The Jerk is a Ghost

By april_avery

13.6M 607K 135K

Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay... More

The Jerk is a Ghost
The Jerk: One
The Jerk: Two
The Jerk: Three
The Jerk: Four
The Jerk: Five
The Jerk: Six
The Jerk: Seven
The Jerk: Eight
The Jerk: Nine
The Jerk: Ten
The Jerk: Eleven
The Jerk: Twelve
The Jerk: Thirteen
The Jerk: Fifteen
The Jerk: Sixteen
The Jerk: Seventeen
The Jerk: Eighteen
The Jerk: Nineteen
The Jerk: Twenty
The Jerk: Twenty One
The Jerk: Twenty Two
The Jerk: Twenty Three
The Jerk: Twenty Four
The Jerk: Twenty Five
The Jerk: Twenty Six
The Jerk: Twenty Seven
The Jerk: Twenty Eight
The Jerk: Twenty Nine
The Jerk: Epilogue
The Jerk: Special Chapter

The Jerk: Fourteen

348K 17.4K 3.1K
By april_avery

Fourteen,

Hindi ko namalayan ang mga sumunod na nangyari matapos kong marinig ang mga salitang yun. Ni hindi ko namalayaan kung paano ako nakalabas ng kwarto nang hindi nila napapansin o paano ako nakauwi. Hindi ko na din nagawang bumalik sa school gaya ng pinangako ko kay Mindy. Isa lang ang nasa isip ko noong mga oras na yun. Ang huling sinabi ng Doctor.

“I don’t think he can make it.”

Pumasok ako sa kwarto ko na tanging yun ang ini-isip. Ang sabi ng Doctor maaari pa silang maghintay. Pero kapag walang nagbago sa condition niya wala na silang magagawa. Nanghihina na napaupo ako sa gilid ng kama ko. Ashton, please. Nasaan ka na ba? We need you to get through this.

Dumating ang gabi at hindi parin nagpapakita si Ashton. Hindi ko alam kung napansin nila Mama ang namamagang mga mata ko dahil panay ang tingin nila sa akin habang kumakain ng dinner.

“Honey, is everything okay?” tanong ni Mama na napa-paused sa pagsubo.

Napatingin ako sa kanya at narealize na nakatingin silang lahat sa akin. “Fine.” pagsisinungaling ko. “Ma?” tanong ko makalipas ang ilang segundo. “Kung ang isang tao ay nawawalan na ng pag asa para mabuhay, paano mo siya matutulungan?”

Natigilan si Mama sa tanong ko. Akala ko tatanungin niya ako kung bakit ko natanong yun. It’s not a normal question. Pero ngumiti lamang siya ng marahan bago sumagot. “Give him a reason to live.”

Pumasok ako sa kwarto na malalim ang ini-isip. Kung ayaw magpakita ni Ashton, gagawa ako ng paraan. I will give him a hundred reasons para lumaban siya. Para makabalik siya. Hindi ko siya susukuan gaya ng pagsuko niya sa sarili niya. He deserves to live. Hindi man niya nakikita yun pero ako nakikita ko.

Kinabukasan, bago pumasok sa school, nagiwan ako ng note sa kwarto ko sakaling pumunta siya doon ng wala ako. 'Ashton, hwag mo sanang kalimutan na magkakampi tayo dito. You can’t just leave me here to fight alone. Lumaban ka kasama ko, you jerk!'

Medyo hindi encouraging pero yun lang ang alam kong paraan para mapilit siya. Kung nasaan man siya ngayon at least makonsensya siya na tulungan ako. Because a part of me will die with him if he will.

Pagbaba ko sa hagdan, dala ang school bag ko, natigilan ako sa paghakbang nang mapansin si Mama sa ibaba at nakatingin sa akin. Her arms are folded, hindi siya galit pero hindi din siya mukhang masaya.

“Delia?” tanong niya. “May lalake sa labas.” medyo hesitate na sabi niya. “Schoolmate mo daw. Susundin ka yata.”

Kumunot ang noo ko. Schoolmate? Napabilis ang pagbaba ko sa hagdan na dahilan para muntikan pa akong matisod. Very graceful, Delia. Nagtataka na sinundan ako ni Mama ng tingin. Pagbukas ko ng pinto natigilan ako nang makita ang isang lalakeng nakaupo sa hood ng sasakyan niya at obvious na naghihintay sa akin. Umalis siya sa pagkakaupo at napangiti nang makita ako. Micko.

Hindi ko alam kung bakit pero ibang tao ang inaasahan ko. Which is quite a stupid idea in the first place. Pilit akong ngumiti kay Micko bago binalik ang tingin kay Mama. Nagtataka parin ang tingin niya sa akin na ngayon ay may halo ng suspicion.

“Err.” I fumbled with the strap of my bag pack. “Kaibigan ko siya, Ma.”

“Oh?” she asked. “Ngayon ko lang siya nakita.” In my Mom’s eyes si Mindy lang ang tanging kaibigan ko. She knows I don’t associate myself with people I’m not at ease with.

“Err. Bagong kaibigan?” sagot ko. Napalingon kaming pareho nang may marahang kumatok sa pinto.

“Good morning, Delia.” bati ni Micko. “Good morning po ulit.” bati niya kay Mama sabay nagbow ng bahagya.

Ngumiti si Mama. Though I can still see a bit of doubt. “Micko, tama ba?” tanong niya. 

Micko smile his signature team captain smile. Polite with a hint of pride. “Yes, Ma’am.” sagot nito.

Naramdaman ko naman na naglossen up si Mama. “Nag breakfast ka na ba?”

I nearly face palm. Ini-imbitahan niya bang sumabay sa amin si Micko? “Sa totoo lang hindi pa po.” Napahawak sa batok si Micko na tila ba nahihiya. “Alam ko kasing maagang pumapasok si Delia kaya dumerecho na ako dito.”

I can see a ghost of smile in my Mom’s face. She is very proud of her breakfast creation. Masaya siyang may ibang nakaka appreciate nito maliban sa amin at kina Mindy. And Micko seems to be her latest victim.

“Hindi pa nagbe-breakfast si Delia, mabuti pa sumabay ka na.”

Nanglaki ang mga mata ko. Hindi sa pinagdadamot ko ang breakfast namin o ang luto ni Mama pero— Hindi ako basta basta nagpapasok ng kaibigan sa bahay. It’s a personal thing.

Napatingin sa akin si Micko na para bang hinihingi ang permiso ko. Gusto ko sanang hilain nalang siya palabas at hwag ng mag breakfast. But that would be too harsh for him and too suspicious for Mom.

“Err, sure.” sagot ko at dumerecho sa kusina. Nauna sa paglalakad si Mama at sumunod si Micko sa likod ko.

“Why are you here?” halos bulong ko.

“Para sabay tayong pumasok.” sagot niya na nangangiti parin as if it’s an everyday thing.

“Sinabihan mo man lang sana ako.” sagot ko. Derecho na kung derecho pero ayoko talaga ng hindi inaasahan.

“Sasabihan sana kita pero hindi ka na bumalik ng school kahapon. Wala akong number mo. Hindi gustong ibigay ng kaibigan mo.”

Si Mindy. Medyo napangiti ako. Si Mindy talaga. “Fine. Just don’t— don’t do this again.”  Natahimik siya.

Nakarating kami sa kusina at eksakto naman na pumasok si Dad mula sa backdoor. Galing siya sa garden kasama si Daniel. Wala siyang pasok ngayon. Being a lawyer gives him the privilege of having his own schedule. Kumunot agad ang noo niya nang makita ang bisita namin. Ganun din ang ginawa ni Daniel. He loves copying Dad’s expression.

“Good morning po, Attorney Salazar.” bati ni Micko. Napataas ang kilay ni Dad. Mahahalata mo na inaalala niya kung saan niya nakita si Micko.

“Mrs. De Lara’s son?” tanong ni Dad sa formal na boses.

Ngumiti si Micko with the same polite-proud smile. “Yes, Sir.”

Hindi na ako nagtaka na kilala ni Dad si Micko. Kilala ni Dad ang halos lahat ng importanteng pamilya sa village na ito. Consider naging cliet niya ang mga ito one way or another.

“At anong ginagawa ng isang De Lara ng ganito kaaga dito.” tanong ni Dad habang inaalis ang gardening gloves mula sa mga kamay niya.

“He is Delia’s friend.” si Mama ang sumagot. “He’ll join us for breakfast.”

I can see the slight suspicion in Dad’s face. It’s his nature to doubt about things not just because he is a lawyer but because it concerns me and he is my Dad. Tahimik na hinanda ni Mama ang breakfast, pancakes, waffles, egg, bacon, fruits, coffee, milk, you name it. She always thinks that breakfast is the most important meal of the day so the feast is normal.

“So Micko.” tanong ni Dad habang nasa gitna kami ng pagkain. Katabi ko si Micko sa isang side ng table habang magkatabi naman si Mama at Dad sa tapat namin. Nasa corner si Daniel with his extra high chair. “May iba ka bang pinagkaka abalahan?”

OH NO. The interview. Akala ko makakaligtas si Micko dito considering nagmamadali kami. “Ah—” Napaisip si Micko. “Team captain po ako ng varisty team ng Jefferson High.”

I can tell Mom is impressed. Napatingin siya sa akin at nabasa ko agad ang nasa isip niya. Paano mo naging kaibigan ang isang ito? Yes. Ganyan kami mag usap ni Mama. “Team Captain.” ulit ni Dad. “Kung ganun kilala mo si Ashton Montecillo, ang pinakamalalang casualty sa drag racing accident noong nakaraang lingo. I heard he is part of the varisty team of your school.”

Halos mabilaukan ako sa kinakain ko. Kinuha ko agad ang baso ng orange juice at inimon ang lahat ng laman nito.

Hindi agad nakasagot si Micko. “Sa totoo lang po, matalik ko siyang kaibigan.” sagot nito. “Magkasama po kaming sumali sa drag racing.”

Napapause si Mama sa pagkain. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Hindi niya inaasahan na ang charming na lalake sa harap niya na pinuri ang masarap niyang luto ay sumasali sa isang iresponsableng gawain gaya ng drag race. Pero si Dad mukhang hindi na nagulat sa naging sagot ni Micko.

“Maswerte ka at hindi ka kasama sa mga casualties.”

Doon ko yun napansin. Ang paghigpit ng hawak ni Micko sa kanyang tinidor na para bang may narinig na hindi maganda. Pero sandali lang yun. Agad din siyang ngumiti at sumagot kay Dad. “Yun po ang pinagpapasalamat ko.”

Natapos ang breakfast at nagpaalam kami ni Micko. Sinabihan kami ni Dad na magingat sa daan at hwag magpapatakbo ng mabilis. Si Mama naman ay natuwa nang sabihin ni Micko na mas masarap pa ang luto niya kesa sa sikat na bed and breakfast sa bayan. Nag offer siya na bumalik si Micko kung gustuhin niya. But I doubt na hahayaan ko pang maulit ito. Tahimik lang kami ni Micko habang nasa loob ng sasakyan at papunta na ng school. Hindi ko parin gusto ang ginawa niya na pagpunta sa bahay namin.

“Galit ka ba?” tanong ni Micko habang derecho parin ang tingin sa daan. In the back of my mind, there’s still this tiny bit of doubt na hindi siya seryoso sa lahat ng ito. After all he is the team captain. He is popular. Pwede niyang makuha ang kahit sinong babae na gusto niya. Why me?

“Delia, magsalita ka naman, oh.” This time napalingon na siya sa akin.

“Eyes on the road.” paalala ko. 

Agad niyang binalik ang tingin sa daan. Napabuntong hininga siya. “Look, hindi ko na uulitin ang ginawa ko kung yun ang gusto mo—“

“Hindi ako galit.” sagot ko. “Just— Just don’t mind me.” I sighed at napatingin na lamang sa labas ng bintana. Paano ko ba explain sa kanya kung ako mismo hindi ko maintindihan ang sarili ko?

“Delia, magkaibigan na tayo, hindi ba?” tanong ni Micko nang malapit na kami sa school.

Wala sa sarili na tumango ako. He smiled dejectedly habang derecho parin ang tingin sa daan.

“Sana maramdaman ko din yun mula sayo.”

***

Continue Reading

You'll Also Like

27.3M 697K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
574K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
21.3K 635 42
Sa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?
2.2M 117K 41
POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngunit ang hindi niya inaasahan ay may bago...