The Unwanted Girlfriend (Unwa...

By Aimeesshh25

223K 3.6K 308

"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat... More

The Unwanted Girlfriend
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 27

3.2K 65 5
By Aimeesshh25

Happy reading! Sorry alaws load ako hehe!

Chapter 27

JERACE'S POV

Naramdaman ko ang matinding sakit sa mga kamay ko. Kumikirot rin ang ulo ko. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Napakurap-kurap pa ako dahil hindi makapag adjust ang mga mata ko.

Okay. Nasaan ako?

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Mukhang nasa isang lumang classroom ako. Tambak ang sirang mga upuan, blackboard at mga table. Nandiri pa ako nang makita ang mga naglalakihang mga gagamba na nagtatago sa mga upuan. Napatingin ako sa sarili. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang matantong nakatali ang parehong kamay ko sa likuran. Nakaupo ako sa medyo luma na ring upuan.

Buwisit! Tama talaga ako sa hula ko kanina.

Hinanap ko ang bag ko at napapikit na lamang nang makitang nasa dulo 'yon! Anong oras na kaya? Lunch na ba? Baka hinahanap na ako! Buwisit talaga!

Halos mapatalon ako nang padabog na bumukas ang pintuan. Sumilip ang liwanag at inis kong tiningnan ang taong pumasok.

"Gising ka na pala."

Ay hindi, tulog pa.

Inirapan ko siya. Tumawa siya nang makita ang reaction ko. Naglakad siya palapit sa akin. Naiinis ako sa kabagalan niya.

"Pakawalan mo ako."

"Sa tingin mo, bakit ka namin dinala dito?" Tumaas ang kilay niya. "Para pakawalan lang? gosh! Stupid."

"Eh anong kailangan mo sa akin?" Singhal ko sa kaniya. Punyetang Blaise na 'to!

Tumigil siya sa harapan ko at tinitigan ako. "Mag-uusap lang. At hindi naman ako ang may kailangan sa'yo."

Nang sabihin niya 'yon ay padabog ulit na bumukas ang pintuan. Kunot-noo ko 'yong tiningnan at nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Ang kapal ng mukha.

"Oh hi, Jerace! Gising ka na pala." She smiled at me.

Ngumisi ako. "Hello rin, Auntie Ashley."

Paano ko nga ba nakalimutan ang isang 'to? Syempre inggit na inggit 'to sa amin.

Sumama ang mukha niya at naglakad palapit sa akin. Tumabi si Blaise at pinadaan si Ash.

"You know what? Nanggigil na talaga ako sa'yo. Iyang tabas ng dila mo, ang magpapahamak sa'yo, bata." Inis na aniya.

Tumawa ako. "Galit na galit ka naman yata. Insecure teh?"

Huminga siya ng malalim. Pinakalma siya ni Blaise.

"Hindi ka ba natatakot ngayon? Walang nakakaalam kung nasaan ka? Sa tingin mo makakauwi ka pa?"

"Ano sa tingin mo? Bakit ako ang tinatanong mo?" Asik ko sa kaniya.

"Argh! Stupid!"

Tumawa si Blaise. "Kalma. Bata lang 'yan."

"Kalma mga Auntie." Pang-aasar ko.

Sabay silang galit na tumingin sa akin. Naitikom ko ang bibig ko at pinigilan na huwag matawa.

"Ang tapang mo ngayon ah?" Dahan-dahang mas lumapit si Ash sa akin. "Por que, nakuha mo si Drain? Akala mo totoo talaga 'yang pinapakita niya?" Ngumisi siya. "Sige lang. Enjoy mo lang 'yan. "

Nangunot ang noo ko bago ngumiti. "Thanks! I will surely enjoy it!" Pang-aasar ko.

Nawala ang ngisi niya. Tumagilid ang ulo niya at pinanood ako.

"Tanda ko pa kung paano ka nagmakaawang maging girlfriend niya. " Tumawa siya. "Hindi ka ba nagtataka? Bakit biglaan ang pagkagusto niya sa'yo? Ayaw na ayaw sa'yo ni Drain diba?  Pero sa isang iglap, kayo na agad? Mahal ka na? Kalokohan, Jerace."

Hindi ako nakapagsalita. Pilit na bumabaon sa isip ko ang mga sinabi niya. Hindi ko nga 'yon napansin noon, dahil masyado akong masaya sa nangyayari sa pagitan namin ni Drain. Masyado akong masaya sa pinapakita ni Drain.

Ngumisi siya sa nakitang reaction ko. Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mga mukha namin.

"Ako ang gusto niya, Jerace. Kitang-kita ko 'yon sa mga mata niya. Kung paano siya nagulat noong umamin ako. Kung gaano kahigpit ang yakap niya sa akin. At naalala mo? Noong sinaktan mo ako? Binuhat niya ako papuntang clinic right?" Ngumiti siya ng kay tamis. Ang sarap burahin ng mga labi niya. "Do you know what happened that time? Hmm?" Tumaas ang kilay niya na tila nang-aasar.

Napalunok ako. "W-Wala akong pakialam."

Tumawa siya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago ngumisi.

"He kissed me. So passionately. And then he said sorry for what you've done to me." Kinikilig niyang hinawakan ang mga labi.

Natigilan ako. Kumirot ang puso ko. Hindi ko alam kung tunay 'tong sinasabi niya pero bakit ang sakit pakinggan.

Jerace, huwag mo siyang paniwalaan.

"Sabi niya pa, isa ka lang bata na hindi alam ang ginagawa. Ikaw 'yong batang patay na patay sa kaniya. Habol ng habol na akala mo ikakamatay kapag hindi siya nasilayan. You're disgusting, Jerace."

Napamaang ako. Gulat akong napatingin sa kaniya. Mas tumindi ang kirot na nararamdaman ko. At natatakot ako.

Ang lapit ng mukha niya na kay sarap higitin at kalmutin. Kung noon, sabunot lamang ang nagawa ko, ngayon sisiguraduhin kong makakasuntok ako.

Nanggigil na ako sa'yo, Ash. Isang-isa ka na lang.

"Bakit hindi ka makapagsalita? Gulat na gulat ka ba?" Tumawa na naman siya. "Ako ang gusto niya, Jerace. Bago ka pa lang umeksena, balak na akong ligawan ni Drain. Kaya tigilan mo na 'tong kahibangan mo. Ayaw mo naman yatang masaktan ka sa laro niya diba? If I were you, I will break up with him. Uunahan ko na, bago pa siya ang makapanakit." Hinawakan niya ang baba ko at hinaplos paitaas sa pisngi ko. "Maganda ka sana, tanga lang. Huwag ka nang umasa. Ako ang gusto niya."

Patay ka sa akin ngayon!

Napangisi ako. Punong-puno na ako sa kaniya at sa mga kahibangan niya!

Tinitigan ko siya at mabilis na dinuraan sa mukha. Iyong tipong malagkit talaga. Nabitawan niya ang mukha ko at napaatras.

"Argh! Fuck you!" Kinapa niya ang bulsa. "Where's my handkerchief?! Blaise?!"

Gulat na nakatingin sa akin si Blaise at saka lang natauhan sa sigaw ni Ash. Mabilis siyang dumalo rito.

"Are you kidding me, Ash? Kung ikaw ang gusto niya bakit nasa akin siya?" Natatawang sambit ko kahit nanginginig na ang mga kamay ko. "Kung ikaw ang gusto niya, hindi ba dapat walang kami?"

Galit siyang tumingin sa akin. Pinupunasan ni Blaise ang mukha niya.

"Dahil umeksena ka! Balak niya na akong ligawan noon!"

"Kahit umeksena ako. Kung tunay ang pagmamahal niya sa'yo, ikaw ang pipiliin niya." Sagot ko.

"Walang pagpipilian dito, Jerace! Kasi una pa lang, ako na ang pinili niya!"

Napailing ako. Ang sakit niya sa ulo. Paulit-ulit.

"Ah talaga?" Naaasar kong sambit.

"Enough!" Inis niyang hinawi ang kamay ni Blaise saka matindi ang galit na tumingin sa akin. "Huwag kang pakampante, Jerace. Babalik rin siya sa akin. "

"Alright. Let's see then." Pinilit kong pilipitin ang mga kamay ko sa likuran para maalis ang tali.

"Ang kapal kapal ng mukha mo!"

"At ako pa talaga?" Nakangising sabi ko habang pilit na tinatanggal ang tali sa likod ko. "Ikaw ang makapal ang mukha! Kung ano-anong mga kabaliwan ang sinasabi mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin na nagkagusto talaga siya sa akin? Kasi akala mo sa'yo siya mapupunta. Por que ikaw ang kasama niya. Pampalipas oras ka lang. At ako ang tunay na mahal."

Natahimik siya. Kitang-kita ko ang pangingilid ng mga luha niya. Natahimik rin ako. Kahit masama ang ugali ko. Hindi ko gustong makasakit ng damdamin ng ibang tao. Pero..pwera sa kaniya. Dahil iba ang ugali niya!

"Ash.." tawag ni Blaise. Hinawakan niya ang balikat nito.

Huminga ng malalim si Ash bago yumuko. Hanggang sa nag-angat siya ng tingin sa akin at wala na ang mga luha niya. Galit na mga mata ang tumitig sa akin.

"Sige lang. Makipag laro ka lang sa kaniya, Jerace. Tingnan natin kung hanggang saan ka. Pag nalaman mo kung bakit nagbago ang trato niya sa'yo, sana lang huwag kang mabaliw." Seryosong aniya.

Naitikom ko ang bibig ko. Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Matindi ang pagtibok nito na tila binabalaan ako.

Ano ang ibig niyang sabihin?

Lumapit ulit siya sa akin. Nagpantay ang mga tingin namin. Bahagya akong yumuko at parang nawala lahat ng tapang ko kanina.

Matunog siyang ngumisi at hinawakan ulit ang baba ko para itaas 'yon.

"Kapag nasaktan ka. Huwag kang lalapit sa akin. Binalaan kita, Jerace."

Pahaklit kong binawi ang mukha ko. "Bakit ako lalapit sa'yo? Ano ka, rebulto? Kapag nasaktan ako, edi ouch. "

Napasinghal siya ngunit kumalma rin agad. Rinig ko pa ang pagtawa ni Blaise.

"Ang sarap sugatan ng mukha mo. At ang sarap rin tahiin ng bibig mo." Galit na aniya habang mariin ang tingin sa akin.

Napamaang ako. Hindi ko akalaing ganito na siya mag-isip. Nababaliw na siya.

Mahigpit niyang hinawakan ang magkibila kong pisngi. Napadaing ako.

"Nagseselos ako. Kasi ang saya-saya niyo. Maganda rin naman ako? Bakit sa'yo pa siya napunta.." tila wala sa sariling aniya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Siguro pag nawala ang ganda mo, akin na siya." Bulong niya.

Naalarma ako at mabilis na iniwas sa kaniya ang mukha ko. Narinig ko rin ang pagpigil sa kaniya ni Blaise. Pilit kong kinalagan ang sarili. Paulit-ulit kong pinilipit ang kamay para maalis ang tali.

Hindi ako isang mahinang prinsesa na maghihintay ng prince charming niya!

"Akin na, Blaise!" Sigaw ni Ash.

Umiling si Blaise. "Kakausapin mo lang siya diba? Walang sakitan na magaganap!"

"Naiinis na ako sa kaniya! At isa pa dinuraan niya ako! Argh!"

Umiling pa rin si Blaise. Inis na lumayo sa akin si Ash at humarap sa kaibigan.

"Give me the knife!" Palatak nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Punyeta may kutsilyo?!

"Hindi puwede, Ash! Ano ba?!"

Akmang lalapit na si Ash nang matigilan nang tumunog ng malakas ang cellphone. Napatingin ako sa bag ko at cellphone ko ang tumutunog!

Napalingon sa akin si Ash saka ngumiti. Mabilis siyang lumapit sa bag ko at hinalughog iyon para makuha ang cellphone ko.

Her eyes widened. "Oh! Here's the prince charming of yours!" Aniya bago sinagot ang tawag. "Hi, baby!"

Sinenyasan niya si Blaise na lumapit sa akin.

Halos masuka ako. Ang kapal ng mukha niyang tawaging baby ang Drainy ko?!

Nagulat ako nang takpan ni Blaise ang bibig ko no'ng..panyong pinampunas niya kay Ash!

Eww! Kadiri!

Kahit laway ko 'yon!

Tumawa si Ash. "Galing! Nahulaan mo kung sino ako ah? Anyway, hindi yata makakasabay si Jerace..oh! I don't know. Naiwan niya ang phone niya..yeah, I'm sorry.." ngumuso siya. "What? Pinagbibintangan mo ba ako, Drain? Nakita namin ang bag niya sa may washroom..kaya ayun.."

Halos magwala ako sa kinauupuan ko. Napakasinungaling! Pilit na hinigpitan ni Blaise ang pagkakatakip sa bibig ko at hawak niya pa ang ulo ko!

Gosh! I'm so helpless!

"Alright. Babye, Drain! Where are you ba? Ibabalik ko 'tong gamit niya...yeah...really? Okay, kita tayo diyan! I'll be there in 10 minutes! Babye!" Aniya at pinatay ang tawag.

Pabato niya 'yong nilagay sa bag ko at pinahidan pa ang mga kamay niya na akala mo ay may virus ang mga gamit ko.

Mas mukha siyang virus!

Ngumisi siya at nagsimulang lumapit sa akin. Mabilis na binitawan ako ni Blaise.

"Baliw ka na Ash! Punyeta ka!!" Sigaw ko agad.

Tumawa siya. "Hinahanap ka na pala nila. Aww he's acting like a worried boyfriend. "

"Gaga ka! Magpa mental ka na!"

"Whatever! " Tinarayan niya ako at lumapit na naman sa akin.

Wala talagang kadala-dala!

"Aalis na muna ako. Dito ka lang. Huwag mo siyang hayaang makawala." Sambit niya kay Blaise ngunit sa akin nakatingin. Ngumiti siya. Isang nakakaasar na ngiti.

Napangiti rin ako nang matanggal ko na ang tali. Tumalikod na siya sa akin ngunit natigilan siya.

"Auntie Ash." Mahinang bulong ko.

"What?!" Inis siyang lumingon ngunit bobo siya kaya sumalubong sa kaniya ang kamao ko.

Bull's eye!

"What the fuck?!" Bulalas ni Blaise habang gulat na nakatingin sa akin.

Napaupo si Ash saka sinapo ang mukha. Dahan-dahan akong tumayo at kumapit sa upuan. Nanghihina ako. Hinawakan ko ang kanang kamay ko at hinaplos iyon.

"Gosh! Ang sakit! Ang tigas ng mukha mo."

"I hate you, Jerace!! Fuck you!" Naiiyak niyang saad. "Blaise help me! What the hell!!"

Tumalima agad si Blaise at dumalo sa bobo at lampa niyang kaibigan. Hindi ko na sila pinansin at tumungo na agad sa bag ko. Inayos ko ang gamit ko. Napahawak pa ako sa ulo ko nang maramdaman ang kirot roon.

Sinukbit ko ang bag at tumingin ulit sa dalawa. Teka, nasaan na iyong isang babae na kasama ni Blaise kanina?

Nevermind.

"Huwag mo siyang hahayaang makalabas, Blaise!!"

"Ano ka ba! Tama na nga! Malalagot tayo nito! Nakakainis ka naman, Ash!" Inis na sambit ni Blaise habang inaalalayan siya patayo.

Lumapit ako sa kanila. Pero may distansya pa rin naman. Bumaling sa akin si Ash at natutop ko ang bibig nang makitang dumudugo ang ilong niya.

"Hala napalakas ba? Sorry!" Naawa naman ako kahit papaano.

She glared at me. "May araw ka rin sa akin! Magagantihan rin kita!!"

Napangiwi ako. "Hindi ba dapat ako ang magsabi niyan? Sino ba ang nauna? Ikinulong mo ako rito at itinali pa sa upuan na iyan!" Humakbang ako ng isa. "Pasalamat ka at suntok lang ang ginawa ko. "

"Umalis ka na.." mahinang aniya.

Natawa ako. "Ngayon naman pinapaalis mo na ako?" Inayos ko ang damit ko na nadumihan na pala. Tumingin ulit ako sa kaniya. "Huwag na huwag kang magpapakita sa akin, Ashley. Dahil pag nakita ulit kita, hindi lang suntok ang kaya kong gawin sa'yo. " Mariin ko siyang tinitigan. "Susugatan ko ang mukha mo at lalagyan ng marka ko hanggang sa hindi ka na makilala. "

Napamaang siya. Ganoon rin ang katabi niya. Seryoso ko silang tiningnan.

"Subukan mo pa ulit gawin 'to. Tutuparin ko ang sinabi ko. Kahit bata ang tingin mo sa akin, hindi pambata ang utak ko. Get that?" Tinaasan ko siya ng kilay bago tumalikod.

Pinilit kong huwag dumaing habang hindi pa nakakalabas ng silid na 'yon.

Sabi sa inyo e, makakasuntok ako!

At nang makalayo na ako ay halos mapakapit ako sa pader. Sobrang nanginig ang kalamnan ko. Ang sakit ng dalawang kamay ko at ulo ko. Ganoon rin ang likod ko.

Mukhang hindi ko pa yata maeenjoy ang one week na walang klase ah!

Unti-unti kong hinawakan ang dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok nito. Kinabahan talaga ako habang sinasabi 'yon sa harap nila. Syempre natakot rin ako pero kailangan mas magmukha silang matakot sa akin. Napatingin ako sa kamao kong namumula.

"Psh! Ang sakit talaga!"

Akala nila ah. Anak ako ni Kate, kaya huwag na sila magtaka.

Napakapit ulit ako sa pader at dahan-dahang naglakad. Kumirot na naman ang ulo ko ngunit binalewala ko na 'yon.

"Jerace?!" Tila galit na sigaw niya. "Jerace?" Huminahon 'yon. "Baby..."

Napa angat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses niya. Humahangos siyang tumakbo palapit sa akin. Napangiti ako.

"D-Drain.."

Mabilis siyang nakalapit at kinulong agad ako sa kaniyang mga bisig. Napapikit ako nang tumama ang mukha ko sa dibdib niya at naamoy ang bango niya.

"I'm sorry. I'm sorry..I'm late.." Paulit-ulit na bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Hindi na ako nakapagsalita. Ngumiti lamang ako at halos ibigay na sa kaniya ang timbang ko dahil sa pagod na nararamdaman. Tila ngayon lang ako nawalan ng lakas ngayong kayakap ko na siya.

"I'll make sure, she will pay for this." Aniya saka ako pumailanlang sa ere.

Binuhat niya ako na parang bata. Hawak niya ang likod ko sa kanang kamay at sa kaliwa naman ay ang pang-upo ko. Hindi na ako nakapagsalita nang ikawit niya ang mga binti ko sa baywang niya. Buti na lang nakapants ako. Mahigpit ang hawak niya sa akin saka siya huminga ng malalim.

"I'm sorry." Bulong niya ulit saka pinasandal ako sa may leeg niya.

Amoy na amoy ko ang bango niya. Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya saka dahan-dahang pinikit ang mga mata.

Pagod na ako.

"Rest baby. We'll go home now." Malambing na bulong niya. He kissed the side of my head. "Iuuwi na kita. Uuwi na tayo."  Huling narinig ko saka ako tuluyang nakatulog.

Nababaliw lang talaga si Ash. Mahal ako ni Drain.

_________
Thanks for reading!💚

Continue Reading

You'll Also Like

913K 31.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4.9M 320K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
133K 5.6K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...