Eh kasi, BAKLA!

Por youmikrogotme

93.2K 2.1K 379

Husga pa, sige! Husgahan nyo lang! Kapag kayo, ginamitan nila ng charms, baka malaglag mga panty nyo! Kaya ku... Mais

..
EKB 1.1
EKB 1.2
EKB 1.3
EKB 1.4
EKB 1.5
EKB 1.6 - final -
EKB 1.7 - Hair Extension? Let Me Flip It! -
EKB 1.8
EKB 1.9
EKB 1.10
EKB 1.11 - Enough na -
EKB 1.12 - Overtime! -
*********Eh kasi, BAKLA!*
EKB 2.1
EKB 2.2
EKB 2.3
EKB 2.4
EKB 2.5
EKB 2.6
EKB 2.7
EKB 2.8
EKB 2.9 -final-
EKB 2.10 - Hair Extension!! -
EKB 2.11
EKB 2.12
EKB 2.13
Note

EKB 2.14 - Enough na! -

2.2K 32 0
Por youmikrogotme

EKB 2.14 - Enough na! - 

==

"Yung fans mo nasa labas!"

"Seryoso ka?" Napatingin sa akin ang ilang staff dahil napalakas ang boses ko. Nginitian ko na lang sila. 

"Hindi, Frank. Nagbibiro lang ako. Media talaga 'yung nasa labas." 

"MEDIA?!" Napatingin na naman sila sa akin kaya napagdesisyunan kong lumabas na ng building. "Ano ba kasing nangyayari dyan, Magic?"

"Wala! Nakakainis ka. UNA, HINDI MO AKO BINATI NUNG MONTHSARY NATIN. PANGALAWA, HINDI MO KO SINIPOT NUNG NAG-ANTAY AKO! PINAPUPUNTA KITA DIBA? PANGATLO, HINDI MO SINABI KUNG ANONG MERON!"

"Magic, kumalma ka muna please." 

"HOW?! NI HINDI KA NAGPAALAM NUNG UMALIS KA! HINDI KA NAGTETEXT O TUMATAWAG! Tapos ngayon ano, may butete dito na nagsasabing hinahire nila ako dahil nirekomenda mo ako?!" Natawa ako nung sinabi nya 'yung butete. Meant to be talaga kami 'no?

"Ano? Tatawa-tawa ka dyan akala mo natutuwa ako sa ginagawa mo!" 

"Magic naman kasi. Hindi--"

"Ang gulo mo!" At dial tone na ang sumunod. Masyado na nga ata ang nagawa ko. Enough na para magalit sya. Tinawagan ko sya ulit pero hindi na sumagot. Para tuloy akong tangang palakad-lakad sa labas ng building hanggang sa maisipan kong abangan nalang sila sa bahay. Hindi ko naman sila pwedeng puntahan sa Batangas dahil baka umalis na sila. 

Dahil hindi ko naman macontact si Magic, 'yung butete nalang ang tinawagan ko. Sinabi nya na umalis si Magic at iniwanan sya. May mga fans raw na nakasunod sa kanya nung pumunta sya sa Batangas at hindi niya alam kung paano. Tinanong ko kung nakita nung mga fans na umalis si Magic. Ang sabi nya, oo, nakita raw dahil muntik pang banggain ni Magic 'yung iba. HAY NAKO TALAGA! Hindi nya rin naman alam kung saan pupunta si Magic kaya pinutol ko na ang tawag.

Umuwi ako sa amin. Nagbabakasakali lang naman ako na umuwi sya dito atsaka ko sya kakausapin. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya lahat through text o sa tawag dahil nagkikita naman kami at mas malinaw kung harap-harapan. Bago ako tuluyang pumasok sa subdivision namin, nagbilin ako sa guard na kung may papasok at gustong puntahan ang bahay namin o kahit ang street namin, ipaalam nya muna sa akin. May directory naman duon. 

"Frank! Ang pogi mo sa TV!" Bati sa akin ni Tiffany pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. "Too bad, sa TV nga lang."

Binigyan ko sya ng poker face dahil wala naman akong kailangang sabihin. Umupo ako sa sofa namin at sinapo ang ulo ko. Ano ba naman 'to! HINDI BA AKO PWEDENG MABUHAY BILANG MARKETING STUDENT NA GWAPO? 'YUNG HINDI NAISTRESS DAHIL KAILANGAN KONG ISIPIN NA BAKA MAY MAPAHAMAK DAHIL LANG GWAPO AKO! HAY! ANG GWAPO KO TALAGA!!! Sa sobrang gwapo ko nakakabwisit na! 

"Frank sorry."

"Sorry saan?"

"Kasi kung hindi ako nagpumilit iparealize sa'yo na pogi ka, macho at papable, hindi mangyayari 'to."

Tinawanan ko lang sya. Masyadong occupied ang utak ko kakaisip kay Magic at sa gagawin ko. Maybe partly kasalanan rin nya pero sya ang dahilan kung bakit ko nakilala si Magic. Ngayon, ano na? Anong mangyayari sa amin? Bakit ba kasi sinundan nung ibang fans 'yung buteteng 'yon? O baka naman may nakakita lang? Paano kung may kapitbahay pala si Magic na kilala ako tapos hindi lang lumalantad? PANO 'PAG LUMANTAD SYA!? AAHH. Paano kung awayin nila si Magic? Maghahanda na ba ako ng machine gun? At isa pa. Galit si Magic sa akin at nasisiguro ko 'yun.

"Hoy 'wag kang masyadong mag-isip, baka pumangit ka." Tinapik ni Tiffany ang balikat ko at tinignan ko lang sya. Nginitian pa ako. Palibhasa kasi hindi sya 'yung nasa sitwasyon. "Tumawag 'yung guard, may sasabihin ata sa'yo." 

I gave her a 'thank you' look tapos tumayo na ako at pinuntahan ang telepono. "Hello?"

"Hello, ser! May mga gusto kasing pumunta dyan sa---"

"'Wag mong papuntahin."

"Eh ser!"

"Ano bang sabi ko?" Hindi ko mapigilang gamitin ang boses na ginagamit lang ng kontrabida. Ayoko na lang talagang magkagulo dito kaya wala na akong ibang choice. Mabuti sana kung pwede akong magbarikada sa bukana ng kalye namin e.

"Teka lang ho kinakausap na nga e--- Ser, may malubha ka bang sakit?"

"Huh?!" ANONG KLASENG TANONG 'YAN?

"Ma---Teka ho!---Ser pumasok na sila! Sabi nila mamamatay ka na raw kasi kaya---"

Napagtagpo ko ang mukha ko at ang palad ko. Hindi nga naman ako ang nag-iisang nakatira dito. "Ano.. Manong guard, sige hayaan mo nalang 'yung sinabi ko kanina. Salamat nalang."

"Ganon ba ser? Sige ho." Binaba ko na ang telepono at bumuntong hininga talaga. Natatanga na ako.

Hindi ako bagay na bida sa isang storya. 'Yung mga bida kasi, palaging matalino. Hindi nakakalimutan 'yung mga bagay-bagay at palaging may solusyon. Ako? Anong solusyon ko? WALA? Galit pa sa akin si Magic at hindi ko sya macontact.

"Frank! Frank si Magic nasa--HOOOOOOOY!" Nagulat ako nang biglang magsisisigaw si Tiffany tapos bigla pang lumabas! 

"TIFF!" Sumunod naman ako agad dahil narinig kong binanggit nya ang pangalan ni Magic. Paglabas ko, parang gusto ko nang pumasok ulit kaso kumulo agad ang dugo ko nang makita ko ang mga babaeng nagkalat sa kalye namin at mukhang may planong kuyugin ang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay ni Magic. May mga camera pa 'yung iba. 

Di kaya sila rin 'yung itinawag ng guard kanina at gumawa lang sila ng scheme para makapasok? Ay nako naman! 

Lalabas na sana ako ng gate pero biglang hinigit ni Tiffany ang braso ko. "Baliw ka ba? Makikigulo ka pa?"

"Konti lang naman sila e." Mahina kong sabi sa kanya. Hindi naman siguro ako malalasug-lasog kung lalabas ako. Never ko pang nasubukang makihalubilo sa kanila pero nadala na ako nung may humabol sa akin nuon.

Nagulat kaming dalawa nang may magkalabog ng pintuan ng sasakyan. Lumabas si Magic dun at binigyan ng death glare ang mga babae sa paligid. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi sya ginalaw o kung anuman. Natakot siguro. Kahit naman kasi maliit si Magic, may magic 'yung mga pagsusungit nya e.

Gusto ko syang lapitan kaso parang border 'yung kalye na kapag lumapit ako at lumabas sa comfort zone, may mangyayaring hindi maganda. Nandito na naman ako sa sitwasyon kung saan naiipit ako dahil natatakot akong makihalubilo sa mga taong hindi ko kilala. Eh hindi ko naman kasi alam kung anong gagawin nila sa amin. 

"Frank!" Ano ba. Uso ba sigaw ngayon? Uso ba?! Bakit lahat sumisigaw?!

"Si Frank nga!" Ginamitan ko rin sila ng death glare at natahimik rin sila kaso parang nag-ala Jimmy Neutron sila dahil matapos nila akong tignan ay tinignan nila si Magic na papapasok sa bahay nya tapos tinignan ulit nila ako. Trouble. Mabilis talaga silang magconclude. Nang makita ko si Magic na sinususian ang gate nya, nag-alala akong baka hindi ko na naman sya makausap. BAHALA NA. 

Hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yung lakas ng loob na lumabas ng gate namin. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko 'yun ginawa. Siguro tinulak ako ni Tiffany? Pero hindi dahil alam kong hindi. Tumakbo ako papatawid para mahawakan ang braso ni Magic. Wala na akong pakialam kung makita man nila. Sabi nga, kung mapagalitan ka lang rin naman, bakit hindi mo pa itodo 'yung gagawin mo para worth it. 

"Anong problema mo?" Kunot-noo nya akong tinignan. 

"Wala. Ikaw?" Nginitian ko sya.

"Pwede ba, Frank. 'Wag mo na akong idamay sa... magulo mong buhay." She sounded like loathing pero wala lang sa akin 'yun. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na nawalan ka na ng pakialam sa sasabihin o gagawin ng iba. Basta gagawin mo nalang 'yung gusto mo regardless of what consequences it will bring. 

"Parang kanina lang naiinis ka dahil hindi ko sinabi sa'yo a?" Tinawanan ko sya. Pilit ko syang tinitignan sa mga mata nya pero iniiwas nya 'yon. Nahihiya ba sya? I heard some cameras pero wala naman na talaga akong pakialam. Gusto kong magsorry sa kanya. Gusto kong magsorry dahil sa sobrang pag-aalala ko, naging actionless na ako. Masyado akong naging paplay safe kaya, eto. 

"Tingin ko sisirain ko lang ang career na para sa'yo kaya mamili ka ngayon din--"

"Ikaw ang pinipili ko." Bigla syang nagblush. Haha ang cute!

"H-Hindi pa ako tapos--"

"Pero kahit ano pa man 'yun, ikaw pa rin ang pipiliin ko. Kahit 'wala ka sa choices, ikaw parin." Mas lalo syang namula.

"Is this your way of saying sorry?" 

"Sinong nagsabing nagsosorry na ako?" Napatingin sya sa akin nang nanlalaki ang mga mata. Naiinis na naman. Haha moment wrecker ba naman boyfriend mo e. "Hoy kayo!" Napahigit sya sa braso ko nang sigawan ko 'yung iilang mga babaeng nakatumpok sa isang gilid at may mga hawak na camera. Sa South Korea, ang tawag sa kanila ay mga fansite masters. May fansite na rin kaya ako?

"Frank." Natatakot 'yung boses nya pero hindi ko pinansin. Wala muna akong pakialam sa mga takot namin ngayon.

"Girlfriend ko!" Tinuro ko si Magic ng nakangiti tapos awkward rin silang ngumiti sa akin. Siguro dahil ngayon ko lang ginawang kausapin sila at hindi mainis sa ginagawa nila. Tinatakbuhan ko pa nga sila diba? "Nagtatampo e."

Nagthumbs up 'yung iba, 'yung iba kumukuha parin ng litrato, pero karamihan ay nakangiti naman. Nakaramdam ako ng kapayapaan. 'Yung, parang nag-away kayo ng kapatid mo, you won't talk for days, tapos mag-uusap ulit kayo na parang walang nangyari? Ganun. Ganung-ganon ang nararamdaman ko.

"Frank..." Mahina ang boses nya. Tinignan ko sya tapos inakbayan ko bago ako kumaway sa mga babaeng kumukuha ng litrato. Maayos naman pala silang kausap e. Naglakad kami papapasok ni Magic sa bahay nya at nakita kong nagretreat naman na 'yung mga babae. Wala. Wala naman 'yung inaasahan kong gulo. Natakot lang siguro ako masyado.

Iniharap ko sya sa akin at isang malutong na sampal sa pisngi ko ang ibinigay nya. "WALANGYA KA!!"

"Bakit!" Napahawak ako sa pisngi ko! MASAKIT!

"BAKIT MO SINABI 'YON! PANO NALANG YUNG ANO!?"

"YUNG ANO!?!" Sinigawan ko rin sya?

"Yung...YUNG---"

"IKAW NGA KASI PIPILIIN KO KAHIT WALA KA SA CHOICES DIBA?!" Namula na naman sya. "ATSAKA MAKIKITA KA RIN NAMAN NILA SA MOVIE! 'WAG KA NANG MAARTE!"

"HOY HINDI PA AKO PUMAPAYAG!!"

"PAPAYAG KA RIN NAMAN KASI AKO 'YUNG KAPARTNER MO!!"

"LECHE KA!"

"MAHAL MO NAMAN!" Naitikom nya ang labi nya. "Wag ka na kasing matakot. Magkasama naman tayo e."

"Wooh. Nagsalita ang matapang." Umiwas sya ng tingin.

"Nag-iingat lang ako nun." Nagsmirk sya sa akin.

"Kaya na ba natin?" I find it cute. Para kaming sasabak sa gyera pero ang totoo, dakdak lang naman ng managers at directors ang sasagupain namin. Isama mo na rin 'yung sa mga reporters. Pero hindi naman nila kami kayang sirain dahil parang magbabakasyon lang kami dun sa industriya nila. I smiled at the thought. Kahit anong mangyari, kami parin 'to. Hindi kami dapat maapektuhan sa sasabihin nila.

"Oo naman." Tumahimik sya ng ilang segundo. "Nagtatampo ka parin ba? Ano bang gusto mong gawin ko?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya pero natigil ang momentum ko nang may nagsalita.

"Ehem. Alis na ko." Tumingin kami ni Magic sa likod ko (pandak kasi sya kaya malamang hindi nya rin nakita) at nandun sa may gate si Tiffany. "Wala sige ituloy nyo lang. Gusto ko lang sanang sabihing hindi parin sila umaalis."

Gamit ang labi nya, itinuro nya ang ilang mga babaeng hindi parin umaalis na nakasilip sa kakarampot na space. Napabusangot nalang ako. Kaya namin 'to, diba?! 

July 21..

Ang araw na ipinagsigawan kong mahal ko sya. Ang araw kung kailan narealize ko na hindi naman pala dapat ako matakot. Kung takot ako, anong mangyayari? Takot nalang ako palagi? Ang araw na.... bunga ng December 23. Masarap sa pakiramdam mawalan ng pakialam sa mga bagay-bagay. Pero mas masaya kapag may kasama ka.

WOOOOOOOH! FRANGIC FOREVER!

Kung may angal ka, isipan mo nalang kami ng panibagong couple name.

Continuar a ler

Também vai Gostar

24.1K 1.2K 27
She had three ex-boyfriends, but none of them allowed her to have a healthy relationship. The first one left her, the second one fell out of love wit...
86.8K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
6.9K 160 40
Different types of Filipino and English Poetries. ✅ Free verse ✅ Tanaga ✅ Haiku ✅ Limerick Note: All of my works are myself written remember plagia...
120K 3.9K 55
Andrei Joanna Suarez dreaming to have a prince charming,a dream boy sabi ng iba.Pero pano kung ang prince charming/dream boy na pangarap nya ay isa...