Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
SPECIAL CHAPTER🌿✨

EPILOGUE🌿✨

2.4K 58 15
By aefanfiction

Lahat naman tayo sa buhay mayroong bagay na hinihintay.

Madalas, itong mga bagay na 'to ay yung mga bagay na talagang sinasabi ng ating puso.

Sabi nga nila, hindi ka naman maghihintay sa isang bagay na hindi mo naman naramdaman na para sayo.

Pero minsan din dumarating tayo sa punto kung saan mapapagod tayo. Minsan, maiisip natin na baka hindi talaga ito ang inilaan ng Diyos para sa atin. Minsan, nagdududa rin tayo kung talaga nga bang darating pa yung hinihintay natin o sadyang umaasa na lang tayo sa isang bagay na kahit kailan ay hindi naman matutupad.

Madalas yun yung nagiging dahilan para sumuko tayo sa paghihintay at paglaban natin sa buhay. Hindi natin alam, ibibigay rin naman pala sa atin kung talaga lang na maniniwala ka.

Kasi hindi ka naman makakaramdam ng determinasyon umpisa pa lang kung talagang walang dahilan para umasa ka.

Pag sumuko ka ibig sabihin non hindi talaga yun para sa iyo dahil ibinibigay lang naman sa atin ang pag asa kung talagang nakalaan yun na isang araw ay makuha mo.

At kung lumaban ka, kahit na gaano pa kahirap, ibig sabihin lang non, may dahilan kung bakit lumalaban.

May dahilan kung bakit kahit na nakakapagod maghintay, nananatili ka.

Ito ang natutunan ko sa kwento namin ng taong kasama kong naghintay,lumaban at naniwala.

Ang taong inakala ko rin noon na hindi talagap para sa akin pero sa huli, siya pa rin ang ibinigay sa akin para makasama ko.

Dahil siya, ang greatest waiting ko.

"Pack up na po tayo! Salamat po!"

"Ma'am Angge! Naku ang galing niyo po sa closing prod niyo! Ang bongga niyo pa rin po talaga!"

Matamis akong ngumiti sa bumati sa akin na isa sa mga production assistant namin nang makababa na ako ng stage.

Katatapos lang ng show namin at ako ang nagperform para sa closing production number.

"Ay thank you po Kuya!" masiglang tugon ko naman.

"Naku hanggang ngayon pa rin talaga wala ka pa ring kupas. Iba pa rin talaga ang power ng nag iisang Angeline Quinto." sabi pa nung isa sa mga staff namin.

I smiled.

Ang sarap marinig na hanggang ngayon ay marami pa ring humahanga at naniniwala sayo kahit na lumipas na ang maraming taon.

Yun naman talaga ang ibig sabihin ng buhay showbiz.

"*ehem* Correction. Angeline Quinto-Santos. Mrs. Santos."

Bigla naman akong napatingin sa likuran ko nang marinig ko kung sino yung nagsalita kahit na boses pa lamang niya ay kilalang kilala ko na.

As in kilalang kilala. E paano ba namang hindi ko siya makikilala diba?

Asawa ko siya.

"Suuus eto nanaman po ang lovebirds ng show. Oo na po Mr. Santos, misis mo nga, hindi na kami kokontra." sabi pa nung staff na kausap ko sabay medyo tumawa pa.

Naramdaman ko namang tumawa din ang nasa tabi ko pagkatapos ay inakbayan ako.

"Aba dapat lang. Diba Mrs. Angeline Quinto... Santos?" sabi niya at tinaas baba pa ang kilay habang nakatingin sa akin.

Hindi naman agad ako sumagot sa sinabi niya bagkus ay tinitigan ko lang siya habang nakangiti kaya naman natawa siya.

"Oh hindi ka na nakasagot dyan. Hmmmn, sabi ko naman sayo diba huwag masyadong halata na inlove ka sa akin? Alam nating lahat yan pero huwag mo ipagalata, Love." mapanuyang sabi niya nang may kasama pang pagsmirk kaya ako naman ang tumawa.

"Ikaw talaga walang pinipiling lugar yung kapal ng mukha mo 'no?" pabirong sagot ko naman.

"Love, hindi kapal ng mukha yun, katotohanan lang ang mga sinasabi ko."

Sasagot pa lamang sana ako ulit dahil hindi talaga kami nagpapatalo sa isa't isa nang bigla na lang...

"Nanay, Tatay, I'm already tired. Aren't we going home yet?"

(A/N: Binago ko lang ang tawag sa kanila ng mga bagets kasi ayon sa isa sa mga marurupok kong friend ay mas nakakakilig daw hahaha lol btw eto si Arki noong baby pa siya with his parents of course. Pictures were edited for fan fiction use only. Sa susunod magkakatotoo rin 'to, magkakaroon rin sila ng totoong AngErik baby hihi)

Napalingon ako sa nagsalita na maliit pero seryosong tinig na nasa gilid namin. Agad naman akong napangiti.

Naku, ito nanaman ang mini version ng tatay niya.

Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap ni Erik at umupo sa harap ng poging bata na mukhang kanina pa pagod na pagod.

Kawawa naman, bata pa lang namulat na agad sa buhay showbiz.

Hinawakan ko siya sa pisngi "Kuuuh mukhang pagod na pagod na ang little Pogs ko ah. Pagod na ba ang baby ni Nanay?" sabi ko pa.

"Nanay, my name is Arki, not little Pogs. And yes, I'm already tired na." pagtatama niya naman sa akin.

Dahil doon ay natawa ulit ako. Hindi niya kasi talaga maintindihan kung bakit ko siya tinatawag na little Pogs.

At oo tama kayo, nage-English ang anak namin. Hindi ko rin alam kung paano nangyari pero proud ako na ako ang nagturo sa kanya.

"Ah basta, ikaw ang little Pogs ko forever, diba po Tatay?" sabi ko naman at bumaling kay Erik na kanina pa nakatitig sa amin.

Matamis namang ngumiti si Erik at tumango bilang sagot kasabay ng pagsabi ng "Hmmm, yes Nanay, forever."

I smiled and then looked at our son again "Okay po ba yun?" tanong ko sa kanya

"Hmmmn yeah." sagot naman niya sa akin at yumakap na.

"Aysuuus, naglalambing nanaman ang little Pogs ni Nanay. Halika na nga nang makauwi na." pagkasabi ko noon ay kinarga ko naman si Arki at magkasabay kaming lumakad ni Erik papunta sa dressing room.

Kanina habang nagpeperform ako ay nasa harap lang sila ng stage.

Nginingitian pa nga ako ni Erik at bumubulong siya ng "I love you."

Alam na alam niya talaga kung ano ang makakapagpalakas ng loob ko. At talagang nakakagaan sa pakiramdam na makita sila kasama ang maraming taong humahanga rin sayo.

It's been 5 years since Erik and I got married. Kung tutuusin, maiksing panahon pa lang yun kung ikukumpara sa kung gaano na kami talaga katagal.

Our son, Arkhin Rome, is now 6 years old. Thankfully, after ng kasal namin ay naging maayos naman ang takbo ng lahat.

Ang bilis talaga ng panahon, masaya ako na napalaki namin si Arki nang maayos sa kabila ng lahat ng problemang pinagdaanan namin.

Habang naglalakad kami, nakaakbay lang sa akin si Pogs.

Halos lahat na yata ng makakasalubong namin ay binabati kami.

Haaay, ito ang buhay namin. Lumaki na nga lang si Arki sa ganitong setup na stage at dressing room ang naging palaruan.

Erik and I are still in the showbusiness.

Pareho pa rin kaming mainstay sa isa sa mga regular shows namin at kabi kabila pa ring projects ang natatanggap namin.

Luckily, naging maayos naman ang pagtanggap ng mga tao sa naging mga desisyon namin sa buhay.

Hanggang ngayon, hindi pa rin kami makapaniwala na we surpassed it all and now we're still here.

Alam namin pareho na passion namin ang pagkanta kaya hindi namin magagawang bitawan ito.

Ilang beses ko na rin halos naisipang tumigil na lalo pa't hindi madaling pagsabayin ang pamilya at career pero never naman akong iniwan ni Erik kaya hanggang ngayon, nandito pa rin ako.

Music has always been our language and music had become our stars when we were lost. Music guided the two of us in finding our ways back in each other's arms.

Wala na talaga akong mahihiling pa. I already have everything in this life. Masaya ako kasama ang pamilya ko sa mundong pinili at binuo ko.

Sa totoo lang, wala na akong mahihiling pa.

Wala na akong hahanap-hanapin pa maliban na lang sa isa...

"Love?" nagtatakang tanong ko nang maibaba ko na si Arki sa upuan pagkarating namin sa loob ng dressing room.

At ayun, ang bata ay halos makatulog na.

"Hmmn?" tanging sagot naman ni Pogs na ngayon ay nakatutok sa cellphone niya.

Kumunot naman ang noo ko.

"Ano bang ginagawa mo ha?"

"Nagpopost ng picture mo." masaya pang sabi niya at ipinakita ang Instagram niya sa akin. Picture ko nga yun kanina.

Napailing na lang ako at kinuha ko ang cellphone niya. Talagang inuna niya nanaman yan.

"Lah, bakit?!"

Pero imbes na sumagot ay inikot ko ang paningin ko sa loob ng dressing room para makumpirma na wala nga dito ang hinahanap ko.

"Love, nasaan na?!" medyo kinakabahan kong sabi sa kanya at naglakad papalabas ng dressing room. Dahil naman doon ay nagbago ang reaksyon niya at tumingin na sa akin.

"Ano ba kasi yun, Love? Ano bang hinahanap m---"

"NASAAN NA YUNG ANAK MO?!"

Doon ay parang nabuhusan siya ng malamig na tubig at muntik pang mapamura dahil sa sinabi ko.

Walang anu-ano'y sabay kaming tumakbo palabas ng dressing room.

Halos takbo-lakad ang ginagawa namin habang naghahanap.

Kahit nakadress at heels pa ako ay hindi ko na ininda.

May nawawala nanaman pong bata.

"ANASTASIA?!" medyo pasigaw na sabi ko habang tumitingin tingin sa paligid.

"ASIA, ANAK?!" paulit ulit namang sabi din ni Pogs habang naghahanap din.

Halos malibot na namin ang buong building pero hindi pa rin namin nakita ang batang na hinahanap namin.

Halos linggo linggo na lang naming eksena to tuwing matatapos ang show.

Nang mapagod na ako sa kakasigaw at kakalakad ay tumigil muna ako saglit. Ganoon din ang ginawa ni Pogs sa tabi ko.

"Ikaw naman kasi e, dalawa yung anak mo, Pogs! Lagi mo bang nakakalimutan yun?! Bakit isa lang nanaman yung nabitbit mo?!" sabi ko pa at tiningnan niya nang masama.

Hindi talaga ako makapaniwala na lagi na lang nangyayari 'to.

Dalawang bata ang inaalagaan niya pero ayan, natakasan nanaman siya ng isa, pambihira!

Napakamot naman siya sa ulo na parang hirap na hirap.

"Kasunod ko lang yun kanina nung lumapit ako sa iyo. Kasama ko pa yun na nanonood, nakita mo naman?  Eeeeh, kaso..."

"Kaso ano?!"

"Eeeh--"

"NANAY! TATAY!"

Bago pa maituloy ni Pogs ang sasabihin niya ay nakarinig naman kami ng isang malakas na sigaw mula sa likod namin.

Sabay naman kaming napalingon dahil boses pa lang ay kilalang kilala na agad naming pareho ang batang iyon.

Tumakbo naman siya papalapit sa amin at masayang masaya na yumakap kay Pogs.

"Oh my God, Anastasia! Saan ka galing?" agad ko namang tanong sa kanya nang makalapit siya sa amin. Agad siyang kinarga ni Pogs.

Tiningnan ko siyang mabuti para icheck kung may nangyari bang masama sa kanya. Nang masigurado kong ayos naman siya ay hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at muling inulit ang tanong ko.

"Saan ka nanaman sumuot, anak? Pinag alala mo kami." sabi ko sa batang nakasuot ng minnie mouse na hairband at nakapink na dress.

Pero imbis na makaramdam ng kakaunting konsensya ang anak ko ay matamis niya lang akong nginitian bago sumagot.

Kamukhang kamukha niya rin ang tatay niya kapag ngumingiti siya.

"Nanay, I just talked with the Kuyas at the back stage. The ones who hold the wires and stuff. Kasi I am just wondering how do they work e. Ang babait po nila no, Nanay?" maganang sagot niya sa akin.

Napabuntong hininga naman ako sa sagot niya.

Wala nang bago, palaging ganito kami. Nung nakaraang linggo nawala din siya. Nakita na lang namin na nakikipag-usap siya sa mga make-up artists sa ibang dressing room.

(A/N: Anastasia Rhodeline Quinto Santos with her Nanay Angge and Tatay Erik hihi.)


Halos lahat na yata ng tao dito sa studio ay kakilala na niya. Magmula sa security guards, custodians, hanggang sa mga pinakamatataas na boss namin dito, lahat na yata nachika na nitong anak naming si Anastasia.

Oo, tama. Si Anastasia Rhodeline o Asia ay ang bunso naming anak ni Pogs. 4 years old na siya at sobrang kulit at daldal.

"You made Nanay and Tatay worried again, huwag ganon baby." sabi ko naman.

"Sorry Nanay, sorry Tatay. Promise I won't do it again. I just want to meet them lang naman. I love you Nanay, I love you Tatay!" sabi pa niya at niyakap pa kaming dalawa ni Erik.

Napailing na lang ako at maya maya ay ngumiti na rin. Sa totoo lang hindi ko naman siya magawang pagalitan dahil iyon talaga ang gusto niyang gawin.

Sa tuwing pinapagalitan ko si Asia ay pinapagalitan din ako ni Mama Bob. Palagi niyang sinasabi na bakit daw ba ako nagagalit e samantalang sa akin naman daw nakuha ni Asia ang ganoong ugali?

Minsan idinedeny ko pa sa sarili ko pero the more I think about it,tama nga naman ang mama. Imposible na kay Erik siya nagmana ng katigasan ng ulo, halatang sa akin siya nagmana. Para lang kaming gumawa ni Erik ng maliit na version ko ng sakit sa ulo.

Pero kahit na ganito kakulit ang batang 'to, mahal na mahal namin 'to ni Pogs. Siya ang prinsesa namin.

-----------------------

"WHERE do you want to eat?"

Tanong ni Erik habang nagmamaneho siya ng sasakyan. Nakahawak ang kanang kamay niya sa hita ko kaya alam kong ako ang tinatanong niya dahil pinisil niya ako.

Plano kasi naming magdate ngayon dahil Valentine's Day bukas. May trabaho kami kaya baka hindi kami makapagdate kaya naman mauuna na kaming dalawa.

Pero, magsasalita pa lang sana ako nang biglang...

"JOLLIBEE!"

Napatingin naman ako sa dalawang bata na sabay na sumigaw na nasa back seat ng kotse.

Ay? Okay.

Nakita ko ang biglang naging pagnguso ni Erik dahil dito.

"Nyay, mga di naman sila kasali." mahinang bulong ni Erik kaya natawa ako.

"Tatay, let's go to Jollibee for dinner!" sigaw pa ni Arki

"Yes Dad, we want chicken joy, ice cream and oh, spaghetti please!" sabi pa ni Asia na talagang inilapit pa ang mukha sa amin ni Erik. "Please Nanay."

Nilingon ko si Asia.

"Aruuu ayan na ang teknik nila." sabi ko naman at hinawakan ang mukha ng anak ko.

Wala na, finish na.

Nagkatinginan naman kami ni Erik.

Ang plano kasi talaga namin ay ihahatid namin silang dalawa sa bahay para makapagsolo kami. Apat lang kami ngayon sa kotse at ganito ang palagi naming setup tuwing Linggo.

Pero paano na?! Mukhang may excess baggage nanaman kaming dalawa.

"Paano ba yan? Ikaw kasi nagtatanong ka kaagad." sabi ko naman.

Natatawang napabuntong hininga na lang si Erik.

"Kailan kaya tayo makakapagdate nang matiwasay? Namimiss na kita." sumimangot pa si Erik.

I chuckled, "Hangga't hindi pa nagbibinata at nagdadalaga 'tong mga 'to mukhang tiis tiis lang muna. Sasama at sasama yan sa atin kahit saan tayo pumunta."

"Happy Valentine's na lang, Love." sabi niya at kinuha ang kamay ko para halikan.

Kasunod noon ay lumingon siya sa mga anak namin.

"Okay sige, Jollibee na kung Jollibee."

"YEHEY!"

WALA NA KAMING CHOICE kundi ang isama ang mga anak namin sa dapat sana ay date namin.

Ganito naman kami palagi. Madalas, sa tuwing may lakad kaming dalawa ay hindi rin namin matiis na hindi sila isama. Kahit nga minsan ay date dapat namin ay kasama pa rin namin sila.

Having a family is all about having all of them wherever you go.

Pero hindi naman kami nagsisisi ni Erik na ginawa namin itong dalawang 'to. Infact, mas masaya kami ngayon.

Kung dati ay madali kaming nakakatakas ni Erik kahit na hindi pa alam nang lahat ang tungkol sa amin, ngayon ay naging mas mahirap dahil ang dalawang makukulit na ito ang lagi naming bantay. Kapag gabi at aalis kami ni Erik ay palagi nang nakabantay sa amin ang dalawang yan para sumama. Minsan ay nakakapagsolo lang kami ni Erik kapag may event kami na magkasama kami kaya nakakadiretso kami sa pagddate nang wala silang dalawa.

Pero syempre, hindi naman kami sa Jollibee kumain. Nagdrive thru kami para bumili ng pagkain ng makukulit na bata at dumiretso sa isa sa mga paborito naming restaurants ni Erik.

Syempre date pa rin naman namin 'to, umepal lang silang dalawa.

Nang makapili na kami ng kakainin ay sandaling nagpaalam si Erik na sasamahan daw ang panganay namin sa CR kaya naiwan kami ni Asia.

Pero mahigit sampung minuto na ay hindi pa rin sila nakakabalik.

Ang sabi magc-CR lang, bakit ang tagal?

Abala si Asia sa pagtingin sa hawak niyang menu na akala mo naman ay marunong na talagang magbasa.

Nakakatuwa lang tingnan ang anak ko, hindi ko mapigilang hindi siya picture-an.

Habang busy naman ako sa pag iisip ng caption sa kung ano ang ilalagay ko sa picture ng anak ko ay biglang nagtext si Erik.

From: Love

Hi, Miss Angeline.❤

Kumunot ang noo ko dahil sa kalokohan niya. Anong arte nanaman 'to?

To: Love

Wrong send ka. Hindi na ako Miss. 5 years na.

Mabilis naman siyang nagreply. Ang taray ah, parang ganito din siya noong nagsisimula pa lang kaming magharutan ilang taon na ang nakararaan.

Sabagay, kahit ngayon naman. Hanggang ngayon, sanay pa rin kami ni Erik na sa tuwing magkalayo kami ay nagtetext sa isa't isa.

Old habits die hard sabi nga nila. Kung ano yung mga bagay na nakasanayan namin noong nag uumpisa pa lang kami, dala pa rin namin hanggang ngayon na may pamilya na kami.

From: Love

Oh. Siguro swerte ka sa napangasawa mo 'no?😇

I laughed, ang conceited.

To: Love

Chura buhat na buhat ang sariling bangko ah😅 Oo na, swerte din naman siya sa akin ah. Pero mamalasin siya kapag hindi pa siya bumalik dito ngayon na mismo. Gutom na ako, Santos🙄

From: Love

Lol. Kanina pa kaya ako nandito, ang busy mo kasi masyado sa iba mo kaya hindi mo man lang napansin na binalikan na kita. BOOOM!😎🤣 Tingin ka sa pintuan.

And I did as he said.

At doon, nakita ko si Erik kasama si Arkhin.

Kasabay noon ang pagtugtog ng kantang What Makes You Beautiful ng One Direction.

"Nanay, what's going on?" tanong naman nang madaldal kong anak na nasa tabi ko na napatigil din sa pag buklat ng menu na hawak niya.

Habang tumutugtog ang intro ng kanta ay dahan dahang lumalapit si Erik at Arki sa kinaroroonan namin.

Lumingon ako sa paligid.

May ilan kaming kasabay na kumakain kaya naman naagaw nila ang atensyon ng mga ito.

Nang dumating na sa chorus na bahagi nang kanta at halos nasa harap na silang dalawa ng table namin ay tumingin si Erik kay Arki.

"Ready? 1...2...3..."

Sabi ko na nga ba.

🎶Baby, you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it ain't hard to tell
You don't know, oh oh
You don't know you're beautiful🎶

Hagalpak ang tawa ko habang pinapanood silang dalawa. E kasi naman, si Erik lang naman at ang anak ko, sumasayaw.

Partida, may choreography silang dalawa pero parang halos hindi pa rin sila magtugma.

Mag-ama nga talaga.

🎶If only you saw what I can see
You'll understand why I want you so desperately
Right now I'm looking at you and I can't believe
You don't know, oh oh
You don't know you're beautiful, oh oh
That's what makes you beautiful🎶

Nang matapos ang chorus ng kanta ay talaga namang may ending pose pa sila.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Kahit tawang tawa ako ay syempre, pwede ba namang hindi ko papalakpakan ang mala-ASAP prod ng asawa at unico hijo ko?

Matapos non ay lumapit naman si Arki kaagad sa akin.

My little boy, nakakaawa naman, nadamay pa sa kalokohan ng Daddy niya.

"Baby ko, anong ginawa mo?" natatawang sabi ko sa anak ko.

"Am I good, Nanay?" tanong pa ng anak ko na parang proud na proud talaga sa ginawa nila ng ama niya.

"Yes! Good job ang Baby Pogs ng Nanay ah!" sabi ko at ginulo pa ang buhok niya tsaka siya niyakap.

"Mahaba pa sana yung sayaw namin Nanay eh kaso sabi ni Tatay, baka daw awayin mo na siya." bulong pa sa akin ni Arki sa akin.

I laughed, buti na lang hindi nila itinuloy.

"Okay lang, ang galing mo pa rin naman baby ko, muntik na kayong magsabay ni Tatay!" natatawa kong sabi.

Hindi ko talaga alam kung sino ang hindi nakakasabay, kung ang anak ba namin o si Erik.

"Para sayo Nanay. Happy Valentine's Day, I love you!" sabi naman nito at iniabot ang isang long stemmed rose sa akin.

Para naman akong maiiyak dahil sa ginawa ng anak ko.

Iba yung pakiramdam kapag sila mismo ang gumagawa ng mga ganitong bagay para sayo. Simple pero nakakakabog ng damdamin.

"Awwww ang sweet naman. Kiss nga si Nanay ng panganay ko!" sabi ko naman at kaagad na humalik ang anak ko sa akin.

"*ehem* Kiss nga rin si Tatay, Nanay."

Doon lang nabaling ang atensyon ko at napatingin kay Erik na nakatayo sa harapan namin.

I smiled at him.

"Ay oo nga pala ito nga pala ang totoong panganay ko!" biro ko

Kung meron nga naman akong unang naging baby ay itong lalaking nasa harap ko ngayon yun. Siya nga yata ang original na pasaway sa buhay ko.

"Happy Valentine's, Love!" sabi naman niya at iniabot ang isang box ng chocolates.

I gladly accepted it at doon niyakap ko siya.

"Walangya ka talaga dinamay mo pa yung anak mo!" sabi ko at hinampas siya sa braso.

Ngayon alam niyo na kung bakit mas pinili niyang maging singer?

"Ganon talaga, para naman hindi pangit panoorin, para cute kahit papaano." sagot niya at kinindatan pa ako, "May surpresa pa ako na alam kong talagang magugustuhan mo."

Tinaasan ko siya ng kilay, baka kalokohan nanaman 'to.

"Ano nanaman yan? Hindi ka pa tapos sa arte mo?"

"Hindi pa, at sure ako Love ito talaga yung makakapagpangiti sayo. Kasi lagi naman na sa tuwing nakikita mo 'to, heaven na heaven ang ngiti mo." parang nang aasar na sabi niya.

"Kinakabahan ako sayo Erik! Umayos ka!" sabi ko.

Hindi naman siguro siya gagawa ng kalokohan sa harap ng maraming tao at sa harap mismo ng mga anak namin diba?

Nginitian niya lang ako at sinenyasan ang isang waiter sa di kalayuan na may iniabot sa kanya.

Hindi ko na napigilang hindi tumawa dahil sa nakita ko.

Lumuhod pa si Erik sa harap ko at doon iniabot ang isang bouquet sa akin.

"Para sa nag iisang banker ng buhay ko, Happy Valentine's Day." he sweetly said.

Kitang kita ko kung paanong natawa din ang ibang mga tao nang makita nila ang bouquet na ibinigay sa akin ni Erik.

Napatakip na lang ako sa mukha habang patuloy sa pagtawa.

"Bwiset ka talaga!"

Dahil hindi lang ito ordinaryong bouquet.

"Oh diba tama ako? Talagang ito ang kasiyahan mo at sinasabi ng puso mo. Sarap sa eyes?" malokong sabi niya at tumabi na sa akin sa upuan nang makuha ko na ang bouquet.

Gusto kong ihampas sa kanya yung ibinigay niya pero narealize ko na oo nga naman, sayang.

Every Misis' happiness kaya ito.

"Walanghiya ka! Ginawa mo pa akong mukhang pera!" sagot ko na lang at umiling habang binibiling ang perang na nakalagay sa bouquet na puros 1000 peso bills, "Magkano lahat 'to?"

Tumawa din naman siya at niyakap ako. "50k yan Love, wag kang mag alala hindi kita dinuduga."

Natawa nanaman ulit ako kaya hinampas ko siya sa braso at yumakap na rin sa kanya.

"Nakakainis ka alam mo ba yun?" I laughed, "Salamat, Love. Alam na alam mo talaga kung anong gusto ko 'no?"

"Oo naman ikaw pa ba? Handa akong ibigay sayo ang lahat-lahat. Pag sinabi kong lahat-lahat, kasama na dun pati ATM ko at passbook ko." he said at hinalikan ako sa noo.

Nasa akin naman talaga ang ATM at mga credit card niya. Syempre, ako ang boss dito.

"Baby, akala mo ba si Nanay lang ang meron?" ngumiti si Erik kay Asia na nasa tabi ko at parang amazed na amazed pa rin sa mga nangyayari.

Kasunod noon, iniabot ni Erik kay Asia ang isang maliit na bouquet ng sunflowers na may kasamang mga favorite nitong Skittles.

"Wow! It's so beautiful, Tatay! Akin 'to?" sabi naman ni Asia habang nakatingin kay Erik.

"Yes baby. That's yours. Do you like it?" Erik leaned to look at Asia.

Nakatitig lang ako sa kanila.

"I love it!" hyper na sagot ng anak namin at inumpisahan nang buksan ang isa sa mga balot ng Skittles na nasa bulaklak.

Kaawa naman, hindi na nakauwi yung bouquet, nabawasan na kaagad.

"Let Tatay be the first one to give you flowers before anyone else could do it for you."

I smiled with that, parang gusto kong umiyak habang pinagmamasdan lang sila.

"But I'm not yet a lady. Actually, I don't care about the flowers, I'll give it to Nanay later. But I love the Skittles!" sagot pa ni Asia.

Okay medyo epic fail yun.

Nagkatitigan na lang kami ni Erik dahil sa sagot ni Asia at maya maya ay nagsalita ulit siya.

"Yes you're not but soon, you'll understand. You are Nanay and Tatay's princess, okay?"

Napangiti na lang ako.

Gusto ko kung paanong ipinaparamdam at nagbibigay ng halimbawa si Erik sa mga anak naming dalawa.

Talagang ipinagdarasal ko na lumaki si Arki na kagaya ng tatay niya. Hinintay ako ni Erik nang maraming taon at mas nakilala ko siya dahil doon.

Ipinapakita niya kay Arki kung ano ba talaga dapat ang isang lalaki, kung paano niya dapat rumespeto ng mga taong mahal natin. Nagiging mabuting halimbawa siya sa anak namin.

Samantalang kay Asia naman, ipinaparamdam niya ang kahalagahan nito dahil umpisa pa lang. It's amazing how he instill values on these two children by making them feel loved.

Erik is indeed a good father at alam ko naman na umpisa pa lang noon na he will really be a good one.

Hindi ako kahit kailan nagsisi na naging Santos ang mga anak ko pati na rin ako.

Sobrang swerte naming tatlo dahil may Erik Santos kami sa buhay namin.

------------------------

"TAPOS Wowa we ate at Nanay and Tatay's favorite restaurant. Tapos aaaay Tatay and Kuya danced grabe nakakatawa sila dun."

"Uy hindi kaya kami nakakatawa ni Tatay. Sabi pa nga ni Nanay we did great, diba Nanay?" nilingon pa ako ni Arki kaya naman tumango ako habang isa-isang inaabot kay Erik ang mga pinamili namin kanina bago umuwi galing mall.

"Eh basta. Tapos kamo wowa Nanay and Tatay bought us new toys. Pero sabi ni Nanay tig isa lang daw kami ni Kuya kasi daw marami na kaming toys. Bumili ako ng bagong cooking set! Play tayo mamaya wowa ah?"

"Oo na, sige. Naku napakadaldal mo talagang bata ka. Mana ka sa nanay mo. Tapos, ano pa?"

"Tapos Wowa..."

Napailing na lang ako dahil sa kadaldalan ni Asia. Matapos ang napakahabang hanapan at trabaho buong araw at ang gala naming apat, sa wakas ay nakauwi na rin kami sa bahay.

Pagkadating na pagkadating pa lang namin sa bahay ay agad na tumakbo si Arki at Asia kay Mama Bob na as usual, busy lang sa panonood ng TV.

Inabutan din ni Arki at Asia si Mama Bob ng bulaklak at binati ng Happy Valentine's Day.

Pagkakitang pagkakita pa lang ni Asia sa lola niya ay agad na siyang nagkwento kay Mama Bob ng mga nangyari sa buong araw niya habang si Arki naman ay sumiksik at yumakap lang kay mama habang nakatingin lang sa kapatid niya na walang tigil sa pagsasalita. Sobrang malapit silang dalawa kay Mama Bob, sobra silang mahal ni Mama.

Magkaibang magkaiba si Arki at Asia.

Si Arki yung tipo ng bata na makulit pero sobrang tahimik at reserved. Parang si Erik.

Kumbaga, para talaga siyang pinabatang version ni Erik lalo pa't sobrang magkamukha silang dalawa.

Samantalang si Asia naman yung batang madaldal at parang hindi nauubusan ng energy.

Bagama't pareho namang friendly ang dalawang anak namin, si Asia yung tipo ng bata na mas mahilig mag approach at curious sa maraming bagay. In short, parang ako.

Kaya nga tuwang tuwa ang mga kasamahan namin sa trabaho sa tuwing isinasama namin sila.

Sa tuwing may individual project kami ay mas madalas kong naisasama si Arki at si Pogs naman ang nagsasama kay Anastasia.

Pero kung tutuusin, kahit na halos kaugali ko si Anastasia, hindi maitatanggi na si Erik pa rin ang mas kamukha niya kagaya ni Arki.

Though may nakuha naman silang dalawa kahit papaano sa akin kagaya ng ilong, kapag nakita mo si Arki at Asia, hindi talaga maipagkakaila na si Erik Santos ang tatay nila.

Isa pa ay sabi naman nila ay magkamukha daw kami ni Erik so sige, kamukha ko na rin silang dalawa.

Umupo ako sa katabing couch habang pinapanood sila. Aliw na aliw naman si Mama sa mga apo niya.

Napangiti na lang ako. Parang dati lang, halos kada magbbirthday na lang ako hinihiling ni Mama na mag asawa na ako para makita niya na ang mga magiging apo niya sa akin.

Ngayon, ganito na ang araw-araw naming buhay at masaya ako na makita si Mama na masaya sa piling ng mga anak namin ni Pogs. Mula noong dumating si Arki sa buhay namin ay hindi na ako ang paborito ng Mama Bob dahil mas minahal niya na ang anak ko lalo pa nung ipinanganak ko na si Asia.

Nang maggabi naman ay umupo lang kami ni Pogs kasama ang dalawang anak namin sa may veranda.

Nakasanayan na kasi namin ang ganito.

Para sa amin kasi ni Erik, mahalaga na maenjoy namin ang mga oras na kasama namin ang mga anak namin habang lumalaki sila kahit pa madalas yung mga oras na yun, kakaunti lang.

Sa tuwing wala kaming trabaho, sinisigurado namin na kami ang nag aasikaso sa kanila.

Hangga't maaari, kami ang naghahatid sundo kay Arki sa school at nagbabantay kay Asia kahit pa nandiyan naman si Ate Irene para alagaan sila.

Kung minsan nga lang ay kailangan talagang iwanan namin sila kay Mama Bob at kela Nanay Litz sa tuwing umaalis kami at hindi namin sila pwedeng isama.

Tuwang tuwa naman sila sa mga anak namin. Pero sa tuwing may show kami sa abroad, sinisigurado namin na maisasama namin silang dalawa tutal ay magkasama rin naman kaming dalawa sa shows.

Sa uri ng trabaho na mayroon kaming dalawa, sobrang hirap humanap ng oras para sa pamilya pero nangako kami na hindi namin hahayaang mawalan kami ng panahon para sa mga anak namin.

Oo, artista kami. Pero higit doon, nanay at tatay din kami sa mga batang ito.

Habang nakaupo kami ay hindi namin naiwasang mapag-usapan ni Pogs ang tungkol sa trabaho nang bigla na lang sumingit sa usapan namin si Asia.

"E paano nga daw ba yun Pogs, hindi ba---"

"Nanay?! I have a question." sabi ni Asia at itinaas pa ang kamay niya na animo'y nagrerecite.

"Ano yun baby ko?" tanong ko naman sa madaldal kong anak bago uminom ng kape.

"Why do you always call Tatay "Pogs"? What does it mean po ba?" curious na tanong niya.

Talagang inemphasize niya ang tono ko ng pagsabi ng palayaw ko sa Tatay niya.

"Yeah Nanay. Palagi mong tinatawag na Pogs si Tatay. Hindi po ba Tenten ang nickname niya kasi yun ang tawag sa kanya nila MommyLa?" pag sang ayon naman ni Arki sa kapatid niya.

Dahil doon ay nagkatinginan kami ni Pogs at sabay na tumawa. Nakita ko namang kumunot ang noo ng magkapatid.

Lalo silang nagiging kamukha ni Pogs kapag ginagawa nila yan.

Sana kasi diba kamukha ko rin?

"Alam niyo mga anak, ang dami niyong tanong." natatawa pang sabi ni Erik at sumandal sa kinauupuan niya bago niya ako hinila para sumandal din sa dibdib niya.

Tiningnan ko lang ang reaksyon ng dalawang anak namin.

"It's because we don't know. Is it bad to ask?" sagot naman ni Asia kay Erik kaya natawa na lang ang asawa ko sa kanya.

"Oh edi tameme ka?" baling ko naman kay Erik.

"Attitude, mana talaga sayo." bulong naman ni Erik sa akin.

Wow ah, sa akin talaga?

Ganyan siya, kapag magagandang katangian, sa kanya nagmana. Pero pag hindi, sa akin.

"Hmmmn Pogs." panimulang sabi ko sabay tingin sa mga anak namin. "Pogs, meaning pogi. Yun ang tawag ko kay Tatay niyo noon kasi pogi siya, tama naman diba?"

Naalala ko naman yung unang beses na tinawag ko siya ng Pogs.

Hiyang hiya pa ako noon dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya dahil noong una, kuya naman talaga ang tawag ko sa kanya. Yung kuya na naging pogs na naging love sa paglipas ng panahon.

Kaya wag kayong mawalan ng pag asa, malay niyo yung tinatawag niyong Kuya ngayon... Wala lang. Kuya niyo pa rin bukas.

Tumawa naman si Pogs pagkatapos ay tumingin din sa mga anak namin na busy sa pagkain ng chichirya.

"Alam niyo kasi si Nanay niyo noon crush na crush ako niyan. Palagi nga yang nakatingin sa akin noon e. Kaya poging pogi siya sa akin kaya ayun, pogs ang naging nickname ko sa kanya. Tapos siya naman ang tawag ko sa kanya, Sexy kasi sexy siya at maganda. Pero crush niya talaga ako noon pa man."

This time, napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Aba...

"Alam mo Mr. Erik Santos, hindi ko din talaga alam kung saan mo nakukuha yang kapal ng mukha mo para sabihin yan. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang unang lumapit sa akin noon." sabi ko naman sa kanya.

"Hmmn pero crush mo na ako bago pa kita nilapitan. Kaya nga kinilig ka nung una kitang kinausap hindi ba?"

"Hoy hindi no! Malungkot kaya ako noon! Ang assuming nito!" hinampas ko siya sa braso.

Forever habit ko na yata to sa asawa ko.

Nakakatawa lang, kahit na sobrang tagal na namin ay mga bagay pa rin kaming hindi mapagkasunduan.

Kagaya na lang kung paanong nag umpisa ang love story naming dalawa. Walang gustong aminin kung sino ang unang nagkagusto sa isa.

"Kinilig ka, Love. Huwag mo nang ideny. Okay lang yan." mayabang na sabi niya.

Bakit ba pinipilit kasi niya?

"Hindi nga sabi, ang kulit mo."

"Oo nga---"

Napatigil na lang kami sa pagtatalo nang maramdaman namin ang titig ng dalawang bata sa harapan namin. Parang nahiya naman kami sa mga anak namin bigla.

"Uhm Pogs. Kasi Pogi. Yun na yun nak." sagot ko na lang at natawa kami ni Pogs at nag apir.

Para namang lalo lang naguluhan ang dalawang anak namin sa pagtatalo namin.

Di bale, tsaka na lang namin ipapaliwanag kapag malaki na sila. At kapag nafinalize na namin ni Erik kung sino ba talaga ang unang nainlove sa amin.

Pero alam ko kasi talaga na siya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa amin ni Pogs yung mga ugaling mayroon kami nung mga panahong nagsisimula pa lang kami.

Bagama't sobrang bihira na ay nagtatalo pa rin kaming dalawa. Mahilig pa rin kaming mag asaran tungkol sa mga walang kakwenta kwentang bagay. Umpisa pa lang naman ay sinasabi na sa amin ni Yenggay na normal lang naman daw ang mga ganoon pagdating sa pag aasawa.

Pero kahit na ganoon, kahit sobrang dami na ng pinagdaanan namin sa ngalan ng pakikipaglaban namin para sa pag ibig namin para sa isa't isa, Erik and I still made it. Afterall, it's still me and him.

"Nanay, sabi po pala ni Teacher may Family Day next Friday. Pupunta po kayo diba?" biglang sabi ni Arki.

Sandali kaming nagkatinginan ni Erik.

"Friday next week daw, Love."

"May... Davao ako nun, Love." medyo mahinang sagot naman ni Erik.

Nilingon ko ang anak namin. Mukhang alam niya na ang sasabihin ko pero nanatili lang siyang nakatitig sa amin.

"Uhm baby, kasi work nun si Tatay. So baka si Nanay lang ang sasama sayo at si Tito Dy, okay lang ba yun nak?"

Medyo sumimangot si Arki. Naiintindihan ko naman siya, hindi talaga namin madalas napupuntahan yung mga ganitong events dahil sa trabaho namin.

"Last year si Nanay ang wala, tapos ngayon si Tatay naman." malungkot na sabi no Arki.

Parang bahagyang nadurog ang puso ko dahil sa reaksyon ng anak namin. Ito yung dahilan kung bakit minsan iniisip ko na tumigil na lang sa pagkanta para mas mabigyan ko sila ng maraming oras.

Pero kahit na ganoon, alam ko naman na bata pa ito kaya marami pa itong tampo.

I heard Erik sigh.

"Sorry, Kuya. Pero huwag kang mag alala, promise ni Tatay gagawa ako ng paraan. I will try to come, okay po?" sabi ni Erik kay Arki.

Bahagya akong napangiti.

Alam ko na kapag sinabi yan ni Erik sa mga anak namin ay totoong gagawa siya ng paraan. Our work is important but our children is our utmost priority in life.

"Okay, I love you Nanay, Tatay." muli namang sumigla ang boses ni Arki.

"Asuuuus tara nga dito, hug niyo nga si Nanay at Tatay!" sabi ko at mabilis na sumiksik sa amin ang dalawa naming anak.

"Yehey, group hug!" sigaw naman ni Erik

"Love kayo ni Nanay at Tatay ha? Huwag niyo kakalimutan yan palagi." I hugged the three of the most important people in my life.

My son, my daughter and my husband.

Kuntento na ako sa ganitong buhay na kasama lang sila.

"Nanay, Tatay, last question na." biglang sabi muli ni Asia habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa.

"Di ka ba nauubusan ng tanong, bunso? Ano yun?" naiiling na sabi ni Erik.

"When are we going to have a new baby? Gusto ko na ng baby sister, Tatay!"

Kung kumakain lang ako, baka nabilaukan na ako. Kung makahiling naman itong anak ko parang humihiling lang na bilhan ng tuta.

"Ano nga yun ulit, anak?" di makapaniwalang sabi ko sa sinabi ni Asia.

"I want a baby sister po, Nanay." she even pouted

"No, gusto ko baby brother." tutol naman ni Arki.

"I want a sister!"

"Brother!"

"Sister nga kasi ang gusto ko, Kuya!"

Nagkatinginan na lang kami ni Erik habang nagbabangayan ang dalawang anak namin.

Mygahd, talaga bang gusto nila ng isa pa?

"Oh tama na baka magkapikunan pa." saway ni Erik

"But I want a new kapatid, Tatay!" pagtatantrums ni Asia.

"Me too!" sabad pa ni Arki.

"Saan niyo naman nakuha yan?" tiningnan ko pa nang masama si Erik.

He shrugged, "Oh tingin kaagad, hindi ako nagturo niyan ha." depensa niya.

"E kasi Nanay yung classmate ko sabi niya sa akin may bago daw silang baby. Gusto rin namin ng baby, Nanay." inosenteng sagot ni Arki.

"Oo na, oo na. Huwag kayong mag alala. Gagawa na ng bagong baby si Nanay at Tatay."

"Really?!?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Erik. Seryoso ba siya?!

"Huh? Wow, ayos ah." sabi ko naman. "Parang gagawa ka lang ng laruan."

Malokong ngumiti si Erik sa akin, "Kaya sabihin niyo kay Nanay, huwag na siyang mag inarte para makagawa na ulit kami ng bago niyong kapatid."

"Pogs!"

Talagang sinasabi niya yan sa mga anak namin, nakakaloka lang.

"Hmmmn diba Nanay sabi mo noon galing kami ni Kuya sa tummy mo?" tanong ng maganda kong anak.

"Yes baby, galing kayo dito oh." sabi ko at humawak sa tiyan ko.

She amusingly looked at me. "E paano kami napunta diyan sa tummy mo, Nanay? Paano kami nagkasya sa tummy mo?"

I was stopped for a while. Okay, hindi pa ako prepared sa ganitong mga tanong, bakit naman ang aga?

"Uhm ganito kasi yun anak..."

Pero bago pa man ako makasagot ay nagsalita na si Erik.

"Si Tatay ang naglagay diyan sa inyo sa tummy ni Nanay, baby."

WAIT, ANO DAW?!?

Nataranta naman ako nang lalong kumunot ang noo ng anak namin.

"Huh? Paano?" Asia asked again

Simpleng nag-shrug lang si Erik, "Ginawa namin kayo ni Nanay, kayong dalawa ni Kuya noong mga baby pa kayo."

Napaface palm na lang ako. Kung anu ano talagang sinasabi ni Erik, paano niya lulusutan 'to?

"E paano ba ginagawa ang baby, Tatay?"

I saw Erik glanced at me. Bumuntong hininga ako, kung anu ano kasing sinasabi.

"Ganito kasi yun baby, diba love ni Nanay at Tatay ang isa't isa?" I asked.

"Opo, nagkikiss nga kayo lagi eh. Ganoon ba ginagawa ang baby?" nakakunot ang noo na sabi ni Arki.

Sandaling napapikit ako dahil nauubusan na ako ng isasagot sa mga batang 'to.

"Hindi lang yun ganon, Kuya. Kapag ang dalawang tao, love ang isa't isa, nagiging happy si Jesus. kaya sila ng gift. Isang gift na sisimbolo sa love na meron sila. Yun ang baby. At dahil love namin ni Tatay ang isa't isa, binigyan kami ng dalawang regalo ni Jesus. Una, ikaw Kuya Arki. Lumaki ka sa tummy ni Nanay dahil love ka namin pareho ni Tatay. Tapos susunod, ikaw naman Asia. Kaya nagkakaroon ng baby kasi bigay siya ni Jesus. Ganoon po yun." mahabang sabi.

"Woaaaaaaah!" sabay na sabi ng dalawang anak namin dahilan para makahinga ako nang maluwag.

"Ang galing ni Nanay ah. Tama yun mga anak ganoon nga yun." natatawa ring sabi ni Erik

Pasimple ko siyang inirapan kay natawa siya lalo.

Kahit kailan talaga, pahamao siya.

Maya maya pa ay nagyaya nang matulog ang mga anak namin. Isa isa namin silang ihinatid sa mga kwarto nila.

Pagkatapos noon ay pumasok na kami sa kwarto namin at naligo naman ako. Paglabas ko ng banyo ay narinig kong nasa terrace si Erik at may kausap sa telepono.

"Okay okay. Thank you so much, I'll tell her the good news right away. Thank you very much." narinig kong sabi niya bago niya ibinaba ang tawag.

"Love? Ano yun?" pukaw ko sa pansin niya habang naglalakad palapit sa kanya sa terrace.

Napansin ko naman na abot tenga ang ngiti niya kaya mas lalo akong nahiwagaan sa kung anuman ang mayroon.

"Love! Congratulations!" sabi niya sa akin at biglang niyakap ako.

Huh?

Gulong gulo man ako ay niyakap ko din siya pabalik. "Bakit? Ano bang meron? Nakakagulat ka naman sa pacongrats, Love."

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi bago nakangiting sumagot. "Confirmed na yung part 3 ng concert natin, Love! May KQ part 3 na tayo!" sabi naman niya sa akin.

O.O

"TALAGA BA LOVE?! OH MY GOD! THANK YOU LORD!!!" napasigaw din ako sa tuwa dahil sa ibinalita niya.

Dahil doon ay niyakap ko siya pero hindi ko ineexpect na bubuhatin niya ako magpapaikot ikot kami sa sobrang tuwa.

"Ang saya! We can do this again Love! woohooooo! AngErik is real!" sabi niya at sumigaw pa ulit.

AngErik.

Ang sarap pakinggan.

Nakakatuwa lang, it's already past a decade pero hanggang ngayon, AngErik pa rin kami.

Yes, we may not be the same AngErik as before dahil ngayon totoong may babies na kami pero we are still that two person who fell inlove many years ago.

Being a loveteam is never easy. Hindi lahat nagcclick, hindi lahat nagiging tagumpay. Pero para samin ni Erik, the ship really sailed.

16 years ago, wala akong ideya na magiging ganito lahat. Dati, ang tangi ko lang inaasam ay mabigyan si Mama Bob ng magandang buhay.

Akala ko noon wala nang mas importante pa sa pagkakaroon ng marangyang buhay at magandang karera.

Never thought that God would give me more than what I've been wishing for.

Many years ago, hindi namin inaasahan na musika ang maglalapit sa aming dalawa.

Who would've thought that Erik and I would still end up together sa kabila nang lahat ng mga pinagdaanan naming dalawa?

Ilang beses din kaming napagod at muntik nang sumuko, maraming tao na ang dumaan sa buhay namin para subukin ang pag ibig namin sa isa't isa pero sabi nga sa isa sa mga kanta naming dalawa "My heart may go searching every sky but their stars have fallen in your eyes.".

I know that 16 years is still too short to say that we really made it. Alam ko na marami pa kaming pagdadaanang mga pagsubok at mga problemang haharapin. Pero alam ko na kahit na anong mangyari, magkasama naming haharapin ang lahat nang iyon. Magkahawak ang kamay.

This time, we won't hide. This time, we'll be braver.

Matapos ang sobrang kasiyahan ay niyakap ako nang mahigpit ni Erik habang sabay kaming napatingin sa kalangitan.

Ang daming bituin. Nakakatuwa lang, napakalaking bahagi ng bituin sa buhay naming dalawa. At ang mga bituin na yan, para rin kaming dalawa.

We shine bright on the darkest clouds. Siguro pareho kaming nag-iisip sa mga nangyari sa amin magmula nung magsimula kami.

Magmula sa araw na una kaming nagkita, naging host siya ng sinalihan kong contest, nagkadevelop-an, hindi sinasadyang naging loveteam sa mata ng ibang tao.

"Love sa tingin mo, kung hindi kaya nabuo si Arki, ano kayang mangyayari sa ating dalawa? Kasal pa rin kaya tayo kagaya ngayon?" tanong ko sa kanya out of nowhere.

Naisip ko lang.

Nagbago ang buhay namin magmula nang dumating si Arki. Lahat ng mga desisyon ko sa buhay noon, biglang nagbago.

Pero kahit na ganon, alam ko ngayon na tama ang mga naging desisyon ko sa buhay.

At ngayon, dalawa na sila. May Arki at Asia na kami.

Tiningnan niya ako habang nakayakap pa rin siya sa akin mula sa likod.

"Oo naman. Tingin ko madedelay lang si Arki pero asawa pa rin kita. Bakit, tingin mo ba talaga noon susukuan kita? Syempre hindi 'no, alam kong akin ka kaya hindi ako papayag na mapunta ka sa iba."sabi niya sa akin

"Oh talaga ba? Kahit na nireject ko yung alok mong kasal noon?" sabi ko pa

Hindi lang naman siya isang beses na nagyaya sa aking magpakasal, maraming beses. Hindi ba nga palagi niya akong niyaya noon na magpakasal sa kanya sa tuwing nalalasing siya?

"Oo!" diretsong sabi niya at niyakap ako nang mas mahigpit at ipinatong niya ang mukha niya sa balikat ko. "Alam mo asawa ko, matagal ko nang planong alukin ka ng kasal sa araw na alam kong pwede na. Pati si Arki kasali na sa plano ko noon pa man."

Napakunot ang noo ko. "Ano?"

Narinig kong tumawa siya nang mahina bago ulit nagsalita. "Syempre sinigurado kong hindi ka na makakatakas sa akin."

"So talagang nasa plano mo na mabuntis ako noon?!"

"Hmmmn oo. Diba sabi ko naman sayo noon pa lang, napaghandaan ko na yun. Ikaw lang eh nag inarte ka, hindi mo kaagad sinabi." sabi niya at malokong ngumiti sa akin.

"Kasalanan ko pa ganon?!" hindi ko makapaniwalang sabi.

Muntik nang masira ang career ko dahil doon tapos malalaman ko na lang na plano niya talagang anakan ako noon?

Ibang klase talaga tong lalaking 'to! Kaya pala lagi niyang sinasabi sa akin noon na sa kanya lang ako.

"Mahirap na, baka bigla ka pang lumiko papunta kay Marionn. Hanggang ngayon umiinit pa rin ang ulo ko sa tuwing naaalala ko siya." sabi naman niya

Tumawa na lang ako sa sinabi niya. Haaaay ang asawa ko talaga. Nga pala, ninong ni Arki si Marionn.

Matagal na pilitan ang nangyari noon para mangyari yun pero sa maniwala man kayo o sa hindi, magkasundo na si Erik at Marionn ngayon. Katunayan nga niyan ay business partners na sila.

Yun nga lang, sa tuwing ganito ang usapan ay hindi pa rin talaga nawawala ang pagiging seloso ng asawa ko. Jusko naman, halos anim na taon na yun, hindi pa rin siya nakakamove on e nakadalawa na nga kami?

"So crush na crush mo talaga ako noon pa?" biro ko sabay humarap sa kanya.

Nakangiti naman siyang umiling sa akin. "Hindi."

"Weh? Mamatay man lahat ng kuko sa paa, Erik?"

"Oo mamatay man. Hindi nga. Alam mo naman na si Keia ang crush ko noon hindi ba? Ang ganda kaya niya, hanggang ngayon nga crush ko siya e."

Dahil sa sinabi niya ay kumunot ang noo ko at para bang gustong lumabas ng Angeline na taga Sampaloc na magaling manapak ngayon na mismo.

Gusto ko siyang ihulog sa baba para bumagsak siya sa swimming pool. Kaso ayoko namang lumaki na walang tatay ang mga anak ko.

Talagang sinasabi niya yan sa akin ngayon kung kailan dalawa na ang anak niya? Nagagandahan siya sa impakta na yun?

"Ganda? Hah. Saan banda? Pwede ba Erik, tigilan mo ako sa ganyang arte mo." I rolled my eyes.

"Hahaha hindi ka talaga papatalo 'no? Nagseselos ka pa rin yata kay Keia, misis ko ah." pang aasar niya sa akin.

"Keia?! Hanggang ngayon talaga ha? Baka naman malaman ko na lang babae mo pala siya?"

He laughed.

"Eto naman, biro lang hindi ko na siya crush ngayon. Tsaka saglit lang naman yun kasi sayo talaga ako laging napapatingin dati eh." sabi naman niya, "Pero dati crush ko siya."

Pinaningkitan ko siya ng mata.

Ayos na sana eh, dinagdagan pa.

"Oo eh ang sweet mo pa nga sa kanya noon diba?! Ang sarap niyo ngang pagbuhulin e." diretsong sabi ko naman "Diyan ka na nga! Inaantok na ako, text mo na lang yang Kei mo baka hinihintay ka pa rin niyan hanggang ngayon!" sabi ko sabay hampas ng cellphone niya sa dibdib niya.

Speaking of Keia, nandito pa rin naman siya sa Pilipinas.

Ipinagpatuloy niya ang career niya sa theater at paminsan minsan ay sa showbiz pa rin.

Okay na rin kami, wala nang bitterness kasi hindi na naman talaga dapat.

Marami ring itinuro sa akin ang pag eksena nilang lahat sa buhay namin. Atleast natuto kaming ipaglaban ang isa't isa mula noon.

Narealize ko na hindi ko kayang makita si Erik sa ibang babae dahil siya ang lalaking nakikita ko sa pangarap ko na kasama kong mag aalaga ng mga magiging anak ko at talaga ngang nagkatotoo.

Hay nako nakakairita talaga 'to minsan.

Pero bago pa ako makalayo ay hinila niya na ako pabalik sa kanya at saka masuyong hinalikan sa labi.

"Wala pa rin namang papantay sayo. Ikaw lang ang mahal ko." sabi niya bago ulit ako hinalikan. This time, mas malalim na at mas matagal.

Matapos ang mahabang sandali ay inilayo niya na ang mukha niya sa akin habang nanatili pa ring hawak hawak ang pisngi ko. I saw him smiling while looking at me.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Hmmmn, kailan nga yung concert next year, love?" tanong niya naman sa akin.

"April, diba?" sabi ko naman

Bigla siyang bumulong nang mahina na para bang nagbibilang.

"March, April, May, June.... mahigit 14 months pa. Hmmmn pwede pa." sabi niya habang nakangiting nakatingin sa akin.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya "Anong pwede pa?"

Bigla namang naging maloko ang ngiti niya. This time, hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matatawa sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba kaagad ang request ng mga anak mo? Ako kasi alam mo naman basta gusto ng mga anak natin ibinibigay ko." he playfully said while slowly pulling down my robe.

"Sira. Basta talaga ganyan ang bilis ng alaala mo ah?" I said.

"Oo naman hmmmn pwede pa, pwede pa nating gawin si Angerik. Makakahabol pa siya sa concert." pagkasabi niya nun ay walang anu-ano ay binuhat niya ako papasok ng kwarto.

"I love you Angeline. Mahal na mahal kita, ikaw ang buhay ko."

"Mahal na mahal na mahal din kita, Erik. Habambuhay akong sayo." I smiled sweetly and so he smiled back before claiming my lips.

This time, I know that we can have it all... forever.

I am Angeline Quinto-Santos

And this is our story.

----END🌿✨----

Continue Reading

You'll Also Like

177K 13.7K 36
What if life gives Richard the chance to do things over? "If you love someone, you should let them know. Oh this light that you left me, will everg...
199K 8.3K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
38.5K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"