(S&BS 1) String-knitted Heart...

By TheCatWhoDoesntMeow

657K 5K 1.7K

Ang buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng... More

Teaser
String 1 : The boy who doesn't age
String 2 : The girl with no name
String 3 : Strangers to each other
String 4 : Popularity disadvantage
String 5 : Trust and Distrust
String 6 : Two of a kind
String 7 : The Charley invasion
String 8 : Lost
String 9 : Mission Alpha
String 10 : A little kindness
String 11: Caught in the act
String 12 : Return of the king
String 13: Dispensable, Indispensable
String 14: Miss Perfect
String 15: The Princess and the Fairy
String 16: Fairy Magic
String 18: The Confession
String 19: The Confession part 2
String 20: Ilusions
String 21: Mission Bravo
String 22: Secrets
String 23: Mission Charley
String 24: Pandora's Box
String 25: Drunk Request
String 26: Bittersweet
String 27: All for you
String 28: Only Looking at You
String 29: Deception
String 30: Lonelier
String 31: Half-life
String 32: To see you
String 33: Forgiveness
String 34: Our Last Night Together
String 35: String-Knitted Heart
Epilogue

String 17: Operation Happy Thoughts

1K 84 49
By TheCatWhoDoesntMeow

***

PRRRRTTTT. . .

Isang matinis at malakas na pito ang nagpahinto sa flashback ni Harvey. Nasa basketball gym siya sa eskuwela dahil nagkataong tinamad uling pumasok ang kabuteng professor nila sa ikalawang subject para sa araw na ito. Ang flashback niya ay nasa tagpo kung saan ninanamnam niya ang yakap ng alien. Kasabay ng pito ng coach sa gym ay ang pito sa flashback niya.

Sabay na nagmulat sina Harvey at Charley sa tunog ng pito. Saka nila naramdaman ang malalamig at payat na kamay ni Lala na pinaghiwalay sila mula sa yakapan.

"Foul!" malaki ang mata na sita ni Lala habang papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. "And wat ish da meaning op dish?"

Nagkatinginan sila ni Charley. Mapula ang pisngi ng alien na parang hinalikan ng araw. Nang magtama ang mga mata nila ay parehas silang napaso at nagbawi ng tingin. Saka niya nakita ang pagngiti nito nang malaki kay Lala. 'Yong ngiti na parang natatawa na rin. 'Yong ngiting pang-toothpaste commercial. 'Yong ngiti na kung bibilhin niya araw-araw ay mamumulubi siya. 'Yong ngiti na gusto niyang bilhin araw-araw.

"Nagkakamali ka ng—"

Agad-agad lumapat ang hintuturo ni Lala sa nguso ni Charley. Mistula iyong stopper. "Doncha lie to me, gorl! I know wat you did last minute!" Nang ialis ni Lala ang daliri ay sa kanya naman ito bumaling. "And you, my Prince! I cannot bilib dish! I cannot bilib it!" Eksaherada itong umiling-iling. "You were an inosens, you know dat? You were an inosens! And you did dish? To me? Betraying, ha?"

Parehas sila ni Charley na nagpipigil tumawa. Artista kasi sa telenovela si Lala na with blocking sa pagkilos. Tumalikod pa ito habang naglilitanya.

Pagharap ni Lala ay mataas pa rin ang tono nito. "And you want me bilibing dat hug is no meaning? Wat do you thought is me? A pool?"

Nagkatinginan sila ni Charley at sabay na inilabas ang pinipigilang tawa.

Pagkatapos niyon ay inihatid niya si Charley sa pinto ng kuwarto nito at nag-good night. Masarap ang yakap niya kay Pong nang matulog. Buong gabing nakadikit sa kanya ang masarap na pakiramdam ng yakap at simpatya ni Charley. At masarap sanang magpayakap uli pero. . . Umiling-iling siya. Erase, erase! Puro siya Charley mula nang magising. Hanggang sa unang subject nila kung saan katabi niya si Nadine, ang alien ang naiisip niya. Erase. Hindi tama. Si Nadine ang dapat na. . . Umiling-iling uli siya. Hindi dapat nangyayari ang nangyayari ngayon na parang may competition sa pagitan nina Charley at Nadine sa isip niya. After all, si Nadine ang. . .

Si Nadine ang. . . Hindi niya madugtungan ang nasa isipan.

'I am getting weirder, too.'

Nag-ring ang cell phone niya mula sa bag na dala. Kinuha niya ang gadget sa bulsa ng backpack at sinagot ang tawag ni JM.

"Hey, bro? Nasa'n ka na?" tanong nito.

"Sa gym. Bakit, bro?"

"Gutom na 'ko, bro. Matagal ka pa ba diyan?"

"Ha? Lunch time na ba?"

"Kanina pa."

Napahawak siya sa batok. Gano'n ba katagal ang pagpa-flashback niya at ni hindi niya namalayan ang oras?

"Saka, bro, may kilala ka bang Charley?"

Kinutuban siya. "What?"

"May babae rito sa canteen. Maganda pero mukhang rakista. Tatlo kulay ng buhok, nakabonggang boots at kakuwentuhan si Nadine. Hintayin ka raw namin mag-lunch."

"What?!"

Wala sa loob na napatay niya ang cell phone. Sa lakad-takbo ay mabilis siyang nakarating sa kantina. Malayo-layo pa siya ay natanaw niya sa pang-animang mesa ang makulay na buhok ni Charley. Nakaupo ito patalikod sa panggagalingan niya.

Present sa mesa ang tatlong taong malalapit sa kanya—ang chinitong si JM na malapad na nakangiti, si Nadine na katabi ni JM at may alinlangan sa mukha nang mapatingin sa kanya, at si Charley na agad lumingon nang maramdaman ang presensiya niya.

Ang laki ng ngiti ng alien. Hindi nakahahalata sa pagkailang ng mga kadulog sa mesa. "Ang tagal mo, Harvey. Kanina pa 'ko gutom!"

***

"ANG ganda mo pala talaga, Nadine," sabi ni Charley.

Kumakain na dapat sila. Pero naaalarmang tumingin si Harvey sa katabi. Nabitin sa ere ang kutsara ng hinihigop niyang sinigang. Higit niya ang hininga sa paghihintay kung may idudugtong pa ang alien sa compliment. Dahil kung mayro'n, pahihigupin niya ito ng sabaw.

Sweet na ngumiti si Nadine sa narinig. Wala itong ideya sa pagkaterorista ni Charley at hindi na rin dapat pang magkaideya. "Thank you, Charley. You're pretty too," anito.

Bahagyang nakahinga si Harvey kahit pinagpapawisan. Dapat ay hindi na mag-interview pa si Charley. At dapat yata ay siya na ang magtanong kung bakit ito naroon. Pero hindi niya ito direktang mausisa, lalo pa at sa tabi nito ay namamahinga ang isang kulay pink na lunch box na may design ng mga fairy tale princesses.

"May boyfriend ka na?"

Inubo siya sa sabaw ng sinigang at bumaling kay Charley. "Hey. . ."

"Okay ka lang?" nakangiting usisa nito na hinagod pa ang likod niya. "Tinanong ko lang kung may boyfriend na si Nadine, masyado ka namang affected!"

Patuloy ang ubo niya. Hindi siya makasingit para humingi ng dispensa kay Nadine na nakatingin lang sa kanya. Nakangisi naman nang malapad si JM. Ni hindi man lang siya tulungang sawayin ang kasutilan ni Charley.

"So, Nadine. . . may boyfriend ka na?"

Pinilit niyang magsalita kahalo ang kaunting ubo. "Ano ka ba naman, Charley? You're making Nadine uncomfortable!"

Ngumiti lang ang alien bago tumitig kay Nadine. "Totoo? Am I making you uncomfortable?"

Umiling si Nadine. "No, it's okay." Bumaling ito sa kanya. "It's okay, Harry."

Ngumiti siya rito. "I'm sorry. Medyo makulit kasi tong al—friend ko."

Nagbalik ito ng ngiti. 'Yong ngiting tumutunaw sa puso niya at nagme-mesmerize sa kanya.

"So, kung okay lang naman palang magtanong. . . may boyfriend ka na ba?"

Masama ang ipinukol niyang tingin sa teroristang ayaw paawat. Of course ay walang boyfriend si Nadine. Kung mayroon ay nagkaroon na sana ng welga sa university nila.

"Nope. Wala pa."

Sumubo siya. Sana naman ay tama na ang sagot na iyon kay Charley.

"Eh 'di, puwede ka pang ligawan?"

This time ay nalaglag naman ang kutsarang hawak niya. Agad siyang tumungo at hinagilap sa paanan ang kutsara.

"Charley!" sita uli niya habang nasa ilalim ng mesa ang ulo.

Nagkindatan lang sina Charley at JM.

"I. . . I guess so. . ."

Tumatango-tango si Charley at JM nang bumalik siya sa maayos na pagkakaupo. Napansin niyang hindi na masyadong makasubo si Nadine. At siya man ay kinakabahan na sa susunod na itatanong ng alien.

"Ito! Huling tanong na. . ." hirit ni Charley na parang nae-enjoy ang torture na ginagawa sa kanya.

Mabuti naman at huling tanong na.

"Kung liligawan ka ba ni Harvey ay may pag—"

Agad niyang nakuha ang may kalakihang muffin sa tray ni JM at ibinusal iyon sa nguso ni Charley. Kabado siyang nakangiti kay Nadine.

"Napaka-curious talaga nito ni Charley eh. Kaya kung ano-ano ang itinatanong. Don't mind her, Nadine."

Tinatampal ni Charley ang kamay niyang hindi binibitiwan ang muffin na pambusal sa tanong nito. Hindi siya padadaig. Baka may makarinig pang mga fans ni Nadine sa tanong at mapulbos ang alien sa canteen.

"You mean. . . gusto akong ligawan ni. . . Harvey?" tanong ni Nadine na nang banggitin ang pangalan niya ay tumingin sa kanya.

Parang nag-freeze ang oras. Parang nag-slowmo si Nadine. Parang nag-slowmo rin siya. Ano'ng isasagot niya? Wala siyang maisasagot!

"If. . . maybe, halimbawa lang, ay oo. Paano? May pag-asa ba?" si JM.

May laser beam na malapit nang lumabas sa mata niya patungo sa kaibigan.

Lumunok si Nadine. Napatungo sa tray ng pagkain nito at kumalat ang pamumula sa pisngi.

"If he wants to court me—if he really wants to"—hindi nag-aangat ng mukha si Nadine—"I will date him."

Tuluyang nag-freeze ang oras sa canteen. Natigil ang pagpalag ni Charley sa muffin at unti-unting pinanlakihan ng mata. Unti-unti namang bumagsak ang panga ni JM sa pagnganga. At siya? Unti-unti yata siyang umaangat sa alapaap! Lalo na nang tumingin sa kanya si Nadine at namumulang-nahihiyang ngumiti!

Kasabay ng paghuli sa mga mata ni Nadine ay nabitiwan niya si Charley. Namumula rin 'ata ang pisngi at tainga niya ayon sa nararamdaman niyang pag-init ng mga iyon. Nawala sa eksena ang best friend at ang alien. Gusto niyang sabihin kay Nadine na oo, gusto niyang manligaw kung puwede. Gusto niya itong i-date at maging—

"But. . . I'm sorry, Harvey."

Nahinto ang pag-angat niya sa alapaap at napalitan ng suspense ang tambol sa dibdib niya. Ayaw niya sa mga statement na nagsisimula sa 'but' at sa 'sorry' dahil ang madalas na kasunod niyon ay heartache.

"Right now. . . I'm dating someone else. I'm dating RL."

Nang marinig iyon, na-drain ang lahat ng pag-asa niya. Nayanig ang maliit na mundo ng kaligayahan niya kung saan puwede siyang maging boyfriend ni Nadine. Kasunod ng yanig ang sakit ng puso niya.

***

HAPPY thoughts. Kailangan daw ni Charley ng happy thoughts kaya isinugo siya ng mahal na Prinsesa Diana sa university ni Harvey kung saan marami raw noon.

Tinanghali siya ng gising kaninang umaga at matapos ang late na almusal, sa pagkukuwentuhan nila ng prinsesa tungkol sa fairyland ay nagkaroon ito ng bright idea—ang maghanap siya ng happy thoughts kasama si Harvey.

Nilingon niya ang lalaking katabi sa isa sa mga tambay na benches sa loob ng university. Rabbit itong ngumangata ng animal biscuits na baon mula sa lunch box nito. Laglag-balikat ito at madilim ang mukha na tila ba may kampon na masasamang espirito. Hindi niya makulit. Alam niya na dahil iyon sa kadaldalan niya noong pananghalian.

Kung bakit ba naman kasi pinagtripan niya ang nararamdaman nito kay Nadine.

Ang totoo, nang makarating sa university at malusutan ang guwardiya sa kasinungalingang anak siya ng isa sa mga dean, hindi niya agad nakita si Harvey. Dahil manananghalian na ay naghintay siya sa canteen. Natiyempuhan niya roon si Nadine at nilapitan ito. 'Tapos, dumating din si JM. At huli na ang lahat nang dumating si Harvey.

Bakit huli? Naiinis kasi siya kay Nadine. Una, maganda ito. 'Yong ganda na maganda talaga. Maamo ang mukha, makinis ang skin, maganda ang ngiti, at ang poise ay pang-beauty queen. Parang prinsesa gaya ni Princess Diana. Akala niya dati, photogenic lang ang babae sa pictures na lihim na kinunan ni Harvey. Hindi pala. Mas maganda ito sa personal. Ikalawa, mabait ang babae. Totoong mabait. Ilang ulit na niyang inabuso ang pagtatanong dito pero polite sumagot at laging parang nahihiya ngumiti. 'Tapos, sinabihan siyang maganda rin daw siya. At off, pero bagay naman sa kanya ang kulay ng buhok niya. At ikatlo, nang dumating si Harvey, nakita niya ang pagliwanag ng mukha nito nang makita si Nadine. Ano ba naman 'yon? Nakita lang ang crush, happy na agad?

Kaya nainis siya at naisipang i-torture si Harvey. Na nasobrahan.

Nakita niya kung paanong na-tense ang sanggol—inubo, pinagpawisan, namula, at naghagilap ng tumilapong kutsara. Nakita niya kung paanong gumuwapo nang hindi kapani-paniwala nang marinig na idi-date ito ni Nadine. 'Tapos, dumilim ang pagkatao nang malamang may iba nang idini-date ang babae.

Nakita niya ang transformation ng ngiti to ngiwi. Tipong pinaasa 'tapos binasted.

Ang masama n'on, walang anuman na nakipagngitian pa si Harvey habang tameme sila ni JM. Nagtanong pa ito ng status at ng balita sa panliligaw ng basketbolistang si RL kay Nadine. Nang umalis na sina JM at Nadine para pumasok sa kani-kaniya nitong klase at maiwan sila ni Harvey, nagsimula na ang pananahimik ng lalaki. Ni hindi ito nagtanong kung bakit naroon siya. Ni hindi naman niya masimulang magpaliwanag at mag-sorry sa nagawa.

Pumasok si Harvey sa klase nito na kasindami ng paghakbang ang buntonghininga. At ngayong afternoon break ay wala pa rin itong imik.

Backfire. Damang-dama ni Charley na nag-backfire sa kanya ang ginawa niya pero hindi niya maipaliwanag kung paano. Nakaiinis na kung manliligaw pala si Harvey ay papayagan ito ni Nadine. Pero nakaiinis din na may idini-date na pala ang babae. At mas nakaiinis na down ang sanggol dahil sa kanya.

Binuksan niya ang pink lunch box—chicken sandwich, hash browns, at orange juice ang baon niya. Ordered by the Princess, with love. Napatingin si Harvey sa pagkain niya. Umasa siyang magre-react ito.

Wala. Lalo tuloy siyang na-guilty.

"O. . ." sabi niya at iniusod sa harap ng sanggol ang lunch box. "Trade tayo ng pagkain para makabawi naman ako sa pagkabasted mo."

Matalim ang mga mata nito sa kanya.

"Kunin mo na," giit niya.

Kinuha nito ang pagkain at nagbuntonghininga. Kinuha naman niya ang lunch box nito at sinimulang kainin ang animal biscuits. Matamis na maalat ang biskuwit. Parusa sa kanya kung araw-araw sa loob ng ilang taon ay kakain siya niyon.

"Sorry."

Sandaling bumaling sa kanya si Harvey bago magsimulang kainin ang chicken sandwich.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo eh: talk to the girl and kiss the girl. Ang haba-haba ng listahan mo. Sa haba, naunahan ka na ng iba," aniya. Ayaw niya ng tinutungo ng usapan. Parang pinalalakas niya ang loob ng lalaki na mag-confess kay Nadine. Pero bakit naman hindi, 'di ba? Eh 'di mag-confess na ito para mabasted na nang mas malinaw at nang maka-move on na.

Nagbuntonghininga ito. "Bakit pa? She's dating someone else. Narinig mo naman nang malinaw, 'di ba?"

Nagpanting ang tainga niya. "Eh ano naman? Sinabi rin niya na idi-date ka niya kung nagsabi ka lang! Ibig sabihin, may pag-asa ka rin! Hindi naman porke may nauna sa 'yo at sinabi niyang may idini-date na siya, ibig sabihin ay bawal ka nang mag-confess. At least, sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo bago niya maging boyfriend 'yong isa!"

Hindi umimik si Harvey. Basta kinagat nito ang hash browns na parang nando'n ang sagot sa malalim nitong iniisip.

"Ano?" untag niya.

"Ano?"

"Magko-confess ka o hindi?"

Sa hash browns nito itinutuon ang atensyon.

"Mag-confess ka na. Para tapos na!"

"Tutulungan mo 'ko?"

Napatunganga siya sa tanong. Tutulungan ba niya? Teka. Hindi ba't nasabi na niya dating tutulungan niya?

"Siyempre, Alpha 2!" Napalunok si Charley at may pait at inis siyang nalasahan. "You can count on me!"

Matagal itong tumingin sa mukha niya. Parang pinag-aaralan siya.

"Okay. Sabi mo 'yan ah," sabi nitong ngumiti.

Napakurap siya. Nag-iwas ng mga mata. Nasilaw 'ata siya sa ngiting iyon kasabay ang pamumula ng pisngi. #

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
7.3K 227 5
It all started with that site where you get to talk with strangers.
SEI NESSUNO By Chayyy

General Fiction

1.9K 56 34
Sei Nessuno... iyan ang pinaka-tumpak na eksplanasyon kung idedescribe si Charlene Hernandez... She was a Nobody... A Nessuno.... and she used to it...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...