Kabanata 28

7.9K 293 35
                                    

Kabanata 28

If I Have Nothing

Napalingon ako nang marinig ang pagbubukas ng pinto. I was in the kitchen cooking our dinner. Napaaga ang uwi ko mula sa klase dahil wala kaming professor sa last subject. Mula sa school ay nilakad ko na lang ang distansya ng condo.

Hinalo ko muna ang nilulutong adobo bago napalingon ulit sa entrada ng kitchen. Rhett emerged through the entrance sans his white polo uniform. Madilim ang tingin niya nang mapadako sa aking pigura.

I raised a brow at him and said, "You're home."

"I went to your school," he uttered,pissed, "I thought I already told you that I'll pick you up?"

I chewed my bottom lip before lowering the heat. Nailagay ko ang aking kamay sa edge ng sink at napaharap na ng tuluyan sa kaniya.

"I had an early class dismissal."

"Still, you could have told me that you're out early."

"Bakit pa? Kaya ko namang umuwi mag-isa," tinalikuran ko siya upang bunutin na ang saksak ng rice cooker, "At isa pa, ayaw kong makaabala sa'yo."

"Really?" There was something in his voice that says he doesn't believe what I just said.

"Ngayon lang natapos ang klase mo diba? Ibig sabihin maghihintay pa ako ng tatlong oras bago ka makadating. Instead of waiting for you, I just walked around until I reached the condo." I said, proving my point. Dumilim lang ang tingin ni Rhett sa akin bago siya huminga nang malalim.

"Next time, don't do that. Sabihan mo ako kapag maaga kang uuwi para—

"Para masundo mo ako? Huwag na. Ayaw kong makaabala kung may pasok ka pa. Anong klaseng asawa naman ako kung pati pag-aaral ng asawa ko guguluhin ko pa diba?" I smiled at him, "And I am an independent woman."

"This is not you being an independent woman or not, Syden Amaryllis. Nag-alala ako!" he snapped, eyes emitting fire of anger. Kahit pitik sa katawan ay wala akong naging reaksyon sa kaniyang pag-aalburoto. I looked at him, my face void with emotion.

Humalukipkip ako at tinitigan ang kaniyang mga mata. Ang apoy ng galit ay nandoon pa rin. I can't believe I am seeing it right now or even hearing his words. I wanted to laugh at him. Nag-alala? I even doubt he gave an ounce of care for my well-being.

Nagpapakitang-tao lang iyan, Syden. Huwag ka na ulit magpapaloko sa kaniya.

"I'm totally fine, as you can see. There's no need for you to worry. Huwag na tayong magpanggap na nag-aalala tayo sa isa't isa."

Tinalikuran ko na siya at pinatay na ang stove. Hinanda ko ang lalagyan ng kanin at nilingon pa siya. He was still standing there, his eyes not leaving mine.

"Magbihis ka na. Kakain na tayo."

Hindi ko na siya hinintay pa at naglagay na ako ng kanin. I prepared the table for us, still putting some distance. May kaning para sa kaniya at mayroon ding para sa aking banda.

Nang bumalik siya sa dining ay nakaupo na ako at nagbabasa ng messages sa aming section group chat. Nagsend na kasi ng bagong powerpoint presentation na kailangan naming pag-aralan tapos gulat na gulat pa ang mga kaklase ko. Kanina naman ay in-announce na magkakaroon ng quiz sa next week.

Ibinaba ko ang cellphone habang dina-download ang powerpoint. I glanced at Rhett. Hinihintay niya pala ako kaya umayos na ako at kumuha ng aking ulam. Pansin ko talaga na hindi muna siya kumakain hangga't di ako nakakakuha ng kakainin ko. I just shrug it off because maybe it's what they do in Russia, pero parang di ko naman napansin na ganoon si Tito Vladd kay Tita Aleah.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin