The MALDITO Man COMPLETE EPIS...

By FrancisAlfaro

285K 1.3K 19

Nakakilala ka na ba ng isang lalaking ubod ng MALDITO? 'Yung tipong daig pa ang babaeng may dalaw o di kaya a... More

DISCLAIMER...
MAYBE IT'S YOU by JOLINA MAGDANGAL (THE OFFICIAL THEMESONG OF "THE MALDITO MAN")
PROLOGUE...
EPISODE 2: THE FLOWER GIRL
EPISODE 3: FIGHT AT FIRST SIGHT
EPISODE 4: WHAT?!!!!!!
EPISODE 5: HEARTBREAK

EPISODE 1: THE MALDITO MAN

17K 237 11
By FrancisAlfaro

#TheMalditoMan

EPISODE 1: THE MALDITO MAN.

MEET THE MALDITO AT THE SIDE---->

THIRD PERSON'S POV:

PLACE: FINE DINING RESTAURANT

TIME: 2:50PM

  "SHIT!" halos napatayo si Yuri sa kinauupuan dahil sa gulat. Kasalukuyan pa namang kinakain niya ang wagyu steak na inorder tapos ito na, natapunan siya nang juice. Nawalan tuloy siya nang gana at galit na galit. "TIGNAN MO ANG GINAWA MO! TINAPUNAN MO NANG JUICE ANG DAMIT KO!" pasigaw na sabi nito sa isang lalaking waiter na nakatapon sa damit niya nang dala nitong orange juice na ise-serve sa isa sa mga customer. Halos nanlalaki ang medyo singkit na mata ni Yuri na nakatingin sa waiter na nakakaramdam na ngayon nang kaba. Wala namang pakielam si Yuri sa kung anong mararamdaman nang pobreng waiter na pinagsasalitaan niya. Basta may nagawa sa kanyang pagkakamali, nararapat lamang na makatikim ito nang galit niya.

  "I'm sorry sir. Hindi ko...."

 

  "SORRY? MAY MAGAGAWA BA ANG SORRY MO PARA MATANGGAL ANG MANTSA NA NILAGAY MO SA DAMIT KO DAHIL SA KATANGAHANG GINAWA MO?! sigaw pa rin na sambit ni Yuri sa waiter. Pilit nitong tinatanggal ang kaunting mantsa sa coat nang damit niya pero sadly, hindi niya matanggal.

  Napayuko ang pobreng waiter. Nahihiya ito sa nagawa niya na hindi naman niya sinasadya.

  Nakatingin lamang si Yuri sa waiter. Mababanaag ang galit sa gwapo nitong mukha.

  "Saan ka ba napulot nang restaurant na ito para maging empleyado ang isang tanga na gaya mo? Simpleng pagse-serve lang nang inumin, hindi mo pa magawa nang maayos!" galit at may pang-iinsulto na sambit ni Yuri.

  "Sir..."

 

  "Bwisit ka alam mo ba iyon! Sira na nga ang araw ko dahil sa pesteng trapik na iyan, sinisira mo pa lalo!" sabi pa ni Yuri.

  "Hindi ko alam na tumatanggap pala nang mga tangang empleyado ang restaurant na ito. Kung alam ko lang, hindi na sana ako kumain dito!"

 

  "Tapos ka ba nang pag-aaral?" tanong ni Yuri sa waiter na nakayuko pa rin hanggang ngayon.

  Bigla namang napaangat ang tingin nang waiter kay Yuri nang marinig nito ang tanong nang huli.

  "Opo Sir..."

 

  "Tapos ka naman pala nang pag-aaral. Pero mukhang hindi mo yata inaapply sa trabaho ang pinag-aralan mo dahil sa katangahan mo." Sabi ni Yuri na nagpayuko muli sa pobreng waiter na nahihiya na talaga sa mga sinasabi ni Yuri. Biglang nag-smirked nang labi si Yuri. "O di kaya siguro kaya tanga ka kahit may pinag-aralan ka naman ay dahil wala naman talagang pumasok na ni katiting na itinuro sayo nang professor mo diyan sa maliit mong utak." Sabi pa ni Yuri.

  Lahat nang tao na naroon rin sa loob nang restaurant na iyon ay nakatingin sa kanila. Mababanaag sa mga mukha nito ang awa sa waiter.

  Bigla namang umentrada sa eksena ang tumatayong manager nang restaurant.

  "Ahm... sir... if you don't mind, what's happening here?" tanong nang manager kay Yuri. Uminit naman ang ulo ni Yuri at tiningnan nang matalim ang manager. Sayang maganda pa naman ang babaeng manager na ito pero para kay Yuri, wala siyang pakielam kung ito pa si Aphrodite na goddess of beauty. Ang ganda nga, mukhang tanga rin naman.

  "HINDI MO BA NAKIKITA?" galit at pasigaw na sabi ni Yuri sa manager. Itinuro nito ang namantsahang school uniform. Mukhang nasindak naman ang magandang manager.

  "NILAGYAN LANG NAMAN NG MANTSA NG TANGA MONG WAITER ANG DAMIT KO!! NATURINGAN KA PA NAMANG MANAGER NG RESTAURANT NA ITO, WALA KA MAN LANG ALAM! HINDI KA MAN LANG ALERTO SA MGA NANGYAYARI SA PALIGID MO? HINDI NA AKO MAGTATAKA, KUNG TANGA ANG EMPLEYADO, MALAMANG TANGA RIN ANG NAMAMAHALA!" galit na sabi ni Yuri.

  Nahiya naman ang magandang manager. Ang gwapo pa naman nito sa paningin niya pero bagsak sa ugali. Sayang.

  "I'm sorry sir sa nagawa niya. Kung gusto niyo po, papalitan...."

 

  "PAPALITAN? ANG ALIN? ANG DAMIT KO?" galit na sabi ni Yuri. "HINDI MO BA ALAM NA KAISA-ISA LANG ITONG DAMIT KO NA MERON SA MUNDONG ITO? AT KAHIT BAYARAN MO PA ITO, SA TINGIN KO, KULANG PA ITONG WALA NIYONG KWENTANG RESTAURANT PARA IPAMBAYAD!" sabi ni Yuri. Inilapit nito ang mukha sa magandang manager na ikinakaba naman nang huli. Tinitigan ni Yuri sa mata ang magandang manager. "Mas mahal pa sa buhay mo ang presyo ng damit ko!" sabi niya nang nanlalaki pa ang mga mata sabay layo ng mukha sa magandang manager. Iba kasi ang suot na school uniform ni Yuri kaysa sa ibang school uniform ng  mga ka-eskwela niya. Gawa sa mamahaling tela ang damit niya. Although pareho lang naman ang itsura nito tulad ng sa iba, iba pa rin ang kanya. Basta, iba.

  Napayuko naman ang manager. Tulad nang pobreng waiter, nahihiya rin ito. Kung hindi nga lang inaapply sa kahit saang negosyo ang kasabihang "COSTUMER IS ALWAYS RIGHT" Malamang napatulan na ng mga ito si Yuri.

  "Grabe naman siya..." sabi ni costumer one na nakaupo sa hindi kalayuan mesa sa loob ng restaurant  at isa sa mga nakasaksi sa pangyayari.

  "Kaya nga eh, gwapo sana pero ang ugali, epic fail! Hindi ko keri ang mas mataray pa sa akin na lalaki." Sabi naman ng kausap nito.

  "Kulang na nga lang, sabihin niya ang linya ni Anne Curtis na 'I can buy your friends, your drinks and this club!' grabe! Sobrang maldito." Sabi pa ng isa.

  Naniningkit ang mata ni Yuri na tiningnan ang babaeng nagsabi nang mga katagang iyon. Kumulo ang dugo niya.

  "KUNG MAGSASALITA KAYO LABAN SA AKIN, SABIHIN NINYO NANG DIRETSAHAN HINDI IYONG PARA KAYONG MGA BUBUYOG NA BULONG NANG BULONG." Sabi ni Yuri. Sarcastic. Tiningnan niya ang mga babae from head to foot. "KUNSABAGAY, BAGAY KAYONG MAGBULUNGAN TATLO, MGA MUKHA KASI KAYONG BUBUYOG!" sabi pa nito.

  Napaiwas naman ng tingin ang tatlong babae kay Yuri at tiningnan ang mga sarili kung mukha nga ba silang bubuyog. Grabe kung makapanlait si Yuri. Wagas!

  Hindi na makayanan pa ni Yuri na mag-stay pa nang matagal sa restaurant na iyon dahil bukod sa nakikita niya ang manager at waiter na ubod nang tanga na talaga namang nagpapakulo sa dugo niya, may mga chismosa pang customer na kung makatingin sa kanya, akala mo siya na ang pinakamasamang tao sa mundo.

  Hinugot niya mula sa back pocket nang suot niyang slack pants ang kanyang mahabang wallet, binuksan niya ito at naglabas nang  10,000 pesos at inihagis sa mesa.

  "BAKA SABIHIN NINYO HINDI AKO MAGBABAYAD NG DAHIL LANG SA NANGYARI. NAKAKAHIYA NAMAN KASI SA INYO KUNG HINDI AKO MAGBABAYAD GAYONG WALA NAMANG KWENTANG SERVICE ANG BINIGAY NIYO SA AKIN." Nasusuyang sabi ni Yuri. "BAKA IKAHIRAP NIYO PA KAPAG HINDI AKO NAGBAYAD." Sabi pa nito.

  Pagkatapos sabihin iyon ay nagsimula na siyang maglakad palabas ng restaurant na iyon. Lahat ng mata ay nakatingin sa kanya. Sinusundan ang bawat galaw niya.

  Gwapo, matipuno ang pangangatawan, may pagkayumanggi ang balat, makinis ang balat sa mukha, matangos ang ilong, manipis at mamula-mula ang labi, medyo singkit ang mga mata, may kakapalan ang kilay at medyo may kahabaan ang pilik-mata,maganda ang pagkakaayos ng buhok na nakataas at kulay brown, at higit sa lahat, matangkad sa height na 6'1. Dagdagan mo pa na ang cool nitong lumakad na akala mo'y model na rumarampa sa runway. Ganyan isasalarawan si YURI ANGELO DEL PIERRO.

 

  YURI ANGELO DEL PIERRO, 19 YEARS OF AGE, HALF-FILIPINO, HALF KOREAN. PINAGPAPANTASYAHAN NG LAHAT NG KABABAIHAN AT KABAKLAAN LALO NA SA ESKWELAHANG PINAPASUKAN NITO. PAANONG HINDI ITO PAGPAPANTASYAHAN NG LAHAT, NAPAKAGWAPO KASI NITO TO THE POINT NA PWEDE NANG SAMBAHIN. DAGDAGAN MO PA ANG YUMMY NITONG KATAWAN NA HUBOG NA HUBOG SA SUOT NITONG SCHOOL UNIFORM. NAPAKATANGKAD PA NA BIHIRA LAMANG NA KATANGIAN NA MAKIKITA SA MGA LALAKI DITO SA PILIPINAS.

    3rd year college na si Yuri sa pinapasukan nitong prestigious university. Kumukuha siya ng kursong business administration dahil iyon na rin ang gusto ng mga magulang niya. Ok lang rin naman sa kanya iyon dahil kaya naman ng matalino niyang utak ang kurso na iyon at isa pang dahilan ay alam naman niya na siya ang susunod na magmamana nang negosyo ng mga magulang. Ang DEL PIERRO GROUP OF COMPANIES na kung saan, lahat na yata ng klaseng negosyo, pinasok nila. Beverages, foods, restaurant, hotel and resort, clothing, mall, at kung anu-ano pa. Kulang na nga lang pasukin rin nila nag negosyo ng broadcast media. Tunay ngang napakayaman nang pamilya ni Yuri. Halata naman sa postura nito.

  Pero sa likod ng gwapo nitong mukha at yummy nitong pangangatawan na talaga namang makalaglag underwear, may ugali ito na kailanman hindi magugustuhan nang kahit sinumang babae. Short-tempered, insensitive. (HALATA NAMAN DI BA?). Napakamaldito nito to the point na halos manlait na ito ng kapwa. Walang pakielam sa mararamdaman ng ibang tao once na magsalita siya ng mga hindi kanais-nais na salita.  Napakasungit at hindi basta-basta namamansin. Arogante at mayabang. Mga ugali na maaaring nagiging dahilan para hindi siya magkaroon nang matatawag na girlfriend. Sino ba naman kasing babae ang papatol sa kanya kung mas mataray pa sa kanila ang magiging boyfriend nila? NGSB tuloy si Yuri. Meaning, no girlfriend since birth. Mga kaibigan nga lang nito ang nakakatiis sa ugali niya eh. Wala namang pakielam doon si Yuri dahil sabi nga niya, HINDI NIYA KAILANGAN MAGKAROON NANG BABAE PARA MABUHAY. Sapat na sa kanya na mahalin ang sarili niya. Minsan nga, sa sobra nitong katarayan at kasungitan, napagkakamalan na si Yuri na kasali sa ikatlong lahi. Pero totoong lalaki po si Yuri at hindi siya bading. Talagang ugali na niya simula bata pa ang pagiging maldito.

  Gwapo man siya at talagang pinagpapantasyahan ng lahat, pero hindi sapat iyon para makahanap siya ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Aanhin mo ang napakaganda at nakakaakit na physical appearance kung sa pag-uugali naman, EPIC FAIL! Pero hindi kailangan ni Yuri na baguhin ang sarli niya para makahanap nang babaeng magmamahal sa kanya dahil sabi nga nila, KUNG TUNAY NA MAHAL MO ANG ISANG TAO, DAPAT MAHAL MO SIYA KAHIT ANO PA ANG UGALI NA MERON SIYA.

  Habang naglalakad si Yuri papunta sa car park kung saan nakaparada doon ang kanyang mercedez benz, naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya sa bulsa. Kinuha niya ito at tiningnan ang iphone 6 plus. Si Drew tumatawag. Isa ito sa mga kaibigan niya na sobrang tahimik. Nag-iingay lang ito kapag sila ang kasama. Kaklase niya rin ito at tulad ni Yuri, mayaman rin ang pamilya nito pero hindi kasingyaman nila Yuri.

  Sinagot ni Yuri ang tawag ni Drew. "O. Bakit?." Sabi lamang ni Yuri.

  "Pare! Nasaan ka?"tanong ni Drew.

  "Sa impyerno." Sagot ni Yuri na seryoso pa rin ang mukha.

  "Pare naman, seryoso ako. Nasaan ka nga?"

  "Bakit mo ba tinatanong kung nasaan ako? Syota ba kita?" sagot ni Yuri.

  "Pare naman. Ang lakas nang topak mo... Nasaan ka nga?"Sabi ni Drew. Minsan talaga may topak si Yuri. Kakausapin mo ng matino, sasagutin ka ng nakakagago.

  "O sige na. pauwi na ako sa bahay. Bakit ba kasi?" sagot ni Yuri.

  "Si Philipp kasi, nag-aaya makipag-inuman. Ano? Pagbibigyan ba natin siya?"

  "Bakit siya nagyayaya? May problema ba ang gagong 'yan?" tanong ni Yuri. Si Philipp, isa rin sa mga nakakatiis sa ugali ni Yuri. Kaibigan rin niya at kaklase. Mayaman rin gaya nila pero hindi kasing-yaman ni Yuri.  Kung si Drew ay tahimik na tao, ito namang si Philipp ang kilabot ng mga babae. Playboy. Maingay at kwela kasi ang personality nito kaya gustong-gusto ito ng mga babae. Pero oras na mabitag ka sa charm ni Philipp, wag mo nang asahan na magiging prinsesa ang buhay mo dahil siguradong masasaktan ka lang ni Philipp. Mahilig kasi itong maglaro sa damdamin ng mga babae. Palibhasa, hindi pa naiinlove gaya ni Yuri. Mabuti pa si Drew, kahit tahimik yan, matino naman. Mahal na mahal nga niyan ang kasintahan na si Ayesha. Dalawa lang ang kaibigan ni Yuri, si Drew at si Philipp.

  "Wala siyang problema pare. Trip lang daw niya uminom." Sabi ni Drew.

  "Trip lang pala eh, wag na tayong uminom. Hindi ako pwede ngayon." Sagot ni Yuri.

  "Pero pare baka magalit...."

 

  Pinutol na agad ni Yuri ang tawag ni Drew at itinago na sa bulsa ang cellphone. Wala naman siyang pakielam kung magalit si Philipp eh. Kabisado na niya ito. Hindi ito mapagtanim ng galit lalo na kung mababaw lang ang dahilan na gaya ng hindi niya pagsama rito para makipag-inuman. Saka hindi naman talaga siya pwede ngayon, nag text kasi ang mommy niya na umuwi raw siya nang maaga dahil may mahalaga silang pag-uusapan.

  Nakarating na si Yuri kung saan nakaparada ang kotse niya. Automatic na binuksan niya ang kaliwang pintuan ng kanyang kotse gamit ang isang gadget na hindi ko alam kung ano at sumakay na. Umupo sa driver's seat , pinaandar na ang kotse at pinaharurot na niya ito para makauwi na siya.

-END OF EPISODE 1-

Continue Reading

You'll Also Like

13.6K 557 96
[Epistolary] Two broken hearts. A text. An understanding. And maybe an enchanted moment to fall in love.
3.3M 90.1K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
76.2K 3.4K 54
Matagal-tagal na rin pala nang bigla kang nawala. // • "This thing is a masterpiece." • squanderedlife s h o r t. s t o r y | parengtofu • (c) 201...