EPISODE 3: FIGHT AT FIRST SIGHT

8.4K 150 2
                                    

#TheMalditoMan

EPISODE 3: FIGHT  AT FIRST SIGHT

PLACE: DANGWA

TIME: 3:37PM

 

THIRD PERSON'S POV:

 

  "MGA ALE! MGA MANONG! MGA ATE AT KUYA! BILI NA PO KAYO NANG BULAKLAK! PWEDE NINYONG IBIGAY SA INYONG JOWA! PWEDE RING IALAY SA ALTAR O DI KAYA AY SA PATAY! BILI NA PO KAYO!" halos maputol na ang ugat sa lalamunan ni Ellyse habang sigaw nang sigaw para makahatak ng customer na bibili sa kanyang mga panindang bulaklak. Hindi rin nawawala ang ngiti nito sa labi.

    Kanina pa siya nagbebenta ng mga bulaklak. Actually kaninang umaga pa. marami na rin naman siyang benta pero hindi pa nauubos hanggang ngayon ang paninda niya.

  Boquet of different kind of flowers ang binebenta niya. Talaga namang nakaayos na ang mga ito para ready na agad para bilhin ng customer at hindi na kailangan ayusin pa.

  Nakapwesto ang kanyang mga paninda sa medyo gilid ng daan kaya talaga namang mapapatingin ang mga mamimili sa kanyang mga paninda. Agaw atensyon rin naman kasi ang mga bulaklak niya dahil sa maganda ang pagkakaayos ng mga ito. May talent kaya si Ellyse when it comes to flower arrangement. Wala naman siyang formal training, based on experience kaya siya natuto nang ganito. Saka dapat lang na matuto siya ng flower arrangement noh dahil may flower shop siya.

  "Miss, magkano itong tinda mong bulaklak?" napatingin agad si Ellyse ng biglang may lalaking boses sa harapan na bigla na lang sumulpot at nagtanong sa presyo ng kanyang paninda.

  Kung wala siyang boyfriend ngayon, malamang ay baka malandi niya ang lalaking nasa harapan niya ngayon at nasisilayan ng kanyang mga mata. Ang gwapo kasi nito. Makalaglag underwear ang gwapo nitong mukha.

  "Ahm...eh... 1,000 pesos po isa. Para kanino niyo po ba ibibigay?" tanong ni Ellyse sa lalaki. Itinanong niya iyon para malaman niya kung anong bagay na boquet ng bulaklak ang maaaring ibigay.

  Ngumiti ang lalaki sa kanya. Nasilayan niya tuloy ang pantay-pantay at puti nitong ngipin na pwede nang isabak sa commercial ng close-up.

  "That's for my wife. Kaya sana, ipili mo ko ng magandang flower arrangement na magugustuhan niya." Sabi nito.

  'Sayang! May asawa na! hay! Paubos na talaga ngayon ang mga gwapo na single pa. 'Yung iba kasi, gwapo nga, mayabang at arogante naman at ang iba naman kasali pa sa ikatlong lahi...' sabi ni Ellyse sa kanyang isipan habang nakatingin sa gwapong mukha ng lalaki. Mukha pa itong mabait. Talagang humahanga siya sa kagwapuhan ng lalaking ito. Mali man ang ginagawa niya ngayon dahil naturingan pa man din siyang may boyfriend pero hindi niya mapigilan talaga ang humanga eh.

  "Ahm... Miss, may problema ba?" tanong ng lalaking customer kay Ellyse. Napatunganga na kasi ang huli at talagang tinitigan ang gwapong mukha ng lalaki.

  Kaagad naman na bumalik sa ulirat si Ellyse. Nakakahiya. "Hehehe... pasensya na. kamukhang-kamukha mo kasi 'yung Korean actor sa pinapanood kong koreanovela, si Kim Soo Hyun. Grabe, mukha nga kayong kambal kaya hindi ko napigilan ang pagtitig sayo." Sabi ni Ellyse. Tama siya, kamukhang-kamukha nga ni Kim Soo Hyun ang lalaki. Mahilig rin kasi si Ellyse na manuod ng mga koreanovela dahil bukod sa maganda at nakakakilig ang story, ang gwapo pa ng male lead.

  Napangiti ang lalaki kay Ellyse. May bigla kasing sumagi sa isipan nito. "Pareho kayo ng sinabi ng asawa ko. Kaumukha ko nga raw ang alien na iyon." Sabi nito.

The MALDITO Man COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu