Behind His Angelic Mask

By PhoenixSawyer

44.4K 3.2K 214

An angel that turns into devil... Looks can really be deceiving... °°°°° Highest Ranking: # 15 in Yandere ... More

BEHIND HIS ANGELIC MASK
BEHIND HIS ANGELIC MASK - PROLOGUE
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 1
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 2
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 3
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 5
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 6
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 7
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 8
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 9
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 10
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 11
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 12
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 13
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 14
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 15
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 16
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 17
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 18
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 19
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 20
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 21
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 22
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 23
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 24
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 25
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 26
BEHIND HIS ANGELIC MASK - 27
BEHIND HIS ANGELIC MASK -28
BEHIND HIS ANGELIC MASK - EPILOGUE
THANK YOU NOTE
NEW STORY

BEHIND HIS ANGELIC MASK - 4

1.4K 118 9
By PhoenixSawyer

GETTING TO KNOW EACH OTHER

SHY EVANGELISTA

Nandito na ako sa labas ng bahay namin at hinihintay nalang si Xyril na lumabas. Maaga pa naman, it's 4:53 in the morning. Masiyado lang talaga akong excited kaya maaga talaga  akong gumising at naghanda.

Ayoko kasi paghihtayin si Xyril nakakahiya naman. Ako na nga yung nag-aya at sinabi ang oras ng meet up namin tapos malalate pa ako.

Napaaga naman masiyado gising ko kaya ako ang naghihintay kay Xyril pero ayos lang. Hindi naman ako naiinip dahil excited talaga ako. Staka maaga pa naman hindi pa siya huli sa usapan namin.

Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil narinig ko na ang pagtahol ni Xysa.

Binitawan ni Xyril ang tali ni Xysa staka sinarado ang gate ng bahay nila. Tumakbo naman papunta sakin si Xysa at bigla akong dinamba.

Natatawa naman akong sinalo siya kaya napahiga ako sa semento. Dinidilaan niya ang muka ko habang winawagayway ang buntot niya.

Medyo mabigat din si Xysa dahil ang laki niya ding aso pero keri naman. Nakakatuwa naman kasi siya. Umagang-umaga ang sigla at kulit na. Mas excited pa ata siya kaysa sa akin haha.

"Good morning Xysa, ang hyper muna agad umagang-umaga ah" natatawa kong kausap kay Xysa. Tumahol siya at dinilian muli ang muka ko.

Hinihimas ko naman ang katawan niya. Sarap din yakapin ni Xysa, ang lago ng balahibo parang teddy bear lang.

"Xysa come here" rinig kong tawag ni Xyril kay Xysa. Hindi siya pinansin ni Xysa at nagpatuloy lang sa pagdila sa muka ko.

"Tsk, you like her more than me now huh" rinig ko ulit na sabi pa ni Xyril.

Tinapik ko naman ng mahina si Xysa at sinenyasan na umalis muna sa ibabaw ko. Naintindihan naman niya yon at agad na umalis sa ibabaw ko at lumapit kay Xyril. Si Xyril naman ngayon ang kinukulit niya na wala paring reaksyon.

Tatayo na sana ako ng biglang nilahad ni Xyril ang kamay niya sa harap ko. Inabot ko naman yon at tinulungan niya akong makatayo. Ramdam ko pa ang higpit ng paghawak niya sa kamay ko. Pero hindi naman masakit.

"Good morning Xy" nakangiti kong bati sa kaniya ng makatayo na ako.

Medyo malapit ang muka namin sa isa't-isa kaya nagawa ko pang pagmasdan ang maamo niyang muka. Napansin ko ang itim na kulay sa ibaba ng mata niya. Hindi mo siya mapapansin agad pero kapag tinitigan mo ng malapitan makikita mo.

Parang hindi siya nakatulog.

"Hindi ka ba nakatulog?" Tanong ko sa kaniya at sinalubong ang walang emosyon niyang mga titig muli sakin.

Hindi niya ako sinagot at hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. Nanatili lang ulit siyang nakatitig sakin.

Nasasanay na talaga ako sa mga titig niya.

"Siguro excited ka kaya hindi ka nakatulog. Kunwari ka pang ayaw mo pero excited naman pala" pang-aasar ko sa kaniya.

Hindi parin siya nagsasalita at tinititigan lang ako. Parang pinag-aaralan niya ang buong muka ko.

Kinurot ko naman ang kaliwang pisngi niya gamit ang isa kong kamay na hindi niya hawak.

"Tigilan mo nga yang kakatitig mo masiyado sakin Xy. Iniisip ko tuloy na nagagandahan ka sakin kaya lagi mo nalang akong tinititigan" biro ko sa kaniya.

Walang parin siyang reaksyon

Tumahol naman si Xysa kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ko.

Nakaupo siya sa tabi namin at tinitigan kami. Ang cute.

Binalik ko ulit ang tingin kay Xyril na ganoon parin, nakatitig sakin.

Hinipan ko ang mata niya kaya napalayo ng konti ang muka niya sakin at napakurap. Napangiti naman ako, ang cute eh muka talaga siyang bata.

"Mag jogging na nga tayo, nasasayang yung oras" natatawa kong sabi, kinusot kasi niya ng isang kamay niya yung mata niya. Ang cute lang talaga.

"Xy bitawan mo na yung kamay ko"

Hindi niya ako pinansin at naramdaman ko na mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Xy, let go of my hands, kailangan na natin mag jogging"

Hindi parin niya ako pinansin.

"Ang kulit mo narin" sabi ko sa kaniya at pinilit na alisin yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Ayaw pa talaga niyang bitawan pero nagpumilit ako kaya wala na siyang nagawa at binitawan na ang kamay ko.

Parang ayaw pa niya akong pakawalan, ang kulit talaga.

"We need to do some stretching first para mahanda ang katawan natin. Gayahin mo nalang ang gagawin ko Xy" sabi ko sa kaniya at nag-umpisa ng mag stretching.

Hindi ulit siya sumagot at walang imik na ginaya ang ginagawa ko.

Napailing nalang ako, unti-unti na talaga akong nasasanay sa ugali at pakikitungo niya.

"Give some energy Xy para ma strech talaga ang katawan mo" sabi ko sa kaniya.

Ang lamya Kasi niyang mag stretching eh halatang walang gana.

Hindi ulit siya sumagot at sinunod ang sinabi ko.

Lihim akong napangiti, medyo malamya parin siyang mag stretching pero may konti naman na siyang energy.

°°°°°

Nakailang ikot narin kami ni Xyril sa buong subdivision. May mga nakakasalubong din kaming mga nag jojoging. Binabati ko ang iba na binabati kami. Si Xyril naman hindi pinapansin ang mga bumabati samin.

Pinagsabihan ko na siya na bumati din pero hindi nakinig at insnob lang ako.

Typical Xyril

"Xy, lagyan mo naman ng energy ang pag jojogging mo. Mukang pagod kana agad tignan dahil sa walang gana kang nag jojogging. Paano ka maeexercise niyan kung ganiyan ka. Dapat may energy ka staka enjoyin mo nalang. Ang saya kaya mag jogging" sermon ko sa kaniya.

Nakakawalo na kaming ikot sa buong subdivision at wala talaga siyang gana habang nag jojogging. Ilang beses ko na nga siyang sinita dahil ilang beses na naglalakad lang siya at hindi naman nag jojogging. Buti pa si Xysa may mas energy pa kaysa sa kaniya.

"I told you I don't want to jogging" walang emosyong sagot niya sakin pero pansin at ramdam ko ang inis niya.

"Para rin naman sayo ito eh, it will benefit you"

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy na ulit sa pag jojogging.

"So tell me about yourself Xy" umpisa ko ng usapan.

"There's nothing else I should tell about myself" sagot niya.

"Magsabi ka na kahit na maliit na detalye lang basta tungkol sayo para mas lalo pa kitang makilala. Magsasabi din ako sayo ng tungkol sakin" pagpilit ko sa kaniya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at parang walang narinig.

Lihim akong napabuntong hininga, kaya ko nga siya inaya para magkakilala pa kami. Gusto ko lang naman siyang makilala pa para matulungan at mas maintindihan ko siya. Nag-aalala lang naman ako sa kaniya. He's my friend and I cared for him.

"Don't you trust me Xy?" Tanong ko sa kaniya.

Napahinto naman siya bigla at walang emosyon akong hinarap. Tinitigan niya ako deresto sa mata. Sinalubong ko naman ang malamig at walang emosyon niyang mga titig.

Hindi parin siya umiimik at nanatili lang na nakatitig sakin.

"You don't trust me" ako na ang sumagot sa tanong ko.

Napansin ko na nagulat siya sa sinabi ko pero agad din niyang binalik sa walang emosyon ang muka niya.

"I understand you, hindi na kita pipilitin. Kakakilala palang natin kaya naiintindihan ko kung wala kang tiwala sakin. Sorry kung masiyado akong makulit at sobrang feeling close sayo" paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.

Umiwas na ako ng tingin at naglakad, nilagpasan ko siya.

Sa totoo lang nakaramdam akong lungkot at sakit. Maganda naman yung intensyon ko eh. He's now my friend at importante na siya sakin kaya gusto ko siyang tulungan.

Naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya ako magawang mapagkatiwalaan. Kakakilala palang namin, at napasobra ang pagiging feeling close ko sa kaniya.

Pero nakakalungkot at ang sakit parin eh.

Hindi ko na dapat siya pinilit sa ayaw niya.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na pinansin ang pagtahol ni Xysa.

Hindi pa ako masiyadong nakakalayo sa kanila ay napahinto ako bigla sa paglalakad dahil sa biglang may humila sa kamay ko kaya napaharap ako sa taong gumawa noon.

Bumungad sakin ang malamig niyang tingin at walang emosyong muka.

"I didn't say that I don't trust you Shy"

Kahit walang emosyon niyang sinabi yon ay naghatid parin ng saya sakin ang sinabi niya lalo na ng banggitin niya ang pangalan ko.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat na pagpigil niya saking umalis at sa saya na nararamdaman ko. Akala ko ay hahayaan nalang niya akong umalis pero heto siya at pinigilan ako.

Napabuntong hininga siya at seryoso akong tinitigan. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko na parang mawawala ako oras na bitawan niya ako.

"Fine, I'll tell you about myself. Just ask me a  questions and I'll answer it"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Are you sure? Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo talaga"

"I'm sure, just ask me a question"

Mas lalo pa akong napangiti, pakiramdam ko pinapayagan na niya akong unti-unting makapasok sa buhay niya.

Nawala bigla ang lungkot at sakit na nararamdaman ko at napalitan yon ng saya.

Hinila ko siya sa isang bench malapit sa kinatatayuan namin at umupo doon. Hinayaan ko narin na hawak niya ang kamay ko. Alam kong hindi niya na yon bibitawan ngayon kaya hinayaan ko na. Staka masaya talaga ako dahil pumayag siya na makilala ko pa siya ng husto.

"What's your favorite color and food?" Umpisa kong tanong sa kaniya.

Kunot noo naman siyang tumingin sakin at parang hindi makapaniwala sa tanong ko. Lihim naman akong natawa sa reaksyon niya.

"Are you serious?" Tanong niya

"Yup, I already know your name and your age. I want to know your favorite color and food" nakangiti kong sagot sa kaniya.

Napailing nalang siya at tumingin sa harapan.

"Black, adobong pusit"

"Woah, same tayo, favorite ko din yung adobong pusit" masaya kong sabi sa kaniya.

Hindi siya umimik pero napansin ko ang tipid na pagtaas ng gilid ng labi niya.

Teka, tama ba ang nakita ko?

Did he s-smile? For real?

Gulat akong nakatingin say kaniya at hindi makapaniwala sa nakita ko. Namamalikmata lang ba ako o talagang ngumiti siya?

Humarap ulit siya sakin pero hindi siya nakangiti at wala parin emosyon ang muka niya.

"What?"

Namamalikmata nga lang siguro ako. Pero, haist! Sayang akala ko talaga ngumiti na siya.

"What's your hobby/hobbies?" Sunod kong tanong sa kaniya at kinalimutan na ang imahinasyon kong nakita na pagngiti niya.

"Playing guitar, listening to music" napangiti ako, ang cool niya.

"Pwede mo ba akong turuang mag gitara? Hindi kasi ako marunong at gusto kong matutunan"

Tumango siya kaya mas lalo pa akong napangiti.

"When is your birthday?"

"August 9, 2000"

"Only son ka ba or may kapatid ka?"

"I have a twin, we're fraternal twin"

Nagulat naman ako sa sinabi niya, may kakambal pala siya, ang astig.

"Sino ang matanda sa inyo? Yung unang lumabas?"

"My twin"

"Is he a boy or a girl?"

"A boy"

Mas lalo pa akong nagulat, may kakambal siya at lalaki. Hindi ko tuloy mapigilan isipin kung anong itsura ng kakambal niya. Ano kaya yung personality niya? Katulad ng kay Xyril o opposite ni Xyril?

"What's his name?" Curious kong tanong

Nakita ko ang pagkunot muli ng noo niya at Ang saglit na pagdaan ng inis sa muka niya.

"Next question" naiirita niyang sabi.

Hindi ko na pinilit at iba nalang ang tinanong.

"Anong grade mo na? Kayo ng kakambal mo?"

"Senior high, 12"

Pareho lang pala kami

"Saan kayo nag-aaral"

"Private school near our subdivision"

Sayang naman magkaiba pala kami ng school. Sa public school kasi ako, hindi namin Kaya yung tuition fee sa private staka ayos din naman sa public school.


"Anong track niyo?"

"Mine Stem-Engineer, him Stem-Medicine"

Ang astig nila at ang talino, Stem sila at engineer and medicine.

"Do you have a girlfriend now or nagkaroon?"

"I don't have"

Hindi naman ako naniniwala, kahit na ganiyan siya imposibleng walang nagkakagusto sa kaniya at wala siyang nagustuhan. Ang gwapo niya kaya, best asset nga niya yung maamo niyang muka isama pa yung cold at serious type niya.
Parang mysterious effect ang dating niya.

"Weh? Wala talaga kahit ex?"

"Wala"

Natulala naman ako ng mag tagalog siya, first time ko siya narinig na magsalita ng tagalog. Grabe ang gwapo niya lalo kapag nagtatagalog Ang manly niya pakinggan.

"Bakit naman wala? Ang gwapo mo kaya. Panigurado madaming nagkakagusto sayo. Imposibleng wala"

"They're not my type"

"Edi wala ka pang nagugustuhan o minahal? Kahit crush lang?"

"None"

"NGSB ka pala haha" natatawa kong sabi. Hindi talaga kapanipaniwala na wala siyang naging girlfriend tapos ngsb pa.

Sinamaan naman niya ako ng tingin dahil sa bigla kong pagtawa. Nagpeace sign nalang ako sa kaniya at pinigilan ang sarili na tumawa pa. Baka mainis siya at hindi na sagutin ang mga tanong ko.

"What or who is your ideal girl?"

Hindi siya agad sumagot at tumingin sakin. Nagulat naman ako dahil may nakita akong kakaibang emosyon sa mata niya na hindi ko maintindihan.

"I just only want the girl who only caught my attention" seryoso niyang sagot habang deresto at seryoso akong tinititigan sa mata.

Nakaramdam naman ako bigla ng ilang kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"That girl is so lucky" wala sa sarili kong sabi.

"Yeah, but I'm so lucky to know her"

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Ramdam ko parin ang titig niya, bigla naman akong hindi mapakali.

Ano bang nangyayari sakin?

"Matagal na ba kayong nakatira dito?" Pag-iiba ko ng usapan.

Hindi siya agad sumagot pero naramdaman ko ang paglapit niya sakin at paghigpit lalo ng hawak niya sa kamay ko.

Para namang tumatambol ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

"Yeah, 7 years"

Hindi ko na pinansin ang pagtambol ng puso ko at pilit na umakto ng normal.

"What's your family business?"

"My father owns a company of cars and my mother owns a restaurant"

Ang yaman pala nila.

"Wala ka ba talagang naging kaibigan bukod sakin?"

"Yes"

"Bakit naman? Masaya kaya magkaroon ng kaibigan lalo na kung marami"

"I told you, I don't need it, they just irritate the hell out of me"

"Pero bakit pumayag ka na maging magkaibigan tayo?"

Tumingin siya sakin

"Because your different"

"Paanong iba?"

"It's only for me, next question"

Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Ipapakilala nalang kita sa best friend ko para madagdagan kaibigan mo. Mabait yon, magkakasundo kayo"

"No need, you is enough"

Ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko. Yumuko ako para hindi niya makita. Kainis naman eh, bakit nakaramdam ako ng kilig kahit na walang emosyon niyang sinabi yon?  Kainis!

"H-hanggang doon nalang muna, magtatanong nalang ulit ako kapag may gusto pa akong malaman. Ikaw naman ang magtanong sakin"

"Just tell it, I don't want to ask. Nakakatamad"

Siniko ko naman siya, ang daya niya. Wala naman siyang reaksyon sa ginawa kong pagsiko sa kaniya as usual.

Inumpisahan ko na ang pagkwekwento tungkol sa sarili ko.

"Only child lang ako, katulad mo ay senior high narin ako at graduating. September 4, 2001 ang birthday ko. Sa public school nga lang ako nag-aaral kasi hindi namin kaya ang tuition fee ng private school. Maayos naman sa public kaya okay lang na doon ako mag-aral. Nagtratrabaho si papa sa isang kompanya at may sarili namang pastry shop si mama. Kakalipat lang namin dito kahapon. Yung bahay na yon yung pinag-ipunan nila mama at papa. Tinutulungan ko si mama sa shop niya ngayong bakasyon dahil dagsaan ang costumers niya. Hindi sa pagmamayabang pero magaling at masarap Ang mga bake ni mama. Idol ko nga siya kaya ang kinuha ko sa senior high ay TVL Bread and Pastry. Gusto kong matutong magbake at maging katulad ni mama. NBSB din ako pero marami akong mga crush. Kpop fangirl din ako. Idol ko ang kpop boy group na BTS. Mahilig akong magbasa ng mga libro. I have a best friend, magkakilala at magkaibigan na kami mga bata palang kami. Sa kabilang subdivision siya nakatira. Wala din sila dito at nasa America para magbakasyon. Yun lang, magtanong ka nalang sakin kapag may gusto ka pang malaman sakin" pagkwekwento ko sa kaniya.

Natutuwa naman ako dahil tahimik lang talaga siya at nakikinig habang nagkwekwento ako.

"Your best friend, what's his/her name?" Tanong niya bigla matapos ng ilang segundong katahimikan.

"Secret, malalaman mo din kapag umuwi na siya dito at napakilala ko na kayo sa isa't-isa"

"Why don't you just tell it already? You don't need to introduce your best friend to me"

"Basta, ipapakilala Kita sa kaniya at doon mo Lang malalaman kung sino siya"

"Tss"

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Pinisil ko ang pisngi niya at hinayaan niya lang ako.

"Muka ka talagang bata Xy, ang cute cute mo" natutuwa Kong Sabi sa kaniya at mas pinanggigilan pa ang pisngi niya.

Hindi siya umimik at nagreklamo. Hinayaan niya lang akong panggigilan ang pisngi niya. Muka nga ring hindi siya nasasaktan kahit na namumula na pisngi niya. Wala parin talaga siyang reaksyon.

Binitawan ko na ang pisngi niya at namumula na yon ngayon. Lumawlaw din ng kaonti kaya mas lalo pa tuloy siyang naging cute at magmukang bata.

Kukurutin ko pa sana ulit siya ng hinawakan niya ang kamay ko at biglang niyakap sa bewang niya kaya nasubsob ang muka ko sa matigas niyang dibdib. Naamoy ko din ang panlalaki at mabango niyang pabango.

Niyakap niya din ang isang braso niya sa bewang ko. Nanatili paring magkahawak ang kamay namin.

Bigla akong namula sa posisyon naming dalawa at nagulat sa bigla niyang ikinilos.

"Behave" bulong niya sa tenga ko.

"Thank you for letting me know you more Xy" sabi ko sa kaniya at napapikit ng mariin dahil sa gulat at nahihiyang nararamdaman sa posisyon namin ngayon.

"Anything for you" bulong niya na kinatambol muli ng tibok ng puso ko.

What's happening to me?

You're so unpredictable Xyril.

Continue Reading

You'll Also Like

56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
25.6M 855K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
1.6M 27.4K 52
Just give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA
128K 4.2K 55
(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pi...