The Fuckgirls Adventure

By LuciousGracious

541K 16.7K 1.7K

When the Destiny makes a move, you can't do anything but to follow... What will happen if the immature playgi... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Epilogue

Chapter Seventeen

8.5K 303 28
By LuciousGracious

Blaze's pov



"Pwede mo naman din kasing aminin na marupok kang talaga. " Sinamaan ko ng tingin si Alex.

"Pwedeng tumahimik ka? "

"Eh paano pag ayaw ko? " Taas kilay nitong sagot.

"Edi sabog yang nguso mo!" Irita kong tugon. Nasa cafeteria kami ng school dahil sabay sabay kami ng vacant. Na kwento ko kasi sa kanila yung about sa doubts ko tungkol kay Blake tsaka yung nang yari nung isang araw nung nag date kami ni Behatti. At ito nga po sila, nang aasar nanaman.

"Totoo naman kasi babe eh. Marupok ka naman talaga." Sabat ni Hillary at inakbayan pa ako.

"Isa ka pa! Kanino ka ba talaga kampi?"

"Kay Chase, diba dude!" Sagot nito at siniko si Chase na walang kamalay malay sa pinag uusapan namin dahil tutok na tutok siya sa labas ng cafeteria kung saan nag papraktis ang cheerleaders.

"Luluwa na mata mo Chase! Tutulo nadin laway mo. " Sita sa kaniya ni Alexandra.

"Huh? Ano? " Tanong ni Chase at luminga linga samin.

Napailing nalang kami sa kaniya. Haish, pag babae nga naman. Ilang minuto pa kaming tumambay sa cafeteria bago pumasok sa kaniya kaniya naming klase.

"Blaze! Wala tayong prof ngayon." Bungad agad sa'kin ni Joseph pag ka pasok ko.

"Ganun ba? Psshhh..sayang nilakad ko." Reklamo ko at lumabas na ulit. Ito na kasi ang last class ko kaya pwede na akong umuwi.

Tinext ko sila Alex na uuwi na'ko ng una dahil wala akong prof sa last subject. Hindi naman sila nag reply kaya baka busy na sila sa klase nila. Sumakay na ako ng kotse pero hindi muna iyon pinaandar. Ipinatong ko ang ulo ko sa manibela at pumikit, ang sakit kasi ng ulo ko at nilalamig din ako.

Napamulat ako ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako ng bahagya ng makita ang pangalan niya sa screen.

- Baby Hatti Calling -

"Hello babi! " Masigla kong bati pero agad ding napangiwi ng kumirot ang ulo ko.

'Are you in class?'

"Wala po babe, pauwi na po ako. "

'Mag cucuting ka nanaman Blaze? Mag ayos ka nga.'

"Oii hindi ah..wala kaming pasok. "

'Siguraduhin mo lang dahil tutok tokan talaga kita.'

"Oo na..bakit ka po ba tumawag mahal kong reyna?"

'Ohh yah, I forgot.. Baka malate ako ng uwi mamaya kaya umuna kana lang mag dinner. Sa condo ka uuwi diba?'

"Hmm. Sana, kaso sabi mo hindi tayo makakapag dinner kaya baka sa bahay na muna ako umuwi ngayon."

'Sorry love. May meeting kasi daw mamaya kaya matatagalan ako umuwi pero uuwi ako agad pag katapos, gusto mo sunduin kita?'

"Wag na Behatti mas importante yu--"

*toot* *toot*

Naputol bigla kaya nag tataka kong tiningnan ang phone ko. Nag shut down pala, Hindi ko ata na charge kanina. I shrugged at nag drive na pauwi ng bahay.

"Anak, ba't andito kana? Wala kana bang pasok?" Napalingon ako kay Mama. Hindi ko alam na nasa bahay pala siya, nasa school kasi siya kanina.

"Wala na po Mama, absent prof namin eh. Kayo po bakit andito na kayo?"

"May kinuha lang ako na files para sa meeting mamaya babalik din ako sa school. " Sagot ni Mama at inihanda na ang gamit niya.

Bakit lahat ata ng tao ngayon may meeting?

"Ahh..sige po ma ingat." Sagot ko nalang at nginitian siya ng marahan. Lumapit naman ito sa'kin at niyakap ako pero kumalas din agad.

"Blaze ang init mo. May sakit ka ba?" Nag aalala nitong tanong. Kinapa niya ang noo ko at leeg ko.

"May sakit ka nga, umakyat kana doon at kukuha ako ng gamot. Mag pahinga ka sa taas."

"Ma wag na, kaya ko na po. May meeting pa po kayo kaya bumalik na po kayo sa school."

"Hindi. Pwede namang I-reschedule ko yung meeting. Baka kung ano pang mangyari sayo. Lakad na doon sa taas bilis."

"Ma naman eh..kaya ko nga po."

"Blaze sinusuway mo ba ako?" Nag pamewang pa si Mama at tinaasan ako ng kilay.

"Hehe, sabi ko nga po aakyat na'ko. " Alanganin kong sagot at nag madaling umakyat papunta sa kwarto ko.

Agad akong nag palit ng damit at nahiga sa kama. Nag kumot ako at pumikit, ngayon ko lang naramdaman na sobrang sakit pala ng ulo ko. Nakaka idlip na ako ng dumating si Mama may dalang gamot at planggana na maliit.

"Blaze inumin mo to tapos humiga ka paharap, ilalagay ko to sa noo mo." Utos nito sa'kin. Hindi na ako kumontra at sinunod nalang si Mama. Sobrang sakit din kasi ng ulo ko kaya hindi na ako maka kontra.

Nang malagay na ni Mama ang bimpo sa noo ko ay may sinet siya sa alarm clock ko. Pag daw tumunog yun ay tawagin ko siya at papakainin niya ako. Tumango tango lang ako kay Mama dahil hindi ko na kayang sumagot. Bumibigat na yung mata ko at nakatulog na nga ako.


*-*-*-*-*-*


"Hindi pa yan kumakain, ikaw nalang ang mag pa kain."

Nagising ako sa ingay ng nag uusap sa labas ng pinto ko. Pupungay pungay ang mata kong tiningnan ang orasan sa tabi ko. Alas otso na ng gabi, medyo hindi na kumikirot ang ulo ko.

"Opo Tita. Ako na po ang bahala kay Blaze." Rinig kong sagot ng pamilyar na boses.

"Sige, at pag katapos mo bumaba ka. Madami tayong pag uusapan Behatti." Saad ng boses, alam kong si Mama yun pero ang pinag tataka ko ay bakit andito si Behatti.

Bumukas ang pinto kaya pumikit ako para kunyare tulog. Rinig ko ang yabag niya papalapit sa kama ko. May hinila siyang upuan at may pinatong ata doon. I felt the bed dip kaya for sure umupo siya sa tabi ko. Maya maya pa ay naramdaman kong kinuha niya yung bimpo sa noo ko at nilagay sa kung saan.

Marahan niyang kinapa ang noo at leeg ko bago haplusin ang pisnge ko.

"Blaze..baby, gising ka muna. Kaylangan mong kumain." Marahan nitong saad at tinapik tapik yung pisnge ko. Hinawakan ko naman ang kamay niyang nasa pisnge ko at marahang hinalikan ang palad niya bago imulat ang mata ko.

Tumambad sa'kin ang maganda niyang mukha na nag aalala dahil sa kalagayan ko. I smile at her to show her that I'm okay.

"Tapos na meeting niyo?"

"Ewan. Hindi ako umattend." Sagot nito at pinaupo ako pasandal sa kama ko.

"Bakit? Baka importante yun babi."

"Mas importante ka sa'kin Blaze." Sagot nito at seryosong naka titig sa mata ko.

Sanay na ako sa mga titig na ganyan ni Behatti pero hindi ko matukoy kung bakit iba yung nararamdaman ko. Parang may kung anong kumakabog sa dibdib ko.

"Ahm..ano yung dala mong pag kain?" Tanong ko nalang at iniiwas ang tingin sa kaniya. Imbes na sagutin ako ay nilapit niya ang mukha niya sa akin at marahan akong hinalikan.

"Sorry kung napaparamdam ko sayo na mas importante ang trabaho ko kesa sayo. Pero Blaze gusto kong tandaan mo na walang ibang bagay ang mas magiging importante sa'kin kundi ikaw lang. Gagawin ko ang lahat para sayo Blaze, kahit ikakasakit ko pa basta maging ayos kalang."

Natulala ako sa kaniya. Namumuo na ang luha sa mata niya. Pumikit siya at huminga ng malalim. Iniangat ko ang kamay ko at marahang kinabig ulit ng mukha niya palapit sa'kin at siniil siya ng halik.

"Importante ka din sa'kin Behatti kaya pakiusap wag na wag kang mawawala sa'kin. "

Ramdam ko ang marahan niyang pag tango. Ngumiti ako at hinalikan ulit siya bago kinurot ang pisnge niya.

"Tama na nga ang drama, nagugutom na ako eh." Pag bibiro ko para gumaan ang paligid. Ngumiti siya at inayos na ang pag kain ko.

"Say ahh..." Saad nito at tinapat sa bunganga ko ang kutsara na may lamang kanin at ulam. May pumasok na ka demonyohan nanaman sa isip ko kaya napangisi ako sa utak ko.

"Ahhhh..." Malandi kong saad na ikinapula naman ni Behatti. Sinubo ko ang pag kain at ngumuya.

"Hmm.." Ungol ko habang naka pikit.

"Aray!" Napamulat ako ng hampasin niya ako ng hindi kalakasan sa braso.

"May sakit na nga ako ang brutal mo parin sa'kin." Naka nguso kong saad.

"Kumain kana nga lang mag isa mo. Para kang na aano eh." Mataray nitong sabi at nag cross arms habang namumula ang mukha.

"Na aano? Kumakain lang ako ng ayos eh. Sige na ipasok mo na este isubo mo na." Pilya kong utos. Inirapan naman ako ni Behatti at pinitik ang noo ko.

"Kumain ka mag isa mo. Tawagin mo ako pag tapos kana, kukunin ko lang gamot mo. " Irap nito sa'kin at lumabas na ng kwarto ko. Natawa nalang ako sa kagagahan ko.

Binilisan ako ang pag kain ko. Kahit wala akong ganang kumain ay inubos ko parin baka mapagalitan pa ako ng reyna ko pag nag kataon. Maya maya ay bumalik na si Behatti na may dalang bottle water at maliit na platito para sa gamot.

"Very good na bata. Sige inumin mo na to. " Puri nito sakin at tinap tap pa ang ulo ko. Inirapan ko siya at ininom nalang ang gamot na inabot niya. Pag katapos ay binigay ko na ulit sa kaniya ang platito at tubig. Pinatong niya yun sa upuan na hinila niya kanina.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Hindi pa. Kulang pa sa yakapsule at kisspirin." Pag papaawa ko. Nag tataka naman niya akong tiningnan.

"Anong gamot yun?" Napatawa ako ng mahina.

"Halika lapit ka ibubulong ko sa'yo."

"Ayoko nga. Pwede mo namang sabihin ng hindi ibinubulong."

"Aish! Dapat ibulong para walang ibang maka alam." Napasimangot naman siya pero lumapit din sakin.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Ito ang yakapsule. "

Tapos kumalas ako at marahan siyang hinalikan sa labi. "Ito yung kisspirin. "

Marahan niyang hinampas yung dibdib ko.

"Puro ka kalokohan. "

"Hindi yun kalokohan, totoong gamot yun. " Pangangatwiran ko. Inirapan naman niya ako.

"Ibababa ko lang tong pinag kainan mo ha. Mag pahinga ka muna diyan at wag kang mag isip ng kung ano anong kalokohan. Okay?" Mataray nitong utos habang naka taas ang kilay.

"Babi wag kang mag taray, nakaka turn on." Biro kong saad na siyang ikinaling niya.

"Kakasabi ko lang eh. Tsk, basta mag pahinga ka diyan. " Mataray parin nitong saad at nag tungo na sa pinto.

"Kahit kaylan pasaway kang bata ka." Mahina nitong bulong bago lumabas ng tuluyan. Napatawa nalang ako at nag ayos ng higa bago nag taklob ng kumot sa buong katawan at pumikit.

Hindi na masakit ang ulo ko kaya feel ko ay hindi na lalala itong sakit ko.

Sinubukan kong intayin ang pag balik ni Behatti pero nanaig ang pag ka antok ko kaya nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan.


******


Behatti's pov



Nilagay ko na sa lababo ang pinag kainan ni Blaze at hinugasan iyon. Pag katapos ay lumabas ako ng kusina para bumalik na ulit sa kwarto niya ng tawagin ako ng Mama ni Blaze. Nakaupo silang mag asawa sa living room. Napalunok nalang ako at umupo din sa tapat nila.

"Ayos na ba ang kalagayan ni Blaze?" Panimula ng Mama niya.

"Ahh..opo Tita medyo okay na po siya." Magalang kong sagot habang nakayuko at nilalaro laro ang daliri ko.

"Buti naman kung ganun." Tumango tango lang ako.

Natahimik ng mga ilang minuto. Parang nag papakiramdaman kami sa bawat isa.

"Behatti iha, kaylan kayo nag kita ni Blaze? Saan kayo nag kita?" Napalingon ako sa Papa ni Blaze. Minsan lang siya mag salita kaya kinakabahan ako ng todo.

"Sa bar po. Ilang buwan na din po ang naka lipas." Sagot ko at bumuntong hininga.

"May relasyon na ba kayo?" Malumanay na tanong ng Mama ni Blaze pero alam ko kung anong totoo niyang nararamdaman.

"O-opo.."

"Well, you should break up with her." Napapikit ako. Alam kong mangyayari to hinanda ko na ang sarili ko sa scenario na ito pero hindi ko parin maiwasang pang sikipan ng dibdib.

Bakit ba kaylangan 'tong mangyari?

"Para din ito sa kabutihan nyong dalawa. Alam mo ang mang yayari pag nalaman niya diba?"

Tumango tango ako habang pigil na pigil ang pag tulo ng luha sa aking mga mata.

Dapat bang laging ganito? Iiwas nanaman ba ako? Unti unti na akong nagiging masaya kahit alam kong bawal at maraming hadlang.

"Pag magaling na siya tsaka mo siya hiwalayan. Inaalala ko lang ang kapakanan nyo, sana maintindihan mo ako. " Malungkot na pahayag ni Tita. Kita kong nahihirapan din siya. Tumango ako at nilunok ang hikbi na gustong kumawala sa bibig ko.

"Mag papaalam lang po ako kay Blaze, uuwi na po ako." Sagot ko at hindi na inintay ang sagot nila. Agad akong umakyat at nag tungo sa kwarto ni Blaze.

Hawak hawak ko ang bibig ko habang tumutulo ang luha ko. Ayokong makita niya akong umiiyak.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago pinunasan ang luha ko at nilapitan siya. Naka higa siya at naka taklob ng kumot sa muka, marahan kong tinanggal ang kumot at pinag masdan ang maamo niyang muka. Sinasaulo ang bawat korte ng kanyang kagandahan.

Hinaplos haplos ko ang pisnge niya at hindi ko nanaman napigilan ang pag tulo ng luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya bago iyon halikan. Tumabi ako sa kaniya at hinalikan ang noo niya bago siya yakapin ng mahigpit. Napatingin ako sa bukas niyang bintana, kitang kita ko ang bilog na buwan. Ang buwan na laging saksi ng aking pinagdaanan.

"Masama bang hilingin ko na wag kanang gumaling para hindi na ako aalis sa tabi mo? Na sana wag kana lang gumaling para lagi lang akong nandito? Pwede bang maging makasarili kahit ngayon lang." Tanong ko sa nanunudya na buwan at pigil hikbing hinigpitan ang yakap sa taong pinaka mahalaga sa'kin..

My Blaze...

"Kahit sobrang sakit sa akin na ikaw ay pakawalan gagawin ko para sa iyong kabutihan. Pero sana wag na wag mo akong kakalimutan."

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
176K 7.3K 52
James Reid is a famous artist or should I say an Idol, many people like and idolized him especially girls. His an idol have a good looking and also a...
3M 77K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
209K 5.8K 74
all people here in the world is unexpectedly inlove with someone lalo na pag hate nila or kinaiinisan nila ng subra? "I'm straight!" ang inis na sago...