Moonlight War (Gazellian Seri...

By VentreCanard

4.9M 341K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... More

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 36

78.4K 6.3K 1.9K
By VentreCanard

Chapter 36

Pagsilang

"You've been expecting too much, Thaddeus." Ani ni Danna.

Tipid niyang tinanaw ang batang si Thaddeus na nanunulay sa mataas na bakod ng isang palasyo. Sa kabila ng taas at liit ng inaapakan ng kanyang mga paa ay nagagawa niyang ibalanse ang kanyang katawan habang ang dalawang kamay ay nakadaop sa kanyang likuran.

"Really?"

"Tiffon is elder. He'll be the king."

Tipid na tumawa si Thaddeus. "I hope so... sana nga ang kapanganakan na lang namin ang magdikta ng trono, Danna." Tumanaw sa kalangitan si Thaddeus.

Tumaas ang kilay ni Danna. "Hindi mo nais maging hari? Ngayon pa lamang ay naghahanda ka na."

"I should... I should, Danna. At alam mong kailangan kita."

Nag-iwas ng tingin si Danna sa prinsipe. "Hind pa rin ako pumapayag. I will not allow that to happen..."

Tumalon na si Haring Thaddeus mula sa bakod at sa isang iglap ay humarap siya kay Danna na saglit na napaatras dahil sa kaunting distansya na nakapagitan sa kanila.

"You're wise, Danna. Ikaw ang pinakamatalinong bampirang nakilala ko. Together, we will rule Sartorias with great power and intelligence. Itatama natin ang baluktot at maling paniniwala sa mundong ito. No one will ever suffer..."

Nagniningning ang mga mata ng prinsipe habang sinasabi niya iyon. Ang kanyang dedikasyon, pagmamahal sa trono at pagtatama sa mali'y nag-uumapaw.

"You can't have me, Thaddeus. We are not mates..."

"I can do something about it. Just trust me."

May pag-aalinlangan ang mga mata ni Danna. "No... mali ito, Thaddeus."

"What is wrong? I will rule the kingdom better than the other kings."

"But your way... hindi mo kailangang gumamit ng mga babae. And you expect me to help you convince them?"

"Sa tingin mo ba'y mas ipagkakatiwala ko ang buong emperyo sa mga kamay ng mga konseho? If I have consorts... women to rely on, mas magiging matatag ang emperyo. Mga babaeng may dedikasyon sa akin at sa kaayusan ng emperyo."

Hinawakan na ni Thaddeus ang mga kamay ni Danna. "I need you to be my Queen. You're openminded... alam mo kung ano ang mga layunin ko."

"Those women... their hearts are at sake... maaari silang mahulog sa 'yo."

"And that is the number one rule. Do not, ever, fall in love with me." Ngiting sabi ni Prinsipe Thaddeus.

Iyon ang huling linya ni Haring Thaddeus bago mas lumakas ang nagliliyab na apoy at mawala ang parte ng nakaraan.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kung ganoon... hindi lang si Danna o kaya'y ang puting lobo ang naugnay kay Haring Thaddeus. Bago pa man siya hiranging hari'y gumagawa na siya ng mga hakbang upang patatagin ang kanyang trono.

Pinalano niyang gumawa ng emperyong may haring nangangalaga ng mga babae... mga babaeng kanyang magiging asawa, hindi dahil sa pagnanais na ipangalandakan ang kanyang pagiging makisig na lalaki kundi para higit na ipagkatiwala ang bawat sangay ng emperyo.

Ngunit hindi iyon natuloy... dahil dumating ang isang diyosa. Ang diyosa na sumira sa lahat ng kanyang mga plano.

Sinubukan kong kumurap muli sa harapan ng apoy. Ibang parte na naman ng nakaraan ang siyang nakikita ko. Ngayon naman ay sina Danna at ang babaeng may hawak ng mapa ang ngayon ay magkausap.

"Iyon ang nais kong sabihin..." mahinang sabi ni Danna.

Lumuluha na ang babae o ang puting lobo. "She came... alam kong darating pa rin ang araw na ito. At kahit ang magiting na hari'y walang magagawa sa kapangyarihan ng pag-ibig."

Mapait na ngumiti si Danna at tumanaw siya sa labas ng bintana. "Sobrang talino ni Thaddeus, Ressa. Ang mga plano niya'y siguradong magdadala ng kaayusan sa mundong ito, ngunit ng dumating siya... handa niyang ihagis sa apoy ang lahat ng planong iyon."

Pagak na tumawa si Ressa. "Foolish Prince... no... King. Kailan na ba siya kokoronahan?" pinahid niya ang takas na luha sa kanyang mata.

"I told you not to fall in love with him."

"Nagawa mo rin ba iyon sa sarili mo, Danna?"

Humarap si Danna kay Ressa, wala man lang bahid na luha ang kanyang mga mata. "I am the wisest vampire of this generation, alam kong darating ang araw na ito. Alam kong darating ang araw na papanuorin ko kung paano kainin ni Thaddeus ang lahat ng binitawan niyang salita para sa iisang babae..."

Akala ko'y magpapatuloy pa ang nakaraan ngunit mukhang hanggang doon lang ang siyang nais ipakita sa akin ng puting lobo.

May nais iparating sa akin ang nakaraan, hindi lang iyon upang ipaalam sa akin na ang mapa'y may koneksyon pa rin kay Haring Thaddeus.

Ano?

Nang tumingin ako sa paligid, tila tumigil ang oras at lahat sila'y hindi gumagalaw o humihinga man lang. Ang tanging nakagagalaw lamang sa mga oras na iyon ay ako at ang sayaw ng apoy.

Mariin akong pumikit at pilit inisip ang nakaraan. May nais iparating si Haring Thaddeus o tamang sabihin na ang puting lobo. 

Ang mapa'y nasa puting lobo, ang isa sa pinili niyang kanyang magiging asawa. Kung hindi ipinakita sa akin ng puting lobo ang ilang parte ng nakaraan, maaaring magduda na ako sa bawat desisyon ng hari.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi habang unti-unting naglilinaw sa akin ang mensahe.

Hindi kaya...

Hindi kaya ang mga relikyang pinaghiwa-hiwalay nina Haring Thaddeus at Reyna Talisha'y nagpunta sa mga babaeng dating pinangakuan ni Haring Thaddeus? Na ginawa nila ang mga iyong pangalagaan hanggang sa kahuli-hulihan ng kanilang buhay...

Muli kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. Ilang babae pa ang mabibihag at handang gawin ang lahat para sa kanya?

Nakita ko kung ano ang reaksyon ni Danna nang sandaling magsalita si Haring Thaddeus tungkol sa kaayusan ng emperyo, walang babae ang hindi hahanga sa kanyang dedikasyon at pagmamahal sa trono upang maghatid ng kaayusan. At nasisiguro ko na iyon din ang nakita ng napakaraming babaeng nilapitan ni Haring Thaddeus... pinangakuan ng ayusan... pangangalaga ngunit hindi ang pagmamahal.

Ang puting lobo ang siyang una...

At nasisiguro ko na marami pa... marami pang babae ang handang tumulong sa kanya.

Hindi lang minsan kong hiniling na sana'y mabigyan ako ng pagkakataong matunghayan ang buong buhay ng hari at reyna. Sana'y ibahagi niya ang lahat ng sa gayo'y lubos akong maliwanagan.

Dahil sa kabila ng aking nalalaman, tila may nagtutulak sa akin o kaya'y bumubulong na hindi sumang-ayon... o kaya'y galit. May galit na tila pilit na lumalabas sa akin.

Galit na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Saglit na bumalik sa akin ang imahe ng isang anino ng lalaki... na ang tindig ay tila sa isang maharlika. Bakit paulit-ulit ko na lang nakikita ang imahe ng Haring Clamberge?

Nang muli kong iminulat ang aking mga mata, sinabayan ko iyon ng pagbuka ng aking mga braso. Libong punyal ang siyang inilabas ko sa ere kasabay nang muling pagsimoy ng hangin at paggalaw ng bawat nilalang sa paligid.

Siguro'y nais lang ng puting lobo na ako ang makaksaksi ng parteng iyon ng nakaraan. Dahil nasisiguro ko na sa akin niya lang iyon ibinahagi at ang kaunting oras na iyon ay para lang sa akin at sa kanya...

Ang mga Gazellian kaya'y may ideya sa nakaraang iyon? Na minsan ang kanilang hari'y piniling gumamit ng kakayahan ng mga babae at ang dedikasyon ng mga ito sa kanya upang higit na mapatatag ang emperyo.

Hindi ko alam na may ganoong parte pa ng nakaraan... buong akala ko ay si Danna lamang ngunit tila marami pa akong hindi nadidiskubre at mukhang sa paglalakbay na ito'y matutuklasan ko ang lahat. 

Kung tutuusin ay malaki ang magagawa ng isang emperyo kung ang mga sangay nito'y mga babae... na hindi lang talino ang motibasyon kundi pag-ibig na hindi lang sa emperyo kundi sa kanya, na handa ang mga iyong gawin ang lahat para lamang sa ikaliligaya ng hari.

Siguro nga... ngunit ang sarili ko'y tila hindi na nais sumang-ayon. Dahil nang sandaling nagmahal ang Hari ang plano niyang hahantong dapat sa perpeksyon ay nagsimulang gumuho... na nagawa niyang saktan ang lahat at gibain ang kanyang mga plano para sa pagmamahal.

Nang mas itaas ko ang aking mga kamay, sumunod ang apoy sa aking mg utos at mas tumaas din iyon na tila inaabot ang malaking buwan na siyang nakadungaw sa kalangitan.

Sa bawat galaw ko'y sa pagbilis ng pintig ng puso ko. Ramdam ko ang paglandas ng pawis sa aking noon a humaplos sa aking mukha at nagtungo sa aking baba hanggang sa makarating iyon sa gitna ng aking dibdib.

Sa kabila ng ritwal na ngayon ay nakahain sa akin, ang buong pakiramdam ko ay buhay mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking detalye ng bawat galaw at kilos sa paligid.

Ganito pala talaga kapag ang ritwal ay nagaganap sa lupa na may kinalaman sa kalikasan. Dahil ang higit na kapangyarihan ay nagmumula sa akin, ang bawat pangyayari'y tila kaparte na ng aking katawan.

Huminga ako nang malalim at pilit pinatatag ang sarili. Kailangan kong pagtagumpayan ang ritwal na ito. Marami ang umaasa sa akin... at malaki ang tiwala sa akin ng mga matang ngayon ay nanunuod.

Hindi ko sila dapat biguin.

"Tawagin na natin siya..." lumingon ako kina Divina at Iris na sabay tumango.

Ang mga lobo na mga nakaanyong tao'y muli'y nagpalit ng kanilang mga anyo, sa kabila ng distansya na ibinigay nila sa aming tatlo sinigurado nilang ang bawat lobo ay nakapalibot sa amin.

Sina Nikos, Rosh, Caleb at Hua ay kapwa nakatayo sa gilid, may mga nakakrus na mga braso ngunit ang kanilang mga mata'y nagniningas na rin.

Alam kong iba ang epekto ng ritwal na ito.

Pansin ko na saglit kinagat ni Divina ang parte ng kanyang kamay upang may dugong dumaloy mula sa kanya.

"D-Divina..." tawag ni Caleb.

Ngunit ang atensyon ng prinsesa'y nasa ritwal na rin. Bago pa man humalo sa lupa ang dugong nagmumula kay Divina ay pinalipad ko na ang aking punyal palapit sa kanya upang saluhin iyon. At nang sandaling pumatak na ang dugo roon, ang aking nagliliwanag na punyal ay naging pulang nagliliwanag.

Ang dugo ni Divina'y nagmistulang laso na siyang nagkokonekta sa bawat punyal na nakalutang sa ere na ngayo'y pilit na inaabot ng apoy. Ang mga mata ng prinsesa'y nagniningas na rin. Ang kanya'y pula ngunit ang sa akin ay ginto.

Kusang humakbang ang kanyang mga paa hanggang sa makarating siya sa aking unahan.

"Iris..."

Hindi ko man sabihin sa kanya ang dapat niyang gawin, si Iris ay humakbang na rin sa unahan namin ni Divina na siyang mas malapit sa apoy. Nang igalaw ko ang aking kanang kamay ganoon din ang ginawa ni Divina, humabol din ang apoy, ngunit kasabay niyon ay mas malakas na hangin na tila humahampas kay Iris.

"We are turning her..." humahangang sabi ni Divina.

Nang sandaling inihampas ko ang aking kamay sa kaliwa, tila ang lahat ng buhay sa kalikasan ay umayon din sa akin dahil sila'y nakisabay sa aming emosyon.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at sininulan ko nang humuni. Walang mga salita at pawang saliw lamang at paghele sa gitna ng kagubatan.

Narinig ko ang pag-alulong ni Lucas sa tuktok ng burol. Ang mga lobo'y mas iniyuko ang kanyang mga ulo at maging sina Nikos, Caleb, Rosh at Hua'y isa-isang lumuhod sa lupa.

Ang aking mga kaway ay direkta kong itinapat sa apoy dahilan kung bakit sabay-sabay na bumagsak doon ang aking mga punyal. Mas nagliyab at lumakas ang iyon na kung titingnan ay tila lalamunin na ang buong kagubatan.

Sa pagliyab niyon ay unti-unti iyong nahawi.... na ngayo'y hindi lang kahel ang kulay kundi ginto at pula...

Si Iris na kanina pang nakaluhod roon at tahimik na nakatitig sa apoy ay unti-unting tumayo at maingat na humakbang sa gitna ng apoy. At nang sandaling nakarating na siya sa gitna, ang apoy na ang siyang lumamon sa kanya.

Hindi man lang ako nakaramdam ng pangamba ng makita iyon, sa halip ay pinagatuloy ko ang paghimig sa hangin. Ang aking natitirang punyal ay nanatiling lumulutang sa ere at lumilibot sa apoy.

Hindi na ako naghintay ng ilang minuto dahil nararamdaman ko na ang bago niyang presensiya...

Makapangyarihan at higit na malakas.

Unti-unti akong lumingon sa lahat upang makita ang kanilang reaksyon, ngunit ang kanilang mga atensyon ay wala na sa akin kundi nasa apoy na unti-unti nang namamatay.

"There's a powerful shadow..." ani ni Divina.

Nang muli kong ibinalik ang aking mga mata sa apoy na ngayo'y lumiliit na, gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

Kasabay nang tuluyang pagkawala ng mga apoy at ang paggalaw ng katawan ng isang malaki at napakagandang nilalang ay ang mas paglakas ng alulong ng kanilang pinuno sa tuktok ng burol.

Ang pagsilang ng bagong puting lobo dala ang mapa ng unang Nemetio Spiran.

Continue Reading

You'll Also Like

14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
2.9M 61.7K 22
Over Series, Book #1 || Breakups are one of the things that Lei dreads, may it be a romantic relationship or friendship. So when her first boyfriend...
Falter By Nique

Short Story

5.1K 223 5
Kung saan ang lahat ay nabubuhay sa mundo na totoo ang Soulmates. Falter 1: Si Mia Romasanta ang overachiever na hindi mahilig mag under-deliver. Isa...
1.9M 87.3K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...