Switch Series 1: Constantly Y...

Par _aryde

118K 4.8K 1.6K

Brook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban sh... Plus

Constantly Yours
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
Fathers Day Special
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
I am Constantly Yours
THE END
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
ANNOUNCEMENT
100K SPECIAL

CHAPTER 48

1.1K 47 9
Par _aryde

Bhe&Birdie (2)

🌻🌻🌻

"Ay, may bwisita pala kami." masungit na sambit ni Bettina.

Magkaholding hands sila ng kaniyang bhe habang papasok ng kanilang bahay. Si Dangdang naman ay nasa gilid nya at ayaw ipatabi sa kaniyang bhe at chinachansingan ito. Pagkarating nila ng sala ay nakita nila ang isang dalaga naka bandage dress chanel ito ng kulay itim at flare heeled boots chanel may pouch rin syang chanel.

Napasingkit ang mata ni Bettina ng matapos nya itong ijudge sa isip nya. Yayamanin si ate ghorl. Mukhang endorser ng chanel at ano naman kaya ang ginagawa nito sa bahay nila?

Napataas ang kilay ni Bettina ng lumapit ang kaniyang bhe sa dalaga, "Hi, ako si Chris."

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi ng makipagshake hands pa ang kaniyang bhe sa dalaga.

"My name is Jane." mahinahong pagpapakilala nito kay Chris habang magkahawak pa rin ang kamay nila.

Kitang kita ni Bettina ang panlalandi ng labi't mga kamay ni Chris.

Inayos pa nito ang buhok, "Nice to meet you, Jane. Single ka?" tanong ni Chris.

Kaagad syang nilapitan ni Bettina at inilayo kay Jane, "Anong single single. Tumigil ka Chris ha. Kababati lang natin." aniya at inirapan ang kaniyang bhe.

Napabuntong hininga si Chris, "Tinatanong ko lang naman." humarap ulit ito kay Jane, "Jane baka naman may ate ka?" tanong pa nito kaya napaataas ang kilay ni Bettina hanggang bunbunan nya.

Kinurot nya ang tagiliran ng kaniyang bhe at sinaway ito, "Chris!"

Ngumisi si Chris at dumikit sa kaniya, "Joke lang."

Napairap si Bettina at tinignan si Jane, ang laki naman kasi ng hinaharap nito. Kaya kung makatitig si Chris ay pawang nagugutom na sanggol. Napahawak sya sa kaniyang dibdib. Bakit, hindi pa ba sapat iyon kay Chris!

"Kuya!"

Napatingin sila kay Daks na masayang nakatingin sa kanila, may dala dala itong mga pagkain saka bihis na bihis ang kaniyang macho na kapatid.

Pinagkrus ni Bettina ang braso saka sila umupo ni Chris sa couch, "Sino sya Daks? Kilala mo?" tanong nya at naramdamang tinapik ni Chris ang kaniyang pang upo bago sila maka upo ng tuluyan.

Sinamaan nya ito ng tingin ngunit ngisi lamang ang isinukli sa kaniya nito.

Napakamot ng ulo si Daks at pinatayo ang dalaga, "Ah...Si Jane, girlfriend ko." pagpapakilal nito saka ngumiti sa kanila.

"Huh!" sumimangot si Chris.

"Omg..." napatakip naman sya ng bibig.

Nakangiting yumukod ng bahagya si Jane sa kanila, "Good evening po." magalang na bati nito.

"S-Shocks...turon-chi?" di makapaniwalang taning ni Bettina.

Aba, for the first time in forever ngayon lamang nagpapakilala si Daks ng babae sa kanilang familey. Infairness, magaling pumili si Daks ng jojowain. Kabog ang beauty ng lola mo.

Tumango si Daks, "Opo, Kuya." hinapit nito ang bewang ni Jane, "Mahal, si Kuya Bettina ko, si Ate Chris jowa ni Kuya, saka yung kapatid ko si Dangdang." pagpapakilala nito sa kanila.

Nagkatinginan si Bettina at Chris, Mahal? Sana all, Mahal!

"Nice to meet you all po." ngumiti ng matamis si Jane.

Tumingin si Chris sa dalaga, "Pero may ate ba si Jane?" tanong nito kaya mabilis itong hinarap ni Bettina.

Napatawa ang magjowa, "Meron po akong ate."

Napangisngis si Chris ngunit kinurot sya ni Bettina sa hita, "Isa, Chris!" pagbabanta nito sa kaniya, "Isa pa. Dito ka matutulog sa sala." pananakot nya sa kaniyang bhe dahil ayaw nitong tumigil sa kalalande.

Niyakap sya nito at ngunisuan, "Joke lang. Labyu, Birdie." panunuyo nito sa kaniya saka nagpakyut pa ang kaniyang bhe.

Napapalakpak si Dangdang at bumeso kay Jane, "Ayieee! Congrats Daks at Jane. Sana all may mahal." sabi nito habang kinikilig.

Umakbay si Chris kay Bettina, "Nasaan na ba kasi yung nireto ko sayong tall dark and handsome?" tanong nito kay Dangdang.

Biglang napanguso ang fake news ng taon, "Ehhh, tart." tumabi ito kay Bettina, "Nag cool off kami." sagot nito at nilukot ang ilong.

Tumaas ang kilay ni Bettina, "Niretuhan mo si Dang?" may asar nyang tanong kay Chris.

"Oo." sagot ni Chris at tinaas taas pa ang kilay.

Pumamewang si Bettina at hinarap ang fake news nyang kapatid, "At ikaw namang kerengkeng ka, pumatol?" inis nyang tanong dito, "Nagkajowa ka ng hindi mo man pinapakilala samin?!" dagdag pa nya at balak balak tsinelasin si Dangdang.

Ngumuso ulit si Dangdang at pinaglaruan ang hair, "Fling fling lang e."

"Fling fling." panggagaya nya rito saka nilakhan ang butas ng ilong, "Nakuu! Bat ka pa namin tinulungan kaninang bruha ka!" sabi nya at marahan itong sinabunutan.

Umiwas ito sa kaniya at umupo sa tabi ni Chris, "Bleh!" yumakap ito sa braso ng kaniyang bhe, "Tart si Kuya oh." pagsusumbong nito kay Chris.

Napatawa si Daks at binigyan ng maiinom ang jowa nyang yayamanin, "Pasensya ka na, mahal." inginuso nya ang tatlo, "Ganyan talaga sila." aniya at ma

Tinapik ni Bettina ang braso ni Chris, "Hoy, Chris! Wag kang makisali sinasabi ko sa'yo..." pinasingkit nya ang mga mata.

Tumayo si Chris at hinila si Dangdang, "Halika doon, Dang sa kwarto." aniya at nagtatakbo sila.

Ngumisngis si Dangdang, "Ihh tart! Sige ilock natin ang pinto!" anito at umakyat sila ng hagdan.

Napanganga si Bettina at natatarantang tumayo saka hinabol ang dalawa.

"S-Shuta kayong dalawa!" nanggigil nyang sambit at nagmamadaling humakbang sa hagdanan, "Pag-uuntugin ko kayo mga taksil!"

🌻🌻🌻

Kinabukasan, nadiligan nanaman si Bettina ng kaniyang bhe. Kaunting haplos lang sa kaniya nito ay tumitiklop na sya. Lalo na kung sa kaniyang pang upo ang haplos, hindi na sya makakahindi. Syempre dahil nangako sya sa mga mata nito sa pagligtas kay Dangdang na bruhilda naman.

Napagdesisyonan ni Bettina na magplano sa darating na birthday ng mag ama nya. Syempre kukuntsabahin nya ang kuya nya at naloka sya nang kasama nito ang syota nitong si Agrefena. Sa seven eleven ang meet up nila at mga umiinom ito ng lipton.

"My STBSIL, why did you call us ba?" maarteng tanong nito.

Nakasuot si Agrefena ng pulang off shoulders t-shirt at pulang wide leg pants, nakalugay lang ang itim at pakahaplos na buhok saka high block heels.

Nanlaki ang butas ng ilong ni Bettina, "Agrefena, ang Kuya ko lang naman talaga ang kailangan ko, sumama sama ka pa." inirapan nya ito saka tinignan ang suot nyang dalawa. Dapat pala um-out fit of the day sya.

Isang printed dress shirt na kulay pink ang suot nya at black boyfriend shorts saka slip on shoes na kulay pink at hindi mawawala ang kaniyang pink na micro bag saka ang clip na binigay sa kaniya ni Chris.

Napabuga sa hangin si Agrefena, "My STBSIL, I can't let your Kuya drive alone. He's a speed maniac!" naaasar nitong sabi saka inirapan ang Kuya nya.

Napangisi si Bradley at inakbayan ang kaniyang nobya, "Love, just say the truth that you can't live without me." anito at kinilig si Agrefena.

Ang kuya naman nya ay simpleng simple ang suot, pulang y neck t-shirt, itim na sports shorts at vans shoes. Super papable ang kaniyang kuya kaya siguro ito natipuhan ni Agrefena na mahilig sumama.

"Ihh! You also have a point, Love." sagot nito at kinurot ang pisngi ni Bradley.

Nandire si Bettina sa nakikita, "Gahhh! Ito nanaman ang dalawang mahaharot, ke aga aga." aniya ar inirapan ang dalawa.

Natatawang tumingin sa kaniya ang kaniyang kuya, "Don't be jealous, my lil sis. You already have your boyfriend why don't you invite Chris here?" tanong nito at sumang ayon naman si Agrefena.

Napanguso si Bettina, "Kasi nga may mission tayo. Tayo lang." pinasingkit nya ang mata, "Saka ko na ipapakilala sa inyo ang aking bhe." dagdag pa ng vakla.

Nagsalubong ang kilay ng mag jowa, "What, my STBSIL? Mission?" tanong ni Agrefena.

"Yes, Agrefena." napatango si Bettina at pumikit pikit, "Mission, at tatawagin natin iyong 'Finding aking bhe at aking anakshie's Parents' in short, FABAAP." deklara nya at pinagkrus ang braso.

Napanganga si Agrefena at bumilib sa pinagsasasabi ng kaniyang STBSIL, "Ohh...that's sounds cool."

Napatangi tango naman si Bradley, "My lil sis, your boyfriend taught you that thing." anito at nagthumbs up.

Dumikwatro si Bettina at inilagay sa likuran ng tenga ang buhok, "Nemen nemen." kinuha nya sa micro bad ang pink nyang index card, "At ito ang plano na'tin." aniya at ibinigay iyon sa dalawa.

Kitang kita nya ang bilib nito sa kaniya. Avah, kagabi sya nagplano ng palihim para hindi makita at marinig ng kaniyang bhe at anakis.

"You have a list also." ani Agrefena at pumalakpak, "You're great my STBSIL!"

Sumangayon si Bradley, "My lil sis, is a genius, Love." paglalahad nya, "She's an honor student during elementary, high school and college." kumindat ito sa kaniya.

Nilukot ni Bettina ang ilong at hinampas sa balikat ang kaniyang kuya, "Ihh! Ano ba kuya!" aniya at kinilig kilig.

Ngumuso si Agrefena sa kaniya, "I'm so proud of my STBSIL!" anito at tangka syang yayakapin.

Dinakma ni Bettina ang mukha nito, "Thanks my STBSIL..." sabi nya at ipinunas ang kamay sa damit, "Let's gorrabells?"

Napatawa si Agrefena at itinaas ang dalawang braso, "Yeah, FABAAP here we go!"

🌻🌻🌻

Gabi ng nakauwi si Bettina sa kanilang bahay at sa awa ng Diyos ay naging matagumpay naman ang mission nilang tatlo. Ready na ang lahat, ang bukas na lamang ang hinihintay nya para sa mag-ama. Kasalukuyang nakahiga silang tatlo sa kama, nakadapa si Uno sa ibabaw ni Chris at nakayakap sa leeg nito. Nakapatay na ang ilaw nila at tanging kulay pink na ilaw ng lamp shades lang ang naging daan upang makita nya ang maamong mukha ng dalawa.

Marahang hinahaplos ni Bettina ang pisngi ni Chris habang sya'y nakaunan sa braso nito. Nakasuot ang dalawa ng pajama set na kulay brown. Habang sya ay naka pajama set ng kulay pink. Mukhang pagod na pagod nanaman ang dalawa kakalaro. Wiling wili na si Uno sa kaniyang Mamay dahil palagi na nika itong kasama at sakanila pa umuuwi.

"Mhm...aking bhe...gising ka pa ba?" mahinang tanong ni Bettina sa kaniyang bhe at inilapit ang sarili saka yumakap kay Uno.

Binuksan ni Chris ang isang mata, "Medyo." sagot nito, "Bakit?"

Napanguso si Bettina at pinaglaruan ang dogtag nito, "Malapit na kasing mag twelve ih." maarte nyang sambit at binuksan ang phone.

11:54 PM

"Oh?" humikab si Chris.

Pinagdikit ni Bettina ang labi, "Babatiin kita, syempre. Gusto ko ako ang unang babati sa inyo ni Uno." saad nya at sinalat ang ilong nito.

Huminga ng malalim si Chris at kumamot ng pisngi, "Edi meow."

Kinurot sya ni Bettina sa bewang, "Ito naman! Ang sweet kaya non diba?" sabi nya at umirap, "Ginawa mo 'rin sa'kin iyon nung birthday ko e." dagdag pa nya at hinaplos ng buhok ni Uno na nakanguso habang natutulog.

Napanguso si Chris, "Oo nga noh."

Sumilip muli si Bettina sa kaniyang phone, "Ang tagal mag twelve kaasar." aniya at binaba ang phone.

Kinurot ni Chris ang ilong nya, "Matulog ka na." anito habang nakapikit, "Bukas na lang."

Ngumuso si Bettina at hinigpitan ang yakap sakanila "Ihh...gusto ko ngayon na bakit ba." pagpupumilit nya.

Biglang gumalaw si Uno saka sumiksik sa leeg ni Chris, "Tutulog si Uno...ingay Papay, Mamay ko..." mahinang bulong nito habang nakanguso.

"Ikaw kasi e." asar na bulong ni Chris at tinapik tapik si Uno, "Tulog ka na!" asik nya kay Bettina.

Napairap si Bettina, "Hmp! Uno gumising ka saglit at babatiin kita. Six years old na ang bebe ko hindi pa tuli!" sabi nya at kinalabit si Uno.

"Mhm..." ungot nito habang nakanguso, "Tuli tuli."

Magkasalubong ang kilay ni Chris habang nakatingin kay Bettina, "Gigisingin mo, natutulog." sabi pa nya kay Bettina saka kumamot ng pisngi.

Ginising gising ni Bettina si Uno, "Saglit lang at babatiin ko." binuksan nya ang phone at natuwa sa nakita, "Ihhh! Twelve na!"

Bumuga sa hangin si Chris at yumakap kay Uno, "Psh!"

Tuwang tuwang pinaghahalikan ni Bettina ang dalawa, "Happy 6th birthday aking anakshie! Happy 26th birthday aking bhe! Love you!" masaya nyang bati at nag effort na umupo saka isinindi ang lighter ni Chris.

Inismiran sya ng dalawa, "Ge. Tulog na." ani Chris.

"Mamay, yakap Uno." tinalikuran pa sya ng dalawa habang magkayakap.

Napanganga si Bettina sa ginawa ng kaniyang mag-ama,
"A-Avah...wala mang thank you? Nag effort ako hello!" dismayado nyang sambit at itinabi ang lighter ni Chris.

"Sinabi ba naming mag effort ka?" tanong ni Chris at hindi man sya pinagkaabalahang tignan.

Tinapik nya ang braso nito, "Tse! Nakakaasar kayong dalawa!" padabog syang humiga at nagkumot, "Sige Uno, bukas na bukas magpapatuli ka!" deklara nya saka nagtalukbong at tinalikuran ang dalawa.

Pawang nawala ang antok ni Uno at gumapang papunta sa kaniya, "Ehhh! Thank you na Papay ko!" inaantok nitong inalis ang kumot sa mukha nya, "Luv u too oh!" may halong takot nitong sambit saka humalik sa pisngi nya.

Tinawanan ni Chris si Uno at kinurot ang ilong nito, "Takot matuli! Happy birthday batang supot!" aniya at pinugpog ng halik ang anak.

Napabusangot si Uno, "Ehh! Mamay ko naman e." nakanguso itong yumakap ulit sa kaniya, "Habadu po." malambing nitong sabi at sumiksik sa kaniya.

Tumaas ang sulok ng labi ni Bettina at humarap sa dalawa.

"Hehe thanks batang supot," binusangutan sya ni Uno, "Joke lang, tulog na."

Pawang walang nangyaring yumakap si Bettina sa kaniyang bhe, "Hehe, aking bhe. Ikaw anong masasabi mo?" naghihintay nitong tanong.

Nginitian sya ni Chris, "Mamats." sabi nya, "Goodmornight."

Nanlaki ang butas ng ilong ni Bettina, "Iyon lang?"

"Oo. Tulog na." ani Chris habang nakapikit ang mata saka tinapik tapik si Uno na nakapagitna sa kanila.

"Hmp! Napaka! Nakakaasar ha!" nagtampo nyang sabi saka lumayo sa dalawa.

Hinila sya ni Chris, "Lumapit ka dito." anito at sumunod naman sya, "Bilis."

Nakalabing tumingin sa kaniya si Bettina, "Oh...kaasar 'to--Mhmmp!" tinakpan ni Chris ng labi nya ang maingay na bibig ni Bettina.

Saglit lamang iyon pero nagawa noong pahintuin ang mundo ni Bettina at pinatibok ng mabilis ang puso nya.

"Anata no hontoni ashiteimasu." seryosong sabi ni Chris sa kaniya habang nakatitig sa nga mata nya.

Napanguso si Bettina at hinawakan ang dibdib, "Anuraw?"

Hinaplos ni Chris ang pisngi nya saka bumulong, "Sabi ko, Mahal kita, sobra." dahan dahan itong ngumiti.

Nagbigay kaliti iyon kay Bettina, "Hmp! Nakakaasar ka talaga." sabi nya at unayos ng higa, "Pero aking bhe..."

Napangisi si Chris, "Mhnm?"

"Te amo al massimo." seryoso nyang sambit sa kaniyang at tinapik ang pisngi nito.

Tumaas ang isang kilay ni Chris, "Ha?"

Nilukot ni Bettina ang ilong, "I love you to the max hihi~"

Mahinang tumawa si Chris, "Lande." anito at hinigpitan ang yakap sa kaniya, "Halika dito."

Sumiksik si Bettina sa kanila, "Aking bhe..."

"Hmm?" huni ni Chris at pinahiga si Uno sa ibaba nya saka ito tinapik tapik.

Yumakap sakanila si Bettina at iniunan ang braso nya, "Thank you sa pagtanggap mo sa'min ni Uno." punong puno ng sinseryedad nyang sambit.

Umunan si Bettina sa dibdib ni Chris at tiningala ito, kitang kita nyang ngumiti ito.

"Wala 'yon. Tama naman ang kasabihan." anito at marahang tumawa.

"Na ano?"

"Na, masarap magmahal ng single mom." sabi nito kaya kinurot nya ang bewang ni Chris, "Aray ko."

Paano'y araw araw nitong pinapakilig ang bumbilya nya, "Ihh! Ikaw kasi! Kaasar ka!" mahina nyang bulong at pibamulahanan.

Nakalukot ang ilong ni Chris habang hinihimas himas ang bewang, "Putanayda ka, kanina ka pa kurot ng kurot." daing nito kaya marahan naman nyang hinaplos ang kinurot nya.

Napanguso sya, "Ihh kasi ikaw, hmp!"

Nilingon sya ni Chris saka ito ngumuso, "Kiss mo nalang ako, dali."

Napangiti si Bettina at hinagkan ang pisngi nito with sounds, "Muah."

Nadismaya si Chris, "Sa lips."

"Ihh!" ngumuso si Bettina, "Muah!"

Naloka si Bettina ng habulin nito ang labi nya at kinagat kagat pa ang kaniyang bhe.

Napatakip ng bibig si Bettina at maarteng itinuro si Uno, "Ihh andito si Uno."

Umiling si Chris, "Kala mo namang itutuloy ko." anito at muling ngumuso, "Isa pa."

"Hmp!" naaasar namang inilapit ni Bettina ang mukha sa kaniyang bhe habang kinikilig, "Sigi na nga."

🌻🌻🌻

"Bakit ba kailangang ito pa ang suot namin ni Uno?" tanong ni Chris kay Bettina habang nakasuot ito ng pink nyang bathrobe.

Tuwang tuwa naman si Bettina dahil bagay sa kaniyang bhe ang pink nyang bathrobe na hello kitty ang design. Sya kasi ay nakabihis na ng pink na turtle neck saka naka tuck in iyon sa relaxed legged nyang trousers na pinsish rin syempre ang kulay at pink loafer slippers with the pink clip and his pink tote bag.

Nilapit nya si Chris at iniharap dito ang hinanda nyang isusuot nila, "Aking bhe, kailangan maporma kayo ng ating baby kasi may pupuntahan tayong very important." maarte nyang sambit at ipinilantik ang daliri.

For Chris kasi, black bomber jacket nyang binili, black joggers at ang favorite nyang black combat boots, pakapakintab pa ni Bettina doon kaninang maaga at nilagyan nya ng sandamakmak na kiwi.

At para kay Uno naman ay black hoodie t-shirt, denim shorts at black converse shoes, may gray baseball converse cup. Lahat iyon ay bagong bili nya kahapon at si Agrefena ang mga namili noon para daw sa kaniyang Soon-to-be-pamangkin at Soon-to-be-bayaw na si Chris.

Nagsalubong ang kilay ni Chris, "Saan? Diba doon lang naman sa hideout natin?" tanong pa nito.

Nakangiting umiling si Bettina at pinunasan ang basa nitong buhok, "Basta." kumindat pa ito, "Secret, magbihis na kayo bilis." aniya at naramdaman nyang tinapik ni Chris ang kaniyang pang upong free na free lang para kay Chris.

"Tss." inismiran sya nito, "Baby Uno halika na!" sigaw nito kay Uno na nasa banyo pa.

Sumigaw ito pabalik sa kanila gamit ang maliit na boses, "Mamay ko! Toothbrush pa ako!"

Nagbikit balikat si Chris at tumingin kay Bettina, "Aking bhe, magbihis ka na. Ako ng bahala sa baby natin." sabi nito at iniwan ang tote bag sa kama at nagkekekendeng na dumiretso sa banyo.

"Okay~"

Tumaas ang sulok ng labi ni Chris at sinundan ang pag upo nitong pakat na pakat sa suot nitong trousers napapito si Chris ng wala sa oras, ang ganda talaga ng maumbok nitong pang upo. Masarap pisilin.

Bumaba silang tatlo sa hagdanan ng magakakasabay, sinalubong sila ng kanilang mga kasama sa bahay suot ang mga ngiting hindi matutumbasan ng pera. Hawak hawak nilang dalawa ni Chris ang maliit na kamay ni Uno at pinagitnaan ito. Relax na lumakad si Chris dalang dala ang outfit of the day nito. Si Uno na lalong naging cute at pogi habang malaki ang ngiti sa labi. Si Bettina na nakaangat ang isang braso dahil may dala dala syang tote bag at kumekendeng na lumakad.

"Chris anak! Happy birthday ulit!" bungad ni Mamita na may haway na paso, "Regalo ko sa'yo 'nak." anito habang malaki ang ngiti sa labi.

Napangiti si Chris at sinuri ang maliit na black pot, "Wow rose." aniya at bumeso kay Mamita, "Thanks Mamita."

Nagtatatalong lumapit sa kaniya si Dangdang na walang suot na bra sa kaniyang puting shirt, "Tart! May regalo ako sa'yo!" sabi nito at humahagikgik na ibinigay kay Chris ang bagay na nakapagpataas ng kilay ni Bettina hanggang bubungan ng bahay nila.

"B-Bra?" napalunok si Chris at tinitigan iyon. A pink cup c lacy bra.

Humagikhik si Dangdang at yumakap sa braso nya, "Kasusuot ko lang nyan tart!"

Napanganga si Bettin at inambaan ito ng sapok,
"P-Putares ka! Ilulublob kita sa pusali nakuuu!" nanggigil nyang kinuha kay Chris ang bra at nandidiring itinapon iyon sa malayo.

Walang'yang fake news na itich, reregaluhan pa si Chris ng bagong suot na bra. Nakakainsulto para sa kaniya iyon dahil wala syang boobs para lagyan ng bra ano.

"Joke lang eh." ngumuso si Dangdang kay Chris, "Tart kiss nalang." aniya at nanlaki ang mata ni Bettina sa sagot ng kaniyang bhe na maharot.

"Sige."

Ngumisngis si Dangdang at tumingkayad, "Muah!"

Natarantang pinaghiwalay ni Bettina si Dangdang at Chris at ginatukan si Dangdang.

"Mga bwiset na'to!" naaasar syang kumuha ng panyo at ipinunas sa pisngi ng kaniya bhe, "Punasan na'tin aking bhe, may virus iyan!" anito at pinisikan pa ng alcohol ang pisngi ni Chris.

Tawang tawa ang kaniyang kapilya sa kaartehang ginawa. Habang si Dangdang naman ay pinagkrus ang braso saka tinarayan ang kaniyang kuya na selosa.

"Hmp!" inirapan nito si Bettina at umupo sa harap ni Uno na nakatagilid pa ang baseball cup sa ulo, "Uno bhe, kiss ka ni Ate Dang, happy birthday ulit!" sabi nya at pinugpog ng halik si Uno sa mukha.

Tumikhim si Mamita, "Pag-uwi nyo may cake, okay?" sabi nya at napatalon sa tuwa si Uno.

"Yehey!" pumalakpak ang bata, "May cake kami ni Mamay ko!" nakangiti syang kinarga ni Chris.

Nakipag fist bump si Amboy kay Chris, "Happy birthday lods!" aniya at ginulogulo ang buhok ni Uno, "Happy birthday Unano!" sabi nya at pinagtawanan ang bata.

Napanguso si Uno, "Ehhh! Big boy na ako! Six na po ako e." sabi nito at inilahad ang anim na maliliit na daliri.

"Patuli ka muna hehe." pang aasar ni Oten at nakipag apir kay Biway.

Bumusangot si Uno at pinagkru ang braso, "Ehh! Pag seven nalang po si Uno!" kinakabahan nitong sagot sa kanila.

Napalabi si Bettina at kinurot ang pisngi ng anak, "Naku naku naku, puro ka pangako." aniya at kumapit sa braso ni Chris, "Alis na kami, Mamita, oh mga jupiters, bantayan nyo si Mamita at baka magzumba e, sumakit nanaman ang kalamnan." paalala nya at kinuha kay Katkat ang basket nyang pink.

"Minsan minsan lang anak ih." napakamot ng ulo si Mamita, "Oh sya babye~ Enjoy!"

🌻🌻🌻

Feel na feel ng vaklang si Bettina ang preskong hangin na dumadapo sa kaniyang mukha, alas dyes na ng umaga at trenta minutos na silang bumabyahe gamit ang aerox ni Chris. Naka saklang sya sa likuran nito at mahigpit ang yakap sa kaniya bhe na seryosong nagdi-drive angkas si Uno sa harap nito at seryoso din ang mukha na kunwa'y marunong syang mag broom broom ba.

Kakaunti lamang ang dumadaan sa kalsada ng lugar patungo sa kanilang destinasyon. Puro kagubatan lamang ang nasa paligid at matahimik. Tunog lamang ng sasakyan ni Chris ang kaniyang naririnig.

"Birdie, malayo pa ba tayo?" saglit sya nitong sinulyapan.

Ipinatong ni Bettina ang baba nya sa balikat nito, "Mapalapit na aking bhe, liliko tayo dyun." anito at ngumuso sa bandang kanan.

Tiningala sila ni Uno na nakashades pa ng itim kay Chris iyon at pinasuot nya kay Uno para hindi ito mapuwing, "Papay ko, saan po tayo punta?" tanong nito.

Kinurot ni Bettina ang pisngi nito, "Basta anak, strong si Uno diba?" pinalalakas lamang ni Bettina ang kaniyang sarili.

"Super strong!" masiglang sagot ng anak nila.

Napangiti si Bettina, "Sige mamaya, malalaman mo rin." yumakap sya ng mahigpit sa bewang ni Chris, "Mabilis lang naman, tapos magpipicnic na tayo."

Magkasalubong ang kilay ni Chris natapos nilang bumaba ng motor nya. Karga karga nya si Uno na inaayos ang buhok nitong blonde at nakakapit naman sa braso nya si Bettina na kasalukuyang nakangiti sa kanilang dalawa ni Uno.

"Sure ka Birdie? Simenteryo?"

Inihilig nya ang ulo sa bakikat nito habang naglalakad sila, "Oo, aking bhe." sagot ng maarteng vakladesh.

Nagbuntong hininga si Chris at ginaka ang tingin sa paligid, it's a private cementary, "Anong gagawin na'tin dito?" tanong nya pa kay Bettina.

"Maglalaba aking bhe." sagot ni Bettina.

Poker face syang tinignan ni Chris, "Tsk."

Maarteng tumawa si Bettina at umahos ng tayo, "Char, basta follow me aking bhe."

Napatingin si Chris kay Uno na yumakap bigla sa leeg nya, "Mamay ko, may mumu po dito e!" lumunok pa ito at tumingin sa paligid, "Takot si Uno po." sabi nito sa kaniya.

Napatango tango si Chris, "Oo baby Uno, marami ngang mumo dito. Ayan yung isa sa tabi mo." aniya at ngumisngis.

Naaasar na pinamewangan sya ni Bettina, "Ako ba aking bhe ay pinagtitripan mo?" nakataas ang isang kilay nitong sarkastikong tanong kay Chris.

Inirapan sya ni Chris, "Nauna ka e."

Nasasanay na si Bettina kapag winawalang'ya sya ng kaniyang bhe, palagay nya ay isa rin nitong paraan ang pang wawalang'ya sa kaniya ang pagpaparamdam na mahal sya nito.

"Hmp!" inirapan nya ito at tumingin sa dalawang lapida, "Oh nandito na tayo." saad nya at inilabas sa basket ang chrysantimum mini bouquet flower na dinaan nila sa flower shop bago sila nagtungo dito.

Tinitigan iyon ni Chris, "Sino sila?" tanong nya ng mapagtantong pareha ang apelyido nito, "Mag-asawa?"

Tumango si Bettina, "Yes, aking bhe." tinapik nya ang anak, "Uno baba ka dali." sabi nya at kinuha ito kay Chris.

"Sino po sila, Papay ko?" inosenteng tanong ng anak at tumingin sa dalawang lapida sa kanilang harapan.

Lumuhod si Bettina sa damuhan, "Mhmm...Diba dati, tinatanong mo sa'king kung nasaan ang totoo mong Mamay at Papay?" mapait na ngumiti si Bettina habang inaayos ang suot ng kaniyang anak. Nanatiling nakatayo si Chris at nakatingin sa kanilang dalawa.

"Opo..." sagot ni Uno at tumitig sa kaniya.

Hinawakan ni Bettina ang magkabila nitong pisngi at nagsimulang magtubig ang mga mata, "K-Kasi anak, hinanap sila ni Papay saka ni Tito Brad at Tita Agrefena mo.
N-Nalaman ko na, n-na nasa heaven na pala sila." paliwanag nya sa anak.

Ito ang kaniyang nalaman matapos nilang mag imbestiga at magtanong tanong ng kaniyang kuya sa mga ampunan at sa kanilang pagsasaliksik. Nakakalungkot na isipin na puntod na pala ang kanilang maaabutan sa hinaba haba ng panahon.

Lumambot ang ekspresyo ng bata, "Sila po?"

Pinagdikit ni Bettina ang labi at dahan dahang tumango, "Mhm-mhm..."

"Patay na po?"

Napalunok si Bettina sa tanong nito at umiwas ng tingin. Napahinga ng malalim si Chris at umupo sa tabi nya.

"Baby Uno, si Mama at Papa mo, kasama na ni God sa heaven. Pero, darating ang araw, na makikita mo din sila." ngumiti si Chris sa harapan ng anak at hinaplos ang buhok nito.

Alam nya ang hirap para kay Bettina na magpaliwanag sa maliit pa nitong anak. Bata pa ito at hindi pa gaanong nakakaintindi.

Tumango tango si Bettina at pinunasan ang luha, "O-Oo anak, b-bigay mo sa kanila oh." aniya at inabot kay Uno ang bulaklak, "S-Sya ang Mama mo, saka ang Papa mo." napalabi si Bettina habang nakatingin sa inosente nyang anak.

Ngumiti sa kanila si Uno, "Sige po." sagot at lumakad patungo sa puntod ng kaniyang mga tunay na magulang.

Tumayo silang dalawa saka nagbuntong hininga si Chris, "Bakit di mo naman ako isinama?" medyo nay pagkadismaya nitong tanong kay Bettina.

Edi sana nakatulong sya sa paghahanap ng mga magulang ni Uno. Umiling sa kaniya si Bettina, "Shh! B-Basta." anito at tumingin sa anak na nakaluhod sa harap ng puntod ng kaniyang nga magulang.

Inilapag nito ang bulaklak sa gitna ng dalawang puntod, "Hello po, Mama ko at Papa ko. Ako po si Uno. Thank you po kasi, kahit nasa heaven na po kayo. Mayroon pa din po si Uno na Mamay at Papay. Sana po, isabi nyo po kay Papa God dyan sa heaven po, na bless po si Papay ko, Mamay ko, Mamita, Sila ate Dangdang po lahat po ng luv ko. Luv ko din po kayo Mama ko at Papa ko." sambit ni Uno gamit ang batang bata pa nyang boses.

Kinagat ni Bettina ang labi at yumakap kay Chris,
"Shhh...Birdie." ani Chris at hinaplos haplos ang likuran ni Bettina na tahimik lumuluha.

Nangiginig ang mga labing tumingala kay Chris, "Mhmm...A-Aking bhe."

Nalulungkot sya para sa kaniyang anak, hindi man nito nakita ang kaniyang tunay na magulang dahil matapos nitong ipinanganak ay balibalita pa lang pinatay ang mga magulang nito.

Kaagad nagpunas ng luha si Bettina ng lumapit sakanila si Uno. Itinaas nito ang dalawang maliit na braso saka tiningala silang dalawa.

"Karga na ako Mamay ko." sabi nito at sinunod naman ni Chris.

Napasinghot si Bettina habang nagpupunas ng luha gamit ang pink nyang panyo, "A-Anong nararamdaman mo, a-anak?" nauutal nyang tanong at niyakap ang mag ama nya.

Dahan dahang sumilay ang ngiti sa labi ng kanilang anak, "Happy po si Uno!"

Napatango si Bettina,
"K-Kasi?"

Rinig nya ang pagbuntong hininga nito, "Kasi po, may Papay ako saka may Mamay ako." anito at biglang napalabi,
"T-Thank you po, Mamay ko, Papay..." napaluha si Bettina ng tumulo ang luha nito habang nangiginig ang mga labi.

Agad iyong pinunasan ni Bettina, "Mhmm...S-Shhh, 'nak tahan na. N-Naiiyak din ang Papay e." sabi nya at pinatahan ito.

Nakalabing suminghot si Uno, "E-Eh kasi iiyak ka din Papay!" pagsisi nito sa kaniyang Papay kaya tinawanan sya ni Chris.

Nataranta si Bettina at iniayos ang sarili, "H-Hindi na, di na garod." aniya at ngumiti, "Oh smile na!" kinulong nya sa palad ang maliit na mukha ng kanilang anak.

Nginitian sila ni Uno ng labas pa ang ipin habang nagtutubig ang mata.

"Bungi hehe." komento ni Chris at marahang kinurot ang ilong nito.

Napanguso si Uno, "Eh pogi si Uno kahit bungi po?"

Ngumiti si Chris, "Poging pogi!" aniya at tumingin kay Bettina, "Tara na ba?"

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito, "Hmm...may isa pa." hinawakan nya ang kamay ni Chris, "Aking bhe, halika..."

Nagsalubong ang kilay ni Chris habang lumalakad sila paabante nila Bettina. His heart went pumping fast, his mind turn to knots as he thinks of what his bhe reacts if she sees what they found out.

"Sino naman iyan?" tanong ni Chris kay Bettina, patuloy pa rin silang naglalakad at habang tumatagal ay lumalakas din ang tibok ng puso nya, parang may iba syang nararamdaman.

Humigpit ang hawak ni Bettina sa kaniyang kamay, "Dito pa, aking bhe." aniya at huminto sa nag iisang lapida malayo sa iba, "Ito oh."

Biglang kinabahan si Chris ng makita nya ang pangalan nito, "S-Sino sya?" nauutal nyang tanong kay Bettina at nilapitan iyon.

Nilapitan sya ni Bettina, "Hmm...pasensya na aking bhe, pero kasi isinabay ko na sa paghahanap ng magulang ni Uno ang mga magulang mo din. Akala ko masusurpresa kayo na mahahanap ko sila na buhay. Sorry..." pagkukwento nya saka humingi ng tawad sa kaniyang bhe sa panghihimasok nya sa pribadong buhay nito.

Kinalbit si Chris ni Uno, "Mamay ko, Baka po Mama mo sya?" inosente nitong sambit kaya tumango si Bettina at niyakap sya habang tulala.

"Tama si Uno aking bhe. S-Sya ang nanay mo." pagbubunyag nya, "S-Sorry, bhe. Hindi ko sinabi." sabi nya at tumingin sa reaksyon nito.

Bakit parang hindi masaya si Chris?

Huminga ng malalim si Chris, "Okay lang, kaya ba dalawa ang bulaklak?" hindi interesado nitong tanong.

Dahdan dahang tumango si Bettina, "O-Oo..."

Pinagmasdan ni Bettina si Chris na naka upo sa harap ng lapida ng kaniyang ina kita nya ang marahan nitong pagsalat doon at ibinaba ang bulaklak habang hawak nya ang maliit na kamay ni Uno sa kaniyang tabi. Ramdam ni Bettina ang bigat ng nararamdaman ni Chris. Hindi nya alam kung paano nya ipapaliwanag sa kaniyang bhe ang nangyari. Basta ang alam nya, patay na ang ina ni Chris.

Bumuntong hininga si Chris at tumayo na agad, pansin ni Bettina na nag iba ang aura nito at nawala ang saya sa mukha.

Nagpakarga si Uno kay Chris, "Mamay ko, edi lola ko po sya?" tanong nito habang nakatitig sa lapida ng ina ni Chris.

Ginulo gulo ni Chris ang buhok nito, "Mhmm...siguro." sagot nya at tumingin kay Bettina, "Paano mo sila nahanap, Birdie?" tanong nito.

Bettina half smile as he hold her hand, "Mahabang istorya, aking bhe. Si Agrefena ang maraming koneksyon." sabi nya at pinagmasdan ang mukha ni Chris.

Tumango tango si Chris, "Ahh...kaya di ako kasama?"

"Mhm-mhm." ani Bettina at sinaalt ang pisngi ng kaniyang bhe, "Okay ka lang ba?" nag aalala nyang tanong dito.

Nginitian sya ni Chris ngunit mukhang pilit na ngiti lamang iyon, "Oo naman." anito at tumingin sa daan, "Tara na sa hide out."

🌻🌻🌻

"Bhe oh, say ahh..." sabi ni Bettina habang nakasapo sa chipsticks na may lamang udon, tulalang isinubo iyon ni Chris.

Sinulyapan ni Bettina ang anak na kalaro ang aso ni Chris, "Uno, anak! Mamaya ka na magtatakbo. Kumain ka muna dali, may mochi ice cream na ginawa si Papay." sabi nya at inihanda ang bento box.

Lumingon sa kaniya si Uno na nakasakay sa aso ni Chris at tuwang tuwa, "Ehh, tatakbo muna kami po Papay ni Bettina!" sigaw nito saka nagkipaglaro muli sa aso ni Chris.

Napahinga ng malalim ang vakla, "Hays!" aniya at napanguso, "Ang weird talaga kapag may kapangalan kang aso." ungot pa nya pagkatapos ay tumingin kay Chris na nakatitig sa tanawin.

Nakasandal ito sa puno at nakapatong ang braso sa tuhod nito. Si Bettina naman ay nakaupo ng pang maria clara at nakatukod ang kamay sa pink nyang kumot sa damuhan. Kaunting pulgada lamang ang layo nila ni Chris at magmula ng makapunta sila dito ay hindi na ito nagsasalita.

"Pst~" tawag nya kay Chris at saka ito nilapitan, "Aking bhe, kanina ka pa tulala. Okay ka lang ba?" nag aalala nyang tanong at yumakap sa kaniyang bhe.

Lumunok muna sya bago magpatuloy, "Kung tungkol 'to sa kanina. Sorry talaga, nakialam ako--"

"Okay lang ako." mabilis na sagot ni Chris at tinignan sya ng walang emosyon.

Biglang kinabahan si Bettina sa tono ng pananalita nito, "E-Eh bakit ka tulala?" nauutal nyang tanong saka ipinatong ang baba sa balikat nito.

Nagbuntong hininga si Chris saka umakbay sa kaniya, "May iniisip lang." sagot naman nito at ibinalik ang tingin sa tanawin.

Napanguso si Bettina, "Pwede mo sa'kin sabihin, bhe." sambit nya at pinalingon si Chris sa kaniya, "Nandito ako oh."

Muling nagbuntong hininga si Chris, "Hindi mo nahanap ang tatay ko?" tanong nito sa kaniya.

Umiling si Bettina, "H-Hindi e." yumakap sya ng mahigpit sa kaniyang bhe, "Ang kwento sa'kin. Nag-iisa lang naman daw sa buhay ang nanay mo. Na buntis nung nag OFW. Tapos pagkapanganak, pumanaw na sya." paliwanag nya sa kaniyang bhe habang nakatitig sa mga mata nito.

Kitang kita nya ang lungkot sa mga mata ng kaniyang bhe. Hindi nya tuloy maiwasang malungkot at makonsensya.

"Hindi mo nalaman kung bakit ako tinapon?" napayuko si Chris sa sarili nyang tanong.

Umiling si Bettina, "W-Wala silang alam tungkol sa sanggol. Ang alam nila, nakunan ang nanay mo. Iyon lang." sagot nya at iniharap muli si Chris sa kaniya, "Sorry."

Pinilit ngumiti ni Chris, "Okay lang."

Hinaplos ni Bettina ang pisngi ng kaniyang bhe, "Aking bhe, kung may balak kang hanapin ang tatay mo. Sasamahan kita, okay?" sabi nya pa.

Umiling si Chris, "Hindi na." sagot nito, "Okay na 'yon."

Napangiti si Bettina, "S-Sige pero pag nagbago ang isip mo. Game lang ako." aniya at kunuha ang bento box, "Oh kain na. Saka ito ang strawberry juice mo oh."

Natapos nilang kumain at itinabi na ni Bettina ang mga tupperwear at mga bento box. Bago nya iyon itinabi ay pinunsan nya muna ng tissue para maiwasang langgamin. Kumain naman ang kanilang anak na si Uno ngunit saglit lamang at nagtatakbo nanaman kasama ang aso ni Chris na si Bettina.

"Aking bhe, ang lawak ng lugar hano?" baling ni Bettina kay Chris, na nakaunan sa kandungan nya at mahan nyang hinahaplos ang buhok nito.

Napangiti si Chris na may kagat kagat na matigas na damo at ginagawa iyong toothpick at tumingin sa kaniya, "Sobra."

Bumalik na ang mood nito bukod ng kumain na ito ng iniluto nya. Ang kaligayahan ng isang yobmots ay pagkain na niluto ng kanilang minamahal.

Tumingin sya kay Chris na nakakrus ang mga braso, "Sarap siguro tumira dito, tingin mo?" tanong pa nya at naghingi ng opinyon ng kaniyang bhe.

Marahang tumawa si Chris, "Bakit gusto mo ba?"

Napanguso si Bettina, "Oo naman." sagot nya at tinignan mula ang malawak na paligid, "If ever na magkakapera ako, gusto ko, dito tayo titira." sabi nya at marahang ngumiti, naiisip nya tuloy kapag nagkaanak pa sila ng marami ni Chris tapos may bahay na sila dito sa lugar na ito.

"Talaga?"

Tumango si Bettina, "Oo naman aking bhe." aniya saka kinurot ang ilong ni Chris, "Gusto yung kahit simple lang ang bahay natin. Basta sama sama tayo. Ano sa tingin mo?" tanong nya pa at hinagod ang bangs ni Chris, tumutubo nanaman ang buhok nito.

Kinuha ni Chris ang kamah nya, "Pwede din." sagot nito at dahan dahang pinagsaklop ang kanilang mga daliri, "Kung magpapagawa ka ng bahay, ang kukunin mong architect, si Vin. Pag engineer naman, si Dex. Magagaling iyon." rekomenda nito sa kaniya habang nakangiti.

Nilikot ni Bettina ang ilong, "Eh aking bhe, hindi kaya ata ng budget ko ang kumuha pa ng architect at engineer." sagot nya kay Chris.

"Mag-iipon tayo." sabi ni Chris at umupo sa tabi nya, "May naisip ako."

Pawang naging interesado si Bettina sa sinabi nito.

"Ano iyon?"

Inakbayan sya ni Chris habang hawak hawak ang isa nyang kamay, "Diba, magaling ka mag make up make up?" anito at pinagkrus naman ni Bettina ang braso nya.

"Ihh! Hindi naman masyado, slight lang aking bhe." pahumble nyang sagot kay Chris.

Ngumisi si Chris, "Hindi, magaling ka e. Nakita ko sa phone mo." pagbubunyag nito, "Yung mga tutorials mo." dagdag pa nito.

Napanganga si Bettina at tinignan si Chris, "Ehh!
N-Nakita mo?" bigla syang kinabahan.

"Oo."

Napatakip ng mukha si Bettina at nag inarte, "Ihh! B-Buya girl!" aniya at pinamulahan, "Ang daldal ko doon eh!" ungot pa nya at inalala ang mga video na sa phone.

Ang landi landi nya doon. Ginawa nya ang mga tutorials na iyon nung nasa Pangasinan pa si Chris at para maiwasan nya ang lungkot at itinuon nya ang pansin sa pagpapractice ng iba't ibang klase ng make up designs. Lagi nyang binabanggit ang pangalan ni Chris doon saka ngumingisngis sya ng napakalandi. Buya talaga ghirl!

Napatawa si Chris sa reaksyon nya, "Magaling ka, Birdie." deklara nito at tinignan sya, "Bakit hindi mo i-upload sa youtube?" tanong nito sa kaniya.

Inalis ni Bettina ang kamay sa mukhang namumula, "E-Eh...
n-nakakahiya ano." dahilan nya saka umayos ng upo, "Mga cheap lang naman ang products na ginagamit ko." sabi pa nya at tinignan ang reaksyon ni Chris.

Hindi ito kumbinsido sa sinasabi nya. Sana hindi ito na turn off sa kalandian nya sa video. Puro pa kyut at Chris ang bukang bibig nya doon. Shocks!

"Eh ano ngayon." sabi ni Chris at tumingin sa magandang tanawin, "Lahat naman nag uumpisa sa maliit."

Napanguso si Bettina, "Ehh, aking bhe." aniya at sumandal sa kaniyang bhe, "Maraming ibang magagaling kesa sa'kin." dahilan pa nito at pinagdikit ang hintuturo.

Umiling si Chris, "Para sa'kin ikaw ang pinaka magaling, naintindihan mo?" sabi nito at tinignan sya.

Napangiti si Bettina,
"M-Mhmm..."

Nalulusaw sya sa sinabi nito, ang kaniyang bhe, naaappreciate ang mga obra nya.

Huminga ito ng malalim, "H'wag mong isipin 'yung mga nasa taas na. Dahil sila, marami ng pinagdaanan. Ikaw, na magsisimula pa lang, doon ka muna sa maliit hanggang sa lumaki." pangaral nito sa kaniya, "Ang isipin mo, kung paano ka mag-iimprove." dagdag pa nito, "Gawin mo kaming inspirasyon. Kaming mga nagmamahal sa'yo. H'wag mong isipin ang sasabihin ng iba, maliwanag ba?" maotoridad nitong sambit at hinawakan ang magkabila nyang pisngi.

"Ehh, aking bhe, bat ka ganiyan magsalita." umiwas ng tingin si Bettina.

Ngayon nya lang nalamang may ganitong side si Chris. Yung mature na mature nagsalita at akala mo'y marami nang napagdaanan sa buhay.

Ngumiti si Chris, "Kasi gusto ko, gawin mo 'yung nakakapagpasaya sa'yo." sabi nito at hinaplos ang pisngi niya, "Kitang kita ko 'yung kasiyahan mo habang pinanonood ko ang mga video mo." pahayag pa nito.

Nilukot ni Bettina nag ilong, "N-Nakakahiya talaga..."

Tumawa si Chris at kinurot ang ilong nya, "Mahihiya ka naman, gulat nga ako e, pagworld class ang talent ng Birdie ko." pagmamalaki nito saka pinagkrus ang braso.

Namumulang tinapik ni Bettina ang braso nito, "Ih! World class ka dyun." sabi nya saka yumakap sa kaniyang bhe.

Inakbayan sya nito muli, "Upload mo sa tiktok saka sa Youtube." rekomenda nito, "Si Mario pag eeditin ko." dagdag pa nito at tinaas baba ang kilay.

Nag-aalangang tumingin si Bettina kay Chris, "Aking bhe..."

Chris tsked, "Akong bahala." anito at ngumiti, "Magvideo ka lang ng magvideo."

Huminga ng malalim si Bettina at isiniksik ang sarili kay Chris, "S-Sige, sabi mo eh." sagot nya at napaisip, "Malinaw naman ang camera ng phone ko hano?" tanong nya sa kaniyang bhe.

Importante rin kasing malinaw ang quality ng camera para hindi malabo at magandang panoorin.

"Next time, pagsumesweldo ka na. Bibili ka ng sarili mong camera syempre."

"Sweldo ka dyun." napanguso si Bettina, "Pinag-aaral ko pa ang mga kapatid ko noh."

Napatawa si Chris, "Kaya nga magtiis ka muna, dagdag income din 'yon." sabi pa nya.

Tumango si Bettina, "Sabagay." sinulyapan nya ang kaniyang bhe, "Eh ikaw bhe, kamusta ang trabaho mo?"

Nagbikit balikat si Chris, "Okay naman." sagot nito, "Magkaka assignment na nga ako."

Bigla namang nalungkot si Bettina ng marinig ang salitang assignment, "Hmm...Edi, malalayo ka sa'min?" tanong nya sa kasintahan.

Umiling si Chris at nagbuntong hininga, "Hindi ko alam, sana hindi."

Ngumiti si Bettina sa kaniyang bhe, "Basta ha? Lagi kang mag-iingat, okay?" paalala nya dito.

Ngumisi si Chris, "Yes, boss." sagot nito at hinagkan ang tungki ng kaniyang ilong, "Ikaw din, lagi kang mag-iingat. Marami pa namang siraulo ngayon." sabi nito at pinalagutok ang daliri.

Ngumisngis si Bettina, "Aking bhe, para san pa't tinuruan mo ako ng mga churva churva ek ek." aniya at humagikgik.

Naoangiwi si Chris "Anong churva ek?" kinurot nito ang ilong nya, "Basic Mixed Martial Arts." pagtatama nito.

Sumingkit ang mata ni Bettina, "Basic..." aniya, "The Butchelors lang ampeg?" natatawa nyang taning kay Chris.

Napairap ito, "Ang mga 'yon." bigla itong naasar, "Hindi ako binabati ng mga bwiset na'yon." sambit nito at kinuha ang phone.

Mula kaninang umaga ay wala pang bumabati sa kaniya kahit isa sa mga mokong na iyon, kahit si Rex na siraulo. Nasarapan ang tibo sa kandungan ni Apollogize.

Napalabi si Bettina, "Aru, nagtatampo ang aking bhe." sabi nya at kinurot ang pisngi nitong, paano'y nakabusangot habang nakatingin sa message box ng phone, "Baka naman mga busy." panghuhula nya.

Umirap si Chris, "Ewan ko sa mga hayop na 'yon." naiinis nyang itinago ang phone sa bulsa nya, "Porque ala akong handa e." nagtatampo nitong sabi pa.

Napatawa si Bettina habang tinitignan ang reaksyon ng kaniyang bhe, "Aking bhe, lahat kayo mahihilig sa pagkain hano?" tanong nya at iniharap ito sa kaniya.

Nagbuntong hininga si Chris, "Oo naman." sagot nito, "Bonding din namin iyon."

Napangiti si Bettina, "Ang saya ng may samahan hano?" tanong pa nya.

Kita nya kasi ang saya ni Chris kapag kasama ito lalo ng nung kasal ni Rex, para na rin silang nag reunion. At dahil doon marami pa syang nakilalang mga bekis at naging kaibigan na rin nya.

"Sobra." sagot nito, "Diba may samahan din kayo? TKK?" natatawa nitong sabi.

Bumusagot si Bettina, "TTK. Aking bhe naman." sabi nya at yumakap sa brasi nito, "TTK, The Tupperware Keepers." pagtatama nya.

Avah, may group chat na din sila sa instagram at ang pinaka maingay ay ang vaklang si Rosie.

She chuckles, "Ilan na kayo ron?"

"Hmm...may mga twenty na." napanguso si Bettina, "Ang hirap maghikayat. Kailangan ko ulit makausap si Motmot." sabi nya at inalala ang hirap ng pangungumbinsi.

Samantalang si Motmot nung kausap nila ni Ricky ay napabili na sila agad ng produkto nito. Minsan parang budol budol din ang business, kailangan magaling kang mambola ng bo-o!

"May number ako non." sabi ni Chris at tangkang kukunin ang phone.

Pinigilan sya ni Bettina "Naku, patatawagan ko nalang kay vaklang Ricky." sabi nya "Sya naman ang mahilig kumuha ng number ng mga friends ng Darling nyang may sapi." aniya at umirap.

Paano'y napaka feeling close ni Ricky sa mga yobmots na tropa ng kaniyang Darling na may kampon ni Satanas sa ngalangala.

Ngumisi si Chris sa sinabi nya, "Pero masaya silang kasama, hindi ba?" tanong nito at inalala ang tropa nyang mga yobmots.

Sumgayon si Bettina, "Oo naman. Ang kukulit. Kay sasarap pag-uuntugin." may halong asar nyang sabi.

Tawang tawa naman si Chris sa sinabi nya. May point naman kasi sya. Pero ang pinaka point talaga doon ay masaya itong mga kasama.

Mayamaya'y nagtatatakbong lumapit sa kanila si Uno kasunod ang asong si Bettina habang pawis na pawis, "Papay! Mamay!"

"Arf!"

Sinalubong ito ni Bettina at kumuha ng bimpo sa kaniyang tote bag, "Ayan napagod ka hano?" pang aasar nya sa anak, "Ihh! Pawis na pawis!" aniya at pinunasan ang likuran nito.

Kumuha si Bettina ng pamalit nitong damit sa kaniyang pink tote bag. Alam nyang ganito ang mangyayari, puro damo pa si Uno sa buhok at damit nito.

Ngumisngis si Uno, "Ang bilis tumakbo ni Bettina po." kwento nito kay Chris.

Napangiwi si Bettina ng marinig nya ang pangalan, "Ang weird talaga!" matinis nyang sambit at kumuha ng pulbos.

Kinuha ni Chris ang damit sa kaniya at pinalitan na si Uno, "Masaya ba kalaro si Bettina, baby Uno ko?" masayang sambit nito at inayos ang t-shirt ni Uno. Inabot nya kay Bettina ang basa nitong damit saka ito pinulbusan sa likod at mukha.

"Opo Mamay ko! Sasakay ako sa kaniya po e." masiglang sabi ni Uno habang pinupulbuhan nya ang mukha nito.

Inabutan sya ng tumbler ni Bettina, "Oh tubig, Uno."

Ibinalik iyon ni Uno sa kaniya, "Dede Papay." sabi nito.

Binusangutan ito ni Bettina "Tubig muna dali." aniya at pinunasan ang buhok nito, "Ang lagkit ni Uno."

"Pogi naman kamo, Uno." pagtuturo ni Chris sa kanilang anak.

Tumaas ang sulok ng labi ni Bettina at tinignan si Chris, "Kung ano ano tinuturo mo kay Uno ha..." may gigil nyang sabi ngunit nginisihan lamang sya ni Chris saka tinusok ang tagiliran nya.

Ngumuso si Uno matapos uminom ng tubig, "Mamay ko, kandong po ako, para tabi kami ni Bettina." sabi nito at sinunod naman ni Chris.

Nakadapa si Bettina sa tabi nya at nangangamot ng katawan. Natatawang tinanggalan ito ni Chris ng mga damo sa katawan. Paano'y nagpagulong gulong sila ni Uno sa damuhan.

"Hmp!" napairap si Bettina habang nagtitimpla ng gatas ni Uno, "Mas love na nya ang aso kaysa sa'kin." may tampo nitong sabi.

Kinurot ni Chris nag ilong nya saka inabot ni Chris ang tumbler kay Bettina, "Selosa naman 'to." natatawa nyang sabi.

"Tse!" umirap si Bertina at inaabot ang bote ng gatas kay Uno, "Ubusin mo 'yan Uno."

Ngumiti ng pilyo si Uno, "Papay! Cocomelon!"

Napahinga ng malaim si Bettina at kinuha ang phone, "Jusko, surang sura na ako sa kanta dyun!" reklamo nya at asar na inilagay sa likod ng tenga ang buhok with matching irap ng mata.

Natatawang nakinood si Chris kay Uno habang dumedede, "Ganiyan din pinapanood nila Achi saka ni Erine." kwento nya kay Uno saka ito niyakap.

Nanonood sya ng row row row your boat, gently down the stream~ churva.

Biglang tumingin sa kaniya si Uno saka inalis ang dede sa bibig, "Nipapanood nga po ako Mamay ni Erine sa ipad nya e." sabi nito at nilukot pa ang ilong.

Nakangiting kinurot ni Chris ang ilong ni Uno, "Sus, crush mo ba si Erine?" nang aasar nyang tanong dito.

Umirap si Bettina at padabog na tumabi sa kanila, "Ay wala munang crush crush at bata pa." deklara nito at yumakap sa braso ni Chris, "Lalo na kung ang ama ay si Rosie na chaka." umiirap nyang sambit.

Inirapan sya ni Chris, "Wag mong pakinggang iyan Uno."

Ngumisngis si Uno at humarap sa kaniya, "Eh, bulong ko sa'yo Mamay ko." anito at bumulong ng malakas sa tenga ni Chris, "Ang cute po ni Erine pag nagsmile sya e." nakangiti nitong pahayag at bumalik sa panonood.

Napanganga si Bettina sa sinabi ng anak, "Naririnig kita Uno." sabi nya at kinurot ang pisngi nito, "Ang bata bata pa."

Natatawa itong kinaliti ni Chris, "Ayiee! Crush si Erine." pang aasar nya pa.

Sinmaan sya ng tingin ni Bettina, "Isa pa itong si Chris." anito at tinapik ang braso nya, "Alam mo bang 'yung anak na bugnutin ni Ricky ay bet din si Uno?" naiistress nyang kwento kay Chris.

Lumiwanag ang mukha ni Chris, "Talaga?" tumawa ito at pinanggigilan ang pisngi ni Uno, "Ang pogi talaga ni Uno e, mana sa'kin."

"Oo parehas kayong chickboy!" umirap si Bettina at pinamewangan silang dalawa, "Naku, wag po sanang lumaking babaero ang aking anak mga inang reynang mahabagin." hiling nya at pinagsaklop ang mga kamay saka tumingin sa itaas.

Kinurot ni Chris ang ilong nya, "Natural lang iyon sa mga pogi." sabi nito at nagmahambog nanaman.

Napanganga si Bettina, "Sige Chris, ipagpilitan mo--Ouchie!" napadaing sya ng kagatin ni Chris ang balikat nya.

"Sungit."

Umirap si Bettina, "Hmp! Tara ngang magpicture at maiposyrsa IG, iinggitin ko ang mga followers ko. Hashtag happy family." masaya nyang sambit ni Bettina at niready ang phone, "Tama ba aking bhe?" yumakap sya kay Chris.

"Yeah." napangiti sya at pinagmasdan ang mga kasama, "Happy Family."

🌻🌻🌻

"Birdie, ala bang kuryente?" bungad ni Chris ng makapasok sila sa kanilang bahay, "Ang dilim naman." sabi nya pa.

Hapon na silang umuwi at talaga nga namang madili sa paligid. Karga karga nya si Uno habang si Bettina naman ay maghapong nakalingkis sa braso nya.

Natatakot na yumakap si Uno sa leeg ni Chris, "Mamay ko, may mumu po yata."

Umaktong natatakot rin si Bettina at humigpit ang kapit kay Chris, "Hala Uno, may mumu nga ata..." aniya sa anak.

Napanguso si Uno, "Ehh Papay ko."

Sumingkit ang mata ni Chris ng makaamoy ng kapwa nya ganon rin ang amoy, "Parang may mali..." mahina nyang bulong at pinamasdan ang paligid.

"SURPRISE!!"

"HAPPY BIRTHDAY BOSSING!! HAPPY BIRTHDAY BOSSING JUNIOR!!"

Tama si Chris, amoy mga yobmots nga katulad nya. Kumpleto ito pati si Rex ay narito din, si Mhyles saka si Mario. Napatampal ng noo si Chris ng magkalat ang confetti sa lapag at nalagyan pa sila ni Uno sa ulo.

Kinikilig na yumakap sa kaniya si Bettina, "Suprise, aking bhe at sa'king junakis!" anito at pinaghahalikan silang dalawa.

"Sabi ko na e..." sabi ni Chris at tinignan ang mga makakapal ang mukhang mga yobmots. Nakasuot ito ng kanilang The Butchelors shirt at mga naka track suits at shades pa.

Dala dala ni Mario at Motmot ang dalawang cake at iniharap sa kanila ni Uno. Mga mukhang mamahalin iyon at chocolate flavor. Bossing Junior ang nakalagay kay Uno at Bossing Chris ang nakalagay sa kaniya.

"Yehey! Cake!" masayang sabi ni Uno, "Salamat po mga Bossing!" sabi nito at isa isang nilapitan ang mga Bossing at humalik sa pisngi.

Kinarga ito ni Gabby, "Welcome Bossing Junior." sabi nito at kinurot pa ang pisngi ni Uno. Pinanggigilan nilang dalawa iyon ni Dex saka binigyan ng mga chocolates at sobreng itim na naglalaman ng cash.

Lumapit sa kaniya si Rex at Vin, "Oh bossing, dahil mukha kang pera. Cash nalang ang regalo namin sa'yo hehe." ngumingisngsi nitong ibinigay sa kaniya ang makapal na sobreng kulay itim pa at may The Butchelors badge.

Natutuwang binulatlat ni Chris iyon, "Buti naisip nyo 'yan hehe." sabi nya at nagngingisngis, may pampaganda nanaman sya ng motor.

Kumamot ng ulo si Vin, "Syempre mukha din kaming pera hehehe." ginatukan ito ni Rex.

Sumigaw si Bok, "Mga bossing kainan na!!" natitimawaang sabi nito at nasa lamesa na pala at nakasandok na din sya ng sandamakmak na pagkain. "Napakatagal kasi nitong si Bossing gutom na gutom na ako." paninisi nito kay Chris at nagsimulang lumamon.

Dinunggol sya ni Gabby na karga karga si Uno, "You are always hungry, freak." asik nito sa kaniya.

Gigil syang tinignan ni Bok ng magulo ang ayos ng pagkain nya, "Inamo Gab, inamo."

Muli nanamang nagmurahan ang dalawa kay ibinigay muna ni Gabby si Uno kay Dex at nakipag away kay Bok.

"Kasabwat ka pala ha..." pinasingkit ni Chris ang mata saka hinapit ang bewang ni Bettina na kanina pa natutuwa sa nakikita.

Kumapit ito sa balikat nya, "Hehe, syempre aking bhe. Ako ang girlfriend mo eh." aniya at kinilig kilig.

Inabot ni Chris ang sobra sa kaniya kaya nagsalubong ang kilay nya, "Oh, sa'yo iyan."

"Tago mo muna, Birdie." kumindat ito sa kaniya.

"Hmp." sabi nito at inilagay sa loob ng tote bag ang sobre, "Ginawa pa akong banko."

Napairap si Chris, "Tss. Paano nila napapayag si Mamita? Saka bakit mo pinapasok ang mga iyan sa bahay nyo eh mga balasubas 'yan?" sunod sunod nitong tanong at nag alala.

"Naririnig ka namin bossing." sabi ni Bok na may icing sa mukha, "Hindi kita mumurahin dahil birthday mo." dagdag pa nito at dumakma ng icing at ipinunas iyon sa mukha ni Gabby.

Lahat sila ay may mga chocolate na sa mukha, pati si Uno. Napangiwi si Chris, diba mga balasubas.

"Talaga. Wag kayong magkakalat sinasabi ko sa inyo." aniya ngunit huli na sya.

Marahang tumawa si Bettina at yumakap sa leeg nya, "Okay lang iyon aking bhe, paminsan minsan lang naman ih." sabi nito at akmang hahalikan si Chris.

Bigla itong umiwas sa kaniya, "Eh bakit may case ng beer dito?!" sigaw nya at pinuntahan ang tatlong case ng beer sa sala.

Sumagot si Vin, "Shot tayo bossing!" sabi nito at nagtatalon kasama si Mario, "Pumayag na si Bettina saka si Mamita!"

Napanganga si kay Bettina,
"P-Pumayag ka?"

Lumapit si Bettin asa kaniya at muling ipinalupot ang braso sa leeg nya, "Oo basta wag ka lang masyadong uminom at nakakaloka pag lasing ka." paaalala nya sa kaniyang bhe.

Napakamot ng pisngi si Chris, "Oo nga eh." alanganin itong tumingin kay Bettina, "Sige, thank you ha?" aniya at ipinalupot rin ang braso sa bewang nito.

Umiling iling ang vakla, "Wala iyon aking bhe, ang dami nga palang nagpadala sa iyo ng regalo galing sa Pulisya at kila Chief saka Boss Ponky saka sa mga kaibigan mo." inginuso nito at sandamakmak na present gifts sa sala nila, "Aking bhe, pak na pak ang famous mo." proud nitong sabi sa kaniya at pinagdikit ang labi.

Tumaas baba ang kilay ni Chris, "Talaga." anito at tumingin sa kaniya, "Eh...ikaw, anong regalo mo sa'kin?" may ibig sabihin nitong tanong sa kaniya.

Nilukot ni Bettina ang ilong, "Ihh! Akala ko ba sapat na ang magpicnic tayo?" pag iinarte nya.

Inilapit ni Chris ang mukha sa tenga nya, "Ala bang pa birthday sex?" sabi nito at marahang tinapik ang pang upo nya.

Pinamulahanan si vaklang Bettina, "Ihhh! Aking bhe. Baka marinig ka nila." nahihiya nyang sabi, "Saka iinom naman kayo e, wag na..." pag iinarte nya muli.

Nagdalawang isip si Chris, "Edi hindi na ako iinom garod." pasya nya kaya natuwa ang werlogs ni Bettina.

Kinikilig sya nitong tinapik sa balikat, "Ihhh! Aking bhe, basta." sabi nya at kinindatan pa si Chris, "Akong bahala, rawr!"

🌻🌻🌻

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
4.7M 169K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
Want You Forever (Book 2) Par kang

Roman pour Adolescents

64.5K 1.8K 35
Book 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...