If I have Nothing (Absinthe S...

By Lumeare

416K 14.8K 1.9K

Syden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family an... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
W a k a s
Special Chapter

Kabanata 20

8.9K 387 67
By Lumeare

Kabanata 20

If I Have Nothing

Mabilis lang na lumipas ang buwan ng Mayo at Hunyo. The beginning of my grade 12 classes were fun, except for the Contemporary Art subject because it was all about arts. Wala akong panama doon, lalo na kapag drawing ang pag-uusapan. We also had a Biology class, sa dalawang sem namin sa grade 12 ay kasama ang subject na iyon na siyang nagustuhan ko.

It was the month of July again, ibig sabihin, birthday na iyon ni Rhett. He was born on the fourth of July, the same with American Independence. Hindi ko alam ang plano niya para sa kaniyang kaarawan, but I am planning to give him a simple gift. It was a bracelet with an electric guitar as an ornament.  Binili ko last week nang minsang mamasyal kami ni Marriam dahil half day kami sa klase.

"Syd, una na 'ko! Ingat!" nagpaalam na sa akin si Marriam pagkatapos niyang maglinis sa classroom. Groupmates kami sa isang subject tapos iyon na din ang groupings sa mga cleaners. Hindi naman marami ang lilinisin kasi may janitor naman na nag-check ng facility. Ang ginagawa lang naman namin ay mamulot ng basura at itatago iyong mga naiiwang gamit ng mga kaklase namin. We would also erase the writings on the board.

Nang lumabas ako ng classroom ay nakita ko na kaagad si Rhett dala ang kaniyang gitara at drawing tube. It was like the first time he went here and fetched me for a family dinner. Noong January lang nangyari iyon pero parang ang tagal na simula noon. So many things just changed.

Pinagmasdan ko muna siya na wala ang tingin sa akin. Itinago ko ang ngiti sa aking labi nang makita kung gaano kabagay sa kaniya ang makitang sukbit na ulit niya ang gitara.

He was too late to inform me that he joined another band. Sumali siya sa nanalong champion sa battle of the bands last year, iyong Absinthe. He was invited by a family friend and I think he grabbed that opportunity because he missed playing in a band. Noong summer pala, nagkakaroon na sila ng gig. The band was actually being scouted and it was a good opportunity for Rhett.

Natigil ako sa pagtanaw sa kaniyang nang iangat niya ang tingin sa aking direksyon. Hindi na ako nakapagtago pa dahil huling-huli na niya ako. Humakbang ako, nararamdaman ang unti-unting pag-akyat ng init sa pisngi.

Umayos naman siya ng tayo at namulsa. Nang makalapit ako sa kaniya ay hindi ko alam kung saang direksyon ba ako titingin. I am obviously beet red! Ano bang pumasok sa isip ko at tinanaw ko pa siya. It's just him. Palagi naman niya akong sinusundo. Nasanay na ang mga kaklase ko na nakikita siya doon. Some would even inform me of his arrival, naging habit na iyon ng mga kaklase ko, pero minsan naglilibreng tanaw sila sa lalaking nasa labas.

"Wala kayong practice?" I asked when I approached him. Kinalimutan ko ang pagpapakapahiya kani-kanina lang.

"I'll be back later at Eion's studio after I drop you off," tumango ako. Minsan hati talaga iyong oras niya dahil may klase siya tapos nagbabanda. He was already in his third year, mas mahirap na ang mga subjects kung tutuusin. He still manages his time well, and that also includes waiting for me and dropping me off at our house.

Sa totoo lang, okay lang naman sa akin na hindi niya ako ihatid pauwi. But Tita Aleah always insist that he takes me home or she will take away his freedom of joining the band. Tinutulan ko ang sinabi ni Tita dahil mukhang hindi naman tama na papiliin niya si Rhett, lalong-lalo na kung nandoon ako sa pagpipilian.

I already told him that if he's busy, he didn't have to take me home. May driver naman kami sa bahay na pwede akong ihatid-sundo.

"May gig kayo sa Saturday?" I asked him casually as he entered his car. Pinaandar niya muna ang makina bago ako nilingon.

"Yeah, you want to come?" he drawled lazily. Ang malamig ngunit nanlalambot na tingin ay natuon sa aking mukha. I suddenly became conscious of how I look! Usually naman hindi talaga ako nag-aayos sa school, hanggang lip tint lang at pulbos dahil hindi naman sobrang kailangan.

Kinagat ko ang aking labi at iniwas ang tingin sa kaniya. "P-pwede?"

Rhett chuckled lowly. "Of course, not, Syden Amaryllis. You're still a minor. Hindi ka pwede."

Napasimangot ako. Nilingon ko siya nang may masamang tingin. He actually gave me a false hope. I was dying to actually see how he was doing in his new band. Kinuha siyang vocalist pero nagdadala pa rin ng gitara sa stage.

Hindi niya pinansin ang masama kong tingin at nagdrive na siya paalis ng University. I wonder why he likes to park near our curriculum than them, pero nang makita ko na kung bakit, hindi na lang ako nagtanong kay Rhett. Mas maraming kotse ang nakapark sa college area. Minsan nga ay may nakatambay na lang sa gilid ng school tapos nilalagyan lang ng parang lubid na bakod para hindi malapitan ng kung sino.

Nang maibaba niya ako sa bahay ay agad rin namang sumibad paalis ang kaniyang sasakyan. I sighed heavily.

Hindi ba talaga ako pwede? Sometimes, I envy those college girls. Nagkakaroon sila ng oportunidad na mapanuod kung paano tumugtog at kumanta si Rhett kasama ang kaniyang banda. I heard Absinthe was really quite popular in school. Not only that they were good looking but they are also good in music.

Mag-isa akong kumain sa bahay. Mom wasn't feeling well so she had to eat dinner upstairs. Si Daddy ay maya-maya pa uuwi dahil sa dami ng gawain sa opisina.

After eating, I stayed in the receiving room to watch a movie. Wala akong ganang pumunta sa aking kwarto dahil hindi naman ako dinadalaw ng antok. Nagtimpla naman ako ng gatas para makatulog.

It was already twelve in the midnight and I was stuck watching a medical drama series. The show actually caught my attention and I was eager to finish it.

Nang matapos ang isang episode ay dinungaw ko ang aking umilaw na cellphone na nasa coffee table. Kumunot ang aking noo. It's either one of those automated network message or Marriam. Wala naman kasing mahilig na magtext sa akin. Internet is very convenient to use, and there's a lot of social media platforms that have a messaging function.

Kinuha ko ang aking cellphone at nakita ang pangalan ni Rhett doon. I was thinking that he was still in his gig. Hindi ko nga lang alam kung bakit mag-tetext siya sa akin. Hindi na ako umasa na aayain niya ako sa bar kasi nga hindi naman ako pwede doon. I am still seventeen. Next year pa ako magiging legal.

Rhett:
Still awake? I'm outside your house.

Kumurap-kurap pa ako para mabasa nang mabuti ang kaniyang mensahe. It was sent just a minute ago and I am sure he's still outside.

Tumayo ako at lumabas ng bahay hawak ang aking cellphone. Sinubukan kong sumilip sa maliit na box na nasa maliit na gate. Indeed, his car was parked outside. Nakapatay na ang makina ng kaniyang kotse.

I checked myself first. Nakatsinelas ako at nakasuot ng spaghetti strap na pajama top. Sa ilalim ay ang hanggang bukong-bukong na puting pajama. I guess this will do.

Binuksan ko ang maliit na gate at sumilip. Nang makitang hindi naman siya lumabas ng kotse ay lumapit ako sa side ng passenger's seat. Heavily tinted ang kaniyang sasakyan kaya hindi ko siya masyadong aninag.

Kumatok ako.

After a few seconds, the window rolled down revealing Rhett. Puti ang t-shirt na suot at may suot na silver na dog tag.

"Tapos na ang gig niyo? What are you doing here then?" Sinubukan kong buksan ang pinto ng kaniyang kotse. It was unlocked so I was free to enter inside. Nang maisara ko iyon ay binalingan ko siya ng tingin.

His predatory eyes skimmed through my figure like he was skimming through the pages of a book. Nakita kong bahagyang nandilim ang kaniyang mata nang dumapo sa aking pang-itaas.

He then looked at my face. "Bakit gising ka pa?"

"I couldn't sleep." Humalukipkip ako. It made his eyes dropped again to my chest. Sinundan ko rin iyon ng tingin. Wala namang nabulto eh! In fact, I was flat chested. Sa tangkad ko at kapayatan, kahit doon man lang ay hindi pa rin ako pinagpala.

My face heated. Sinamaan ko ng tingin si Rhett. "Don't look at my chest like that!" suway ko.

"I was just checking," he said nonchalantly. Sumilip muna siya sa labas.

Umirap ako sa kaniyang sinabi. Checking? Wala ngang iche-check doon. I was totally a chopping board.

"Tapos na nga ang gig niyo?" pagkaraa'y tanong ko pa rin.

"Yeah, what are you doing inside?" balik niyang tanong at humilig sa back rest ng leather seat.

"Just watching a medical drama series. In fact, it was still playing. Gusto ko pang manuod."

Tinapunan niya ako ng tingin bago niya hinugot ang susi mula sa keyhole. Isinara niya muna ang bintana sa aking banda.

"Let's go inside then."

Nanlaki ang mata ko. "Huh? Umuwi ka na? What will mom say if she finds you here in the middle of the night?" taranta kong sabi.

Rhett's eyes remained cold as he stared at me. Mukha bang may masama sa sinabi ko?

"I brought snacks. Kunin mo sa likod," he then went outside of his car. Nagtataka pa rin ay sinunod ko ang sinabi niya. Indeed, there was a bag of whatnots at the back seat of his car. Kinuha ko na iyon at sumunod sa kaniya sa labas.

Nauna akong pumasok sa bahay at kasunod siya. Inilapag ko ang mga pagkain sa gitna ng couch at nilingon siya sandali.

"Do you want to drink? O baka nakainom ka?" I scanned his face. Di naman siya namumula. In fact he looked sobber and not tipsy. Maayos din naman ang paglalakad pero namumungay ang mata.

"Why did you even drive here?" pahabol kong tanong bago pumunta sa kitchen para kuhanan siya ng maiinom. There was a can of soda in the fridge. Kumuha ako ng para sa aming dalawa.

When I went back to the receiving room, he was already plopped down on the couch. Binubuksan na iyong malaking bag ng chips. Umupo ako sa kaniyang tabi at inilahad sa kaniya ang soda. Kinuha niya naman iyon at pagkaraa'y binuksan.

Binabaan ko nang kaunti ang volume ng tv dahil medyo lumakas iyon. I also dimmed the lights. Wala naman sigurong magigising lalo pa't tulog na tulog na si Mommy at si Daddy mukha namang pagod sa trabaho. Hindi naman niya dinadala sa bahay iyong pending works sa office.

Tahimik kaming nanunuod ni Rhett. Mukhang wala naman siyang reklamo sa aking pinapanuod kasi nandoon naman ang atensyon niya sa tv.

I moved a bit towards the end of the couch when I felt our arms touched. Hindi ko naman namalayang sobrang lapit na pala namin sa isa't isa kaya napilitan akong lumayo.

Nagkatinginan kaming dalawa. His grayish silver eyes watched me like the way a tiger watched his prey. I squirmed on my seat when I felt him moving closer to me.

The frantic shouting in the television faded as my eyes focused on him. His veiny hands reached for my arm as he pulled me gently. I wanted to let out a soft sigh of relaxation when I felt how warm he is despite of hus cold aura. Nagpatianod ako sa kaniyang marahang paghila sa akin. The next thing I knew, my head was already leaning on his shoulder while his other arm embraced me from behind.

Nagwawala ang aking puso. Sa sobrang lapit namin ay baka marinig niya na kung gaano kabilis ang tibok nito. I wasn't oblivious of what I am feeling.

Nitong nakaraan ko pa iyon napapansin. Iba na ang tibok ng puso ko. Iyong kabog ng dibdib ko dati ay hindi na dahil sa natatakot ako sa kaniya. I was now nervous of how it felt to be beside him closely. Kapag nalalanghap ko ang kaniyang panlalaking amoy, hindi mapigilang habulin iyon ng aking pansin.

The way Rhett acted differently made me vulnerable and prone to experience the what they call admiration for a person. Yes, I do admire him or maybe I was beyond fascinated with him. Sa iilang buwang nagkasama kami, nararamdaman kong nagiging komportable na ako sa kaniya. I can show my emotions freely without hesitating whether he would judge me or not.

At dahil sa naiisip na baka nga gusto niya ako, I started reciprocating the feelings. I can't help but overthink the way he holds and stares at me. Ang matinding intensidad ng kaniyang tingin sa akin ay alam kong hindi ko na makakayanang tanggihan.


I wasn't suppose to like him, pero sa naiisip na makakasama ko siya habang buhay ay baka...pwede ko naman siyang magustuhan kahit palihim lang. And if the right time comes that I'll be able to confess, I'll own up to my feelings.

Mas lalo kong isiniksik ang sarili sa kaniya. Ang nga kamay na nasa aking baywang ay tumaas na sa aking buhok at hinahaplos ako—tila hinuhumaling para makatulog.

I let out a soft yawn. Nilabanan ko ang ngayo'y dumadalaw ng antok upang madama pa ang init ni Rhett sa aking katawan. The image of doctors in the television suddenly became blurry. Naluluha ang aking mata habang lumalaban pa rin laban sa antok. But I couldn't help but yawn again.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rhett. I smiled. It could be the first time that I'll hear him laugh truly because of me.

"Just sleep, flower." he whispered huskily as his warmth and soft caress lull me to sleep.

Kinaumagahan ay nasa kwarto na ako. There was no sign of Rhett when I woke up.

Silly me. Ano bang iniisip ko? Mananatili siya sa tabi ko habang ako'y natutulog? That only happens in televisions at isa pa, wala naman kaming relasyon other than he's my soon to be husband with no romantic feelings involved.

Pagkalabas ko sa kwarto ay naririnig ko na ang ingay na nagmumula sa kwarto ni Kuya Bo. Siguro'y maaga siyang umuwi ngayon dahil birthday ni Rhett. The Vasilievs will have a party later, as always.

Wala akong masyadong ginawa buong araw. I mostly stared at my small gift for Rhett. Ilang ulit kong inisip kung ibibigay ko ba. Because it looked really sentimental and a bit romantic for that matter. Pupwede namang wala talaga akong regalo sa kaniya.

I stared at the black leather bracelet again. Multi-layer iyon na may braided rope at sa gitna ay ang disenyong electric guitar. It looked simple but when I was buying it, I was really imagining Rhett's wrist. Mukhang babagay sa kaniya. I put the bracelet back again in it's black square shaped box.

Kinagabihan ay pumunta kami sa mga Vasiliev. Unlike last year, mas kaunti ang bisita nila ngayon. It's a Saturday evening pero iilan lang ang tao.

I found Rhett with a few guys. May iilang inumin din sa kanilang paligid. Hindi katulad last year, wala ng mga babaeng nakapalibot sa kanila.

Si Kuya ay agad na sumugod sa grupong iyon. I think that he also knew them considering that he gave each a high five.

Nagtama ang tingin namin ni Rhett nang maupo na si Kuya sa tabi niya. I was left alone outside because my parents went in already. Gusto ko lang naman siyang makita bago kami pumasok.

I was about to go in when he stood up and sauntered his way towards my direction. My back straightened a bit. My eyes hovered past his shoulder because I saw some of his friends staring at me. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin.

Tumigil sa harapan ko si Rhett. Inihanda ko ang hilaw na ngiti. "Happy birthday!" ang nagawa kong pagbati.

He nodded at me with a fixed expression on his face. Nagtagal ang tingin niya sa aking damit na suot. I didn't have time to choose what to wear so I had an off-shoulder top and button down denim skirt.

"Thanks," he replied after. Nagtama ang aming mga mata. There was a glint of an unwavering emotion in his eyes.

"Uh," iniwas ko ang tingin, "P-pasok na ako. You can go back to your friends now."

"Wait," he held my wrist. Sumunod ang aking tingin doon pagkatapos ay sa kaniyang mukha.

He licked his lower lip as his cold eyes were unrelaxed. "Do you want to meet my band mates? I can, introduce you to them."

Hilaw ulit akong ngumiti. "As your fiancee? Huwag na," agap ko. Plus I was a bit not comfortable because they are all guys and my brother was also with them.

Nagtagis ang bagang ni Rhett at binitawan na ang aking palapulsuhan. Napalunok naman ako at nilukob ng kaba sa naging madilim niyang ekspresyon.

Kinagat ko ang aking labi. Is he mad because I didn't want to meet them? I really want to because they were the ones who gave opportunity for Rhett to sing and be a part of a band again. Nahihiya lang ako. Ano naman kasi ang ipapakilala niya sa akin aside from being his fiancee? And I also looked too young to be his girlfriend.

"Papasok na ako," nasabi ko bago ko siya tinalikuran. My chest felt heavy but I ignored it.

Umupo ako sa tabi nina Mommy at ni Tita Aleah. Tahimik lang ako sa tabi nila at iniisip ang naging reaksyon ni Rhett.

He must be disappointed. Hindi ko alam kung bakit ko naisip iyon pero iyon ang nahinuha ko sa kaniyang naging reaksyon.

Kinapa ko ang dalang bag. Nasa loob nito ang ibibigay kong regalo. Now, I am torn whether I should give it or not. As the time passes by, I can't help but be anxious lalo na at isa-isang umalis ang mga bisita. Nagpaalam na rin ang mga kabanda ni Rhett. It was just ten in the evening.

Nakita kong mukhang paalis rin siya. Naalarma ako.

Where is he going? Tutulak pa-bar? Pero...ang regalo ko...

Napatingin ako sa regalong itinatago ko kanina pa. I really wanted to leave it on the table filled with gifts, pero baka di iyon mapansin at mapunta sa kung saan.

Without a second thought, I stood up and stride towards the door. Ang nagtatakang tingin nina Mommy au sumunod sa aking pigurang nagmamadaling masundan si Rhett.

Nasa gate na siya nang maabutan ko. Narinig ko pa ang pag-andar ng isang sasakyan sa labas ngunit ang mga mata ko'y nasa kaniya. My brother was nowhere to be found.

"R-rhett," I stammered as I called his name. Ang pisnging kanina'y nanlalamig sa kaba ay unti-unting nag-iinit sa pagkapahiya.

He looked behind him. Nagtama ang aming mga mata habang dahan-dahan akong humahakbang.

"Aalis ka?" panimula ko at kinagat ang labi. Ang isa kong kamay ay nasa loob ng bag at kinakapa ang maliit na regalo.

"Yeah," he drawled lazily as his cold eyes roamed around my face. Nagbaba ito ng tingin sa aking kagat na labi.

I chewed on mg bottom lip more before I fished out the black box. With shaking hands, I managed to present my gift to him.

"It's not much pero sana magustuhan mo."

Rhett looked down at the gift. Kaunting lumambot ang pagkakatingin doon bago niya kinuha iyon mula sa aking kamay.

He opened the box in front of me. Gusto ko na sanang umalis ngunit tila napako na lamang ako sa aking kinatatayuan.

He held the gift in front of him as if examining it, then his eyes turned to me. Inilahad niya iyon sa akin habang ang box ay nasa isa niyang kamay.

"Put it on me," aniya sa banayad na boses. Napaawang ang aking labi at kumabog ang aking dibdib.

Gusto niyang ako ang magsuot sa kaniya?

I timidly got the bracelet out of his hold. Mas lalo akong kumapit sa kaniyang upang maisuot iyon nang maayos. Iniangat niya ang braso.

Napalunok ako at hindi na makatingin sa kaniya. Dahan-dahan ay ibinalot ko ang leather bracelet sa kaniyang palapulsuhan. Just what I had imagined, it suits his wrist. The black color looked elegant on him.

Nagkatinginan kaming dalawa bago niya tiningnan ang kamay. His lips tugged at the corner. Palihim din akong ngumiti. I think he likes it, based on the ghost of smile on his lips.

"Aalis ka na ba? You can go now. Babalik naman ako sa loob."

"Okay," he said but his eyes lingered on my simple gift. Mas lalong napuno ng init ang aking pisngi na para bang isang kalderong may bumubukal na tubig.

Tinalikuran ko na siya at maglalakad na sana pero tinawag niya ako. Nilingon ko siya, naghihintay ng kaniyang sasabihin.

"Thanks for this, flower," he smiled like genuinely smiled at me.

Hindi ko maitago ang aking ngiti ngunit huli na nang maramdaman kong lumalapit ulit ako sa kaniya. He seemed taken aback by my action. I tiptoed a bit to reach his cheek. Nagpatak ako ng magaang halik sa kaniyang pisngi bago ko siya tinalikuran. I hurried back inside to save my dying dignity.

Continue Reading

You'll Also Like

246K 9.5K 47
What else is dumber than dealing with a devil while you're drowning yourself in alcohol? Kung may parangal lang para sa pinakatanga ay nakuha na ni M...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
342K 8K 49
(La Carlota #3) Sea, sand, sun, and waves, it was Delilah and Loki's childhood. Just like the waters Delilah's dreams were vivid, clear, and touchabl...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...