Intoxicated

By MalditangYsa

12.5M 229K 21K

Choices. Decisions. Sacrifices. Betrayal. Consequences. Circumstances. They say first love never dies. Tyrone... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
EPILOGUE
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Published under Psicom

Chapter Fifty-three

167K 3.6K 809
By MalditangYsa

Nagbigay ako ng resignation letter sa cake shop tulad ng sinabi ni Tyrone. I moved in to his condo dahil alam kong hindi ko kakayaning mag-isa, at hindi naman niya ako pwedeng samahan because his work is miles away. Wala akong choice.

Hindi niya ako pinabayaan sa mga oras na kailangan ko siya. Halos hindi na siya pumasok sa kan'yang trabaho para lang mabantayan ako. He's there to listen, to console, and to comfort. Dumadalas ang pagiging emosyonal ko. Tuwing wala akong ginagawa ay titigil na lang ako at iiyak. This is the most heartbreaking part. I can endure all pain but not this one. Not when my sister is involved. She has been my life at hindi ko alam kung ano ang ginawa ko to deserve this kind of pain.

Binasa ko ang text message na pinadala ni Ate Heidi n'ong araw na nag-away kami ni Viviene.

Yvette, babalik na kami sa probinsya ni Gido. Kung may kailangan ka, magtext ka lang.

Kating kati akong tanungin kung may alam ba siya. . . Kung umuuwi pa ba si Viviene doon. Pero mukhang hindi niya ako masasagot dahil itong message na ito ay noong eksaktong araw din na nalaman ni Viviene ang tungkol sa amin ni Tyrone. Bakit gan'on? Kung kailan kailangan ko ng kapatid, ng pamilya, saka sila wala? Saka nila ako ginaganito? Pero n'ong mga oras na sila ang nangailangan sa'kin, ginawa ko ang makakaya ko para sa kanila, at kailanman hindi ko sinumbat iyon.

Maybe that's how it is. The more you get attached to a person, the more pain it will bring you once they fail your expectations. Umasa akong kaya nila akong mahalin tulad ng pagmamahal ko sa kanila, pero ngayon ako ang sawi. Ako ang lugmo. Ako na ang nagbigay, ako pa ang nalugi.

"Umiiyak ka na naman," nagulat ako sa boses ni Tyrone. Namamaos ang kan'yang boses dahil mukhang naistorbo ko pa siya sa tulog. Magaalas tres pa lang ng umaga at eto't binabagabag na naman ako ng utak ko.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko na hindi ko namalayang tumulo na pala. He hugged me tight and started planting soft kisses on my cheeks.

"I hope I can take your pain away, girlfriend," he said as he rested his head against my ears "Rest. You need it." 

Napangiti ako sa mainit na halik ni Tyrone sa tenga ko. Niyakap ko siya pabalik at sinubukang bumalik sa tulog sa kabila ng magulo kong pag-iisip.

Nang dinilat ko ang mata ko kinabukasan ay napangisi ako nang makitang wala pang araw. Nilingon ko ang alarm clock ni Tyrone sa tabi ko. 5:08AM. Maaga pa. Nilingon ko si Tyrone at umasa sa kakaunting ilaw na binibigay ng lamp sa kan'yang gilid. Pikit pa rin ang mga mata niya at tulog na tulog pa. Maingat kong tinanggal ang kamay niya sa tyan ko at bumangon mula sa kama. Sinigurado kong hindi siya nagising nang lumabas ako sa kan'yang kwarto.

Agad kong tinignan ang laman ng kan'yang ref. Bacon and egg will do for the morning. Gusto kong kahit papaano ay mapagsilbihan si Tyrone at gumanti sa kabutihan niya sa simpleng mga bagay. Sa totoo lang, napakalaki na ng utang na loob ko sa kan'ya. He's the one who never gave up on me when the world did.

Biniyak ko iyong itlog at nilagay sa mainit na mantika. Nilalagyan ko na ito ng asin nang maramdaman ko ang yakap niya mula sa aking likuran. His mere scent already completed my day.

"Good morning," he said.

"Morning." Ngumiti ako at naramdaman ang mabilis niyang paghalik sa aking ulo. " Ang aga mo. Upo ka na doon. Ihanda ko lang breakfast mo."

"Hmm. Bango," paglalambing niya sa likod ko.

"Ang clingy mo naman," halakhak ko "Sige na, Tyrone. Malelate ka na."

Muli niya akong hinalikan sa pisngi bago siya kumalas sa kan'yang pagkakayakap sa akin. Inayos ko iyong niluluto ko at nilagay sa plato. Nang nilingon ko siya ay nakaupo na siya sa dining at naghihintay sa akin. Naka-topless siya at tanging boxer shorts ang suot.

Nag-iwas ako ng tingin at ihinanda ang kan'yang paboritong kape.

"You coming with me today, girlfriend?" Pagbabasag niya sa katahimikan.

Nilingon ko siya at naglakad patungo sa mesa para mapagsaluhan na namin ang pagkain. "Anong meron?" Inilapag ko ang kape sa mesa at umupo sa tabi niya. Inayos ko na rin iyong plato niya at nilagyan na iyon ng sinangag na niluto ko rin kanina.

"You don't remember?" Aniya at humigop mula sa kan'yang tasa ng kape.

Kumunot ang noo ko. Wala akong matandaan sa araw ngayon.

"Corporate party. May mga darating na investors." He said.

Shit. Bakit ko nga ba nakalimutan na ngayon 'yon?" Yumuko ako at nakaramdam ng hilo. Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa umiikot kong paningin.

"Hey... You ok, baby?" Agad akong dinaluhan ni Tyrone. Tumango ako at inabot iyong tubig. Mabilis akong uminom dito at binalik ko ang tingin ko sa kan'ya.

"Hindi yata kita masasamahan. Masama ang pakiramdam ko." Kinagat ko ang labi ko at agad na-guilty nang bumagsak ang balikat ni Tyrone.

"I'll have to stay here with you, then," bumalik siya sa kan'yang upuan.

Mabilis akong umiling. "No! Kailangan ka doon, Tyrone. Kaya ko naman dito. Pahinga lang ito."

Bumuntong hininga siya. I know he's torn between two decisions at alam kong gustong gusto niya rin akong samahan dito, pero malaking event ang naghihintay sa kan'ya ngayon. He can't risk that.

"You sure?" Nag-aalala niyang tanong.

Ngumiti ako at tumango to give him an assurance. Pahinga lang ito. Masyado lang akong napagod sa mga iniisip ko sa mga nagdaang araw.

Pero n'ong umalis na si Tyrone at naging tahimik muli ang kan'yang unit ay hindi ko maiwasang  malungkot. Kahit anong lipat ko sa channel sa TV ay tumutulo pa rin ang luha ko. Kahit na si Spongebob na ang kasalukuyan kong pinapanuod ay ramdam na ramdam ko pa rin ang paninikip ng dibdib ko.

Nilingon ko ang phone kong tahimik din. Bumuntong hininga ako at nag-type ng text message.

To: Tyrone

Kumusta ka d'yan? Nagsimula na ba? Punta na lang ako.

Bumangon ako, naligo at nagsimulang mag-ayos ng aking sarili. Pinili ko iyong dress na kulay puti. Mabuti na lang at kahit papaano ay natuto akong magmake up dahil sa mga naging trabaho ko.

Inabot ko ang phone ko at nalungkot na walang reply si Tyrone. Mukhang busy na siya roon.

Nang makarating ako sa matayog na building ng mga Feledrico ay agad akong nagtaka nang makitang paalis na ang mga tao. Malulungkot ang kanilang mga mukha at ang iba ay nag-uusap usap pa. Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso sa elevator paakyat ng floor ni Tyrone. Wala akong nakasabay pataas dahil lahat sila ay pababa na. Ramdam ko rin ang kakaibang tinginan nila sa akin habang nakakasalubong ko sila.

Tapos na ba iyong event? Alas tres pa lang naman ah.

Bumukas ang elevator sa isang floor at nakita ko ang dalawang babae. Ang isa ay pulang pula ang mukha dahil sa kakaiyak. May dala siyang box ng kan'yang mga gamit at ang isa pang babae ay pinapatahan siya.

"Bakit kailangan nila ako tanggalin sa tabaho? Maayos naman ang performance ko," Hagulhol niya sa kasama habang papasok ng elevator. "Anim na taon na ako dito. Syempre napamahal na ako dito. Tapos mahirap maghanap ng regular na trabaho ngayon lalo na't finire nila ako. Ano'ng ipapakain ko sa anak ko?"

Nakaramdam ako ng awa sa kan'ya. Gan'yang gan'yan ang naramdaman ko noong tinanggal ako sa trabaho. Alam na alam ko ang hinagpis kapag wala ka nang ibang makakapitan pa.

Ipinagkibit balikat ko na lang ito at dumiretso na lang sa paglalakad nang nagbukas ang elevator. Pumunta ako sa sekretarya ni Tyrone na kasalukuyang busy sa kan'yang computer. Suminghap ako at nang nilingon niya ako ay agad kong napansin ang kaunting pagkunot ng kan'yang noo.

"Marielle, and'yan ba ang boss mo?" Tanong ko sa kan'ya.

"May appointment po kayo, ma'am?" Irita niyang tanong.

Kumunot ang noo ko. "Wala, eh. Busy ba siya?"

"Busy po." Umirap siya at binalik ang tingin sa kan'yang laptop.

Ngumuso ako at umupo na lang sa sofa. Hindi nagtagal ay nainip din ako kaya't nang umalis si Marielle para tumungong elevator ay mabilis akong pumunta sa harap ng pinto ng opisina ni Tyrone.

Kakatok na sana ako ngunit napansin kong nakabukas ng kaunti ang kan'yang opisina. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Tyrone at boses ng isa pang lalaki.

"Tinatapon mo na ba ang buhay mo, Tyrone?!" Sigaw ng lalaki sa loob.

Alam kong hindi dapat ako nakikinig at dapat ay bumalik na ako sa kinauupuan ko ngunit may kung ano'ng pumipigil sa akin sa paglalakad paalis.

"The investors withdrew from the deal because of you, Tyrone! Ano bang nangyayari sa'yo? You don't report to work anymore! You've been declining your meetings, postponing it. Ayan! Nakakuha sila ng mas magandang investment! Sa'yo umaasa ang kompanya then what are you doing? You're putting the company at risk! Dahil sa'yo hindi natuloy ang event. Dahil sa'yo malaki ang nawala sa atin. That was a billion, Tyrone, then tinapon mo lang! Saan tayo kukuha non ngayon?! We need to fund our projects ASAP and now, saan ka kukuha ng isang bilyon?! We had to cut down our good employees because of your negligence! What the hell is happening?!"

"Dad, I'm sorry." Mahinahong sagot ni Tyrone. Nanlamig ang palad ko sa narinig. Dad? Andito ang parents niya? "Something came up and--"

"It's that girl, isn't it? You're distracted." Ani ng isang babae sa loob.

Hindi sumagot si Tyrone. Nanikip ang dibdib ko. Ako ba ang pinag-uusapan nila?

"See? You're wasting your life for a girl that brings you no good! Nananahimik lang ako, Tyrone, but I still have ears. Akala mo ba hindi namin alam ng dad mo kung ano'ng ginawa mo sa isang empleyado? That was our best employee! Bagong bago pa lang sa atin si Ms. Arteta pero ang taas na agad ng sales natin. Tapos tinanggal mo sa trabaho! You're out of your mind, Tyrone--"

"Mom, you don't know the story." Pagdidipensa ni Tyrone.

"I don't care about that story. Sirang sira na ang pangalan mo rito! They know what you did because of that, and now look, the whole company is at stake because of that girlfriend of yours!"

"Mom, you don't know her!" Iritadong sagot ni Tyrone.

"See? You now have the guts to yell at me! 'Yan ba ang tinuturo sa'yo ng babaeng 'yan? Ang maging bastos? Kung sabagay, kabastos bastos nga naman pala siya. She must know where to place herself."

Napaatras ako ng bahagya sa naririnig ko. May malaking bara sa lalamunan ko at hindi ko ito magawang malunok. Unti unting humina ang kanilang mga boses.

"Nobody talks about her that way in front of me. Not even you, mom." May halong pagbabanta sa boses ni Tyrone pero halos hindi ko na ito marinig.

"You better fix your shit, Tyrone. I'm done with you!" Muling singhal ng kan'yang dad.

Nakarinig ako ng ilang yabag palabas ng pinto kaya't mabilis akong nagtago sa isang parte ng pader. Rinig ko pa ang heels ng kan'yang nanay.

"That boy needs to learn his lesson," bulong ng kan'yang ina habang umiiling iling pa "such a disappointment."

Pinagmasdan ko silang naglalakad papunta sa elevator. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo ang emosyon ko pero isa lang ang nananaig--ang sakit.

Nang tuluyan nang umalis ang kan'yang mga magulang ay dahan dahan akong lumapit sa pinto ni Tyrone. Sinilip ko siya mula sa loob at nakitang nakaupo siya sa kan'yang swivel chair. Nakatungkod ang kan'yang siko sa tuhod at tinatakpan naman niya ang kan'yang mukha gamit ang palad. Ginulo niya ang kan'yang buhok and I know he's frustrated.

"Shit! Fuck!"

Nagulat ako nang bigla niyang sinuntok ang pader. Patuloy ang tulo ng luha ko. Ako. Ako ang dahilan kung bakit ganito siya. Ako ang dahilan kung bakit nahihirapan kaming dalawa. Ako ang dahilan kung bakit natanggal ang trabaho nila. Ako ang dapat sisihin. Hindi siya. Dahil ako. Ako ang pabigat.

Kinagat ko ang labi ko at mabilis na tumakbo papunta sa elevator. Nakasalubong ko pa si Marielle pero tinitigan lang niya ako ng masama--at hindi ko siya masisisi. This is all my fault.

Bumuhos ang luha ko sa elevator pero hindi ko ito pinunasan. Hinayaan ko lamang ito. At nang magbukas muli ang elevator at may nakita na naman akong isang lalaking empleyado na may hawak na box ay saka lang ako natauhan sa kakaiyak. He looks so stressed, na para bang ilang araw na siyang walang tulog. At ako ang dahilan non.

Pumasok siya sa elevator at nang magsara ang pinto ay narinig ko ang pagdial niya sa kan'yang phone.

"Pare, inom nga tayo. Natanggal ako sa trabaho. Tang ina. Baka hiwalayan na 'ko ng misis ko at isiping hindi ko inaayos ang buhay ko. Tang ina talaga. Last chance na 'tong binigay niya."


Kinagat ko ang labi ko habang kinakain ako ng guilt ko. Noong mga panahong kinailangan ko siya ay dapat alam kong may iba pa ring nangangailangan sa kan'ya. I was selfish and I didn't notice that he's already ruining his life while trying to fix mine.

At ngayon, iisa lang ang nasa isip ko. I should stop. This is not healthy anymore. Hindi lang kami ang nasasaktan. Maraming buhay na ang nadadamay.

I never thought loving him would hurt me so much. I never thought being with him would mean ruining everything around us.

Hikbi lang ako ng hikbi habang inaayos lahat ng gamit ko. Tuluyan na akong kinain ng insecurity ko. Mabilis akong kumuha ng papel at nagsulat dito.

I'm sorry for being toxic for you. I'm sorry for ruining everything. I'm sorry for not being strong. I'm sorry, Tyrone, but don't try to find me anymore. Our lives are better off when we're separated.

Pinunasan ko ang luha ko at iniwan ito sa kan'yang kama, dahil iyon ang totoo. Noong hindi kami magkasama, marami kaming nagawa. Maraming na-achieve. Nakakalipad kami sa sarili naming mga pakpak. Pero ngayon, tila ba hinihila namin ang isa pababa.

Being with him is toxic.

Kinuha ko ang phone ko at mabilis nagtext kay Ate Heidi.

Ate, pupunta ako d'yan.

Huminga ako ng malalim habang inaakyat sa bus lahat ng gamit ko. Wala akong pakealam kung pinagtitinginan nila ako dahil sa basang pisngi ko, dahil sa namumugtong mga mata ko, at dahil sa buhok kong sabog. Gusto ko na lang umalis at huminga. Huminga sa lahat ng ito. I feel so suffocated with everything. Gusto kong magpahinga sa sakit na nararamdaman ko.

Tinignan ko ang ticket na hawak ko papuntang Legazpi. Bahala na.

Nag-ring ang cellphone ko at muli akong napahikbi ng makita ang pangalan ni Tyrone. Natunganga lamang ako rito. Hindi ko ito magawang sagutin o patayin. Pinagmasdan ko lang ang litrato ni Tyrone na nakaregister sa contact niya. Pinagmasdan ko lang ito hanggang sa mawala ang tawag.

Napapikit ako ng mga mata nang umandar ang bus. Ayokong makitang paalis ako ngayon. Hindi ko kaya.

Binuksan ko ang mga mata ko nang muling mag-vibrate ang cellphone ko. At sa pangatlong ring ay sinagot ko ito. Inilapat ko ito sa aking tenga at muling pinira piraso ang puso ko nang marinig ang boses ni Tyrone.

"Where are you, girlfriend?" Pabulong niyang sabi. Mahinahon pero ramdam ko ang sakit sa binitawan niyang mga salita.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko kaya.

"Please. . . Don't leave." Nabasag ang kan'yang boses sa kabilang linya kasabay nito ay ang pagbasag din ng aking mundo.

"Paulit ulit na lang bang ganito?" Rinig na rinig ko ang bigat ng hininga niya "Yung kapag may problema, aalis at aalis ka ulit? Can't you be strong at least for yourself? For me?"

Pero hindi ko pa rin magawang magsalita. Nanunuyo ang lalamunan ko at kahit anong gawin kong paglunok ay naroon pa rin ang malaking bara dito.

"You're such a dangerous creature, Yvette. After coming back to me, you'll leave at the time I need you the most."

"You don't need me, Tyrone." Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. "Mas maayos ang buhay mo kapag wala ako. Tanggapin na natin iyon dahil simula pa lang, 'yan na ang rason kung bakit tayo naghiwalay."

He heaved out a sigh "I'm so tired, Yvette. So fucking tired."

Sinandal ko ang ulo ko sa upuan at hinawakan ko ang aking bibig, trying to suppress my sobs.

"I almost died picking up the broken pieces when we first broke up. Then the second time I was so sure that I'm not gonna let you go again because I know how it feels to be wrecked without you. Pero ngayon? Hindi ko na alam kung may lakas pa akong habulin ka. I don't think I can still tolerate the fear that when I'm with you, you'll leave me again... I can no longer tolerate the pain of hearing from you over and over again that you're giving up. I don't know what's wrong with me... But I know I gave my best." Huminga siya ng malalim. "All I want now is to feel okay. It's up to you if you're with me or not because honestly, I'm tired of being strong when you can't even be strong for me."

Words pierced right through me, pero nanatili akong tahimik. Masokista na kung masokista pero gusto kong marinig lahat ng ito galing sa kan'ya.

"Once you shut this down, please. I'm begging you. Don't come back again. Don't talk to me.Just don't, because from now on, I'll try to move on. I'll try to be okay without you, and when that happens," Suminghap siya "I don't wanna see you again to ruin everyfuckingthing I did to move on from you. Cos right now, I almost wish I never met you again."

Hindi ko na napigilan ang hikbi ko. Lahat ng sinabi niya ay tumagos sa buto ko. I feel so drained. Pero ito ang mainam gawin.

"D-don't worry, Tyrone. You won't see me again. I'm setting you free because you deserve better things than me." Kasabay non ay ang pagpatay ko sa tawag.

This time, he's no longer there to chase after me. This time, he will be a better person. At iyon na lang ang paraan ko para kumbinsihin ang sarili ko na tama ang desisyong ginawa ko.

Because staying away from him means giving him a better life.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 143 24
Clearly it doesn't always work with The More You Hate, The More You Love. Life is not about a happy ending. Life is just life, you just need to live...
4.4M 65.4K 46
Barkada Series #2: Jeremiah Santillan. Colyn wanted to escape her nightmare pero paano kung lagi nalang sila magkasama ng nagbigay sakanya ng 'night...
466K 3.2K 10
The bar was filling up. It was Friday night and the band was blaring. It was my classic routine after a long brain surgery. When a gorgeous woman app...
1.3M 43.3K 34
Barkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa...