When Midnight Falls

Bởi xpheres

1.4K 547 261

What if I told you that not everything you see is real? That's when Moerani found herself stucked between the... Xem Thêm

Copyright
Season 1 Teaser
Season 1 Prologue
Season 1 Chapter 1: She Can't Sleep
Season 1 Chapter 2: Moerani's 16th Birthday
Season 1 Chapter 3: The Devillion's Land
Season 1 Chapter 4: Midnight
Season 1 Chapter 5: The Darker Twist
Season 1 Chapter 6: Hue Ardens
Season 1 Chapter 7: When Karma Likes You
Season 1 Chapter 8: Dovi's Enemy
Season 1 Chapter 9: It's Because Of Dobi
Season 1 Chapter 10: When Darkness Stares At Me
Season 1 Chapter 11: The Devillion's Gathering
Season 1 Chapter 12: Everyone Isn't Real
Season 1 Chapter 13: Acquaintance
Season 1 Chapter 14: The Afterparty
Season 1 Chapter 15: It's A Very Long Night (Pt.1)
Season 1 Chapter 16: It's A Very Long Night (Pt.2)
Season 1 Chapter 17: Hide And Seek
Season 1 Chapter 18: The Forbidden Love
Season 1 Chapter 19: Thara's Mysterious Savior
Season 1 Chapter 20: People Who Sinned
Season 1 Chapter 21: It's The Anberge's Fault
Season 1 Chapter 22: The Boy With The Golden Eyes
Season 1 Epilogue (Pt.2)
Special (Music/SFX/Songs)
Last Note

Season 1 Epilogue (Pt.1)

22 10 0
Bởi xpheres

Moerani's Point Of View

“DUMIRE-DIRETSO lang kayo doon, mga venefica. Kapag nakakita na kayo ng isang maliit na tent na nasa tapat ng isang posteng may kulay pulang ilaw ay tama ang dinadaanan ninyo. Sige, mauna na ako.” kaagad naming tinahak ni Dovi ang direksyon na sinabi ng matanda. Hindi na kami nag-alinlangan pa dahil ang oras ang kalaban namin.

Katulad ng sinabi ng matanda ay bumungad sa amin ang isang poste na kulay pula ang ilaw, sa tapat noon ay isang maliit na kulay pulang tent na nadedekorasyunan ng mga mamahaling bato. May babaeng naka-kulay pulang coat ang lumabas doon. Binalingan niya kami ng tingin at ikinagulat ko nang magkulay ginto ang mga mata niya.

“Heto na siguro 'yun, Rani.” hindi ko pa rin maialis ang tingin doon sa babae kaya hinawakan na ni Dovi ang mga kamay ko.

“Let's go, Rani.” aya niya na nakapagpakalma sa dibdib ko. “It's now or never.” dugtong ulit niya at saka inilabas sa bulsa niya ang isang piraso ng ruby na ibinigay ko sa kaniya.

“Excuse me? Is anyone here?” sabi ko nang hawiin ko ang mga tali na may mga mamahaling bato na nagsisilbing kurtina ng lugar.

Tumambad sa amin ni Dovi ang isang matandang babae. Mukha siyang matanda ngunit kita pa rin sa kutis niya ang kabataan niya. Nagulat nalang ako nang iangat niya ang tingin niya sa amin sanhi para mapansin kong wala siyang mga mata. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo mga bata?” hinila ko si Dovi at pinaupo sa isa sa mga upuang nasa harapan namin.

“May mga gusto lang po sana kaming malaman.” kaagad kong binalingan ng tingin si Dovi na mariing pinapasadahan ng tingin ang paligid. Napatingin din tuloy ako bago magsalita. Puno ang lugar na ito ng mga mamahaling bagay, proselas at mga bato. May mga makikita din ditong lumang mga bagay katulad ng mga papel na nakatambak lang sa gilid.

May nakita din akong mga manika na may mga karayom na nakatusok. May isang bolang kristal din at katabi noon ang iba't ibang mga tarot cards. Nakakapagtaka lang talaga kung papaano nakikita 'yun ni Lola.

“Hindi niyo kailangang mamangha. Lahat ng mga bagay na nandidito ay pag-aari ko at ginagamit kong lahat. Maging komportable sana kayo sa mumunti kong tulong.” nginitian niya kami kaya nginitian ko rin siya pabalik kahit na alam ko namang hindi niya 'yun makikita.

“Kamukhang kamukha ka ng iyong Tatay, Moerani. Napakaganda mong bata.” nagulat ako nang bigkasin niya ang pangalan ko, hindi pa naman kami nagpapakilala ni Dovi.

“Thelios Anberge. Hindi ka ba magsasalita? Napaka-gwapo mo ring bata, ngunit masasayang lang 'yang lahat kapag isinaalang-alang mo ang kaabaitan mo't puso.” kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lola.

“Lola...”

“Venefica Vicchia na lamang ang iyong itawag sa akin. Hindi nababagay ang katawagang iyon dahil hindi naman ako katulad ninyo.” kumunot ulit ang noo ko sa sinabi niya.

“Venefica Vicchia. Gusto lang po sana naming malaman kung ano ang katotohanan tungkol sa clan ng Chravis at ng mga Anberge.” ang sabi ko at saka binalingan ng tingin si Dovi na napalunok din. Ngumiti ang matanda at saka inilapag sa may lamesa ang dalawa niyang kamay.

“Bago 'yan. Nagdala ba kayo ng pambayad, mga bata?” sinensiyasan ko si Dovi na iabot ang ruby sa kamay ng matanda. Ngumiti ulit ito kahit sa tingin ko'y ni hindi niya kami nakikita ni Dovi.

“Magandang klase ito. Hindi mo ba nakaligtaang magpasalamat sa lalaking lamia na nagbigay sa iyo nito, Moerani?” nanlaki ulit ang mga mata ko nang sa isa pang pagkakataon ay nahulaan niya kung sino ang nagbigay sa akin noon.

“O-Opo.”

“Sana ay huwag kang mag-alinlangan na malalaman mo ang nakaraan. Wala kang kasalanan doon at tanging ikaw lamang ang sakripisyo.” inilahad niya ang dalawa niyang palad sa harapan namin. “Hawakan ninyo ang mga kamay ko. Ipapakita ko sa inyo kung papaano at saan nagsimula.” ang sabi niya.

Dahan-dahan naming hinawakan ni Dovi ang kamay niya. Tumaas naman ang balahibo ko nang makaramdam ng kuryente na unti-unting pumapasok sa kalamnan ko. Ano bang klase ng nilalang siya?

Muntik ko nang mabitawan ang kamay niya pero napakahigpit ng hawak niya dito. Napapikit nalang ako nang biglang magliwanag ang mga mata niya't naging ginto ito. Mas lalo ring lumakas ang daloy ng kuryente sa katawan ko.

Ilang minuto pa, dahan-dahan kong binuksan ang talukap ng mga mata ko para pagmasdan ang paligid. Ikinagulat ko nang nag-iba ang paligid at pati na rin ang panahon. Nagkalat ang mga babae at lalaking nakasuot ng mga mamahaling damit na sa tingin ko ay kapanahunan pa ng mga ninuno ko.

Wala ni isa sa kanila ang may damit na pang-alila bagkus ay puro mga court dress, mga coat at iba pa ang mga suot nila. Inilibot ko ang tingin ko para hanapin si Dovi ngunit ang nakita ko lang ay ang matanda na kanina ay kausap lang namin.

Mabilis akong sumunod sa kaniya nang ayain niya ako papunta sa kung saan. Kakaiba ang lugar na ito.

“Venefica, nasaan po tayo?” ang sabi ko nang maabutan ko siya sa paglalakad. Kakaiba rin ang suot niya, court dress din 'yun katulad ng iba. “Look at your dress. You're really beautiful, Moerani.” napatingin ako sa suot ko at naka-court dress din ako.

“Ipakikita ko sa iyo kung saan nagsimula.” ang dugtong niya at saka hinawi ang mga dahon, bumungad sa amin ang mga nangangalit na mga tao. Lahat sila ay may mga dala-dalang sibat, mga naglalagablab na sulo, kitang kita ang galit sa mga mukha nila.

“Sino sila, Venefica?” napayakap tuloy ako sa sarili ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

“Ang mga Anberge.” kaagad akong napahawak sa bibig ko nang magsimulang magtapon ng mga sibat ang mga sambayanan sa tapat ng isang napaka-garbong mansion.

Unti-unti din nilang pinagtatapon sa harapan noon ang mga sulo nilang may mga apoy. Sanhi para mapalabas nila sa malaking mansion ang lupon ng mga kalalakihan na pawang mga nakasuot ng mamahaling mga kasuotan.

“Ano sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo?” kalmado ang lalaki na nasa may unahan. Napahawak nalang ako sa bibig ko nang bigla siyang hagisan ng isa sa sambayanan ng umaapoy na sulo. Kaagad na nasunog ang buong katawan niya at tila hindi siya nasasaktan.

“Totoo ang mga sabi-sabi! Mga mangkukulam nga sila!” napalunok nalang ako nang mahawakan ng lalaking iyon ang apoy at parang sisiw lang sa kaniyang kontrolin iyon.

“Hindi ninyo ba alam na ang kalakasan namin ay apoy?!” kaagad itong humalakhak na parang demonyo at mas lumakas pa ang apoy na nasa katawan niya sanhi para mas lalong tumaas ang balahibo ko.

Bahagyang napaurong ang sambayanan nang isa isang nagpalabas ng apoy ang mga kalalakihan na nanggaling sa mansion sa kanilang mga kamay.

“Hindi ninyo alam kung sino ang mga kinakalaban ninyo!” sigaw nito at saka naman na dumilim ang paligid. Nagsimula ding umihip ang napakalakas na hangin sanhi para mapahawak ako sa court dress na suot suot ko. Sandali kong inilibot ang paningin ko nang maramdamang parang naninikip ang lugar.

Unti-unti na palang gumagalaw ang mga puno sa paligid at palapit ito sa mga tao. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata nila sanhi para ganoon din ang maramdaman ko.

“Venefica…” ang sabi ko nang mapagtantong wala na sa tabi ko si Venefica. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga tao at ikinagulat ko nalang nang magtama ang paningin namin noong lalaking nasa gitna. Agad niya akong nginisian na nagpahina ng sistema ko.

Bigla na lamang na kumulog at kumidlat sa paligid. Napaatras tuloy ang mga tao at saka naman na mas lalong lumakas ang pwersa ng mga mangkukulam na tinatawag nila.

“Peccaverint tibi pugnavit pro vobis est cum omnibus nobis.” You all sinned for you all fought with us.

“Sicut dicimus quod omne maledictum non erit. Nihil pati possit et filios ejus.” The curse will do as we say. Your children will suffer and you all can't do anything with it.

“Omnes moriemur neque fient.” All will die and no one will be saved.

“Et omne maledictum non erit, ut dicam.” The curse will do as I say.

Sabay sabay na naging ginto ang mga mata ng mga lalaki. Dahan-dahan ding namilipit sa sakit ang sambayanan dahilan para marinig ang takot sa paligid. Maging ako ay napaurong sa pagkakasilip ko sa isa sa mga halamanan.

“Kailangan ninyong mawala! Hindi kayo dapat na mabuhay na kasama ng mga tao! Hindi namin kayo kauri!” sigaw ng isang lalaki na akmang ihahagis ang isang sibat na umaapoy ang dulo sa mga kalalakihang ibang nilalang.

“Hinay-hinay.” ang sabi nito at saka itinaas ang kamay niya sa ere. Saka naman na tumusok ang sibat na iyon sa diretsong tiyan ng lalaki sanhi para bumulwak ang sandamakmak na dugo dito. Ganoon din ang nangyari sa iba kaya napuno ng dugo ang mga damo.

Kaagad na nilapitan ng lalaking nagsisilbing pinuno nila ang isa sa mga sambayanan na ngayo'y namimilipit na sa sakit dahil sa nakatarak na matulis na sibat sa kaniyang dibdib. Hinawakan ng lalaki ang pisngi nito at sa hinaplos ito. Bahagya pang napatawa ng kaunti ang lalaki at saka marahas na dinukot ang mga mata ng wala nang kamalay-malay na tao.

“Hindi na dapat kayo sumugod.” kaagad itong ngumisi at tumingin sa gawi ko. Napatago tuloy ako dahil sa kaba. “Hindi na dapat na mahihirapan ang mga anak ninyo nang dahil sa inyo.” kaagad siyang tumayo at hinarap ang iba pang mga kalalakihan.

“Hanapin ang mga kaanak at kauri nila! Walang dapat na makaligtas ni isa sa kanila! Silaban silang lahat at pahirapan!” kaagad na nagsisagot ang iba pa sa kaniya. Tutuloy na sana siya sa loob ng malaking mansion nang sa huling pagkakataon ay lingunin niya ang direksyon ko.

“Hindi mo kami mapipigilan. Wala kang magagawa, Anberge.” kaagad na nanikip ang dibdib ko sanhi para hindi ako makahinga.

Nang iangat ko ang tingin ko'y natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa isang village. Punong puno ito ng mga tao at kabahayan. Wala namang kakaiba katulad ng kanina, kaagad kong pinagmasdan ang suot ko at nagtaka naman akong iba na naman ito. Hindi katulad kanina'y hindi na masyadong magarbo ang suot ko. Simpleng court dress nalang ito at kakaunti ang burloloy.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ngunit hindi ko mahagilap si Venefica. Hindi ko na siya makita pa. “Nasaan po ako?” ang sabi ko nang may makasalubong akong babae na may dala-dalang basket na punong-puno ng mga pagkain. Sinamaan niya ako ng tingin at alam kong naguguluhan siya sa akin.

“Nandidito ka ija sa lugar ng mga Anberge. Isa kang Anberge hindi ba?” hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kaya ngumiti nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Sa paglalakad ko ay maraming bagay akong nakita, nakakabilib lang talaga kung iisipin na ang lahat ng mga ito ay pag-aari ng mga Anberge. Kaagad naman akong napahinto sa paglalakad nang makuha ng atensyon ko ang isang babae. Nakasuot din ito ng isang simpleng kulay balat na court dress. Kulot ang buhok niya at kitang kita ang ganda niya dahil doon.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Kamukhang kamukha niya si Mommy. Kuhang kuha niya ang ngiti, galaw at kung papaano magsalita si Mommy. Napakaganda niya.

“Merilla!” lumapit ang isang ginang sa kaniya at saka naman niya itong nginitian. “Nandidito na si Soll.” lumapad ang ngiti nito. Kaagad siyang nagtatatakbo papunta sa taong sinabi noong ginang. Sinundan ko siya at bumungad sa akin ang isang napaka-gwapong ginoo na may suot-suot na kulay itim na coat. Kulay kape ang buhok at mga mata niya.

“Soll, mabuti't nandidito ka na.” biglang nawala ang ngiti sa labi ng babae nang mapansin na walang kaemo-emosyon ang lalaking kaharap niya. “Namatay silang lahat, Merilla. Ako lamang ang nakaligtas at susunod na dito ang mga Chravis. Mabuti na't umalis ka na dito hangga't maaga pa. Hindi ko kakayaning mapahamak ka.” tsaka niya itong niyakap.

“Hindi maaari, Soll. Hindi kita iiwan dito. Hindi.” napahigpit ang hawak niya sa babae nang makarinig na kami ng mga nakabibinging sigawan sa paligid. “Huli na, Merilla. Nandito na sila. Magtago ka dito.” akmang aalis na sana ito nang hilahin siya ng babae pabalik at halikan ito.

“Magsilabas kayo, Anberge! Tandaan ninyo, Chravis. Wala tayong ititira sa kanila! Maging mga bata't matatanda!” sigaw noong lalaki na siguro ay pinuno nila. “Senior Viyon! Huwag ninyong idamay ang mga walang kasalanan!” kaagad na pumunta sa harapan ang lalaking tinatawag nilang si Soll. Napahawak nalang ako sa bibig ko at napaurong nang malaman ang gagawin niya.

“Lahat kayo ay nagkasala, Soll. Walang matitira sa inyo!” ang sabi nito at saka hinablot ang leeg ng binata. Sinakal niya ito hanggang sa mawalan na ito ng hininga. “Anberge.” ang sabi ulit noong Viyon. “Magiging sumpa ito ng inyong lahi. Lahat ng mga magiging anak ninyo ay maghihirap dahil sa kasalanang inyong ginawa, mga lapastangan!” sigaw nito at inihagis nalang sa lapag ang wala ng malay na binata.

“This is really cruel.” ang sabi ko. Sobrang saklap pala ng mga nangyari sa ninuno ko. Kaagad akong napabalikwas sa pinagtataguan ko nang isa-isahin nilang dalhin sa gitna ang mga kababaihan, mga bata at ilan sa mga kalalakihang natira. Bakas na bakas ang takot sa mga mukha nila na nararamdaman ko rin sa ngayon.

Unti-unting dumilim ang paligid. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata saka-sakaling may magbago. Nang idilat ko ulit ay tumambad sa akin ang bundok ng mga tao, sinusunog nila ang mga ito at ni hindi nila pinapakinggan ang mga daing nila.

Pamilyar na pamilyar ito at nakita ko na ng ilang beses. Kitang-kita ko kung papano ipakita noong Viyon ang mga ginagawa nila sa walang kamuwang-muwang na batang Valeon.

“Hindi 'to pwede.” bulong ko. Tanaw na tanaw ko ang nakalolokong ngisi ni Viyon habang pinagmamasdan ang bundok ng mga tao, ang bundok ng mga Anberge.

Nagtama ang paningin namin sanhi para mapaupo ako sa sakit na nararamdaman ko sa bandang dibdib ko. Bakit ba sa tuwing magkakatinginan kami ay ganito ang nangyayari sa akin?

Kaagad na dumilim ang paligid at hindi ko na naman alam kung nasaan ako. Bahagya kong pinagmasdan ang paligid ko at unti-unting napagtanto na nasa isang kwarto ako.

Habang hawak ang dibdib ay tumayo ako papunta sa isa sa mga bintana. Bumungad sa akin ang napakaraming mga taong nasa labas. Sobrang ingay din at sandamakmak ang ilaw na nasa paligid. Napabaling ako sa kalendaryo na nasa may lamesa. It was December 31 2003. 1 year before I was born.

Halos mailaglag ko ang kalendaryo na 'yun nang makarinig ako ng kaluskos sa likuran ko. Tumambad sa akin ang isang lalaki na hinang-hinang nakahiga sa may kama. Ubo rin siya ng ubo sa di malamang dahilan. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong nakita ko na ang mukha niya.

“Merillae.” kaagad kong inilibot ang tingin sa paligid at nakakita ako ng isang picture frame. Litrato ito ng isang lalaki na may kasamang babae. Napakaganda ng babae na 'yun samantalang kamukhang kamukha naman ako ng lalaking iyon.

“Daddy?” hirap na hirap siyang huminga at marahas niyang hinahawakan ang dibdib niya. “Merillae.” that was my Mom's name. Awtomatikong gumalaw ang mga paa ko papunta sa kaniya. Ngayon ko lamang nakita ng harapan ang mukha ni Daddy.

Kahit na anong pilit kong tawagin at hawakan siya'y hindi ko magawa. Nagbabalik tanaw nga lang pala ako.

“Tulong…” marahas niyang hinawakan ang dibdib niya, ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib niya.

Napayakap nalang ako sa sarili ko nang biglang umihip ang napakalakas na malamig na hangin. Tanda kong isinarado ko naman 'yung bintana pero bakit nakapasok pa rin 'yung hangin?

“Anberge?”

Napabaling ang atensyon ko sa pamilyar na boses na nanggagaling sa likuran ko. Nandidito siya.

“Viyon?” bulong ko. Kaagad naman na nagtama ang paningin namin sanhi para magsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan ko. “Wala akong ginawang masama sa'yo, Viyon. Ang mga Anberge 'yun.” pagmamakaawa ni Daddy. Halos umiyak na siya sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

Tsaka naman na nagsilabasan ang mga anino sa likuran ni Viyon. Napangisi siya at saka itinaas sa ere ang kamay niya. Napahawak naman ako sa tainga ko nang makarinig ng mga matitinis na boses na nagsisisigaw sa paligid. Mas dumami pa ang mga anino na 'yun na sumisigaw.

“Wala kang kasalanan kung hindi ka isang Anberge, Soleiah.” ngumisi ulit ito sanhi para mas lalong mapahawak sa sarili si Daddy.

“Tama na!” paulit-ulit kong sigaw ngunit hindi naman ito naririnig ng kung sino. Hinding hindi niya titigilan si Daddy.

“Parang awa mo na! Ayokong mawala nang hindi ko nakikita si Moerani!” unti-unting pumatak ang mga luha sa mata ni Daddy at ganoon din ako. Alam kong hindi niya ginusto ang nangyari.

“Mamamatay din ang anak mo, Soleiah. Hinding hindi siya makakaligtas sa bangungot na ito.” naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Viyon kaya hindi na ako nagabala pang tumingin sa kaniya.

Napasigaw sa sobrang sakit si Daddy. Kasabay noon ay ang pagputok ng mga fireworks sa labas at ang pagtunog ng kampana. Narinig ko ang sabay-sabay na pagsalubong ng mga tao sa bagong taon. Sobrang nakasisilaw ang paligid at ang ingay nito nakakabasag ng eardrums ko.

Kaagad na humalakhak si Viyon tsaka naman ako napatingin kay Daddy na nakapikit nalang sa may kama niya.

“Alas-dose ng hatinggabi. Magwawakas at ipagpapatuloy ang sumpa. Ika-labing anim na taon niyang mararamdaman ang lahat, Soleiah. Mamamatay siya ika-alas dose ng bagong taon.” kaagad naman akong napaupo nang biglang magdilim ang paligid.

Awtomatikong pinuntahan ko si Daddy nang lumiwanag ulit. Dahan-dahan kong hinawakan ang pala-pulsuhan niya at saka ko lang nalaman na wala na siya. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti ay nasusunog ang balat niya.

Parang papel itong isa-isang lumilipad sa hangin. Napabaling nalang ako sa babaeng niluwal ng pintuan. Mabilis siyang nagtatatakbo sa tabi ni Daddy kahit na buntis siya. Buntis siya sa akin.

Mangiyak-ngiyak niyang hinawakan ang pala-pulsuhan ni Daddy at saka tumungo nang malaman niyang wala na ito.

“Sorry. Kung hindi nila sinabi ng maaga ay naagapan ko pa ito. Patawarin mo ko.” humahagulgol na siyang napaupo sa may sahig habang hawak hawak ang tiyan niya.

“Hindi mo kasalanan ito.” ang sabi niya.

“Ipinapangako kong hindi na mangyayari ulit ito, Sol. Po-protektahan ko ang anak natin. Po-protektahan ko si Moerani.” unti-unti nang pumatak ang luha sa mga mata ko. Gustong gusto kong yakapin ngayon si Mommy ngunit hindi ko magawa. Alam kong ginawa lang niya ang lahat ng ito para lamang na ma-protektahan ako.

Kaagad na nakuha ng atensyon naming dalawa ang dalawang matanda at isang babae na pumasok sa pintuan. It was my grandfather and grandmother from Mommy's side. Samantalang, ang babae naman na isa pa nilang kasama ay ang Mommy ni Dovi.

“Tumayo ka diyan, Merillae. Huwag ka nang umiyak.” pinilit nila si Mommy na tumayo habang ako ay nasa tabi lang niya.

“Nang dahil itong lahat sa inyo, Ma! Kung hindi ninyo sinabi ang lahat e'di sana naagapan ko pa ito at hindi agad nawala si Sol!” sigaw ni Mommy.

“Huwag kang maging ganiyan, Merillae. Nakasasama iyan sa batang dinadala mo.” kalmado lang si Lola na pinapakiusapan si Mommy.

Pinunasan ko ang mga luha ko at napadako nalang ang tingin ko sa isa pang babae na nasa may bukana ng pintuan. “Venefica?” maluha-luha pa akong tumayo.

“Halika na.” napipilitan man ay kaagad na akong sumama sa kaniya. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko sila Mommy at Daddy. Sigurado akong hirap na hirap na si Mommy dahil sa akin.




KAAGAD akong nakaramdam ng kuryente sa katawan ko nang bitawan ni Venefica ang mga kamay namin. Idinilat ko ang paligid at tumambad sa akin ang tent na pinasukan namin kanina.

“Sana ay hindi kayo nagsisi sa ginawa natin, mga bata.” ngumiti siya. Hinawakan ko ulit ang dibdib ko dahil nagbabadya na naman itong sumakit.

Kaagad akong inalalayan ni Dovi. “Okay ka lang?” tanong niya. Una muna akong nagtaka kung bakit hindi ko siya nakita at tanging si Venefica lang ang nakita ko doon. Nasaan kaya siya?

“Hindi kita nakita, nasaan ka Dovi?” kumunot ang noo niya at sandaling nagpakawala ng buntong-hininga. “Hindi mo na dapat malaman, Rani.” nakuha ng atensyon naming dalawa ang piraso ng lumang papel na inilagay ni Venefica sa may lamesa.

“Mahahanap ninyo ang mga Chravis kung pupuntahan ninyo sila sa lugar na nandidito.” akma kong bubuksan ang mapa pero piniligilan ako ni Venefica.

“Disyembre 31 2020, eksaktong alas-dose ng gabi. Ang sumpa ay mangyayari, Moerani. Kailangan ninyong bilisan dahil ang oras ang kalaban ninyo dito.”

Napalunok ako.

“Kung ang oras na po ang kalaban namin. Bakit hindi ninyo nalang sabihin sa amin kung saang lugar sila matatagpuan?” pinatahimik ni Venefica si Dovi.

“Tanging ang lalaking may gintong mga mata ang makakapagsabi sa inyo kung nasaan sila.” bumuntong-hininga siya.

“Give this to the boy with the golden eyes in that old oak tree. He will tell you the directions.” kaagad niya sa aming ibinigay ang mapa na iyon.

“Si Beggar?” naalala ko ang pagbabago ng kulay ng mga mata niya.

Akmang aalis na kami nang magsalita ulit si Venefica.

“Isa pa pala. Kapag nakarating na kayo pabalik sa bahay ninyo ay huwag na huwag kayong titingin sa mga mata ng mga taong makakasalubong ninyo. Hindi sila mga taong katulad ninyo. Mga bampira sila.” napalunok ako sa sinabi ni Venefica.





“SIGURADO ka bang kilala mo 'yang tao na 'yan? Baka naman wala 'yan sa pupuntahan natin?” nagtataka pa rin ako kung nasaan si Dovi kanina.

“Kilala ko siya, Dovi. Huwag kang mag-alala.”

Bumungad sa amin ang mga nagkalat na tao sa loob ng village. Lahat sila ay nakatuon lang pansin sa kotse naming sinasakyan ni Dovi. Hindi nila maialis ang tingin doon na para bang may ginawa kaming masama. Hindi rin namin sila pinansin katulad ng sinabi ni Venefica. Kung matagal ko nang nalaman na hindi pala sila tao, sana pala ay hindi na ako nakipag-kaibigan pa sa isa sa kanila.

Nakakapagtaka lang at bakit ako dinala ni Mommy sa lugar na ito. Ang sabi niya po-protektahan niya ako.

“Beggar?!” sigaw ko nang makarating kami sa likod-bahay namin. “Sigurado ka bang nandidito siya?” reklamo ni Dovi. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at saka ipinagpatuloy ang paghanap kay Beggar.

“Moerani?” kaagad na nakuha ng atensyon namin ni Dovi ang lalaking nasa mataas na sanga ng matandang oak tree na nakatanim sa bakuran namin.

“Beggar!” matawa-tawang bumaba si Beggar sa may puno para salubungin kaming dalawa ni Dovi. Nakapamulsa siya habang suot suot ang nakalolokong ngisi sa labi niya.

“You need my help to give you directions.” ngumisi ulit siya at saka inilahad ang palad sa harapan namin.

Tsaka ko naman siniko si Dovi na iabot ang mapa. Pinagmasdan ko iyon kanina at halos wala namang nakalagay na kahit ano kaya siguradong kailangan talaga namin ang tulong ni Beggar.

“Sigurado ka bang makikita mo talaga 'yan?” iniabot ni Dovi ang blangkong mapa kay Beggar.

“Nakikita ko nga si Rani e, heto pa kaya?” nagtinginan tuloy kami ni Dovi na para bang litong lito na sa ikinikilos ni Beggar.

“The Cursed Forest. Doon ninyo mahahanap ang mga Chravis, Moerani.” ang sabi niya at saka nagtama ang tingin namin. Nag-iba ulit ang kulay ng mga mata niya at naging ginto.

“Malalaman ninyo nalang na nandodoon na kayo kapag nakita ninyo na ang sandamakmak na mga uwak sa paligid. Pagkatapos, kapag nakaramdam ka ng pananakip ng dibdib, tama ang dinadaanan ninyo. Huwag kayong magtatagal doon at baka hindi na kayo makalabas pa.” ibinalik niya sa amin ang mapa at saka ko naman iyon pinagmasdan.

“Ano ka ba talaga, Beggar?” nanlaki ang mga mata niya.

“You'll die and this is your family's curse.” nanlaki ang mga mata ko nang malaman niya ang tungkol doon.

“I can see the future, Moerani. But, I can't clearly see the past. Hindi ko nga alam kung may pamilya ba ako.” ibinaling niya ang tingin kay Dovi at mas lalong naging ginto ang mga mata niya.

“Pero nagtataka lang ako kung bakit hindi ko makita ang sa iyo, Dovi. Nanlalabo din ang mga mata ko kapag sinusubukan ko ulit na tignan ang magiging kapalaran ni Rani.”

Kumunot ang noo naming dalawa.

“May maghahadlang sa magiging kapalaran ninyo. May posibilidad na ang isa't isa o di kaya'y ang mga Chravis.”











A/N: Don't forget to vote, comment and share.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.8M 97.1K 74
Swallow is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon purchase. When Mildr...
14.8K 276 38
The life of a mortician changes forever after he tries to have his way with a beautiful woman's dead body. And soon he discovers that the only person...
2.9K 124 39
We all know how the story goes... A group of 6 highschool students on a fieldtrip that led to a disaster... Which also led them to cross realms betwe...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...