When Midnight Falls

By xpheres

1.4K 547 261

What if I told you that not everything you see is real? That's when Moerani found herself stucked between the... More

Copyright
Season 1 Teaser
Season 1 Prologue
Season 1 Chapter 1: She Can't Sleep
Season 1 Chapter 2: Moerani's 16th Birthday
Season 1 Chapter 3: The Devillion's Land
Season 1 Chapter 4: Midnight
Season 1 Chapter 5: The Darker Twist
Season 1 Chapter 6: Hue Ardens
Season 1 Chapter 7: When Karma Likes You
Season 1 Chapter 8: Dovi's Enemy
Season 1 Chapter 9: It's Because Of Dobi
Season 1 Chapter 10: When Darkness Stares At Me
Season 1 Chapter 11: The Devillion's Gathering
Season 1 Chapter 12: Everyone Isn't Real
Season 1 Chapter 13: Acquaintance
Season 1 Chapter 14: The Afterparty
Season 1 Chapter 15: It's A Very Long Night (Pt.1)
Season 1 Chapter 16: It's A Very Long Night (Pt.2)
Season 1 Chapter 17: Hide And Seek
Season 1 Chapter 18: The Forbidden Love
Season 1 Chapter 19: Thara's Mysterious Savior
Season 1 Chapter 20: People Who Sinned
Season 1 Chapter 21: It's The Anberge's Fault
Season 1 Chapter 22: The Boy With The Golden Eyes
Season 1 Epilogue (Pt.1)
Special (Music/SFX/Songs)
Last Note

Season 1 Epilogue (Pt.2)

31 10 0
By xpheres

Moerani's Point Of View

ISANG PALAISIPAN pa rin sa akin kung ano ang ibig sabihin ng mga huling sinabi ni Beggar. Maging 'yung kay Dovi. Pinahihirapan nila akong dalawa.

Pinagmasdan ko lamang si Dovi na diretso ang tingin sa may kalsada. Nakita ko ang pagsilay ng isang ngisi sa labi niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.


“Wala ka bang balak sabihin sa akin kung nasaan ka kanina?” pagbasag ko nalang sa katahimikan. Kaagad niyang pinasadahan ng kamay ang buhok niya.


“Malalaman mo rin, Rani.” hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. Napasimangot nalang ako at saka humalukipkip sa may upuan. Nag-vibrate ang phone ko kaya kaagad ko 'yung tinignan.

“It's Mom, Dovi.” nag-aalangan ako kung sasagutin ko ba ang tawag ni Mommy. Sigurado akong sobrang nag-aalala na siya sa akin.


“Moerani! Nasaan ka?” ramdam na ramdam ko ang pag-aalala ni Mommy sa kabilang linya.


“Mom?”


“Moerani!” kalmado pa rin si Mommy pero halatang halata talaga ang pag-aalala sa boses niya. Kinakabahan na ako.

“Mom. I'm sorry.”


“Hindi ba't sinabi ko sa sa'yo na huwag kang aalis ng bahay natin?!” mas lalo akong natiklop sa kinauupuan ko nang magsalita ulit siya.


“Tita…” natahimik ako nang magsalita si Dovi.


“Thelios?”

“Tita, I'm with Rani. I promise you that nothing bad will happen to her.” napalunok si Dovi tsaka naman na tumahimik ang kabilang linya.


“Mom?”


“Nasaan kayo, Rani? Susunod ako.”

“Papunta kami sa mga Chravis, Mom. Huwag na kayong sumunod at baka delikado doon.”


“Delikado doon, Moerani. Always remember that they're not just ordinary people but witches. They're powerful. Hinding hindi mo mapipigilan ang sumpa, Moerani.”


Walang makakapigil sa akin kahit na si Mommy pa. Kailangang kailangan ko lang talaga na matigil ang sumpa na 'yun hanggang sa abot ng makakaya ko.

“I know, Mom. We'll be safe. Nothing bad will happen to us. I'm sure.” ang sabi ko at saka tinignan si Dovi. Nag-aalangan ding binalingan ako ng madali ni Dovi.

“Moerani.” kaagad ko nang ibinaba ang tawag nang matapos na ito. Hindi ko na kaya pang pakinggan ang boses ni Mommy. Masyado na akong naaawa sa kaniya. Wala siyang kasalanan sa lahat ng ito pero siya ang sobrang nahihirapan.


Napangiwi nalang ako nang biglang may kumalabog sa likuran ng kotse namin. Pinagmasdan ko lamang iyon hanggang sa may kumalabog ulit. Sa pagkakataong ito, napatingin na ako kay Dovi na diretso pa rin ang tingin sa kalsada.


“Dovi, what's that?”


“Huwag mo siyang papansinin at hindi ka niya guguluhin, Moerani.” walang kaemo-emosyon niya akong tinignan. Ginawa ko nga kung ano ang sinabi ni Dovi. Nakakapagtaka lang talaga ang ikinikilos niya ngayon.


“Sh*t, bakit ayaw niyang tumigil?” pinalo niya ang manibela at saka itinigil ang sasakyan sa may gilid. “Bakit ka tumigil?”


“Hindi rin siya titigil, Moerani.”


“Teka nga, sino ba 'yang sinasabi mong siya? Gulong gulo na ako sa ikinikilos mo, Dovi!” sigaw ko sanhi para mas lalong lumakas ang kalabog sa likod.

“He's my nightmare, Rani! Kagaya ng sa'yo. Pareho lang tayong nahihirapan dito.” natahimik ako sa sinabi niya. “I'm sorry.” I stutter as I answer him.


Hindi ko naman alam at hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko. Ayokong masaktan si Dovi.


“I'm part of this too, Moerani. Your Dad and mine, they both died because of that curse. Matagal ko nang alam ang tungkol doon at pinili kong itago lang 'yun sa iyo. Ayokong mahihirapan ka, Moerani.” his eyes are very sad as if memories are coming back to haunt him.


“I'm sorry.” napalunok na lamang ako habang pinagmamasdan ang mukha ni Dovi. Isinandal niya ang ulo sa may head-rest at saka bumuntong-hininga.

“It's not your fault, Rani.” nang matigil na ang pagkalabog sa may likod ay kaagad na pinaandar na ni Dovi ang sasakyan.


Tahimik lang kaming dalawa at ni hindi nag-uusap. I'm so occupied right now to the point that I can't think right. Kaagad na nakuha ng atensyon ko ang rearview mirror ng kotse.


Napahawak nalang ako sa bibig ko nang makakita ng isang lalaki na nakaupo sa may backseat. Diretso ang tingin niya kay Dovi at napakatalim nito. Sunog-sunog din ang balat niya at tuloy-tuloy ang daloy ng pulang-pulang dugo sa mga mata niya.

Sinikap kong hindi siya tignan ngunit may bahagi sa akin na kailangan kong gawin iyon. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sumakit na naman ito, saka naman na inalalayan ako ni Dovi.

“Okay ka lang?” tumango naman ako sa kaniya. “Sigurado akong malapit na tayo sa gubat na 'yun.” magsasalita pa sana siya ng sandali niyang mabalingan ang rearview mirror. Alam kong nakikita din niya ang lalaking iyon pero hindi lang niya pinapakialaman.


“Nakikita ko rin siya, Rani. Hayaan mo nalang siya diyan.”





NANLAKI ang mga mata ko nang bumungad sa amin ang mga patay na uwak sa daan. Nagkalat sila pati na sa itaas. Punong-puno ng uwak ang lugar na ito at halos kaunti lang ang naaninag ko sa makapal na usok sa paligid.


“Isarado mo ang bintana, Rani!” napabaling ako sa may bintana ko nang bigla na lamang na uwak ang nagpipilit na pumasok dito. Kaagad kong isinarado iyon pero naipit 'yung ulo ng uwak kaya nahati ito. Napangiwi ako nang mahulog ang pugot nitong ulo sa may pantalon ko.

“Gross.” napatingin kami sa may kalsada nang makaaninag kami ng isang anino na papalapit sa amin. Akmang lalabas sana ako para tignan iyon pero pinigilan ako ni Dovi at sinenyasan lang na maghintay.


Mas lalong tumaas ang balahibo ko nang unti-unti ay dumadami ang anino na kanina lang ay nag-iisa. Papalapit sila sa direksyon namin kaya napamura ako sa isip ko.


“It's the Anberges, Moerani.” napalunok ako nang balingan ko ng tingin si Dovi na dahan-dahang binubuksan ang pintuan ng kotse. Hinawakan ko pa ang kamay niya para sana mapigilan siya pero inilingan niya lang ako.


“They need our help. Bumaba ka na rin, Rani kapag sinabi ko na.” pinagmasdan kong maglakad si Dovi sa gitna ng napakakapal na usok. Unti-unti siyang kinakain ng usok na 'yun sanhi para hindi ko na maaninag ang anino niya.


Ilang minuto pa ang nagtagal nang makarinig ako ng kumakatok sa may bintana ko. “No. Not again.” sabi ko habang takot na takot na nakatingin sa kaniya. Kitang kita ko ang pulang-pula niyang mga mata at ang ngisi na hindi mawala-wala sa labi niya. This is the last. Hinding-hindi na kita makikita pa.


“Moerani!” nabalik ako sa realidad nang tawagin ni Dovi ang pangalan ko. Senyas na pwede na akong lumabas. Binalik ko ang tingin sa kaniya ngunit wala na siya sa may bintana ko.

Napayakap nalang ako sa sarili ko nang makaramdam na naman ako ng sobrang lamig na sensasyon sa katawan ko.


“Moerani…” paulit ulit na bulong ang naririnig ko sa paligid. Sobrang dami nila at hindi ko alam kung titigil ba sila o hindi. Unti-unti ko itinaas ang tingin ko sa kanila at bumungad sa akin ang mga taong-bayan na nagkasala sa mga Chravis. Ang mga Anberge.


“Moerani?” napatingin ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin 'di kalayuan. Ibinaling ko ang tingin doon at saka naman ito ngumiti. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.

“Huwag kang umiyak. Tandaan mo lang na lahat ng ito ay nakatadhana, Moerani. Mag-ingat ka't hindi sila biro. Hindi biro ang mga Chravis.” nginitian niya ulit ako at saka ulit na unti-unting naging nasusunog na papel ang balat at katawan niya.


“Daddy?” I stutter as I say his name.


“You're too precious, darling. You and your mother.” ngumiti ulit siya at saka na nawala ng tuluyan ang katawan niya. Parang papel na hinangin iyon at sa pangalawang pagkakataon ay wala akong nagawa.


Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad habang tulo pa rin ng tulo ang mga luha ko. “This is all my fault.” bulong ko. Dahan-dahan akong umabante dahil nararamdaman kong kaunti nalang ay babagsak na ang tuhod ko.


Kaagad na lamang akong napaatras sa kinatatayuan ko nang bigla na lamang ay may bagay na bumagsak mula sa kung saan. Nang lapitan ko 'yun, nakita ko ang pagbulwak ng dugo sa tiyan nito. Sandali pa, padami na ng padami ang mga uwak na naghuhulugan mula sa may itaas. Lahat sila ay pare-pareho ang nangyari. Malaki ang hiwa sa tiyan at baling-bali din ang ulo.

“Dovi?!” sigaw ko. Naghintay ako sandali at mas lalo akong kibahan nang walang sumasagot na Dovi.


“Dovi?!” paulit ulit ko iyong tinawag habang dahan-dahan ang pag-abante ko. Ni hindi pa rin matapos tapos ang pag-ulan ng mga patay na uwak na galing sa langit.


“Dovi, I'm scared.” muntik na naman akong umiyak nang marinig ko na ang boses ni Dovi.


“You did it. Don't cry, Moerani. We're one step away from them.” tsaka niya binalingan ng tingin ang napakadilim na gubat. Hindi ko na napigilan pang yakapin si Dovi dahil sa takot ko.

“It's never your fault. Don't cry.” hinawakan niya ang kamay ko na nagpakalma naman sa akin. “Let's go, Rani.” siya ang nauna at sumunod lang ako sa kaniya habang hawak hawak niya ang malamig kong kamay.


“Dovi.” ang sabi ko na nakapagpalingon naman sa kaniya. Halos nasa tapat palang kami ng gubat na 'yun ay sobrang naninikip na ang dibdib ko. Mabilis akong inalalayan ni Dovi dahil ramdam kong hinang-hina na ako.


“Kaya mo ba?” napailing ako sa kaniya sanhi para buhatin niya ako sa likuran niya. “Inhale, exhale, Rani. We're almost there.”


Nag-iba ang pakiramdam ko nang sa wakas ay makapasok kami sa napakadilim na gubat. Para bang pumasok kami sa isang bagong lugar. Where magic lives.


“Don't worry, Rani. Everything will be alright. I promise.” sinubukan na magbalik tingin ni Dovi sa pinanggalingan namin pero batong dingding lang ang bumungad sa kaniya. Nanlaki din ang mata ko sa nakita ko.


“Ako lang ba o nawala talaga 'yung kaninang daan na pinasukan natin?” inutusan ko na siyang ibaba ako kahit na medyo makirot pa rin ang dibdib ko. “Remember, Dovi. We are in the Cursed Forest. Everything here is cursed and magic lives here.” ang sabi ko at saka inilibot ang tingin sa gubat.


Pamilyar na pamilyar din ito na para bang nakapunta na ako dito. It's the same feeling.


Akmang hahakbang sana ako nang pigilan ako ni Dovi. Nginuso niya ang itaas namin kaya napatingin ako doon. Punong-puno ng mga uwak ang lahat ng mga sanga ng puno na madadaanan namin ni Dovi. Nasa itaas sila ng mga bangkay ng mga tao na nakasabit sa bawat sanga nito.


“Nakita ko na ito, Dovi.” bulong ko. Ramdam kong hindi lang kami ni Dovi ang nandidito. Nararamdaman ko 'yun. Aabante pa sana ulit ako nang bigla na lamang na may lumitaw na malalim na butas doon.


“Kanina pa namin kayo hinihintay, Anberge.” ibinaling namin ang atensyon sa pamilyar na boses na nagsalita sa likuran namin. Nasa limang tao sila at lahat sila ay nakasuot ng kulay pulang coat. Ngingisi ngisi pa ang nasa gitna sa kanila.

“Welcome to The Cursed Forest, Anberge!” binuksan niya ng malapad ang dalawa niyang braso at umaktong gusto niya kaming nandidito.


“Viyon…” ang sabi ko kaya napatingin nalang sa akin si Dovi.


Naging kulay ginto ang mga mata nito kasabay ng pagsakit na naman ng dibdib ko. Kaagad akong inalalayan ni Dovi at saka naman na nagsalita si Viyon.


“Senior Viyon. Senior Viyon ang itawag mo sa akin, Anberge.” nakita ko ang pagsilay ng isang ngisi sa mga labi niya. “Alam ko na ang pakay ninyo. Bakit hindi tayo mag-usap usap na muna sa mansion?” hindi pa man kami nakakasagot ay kaagad niyang pinitik ang kamay niya sanhi para umilaw ang ginto niyang mga mata.


Sa isang pitik lamang ay napunta kami sa kung saan. Sa isang maganda at magarbong mansion sa gitna ng gubat. Kaagad na tumambad sa amin ang ilang mga tao, witch to be exact. Lahat sila ay nakasuot ng mga magagarbong damit mula ulo hanggang paa.


“Anberge!” sigaw ni Viyon. Hindi na siya ngayon nakasuot ng pulang coat bagkus ay nakasuot na siya ng magandang damit na galing pa noong 18th century.


“Viyon…” si Dovi. Tinignan niya ako at saka ibinalik kay Viyon. “Thelios Anberge! The Curse Breaker. Hindi kita napansin.” matawa-tawa niyang tinignan si Dovi at saka umupo sa isang upuan na sa tingin ko ay gawa sa ginto.


“Nagpunta kami dito…” magsasalita pa sana si Dovi pero pinigilan na siya ni Viyon. “Shh… Huwag ka nang mag-abalang sabihin sa akin ang dahilan, Anberge. Nagpunta kayo dito para sana ay pigilan ang sumpa.” bumuntong-hininga siya at saka ulit na naging ginto ang mga mata.

Naglabas din siya ng apoy sa mga palad niya. “Huling huli na kayo, Anberge. Hinding hindi ninyo mapipigilan ang sumpa. Mamamatay at mamamatay ka.” binalingan niya ako ng tingin sanhi para mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

“Tama na, Viyon! Huwag mo nang pahirapan si Moerani! Wala siyang kasalanan.” akmang susugod si Dovi sa kaniya pero pinigilan siya ng iba pang mga witch na nakasuot ng kulay pulang coat.

“Hindi kayo magkakakasalanan kung hindi kayo isang Anberge.” tamad na uminom ito ng kulay pulang likido sa baso niya. “Kung wala na kayong iba pang sasabihin ay umalis na kayo dito.” akmang tatayo na ito at hindi kami bibigyang pansin ni Dovi.


Nilingon ako ni Dovi sanhi para mas lalo akong manghina. Kung ano man ang iniisip niya ay sigurado akong wala na akong magagawa pa.


“Viyon! Harapin mo kami at huwag kang maging duwag!” kaagad kaming nagulantang nang biglang tumunog ang malaking kampana na nasa mansion. Alas-dose na.

“Siguro tama ka, Anberge. Maghihintay ako dito habang pinapanood na mamatay ang pinsan mo. Alas-dose na, Anberge. Maligayang Bagong Taon!” pinagmasdan niya lang ako habang hirap na hirap na akong huminga. Parang may kung anong bagay ang pumipigil sa akin para magsalita.


“Viyon!” makailang ulit kong narinig ang sigaw ni Dovi. Nanlalabo na ang tingin ko at hindi ko na maaninag ang mga tao sa paligid. Tanging ang tunog lang ng kampana ang naririnig ko.


“Moerani!” kaagad akong binalikan ni Dovi. Unti-unti na akong nakararamdam ng mainit na sensasyon sa paligid na para bang nasa impyerno ako. Nasusunog.


“Moerani!” sigaw ulit ni Dovi at saka hinawakan ang pisngi ko. Tanging ang naaalala ko nalang ay ang mga masasayang araw na kasama ko si Dovi. This is the most memorable new year for me.

“Mukhang nawawalan ka na ng pag-asa, Anberge. Hindi ba't nakita mo nang mangyayari ito? Wala kayong magagawa. Wala kang magagawa.” alam na niyang mangyayari ito?

“Ipinakita na ito ni Vicchia sa'yo.” tsaka ito tumawa na para bang nawawala na sa katinuan.

Kaagad na hinawakan ni Dovi ang mukha ko. Rinig na rinig ko ang hininga niya at kitang-kita ko pa ang pag-aalala sa mukha niya.


“Moerani. Moerani. Makinig ka sa akin. Kahit anong mangyari ay huwag na huwag mong ipipikit ang mga mata mo, okay?” ginalaw galaw niya ako para magising ako.

“I'm really sorry. I need to do this for you.” napalunok pa siya. Kusa naman na tumulo ang luha ko nang hawakan niya ang malamig kong kamay at ilagay iyon sa dibdib niya.

Hindi na ako makapagsalita sa sobrang sakit kaya pinakinggan ko na lamang ang mga susunod na sasabihin ni Dovi.


“Remember to paint that view for me, Moerani. Promise me.” unti-unti na rin siyang napahagulgol habang mahigpit niya akong niyayakap.

Naalala ko ang keychain na nasa bulsa ko simula pa lamang ng pag-biyahe namin. This is my last gift for him. This is my last gift for my bestfriend.


Kaagad kong iniabot sa kaniya ang keychain na 'yun at dahan dahan akong lumapit sa may bandang tainga niya para makabulong.


“Keep that, Dovi.” hirap na hirap man ay pinilit kong makapagsalita. Mas lalo lang na napahagulgol si Dovi.


“Stop the drama, Anberge.” narinig ko ang ulit ang boses ni Viyon. Sa pagkakataong ito ay binitawan na ako ni Dovi at naramdaman ko ang pag-alis niya sa tabi ko.

“Take me instead.” mas lalong nanikip ang dibdib ko sa narinig ko.


“I already knew that, Anberge.”


“Buhayin mo si Moerani at ako ang gawin mong bayad sa mga kasalanan ng mga Anberge, Viyon.” walang emosyong sabi ni Dovi. Rinig ko ang malakas na halakhak ni Viyon.

“Fine. But, I do prefer that Anberge.” magsasalita pa sana siya kaso pinigilan na siya ng sigaw ni Dovi. “Take me! Moerani didn't do anything!” narinig ko ang kaunti niyang paghagulgol.

“Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan kaya ako nalang ang kunin mo. Buhayin mo si Moerani at bayad na ang kasalanan ng mga Anberge!” hindi ko na nakita pa ang sunod na nangyari dahil unti-unti nang bumabagsak ang talukap ng mga mata ko.

Tanging narinig ko nalang ay ang mga palahaw at sakit na naramdaman ni Dovi. He do really protected me to the point that he will sacrifice his life just for me.

Nakarinig ulit ako ng mga bulong na nanggagaling sa paligid ko. Paulit ulit at halos iisa lamang ang sinasabi nila. Sumabay din dito ang kulog at kidlat maging ang mainit na sensasyon na nasa paligid.

Unti-unti kong pinilit na buksan ang talukap ng mga mata ko, tumagilid din ako para makita ko ng maayos si Dovi. Mas lalo lamang na nagtubig ang mga mata ko nang makita ang lanta na niya katawan na nasa may sahig. Puno ng dugo ang sahig at nakita ko kung papano dukutin ni Viyon ang mga mata ni Dovi.


He sacrificed his life just for me.







NATAGPUAN ko na lamang ang sarili ko na nakahiga sa napakalambot na kama. Tumambad sa akin ang nakasisilaw na ilaw sa may kisame. Pinilit kong igalaw galaw ang katawan ko pero kahit anong gawin ko ay sobrang sakit pa rin.


Kaunti kong binalingan ng tingin ang babaeng iniluwal ng pintuan. May dala dala siyang basket ng mga prutas at ngiting-ngiti siya sa akin.


“Gising ka na pala. Dinalhan kita ng prutas, Moerani.” nginitian niya ulit ako at saka hinila ang upuan at itinabi 'yun sa gilid ng kama ko.


“Anong nangyari, Mom? Bakit nandidito ako?” gulong gulo talaga ako kung nasaan ako ngayon.


“Naaksidente ka, Moerani. Paano ka ba napunta doon? Wala kang kasa-kasama.” gulong gulo kong pinagmasdan ang mukha ni Mommy. She doesn't know about what happened to Dovi.


“Si Dovi, Mom? Nasaan siya?” kumunot ang noo niya.


“Sino si Dovi, Moerani? Kaibigan mo ba siya?” kinuha niya ang isang orange na nasa basket at saka binalatan ito.


“Dovi, Mom. Thelios Doviand Anberge, my cousin? Hindi ninyo siya nakita? Hindi ako naaksidente, Mom!” kaagad niya akong pinakalma.


“You don't have any cousin, Rani. Naaksidente ka, baka hindi mo lang maalala. Wala akong kilalang Dovi, Rani.” nakaramdam ako ng unti-unting pagbagsak ng luha.

“Why are you crying?” kaagad na pinunasan ito ni Mommy.


“He sacrificed his life.”









Six months later…










BINALINGAN ko ng tingin ang wrist watch ko at nakita kong mag-aalas sinco na pala ng hapon at naka-ilang buntong-hininga na ako habang kinukuhanan ng mga litrato ang mga artifacts na nandidito sa may museum.


“Enjoying?” si Thara. Kasa-kasama niya si Vale na parehong nakangiti sa akin. It was our field trip at ako ang malas na inatasan nilang kumuha ng mga pictures.

“Tss. Dapat si Zediah ang gumagawa nito e. Siya ang photographer samantalang, artist naman ako. Tss.” sabi ko. Nagulat naman ako nang bigla na lamang na niyakap ako ni Thara.


“What's up with you, Thara?” nginitian niya lang ako at saka kinalas ang yakap.


“Kapag pagod ka na ako nalang ang kukuha ng pictures. Love you, Rani!” she waved her hands goodbye at saka sumama kay Vale. Kalokohan e.


Ilang beses na rin akong nag-ikot ikot dito at marami-rami na rin akong nakuhang magagandang litrato.


Bahagya na muna akong tumigil sa tapat ng isang artifact para pagmasdan ang nga pictures na kinuha ko.

“Nice. Maging photographer na kaya ako?” ang sabi ko. Tsaka naman na nakuha ng atensyon ko ang artifact na nasa tapat ko. It really reminds me of the old days.


Isa 'yung diyaryo na nasa may glass frame. That newspaper is from the 18th century where that mass killing happened. The newspaper is really familiar, nakita ko na ito. Katulad ito noong dyaryo na nakita ni Mommy sa may bodega ng bahay namin.

Kitang kita sa diyaryong iyon ang mga bangkay ng mga taong walang muwang nilang pinatay. Nakuha ng pansin ko ang isang bangkay doon at ilang segundo ko 'yung pinagmasdan tsaka na lumipat ang tingin ko sa remains na nakita nila sa isang bangkay doon.


It was a keychain in a sealed glass box. It was my last gift. It was my last gift for him.

“Dovi.” ang sabi ko at saka ibinalik ulit ang tingin sa isa sa mga bangkay na nasa diyaryo. It was him. It was Dovi.


Hindi ko na namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang luha ko. The pain is still here. I miss him.


Midnight at exactly 12 A.M, end of the year. He sacrificed his life just to save mine.










-END-










A/N: Don't forget to vote, comment and share.

Continue Reading

You'll Also Like

43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
2.9K 124 39
We all know how the story goes... A group of 6 highschool students on a fieldtrip that led to a disaster... Which also led them to cross realms betwe...