.

Marami nang tao nang makababa kami. Syempre, naagaw namin ang atensyon ng lahat. Hindi lahat ng lalaki ay may kakayahang pagwapuhin ang gwapo nang sarili. Hindi na ako nagtataka kung nakanganga ang ilan sa kanila nang makita ang kabuuan ko.

"Ang tagal niyo naman?"nakangusong ani mommy.

Ngumiti ako. "May pinag-usapan pa kasi kami," nakangiting tugon ko 'tsaka bumaling kay Taguro.

"Pinag-usapan?" pabulong niyang tanong.

Ngumisi ako. "Sa t'wing hahalikan kita ay nag-uusap ang mga kaluluwa natin, Taguro."Gusto ko siyang halikan sa pisngi nang lumapat doon ang labi ko matapos sabihin 'yon.

"Tss. Dati ay mga puso, may kaluluwa na ngayon?"

"Tch." Muli akong bumaling kay mommy. "Ang gwapo ko, 'di ba?" nakangiti kong sabi, syempre agad na napapalakpak si mommy. "I know, mom. I know."

"Happy birthday, baby!"

"Thanks, mommy," humalik ako sa pisngi niya saka nagpasalamat sa iba pang bumati. "Nararamdaman ko pa rin ang nginig mo, baby babe," inosenteng bulong ko. Wala siyang imik. "Ayaw kitang pauwiin, Taguro."

"Kailangan kong umuwi," nanginginig pati boses niya.

Ako na naman ang dahilan niyan, bwahaha! Ako na naman! Ako talaga! Ako lang! Hahaha! Ako! Ako! Ako! Ako! Kung pwede lang sanang ituro nang ituro ang sarili ngayon ay ginawa ko na.

"May gagawin ka pa rin?" tanong ko, sinikap 'wag ipakitang natatawa ako.

"Bukas, meron." Panay ang iwas niya ng tingin, naiilang.

"Pero mamayang gabi ay wala?" nakangiting tanong ko, kumurap lang siya. "Eh, di pwede ka dito."

"Eh—"

"Hahalikan lang naman kita, 'wag kang mag-alala," ngumisi ako. "I'm gonna kiss you real hard," dagdag ko, pinagkadiinan ang huling sinabi 'tsaka ako dumila na parang bata.

"And I'm gonna punch you real hard."

"Grabe ka," singhal ko 'tsaka binitiwan ang kamay niya. "Pabor na nga sa 'yo 'yong gagawin ko 'tapos sasapakin mo pa ako?"

"Anong pabor naman?" inis niyang tanong.

"Huh! 'Wag mo sabihing lugi ka pa ro'n, Taguro? Sobra ka na, ah?"

"Alam mo, ikaw?" pabulong niyang sunggab, dinuro pa ako. Nanlalaki ang mga butas ng ilong ko, napaatras. "Umiiral na naman 'yang pagiging abnormal mo, ah? Kahit kailan ay hindi ka naging normal."

"Ibig mong sabihin pati 'yong halik ko sa 'yo kanina ay abnormal?" mahinang tanong ko. Natigilan siya at umayos ng tayo. Ngumisi ako. "Hindi 'yon normal?" tanong ko sa ere saka humalakhak. "Oo, talagang hindi 'yon normal, baby babe. Ako lang ang nakagagawa no'n at hindi kailanman magagawa nang normal na tao. Ako lang ang may kakayahang gawin 'yon. Ako lang."

"Ewan ko sa 'yo."

"Ako lang ang may kakayahang patahimikin ang galit na puso ni Taguro." Kinindatan ko siya 'tsaka inakbayan. "Gusto mo na bang kumain, babe?"

"Busog ako."

"Grabe, nabusog ka sa halik ko?"

"King ina, kanino mo pa gustong iparinig 'yan?" singhal niya 'tsaka inalis ang braso ko. Napaatras ako sa pagkabigla. "Kailangang ipagsigawan dito na naghalikan tayo?" pabulong niyang asik, panay ang lingon sa mga kalapit na bisita.

"Pinagtitinginan ka na nga nila," nakangiti kong sabi. "Ang sexy mo raw kasi."

"Tss."

"Nagpa-sexy ka talaga nang todo para maakit ako, 'no?" panunukso ko, ngumiti nang labas ang dila at ipin. "When I pout my lips like this," inginuso ko ang labi na parang manghahalik. "That means I want you to kiss me, baby babe."

Tumitig si Taguro sa 'kin na para bang inis na inis, salubong na salubong ang mga kilay niya at masama ang tingin.

"Alam mo 'yong pakiramdam na lahat sila ay nagagandahan sa 'yo?" nakangising tanong ko. Tumaas ang kilay niya"Tapos hindi nila alam na ako lang ang nakahahalik sa 'yo? Bwahaha! Napakasarap sa pakiramdam, Taguro." Sinamaan niya ako ng tingin, bubulong-bulong pero wala akong narinig. "Ano ang sinasabi mo diyan, ha?"

"Wala," singhal niya.

"Happy birthday, 'dre!" nangibabaw ang napakalakas na tinig ni Tob. Nakangiti ko siyang hinarap at niyakap. "Grabe, taon-taon ay nagbi-birthday ka, ah!"

"Loko, malamang," natatawa kong tugon.

"Oh," iniabot niya ang regalo. "Alam mo na kung anong laman niyan."

"Thanks. Kararating mo lang?"

"Kanina pa 'ko nandito. I'm waiting for my Michiko. Nakita ko 'to si Max no'ng umakyat sa kwarto mo," nginisihan niya kaming dalawa. Ngumuso ako. "Mga loko kayo. Ang magkarelasyong naiiwang solo sa kwarto, nadadagdagan ng isa pang tao."

"Sira-ulo," muntik ko na siyang mabatukan.

Humagalpak siya ng tawa. "Biro lang, 'to naman!"

"Welcome, Chairman Rewis! Come in, come in!" nangibabaw ang tinig ni Chairman Enrile.

Nawala ang ngiti sa labi ko at hindi malabong nakita 'yon ni Taguro. Pinilit kong ngumiti ulit. Ngunit ang paningin ni Taguro ay lumipad na papunta sa gawi nang bagong dating.

Pumasok si Chairman Rewis kasama ang anak na si Cargosin at ang kanan kamay nitong si Christian. Nagkamay ang dalawang Chairman, nakatango naman ang dalawa pang lalaki hangga't hindi naghihiwalay ang kamay ng mga nakatatanda. Kakaibang kaba ang nangibabaw sa 'kin. Pakiramdam ko ay may nakabalot na apoy sa mga ito.

Masasamang tao ang mga iyan...sabi ng isip ko.

Hindi halata sa hitsura ang kasamaan ng mga Rewis base sa sinabi ni Eerah Anitha. Sa sobrang ganda nang pagkakangiti ni Chairman Rewis ay pwedeng kasuhan ang sinumang magsasabing kriminal ito at gumagawa nang masama. Kagalang-galang ang dating niya para paghinalaan ng gano'ng bagay. Hindi talaga kapani-paniwala ang mga sinabi ni Eerah Anitha dahil walang ebidensya ang mga deskripsyon niya.

Pero bakit naman niya sasabihin 'yon? Ano ang dahilan niya para gumawa ng kwento—kung gawa-gawa nga lang niya ang sinabi?

'Ayun na naman ang mga tanong sa isip ko, sandaling nawala at sabay-sabay na bumabalik ngayon.

"May bisita ka," dinig kong ani Taguro. Napalingon agad ako sa kaniya, nakatingin pa rin siya sa mga ito. "Kulang yata sila?"

"Huh?" gulat at nagtataka kong tanong.

Nakangiti siyang lumingon sa 'kin. "Wala si Eerah Anitha."

"Ah," nilingon ko uli ang mga ito. "Oo nga." Nagkibit-balikat ako.

"Deib Lohr!" nakangiting bumaling sa 'kin si Chairman Enrile, hindi ko 'yon inaasahan. "Come here, may gustong bumati sa iyo, apo."

Umayos ako ng tayo, kinapa sa kung saan ang kamay ni Taguro 'tsaka mahigpit iyong hinawakan. Napansin ko sa gilid ng mga kong nagulat siya sa ginawa ko. Pero hindi ko inalis ang paningin sa mga Rewis na maganda na ang pagkakangiti sa 'kin. Sinikap kong ngumiti bago kami tuluyang lumapit sa kanila. Sabay-sabay nila akong hinarap, sabay naman kaming tumango ni Taguro.

"Happy birthday, hijo," ani Chairman Rewis.

Muli akong tumango. "Thank you, Chairman Rewis." Sinikap kong itago ang kaba. Hindi lang ako sigurado kung naging matagumpay 'yon nang magkamay kami. Lumawak ang ngiti niya habang nakikipagkamay. Hindi malabong naramdaman niya ang panginginig ko.

"Thanks for the invitation."

"You're welcome, Chairman."

"I have a little present for you and I'm hoping you will like it," anang Chairman, ikinabigla ko 'yon. Nilingon niya si Christian at saka tinanguan ito.

Inilahad ni Christian ang kremang sobre. Napatingin ako sa Chairman nang tanggapin iyon. Nakangiti siyang tumango na para bang sinasabing buksan ko ito. Sandali akong napatitig sa kaniya 'tsaka iyon tiningnan nang may kaba sa dibdib.

Life is a Gift ang nakalagay sa likuran ng sobre. May pulang ribbon na nakatali na para bang isang espesyal na imbitasyon. Binuksan ko ang sobre, muling tumingin sa kanila bago inilabas ang kulay krema ring papel sa loob niyon.

"A vacation for two," pinangunahan ako ni Chairman Rewis habang binabasa ang nakasulat. "Isa iyan sa mga resorts namin."

"Wow," ang tanging nasabi ko. Kinakabahan akong makaharap sila para makapagsalita nang mahaba.

Nilingon ko si Taguro at ipinagtaka ang matamang pagtitig niya kay Christian. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ng lahat, lahat sila ay napatingin din kina Taguro at Christian. Pare-pareho naming ipinagtaka ang titigan ng dalawa. Nang lingunin ko ang lalaki ay parang nangangapa ang titig nito kay Taguro.

Binasag ko ang katahimikan. "This is my girlfriend, Maxpein Zin del Valle of Moon family." Iba talaga sa pakiramdam banggitin ang pangalan niya, may sariling kapangyarihan.

Nabigla ako nang biglang ilahad ni Taguro ang kamay kay Christian mismo. Makikita ang pag-aalinlangan sa lalaki nang tanggapin iyon at makipagkamay.

"It's my pleasure to finally meet you," ani Taguro.

Bakas ang gulat ni Christian. Ngumiti si Taguro. "Have we met?"

Nakangiting ngumiwi si Taguro. Naipilig ng lalaki ang ulo saka nagtatakang nilingon si Sin. Gusto kong ipagtaka ang nababasang kaba sa mukha ng dalawang lalaki.

"No, we haven't," tugon ni Taguro.

Doon pa lang nabitiwan nina Christian at Taguro ang mga kamay, bagay na noon ko lang din napansin. Sabay na nilingon ng dalawang Chairman si Taguro. Nagkatitigan naman muna sina Cargosin at Christian bago nilingon ang girlfriend ko.

Ako lang ba o may tensyon talagang namuo sa pagitan nila? Napapraning ako.

"Nice to meet you. My name is Maxpein." Naninibago ako sa ngiti ni Maxpein. Para bang hilig niyang magpakilala kahit hindi naman talaga. "Ako ang nag-iisang babae ng mga del Valle."

"Moon?" tango ni Chairman Rewis.

"Moon." Nagmamalaki ang ngiti ni Taguro.

Tumaas ang noo ni Chairman Rewis habang nakangiti at nakatingin pa rin kay Taguro. Hindi man tiningnan ng Chairman ang kabuuan niya ay parang gano'n na rin ang ginawa nito sa tagal nang kanilang titigan. Nagngitian sila na para bang nagkakaintindihan sa pamamagitan ng tingin at ngiti. Gusto kong umiling, hindi ko maintindihan ang nakikita. Nagtataka ako sa mga gawi nila. At gustuhin ko mang magtanong ay parang wala akong karapatan. Tanging si Taguro lang ang nakagagawa nang ganitong mga kilos. At mukhang nakakita siya ng makakukuha ng ibig sabihin niyon.

Muling bumaling sa 'kin si Chairman Rewis. "Maaari mo siyang isama sa vacation stay mo sa exclusive resort na pag-aari ng aking pamilya. Ipakita niyo lamang ang imbitasyon na iyan at sila na ang bahala sa inyo."

"Thank you," magalang kong sabi, hindi maitago ang pilit na ngiti. Nangangapa akong pilit nang iba pang masasabi pero wala na akong mahita.

"Wala pa namang pasok bukas, pwede ninyo na iyang gamitin, hijo."

"No." Ikinagulat nang lahat ang pagtanggi ni Taguro. Agad ko siyang nilingon. "Masyado pa kaming mainit sa mata ng mga pusa para umalis."

"Pardon?" nakangiting tanong ng Chairman, nalilito pa rin.

Ngumiti lang si Taguro at hindi sumagot. Tumikhim si Chairman Enrile. Masama na ang tingin niya sa 'kin nang lingunin ko.

"Deib Lohr, baby?" binasag ni mommy ang sandaling 'yon. Nilingon siya ng lahat.

"May bisita ka sa labas," dali-dali siyang lumapit sa 'kin, tumango sa mga Rewis. "Excuse us, please," malambing niyang dagdag 'tsaka kami sabay na inakay ni Taguro papalabas.

Hindi ko inaasahang sina Eerah Anitha at Lovemir Limaco ang makikita. Para na namang alalay si Lovemir sa asawa, nakasunod bitbit ang mga regalo. Hindi ko alam kung paano niyang natatagalan ang bastos na pakikitungo ni Eerah Anitha. Hindi ko na hihilingin o iisiping mapunta sa kalagayan niya. Bumugso ang kaba sa dibdib ko. Nagpaulit-ulit sa tainga ko ang mga sinabi ni Eerah Anitha nang gabing 'yon. Ang nakakatakot na pakiramdam ay muli na namang nangibabaw sa 'kin. Pakiramdam ko ay napasok na nila nang tuluyan ang teritoryo namin at wala na kaming pagtataguan.

"Your name is?" magiliw na tanong ni mommy.

"Good evening, I'm Eerah Anitha Rewis."

"Oh, Rewis," muntik pang mapapalakpak si mommy. "Come in, hija," pinagbuksan pa ni mommy ng gate ito. "Oh, you're with... someone?" gusto kong matawa sa hitsura ni mommy na noon lang napansin si Lovemir. Sinuri niya ang mukha ng lalaki, hindi malaman kung namumukhaan o naguguwapuhan.

"Thanks," tumuloy si Eerah, nilingon ang asawa 'tsaka sinamaan ng tingin 'to. "You may leave," dagdag pa niya.

"Oh, but why?" nagulat si mommy. "You can invite him over," tumango-tango siya sa lalaki. "Come in, hijo, you're welcome here."

Napabuntong-hininga ako 'tsaka nilingon si Taguro. Ipinagtaka kong muli nang makita ang malawak na ngiti sa mukha niya. Kumunot lang ang noo ko nang makitang na kay Lovemir ang paningin niya. Ang lalaki naman ay panay ang pagpag sa suot na suit 'tsaka pa lang napatingin kay Taguro. Hindi man lang nagbago ang blankong hitsura nito. Nakita kong bumuntong-hininga si Lovemir saka bumaling sa 'kin. Kumunot ang noo ko nang magtama ang paningin namin. Samantalang walang nagbabago sa mukha niya.

"Happy birthday." Si Lovemir ang unang bumati sa 'kin.

"Happy birthday, Lohr!" magiliw na bati ni Eerah Anitha.

"Thanks," hindi ko naitago ang kakaibang pagtataka.

Hindi ko malaman ang nararamdaman, naninibago yata ako sa mga nakikita ko. Lalo na kay Taguro. Kung hindi lang masakit sa mata ang bagong bisita ay posibleng nagpa-fireworks ako sa magagandang ngiti niya.

Pinatuloy ko ang mag-asawa.Hinawakan ko ang kamay ni Taguro, pilit siyang inilalapit sa 'kin.

"Bakit gano'n kaganda ang ngiti mo sa MIB na 'yon?" inis kong tanong.

"MIB?" taka niyang tugon.

"Man in black," pasinghal kong bulong.

"Tss."

"Hindi mo siya kailangang ngitian nang gano'n kaganda, Taguro, hindi ikaw ang may birthday."

"Seloso," natatawa niyang bulong.

"You know that I get jealous easily, Maxpein. What's mine is mine and I'm going to protect it."

"Hindi ako naaagaw sa ngiti, Sensui."

"But that smile is also mine, Taguro. I don't share."

"Tss."

"'Wag mong sirain ang gabi ko," inis ko talagang sinabi. Sinamaan niya ako ng tingin na para bang ako pa ang may kasalanan. Manhid! Mayabang! Tapos kapag sa 'kin ay napakaramot! Tch!

Sinalubong na naman ako nang pagbati. Nakipagkumustahan ako sa mga bisita. Kakaunti lang ang bisita pero marami pa rin sa paningin ko. Karamihan sa kanila ay mga kakilalang tao ni Chairman Enrile. Batid kong kaya niya inimbita ang mga ito ay para linisin ang pangalan sa mga nangyaring insidente.

Agad na nakihalubilo ang mag-asawa sa iilang kakilala. Wala na doon ang mga Moon, Enrile at Rewis. Marahil ay nasa mesa na sa garden.

"Akala ko ay simple party lang 'to, en grande pala," muling lumapit si Eerah. "Happy Birthday again!" akma siyang yayakap upang humalik, inakbayan ko si Taguro at inilapit sa 'kin. Natawa siya. "Oh, relationship goals. To stick together, isn't it?" sarkastika na namang aniya.

"Yeah, stay faithful or stay single," nakangiting sabi ko. Ngumiwi siya.

Nagpaalam si Taguro na kakausapin si Maxwell. Natanaw ko kung gaano kaseryoso ang pinag-uusapan nila. Sa takot na maiwan kay Eerah Anitha ay sumama ako kay mommy na makipag-usap sa mga kilalang bisita. Maging ang pag-aayos ng mga regalo ay pinatos ko para maiwasan si Eerah Anitha. Hindi yata niya inaalis ang paningin sa 'kin, nakasunod kahit saan ako magpunta.

Nahinto lang ako sa pagiging abala nang masulyapang nakaupo si Taguro. Lalapit na sana ako nang mapansin ang pagiging tutok niya sa kung saan.

Sumimangot ako nang makitang si Lovemir ang tinitingnan niya. Abala itong matakasan ang mga babaeng bisita na nagpapakita ng interes, mukhang wala siyang pakialam. Panay ang sunod niya sa asawa na wala ring pakialam sa kaniya.

"May gusto ka ba ro'n?" pasinghal ko na namang bulong kay Taguro nang makalapit.

"Eh?" nagtataka niyang tugon.

"Sinong tinitingnan mo ro'n?"

"Huh? Wala."

"Tch. I wish my eyes could take photos for evidence. Panay ang sulyap mo kay Lovemir, babe, nakita ko, naba-badtrip na 'ko," seryoso kong sabi, ipinakita sa kaniyang naaasar talaga ako. "Bakit ba panay ang tingin mo sa kaniya?"

"Wala nga," sumeryoso rin siya.

"Isa pa, Taguro," banta ko. "At kapag nahuli ka niyang nakatingin, pag-uumpugin ko kayong dalawa."

Naasar ako. Hindi lang isa o dalawang beses kong napansin ang pagsulyap ni Taguro kay Lovemir. Hindi lang basta selos ang nararamdaman ko nang dahil do'n.

"Sorry," hindi ko maramdamang sinsero siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin 'tsaka iniwan. "Woi."

"Ano?" asik ko nang hawakan niya ang braso ko.

"'Wag ka nang magalit."

"Panay ang tingin mo sa ibang lalaki, kaharap mo pa man din ako. Sino ang matutuwa sa 'yo?"

"Hindi naman panay, eh," nakanguso niyang sabi. "Oh, sige, dalawang beses ko lang siyang tiningnan—"

"Anim, Taguro," pigil ko. "Anim na beses kitang nahuling nakatingin sa kaniya."

"Wow, asa. Tatlong beses lang. 'Yong iba ay sa iba rin—aray!" Pinitik ko ang noo niya. "Nananakit ka na, ah? Bibigwasan kita."

"Iba ang nakikita ng mga mata ko sa puso ko, Taguro, kaya doble ang bilang!" sagot ko. Ngumuso siya. "Hindi ka aalis sa tabi ko," sabi ko 'tsaka hinila ang kamay niya.

Muli akong nakipagbiruan kina Lee at Tob hanggang sa mawala ang inis ko kay Taguro. Panay ang pang-aasar ng mga kaibigan ko sa parehong girlfriend nila. Hindi nakaligtas sakin ang pananahimik ni Taguro, lalo na ang mga ngiti niya habang nakatitig sa 'kin. Kahit hindi na ako ang nagsasalita ay sa 'kin pa rin siya nakatingin.

"What?" inis ko na namang tanong ko.

Kanina kung kani-kanino ngumingiti at tumitingin, ngayon naman ay parang asong gutom na titig na titig sa 'kin. Abnormal talaga ang babaeng 'to kahit kailan.

"Nothing," nakangiti siyang umiling. "I'm just wondering how you can be so cute all the time."

Natigilan ako, ngumuso 'tsaka sandaling napaisip. Tch! Nagpanggap pa rin akong galit. "Tch! Lahat ba nang tinititigan mo ay pinag-iisipan mo nang ganiyan?"

Ngumiwi siya na para bang nag-iisip. "Hindi naman. Hindi ko sila iniisip gaya nang pag-iisip ko sa 'yo."

"Deib Lohr, Maxpein, halina muna kayo at kumain," anyaya ni Manang, panay ang kaway sa 'min.

Sumunod kami kay Manang sa garden. Natigilan ako nang makitang magkakasama ang mga Moon at Rewis sa mahabang mesa. Bagaman inaasahan ko nang naro'n sila, naninibago ako. Halos kami lang ang naro'n, maliban sa mga tagasilbi. Kulang ang pamilyang Moon, nanatili sa loob sina Maxwell at Maxrill. Habang ang mga Rewis ay walang kasamang tauhan.

Nilingon ko si Taguro na tutok na tutok na naman ang paningin sa mga ito. Hawak-kamay kaming naglalakad papalapit. Ang kaninang inis ko para kay Taguro ay muling natakpan ng halo-halong pakiramdam. Alinlangan, takot, kaba at kung ano-ano pa.

"Here they are," bungad ni Chairman Enrile. Sabay kaming tumango ni Taguro. "Sit down. Ngayon ko lang nalaman na magkaklase pala ang apo ko at ang anak mo?" Sandali akong natigilan hanggang sa mabatid kong si Eerah Anitha ang tinutukoy nito.

"Hindi ba nabanggit ng apo mo sa iyo?" natatawang tugon ni Chairman Rewis. Ang sumunod nilang pag-uusap ay hindi ko na narinig. "Kunsabagay ay hindi rin naman natin napag-uusapan ang tungkol diyan."

Iginala ko ang paningin sa mahabang mesa na pakiramdam ko ngayon ay unti-unting umiikli. Pakiramdam ko ay nasasakal ako sa sandaling 'yon dahil nasa harap namin ang mga Rewis. At sa t'wing maiisip ko ang mga sinabi ni Eerah Anitha ay parang gusto kong tumakbo papalayo sa mga ito.

Sila ang may kagagawan ng lahat nang nangyayari ngayon. Paano nila nagagawang makipag-usap nang ganitong kaayos sa amin ngayon? Paano nilang naitatago sa likod ng mga ngiti ang lahat?

Talagang hindi kababakasan ng kasamaan ang mga ito. Parang imposible ang mga sinabi ni Eerah Anitha. Natural na natural ang pakikitungo nila at talagang mapagkakatiwalaan ang mga salita. Pero hindi ako pwedeng pakasiguro. Hindi naman nila pwedeng ipakita ang tunay na kulay basta-basta.

"I've heard a lot about you," nangibabaw ang tinig ni Chairman Rewis.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulala. I don't think I can function any more.

Sinuyod ko ng tingin ang mga Chairman. Napakalayo ng agwat ng edad ni Chairman Rewis kay Chairman Moon, lalo na kay Chairman Enrile. Pero ang kapangyarihang meron sila ay pinaglalapit ang mga edad nila.

Nagsimula kaming kumain ni Taguro. Hindi niya napapansin ang paulit-ulit kong pagdaragdag ng pagkain sa plato niya. Kahit kasi hindi tutok ang paningin niya sa nag-uusap ay halatang sakop ng mga ito ang utak niya. Hindi siya kumikibo, tahimik lang na kumakain. Ako naman kahit makinig ay walang naiintindihan dahil tungkol sa business ang usapan nila.

Nagtataka lang ako kung bakit hindi nila napag-uusapan ang mga nangyayari. Kahit pa nabanggit ng mga Rewis ang pagtulong na ginawa para maibalik ang tiwala ng magulang ng mga estudyante.

"Hindi ako nagkamaling humingi ng tulong sa inyo," pinagkadiinan ni Chairman Enrile ang sinabi mayamaya.

Natinag ako't palihim na sumulyap. 'Ayun na yata ang hinihintay ko. Nakatuon sa kaniya ang paningin ng lahat.

"Alam ko kasing kayo lamang ang makatutulong sa akin kaya hindi na ako nagdalawang-isip pang tanggapin ang inyong alok. Salamat."

Umangat ang labi ni Chairman Rewis, lalo siyang bumabatang tingnan kapag ngumingiti. "Walang anuman, Chairman Enrile,"napakagalang talaga ng tono nila. Kung pwede ko lang biruin ang mga 'to ay tatawagin ko silang sinaunang tao. "Kung may maitutulong naman, bakit hindi kami tutulong, hindi ba?" mariing dagdag niya. Nginitian lang 'yon ng Chairman namin. "Ginawa ko naman iyon hindi para sa pakinabang ng isa kundi nang mas nakararami. Sabihin na nating nakatulong kami pero ang layon ko ay ang mabigyang kasiguraduhan ang mga estudyante sa kanilang kaligtasan. Pag-aaral lamang naman ang kanilang hangad, napakagandang dahilan."

Pakiramdam ko ay may iba pang ibig sabihin si Chairman Rewis. Sa isip ko ang dating no'n ay hindi sila tulad namin na tumangging tulungan ang asawa niya kaya 'to namatay. Napapraning ako kaiisip.

Hindi ko rin maiwasang maasar kay Chairman Enrile. Sa dating kasi nang mga sinasabi niya ay para bang ipinapamukha niya sa mga Moon na ang mga Rewis ang higit na nakatulong sa kaniya. Patama ang mga sinasabi niya sa pamilya ni Taguro. Pakiramdam ko ay kabastusan ang pag-usapan nila ang tungkol sa pagtulong ng mga Rewis nang kaharap ang mga Moon. Kulang na lang kasi ay sabihin niyang hindi nakatulong o hindi naging matagumpay ang pagtulong ng pamilya ni Taguro. Pangit sa pakiramdam. Nakikita ko kina daddy at lolo na gusto rin nilang pigilan si Chairman. Pero masisira ang daloy ng usapan nila ni Chairman Rewis kapag nabastos.

"Pero ang dinig ko'y tumulong din naman ang mga Moon?" Nakangiting nilingon ni Chairman Rewis si Chairman Moon, nakangiti itong tumango. "Dapat mo rin silang pasalamatan sa tingin ko," bumaling siya muli kay Chairman Enrile. Pero hindi ito nagsalita, nag-iwas lang ng tingin, napakabastos ng dating.

"Oh, hija?" nabasag ang usapang 'yon sa tinig ni mommy, lahat ay napalingon sa kaniya. Ngunit ang mga mata niya ay nakaangat sa kararating lang na si Eerah Anitha. "Sit down, hija," agad na umalalay ang mga tagasilbi sa mag-asawa.

Bigla namang natigilan si Chairman Rewis, kunot-noong tiningnan ang dalawa. Bumilis ang paghinga nito habang masama ang tingin. Saka tumayo at lumapit kay Eerah Anitha. "What is he doing here?" sinikap niyang ibulong ang tanong pero hindi siya nagtagumpay. Hindi lang siguro ako ang nakarinig no'n.

"Dad..." Mahina at nahihiya ang tinig ni Eerah Anitha. Napailing nang hindi magbago ang masamang tingin ng ama. "Hindi ako nakasabay sa inyo nang magalit sa 'kin si Cargosin kanina, you left me," nagmamaktol nitong bulong, dinig pa rin. "Wala akong dalang sasakyan. Tumawag sa 'kin si Lovemir at sinabing pupunta rin siya dito kaya sumabay na ako."

Pupunta si MIB dito? Tch. Sino naman ang nag-imbita sa kaniya. Nilingon ko si Taguro, nakangiti na siya sa 'kin. "Ikaw ang nag-imbita diyan sa lalaki mo?"

"Hindi ko siya lalaki."

"Babae, ikaw ang nag-imbita diyan sa babae mo?" naaasar kong sabi. Natawa lang siya. "Tch. Ayos ka rin, ah?"

"Tss. Come on, babe, for me there is only you," kunot-noong bulong niya. "And inviting him doesn't change that."

"Is there a problem?" magalang na ani daddy. Natinag ako. Lumapit siya sa mga Rewis.

Sandaling natigilan si Chairman Rewis 'tsaka nakangiting bumaling dito at umiling. "Nothing. Hindi ko lang inaasahang darating siya nang may kasama na hindi naman namin inimbita."

Woah there...

Gulat akong napalingon kay Lovemir. Gaya kanina ay walang nagbabago sa hitsura nito. Nakayuko lang at kukurap-kurap ang mga mata habang nakatuon sa lupa. Pakiramdam ko ay ako ang napahiya para sa kaniya. Ang lakas ng loob kong maawa samantala kanina lang ay gano'n din kay Chairman Rewis ang isip ko.

Batid kong hindi lang ako ang nagulat sa sinabi ng Chairman. Hindi kami sanay sa gano'ng pakikitungo ng isang magulang sa nakababata. Nasanay akong kahit pa gaano kaliit tingnan ang ipinakikilala ko sa pamilya ko ay inirerespeto pa rin nila.

Kung hindi nga lang nalaman ni Chairman Enrile na anak sa ibang babae si Taguro ay paniguradong gusto niya pa rin siya para sa 'kin. Tch. Matindi rin pala ang Chairman Rewis na 'to.

Kataka-taka ang inasta ng Chairman. Kahit mahina kasi ang pagkakatanong sa anak ay mahihimigan ang galit sa tinig niya. Habang si Eerah Anitha naman ay para bang takot na takot sa ama habang napapahiya sa mga nakakakita. Hindi pa rin iniisip ang mararamdaman ng asawa niya.

"Have a seat, hijo." Binasag ni lolo ang katahimikan. Nag-angat ng tingin si Lovemir sa kaniya bago sumunod. "BIS student din siya at kaklase ni Maxpein kung hindi ako nagkakamali," nakangiti pa ring dagdag niya. "Lovemir Limaco."

"Yes, dean," nanatiling kaswal si Lovemir.

Tumango-tango si lolo. "Dinig ko'y magaling kang estudyante. Bukod doon ay aktibo sa clubs. Mahusay." Magaling si lolo sa gano'n, ang purihin ang isa sa mga kalakasan niya sa t'wing hinihiya ito.

"Thank you, dean."

Galit siguro sila sa kaniya? Tch. Malamang! Hindi naman siya tatratuhin nang gano'n kung hindi. Dahil kaya sa ginawa niya kay Eerah Anitha? 'Buti natatagalan niya 'yong ganiyang trato sa kaniya? 'Hirap!

"Noon, panay bully lang ang problema ko sa BIS," tatawa-tawang ani lolo, umiling 'tsaka sumeryoso. "Pero ngayon ay kakaiba na."

"Nasisiguro kong may dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito." Nasa tinig ni Chairman Rewis ang awa pero wala iyon sa kaniyang mukha.

"Sana ay iyon na ang huli at huwag nang maulit pa."

"Sana nga. Hindi natin nalalaman, baka nagsisimula pa lang."

Wala sa tinig ni Chairman Rewis ang pagbabanta. Pero may kung ano ro'ng nagsasabi na maghanda kami. Napapraning na naman ako.

Natinag ang lahat nang tumayo si Chairman Moon, inayos ang kaniyang coat 'tsaka ngumiti sa lahat. Sumunod namang nagsipagtayuan sina Mokz, Maze at More.

"Hindi na namin palalalimin pa ang gabi," ani Chairman Moon. "Kailangan na naming umuwi."

"Masyado pang maaga," ani Chairman Rewis.

"Kailangan na naming makapagpahinga. Marami pang kailangang asikasuhin bukas."

"Ganoon ba?" Agad na tumayo si Chairman Rewis at muling inilahad ang kamay rito. "I'm pleased to meet you, Chairman Moon." Tango na lang ang sagot ng kaharap. "Sana ay muli tayong magkasama kapag may pagkakataon." Tango na lang ang isinagot ng mga Moon dito saka nakangiting nagpaalam sa iba.

"Ihahatid ko na muna sila," paalam ni Taguro, tumango rin sa lahat bago umalis.

"Who invited you here?" biglang tanong ni Chairman Rewis kay Lovemir. Hindi 'to nakasagot. "I'm surprised, I didn't expect to see you here, Lovemir. Who invited you?"

"Ako po," hindi ko napigilang magsalita. Nagulat si Lovemir at napatitig sa 'kin. "Kaklase siya ng girlfriend ko. Nagkasama na kami sa Batanes." 'Tsaka ko palang tiningnan si Lovemir at binigyan nang makahulugang tingin.

Tumikhim ang Chairman, pasimpleng sinamaan ng tingin si Lovemir. Inayos ang sariling coat 'tsaka tumayo. "You don't have to stay long here." Hindi man deretsa ay halatang pinaaalis na ni Chairman Rewis si Lovemir. Pakiramdam ko ay ako ang binastos niya pero wala akong lakas ng loob para magsalita.

Isa-isa na ring nagsipagtayuan ang lahat, pinangunahan ni Chairman Enrile. Naiwan kami sa mesa ni Lovemir at hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Nananatiling blanko ang mukha niya habang nakatingin sa soup niyang hindi naubos.

Napalingon naman ako nang marinig ko ang pagtaas ng tinig ni Chairman Rewis na para bang pinagagalitan na naman si Eerah Anitha. Ang pamilya ko naman ay papabalik na sana sa bahay nang makasalubong ang kararating lang na sina Randall at Noona, karga-karga si RD.

Napalingon ako kay Lovemir nang marinig ko ang malakas niyang buntong-hininga. "Hindi na rin ako magtatagal," ngumiti siya, pilit. "Salamat sa pagpapatuloy at sa pagkain."

"Wait," hindi ko inaasahang sasabihin ko 'yon. Labag man sa loob ko ay talagang naaawa ako sa kaniya. "May kaunting salo-salo pa mamaya, baka gusto mong sumama? Kakilala mo naman ang karamihan sa makakasama do'n, classmates niyo ni Maxpein."

"Hindi na," tunay na ang pagngiti niya. "Hindi ako imbitado. Si Maxpein lang ang umanyaya sa 'kin. Kaya ko ginustong pumunta ay para makita si Eerah Anitha."

Napailing ako at sinabayan siyang tumayo. "Are you sure? Matatapos na rin naman ang party."

"Thank you. Pero mas pagagalitan si Eerah kung mananatili ako."

Gusto kong itanong kung bakit. Pero hindi gano'n kaganda ang pundasyon namin para mag-usisa ako.

"Sige. Naiintindihan ko,"napabuntong-hininga ako.

"Salamat," ngumiti siya. Umiwas ako nang akma niyang tatapikin ako. Natawa siya. "Pakisabi na lang sa girlfriend mong nauna na ako."

"Baka magkita kayo sa gate, magpaalam ka na lang sa kaniya," bukal sa loob ko 'yon.

Nagkamali nga yata talaga ako sa taong pinagseselosan.

Muli akong napabuntong-hininga nang tumango siya 'tsaka nakapamulsang naglakad papalayo. Nakita kong tinapunan siya ng tingin ng mga Rewis pero hindi na niya nilingon pa ang mga 'to.

Napailing ako. Posible palang makaramdam ng awa sa lalaking pinagseselosan. Siguro ay ganito rin ang naiisip at nararamdaman sa kaniya. Kaya gano'n na lang siya kabait sa kaklase.

MAX'S POV

"ANONG oras ka uuwi?" kunot-noong tanong ni Maxwell. "'Wag ka nang magtagal dito."

Tumango ako. "Tatapusin ko lang 'yong party. Sabay-sabay na kami nina Yaz."

"Iiwan ko 'yong kotse." Iniabot niya sa 'kin ang susi. "Magsabi ka kapag pauwi na kayo."

Tinanaw ko ang pag-alis nila. Pagpihit ko pabalik ay nagtama ang paningin namin ni Lovemir. Ngumiti siya nang magkaharap kami.

"I think I should go now."

"Are you okay?" inosente kong tanong.

Nakangiwi siyang ngumiti. "Mm, I guess I am."

"Will you be fine?"

"Of course. Thanks for the invite."

"Thanks for coming."

"I said goodbye to your boyfriend and thanked him for the dinner. I'll go now."

"Take care."

Hindi niya na ako sinagot. Tinanaw ko ang paglayo niya. Hindi ko inaasahang sandali lang siyang maglalagi. Ang inaasahan ko kasi ay may mahihita ako kahit kaunting impormasyon lang.

May nalalaman nga kaya siya? Bakit kaya sila naghiwalay? At bakit gano'n na lang ang pakikitungo ng mga Rewis sa kaniya?

Tinanaw ko maging ang paglayo ng kotse niya 'tsaka ako tuluyang pumasok.

"Nakakaawa siya, 'no?" Muntik ko nang makabunggo si Sensui.

"Grabe naman," nasabi ko sa gulat. "Anong ginagawa mo diyan?"

"Susundan ko sana si Lovemir kaso ang bilis niyang maglakad, babe."

"Nakaalis na."

"Oo nga," aniya na nakatanaw pa rin sa labas. "Nakakaawa siya, babe."

"Bakit?"

"Dahil do'n sa trato sa kaniya ng pamilya ni Eerah Anitha, tapos gano'n pa ang trato sa kaniya ng asawa niya."

"Labas tayo ro'n."

"Nakakaawa pa rin siya."

Ngumiwi ako. "Hindi ba't nagseselos ka ro'n?"

"Hindi na ngayon. Panay awa na ang nararamdaman ko. Naiisip ko pa lang na ako ang nasa sitwasyon niya ay sumusuko na 'ko. I believe that life is too short to be anything but happy. He looks really sad," umiiling pang aniya 'tsaka bumuntong-hininga. "Pwede mo na ba 'kong isayaw?" inialok niya sa 'kin ang braso na nakangiti ko namang tinanggap.

May ilan nang nagsasayaw nang makapasok kami, karamihan ay kaibigan namin. Kaya agad kaming pumwesto sa gitna at nakisayaw sa mga ito. Hindi pa man natatapos ay nangibabaw na ang isang love song.

Nagkangitian kami ni Sensui. "Ang sexy mo ngayon, ah?" bulong niya matapos halikan ang sentido ko.

Nakangiwi akong tumango. "Sume-sexy ako kapag nandiyan si Yaz."

"Siya ba pinopormahan mo?"

"Tss. Tinutulungan niya 'kong mag-ayos ng sarili para magmukha raw akong presentable sa harap mo."

"May point siya. Marungis ka kasi parati." Sinamaan ko siya ng tingin. "Hahaha, biro lang! Ang sama mo na namang makatingin. Tch."

Nagpatuloy kami sa pagsayaw, parehong walang pakialam sa mga matang nakatuon sa 'min.

"Hindi ko maiwasang mamangha sa t'wing nasa harap kita, Taguro," muli ko siyang tiningnan. "Masarap sa pakiramdam 'yong lahat ng gusto mo ay nasa mismong harapan mo."

"Tss."

Sandaling katahimikan. "Hindi mo nabanggit sa 'king pinasok pala kayo. Hindi mo rin nabanggit 'yong nangyari sa mga kapatid mo. I'm glad to see that you're all okay now. But aren't you scared of what's happening these days, babe?" inulit niya ang tanong na naitanong na.

"Natatakot."

Nawala ang magandang mood ko. Napapaisip kung paanong magiging maingat sa pagsagot. Ang totoo kasi ay nadala lang ako ng galit kaya ko napagsalitaan at nasagot ang Chairman nila.

"Pero ayaw ko na munang pag-usapan 'yon. Naayos naman na raw ng mga Rewis, 'di ba?" itinago ko ang pagngisi.

Paano naging gano'n kadali para sa kanilang ayusin 'yon?

"Paano, babe, kapag nalaman mo kung sino ang nasa likod ng mga nangyayari? Ano ang gagawin mo sa kanila?" may alinlangan sa tinig niya.

Tinitigan ko siya 'tsaka ako ngumiwi. "Wala. Hindi naman ako batas para hatulan sila. Bahala na ang batas. Pero 'tsaka na natin pag-usapan 'yan para hindi naman masira ang party mo," nakangiti kong sabi, pilit na iniiwas do'n ang usapan.

"Nasaan ang regalo ko?"

"Wala, eh," napapahiya kong sabi. Ngumuso siya. "Sa susunod na taon na lang uli ako magreregalo. Ako ang magpapatahi ng gown mo."

"Ano?" asik niya.

"Debut mo, 'di ba?" natatawa kong tanong.

"Tch. Ang korni mo," tinawanan ko na lang siya. "Pero kung hihiling ako sa 'yo ng regalo, ibibigay mo?"

"Depende, kung kaya ko naman, eh, bakit hindi?"

"Kayang-kaya mo, Taguro."

"Tss. Ang alin na naman, pakasalan ka?"

"Asa," singhal niya sa mismong mukha ko. "Kahit isa 'yan sa mga pangarap kong makuha, iba ang hihilingin ko sa 'yo. Tch!"

"Alright, then, tell me," natatawa kong sabi.

Sumeryoso siya. "Being someone's first is always special, but being their last is even better."

"And?"

"Please don't stop loving me? I really want to end up with you."

Napangiti ako, pilit pinaaangas ang dating. "I am a hard person to love, Deib. But when I love, I love really hard. 'Yan na 'yong pangarap mong regalo? Tss. Uod."

"Anong uod?" nandidiring tugon niya.

"Pagkain ng sisiw ko."

"Huh?"

"Slow."

Sumama ang mukha niya. "Nagsisimula ka na naman, Taguro."

"I love you, my birthday boy."Kinindatan ko siya.

"I need a hug please," natatawa niyang sabi 'tsaka niyakap ako. "I also need a kiss."

"Asa."

"Kiss me and you'll see stars,"nakangising bulong niya, ang labi ay malapit na sa aking tainga. "Love me and I'll give them to you."Humarap siya upang tumawa sa mismong mukha ko.

Tss. Natatawa akong umiling saka yumakap sa kaniya. "I don't need stars, I am permanently in love with you."

Humiwalay siya saka ako nginisihan, tinitigan na para bang kinikilig na naman sa sinabi ko.

"You know, men are like stars, babe. There are millions of them, but only one can make your dreams come true."

"Who?"

"The star that falls for you."

"Tss," pinigilan ko ang mangiti. "Lucky star, it landed to the moon."

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

111K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
18.1K 1.1K 8
The death of Riza, an Architecture student brings devastation to the whole campus. She was known as friendly to everyone and famous for being a stude...
Ang Mutya Ng Section E Av Lara

Allmän skönlitteratur

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...