Unwanted Lover

By lil_marxxxii

236 0 0

This is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng aut... More

Simula
I
II
III
Readers
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
Author's note
XV
XVI
Ikalabing-pitong Kapitulo
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
Readers
XXXIII
XXXIV
XXXV

XXV

0 0 0
By lil_marxxxii

Unknown PoV

Kararating ko lamang dito sa bahay. Pinatawag daw ako ni Master Halgo kaya naging maiksi ang pagkikita namin ni Akumi. Alam ng Diyos kung gaano ko gustong ikwento lahat sa kanya , pero for the meantime ang tanging pwedi oo lamang sabihin ay kilala ko sila at poprotektahan ko sila.

Kating-kati na ang dila ko para ikwento lahat sa kanila kung hindi lamang makakasira sa plano. Alam ko kung gaano nila ako kinamumuhian. Paano ko nalaman? Lagi akong nakasubaybay sa kanila. Lahat ng pangyayari sa buhay nila alam ko. Alam kong nabuhay sila sa malaking kasinungalingan. Yung panahong may nagpadala ng pugot na ulo na manika sa kanila alam kong mga tauhan iyon ni Victor. And I was the one who killed it.

Hindi na bago ang pagpatay sa akin , ipinanganak kaming ganun. Minulat kami sa ganung buhay. Pinalaki kami sa ganitong paraan. Kapag nakapasok ka sa grupong ito wala ng alisan, wala ng atrasan. Pero ginagawa lamang namin ito kapag alam naming tama. Pinalaki kaming nakahawak ng baril at kung ano-anong klaseng armas pero ginagamit lamang namin ito kapag naaagrabyado kami.

"Yuki, hanggang kailan mo ba itatago ang katotohanan sa kanila? Marami ka ng nagawa sa kanila. Hindi ba ito ang tamang panahon para sabihin sa kanila ang lahat?" ilang beses na akong pinilit ni Master Halgo na umamin sa magkapatid. Pero kagaya ng lagi kong sinasabi makakasira lamang iyon sa plano.

"Alam mo naman ang isasagot ko jan, Master. Makakasira lamang iyon sa plano. Kapag nalaman nilang ako si Yuki , sigurado akong gagawa sila ng paraan para mawala ako sa landas nila at kapag nangyari yun magagaya sila sa mga magulang namin. At hindi ko hahayaang pati sila mawala sa akin."

Lumaki silang ako ang inaakalang pumatay sa mga magulang nila. Pero paano ko gagawin iyon? Kung limang taong gulang pa lamang ako ng mamatay ang pareho naming magulang. Paano ko magagawa iyon sa taong mahal?

"At least ang katotohanang hindi ikaw ang pumatay sa mga magulang nila. Lumaki silang kinamumuhian ka. Paano kapag nalaman nilang ikaw si Yuki? Kahit kay Akumi lamang. Alam kong maiintindihan ka nila." minsan talaga ay nakakainis na itong si Master. Siya ang nagplano ng lahat tapos kukulitin niya akong sabihin ang totoo? Nagbibiro ba siya?

"Siguro kapag natapos na lahat ng problema at naubos na natin sila Victor." huling sinabi ko pagkatapos ay umakyat patungo sa kwarto ko.

Kahit ako ay hindi ko alam kong  paano ko sasabihin sa kanila. Gusto ko sa time na iyon, ayos na ang lahat wala ng Victor ang mananakot at makakapatay.

-
Jiyo PoV

Lunes na. Parang ang habang weekends ang lumipas. Mabuti na lamang at katext ko si Margaret ganun din ang tropa.

Buong magdamag akong walang tulog kaya di na ako magtataka Kong magmukha akong zombie na walang tulog.

Maingay na ang room ng pumasok ako. Halos tungkol sa aquintance party sa Friday ang naririnig ko. Oo nga pala sa biyernes na iyon. Hanggang ngayon ay wala pa akong susuutin dahil wala naman akong balak na pumunta lalo na at si Ryumi ang kapartner ko. Buti sana kong si Margaret ay hindi ako nagdadalawang isip na pumunta.

Natapos ang kalahating araw na puro paalala sa aquintance party. Discussion lang din ang naganap. At bukas ay magkakaroon na naman ng quiz sa lahat ng subject namin ngayong umaga. Talagang hindi naaawa sa amin. Linggo linggo atang nagpapaquiz. Kailangan ko ng matinding pag-aaral mamaya sana lang ay walang istorbo.

"Uy, ano? May susuutin na ba kayo para sa Friday?" tanong ni Merds ng maihatid ang pagkain namin. Lunch break na kasi. As usual parang fiesta na naman ang lamesa namin.

Kasama na din namin si Margaret kumain. Bale lima na kami ngayon sa pwesto namin. Ang nakakainis lang e ako at si Margaret ang naging tampolan ng asaran ng tatlo na to. Lagi akong nilalaglag ng tatlo na to lalo na ang tungkol sa pagkakaroon ko ng gusto kau Margaret. Hindi pmba pweding ilihim?

"Meroon." sabay na sabi ni Anthony at Margaret. Malamang mapepera ito e. Baka nga nakaraan pa sila nakabili.

"Ikaw, Jiyo?" nakataas ang kilay ni Merds ng tanungin ako. Sasabihin ko bang wala o sasabihin kong ayaw kong pumunta? Bakit ba kasi si Ryumi pa ang naging kapartner ko at hindi si Margaret?

"Meroon. Diba, KUYA?" si Akumi na ang sumagot sa akin. At anong meroon? The hell.

"Wa... Aray." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tapakan ni A ang paa ko at pinandilatan ng mata.

"Ayos ka lang ba Jiyo?" nag-aalalang tanong ni Margaret. So sweet. Kaso nawala ang kikig ko ng ipinakita ni A ang selpon niya at pabulong na binigkas ang Mark. Puta, nambablockmail na naman.

"Ah , oo. Kinagat lang ako ng langgam. Marami palang langgam dito no?" makakatikim talaga tong si Akumi mamaya. Nagthumbs up pa ang gaga.

"Good. Kami na bahala hahanap ng pwesto natin, diba Anthony?" nagpapacute ba tong si Merds na to? Well, cute naman talaga.

"Do whatever you want, Merds." ngumunguyang sagot ni Anthony. Hanggang ngayon talaga hindi pa din nagkakasundo.

"Kayo talaga ate Merds at Kuya Anthony, kailan ba kayo magkakasundo? Baka malaman na lang namin magkagustuhan na kayo. Yieee " tinapik ko si Akumi. Bibig talaga ng babaeng it walang preno. Asa ka oa sa dalawang iyan na magkagustuhan. Manalangin ka na sa lahat ng diyos na kilala mo.

"Never." sagot ni Anthony. Halata namang wala talagang oag-asa lalo na kapag si Anthony ang pagbabasehan. Galit ata sa mga babae.

"Malay natin." namumulang sagot naman ni Merds. Halatang may gusto ito kay Anthony. Lahat ata ng lakad e sinasama si Anthony kahit ayaw naman ng isa.

.
Natapos ang maghapon na puro discussion buti na nga lang at hindi magpapaquiz ang mga guro sa hapon. Kung hindi dudugo ang ulo ko kapag binasa ko lahat ng yun.

Palabas na kami ng room ng biglang may humarang sa akin na dalawang estudyante palagay ko ay BM ito dahil sa uniform nila. Bitbit nila ang isang box na binalot ng gift wrapper. Kanino na naman ito galing?

"Kilala niyo po si Jiyo?" tanong nong isang babae na maikli ang buhok at may braces ang ngipin.

"Ah, ako si Jiyo. What do you need?"

"Ah, may nagpapabigay po na lalaki doon sa labas." inabot nila ang box na bitbit nila kanina. Hindi ko naman birthday. Kanino kaya galing ito?

"Ah, salamat."

Mabilis na umalis ang dalawa at kami namang tatlo ay kaagad na umupo sa malapit na bench at binuksan ito.

Dumaloy ang kaba at takot say buong sistema ng katawan ko. Isang puting barong ang nakita ko na nababahiran ng dugo. Agad ko itong naibalik sa lalagyan dahil sa pagkagulat. Ganun din sina Merds at Anthony. Kailan ba titigil ang mga ito? Galing din ba ito sa nagbigay ng manikang walang ulo? Pero halos isang buwan na ng mangyari iyon. Ngayon na naman naulit. Agad kong tinakpan ang kahon.

"Tangina, Jiyo. Kanino galing yan?" halata ang takot sa boses ni Merds. Sino bang hindi matatakot?

"May alam ka ba na pweding mahpabigay niyan, Ji?" concerned na tanong ni Anthony. To be honest wala. Wala akong ideya kung kanino galing ito.

"Wala, wala akong maisip. Pero isa lang ang nasisigurado ko, galing ito sa mga taong nagbigay din ng manikang pugot ang ulo." hindi talaga ako sigurado pero wala ng ibang gagawa nito kundi sila.

Mabuti na lamang at wala ng gaanong tao. Kaya madali lamang namin naitapon ang karton.

Mabilis ang takbo namin ng maalala ko si Akumi. Nakakasigurado akong nasa gate na siya. Maaaring nandon din ang nagbigay ng kahon na iyon. Delikado siya.

Habol hininga ng maabot namin ang gate. Agad kong hinanap si Akumi. Nakaupo siya sa bandang guard house kasama ang nakaduty na guard ngayon. Mabuti na lang at ayos siya.

"Kuya, ang tagal mo naman. Kanina pa ako naghihintay." reklamo ni Akumi. Hindi niya pweding malaman ang tungkol sa kahon na iyon. Kaya sininyasan ko ang dalawa na wag na ipagbigay alam iyon.

"Ah may tinapos pa kami, diba guys?"

"Ah oo. HIHI." mabuti na lamang at best actress itong si Merds. Bravo.

"Ah, Ji. Mauuna na ako." paalam ni Anthony. Hays kailan ba ito liliksi.

"Sige, mag-ingat kayo." paalam ko sa kanila.

Akala ko'y tumigil na ang mga taong iyon, pero hindi pa pala. Kailangan kong mag-isip ng plano. Hindi ko alam kong saan ko sisimulan para malaman kong sino ang nagpapadala ng mga ganito pero para sa kaligtasan ng kapatid ko kahit mamatay ako ay gagawa ako ng paraan.

To be continued...

-
Verse of the day
Ephesians 6:1 💖

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...