Crush Life

Par strange_writer_0321

2.4K 149 15

Alin ka dito? Naging friend mo yung Crush mo .. or naging crush mo yung Friend mo? Maalin man sa dalawa ang n... Plus

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 5

97 7 1
Par strange_writer_0321


Huling araw ng pasok nila ngayong linggo. Malapit na rin ang matapos ang 1st Sem ng pagiging 2nd year nila. Isang linggo nalang bago ang Finals, at pagkatapos nun pwede ng mag-chillax kahit papano.

Ito na rin ang itinakdang araw para kay Charles. At desidido na talaga siya.

"Deal. Hindi na kita tatawaging 'Crush' kung yun ang gusto mo." Seryoso ang mukha ni Charles habang nakatayo siya sa harap ni Jarmcel.

Ang binata naman ay nabigla, pero bakas sa ngiti niya na sa wakas naintindihan na siya ng kaibigan niya.

"Hindi lang yun." Sambit pa nito.

"Simula rin ngayon, hindi na rin kita crush." Mula sa pagkaseryoso, ngumiti na rin ng dahan-dahan si Charles. Halatang masaya siya sa kung anuman ang naging epekto sa kanya ng paglalakad niya at pagbyahe niya mag-isa.

Natutuwa pa rin sa narinig niya si Jarmcel. "Yun! Ayos yan Brad! hahaha. Hindi na ako maiilang sa'yo ulit. " Inakbayan niya agad ito pakahulugan na naging mahirap din talaga kay Jarmcel na pigilin ang pagkasabik into sa kaibigan niya.

Pero agad din ipinatanggal ni Charles ang braso nitong nakasabit sa balikat niya.

"Ano ka ba? Kakasimula ko palang kumalimot sa pagka-Crush ko sa'yo. Tinetempt mo na ulit ako. " Pabirong banat niya sa binatang natatawa kasi kumbinsing kumbinse na ito na talagang gagawin na ng kaibigan niya ang pag-uncrush sa kanya.

"Hahaha! Okay okay. Fine!"

"Oh, tara na. Parating na yung bus." Wika ni Charles sa kaibigan. Nagsimula nang normal ang umagang yun, mula sa pagpasok hanggang sa pag-uwi nila. Bumalik na rin agad sa dati at nawala ang ilangan sa dalawa.

Ang kinaiba lang, kusa na rin nalayo ng paunti-unti si Charles kay Jarmcel. Para na rin sa ikatatagumpay ng plano niyang tuluyan kalimutan ang Crush feeling niya sa binata.

Pero sa kabilang banda, habang nae-enjoy ni Jarmcel ang oras na nagbalik ulit sa kanila ng kaibigan, hindi niya gaanong binibigyang pansin ang konting pag-iwas nito. Alam naman niya kasing part yun ng desisyon ni Charles na working in progress pa. At dahil na rin, hindi naman kasi talagang big deal kay Jarmcel ang konting distansya. Sa katunayan, mas okay pa para sa kanya ito.

May mga pagkakataon na naiba na ng upuan si Charles malayo kay Jarmcel. Pansamantala siyang napwesto sa grupo ng mga babae na orihinal naman talaga niyang barkada.

Si Jarmcel naman ay halos palagi na ring kasama si Michael, kasama ang iba pa nilang tropa. Busy sa paghahagilap ng estudyanteng may pinakamuting hita at may magandang hinaharap.

Sa PE class nila na Basketball ang tema ng buong kurikulum para semester na ito, maglalaro lahat ng estudyante. May men and women's division.

Sa Men's division, namili ng dalawang Captain ang Instructor. Si Jarmcel at si Franco, ang pinakamatatangkad sa klase. Nagtossed coin sila para malaman kung sinong unang mamimili ng kanilang mga teammates. Si Jarmcel ang nanalo, siya ang una.

Sa ganitong sitwasyon, dapat ang Captain ay mamili ng tamang kagrupo para manalo sa laro. Dito kasi nakasalalay ang score ng Final Exam nila sa PE3. At ganun ang tumatakbo sa utak ng unang kapitan. Salitan silang pipili hanggang sa lahat ng lalaki sa klase ay mahati na sa dalawang team. Even naman ang bilang kaya pantay ang laban. Skills nalang ang magdidikta sa kung sino ang mananalo.

"Oh, Jarmcel take the floor. Choose your teammates." Wika ng Instructor nila.

"Si Michael po." Siya ang unang pinili ng Jarmcel.

Sunod ng pumili si Franco, "Si Charles po."

"Si Charles po." Bigkas ni Franco na nakatayo sa unahan. Siya ang pangalawang Captain ng Team na pumili ng kanyang teammate para sa Game nila as Final Exam sa PE3.

Lahat ng tao na nasa loob ng room ay sobrang nabigla dahil sa unang pangalan na sinabi ng binata sa unahan. Bakit?

Ang kabilang grupo kasi ay nagsimulang piliin si Michael dahil sa alam ni Jarmcel na magaling itong maglaro. Pero sa kataka-takang pangyayari, pinili ni Franco si Charles na alam naman ng lahat na hindi siya marunong magbasketball.

Maski si Charles ay nabigla sa pagbanggit ni Franco sa pangalan niya .. partida siya pa ang pinakauna.

Sumenyas pa si Franco na niyaya na niya si Charles na samahan siya sa unahan. Nakangiti itong tinawag pa ang pangalan ng napili niya, "Charles, punta ka na dito!"

Si Jarmcel naman ay gulat na gulat din. Nakatingin siya nung lumapit na ang kaibigan at pumwesto na sa likod ng ibang kapitan. Pero sa likod ng utak niya, natatawa rin siya dahil sa kung ano kayang kalalabasan ng magiging laro kung lahat ng di maalam magbasketball ay mapunta sa kabilang grupo.

"Hahaha. Bakit si Charles ang unang pinili mo? " Tanong ni Jarmcel kay Franco. May kakaibang ngiti nung sinabi niya yun.

"Pinili ko yung Lucky Charm ng magiging Team ko." Nakangiti siya nung binaling niya ang katawan niya sa una niyang miyembro, at nag two thumbs pa dito. Si Charles naman ay halatang nagtataka pa rin sa kung anong iniisip na pakulo ng kapitan niya ng oras na yun.

Ngumisi si lang si Jarmcel. "Goodluck."

Nagpatuloy ang naging pilian para sa bawat miyembro. Sa dulo, bago matapos ang klase nila, pinaalalahan sila ng Instructor na may isang linggo sila para magpractice para sa last game ng section nila. At kung sinuman sa dalawang grupo ang mananalo, yun ang magiging pambato sa Intersection Game, at makakatanggap ng Uno.

"Kailan practice ninyo?"

"Hindi ko alam kay Franco eh. Magtetext nalang daw siya samin." Sagot ni Charles sa tanong ng lalaki na nakaupo na sa paborito nitong pwesto.

Hinahanap ni Jarmcel ang earphones niya sa loob ng bag nung sinabi niya ang laman ng isip niya sa kaibigan, "Pipiliin din naman kita kanina eh." Tono niya na halatang gusto niyang pagaanin ang pakiramdam ng kaibigan. Inaalala niya na baka isipin nito na hinayaan niyang mapapunta siya sa kabilang grupo. "Inuna ko lang yung magdadala sa team .. Kaso pinili ka niya agad."

"HAHAHA!" Napatawa si Charles bigla dahil naalala niya rin talaga ang nakakatuwang eksenang yun. "Nagtataka nga ako eh. Baka akala siguro ni Franco na Ace Player ako ng Basketball."

Napatingin lang ng nakangiti si Jarmcel sa nagtatakang mukha ng kaibigan niya. Hindi na rin naman niya nabakas na may pagtatampo ito kasi hindi sila magkasama.

"Pero okay na rin." Nakangiti siya habang nakatingin sa kawalan. "Atleast, nakita ni Franco ang worth ko diba? Lucky Charm daw ako ng Team namin. Hihihi." Pagbibida ni Charles.

"Wag ka nga magpaniwala sa lalaking yun." Medyo tumaas ng konti ang boses ng lalaki sa tabi niya, nagsalubong na agad ang kilay nito.

"Hays. Basta galingan ninyo nalang. Baka matalo kayo, wala kasi kayong Lucky Charm. Hahaha." Inayos niya ang bag niya na aktong patayo sa pagkakaupo nito.

Napansin din ni Jarmcel na aalis ang katabi niya sa kanyang pwesto. "Oh, bakit? Saan ka pupunta?" Nabigla siya kasi naandar naman na ang bus pero tatayo pa ito.

"Ahh. Lilipat lang ako ng upuan." Nakasakbit na sa harapan niya ang bag niya at kahit anong oras ay patayo na talaga siya.

"Bakit naman? May distance naman tayo kahit papaano ah." Tinuro pa ni Jarmcel ang pagitan nila sa 3-seater na upuan ng bus. Dulo-dulo kasi sila kung maupo simula pa noon.

Naintindihan naman agad ni Charles ang pinupunto nito. "Ano ka ba, hindi naman dahil part ng Oplan Uncrush kaya ako aalis dito. Lilipat lang ako sa upuan , tabi ng bintana."

Tinuro niya ang upuan sa kabilang gilid ng bus. Nakangiti ito nang nagtama ang mga mata nila. Sinilip naman ni Jarmcel ang pwestong tinutukoy ng lalaking paalis na sa tabi niya.

"Ganun ba." Tugon nalang ng binata.

"Lipat na ako ha."

"Oo, sige." Napalunok si Jarmcel ng di niya alam. Para bang may iba siyang naramdaman, pero hindi niya maintindihan. Dahil kaya sa ito unang beses na mas pinili ng kaibigan niya na tumabi sa bintana kaysa sa kanya?

Lumipas na ang kalahati ng byahe, sumulyap si Jarmcel sa kabilang side ng sasakyan. Komportableng nakaupo si Charles habang nakatingin sa labas ng bintana, nakasalpak din sa tenga niya ang sky blue nitong earphones.

Napabulong nalang siya sa sarili niya. "Babalik ka pa ba?" Gumalaw ang tingin niya sa pagkakaupo ni Charles papunta sa dati nitong pwesto, sa tabi niya.


*** End of Chapter 5 ***

I hope you enjoy this chapter 😊

If you do, please remember to comment and vote -- it really means a lot for me! 😉🥰

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

4M 168K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
2.9M 71.5K 22
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
6.6M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
1.4M 103K 41
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...