MARRIED At First Sight

By Brad_Poison_Ivy

29.4K 666 65

VICERYLLE STORY More

EXPLANATION
INTERVIEW
MATCHMAKING
THE WEDDING DAY
THE HONEYMOON ( 1st night)
1 WEEK HONEYMOON
7 DAY OF MARRIAGE (Rated SPG)
PAALAM NA!
5 YEARS AFTER
MULING IBALIK
PUSANG GALA!
ANG PAGBABALIK
SPY VICE
THE TRAGEDY
#ALAMNA
NEW HOME, NEW LIFE, NEW BEGINNING
ASAR TALO!
BE PATIENT
ISTORYA
Selfish Alert
Happy Moments
-_- MALING AKALA -_-
MALING AKALA TALAGA
THE MAGIC WORD

NICE TO MEET YOU....AGAIN!

1K 21 7
By Brad_Poison_Ivy

Tamang-tama lang ang dating ng magkaibigang Karylle at Iza sa bahay ng boyfriend ng huli na nasa Makati. Pagbaba nila ng sasakyan ay agad silang sinalubong ni Paolo. Ang kasintahan ni Iza.

"There you are! Hi ladies! Hello bhabe" Kinintalan nito ng halik sa pisngi ang nobya at nakipagbiso naman kay Karylle.

"Happy birthday Pao! Hindi ako nakadala ng gift para sayo. Pano kasi itong girlfriend mo,kanina lang sinabi sakin" Ani Karylle.

"Wag mo nang isipin ang regalo mo para sakin. Hindi naman importante yon. Atleast,nandito ka di ba? Tara,don tayo sa loob. May mga bisita na rin 'don" - Paolo

Pumasok na sila sa malawak na bakuran ng bahay ni Paolo. Marami na nga ang bisitang naroon. Mangilan-ngilan lang ang kakilala ni Karylle sa mga bisita. Mga lima o apat lang yata. Kasama na don ang magkasintahang Iza at Paolo.

"Friend ok ka lang?" Tanong ni Iza sa kanya nang makaupo na sila sa isang lamesang naka-reserve sa kanila. Nagpaalam muna ang nobyo nito para i-entertain ang dumadating pang mga bisita.

"Yeah, wala lang kasi akong masyadong kakilala"

"Yaan mo, mamaya-maya lang may makikilala ka rin sa mga nandito ngayon. Ang daming gwapo no? Pili ka lang ng isa, nang magka-lovelife ka naman" Panunukso nito sa kanya.

"Hay naku! Friend, naka-focus lang ang atensyon ko ngayon sa inaanak mo. Hindi ko muna iniisip ang lovelife na yan. Kung darating man yan, sisiguraduhin ko munang ok sa anak ko"

"Pero iba parin pag may jowa ka. Tingnan mo kami ni Paolo, masaya ako sa kanya at ganun rin sya. Five years na kami pero kita mo naman, inlove na inlove parin kami sa isa't isa" Kinikilig pang wika ni Iza.

Natatawa na lamang si Karylle sa kaibigan. "Ah basta, pagkinasal kayo ni Pao, flower girl si Baby Nathy ha?" Turan niya.

Hindi na nakasagot si Iza nang may lalaking lumapit sa mesa nila.

"Good evening ladies!" Matamis nitong bati.

"Kevin!?" Magkahalong gulat at sayang bulalas ni Iza. Tumayo pa ito upang bigyan ng power hug ang lalaki. "Kelan ka pa dumating ng Pilipinas?" Tanong nito nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa lalaki.

"Kahapon lang. How are you? Hindi ka parin nagbabago ha. Napaka-energetic mo parin" Natatawang wika nito.

"Im good. By the way,this is Karylle. My bestfriend. K,si Kevin. Brother ni Paolo." Pagpapakilala nito sa kaibigan.

"Hi! Nice to meet you!" Inilahad ni Kevin ang palad kay Karylle upang makipagkamay.

"H-hello..me too" Naiilang na nakipagkamay si Karylle sa lalaki. Idagdag pa ang mapanuksong tingin ni Iza.

◆■●■○♤•♤♡●♡●♡●♡●♢●♢●♢●♡●♤\■\♤\○《♡{●♢◇《●♤●●{♤●

"Akala ko ba mga lalaki lang lahat ang nandito? Bakit may mga merlat akong nakikita?" Tanong ni Vice sa mga kaibigang sina Archie at Buern. Papasok na sila sa bakuran ng bahay ng kaibigan ni Archie na may kaarawan ngayon.

"Wag kang mag-alala Vice. Mga jowa yang mga yan ng mga bisita ni Paolo. Im sure,mag-eenjoy ka dito. Maraming poging Fafa dito. I heared dumating raw ang kapatid ni Pao na si Kevin from States" May excitement sa boses ni Archie.

"Bihira ka lang kasi kung sumama sa mga gimik namin eh. Ayan tuloy,napapag-iwanan ka na namin. Buti nga ngayon pumayag kang sumama samin. Baka sakaling makahanap ka na ng boylet mo dito" segunda ni Buern.

"Alam nyo namang busy na ako lagi kaya wala na akong time gumimik" Depensa ni Vice.

Palinga-linga si Buern sa paligid. Hinahanap nito ang kaibigang si Paolo.

Si Vice naman ay tahimik lang na nagmamasid sa mga bisitang kanilang nadadaanan.

God! Marami ngang gwapo! Sigaw ng isip ni Vice. Bahagya pa niyang kinagat ang pang-ibabang labi.

Nauna nang naglakad si Archie upang maibigay ang dalang regalo kay Paolo. Napansin naman ni Buern ang reaksyon ni Vice tuwing makakakita ng gwapitong lalaki. Pasimple niya itong siniko.

"Aray,bakit?" Mahinang tanong ni Vice.

"Wag masyadong magpahalata friend! Pigil pigil rin pag may time" Bulong ni Buern.

"To naman. Minsan lang ngang mapaligiran ng mga macho gwapitong lalaki,kukuntrahin pa. Ano pa't sinama nyo ako dito?"

Hindi na sinagot ni Buern si Vice nang makita nitong sumisinyas si Archie na lumapit sila sa kinaroroonan nito.

"Tara 'don tayo kay Archie. Ayon sya. Kasama ang birthday boy at ang iba pa" Nihila nito ang kamay ni Vice palapit sa isang mesa kung saan sina Archie.

NAKAMATA lang si Karylle sa baklang lumapit sa kanilang mesa. Nakipagbeso ito kay Paolo at iniabot ang dalang regalo.

Parang nakita ko na 'tong baklang 'to...

"Sya nga pala bhabe. Kilala mo na siguro si Archie" Ani Paolo sa nobya.

"Oo naman. Close na kami nyan" Nginitian niya ito. "Ikaw lang ba mag-isang pumunta dito?"

"May kasama ako" Natanaw niya ang nag-uusap na sina Vice at Buern kaya kinawayan niya ito para makita siya. "Ayon, palapit na sila"

Bago pa dumating sina Vice at Buern sa mesa nina Karylle ay muling bumalik sa kanila kinaroroonan nila si Kevin na nagpaalam sandali para kumuha ng kanilang maiinom at makakain. Kasabay ang apat na waiter.

"Guys! Kumain muna kayo. Ito oh, and drinks" Inilapag nito ang kanilang mga dala sa mesa. "Thanks boys" Anito sa mga waiter.

"Ito na pala ang mga kasama ko. Sina Vice and Buern" Pagpapakilala ni Archie sa kanilang lahat na agad namang binati ng mga kasamahan niya sa mesa.

Nasamid si Karylle sa kinakain nang marinig ang pangalan ni Vice.

Tama ba ang narinig ko?

Nakatalikod siya sa direksyong pinagmulan nina Vice kaya hindi niya ito nakitang dumating. Alam niyang nasa likuran niya ito ngayon at nakikipag-usap kay Paolo.

"Hey, you okey? Water?" Agad na binigyan ni Kevin ng tubig si Karylle. Andon na naman ang mapanuksong tingin ni Iza na aliw na aliw sa pagmamasid sa kanila ni Kevin.

"Thank you" - Karylle

NAPANGITI si Vice sa babaeng nakaupo nang patalikod sa kanya. Alam niyang nasamid ito na agad namang dinulutan ng tubig ng lalaking nakaagaw sa pansin niya.

"Sya nga pala Vice. Si Kevin. Kapatid ni Paolo" Pagpapakilala ni Archie.

"Hi!" Bati niya sa binata. Nginitian lamang siya nito at agad na ibinalik ang atensyon sa babaeng nabulunan kanina.

"Maupo muna kayo. Dito na rin kayo sa table namin" Ani Paolo.

Tumalima naman ang magkakaibigan at umupo sa mga bakanteng upuan. Si Kevin ay naupo sa tabi ni Karylle.

Halos lumuwa naman ang mata ni Karylle sa pagkabigla nang makita ang umupo sa tabi ni Kevin sa kaliwang bahagi ng mesa. Si Vice.

Tulad ni Karylle ay halos malaglag naman ang panga ni Vice sa pagkagulat nang magtama ang mata nila ni Karylle.

Napalunok si Karylle. Hindi alam kung ano ang sasabihin kay Vice. Hindi niya inaasahan na magkikita sila ng kanyang dating asawa.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Iza ang biglaang pagkabalisa ng kanyang kaibigan na katabi niya.

"Hoy friend! Anyare? Bat parang hindi ka mapakaling pusa? May problema ba?" Mahinang tanong ni Iza.

"H-ha? Ahmm..w-wala. Ok lang ako"

"Sigurado ka?"

"Oo naman"

LUMALALIM na ang gabi. Pero hanggang ngayon ay hindi parin nag-uusap sina Vice at Karylle. Paminsan-minsang nagsusulyapan at nagpapakiramdaman. Kapwa sila natahimik na ipinagtaka naman ng mga kasama nila sa mesa. Hindi marahil alam ng mga ito ang nakaraan nila. Ang mga kaibigan ni Vice na sina Archie at Buern ay naroon sa programang married at first sight nang ikasal sila ngunit parang hindi siya nito natatandaan. Limang taon na rin naman kasi ang nakaraan at may mga pagbabago na rin sa kanilang mga katawan at hitsura. Nong mga panahong iyon ay hindi pa magkakilala sina Karylle at Iza. Alam ng huli na bakla ang ama ni Nathalie pero hindi nito alam na si Vice ang tinutukoy noon ng kaibigan.

Kasalukuyang tatlo na lamang silang nakaupo sa mesa. Saglit na nagpaalam ang magkasintahang sina Paolo at Iza upang makapagpasalamat sa ilang bisitang umuuwi na. Si Buern at  Archie naman ay nakikipag-kwentuhan sa mga kalalakihang nasa kabilang mesa na katabi lang nila.

Si Kevin naman ay medyo may tama na ng alak na kanina pa kwento ng kwento ng kung anu-anong bagay na hindi naman maunawaan ni Karylle.

"Hey, bat ang tahimik mo naman yata?" Namumungay ang mga matang tanong ni Kevin sa kanya.

"Ahmm..ganito lang talaga ako. Pasensya ka na ha" Paumanhin niya.

"Oh its ok" Anito saka iniunat ang kamay at iniakbay sa kanya.

Nakaramdam naman ng pagkailang si Karylle. Tumingin siya kay Vice na tahimik lang na nagmamasid sa kanila upang humingi ng tulong na mapaalis ang pagkakaakbay ni Kevin sa kanya. Naunawaan naman ni Vice ang ipinahiwatig ng kanyang tingin kaya kumilos ito palapit kay Kevin.

"Excuse me. Kevin right?" Agaw niya sa atensyon ng binata na halos mahalikan na si Karylle sa sobrang lapit ng mukha nito sa dalaga.

Binalingan ni Kevin si Vice at sa wakas ay inalis rin nito ang pag-kakaakbay kay Karylle.

"Yeah! Why?" Kunot noong tanong nito.

"Ahm,tinatawag ka yata ni Paolo. Andon sya oh" Aniya at itinuro ang gawing kinaroroonan nina Iza at Paolo.

"Huh? Hindi ko naman narinig ah"

"Pero ako narinig ko. Maingay masyado kaya siguro hindi mo narinig na tinawag ka." Pagsisinungaling ni Vice.

"Oh! Ok,thank you" Wika nito saka tumayo na at naglakad palayo sa kanila.

Nakahinga naman ng maluwag si Karylle habang sinusundan ng tingin ang gigiwang-giwang nang si Kevin. Napangiti naman si Karylle sa ginawang dahilan ni Vice para lang mapaalis ang lalaki.

"Hi! Kumusta ka na?" Agaw atensyon ni Vice sa kanya.

Tiningnan siya ni Karylle. Nakangiti parin ito.

"Loko ka ha, mamaya bumalik yon dito lagot ka" Natatawang wika ni Karylle. Hindi marahil nito narinig ang tanong ni Vice.

"Hindi na siguro 'yon babalik. So how are you?" Muling tanong ni Vice.

Natauhan yata si Karylle nang mapagtantong si Vice na pala ang kausap niya.

"Ahm..ito, tao parin naman..ikaw?"

"Tao ka naman talaga noon pa ah. Bakit naging unggoy ka ba?"

Sabay silang nagkatawanan. Pansamantalang nawala ang pagkailang nila sa isa't isa dala na rin ng kaunting nainom nilang alak.

"Kumusta ka na rin?" - Karylle

"Ito, kabayo parin. Mahirap maging tao eh" - Vice

"Hahaha! Baliw!" - Karylle

"Sayo" - Vice

"Ano?" - Karylle.

"Wala! Alam mo, maganda ka sana eh. Basta ba maglinis ka lang lagi ng tenga mo" Biro ni Vice.

"Hoy ha! Lagi akong naglilinis ng tenga ko" Binato niya ng tansan si Vice na mabilis namang nakaiwas.

"Nice to meet you nga pala...again" Inilahad ni Vice ang kamay kay Karylle.

"Nice to meet you again too.." Aniya saka tinanggap ang palad ni Vice.

"Ang laki na ng pinagbago mo" Senserong wika ni Vice.

"Ikaw rin. Mas lalo kang naging mukhang babae" Biro ni Karylle.

Naputol ang masaya nilang pag-uusap nang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang suot na relo at nasa ten-thirty na ng gabi. Kinabahan siya na baka ina niya ang tumatawag.

Not now Ma.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang handbag. Napakunot ang kanyang noo nang mabasa ang pangalan ni Dingdong sa screen. Hindi ito tumatawag sa kanya kung walang emergency o di kaya'y importanteng sasabihin. Mas lalo siyang kinabahan. Suminyas siya kay Vice na kakausapin lang ang tumatawag. Tango lamang ang isinagot ni Vice. Dumistansya siya sa kanilang mesa bago sinagot ang aparato.

"Dingdong? Napatawag ka? Six-thirty AM palang diyan di ba?"

"K, si Nathalie isinugod namin sa hospital. Inatake ng asthma. Nagising na lamang na dumadaing na mahihirapang huminga. Nandito parin kami ngayon sa hospital.Pero wag kang mag-alala. Maayos na sya ngayon. Binigyan na rin sya ng gamot na kakailanganin nya" Tuloy-tuloy na kwento ni Dingdong.

Hindi agad nakapagsalita si Karylle sa ibinalita ni Dingdong. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Bilang ina, natatakot siya sa kalusugan ng kanyang anak.

"K, ayos ka lang ba?" Tanong ni Dingdong sa kabilang linya.

"Ahm, oo. M-mabuti naman at naisugod nyo agad sya sa hospital. Maraming salamat Dingdong. A-ano nang ginagawa nya ngayon?"

"Ayon, nilalaro ni Nathan. Maya-maya lang uuwi na rin kami"

"Ah ganun ba. Sige, ingat kayo sa pag-uwi. Pakisabi kay Mama mag-o-online ako mamaya. Gusto kong makita at makausap si Baby Nathy"

"Ok. Sasabihin ko.Bye"

"Sige. Bye. Salamat"

Kailangan na niyang umuwi. Pabalik na sana sya sa mesa nila ngunit paglingon niya nabangga siya sa taong nasa likod niya.

"Ooppss..sorry" Paumanhin ni Karylle. Tiningnan niya ang nakabanggaan. "Vice!? Kanina ka pa ba sa likod ko?" Gulat niyang tanong.

"Medyo"

"Bakit? Nakikinig ka ba sa pakikipag-usap ko sa phone?"

"Hindi naman. Kukuha sana ako ng makakain doon pero napansin kong parang nanghihina ka, kaya huminto nalang ako sa likuran mo. May problema ba? Sino ang na-hospital?"

"Ah ha? Ahm ano..yong kapitbahay namin sa probinsya. Inatake raw ng stroke. Kaya ayon, isinugod sa hospital" Pagsisinungaling niya.

Sorry po Lord!

"Ah ganun ba? Bakit kailangan pang sabihin sayo?" Nadududang tanong ni Vice.

"ahm,malapit na kaibigan ng pamilya namin yon eh. Kaya ganun. Bat ka ba tanong ng tanong? Kailangan ko nang umuwi" Tinalikuran na niya si Vice at naglakad papunta sa direksyon ng kaibigang si Iza na abala sa pakikipag-usap sa ilang bisita ni Paolo.

"Kung kapitbahay nyo lang yon bakit parang namutla ka kanina sa sinabi ng kausap mo?" Pahabol na tanong ni Vice. Sinusundan niya ang mabilis na paglalakad ni Karylle.

Biglang tumigil si Karylle sa paglalakad at hinarap ang buntot niya. Tiningnan niya ito ng masama.

"Wala kang pakialam! Eh sa kung ganun ako magreak sa mga emergencing balita sakin eh" Muli siyang naglakad palayo.

Hindi na sinundan ni Vice si Karylle dahil alam niyang galit na ito. Kanina lang kung makangiti ang babaeng yon abot hanggang tenga tapos ngayon bigla nalang naging halimaw? Hay naku! Hindi parin nagbabago ang ugali nya.

Nang marating niya ang kinaroroonan ni Iza ay agad niyang hinila sa isang tabi ang kaibigan upang kausapin.

"Anong problema at bigla ka nalang nanghila jan?" Nag-aalalang tanong ni Iza.

"Kailangan ko nang umuwi. Tumawag si Dingdong sakin. Dinala nila si Nathalie sa hospital. Inatake na naman ng asthma nya. Kailangan kong mag-online. Gusto lang masigurong maayos na sya" Tuloy-tuloy niyang wika.

"Teka, teka, teka, huminga ka nga ng malalim. Ano na raw ba ang lagay ng inaanak ko?"

"Maayos na rin naman raw. Pero gusto ko syang makita kaya uuwi na ako. Mauuna na ako sayo"

"Mabuti naman pala kung ok na sya. Wala kang kasama sa pag-uwi. Delikado magbyahe ngayon lalo't mag-isa ka lang. Teka, magpapaalam na rin ako kay Pao para sabay na tayong umuwi"

"Ay hindi, wag na. Kaya ko naman ang sarili ko. Tsaka nakakahiya naman kay Paolo.

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Ano ka ba, sanay na akong magbyahe sa gabi"

"Sige, ikaw ang bahala. Mag-iingat ka ha?"

"Oo, teka magpapaalam pa ako kay Paolo"

Sabay nilang nilapitan si Paolo na kikipagkulitan sa mga barkada. Kinalabit ni Iza ang nobyo.

"Bhabe kailangan nang umuwi ni K"

"Ha? Maaga pa ah. Tsaka kala ko sabay na kayong uuwi mamaya?"

"Naku Pao, mauuna na ako. Tumawag si Dingdong. Emergency" Sagot ni Karylle.

"Ah ganun ba? Gusto mo ipahatid na kita sa driver namin. Para safe kang makauwi" - Paolo

"Wag na. Kaya ko naman umuwing mag-isa"

"Sige ikaw ang bahala. Mag-iingat ka ha?" - Paolo

Tumango si Karylle. Inihatid siya ni Iza hanggang sa labas ng gate.

"Sige na, iwan mo na ako dito. Maya-maya lang siguradong may dadaan nang taxi. Bumalik ka na don sa loob" Anas ni Karylle sa kaibigan.

"Hihintayin ko nalang na makasakay ka na bago ako bumalik sa loob" Sagot ni Iza.

"Friend, kailangan ka ni Pao don. Kaya sige na. Wag ka nang makulit. Tatawagan nalang kita pagdating ko ng bahay"

"Sige na nga. Ayaw mong magpatalo eh. Basta ha? Tawagan mo ako"

"Yup! Promise"

Bumalik na sa loob ng bakuran si Iza. Siya naman ay matiyaga paring naghihintay sa pagdaan ng mga taxi. May ilang dumadaan ngunit may mga sakay na ito.

Sampung minuto na rin siyang nakatingga sa kinatatayuan niya ngunit wala paring dumadaang taxi na available. Pinapapak na rin sya ng lamok.

"Alam mo, kahit hanggang umaga ka dyang maghintay ng taxi, hindi ka makakasakay" Wika ng isang boses na pamilyar sa kanya.

Nilingon ni Karylle si Vice na nakatayo sa likuran niya.

"Bat ka nandito? Hindi bat dapat nasa loob ka? Sinusundan mo ba ako?" Pagtataray niya.

"Hindi kita sinusundan no. Uuwi na rin kasi ako"

"Oh edi umuwi kana. Ayan ang daan oh. Bat nakatayo ka pa dyan?"

"Bat ang taray mo? Hinihintay ko lang yong driver ko"

Tinaasan niya ng kilay ang kausap. Muli siyang pumara sa dumaang taxi pero may sakay ulit ito. May isang itim na sasakyan naman ang pumarada sa harap mismo nila. Ang kotse ni Vice.

"Ito na pala si Mang Tomas. Kung gusto mo, ihatid ka nalang namin. Baka bago ka makasakay ng taxi eh ubos na ang dugo mo sa mga lamok" Alok ni Vice.

"Oo nga Ma'am! Sayang naman ang kutis mo kung ipapakagat nyo lang sa mga lamok" Sabat ni Mang Tomas.

"Wag na. Nagtitiis nalang akong maghintay ng taxi dito" Aniya.

"Anong oras na kaya. Halos fifteen minutes ka na ring naghihintay ng taxi. Sige na, wag ka nang tumanggi. Ihahatid ka nalang namin. Saan ka ba nakatira? Sabihin mo lang ang address mo" Pagpipilit ni Vice.

Tatanggi pa sana si Karylle ngunit naalala niya ang dahilan niya sa kanyang pag-uwi.

"Oh sige na nga. Tutal mapilit ka naman kaya tara. 1434 San Miguel,Pasig City. Pero teka, pano yong mga kaibigan mo?"

"Ayon..bibigay rin pala. Walang problema sa mga 'yon. Tsaka alam na rin naman nilang umalis na ako" Ani Vice.

Habang nasa byahe ay hindi maiwasang pagmasdan ni Vice ang katabing si Karylle na tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Malaki na nga talaga ang pinagbago ng mukha nito. Mas lalo itong gumanda.

Napansin naman ni Karylle na nakatingin sa kanya si Vice kaya nilingon niya ito. Nahuli pa niya ang biglang bawi nito ng tingin. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa mga nadadaan nila. Mabuti na lamang at walang traffic. Siguradong mabilis siyang makakarating sa kanyang apartment.

Nakita na naman niya sa gilid ng kanyang mata ang pagtitig sa kanya ni Vice. Kaya imbes na lingunin ay nagsalita na lamang siya.

"Bakit?" Aniya

"Huh? Anong bakit?" Nagtatakang tanong ni Vice.

"Bat mo 'ko tinitingnan?" Hinarap niya ito.

"Hala! Porket nakatingin ako sa side mo, ikaw na agad ang tinitingnan? Hindi ba pwedeng sa labas ako ng bintana sa side mo nakatingin?" Palusot ni Vice.

"Alam ko sa akin ka nakatingin. Bakit nga?" Mapanukso na ang boses ni Karylle. Ngumiti siya.

"Alam mo. Ang gulo mo rin no? Kanina lang para kang mangangain ng tao tapos ngayon nakangiti ka ulit"

"Eh kasi gusto kong ngumiti ngayon"

"Trip trip lang ganun?"

"Hindi. Depende sa nararamdaman..ganun yon"

"Ewan ko sayo. Ang gulo mo talaga" Ngumiti na lamang si Vice.

"Magulo ako kapag ikaw ang kausap ko. Lagi naman tayong hindi magkaunawaan di ba?"

Sumeryoso si Vice. "Pwede naman tayong magkaunawaan eh. Simulan natin sa pagiging magkaibigan" Makahulugang wika niya.

Saglit na natahimik si Karylle bago nagsalita. "Pwede rin naman. So pano? Friend na tayo simula ngayon?"

"Sige ba!" Nakipagkamay sila sa isa't isa.

Nasa kalagitnaan na sila ng byahe nang may tumatawag na naman sa Cellphone ni Karylle. Napangiwi siya nang makita ang naka flash na pangalan sa screen.Ang kanyang Mama Chacha.

Patay! Wrong timing naman itong si Mama oh.

"Hindi mo ba sasagutin ang tumatawag?" Ani Vice.

"Ito na nga. Sasagutin na" Agad niyang pinindot ang answer button.

"M-ma? Bakit po?" Kinakabahan niyang tanong. Takot siya na baka malaman ni Vice na may anak na siya. Hindi sa natatakot siyang malaman nito ang totoo kundi takot siyang baka nalaman nitong may anak sila. Hindi pa siya ready na ipagtapat ang totoo.

"Anak, sabi ni Dingdong mag-o-online ka raw. Naku ito nga't excited nang nakaabang sa computer ang anak mo. Anong oras ka ba mag-o-online? Sya nga pala. Kakauwi lang namin galing hospital" Pahayag ng kanyang ina.

"Ma wala pa po ako sa bahay ngayon eh. Pero nasa byahe na po ako pauwi" Mahina lang niyang sagot. Pero kahit yata hinaan pa niya ang kanyang boses eh rinig parin ng kasama niya sa kotse ang kanyang sinasabi.

"Eh di ba wala ka namang duty ngayong araw?"

"Wala nga po. Inimbitahan po kasi ako ni Iza na pumunta sa birthday party ng boyfriend nya. Hindi naman po ako makatanggi dahil wala akong idadahilan sa kanya" Kwento niya. Nauulinigan niya ang boses ng anak sa kabilang linya. Gusto sana niyang makausap ang anak ngunit pinigil niya ang kanyang sarili.

"Ganun ba. Sya kausapin mo nalang muna itong anak mo. Miss na miss nya na raw ang boses ng Mom-"

"Wag na Ma!" Napalakas ang wika niya kaya napatingin sa kanya si Vice. Nag-piece sign naman agad siya sa katabi. "Pakisabi nalang po na malapit na ako sa bahay"

"Ha? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ng kanyang ina.

"Sige na po Ma. Mamaya nalang po natin ipagpatuloy ang pag-uusap. Bye!" Agad niyang pinindot ang end button kahit hindi pa nakakapagpaalam ang kanyang ina.

Grabeh! Ang hirap ng may nililihim...

Ilang sandali pa ay nasa street na sila kung saan naroon ang apartment ni Karylle. Hindi na siya nagpahatid sa mismong tinitirhan niya. Mahirap na, baka kulitin pa siya ni Vice.

"Ahm,dito nalang ako. Lalakarin ko nalang hanggang don sa bahay" Basag niya sa katahimikan. Awtomatikong huminto naman ang sasakya.

"Bakit naman? Ayaw mo pang magpahatid hanggang sa tinutuluyan mo eh malapit nalang rin naman" Sagot ni Vice.

"That's it. Malapit nalang rin naman kaya lalakarin ko na. Isa pa,walang lilikuan ang malaki mong sasakyan doon. Makitid ang daan oh, nakikita mo ba? Kaya sige na. Dito nalang ako" Bumaba na siya ng kotse. Pero bago lumakad palayo ay sumilip muna siya sa loob ng sasakyan.

"Salamat nga pala ha?" Tumango lang si Vice. Tiningnan naman ni Karylle si Mang Tomas. "Ingat po sa pagmamaneho pauwi. Mahal pa naman ang pasahero nyo" Pagbibiro niya.

"Yes po Ma'am" Nakangiting sagot ni Mang Tomas.

"Hoy! Hoy! Hoy! Kung makapagbilin ka parang isa lang akong gamit ah!" Reklamo ni Vice na hindi bumababa ng kotse.

Nginitian lang ni Karylle si Vice saka isinara na ang pinto ng sasakyan.

"Bye!" Aniya at naglakad na.

"Ana Karylle!" Tawag ni Vice. Napahinto naman si K sa paglalakad. Nilingon niya si Vice na nakadungaw sa bintana ng kotse.

"Bakit?"

"Salamat rin ha? Kasi nagkita ulit tayo. Friend na tayo di ba? So pwede ba kitang dalawin paminsan-minsan dito?"

"Walang problema" hindi naman ako dito nag-i-stay.

"Talaga!? Sinabi mo yan ha? Bye!" May excitement sa tinig nito.

"Bye! Ingat ulit" Masaya niyang wika. Umalis na ang sasakyan at nang hindi na niya ito matanaw ay dumiretso na rin siya sa kanyang apartment.

Pagkapasok nya palang ng bahay ay agad niyang inilock ang pinto at tumuloy sa kanyang kwarto upang makapag-online at makausap ang anak.

{□♢□<♡○■》■•■♡》♤◇¿♢♧♤●<♡○|○|♤■《●♢♤◇♧♤□>♢□>}♢◇♢♤◆♢♤■♢●■♡◇♡♤◆♧♡◆♤》♡■°》♤•》♤¡♧{•°{¡♡◇♤♢◆♢♤◆

Tulalang nakatingin si Vice sa kesame ng kanyang kwarto. Kanina nang dumating sila sa kanilang bahay ay pumasok na agad siya sa kanyang kwarto upang magpahinga. Ngunit halos dalawang oras na siyang nakahiga ay hindi parin siya dinadalaw ng antok. Nakatatak sa isip niya ang nakangiting mukha ni Karylle. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit may parte ng kanyang pagkatao ang biglang naging masaya nang makita ang dalaga na ngayon lang ulit niya naramdaman.

Kanina sa birthday party ni Paolo halos hindi na niya pinapansin ang mga nag-ga-gwapohang mga lalaki nang makita niya si Karylle.

God! I miss her so much!

Hello! Babae kaya sya...mga lalaki lang ang namimiss mo.

Iba sya! Pagtatalo ng kanyang isip.

MATAPOS makausap at masigurong mabuti na ang kalagayan ng anak ni Karylle ay nahiga na rin sya. Ngunit tulad ni Vice, hirap rin siyang makatulog. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Vice kapag nalaman nitong anak sila? Iniisip palang ni Karylle ay kinakabahan na siya. Kaya sa ngayon, hangga't maaari ay iiwasan muna niyang ilihim sa lalaki ang tungkol kay Nathalie.

Mag-uumaga na rin nang sa wakas ay dalawin siya na antok at tuluyan nang makatulog. Mabuti na lamang at nine o'clock pa ang pasok niya sa trabaho kaya mahaba-haba parin ang tulog niya.


Exit >>>>--------------------------------------------------------------------->>>>>>>>>>

Continue Reading

You'll Also Like

480K 753 100
This story is not mine credits to the rightful owner. πŸ”ž
17.7K 124 8
Random One Shot Compilation.
81.7K 1.9K 35
Paano kapag ang Enemy mo ang mapapakasalan mo? Makakaya mo kaya? Makakaya mu bang makibagay sa kanya kung puro away, bangayan, sigawan, murahan at as...