EPISODE 2: THE FLOWER GIRL

12.9K 173 1
                                    

#TheMalditoMan

EPISODE 2: THE FLOWER GIRL

MEET THE FLOWER GIRL ON THE SIDE! ----->

PLACE: ROMANO'S FLOWER SHOP

TIME: 3:15PM

ELLYSE MARIE ROMANO'S POV:

 

  "Grabe Bes! Valentine's na Valentines ngayon pero ang hina ng benta natin. Tingnan mo oh, ang dami pa nating mga bulaklak." Sabi sa akin ni Alona na napapakamot na nang ulo. BFF ko na siya since elementary at katulong ko sa pagpapatakbo ng flower shop.

  Napatingin ako sa kabuuan ng flower shop. Oo nga, ang dami pang bulaklak na narito. Noong nakaraang Valentines Day naman hindi ganito katumal ang benta.

  "Anong gagawin natin? Eh sa matumal talaga ngayon." Sabi ko at napabuntong-hininga. Ang hirap pa naman kapag hindi naubos ang mga bulaklak, nalalanta kasi ang iba kaya kinabukasan hindi na rin pwedeng ibenta.

  "Hay! Bakit kaya ganito! Ang tumal!" sabi ni Alona na kulang na lang ay maglupasay sa sahig.

  "Siguro kaya matumal ang benta ngayon ng mga bulaklak ay dahil marami nang mag jowa ang nag break ngayon. Siyempre alangan naman na kailanganin pa nilang bilhan nang bulaklak ang babae na hihiwalayan nila." Sabi ko. Malay mo tama ako di ba? "Mas mabenta pa nga ang mga bulaklak natin noong araw ng mga patay kaysa ngayong araw nang mga puso." Dagdag na sabi ko pa.

  "O di kaya, hindi na bumibili ang mga lalaki ng bulaklak para sa mga girlfriends nila ay dahil sinesave nila ang pera para mag may motel sila. Alam mo na, magto-to-toot!" natatawang sabi naman ni Alona.

  Napataas ang kaliwang kilay ko. "Ikaw, Alona huh! Parang may alam ka na huh!" sabi ko.

  "Bakit? Totoo naman di ba? Ang habol lang naman minsan ng mga lalaki sa mga babae ay ang toot. Hindi na nga ako nagtataka kung maraming nababalita na babaeng nabubuntis tapos iniiwan ng lalaki. Ang mga babae kasi, ang hilig bumukaka ng hindi man lang nag-iisip ang magiging consequence ng actions nila. Tapos ang sisisihin ng mga babae kapag iniwan sila ng lalaki ay ang lalaki eh apparently, dapat ring sisihin ang mga babae dahil kundi dahil sa hindi rin sila nagbibigay ng motibo sa lalaki, hindi rin naman sila gagalawin ng lalaki di ba? Ang mga lalaki kasi, iba rin minsan mag-isip ang mga iyan at minsan rin pabago-bago kaya dapat tayong mga babae, mag-ingat dahil mahal man natin ang mga lalaking iniibig natin, hindi natin alam na baka iwanan rin nila tayo. Ang mga lalaki kasi, mahilig magsabi ng I love you pero minsan hanggang salita lang, hindi kayang mapanindigan." Mahabang sabi ni Alona na nagpatanga talaga sa akin. Ang lalim huh.

  "Grabe, Alona, may experience ka na ba at nakapagsalita ka nang ganyan? Ang lalim huh." Sabi ko.

  "Kailangan ba may experience para makapagsabi ng mga ganun kalalalim na words? Pwede bang nabasa ko muna sa libro kaya nalaman ko?" sagot niya sa akin.

  "Iba ka talaga Alona! Ikaw na. pero infairnes huh. Ito seryoso. May point ka sa mga sinabi mo. Pero ako, I'm sure na mahal ako ni Dominic at hindi niya ako iiwanan." Sabi ko at naalala ko ang mahal na mahal kong boyfriend na si Dominic. Napakagwapo nun, sa paningin ko.

  "Wag kang pakasisigurado bes huh. Ito payong kaibigan. Don't give your all to Dominic. Magtira ka para sa sarili mo. Magtira ka hindi lang ng pera kundi pati ng pagmamahal para sa sarili mo kasi oras na maiwan ka, ikaw din ang kawawa. Hindi ko naman sinasabi na iiwanan ka ni Dominc. Sinasabi ko lang ito dahil kilala na kita bes eh, matindi ka magmahal to the point na wala nang natitira para sa sarili mo. At ayokong mangyari sayo ang mga nangyayari na nababasa ko sa romance novels kung saan halos mabaliw na ang bidang babae dahil iniwan siya ng kanyang minamahal. Alam kong malakas ka pero mukhang pagdating kay Dominic, ewan ko lang." sabi pa ni Alona.

The MALDITO Man COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPWhere stories live. Discover now