Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.2M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 327

493K 23.6K 46.8K
By eatmore2behappy

A/N: Warning pa? Hahahahaha... 🤣🤣🤣

🥳🎂🎊🎉🎈🎁
Happy Birthday
Attitudegwen
Tamika Raine
Alex Carla

Shoutout 📣
Gabriella Denise




Review

Jay-jay's POV

Wala akong tigil sa pag-ubo at paghingal habang nakadapa sa dalampasigan. Kalahati ng katawan ko ang naaabot ng alon.

"Fvck! Don't do that again!" Inis na sabi ni Kei-kwanan habang naghahabol ng hangin.

Napaka-tanga ko nga namin kasing lumusong sa dagat at nagsabing lalangoy pauwi. Tapos hindi naman pala kagalingang lumangoy.

Ayun lunod!

Mabuti nalang at nakasunod pala sakin ang impaktong to. Nasagip niya ko bago pa may masamang mangyari sakin.

Hindi na ko nakipagtalo pa. Mauubos lang ang natitirang lakas ko kung makikipag-murahan pa ko sa kaniya. Napahiga nalang ako habang nakapikit.

"You okay?" Tanong sakin ng kumag.

"G-gusto ko ng umuwi." Halos pabulong kong sabi.

"Makaka-uwi tayo. I'll find a way." Sabi niya. "Lets go back to villa."

Nang imulat ko ang mga mata kong mahapdi pa rin. Nakatayo na siya at naka-lahad ang palad sakin. Kahit pagod, inabot ko pa rin ang kamay ko. Sabay ng pagbangon ko ang paghatak niya.

Hawak pa rin niya ang kamay ko kahit nakatayo na ko. Kahit ng maglakad kami pabalik ay hindi pa rin siya bumubitaw. Hinayaan ko nalang dahil baka ano mang oras ay bumagsak ang katawan ko sa sobrang pagod.

Pagdating sa terrace ng villa, napa-upo ako sa hamba. Malalim pa rin ang pag-hinga ko.

"C'mon, we're almost there. You can take a bath and rest after." Sabi niya habang pilit akong hinahatak patayo.

"S-sandali. Kaunting pahinga lang."

Binitiwan niya ang kamay ko. Lumakad siya papunta sa harap ko. Laking gulat ko ng hablutin niya ang magkabila kong kamay para mapa-tayo ako. Pero hindi pa don natapos, dahil tuloy-tuloy niya kong hinatak hanggang sa masampa niya ko sa balikat niya.

Para akong sako ng bigas. Naglakad siya papasok ng bahay.

Sa totoo lang naiinggit ako sa kaniya. Kasi may enerhiya pa siya matapos niya kong sagapin sa pagkalunod. Samantalang ako, pagod, uhaw at gutom matapos piliting languyin ang karagatan.

Medyo shunga.

Tuloy-tuloy siya pumasok sa kwarto, patuloy sa banyo. Binaba niya ko sa ilalim ng shower.

"Take a bath then rest." Utos niya.

Tumango lang ako bago siya tumalikod at umalis. Mabuti nalang at ni-lock na niya ang pinto. Nag-shower ako kagaya ng utos niya. Inabot nga lang ako ng syam-syam dahil sa bigat ng mga braso ko.

Nang matapos maligo at makabihis, kalbaryo ang pagpapatuyo ko ng buhok gamit ang twalya. Nakatitig pa ko sa bintana habang naka-upo sa kama. Iniisip ang katotohanang magtatagal ako dito kasama ang tukmol na yon.

Patay talaga ako.

Napalingon ako sa pinto ng bumukas yon. Sunod na pumasok ang Kei-kwanan habang may dalang tray na may pagkain at juice.

"I know you're hungry. Again." Sabi niya bago ibaba ang tray sa bandang dulo ng kama.

Yes naman. Marunong makaramdam ang gago.

"S-salamat."

Napansin siguro niya ang matamlay kong boses. Hinatak niya ang bangko na nakalagay sa tabi ng lamesa-kung saan ko nakuha ang gamit ko-at nilagay yon sa harap ko bago siya maupo.

"Hey, I know your upset." Sabi niya at akmang hahawakan ang kamay ko pero agad kong nilayo.

Hindi rin naman pumayag ang luko dahil hinabol talaga ng kamay niya ang kamay ko para lang mahawakan.

"I'll find a way. Makaka-uwi tayo ng maayos bago pa tayo mahanap ng pinsan mo."

Hinampas ko siya ng twalya. "Tukmol ka kasi. Ano ba kasing problema mo at dinala mo ko dito?"

Napabuntong hininga siya bago itaas ang dalawang daliri. "I have two reasons." Tinaas niya ang hintuturo at tinago ang pang-gitna. "One, for us. So we can have a private place and enough time to talk." Tinaas niya ulit ang pang-gitnang daliri. "Two. When I ask permission to Angelo-about this reviewing thing-he told me to hide you for a while. But he doesn't know that a while will take 24hours."

Mabilis kong inagaw ang isang kamay kong hawak niya. Bakit ako itatago? At bakit yun iuutos ni Kuya? Ano na naman bang nangyayari? At bakit din siya pumayag na sumama ako sa ugok na to?

Alam ni Kuya na magkasama kami. Tapos inutos din niya na itago ako. At sinamantala naman ng hayop na to.

"B-bakit? Para saan?"

Umiling siya. "He didn't tell me. But I'm finding out now."

Tinitigan ko siya sa mga mata. "Paano ako nakaka-siguro na nagsasabi ka ng totoo?"

Bumuka ang bibig niya para sumagot pero agad din yong tinikom na para bang mas mabuti ng hindi siya magsalita. Tumingin siya sa ibang direksyon at napailing.

"Hirap no? Aminado ka kasing sinungaling ka." May pang-aakusang sabi ko.

Ni hindi man lang niya pinagtanggol ang sarili o sumagot para makuha kong magtiwala sa kaniya.

"Yes, I did lie. Because I had no choice." Sabi niya at tumayo. "Kumain ka na. Then rest."

Tuluyan na siyang umalis ng kwarto at iniwan akong may malaking palaisipan sa sinabi niya. Anong wala siyang choice? Lady's Choice?

Anong kabalbalan na naman yan?

Pinili ko nalang kumain muna. Baka lalo akong magutom kung mag-iisip ako ng mag-iisip. Nilapitan ko ang tray at natuwa naman ako ng makitang pasta ang handa ng Ulupong. Seafood flavor.

Walang pagod-pagod sa taong gutom. Halos sandali ko lang naubos ang dala niya. Nilagay ko nalang ang tray sa lamesa bago sumilip sa bintana. Matindi na ang sikat ng araw, hindi na magandang mamasyal.

Kung tutuusin, sobrang ganda ng lugar. Malakas lang makasira muka ni Kei-kwanan. Asul na asul na ang dagat. Naglalaro sa puti at pink ang buhangin. Madaming Pucca shells sa dalampasigan. Pati tong wind chime na gumising sakin kahapon gawa din sa shells. Maraming puno ng niyog na hindi ko maaakyat. May ibang puno din akong nakikita pero hindi sila pamilyar.

Matapos pagsawaan ang magandang view sa labas, pinili kong humiga na at ituloy ang balak na pagpapahinga. At dahil nga sa pagod kusa akong nakatulog.

Buong umaga yata akong tulog hanggang sa magising ako dahil sa pagkalam ng sikmura.

Pananghalian na.

Sinubukan kong gumalaw at agad kong naramdaman ang mabigat na bagay na nakayakap sakin. Sinubukan kong idilat ang mata ko pero dahil sa antok hindi ko makita ng maayos ang kaharap ko.

"Kwanan..." Mahinang tawag ko sa Hari ng mga Ulupong. "Gutom... Pananghalian..." Paos na dagdag ko.

Muli akong nakatulog pero kumalam na naman ang tyan ko na halatang ginigising na ang diwa ko. Pero ayaw magpatalo ng antok ko. Hindi tuloy ako sigurado kung nana-ginip ba ko o gising na.

"Kwanan..." Tawag ko ulit.

May nakayakap pa rin sakin na nagpapahirap sakin sa pag-galaw. Sinubukan kong itulak ang walanghiya.

Dinig ko ang mahina niyang daing. "Hmm..."

"Kwanan..."

"Hmm?" Sagot naman ng katabi ko.

"Luto... Pagkain..."

"Yes, wife." Mahinang paos na sagot niya. "I will cook."

Sinong wife?

Napangiti ako sa isip ko. Sa panaginip ko, mag-asawa na kami ni kwanan. Wala naman sigurong masama kung i-enjoy ko ang pagkakataon. Kahit dito man lang sa panaginip masabi kong mahal niya ko.

Wala naman imposible sa panaginip.

Nanaginip nga ako dati, nagpakasal daw ako sa liempo pero maaga siyang pumanaw kasi naubos ko siya.

"Pagkain..." Mahinang daing ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ng katabi ko.

"What is my wife's want?" Paos na tanong ng katabi ko.

"Salmon stik. Hubby."

"Steak."

"Basta pagkain."

"Of course." May naramdaman akong dumikit sa noo ko. "For my wife and my baby."

Ahi! Baby daw. Ibang level na!

"Gusto ni Baby ng ice cream."

"Is it the baby or the mommy."

"Both."

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa. Enjoy na enjoy ko ang panaginip na to. At least walang katotohanan dito na nagpapa-alala sakin na baka nagsisinungaling na naman siya sakin. Na baka meron na naman siyang balak at ako na naman ang instrumento niya.

Sa panaginip na to, walang ganon.

"Kwanan..." Tawag ko pero walang sumagot. "Kwanan..." Wala pa rin.

Nagsimula na kong makaramdam ng lungkot. Mukang patapos na ang panaginip ko. Ayoko pa sa reyalidad. Dito muna ko.

Sinubukan kong gumalaw pero gumalaw din ang katabi ko.

"Wife..." Mahinang sabi niya.

"Mmm?"

"Who's kwanan?"

"Ikaw."

Sandaling katahimikan ang bumalot samin. Napuputol na ang panaginip ko.

Wag muna!!

Kusa kong inunat ang mga braso ko para mayakap ang katabi. Nagbabaka-sakali na hindi mawawala ang mumunting kasiyahan ko bago bumalik sa tunay na bangungot.

"Sshh..." Dinig kong sabi niya at naramdaman ko na naman ang malambot na bagay na kumikiskis sa noo ko pababa sa ilong.

"Ayoko ng gumising." Mahinang sabi ko. "Gusto ko dito."

"Then stay here. Stay with me."

Napangiti ako. Pati panaginip ko gustong manatili ako. Kung pwede lang, kahit anong paraan gagawin ko wag lang akong magising.

"Sige." Sagot ko naman.

Naramdaman ko na naman ang malambot na bagay. Mula sa ilong ko lumipat yon sa gilid ng labi ko.

"I love you." Bulong niya at dumikit sa mismong labi ko ang malambot ma bagay. "Until scientists find the end of the universe."

Ayiih! I love you daw!

Bahagya akong tumawa. "Pagkain muna."

Narinig ko ang pagtawa niya at bigla yong sinabayan ng pagkalam at paghapdi ng sikmura ko. Napadaing ako sa sakit at agad na dinilat ang mga mata ko.

Tangina!

Tanginang panaginip yan! Pati panaginip napapasok na din ng mga manloloko. O mas tamang sabihing hindi talaga ako nanaginip.

Kingina! Tangina! Putang'na!

Alam ko na ang malambot na bagay. Mukang labi niya yon at hinalikan niya ko. Tapos tinawag ko pa siyang hubby at nangarap pa kong meron kaming baby. Ay ulowl!

Babalik ako sa dagat. Lulunurin ko sarili ko, yung wala ng ahunan. Kung meron mang pating, papakain na ko. Dapat buo niya kong makain kundi siya kakainin ko.

Nakapikit pa rin ang tarantadong, pesteng, demunyong kumag sa harap ko. Sobrang lapit namin na halos magpalitan na kami ng hininga. Wala naman akong problema sa hininga niya, kahit papano mabango-bango. Eh yung sakin?

Boombastic!

Ang payapa niya tignan. Akala mo hindi tarantado ang gago. Napatingin ako sa ilong niyang matangos. Hiyang-hiya ang ilong ko.

Napangiti nalang ako ng may maisip akong kalokohan. Bahagya kong tinaas ang isang kamay kong nasa pagitan namin. Dahan-dahan kong inabot ang ilong niya at isang malakas na pitik ang binigay ko bago magkunwaring tulog.

"Aw." Dinig kong reklamo niya.

Pigil ko ang tawa ko dahil baka mahuli niya ko.

"Wife." Sabi niya. "I know it's you."

Hindi ako sumagot. Hindi naman ako wife niya. Kung alam ko lang hindi panaginip yung kanina, hindi ako sasagot ng Hubby. Hayop na yan!

"Still asleep huh?" Bakas ang sarkasmo sa sinabi niya. "You would never know, what I'm about to do to you."

Ano? Anong gagawin niya?

"Keep sleeping." Sabi niya at naramdaman ko ang init ng hininga niya sa labi ko.

Alam ko ang balak ng walanghiya. Sinasadya niya para idilat ko ang mata ko at mahuli niya na ako may gawa ng pamimitik. Kapag naman hindi ako dumilat, makakahalik na naman ang gago.

"Keep-."

"Putangina mo!" Sigaw ko ng halos ga-hibla nalang ang lapit ng labi niya sakin.

Bahagya naman siyang lumayo habang natatawa.

"Bumitaw ka nga! Lumayo ka sakin!" Utos ko sa kaniya pero hindi siya gumagalaw.

"What's wrong Wify?" Nakatawang tanong niya.

Halatang nang-aasar ang gago. Malamang ko na gising din ang diwa niya kaninang nag-uusap kami. Sinamantala naman niya ang pagkakataon na hindi malinaw sakin ang nagaganap.

"Gago mo!"

"I'm not Gago, I'm Hubby. You called me Hubby." Pang-aasar niya pa.

"Hubby? Hubby-lusin kita dyan! Layas!"

Umiling siya. "Call me Hubby."

Ay shutanginames! Nag-pabebe pa ang tarantado.

"Susuntukin kita!" Banta ko at agad niyang inipit ang isang braso kong nakayakap pa rin pala sa kanya.

"Just one Hubby. Please." Mapang-asar na paki-usap niya.

"Tumigil ka! Bitiwan mo ko!"

"I will not cook lunch for you if you don't say it." Banta niya.

"Kapal mo! Obligasyon mong ipagluto ako!"

"Are we talking about obligations now?" Lumawak ang ngiti ng walanghiya. "As my wife, it's your obligation to give me a child."

"Ulowl!"

"Say it!"

"Ano ba?!"

"Say it!"

"Parang tanga naman ih!"

"Just say it!"

Halatang wala talagang balak sumuko ang kumag na to. Malaking pagkakamali talaga na sinabi ko ang mga salitang yon. Ngayon hindi na niya ko titigilan. Mamatay ako sa gutom kung hindi pa siya magluluto.

Kingina naman eh.

"Pag-ikaw hindi pa nag-luto. Sinasabi ko sayo, tatamaan ka sakin." Banta ko.

Malapad naman ang naging ngiti niya. "Say it."

Pangiwi ako. Gusto ko na talaga kumain. Mahapdi na ang sikmura ko dahil sa gutom.

Buset kang kwanan ka.

"H-hubby."

Nang-gi-gigil niyang kinagat ang sariling labi bago sumiksik sa leeg ko. Nang subukan ko siyang silipin napansin ko agad ang pulang-pulang tenga niya.

"H-hoy!"

Ilang minuto pa siyang nakasiksik sa leeg ko bago mabilis na tumayo ng walang paalam. Mapula pa rin ang tenga niya. Pero huli ko na napansin na pati ang leeg niya namumula rin.

Anyare?

Pinili ko nalang bumangon at dumiretso sa banyo para maghilamos. Inipitan ko din ang buhok kong mas matigas pa yata sa punong kahoy.

Bumaba na ko at dumiretso sa kusina. Nakanguso pa ko habang tinitignan ang abalang Hari ng mga Ulupong.

Wag lang talaga siyang magkakamaling asarin ako sa lintik na Hubby na yan. Dadagukan ko siya pabalik-balik.

Matapos magluto, binaba ni Kei-kwanan ang plato sa harap ko. Naghanda ulit siya ng juice sa pitsel.

"Eat Wify." Nakangiting sabi niya.

"Sasakmalin kita dyan." Banta ko bago simulang kumain.

Narinig ko pa siyang tumawa bago kumain. Habang busy ako sa pagkain panay ang sulyap ng walanghiya sakin. Tapos sisilay ang ngiti bago susubo ng pagkain.

Masamid ka sana.

"Hoy!" Inis na sita ko sa kaniya. "Tumigil-tigil ka dyan."

"What?"

"Kumain ka na nga."

"Yes, Wify."

Ay powta! Ayaw talaga tumigil.

Nanahimik nalang ako at baka may masabi pa kong hindi maganda. Kumakain ka pa naman ako. Ayoko mawalan ng gana.

"After this, help me-."

"Ano na naman?"

"With the reviewers. Remember?"

Napaisip ako sandali. Yun nga pala ang dahilan kung bakit kasama ko ang tukmol na to. Sa lintik na reviewer na yan. Paano ko kaya siya tutulungan? Eh wala din naman akong naiintindihan sa mga lessons na tinuro samin.

Ituturo ko nalang kung anong natutunan ko. Turo ko sa kaniya lettering ni David. Pati kung paano basahin ang alphabet niya.

Kagandang lalaki, kapanget ng sulat.

Matapos kumain, hinintay kong matapos sa paghuhugas ng plato ang tukmol. Mabuti nalang at hindi siya nagtagal.

Inaya niya ko sa sala at sinabihang maghintay. Umalis siya at pagbalik, dala na ang mga gamit namin. Pati mga photocopy ng mga lesson dala rin niya.

"Lets start." Sabi niya bago iabot sakin ang mga papel at naupo sa tabi ko.

"Umusog ka nga." Utos ko.

"Why?"

"Anong why? Masyado kang malapit."

"No, I'm not. Sakto lang to, para maintindihan ko ituturo mo." Sagot niya at kumindat pa.

Gusto kong sundutin ng ballpen ang mata niya. Sakto pa naman at may isang kahon akong ballpen. Isasaksak ko lahat sa kaniya.

Subukan mo lang.

"Magsimula na nga tayo." Inis na sabi ko bago umirap.

Binasa ko muna ang mga nakasulat sa unang papel na nakuha ko. Gusto kong maiyak dahil sa lahat ba naman ng subject yung maraming problema pa. Yung laging pinapahanap ang X niya para tanungin ng Y.

"Eto muna..." Sabi ko at kumuha ng malinis na papel at ballpen. "Kay victor muna."

Taka niya kong tinignan habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay. "Who's Victor?"

"Anong who? Ayan victor!" Sagot ko at tinuro ang mga naka-drawing sa papel.

Bahagya siyang natawa. "You mean vector."

Ay ang tanga Jay.

Binasa kong mabuti ang nakalagay sa papel. Vector pala ang basa don, akala ko victor.

Bahagya akong umubo para alasin ang pagkapahiya sa kaniya. Nanguha nalang ako ng ibang papel na pag-aaralan. Tutal hindi namin dyan nag-focus ang math teacher namin ngayon. Nung nakaraan pa talaga yan, ewan ko ba bakit nasama sa photocopy.

"Iba nalang muna." Sabi ko at binaba ang panibagong papel. "Eto tayo, hippopotamus."

Nangunot ang noo niya. "What?"

Tinuro ko ang nasa papel. "Ayan."

"Do you have an eye problem?" Tanong niya at umiling naman ako. "It's hypothalamus"

Tangahan mo pa, Jay.

"Pinalitan na." Patay malisyang sabi ko. "Tagal mo kasi nawala. Pinalitan na mga 3weeks na nakakalipas." Paliwanag ko pa.

Gusto kong iuntog ang ulo ko sa lamesita. Pahiyang-pahiya na ko sa kaniya. Halatang hindi ako nakikinig at nag-aaral na mabuti. Ngayon pa talaga ako naging bobo sa harapan niya. Pwede namang mamaya nalang.

Tumango naman siya habang natatawa. Halatang hindi naniniwala. Nanguha nalang ako ulit ng ibang papel. Binaba ko ulit yon sa harap niya.

"Eto! Tangerine tayo."

Bigla nalang siyang tumawa ng malakas. Kulang nalang gumulong na siya sa sahig sa sobrang tuwa niya. Parang alam ko na ang dahilan.

Wala na kong pag-asa.

"It's tangent."

"Pinalitan na din." Sabi ko at lalo pa siyang natawa. "Totoo yun. Pinalitan na."

Napa-iling-iling siya habang kagat-kagat ang labi. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Halata namang wala kaming matu-tutunan. Lalo sakin na kahit na anong pakikinig hindi naman naiintindihan.

Kung tutuusin kasalanan niya dahil lagi siyang nasa isip ko. Kapag bumagsak ako, siya ituturo kong may kasalanan kay Kuya Angelo.

Kuya, ayaw niyang umalis sa isip ko.

"Iba na nga lang pag-aralan natin." Sabi ko at naghanap nalang ng hindi related sa math.

English ang una kong nakuha pero mukang hindi na niya kailangan yon. Pigang-piga na ang natitirang likido sa utak ko, dahil sa kaka-english niya. Mamaya lang mag-spark na yan kasi kulang sa langis.

Humanap ulit ako ng iba hanggang sa makuha ko ang science. Inabot ko sa kaniya yon.

"Yan muna." Sabi ko.

"What's this?" Tanong niya habang binabasa ang nakasulat sa papel. "Reproductive System."

"Ganito yan..." Sabi ko at tinuro ang mga imahe. "Kapag nagkita tong itlog at mga butete, bababa yan dito tapos mag-devide siya. Tapos magiging ganito na." Tinuro ko ang sunod na imahe. "Tapos unti-unti na siyang ma-develop. Ganito muna tapos ganito tapos ganito." Sunod-sunod na turo ko sa mga imahe ng fetus. "Tapos yan na siya, Baby na. Antayin nalang lumabas."

"I'm confuse. How did this thing meet this thing." Patukoy niya sa itlog at sa butete.

"Kapag-." Napatigil ako sabay tingin sa kaniya ng masama. "Sasakmalin na talaga kita."

Buti nalang agad kong napagtanto ang pinupunto niyang hayop siya. Akala siguro niya hindi ko mapapansin. Ang lawak pa ng ngiti ng hayop.

Gago talaga.

"Seriously? If Angelo sees and hear this, you are more than doom."

Napanguso ako. Alam ko! Alam na alam ko. Malamang na bawat salitang lalabas sa bibig ko, may kutos ako.

Pa-share it naman ng talino.

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 470K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
107K 5.4K 40
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
46M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
343K 888 15
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.