The Jerk: Five

398K 17.8K 2.2K
                                    



Five,

Alam kong sinabi ni Dad kay Mama ang nangyari kagabi. Dahil ang unang bumungad sa akin pagpasok ko sa kusina ay:

"Sweetie, totoo bang binangungot ka kagabi?"

Umupo ako sa kitchen chair at naghikab. "Wala po yun." sagot ko.

Ngayong maliwanag na at wala na akong dapat katakutan, parang tama si Dad, isang nightmare lang ang nangyari sa akin kagabi. Nakita ko ang reflection ko mula sa metal surface ng microwave. Sabog ang buhok at kulang sa tulog. Mukha namang napansin din ito ni Mama.

"Sweetie, pagkatapos mong kumain, kailangang magbihis ka na. Nine mag start ang mass."

Napa paused ako sa gitna ng pagkagat ng toasted bread. "Oo nga pala."

Kagabi, tumawag si Mrs. Melany para sabihin na may magaganap na mass sa Christian church sa village. Naka centro ang preach sa mga taong involve sa accident noong Saturday morning at para na din ipagdasal ang mga nasa Hospital at nagpapagaling. Kasama ito sa counceling session ng mga nakasama sa aksidente.















Makalipas ang isang oras bumaba akong muli na nakabihis na ng Sunday's dress. Nakita ko si Dad na nag aayos ng necktie habang nakaharap sa full length mirror sa living room. Pati si Daniel ay nakabihis din ng formal.

"Sweetie, mabuti bumaba ka na." sabi ni Mama na sinusuot ang pares ng earings habang naglalakad palabas ng kusina. Ibinaba niya ang isang bag na may lamang tubig at pagkain ni Daniel.

"Tara na Edward, malalate na tayo." tukoy niya kay Dad. Tinapos nilang pareho ang ginagawa saka kinuha ni Dad si Daniel.

"Let's go." ulit ni Mom sa akin.

Habang naglalakad sa driveway papunta sa sasakyan huminto si Mama at inayos ang neck tie ni Dad. I can't help but admire how good looking my parents are. Si Dad at si Mama. Bagay na bagay talaga sila. And even after eighteen years they still look inlove with each other.

Hindi ko mapigilang magtanong.

Makikita ko din ba ang taong nakalaan para sa akin? Kasing saya din ba kami nila Mama pagdating ng araw?





















For the first time mula nang tumira ako sa village, nakita kong napuno ang local church. Hindi lang napuno, umaapaw ito. Kinailangan na magdagdag ng upuan, at ang iba nakontento nalang na makinig ng misa mula sa labas.

But here's the catch. Sa unang pagkakataon, madaming kabataan na nagsimba. And yes it was a phenomenon.

Malayo pa kami sa simbahan, tanaw ko na ang pila ng mga sasakyan na naka park sa gilid ng daan. Karamihan dito ay magagarang sasakyan na kung hindi ko lang ngayon nakita, sa school ko lang nakikita.

Nang makalapit kami sa dulo ng pila. "Mukhang mahihirapan tayo maghanap ng parking space." puna ni Dad mula sa drivers seat. "Mabuti pa dito ko na i-park itong sasakyan at maglakad nalang tayo."

Sumangayon kami nila Mama. Nang maipark ang kotse nagsimula kaming maglakad. Mabuti nalang pala at naka flats ako, si Mama naman naka wedge. Habang naglalakad, ilang familiar na mukha ang nakita namin. I recognize the younger ones immediately as my schoolmates.

Nagtaka ako nang kilala ng mga magulang nila sila Mama at Dad. Samantala kilala ko ang schoolmates ko pero sila hindi nila ako kilala. Wow. Way to go for being the ultimate outcast Delia.

Nakita ko si Mindy at ang Mama niya bago kami pumasok sa loob ng simbahan. Naka dress ito ng kulay powder blue and for the first time nakita kong nakaayos ang buhok niya. Naka braids ito.

"Mindy!" sigaw ko. Napalingon siya sa akin at agad ngumiti at kumaway nang makita ako. Pinuntahan niya kami kasama ang Mama niya.

"Hey, Deels." bati niya. She looks anxiously in the huge building in front of us. "First time kong magsimba this year." medyo natatawang sabi niya. But it came out quite force.

Pumunta na sa loob ang mga magulang namin. Nanatili muna kami sandali sa labas para panuorin ang pagdating ng mga tao.

"There's Caleb." sabi sa akin ni Mindy na nakatingin sa isang pamilyang bagong dating. Nandoon nga si Caleb kasama ang step mother niya, ang Papa niya, at kapatid niyang mukhang freshman year.

"Look, Reese's family is coming." Mindy whispered again.

Sa bandang kanan, nandoon ang familiar na mukha ni Mrs. Dela Vega. Halos lahat ng pumapasok sa school namin ay kilala siya. Siya kasi ang chairwoman ng PTA sa Jefferson High. Nandoon din ang asawa niya na isang businessman. Kasama nila ang isa pa nilang anak, ang seven years old na si Rachel.

"Wala si Reese." puna ni Mindy. "Sa tingin mo hindi siya sumama?"

I shook my head lightly. "Hindi niya gagawin yun." sagot ko.

Reputation and image is everything for Mrs. Dela Vega. Siguradong malaking dagok sa kanya ang pagka involved ng anak niyang si Reese especially noong nalaman na girlfriend siya ng isa sa mga pinakamalalang casualties. Hindi siya papayag na hindi makita ng publiko ang pagpapakumbaba ng anak niya.

"Oh, there she is." pasimpleng ngumuso si Mindy sa direction ng isa pang pamilyang bagong dating.

Noong una hindi ko agad nakita ang sinasabi niya. Ang napansin ko kasi ay ang pamilya ni Micko. Nandoon ang Mama niya at dalawang kambal na babaeng kapatid. Wala ang Papa niya. Nasa ibang bansa ito at ilang taon ng hindi umuuwi. Ang sabi nila may iba na itong pamilya.

Nang makapalampas sila at pumasok sa loob ng simbahan, nakita ko si Reese at Micko na kasunod lamang nila. Magkasama ang dalawa at halatang sabay na naglakad. Seryoso silang nag uusap.

"Maybe they are talking about Ashton." sabi ni Mindy. In that moment bigla akong natigilan.

"Mindy, may sasabihin ako sayo." I announced. Pero hindi ko natuloy yun nang marinig namin ang bells ng simbahan. Mag start na ang mass.

"Mamaya mo nalang sabihin. Tara na." yaya niya sa akin at hinila ako papasok sa loob.

Nang makapasok kami, mas lalo akong na overwhelmed sa mga taong nakikita ko sa loob ng simbahan. Kompleto ang mga member ng cheer squad at mga pamilya nila, ganun din ang basetball team at soccer team ng school.

I heaved a deep sigh.

Sasabihin ko ba kay Mindy? Hindi kaya ako magmukhang baliw nito? Sa dami ng kaibigan ni Ashton, kaibigan na sikat, kilala, at mayayaman, bakit naman sa akin siya magpapakita? Ni hindi niya ako kilala.

Tungkol ang mass sa tatlong bagay. Disobedience of the authority, overlooking the word of God, and repentance. Nakatuon ang preach sa mga kabataang tulad ko. Specially sa mga taong kasali sa gulong nangyari noong Saturday.

"Let us thank the Lord for giving three of His son a second chance and many others a lesson which He hope will never be forgotten."

Meron yung iba na hindi man lang nagabala na itago ang kawalan ng interest nila. May nakapikit at mukhang natutulog, may nakikisabay sa pagsasalita ng pastor sa harap, may iba mukhang bored na bored na. Nakita ko si Mrs. Dela Vega na pasimpleng siniko ang asawa nito na tumatawag sa phone.

"Let us pray for those souls to overcome the adversities that descented upon them with faith, hope, and a repentant heart. For Brian Samson, George Martinez, and Ashton Montecillo, we hope for your immediate recovery. Let's sing."

Pero imbes kumanta ng church hymn, napanganga ako sa narinig. Immediate recovery. IMMEDIATE RECOVERY?

Napalingon ako kay Mindy na nakaupo sa kabilang side ng aisle kasama ang Mama niya. Seryoso itong nakatingin sa harap.



Anong ibig sabihin nun? Akala ko ba— Akala ko ba patay na si Ashton Montecillo. Ibig bang sabihin nun totoong tao ang nakita ko kagabi? Naguguluhan na ako. Ano ba talagang nangyayari?

***

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon