Section Series #1 - Ex

Par lucylovesdark

5.8K 177 5

Section Series One. Annie Jean Sue is fresh from break up from Clyde Ark Lopez. What will happened to them if... Plus

Author's Note:
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 5

215 11 0
Par lucylovesdark

CHAPTER 5

"Annie, nadala mo ba yung pinadala ko sayo?" bungad na tanong sa akin ni Finn nang maka-pasok ako ng classroom.

"Oo, ibaba ko lang saglit itong gamit ko." sagot ko sa kanya at pumunta na sa pwesto ko. Narinig ko naman na tinawag niya pa ang iba pa naming miyembro.

Ngayong araw kami magluluto para sa subject na T.L.E. Dahil nutrition month, ang kailangan naming lutuin ay kahit anong lutong bahay basta may gulay ito. Napagdesisyon ng grupo namin na chopsuey ang lutuin.

"Annie, tara na dito." tawag sa akin ni Amiel. Lumapit naman ako sa kanila. Kasalukuyang nagsasalita si Finn na pinapaliwanag ang gagawin namin.

Ina-assign kami, Nancy, Clyde at ako, ni Finn na katulong niyang magluto, si Amiel naman ang maglalagay ng mag aayos ng presentation ng pagkain. Si Simon naman ang nag prisinta na maglilinis ng mga gagamitin ngayon pero kahit papaano daw ay tutulong siya.

Nang binigyan na kami ng signal ni Ma'am Medina para mag-ayos at sinimulan na naming igilid ang upuan at mag-ayos ng paglulutuan namin ang iba naman ay nagsuot na ng face mask, apron at hairnet.

Inantay lang namin ng ilang sandali si Ma'am Medina. Nang makarating siya at binati namin siya. Nagsalita lang ng kaunti si Ma'am Medina bago kami pinagsimula magluto.

Kasalukuyan kaming naghihiwa ng mga gulay na gagamitin namin ang iba naming kasama ay nag-aayos ng paglulutuan. Samantalang si Ma'am Medina ay nag-iikot sa iba't ibang grupo para tignan ang mga ginagawa. Huminto siya sa lamesa namin.

"Magaling ka pala maghiwa halatang sanay na sanay ka, Clyde." sabi ni Ma'am Medina. Ngumiti naman si Clyde.

"Opo, mahilig mo po kasi akong mag-luto." sagot naman niya.

"Maswerte ang mapapangasawa mo." sabi ni Ma'am Medina. Naka-ngiting tumingin ito sa akin.

"Maswerte nga po."

Umiwas ako ng tingin at tinapos ang paghihiwa ko. Nang matapos kami ay nag simula na kaming magluto. Si Clyde ang pinag-luto namin dahil mukhang mas alam niya ang lulutuin namin. Pinapanood lang namin siya mag-gisa. Nag gigisa pa lang kami ng may lumapit sa amin.

"Pahingi ng luto niyo ah, bibigyan din namin kayo." sabi ni Camil.

"Ano ba niluto niyo?" tanong ni Amiel.

"Ewan ko sa kanila, basta nag-ambag ako." sagot niya sa amin at bumalik na din siya sa ka-grupo niya. Habang nag-luluto si Clyde at nagpasama si Finn sa canteen para hugasan ang mga pinag gamitan namin para hindi na rin masyadong tambak ang huhugasan ni Simon.

"Huy, nakita ko yung tiningan niyo kanina! Kayo na ba ulit?" tanong ni Finn habang pababa kami ng hagdan.

"Tigilan mo nga ako, Finn." sagot ko sa kanya.

"Okay lang 'yan, hindi masama ang maging marupok paminsan-minsan."

"Ewan ko sayo." sabay irap sa kanya. Nang makarating kami sa canteen ay agad naming nilinis ang mga ginamit namin. Nang matapos ay agad kaming bumalik sa classroom. Nang maka-balik kami ay nailagay na ni Clyde ang mga gulay kaya ni-ready na namin yung plato na gagamitin for presentation.

"Okay na ba yung plate? Patapos na ako dito." sabi ni Clyde sa amin.

"Yes, Chef Clyde." sagot ni Amiel na kinatawa namin. Nang matapos si Clyde ay kami na ang nag-ayos for presentation. Halos lahat ng grupo ay patapos na din. Pinicturan muna namin ang amin bago tawagin si Ma'am Medina.

"Ma'am, okay na po yung sa amin." tawag ni Finn kay Ma'am Medina. Lumapit naman si Ma'am at sinuri ang niluto namin.

"Maayos ang presentation niyo." puri ni Ma'am Medina. Tinikman niya naman ito, hanggang sa paglunok ni Ma'am ay tinitignan namin siya. "Hmm. Masarap siya at maayos ang pagkakaluto ng gulay. Hindi hilaw, hindi overcooked, sakto lang. Magaling ka, Clyde." ngumiti naman si Clyde. "At syempre kayo, magaling ang ginawa niyo." ngumiti kami sa sinabi ni Ma'am Medina. "Jamerson, I expect your group portfolio for this, okay?"

"Yes, Ma'am." sagot ni Finn. Tumango naman si Ma'am Medina at lumipat na sa kabilang grupo.

"Kainan na!" sabi ni Nancy at nilabas ang baunan na may lamang kanin. "Kaya ang sarap magluto luto sa school eh, libre lunch."

"True!" sagot ni Amiel habang sumasandok ng chopsuey.

"Pabalot na lang nung sa akin." sabi ko sa kanila habang nililigpit ang mga ginamit namin.

"Hindi ka kakain?" tanong ni Simon.

"Basta tirhan niyo ako, nag ambag ako baka kayo." sagot ko sa kanila at nilabas na ang mga ginamit namin para hugasan sa guard house.

Pababa ako ng hagdan ng may pumigil sa akin. Si Clyde. Kinuha niya sa akin ang mga gamit at naunang naglakad. Agad akong sumunod sa kanya. Tahimik lang akong naka-sunod hanggang sa maka-rating kami sa guard house, walang tao pero nagpaalam muna kami kina kuya guard na maghuhugas kami.

Inilapag na niya ang gamit sa lababo ako naman ay sinimulan ng hugasan ang mga gamit. Samantalang si Clyde ay naka-upo sa upuan at nanonood sa tv na iniwang bukas nina kuya guard. Hanggang sa matapos ako ay wala kaming imikang dalawa.

"Tapos na." sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng kamay. Tumayo siya at kinuha na ang gamit. "Hindi mo naman ako kailangan tulungan, kaya ko naman 'yan."

He smiled.

"Ayokong napapagod ang mapapangasawa ko." sagot niya sa akin at iniwan ako. Ang lakas ng tama non!

Naglakad na ako pabalik sa classroom at habang paakyat ako ng hagdan ay hindi nawala sa isip ko ang sinabi niya kanina.

"Gago talaga. Ako? Mapapangasawa. Tss, asa siya. Hindi ako babalik sa kanya." sabi ko sa sarili ko.

"A-Ah, Annie? Okay ka lang?" napa-tingin ako sa nagtanong at nakita ko si Roma kasama si Camil bitbit nila ang kaldero at kung ano ano pa, mukhang maghuhugas.

"A-Ah! Okay lang ako. Hahaha. Wag niyo akong pansinin." sagot ko sa kanila at dali-daling pumanik sa classroom. Shet, nakakahiya!

"Oh, nandiyan ka na pala, Annie! Kumain ka na tapos na kami maglinis." sabi ni Nancy sa akin. "Tinirhan kita-Nasaan yung tinira kong ulam para kay Annie?!" humarap ito sa mga ka-grupo namin.

"Hindi na ako umulit." sagot ni Simon.

Umiling lang si Finn at Amiel. Sasabihin ko na sana kay Nancy na ayos lang nang maramdam kong may kumuha sa kamay ko at may nilapag na lunchbox sa palad ko. Tumingin ako sa gumawa non.

Clyde...

"Ayoko ding nagugutom ang mapapangasawa ko."

- Madam L.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

3.2M 79.2K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
137K 1.8K 55
Well i mean its just imagines of walker sooooo Also request are open so if you want one just let me know!
732K 64.5K 36
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
41.1K 1.1K 18
One being a poor 19 year old, calm and quiet, student The other a 23 year old, hot tempered, CEO what happens when their paths cross and Minho decide...