The Jerk: Twenty Six

347K 17.3K 6.4K
                                    

Twenty Six,

Tatlong araw matapos ng huling pag uusap namin ni Ashton, it was Wednesday morning, noong kumalat sa school ang balitang gising na si Ashton Montecillo. Nabalitaan ko ito pag pasok ko sa main gate ng school. Halos mababakas sa mukha ng lahat ang excitement tungkol sa balita.

"Oh, my God, Delia. Did you hear the news?"

Umupo si Mindy sa silya na nasa harap ko pagkapasok na pagkapasok niya sa classroom. Humarap siya sa akin na para bang hindi makapaniwala.

"Gising na si Ashton Montecillo. He is so damn back!"

I tried to smile at bahagyang tumango. "Narinig ko nga." sagot ko.

Hindi ko maiwasan na maramdaman ang bahid ng lungkot sa boses ko. Pero mabuti nalang at hindi ito napansin ni Mindy. Nagpalinga linga siya sa classroom at interesadong nakinig sa mga usapan ng iba sa mga classsmates namin.

"Wow. Ngayon ko lang narealize na nakakamiss din siya." Natawa ito.

Muli siyang humarap sa akin. "Alam mo ba na pupunta ang halos buong klase sa Hospital mamaya. Gusto ko sanang sumama kaya lang—" Natigilan ito at nawala ang saya sa boses niya. "Hindi nga pala tayo close sa kanila."

Sa totoo lang gusto kong makita si Ashton. Gusto kong mahawakan ang mga kamay niya, marinig ang totoong tawa niya, ang makausap siya nang hindi lang ako ang nakakakita— pero alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko kung aasa pa ako.

Buong umagang naging usapan ang pag gising ni Ashton Montecillo. Kahit ang mga teachers ay hindi maiwasan na mabangit ang tungkol sa balitang ito. Ang sabi nila kahapon ng umaga pa siya nagising. Nasa Hospital ang Ama niya noong nagising siya. Hindi ito napa alam agad sa mga kaibigan niya dahil kinailangan pang imonitor ang kalagayan niya. Pero ngayon maaari na siyang bisitahin.

Bandang lunch noong pumasok kami ni Mindy sa Cafeteria. Pagdating namin doon, ganoon parin ang topic ng halos lahat ng usapan ng mga estudyante. Napansin ko ang grupo ng mga kaibigan ni Ashton at Micko. I've never seen them this happy mula noong nangyari ang aksidente.

"Pumasok ba si Micko?" tanong ni Mindy habang naglalakad kami papunta sa table namin. Kadalasan kasi nasanay na si Mindy na sumasabay sa amin si Micko kapag wala silang practice or team meeting.

"Nakita ko siya kanina sa classroom nila." sagot ko. "Bakit mo natanong?"

Mindy shrugged. "Wala lang. Si Reese kasi nag half day, hindi ba? Tingin ko dederecho yon sa Hospital."

Sandali akong napapaused sa paglalakad. "Siguro nga." tahimik kong sagot.

Halos patapos na kaming kumain nang dumating si Micko sa Cafeteria. Binati niya ang ilan sa mga kaibigan niya na nakaupo sa usual table nila bago siya pumunta kung nasaan kami ni Mindy. Nakangiti siya nang umupo sa harap ko.

"Hey," masayang bati niya.

I smiled back. "Hey to you too."

"Guess what?"

Mas nag lean siya sa direction ko na parang isang bata may sasabihin na mahalagang sekreto.

Mindy rolled her eyes. "Come on, Micko. Alam na yan ng lahat." sagot nito bago kumagat sa club sandwich na hawak niya.

Unti unti namang nawala ang ngiti ni Micko. Hindi ko mapigilang matawa. Para siyang bata kapag ginagawa niya yon. Hindi parin ako sanay na nakikita siyang ganito— the old Micko that I used to know. Nasanay kasi ako sa cool Team Captain aura niya.

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon