Unwanted Lover

By lil_marxxxii

236 0 0

This is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng aut... More

Simula
I
II
III
Readers
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
Author's note
XV
XVI
Ikalabing-pitong Kapitulo
XVIII
XIX
XX
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
Readers
XXXIII
XXXIV
XXXV

XXI

1 0 0
By lil_marxxxii

Duet

Akumi PoV

Hindi ako makakain ng maayos dahil kay Nion. Hanggang ngayon ay nambubusit pa din. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang number ko. Nakakainis na.

Nion
Ganun ka ba nasarapan sa halik ko at pati sa baboy mong kaibigan ay sinabi mo?

Nag-igting ang panga ko sa text niya. At ano daw? Ako nasarapan? Gago ba siya? Sinong matutuwa kapag ganun ang naging first kiss mo? Tangina talagang lalaki na to , ginagalit ako.

"Ah , nakakainis ka talaga." pabagsak kong nilapag ang selpon ko. Magrereply na sana ako ng biglang magsalita si Kuya.

"Huy , Akumi. Ano yan? Kumakain ka tapos nagseselpon? Mamaya na iyan kumain na muna tayo." suway niya sa akin. Mahigpit talaga ito si Kuya lalo na pagdating sa harap ng hapag.

Naghuhugas na ako ngayon at iniwan ko sa lamesa ang selpon ko. Hindi ko naman magagamit yun ngayong naghuhugas ako ng plano. At bahala si Nion sa buhay niya.

"Akumi , tumatawag crush mo." Sigaw ni kuya. Wala na akong ibang alam na sinasabi niyang crush ko kundi si Nion. Mabilis ang naging takbo ko patungo kay kuya.

"Akin na kuya. At anong crush? Hindi ko crush ang masungit na Nion na yun." kapal ng panga niya. Matapos ng ginawa niya? Never.

Hinablot ko ang aking selpon at pinatay yun.

"Wala naman akong sinabing pangalan ah. Ikaw Akumi, jowa mo ba yun?" hindi ko alam isasagot ko. Pinili kong manahimik at baka madulas pa ako at masabi ko pa na hinalikan ako ng lalaking yun.

"Bakit hindi mo sinagot? Baka importante." dagdag niya habang pabalik ako sa lababo. Hindi or kaya ako tapos maghugas.

"Mang-iinis lang iyon, Kuya." sumunod pala si kuya.

"Ah ganun ba? Oh siya Mauna na ako sa kwarto. Ayos lang ba? Medjo pagod e." Hindi naman ako matatakutin. Kaya ayos lang na iwanan ako ni Kuya.

"Sige na kuya, matatapos na din ako." sabay halik sa pisngi niya.

Hindi na din naman ako nagtagal sa paghuhugas dahil dalawa lang namin kami dito sa bahay. Papaakyat na ako sa hagdan ng naisipan kong tawagan si Nion. Ikaklaro ko lang sa kaniya ang lahat ng paratang niya sa akin.

Hindi nagtagal ang pagring dahil sinagot niya ito agad. Parang alam niya na tatawag ako. Madam Awring ata to.

"Napatawag? HAHA." nagawa pa talagang tumawa ng gagong to. Kung kasama ko lang to ay baka nasuntok ko na to.

"Stop calling and texting me. Block my number. Ipapahamak mo pa ako sa kuya ko. At pwedi ba wag kang masyadong mahangin." nakakainis dahil nagagawa niya pang tumawa habang naiinis na ako. Well, ano pa bang aasahan ko dito? Fvck boy. Proud na proud parents ata say sarili dahil siya ang first kiss ko.

"Paano kung ayaw ko? Bakit hindi ikaw ang magblock sa number ko? Hindi mo kaya kasi talagang nasarapan ka." kampanteng sagot ni Nion.  Nakakainis talaga. Saan ba kumukuha ng kakapalan ng mukha ang lalaking to?

Hindi ko siya sinagot at pinatay ang tawag. Tama siya , bakit hindu na lang ako ang magblock sa number niya? Tama ba siyang nagustuhan ko ang halik niya? Tinampal ko ang sarili kong mukha ng marealize na sumasang-ayon ako sa kaniya. Hindi ko pinangarap na maging ganun ang first kiss ko. He ruined my first kiss. Fvck him.

Ibablock ko na sana ang number niya ng makatanggap akong muli ng text galing sa kaniya. Talaga bang ginagago ako ng lalaki na to? Nakakabanas.

I read his text.

Nion
Kahit iblock mo pa ako sa contacts mo , sa social media mo. Hindi mo maaalis ang katotohanang magkaklase tayo AKUMI. Makikita mo ako lagi.

He's right , what's the purpose of blocking him kung lagi naman kaming magkikita? Wala akong ibang pweding gawin kundi ang iwasan siya at kalimutan ang nangyari. Alam kong kaya ko.

Instead of blocking him , pinatay ko na lamang ang selpon ko. Nakakawalang gana ang gumamit ng selpon kung ganun din ang mangyayari tuwing gumagamit ako. Kung may hambog na lalaki kang katext. Nakakainis.

Pinilit kong matulog kahit ayaw pumikit ng mata ko. I need to cause I want to. Sa tingin ko ay kailangan ko ng masanay sa ganitong pangyayari. Kaklase ko siya at imposibleng hindi ko siya makita lagi. I don't have any choice kundi ang makita siya kaysa naman tumigil ako sa pag-aaral dahil lang doon. Baka isipin niya pang masyado akong affected sa halik niya.

Ginawa ko ang 15 minutes na di gumagalaw. Makakatilong daw to para makatulog kana. And thank God , nakatulog ako. Kailangan ko ng magpahinga dahil magkikita na naman kami bukas. Matinding lakas ng loob ang dapat kong gawin para makasurvive sa presence niya.

-
Hindi ako kumikibo kahit kinakausap ako ng pesteng katabi ko. Pinangatawanan ko talaga ang operation ignore him. I have to. Wala akong ibang kausap kundi si Abby lang. Ang hirap kumilos lalo na kung ganito tumingin ang katabi mo. Nakakainis , dahil buong maghapon kaming magkatabi at buong hapon din akong magiging tahimik. Tangina talaga.

"Talagang oangangatawanan mo ang pag-iignore sa akin , Ms. Valdez?" masyadong epal ang lalaki na to. Dapat ng mawala. Kahit anong gawin niya ay hindi ako makikipag-usap sa kaniya. Mamatay siya kakasalita.

"Do whatever you want Mr. Vasquez. Just leave me alone." Hindi ko siya kayang tingnan sa mata. Dahil alam ko sa pagkakataong tumingin ako sa kaniya hindi ko kayang gawin ang pag-iwas ko. Nakakainis. Bakit tinu-torture ako ng ganito? Peste kasi e.

"Pfft.Talaga? You're going to ignore me, really?" Isa pa to sa kinaiinisan ko. Magagawa niya pang tumawa kahit naiinis kana. Matalino nga gago naman. "Hey guys , I have something to tell you. Ako at si Ms. Valdez ay nagha..." Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng takpan ko ang bibig niya at pwersahang hinila. Gago ba to?

"Ano bang problema mo? Talaga bang tuwang-tuwa kayo na nakakapahiya kayo ng babae?" naiinis ako. Pero kagaya kanina hindi ko hinayaan makatingin ako sa kaniya. Nakayuko lang ako  habang nagbabadyang  tumulo ang aking mga luha. Naiinis ako kahit anong gawin ko ay di ko kayang magalit sa kaniya.

"Sorry , wala na talaga akong maisip na paraan para pansinin mo ako." paliwanag niya. Maniniwala ba ako o hahayaan ko ang sarili ko na magpaloko sa kaniya? Anong dapat kung gawin. Then suddenly my tears fell down. Narinig niya ang aking paghikbi.

"Just leave me alone, please." halos mawalan ako ng balanse. Nanghihina ako. Ang mga tuhod ko ay nanginginig. Ang walang pigil na pagtulo ng luha ko. Buti na lamang ay nayakap niya ako dahil kong hindi malamang naka-upo na ako sa lupa.

"Sorry." niyakap niya ako ng mahigpit. At mas lalong humigpit ng tangkain kong umalis. Bakit kailangan ko tong maramdaman? Is it puppy love or true love?

Fvck , Akumi. Nakaraang araw lamang kayo nagkakilala at true love agad? Halik lang naman yun e. Walang malisya. Hindi ko iyon ginusto. Masyado pa kaming bata para pag-usapan ang TRUE LOVE.

Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil wala naman akong magagawa. Mas hihigpitan niya lang ang yakap niya kapag nagpumiglas ako. Unti-unting humina ang mga luha ko.

Buti na lamang at walang dumaraan dahil oras ng klase kung hindi, babansagan kaming HALIPAROT NG TAON dahil sa posisyon namin ngayon.

Naitulak ko siya ng biglang may sumipol. I saw her again. Anong ginagawa niya rito? Hindi sa ganitong pagkakataon ko inaasahan na magkikita kaming muli. Paano na lang kung sabihin niya ito kau Kuya. Siguradong patay na.

"Hey, Ate Ryumi." bati ni Nion. Wala siyang pakialam kong ano man ang nakita ni ate Ryumi. Samantalang ako e namumula hindi dahil galing ako sa iyak kundi dahil sa hiya.

"Hindi ko alam na magkasama pala kayo ni Nion ." masiglang bati ni ate Ryumi. Akala ko ay magagalit ito dahil sa naabutan niya.

"Magkakilala kayo? How?" Nakakapagtaka lang kung paano naging magkakilala ito. Don't tell me isa to sa nakahalikan ni Nion? Child abuse to ah.

"Si Tito Henry at si ate Ryumi ay magkaibigan." so magkakilala sila? Pero paano?

Tinapik ako ni ate Ryumi. "Don't worry hindi to makakarating sa kuya mo. Haha." Nakakahiya. Pati si ate Ryumi ay tinatawanan ako.

"Ate Ryumi. Hmm , may sinabi po bang kagaguhan si Nion sayo?" relax Akumi. Kung hindi niya sinabi ay pwedi mong palusutan ito. Pero kung sinabi edi no choice kundi ipagtanggol ang sarili ko. Mahirap na baka binaliktad ni Nion ang kwento.

"Ah, yung tungkol sa halik? Haha walang nalilihim si Nion sa akin. Don't worry kasama sa pagdadalaga at pagbibinata yan."

Nilingon ko si Nion ngayon, na sumisipol sipol lang. Nilapitan ko ito at sinapak. "Gago ka ba? Ikaw pala itong nasarapan dahil pati kay ate Ryumi ay sinabi mo." Ay lupa lamunin niyo na ako.

"Don't worry our secret is safe with her." anong pinansasabi nito? For god sake magkaklase si kuya at ate Ryumi. I really hate this man.

"Halika na Nion. May pupuntahan pa tayo." yaya say kaniya ni ate Ryumi. Binalingan ako ng tingin ng babae at ngumiti. Napakaganda pala talaga ni ate Ryumi lalo na kapag maliwanag. Ang balat niyang makinang pa say sikat ng araw. Perfection.

"Bye , Ms. Valdez." paalam ni Nion , sabay kurot sa pisngi ko.

I can't help but smile. Kanina lang ay kinamumuhian ko siya ngunit ngayon walang mapagsidlan ang saya na nararamdaman ko.

Bumalik ako sa room. Ilang mga kaklase ko na lang ang naroon. Wala na rin si Abby siguro ay umuwi na. Kinuha ko ang selpon ko sa bulsa ng bag. Ilang message at missed call ang natanggap ko mula kay Kuya. Binasa ko ang iilan at halos lahat ay hinahanap niya ako. Nasa gate na daw siya.

Kasalanan to ni Nion e. Hays, kailangan ko bang sabihin to kay Kuya? Pero nangako ako na wala akong pagsasabihan dahil malilintikan talaga ako kapag sinabi ko. Maybe sooner or later but not now.

Tanaw ko na ang iritadong mukha ni Kuya , nakasuot siya ng maong na pantalon at tinernohan ng puting damit at itim na jacket. Kahit simpleng damit ay lumilitaw ang kagwapuhan. Nasa tabi niya ang di pamilyar na babae.

"Kuya?" tawag ko ng makalapit ako. Nilingon ako ni Kuya. Pati ang kasama niyang babae ay napatingin na rin sa akin. She smiled at me with a genuine one. So I smiled back baka sabihin niya e masama ugali ko.

"Akumi bat ang tagal mo?" alam kong iriyado na ito dahil ayaw na ayaw niya ng pinaghihintay kung wala lang itong cute na babaeng ito malamang nasampulan na ako.

"Sorry kuya , may tinapos lang na activity." pagsisinungaling ko. Alam kong masama magsinungaling. Pero no choice alangan sabihin kong sorry kuya , nakipag-usap pa ako kau Nion tungkol sa paghahalikan namin? Tingnan natin kung di ako nasapok nito.

"Ah by the way , Margaret this is Akumi my sister. Akumi this is Margaret." pagpapadala niya sa babaeng kasama niya. Naglahad ito ng kamay at ganun din ang ginawa ko.

Malambot ang kaniyang kamay , wala ba tong trabaho? Makinis din ang balat niya pero di katulad kay ate Ryumi. Matangkad din ito at may maikling buhok na bumagay sa kaniya.

"Hi po." nahihiya bati ko. Talagang nakakahiya dahil pinag-antay ko sila.

"Ang cute mo naman. Manager mana ka sa kuya mo." ang sarap pakinggan ng boses niya. Napakalambing.

"Ah, ikaw din po maganda." nakangiti kong sagot. "Kuya , ito ba ang tinutukoy mo na crush mo?" baling ko kay Kuya. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya, so tama ako? Nice choice Kuya :)

"Ano ka ba Akumi , nakakahiya ka." halos pabulong na lang na sabi ni kuya dahil sa kahihiyan. "Ah sorry , Margaret ha. Medjo madaldal talaga kapatid ko."

"Haha okay lang. Cute nga e." at ayon ngumiti siya ulit. Hindi ko talaga masisisi kung magugustuhan to ni kuya.

Dinala kami ni Kuya sa isang Cafe. Maganda ang ambiance. Ang kulay lavander na dingding ganun din sa upuan. Nakakarelax ang paligid.

Mayroon banda ang nagtutugtog ngayon. Hindi gaanong punuan kaya pinili namin yung medjo malapit sa nagla-live band.

Ilang minuto ng matapos ang pagkanta. Nag-announce ang vocalist na open mic daw. Which is pwedi ka magrequest o ikaw mismo ang magpeplay at kakanta.

Naalala ko tuloy na iyan ang bonding namin ni kuya , nong nasa Tiniente pa kami. Kamusta na kaya roon?

"Kuya , kanta ka naman. Please." request ko kay Kuya. Miss ko na siyang magplay ng gitara at kumanta. Napakagaling nitong si Kuya no. "Ikaw ate Margaret? Kumakanta ka ba? Sige na duet kayo ni kuya." mag-aala kupido muna ako. Nilingon ko si kuya na ngayon ay napataas ang kilay at kinindatan.

"Can we?" nakangiting yaya ni Ate Margaret.

Tumayo sila sa mini stage na naroon sa loob ng cafe. Napakacute nilang tingnan dalawa. Si kuya ang humawak ng gitara at si Ate Margaret naman ang nasa base. Naggigitara siya pero napakalambot ng kamay? Sana all.

Nagbulungan ang dalawa siguro ay para sa kakantahin nila.

"Give them a round of applause." salita ng emcee , bago magsimulang kumanta ang dalawa.

Everytime yung kinanta nila OST ng Descendants of the Sun. Engling version nga lang.

Tangina men , nakakatomboy ang boses ni Ate Margaret. Kaya siguro napakaswerte ng boses. Si Kuya naman ay nagmumukha tanga dahil sa walang sawang kangingiti.

Maganda ang naging duet ng dalawa. Pwedi ng kunin para magkaroon ng album.

Matapos nilang kumanta ay malakas na tilian at hiyawan ang maririnig mo. Sino ba namang hindi sisigaw kong napakaganda at gwapo ng mga kumanta plus magaling pang umawit. Saan ka dito kana. Joke.

Napag-alaman ko din sa dalawa na , kasama na si Kuya sa Banda ni ate Margaret. Kasama na si kuya sa mga gigs every weekends lang din naman 7-9 ng gabi kaya walang problema. Kaso ang problema, bibitbitin ako ni Kuya. Kung saan siya , doon din ako. Ginawa akong langaw na sunod ng sunod sa tae.

Matapos ang mahabang kwentuhan ay napagdesisyonan na naming umuwi. Alangan namang dito kami matulog diba? Si Kuya ang naghanap ng taxing pagsasakyan ni Ate Margaret. Feeling gentleman lang.

"Thank you for tonight. See you tomorrow guys." then she kissed us. Wag malisyoso sa pisngi lang. At ang tanga kong kuya dinaig pa ang kamatis sa kapulahan ng pisngi niya. Inlove talaga.

Kumaway kami ng makaalis ang taxi at ang tanga kong kuya binugbog ako sa paraan ng pagkakaakbay niya. Hindi naman halatang inlove, ano?

To be continued....

-
Thank you for reading. Iloveyou all, readers ❤️. God bless you all.

Verse of the day
1 Corinthians 13:13 💖

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...