(S&BS 1) String-knitted Heart...

By TheCatWhoDoesntMeow

659K 5.1K 1.7K

Ang buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng... More

Teaser
String 1 : The boy who doesn't age
String 2 : The girl with no name
String 3 : Strangers to each other
String 4 : Popularity disadvantage
String 5 : Trust and Distrust
String 6 : Two of a kind
String 7 : The Charley invasion
String 8 : Lost
String 9 : Mission Alpha
String 10 : A little kindness
String 11: Caught in the act
String 12 : Return of the king
String 13: Dispensable, Indispensable
String 14: Miss Perfect
String 15: The Princess and the Fairy
String 16: Fairy Magic
String 17: Operation Happy Thoughts
String 19: The Confession part 2
String 20: Ilusions
String 21: Mission Bravo
String 22: Secrets
String 23: Mission Charley
String 24: Pandora's Box
String 25: Drunk Request
String 26: Bittersweet
String 27: All for you
String 28: Only Looking at You
String 29: Deception
String 30: Lonelier
String 31: Half-life
String 32: To see you
String 33: Forgiveness
String 34: Our Last Night Together
String 35: String-Knitted Heart
Epilogue

String 18: The Confession

1.1K 100 59
By TheCatWhoDoesntMeow

***

"NADINE. . ."—lumunok si Harvey—"I want to grab this chance to tell you. . . to tell you. . ."

Disappointed siyang nagbuga ng hangin. Pinanlalamigan siya ng kamay. Isama na ang paa at singit niya. Napakamot siya sa ulo.

"Nadine. . ."—he cleared his throat—"I want to tell you. . . that I—I mean. . . I. . ."

Iginalaw-galaw ni Harvey ang leeg. Parang giraffe na pinahahaba iyon. Paano siya makapagsasalita nang tuloy-tuloy kung hindi maalis ang nakabara sa lalamunan niya?

"Nadi"—may lumipad na unan sa ulo niya—"Aray!"

Muntik siyang mauntog sa kaharap na computer kung saan nasa screen ang mukha ni Nadine. Matalas ang matang nilingon niya ang nagbato ng unan—si Charley na prenteng nakaupo sa kama niya.

"Bakit?" angal niya.

"Nakakatamad ka panoorin! Sirang plaka ka ba? Nadine ka nang Nadine, jeez!"

"Gabing-gabi na, Charley. 'Wag kang masyadong maingay!" sita niya at ibinato pabalik ang unan sa tagiliran nito.

Alas-onse na. Pangatlong gabi na iyon ng praktis nila sa confession niya para kay Nadine sa parating na Sabado. Pangatlong gabi pero hindi pa rin niya mabuo ang sasabihin.

"Kung ayaw mo akong mag-ingay, ayusin mo 'yang mga pinagsasasabi mo! Ang gulo mo eh. Ang simple-simple lang ng sasabihin mo, hindi mo maituloy-tuloy. Ano ba 'yan?"

Bata itong nakangiwi sa inis. Kunot na kunot ang noo at mapula ang mukha. Parang batong-bato na sa panonood sa kanya. Napangiti tuloy siya.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan, torpe?"

Nawala ang aliw niya rito. Cute na sana ito. Muntik na niyang makalimutan ang pagiging terorista.

"Hindi ako torpe. Mahirap lang mag-internalize na sa computer ako nakaharap," sangga niya.

"No'ng isang gabi, hindi ka makapag-internalize kahit idinikit natin sa salamin 'yong picture ni Nadine! Kagabi, hindi ka pa rin makapag-internalize no'ng nasa unan ang picture niya. Ikinabit natin sa mukha ni Penguin, hindi mo pa rin matapos ang speech mo. Picture pa lang 'yan, nauutal ka na. In short. . . torpe ka. Sayang lang ang date mo kung puro ka Na-na-na-na-nadine. . ."

Sinimangutan niya ang terorista. "Okay. Torpe nga siguro ako. Pero 'wag mo 'kong gawing abnormal! Hindi naman ako gano'n kautal!"

"Na-na-na-na-nad-nadine. . ." pang-aasar nito saka pumalatak.

Napakamot siya sa ulo. Hindi niya rin alam ang problema. Walang direksyon ang gusto niyang sabihin kay Nadine. Marami iyon. Pero nabablangko siya na kahit nag-prepare siya ng speech, ni hindi siya makausad mula sa greeting.

Nagbuntonghininga si Charley. "Okay, come here! Dito ka sa 'kin mag-confess at bakasakaling matapos 'yang speech mo."

May duda siyang tumingin dito. Kagabi nang yayain siya nitong mag-internalize ay muntik na siyang malunod sa gatas. Tuwing mabubulol kasi siya ay pinapalagok siya nito ng gatas mula sa rasyon. Nang maubos ang rasyon niya ay nagtimpla pa uli ito ng bago. Noong isang gabi naman ay nanakit ang katawan niya sa hampas nito ng unan. Kada maling banat niya ay hinahampas siya nito. Naiisip niya tuloy ngayon na baka may panibagong trip ang terorista.

"Wala akong gagawin, promise. Tapusin mo lang 'to dahil inaantok na 'ko. Maaga pa 'ko bukas," sabi nitong napapahikab habang umiisod ng upo sa kama.

Sumunod naman siya at nakasimangot na nag-indian sit sa kama paharap dito.

Pinipigilan niyang pumalatak. Sa loob lang ng tatlong araw ay na-conquer ni Charley ang university nila. Dinaig nito ang pagiging Mr. Popular niya sa bibo nitong magpakilala. Day 1 ay naka-bonding nito ang lahat ng kaklase niya. Day 2 ay kabiruan na nito ang mga dean at professors. Day 3 ay nakiki-jamming at nakikipraktis na ito sa club ng music, ballet, at swimming team.

"Busy?" aniya.

Nanliit ang mga mata nitong tila nahulaan ang iniisip niya. "Oo. At isa pa, talagang inaantok na ako."

"Inaantok ka dahil?" usisa niyang wala sa loob na inilapit ang mukha kay Charley at hinawakan ang baba nito. Noon lang niya napansin ang nangangapal na eyebags sa ilalim ng mga mata nito. "Ano 'yan? Bakit ang taba ng eyebags mo?"

Gamit ang dalawang kamay ay itinulak nito palayo ang mukha niya. Masyado 'ata siyang malapit. Pero. . . bakit parang namumula ang pisngi ni Charley?

"Charley? Ano 'yan? Bakit ang laki ng eyebags mo?" ulit niya.

Iniiwas nito ang tingin. "Hindi ako masyadong makatulog lately, okay. 'Wag kang pakialamero, sanggol! Hindi eyebags ang pinag-uusapan."

Nagkibit-balikat siya. Eh 'di 'wag pag-usapan ang eyebags kung ayaw nito.

"O, mag-confess ka na. Ano'ng sasabihin mo kay Nadine? Kunwari ako si Nadine," bored na sabi nito. Nakaismid habang nakatingin sa kanya.

Ngumiwi siya. Wala siyang maramdamang aura ni Nadine sa simangot nito. "Hindi snob si Nadine. Hindi siya umiismid."

Naningkit ang mga mata nito sa narinig.

"Hindi rin siya parang Kung Fu master na naniningkit ang mata kapag naiinis."

Umangat ang kilay ni Charley. Namumula na naman ang mukha. Sa asar siguro. Gusto niyang mangiti.

"Hindi rin nagtataas ng kilay si Na—"

Isinupalpal nito ang malaking unan sa mukha niya para putulin ang sinasabi niya. Itinaas naman niya ang kamay sa akto ng pagsuko.

"Ito! Ito sigurado ako na hindi rin ginagawa ni Nadine! Perfect 'yon eh! Ito ang ginagawa ni Charley!" sabi nitong lalong itinulak sa mukha niya ang unan.

Napatawa siya at sinimulang itulak palayo ang unan. Nang makakita nang pagkakataon ay isiningit niya. "Si Charley the Terrorist?"

Umangat ang isang sulok ng labi ni Charley at buong-puwersang itinulak ang unan kasama siya. Pikit-mata siyang nawalan ng balanse sa bigat nito. Una ang likod na nalaglag siya sa tagiliran ng kama kasama ang attacker niyang terorista. Pareho silang pigil na napasigaw. Umuntog nang kaunti ang ulo niya sa carpet bago niya naramdaman ang bigat ni Charley na nakadagan sa kanya.

"Sanggol? 'Oy, okay ka lang? May masakit?" tanong ni Charley na tinanggal ang unan na nakatakip sa mukha niya.

Iminulat niya ang isang mata para sulyapan ang babae. Nasa itaas pa rin niya ito, nakasaklang sa kanya, at nag-aalalang nakatingin. Kunot ang noo nito at hindi pa napapansin ang awkward na posisyon nila.

Mabigat si Charley. Masakit ang likod niya. Baka magkabukol siya bukas. Pero bakit napapangiti siya sa concern nito?

"I like you. . . so much," maamo ang ngiting sabi niya rito.

Pinanood niya nang matigilan si Charley hanggang sa biglang pagkalat ng pula sa pisngi nito. He liked what he saw. Nagba-blush din pala ang mga terorista.

Napalunok ang babae bago tumayo at bumalik sa kama. He heard him cleared her throat. "'Yon na 'yong confession mo kay Nadine?"

Tumayo na rin siya at dampot ang unan na naupo rin sa kama. Ano'ng isasagot niya? His words were unplanned. Para kay Nadine nga ba iyon o. . .

"Is it okay?" tanong na lang niya.

Tumango ito pero iniwasan siyang tingnan. "Oo. Cool na 'yon. But how can you do it like that? Alangan namang mag-wrestling pa kayo ni Nadine bago mo 'yon masabi."

Napatitig siya nang matagal kay Charley hanggang sa mapatingin na rin ito sa kanya. Ilang segundo lang na nagtama ang mga mata nila bago parehas na mailang at maghagilap ng ibang pagtutuonan ng pansin sa silid. Ibinaling niya ang mata kay Pong na nasa tabi ni Charley. Si Charley naman ay dumeretso ang mata sa baso ng gatas niya sa computer table.

"We need to set a romantic mood," dagdag nito.

"I know."

"Yeah. A romantic mood. Sayang 'yong hirap ni JM na kausapin si Nadine kahit parang mga kampon ng kadiliman na nakabantay 'yong buong basketball team."

"Yeah."

Si JM ang patagong nagtanong kay Nadine kung papayag itong makipag-date kay Harvey sa parating na weekend. Parang laro ng basketball na nilampasahan nito ang lahat ng guards at ang captain ng basketball team na laging nakabuntot sa babae. Kaya naman nang pumayag si Nadine with the condition na isang beses lang ''yon mangyayari, para rin silang naka-three points.

Sakaling malaman ng basketball team at pareho silang mailibing nang buhay ni JM, malinaw pa sa mata niya ang utang na loob dito. Best friends forever.

"Teka. . . how can I say it just like that?" aniya pa kay Charley.

"What?"

Nagtitigan sila.

"I mean. . . I don't know if I can say it just like that," diskumpiyadong sabi niya.

"Why not?"

Yeah, why not? Iyon din ang tamang itanong niya sa sarili. Kung nasabi niya kay Charley ang mismong mga salita, surely, he would have no problems in delivering the exact line to Nadine. Pero. . .

"'Wag mong sabihing gusto mo pa ring panindigan 'yong mala-SONA mong confession?" tukoy ni Charley sa 3-pages yellow paper na speech niya.

Hindi siya makaimik.

"I told you before. . . Just talk to her and then, kiss her."

Nailing siya. "Seryoso ka talaga? Harassment 'yon ah."

"You don't get my point. Confess first. When you get the chance—kapag naramdaman mong nag-slowmo, kapag feeling mo ay nag-sync ang feelings n'yo, kapag parang kayo na lang ang tao sa mundo—that's when you'll kiss her. 'Yon ang tamang timing. Pa'no 'yon magiging harassment?"

Natahimik sila habang pinag-iisipan niya ang sinabi nito.

"Kiss. . ." wala sa loob na bulong niya, napasulyap sa pink na labi ni Charley. 'Kiss her. . .'

Napakagat si Charley sa lower lip nito. Right then and there, her lips looked so soft and worthy of a kiss! 'Yong klase na. . . hinahalikan.

Natigilan siya. Nag-angat siya ng tingin kay Charley kaya nagtama ang mga mata nila. Hindi niya mabasa ang nasa mukha nito habang nakatingin din sa kanya. She looked at him so innocently beautiful na maging siya ay hindi makapaniwala. Nakabuka rin ang rosas na labi nito. Her uncombed hair also looked adorable.

Charley is. . . a woman to him.

"I. . ." sabi niya bago napalunok at iniiwas ang mata rito. "We better sleep. Pag-iisipan ko ang sinabi mo."

"What?" She looked confused. "Ayaw mo nang magpraktis?"

Hindi na niya ito matingnan. Tumayo siya at nilapitan ang malaking baso ng gatas. Inisang inom niya iyon.

"'Oy, sanggol!"

Nakangiti na siya nang humarap uli sa alien. "Bukas na. Inaantok na rin ako eh. Sabi mo, inaantok ka na rin, 'di ba?"

Nakabusangot ito. "Ano'ng nangyari? Hindi naman kita masyadong pinagtripan ah."

Mahina siyang tumawa. Dapat na itong umalis habang pinaaalis niya pa. "Ang kulit mo talaga, 'no? Inaantok na 'ko. Tao kasi ako at hindi alien na tulad mo. Gusto ko nang matulog so, please, little fairy. . ." aniyang nakabuka ang mga palad na iminostra sa babae ang daan patungo sa pinto ng silid.

"Hah! Torpe! Napag-usapan lang ang kiss, natameme," anitong tumayo sa kama at nagmartsa tungo sa pinto.

"Gusto mo talaga 'kong magpraktis?" habol niya rito.

Pumihit ito paharap. "Oo naman. Para 'pag nabasted ka na, at least, ginawa natin lahat."

Napangiwi siya sa kasiguruhan nito sa pagkabasted niya. Lumakad siya palapit sa kinatatayuan nito. Malapit na malapit. "Gusto mo talaga? Na magpraktis ako?"

Bahagya siyang nakatungo sa mas maliit na si Charley. Tumingala ito nang bahagya at matapang na sinalubong ang mukha niya. "Yes. Please, do finish your speech or your practice or whatever, mahal na prinsipe."

Hinuli niya ang mata nito. "I mean. . . I have to practice what you told me. I have to talk to the girl and"—sadya niyang hininaan ang boses at tiningnan ang labi nito—"kiss the girl."

Hindi nakaligtas sa kanya ang paglunok ng terorista at ang panic sa mga mata nito.

"Teka. . . Harvey. . ." Her words were like a whisper entrancing him.

"I like you," seryosong sabi niya rito, "so much."

Hindi ito makapagsalita sa pagkakatingin sa kanya.

"I tried to find another way to tell you—someway more romantic—to make you understand how much you have grown on me. But. . . torpe ako." Hindi niya pinapakawalan ang mata ni Charley. "All I can say is that I like you."

Tumigil ang oras sa mundo. Parehas silang hindi makagalaw ni Charley. Parehas bihag ang mata ng isa't isa. Alam ni Harvey ang kasunod na dapat gawin ayon sa turo nito. Slowly, he lowered his face to hers. He was so close he could feel the air she was breathing. Just a little and—

Biglang tumalikod si Charley. Nag-inat ng dalawang kamay bago pumalakpak. "Ang galing! Nakuha mo ang pointers! Nakakaantok! Good night!"

Mabilis itong lumakad palapit sa pinto ng kuwarto niya na ni hindi lumilingon.

"Sa'n ka pupunta? Nagpapraktis pa 'ko!" nakangiti niyang paalala.

"Ewan ko sa 'yo, Harvey! Good night!"

Sumara ang pinto sa kuwarto niya. Naiwan siyang nakangiti.

***

ABOT-ABOT ang kaba sa dibdib ni Charley nang ibagsak niya ang katawan sa sariling kama. Nanlalambot ang tuhod niya at base sa init ng mukha niya, sigurado siyang namumula siya.

'Buwisit na Harvey! What was that?! What was that?!'

Gusto niyang maghuramentado. Pinagtitripan ba siya ng sanggol?

Biling-baligtad siya sa higaan. Yakap-yakap si Penguin. Maligalig ang puso niya. Naiinis siya na bahagyang nasasaktan na bahagyang. . . kinikilig?

"I like you. . . so much."

Napahawak siya sa dibdib sa malinaw na flashback ng confession ni Harvey.

'Damn you! May araw ka rin!'

Mukhang hindi na naman siya makatutulog.

***

TAMA si Charley. Mula nang gabing pagpraktisan siya ni Harvey sa confession ay hindi na nga siya nakatulog nang maayos. Before she knew it, she woke up on a Saturday—the dreaded day of the date.

"Where do you intend to go today?" tanong ni Princess Diana sa pagitan ng pagsubo.

Nanananghalian sila on a bright and clear day. Sa unahan ng mahabang table, fresh at blooming si Princess Diana at ang katabing si Prince Charles. Sa katabing mga silya kung saan magkaharap silang nakaupo ni Harvey, gloomy at zombiefied ang mga mukha nila. Nagpapatabaan sila ng eyebags.

"I will walk the fairy around, Mama." Madalang sumubo si Harvey. Mukhang kabado.

Kumunot ang noo ni Princess Diana na parang hindi kumbinsido sa balak nila. Baka mapurnada ang date ng sanggol kung makaisip ng ibang activity ang ina nito.

"Maghahanap po kami ng happy thoughts," dugtong niya at buong-tamis na ngumiti.

"Oh! That's very nice. Make sure you find plenty. I would love to see the fairy fly."

Nagkangitian sina Tito Conrad at Tita Diana. Napabuntonghininga naman si Charley. Gumagaan ang loob niya sa tuwing nakikita ang sweetness ng mag-asawa.

Nang matapos ang pananghalian ay magkahiwalay silang naghanda ni Harvey sa kani-kaniyang silid. She packed her ranger kit sa bagong biling tote bag—bottled water, chocolate, wallet, penlight, binoculars, at walkie-talkie. Nagbaon na rin siya ng voodoo doll kung sakaling kailangan niyang isumpa si Nadine pagkatapos. Nang makapagbihis at matakluban ng concealer ang eyebags niya ay nagtuloy siya sa kuwarto ni Harvey.

"Are you ready?" tanong niya rito.

Nakatayong iniinspeksyon ni Harvey ang sarili nito sa whole body mirror na nasa pinto ng 3-door closet.

"Tingin mo?" namumutlang tanong nito.

Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki. Off-white ang button-up nito. Bukas ang tatlong butones at naka-roll hanggang siko ang sleeves. Jeans ang ipinares. Date get-up, neat. Kaguwapuhan, hard to miss.

"You're good. Tara."

"Just good?"

Naningkit ang mata niya. Nungka niyang sasabihin na guwapo ito kahit guwapo talaga. "Hindi ka mukhang sanggol so yeah. You're good."

Nailing ito sa kanya. "Tara na." #

Continue Reading

You'll Also Like

36.4K 1.8K 48
TL Series #2 • Frinz Alfonse Payne's Story • An online story that started with a deal. A deal that both of them would benefit from each other. The...
18.2K 260 10
WALANG HIHINGA! WALANG HIHINGA! Char hahaha De, para sa mga naghahanap ng story guide ni Lena. Bisita po muna kayo rito para alam ninyo kung ano ang...
383K 1.9K 8
Highest Rank-91 in Nonfic (10-17-17) 10 in Nonfic (10-27-17) After so many years bumalik ako sa lugar na ito. Sa lugar kung saan...
55.8K 2.1K 15
Wattpad Writing Battle of the Year 2015 Finale Entry Isang hindi inaasahang tagpo ang nagpabago sa buhay ni Amari Ellis Santiago tatlong taon na ang...