She's The Boss // Seulrene

By caBAEgee

122K 3.6K 749

Kailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pil... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-one
Chapter Sixty-two
Chapter Sixty-three
Chapter Sixty-four
Chapter Sixty-five
Chapter Sixty-six
Chapter Sixty-seven
Chapter Sixty-eight
Chapter Sixty-nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy-one
Chapter Seventy-two
Chapter Seventy-three
Chapter Seventy-five
BOOK 2

Chapter Seventy-four

1.1K 47 26
By caBAEgee

SEULGI'S POV

"Hey.. Atty. Kang!" Bati ni Shiela pagkapasok ko ng office niya.

"What brings you here? Yung kay Mr. Kim ba?"

Wala naman akong ibang pinupunta dito kundi yung kaso lang niya, gusto kong makasigurado na okay na ang lahat bago ako umalis. Ayoko nang mag iwan ng problema dito, mas okay nang wala na silang poproblemahin dahil simula palang naman yun na ang plano ko. Ayokong mawalan ng saysay lahat ng ginawa namin.

"Yes.. may balita na ba? I heard last trial na raw bukas?" Nakangiti siyang tumayo at pumunta sa table niya para kunin ang isang folder na may laman ng lahat ng tungkol sa kaso nila Taehyung.

Confident naman akong tuluyan na silang makukulong. Sa dami ng ebidensyang hinain laban sa kanila, hindi na rin nagawan ng paraan ng kinuha nilang abogado dahil naglabas na kami ng witness. Gusto ko lang manigurado.

Hindi ko alam kung bakit si Shiela yung binigay na abogado samin dahil hindi naging maganda yung ang kinalabasan ng past cases niya. Hindi pwedeng ako dahil ako yung nagsampa ng kaso, at dahil rin kaibigan ko ang ilang abogado sa Cosmos, hindi sila pumayag na may isa sa Cosmos ang humawak ng kaso dahil pwede raw na maging bias. Maraming pwedeng abogado dito sa firm... kaya hindi ko alam bakit si Shiela ang binigay.

"Malaki ang chance na habang buhay na pagkakakulong na ang ihatol sa kanila dahil sa halo halong kaso. Hindi lang pagpatay ang ginawa nila, sangkot din sila sa pagnanakaw, drugs, and human trafficking. Sinisimulan na rin nilang i-trace yung iba pa nilang connections outside Philippines. Nalaman kasi nilang malaking drug lord tong tatay niya kaya tinitrace na nila yung mga past transactions nila." Pagpapaliwanag niya habang nilalapag ang iba't ibang papel tungkol sa kaso nila Taehyung. Napangiti nalang ako... Sigurado na talaga to..

"So wala ka nang aalalahanin Atty. Kang, habang buhay na silang makukulong ng tatay niya." Masayang banggit niya.

"Mukha nga.." Sagot ko at ngumiti sa kanya. "Thank you Shiela."

"Ano ka ba Seulgi, wala yon tsaka abogado ako, kaya dapat lang na siguraduhin kong mapapanalo ko ang kaso ng client ko. No biggies!" 

Hindi na siya yung dating Shiela na lagi akong hinaharot tuwing pumupunta ko dito sa firm. Normal na siya makipag usap sakin di tulad nung dati na kada minuto haharutin ako.

"I mean, thank you sa efforts mo. Mabigat na kaso to since malaking tao ang binangga natin, kahit na pwedeng malagay sa panganib yung buhay mo ginawa mo parin so thank you."

"Seulgi, wala pa tong ginawa ko sa ginawa mo para sa akin noon. Kung hindi dahil sayo baka hanggang ngayon andon ako sa Hydro nagsasayaw sa harap ng mga uhaw na lalaki. Kaya ako dapat ang nag t-thank you sayo." Nakangiti niyang banggit.

Oo nga pala... sa Hydro ko siya unang nakita. Nung na-tripan namin na mag loosen up sa Hydro, iinom lang dapat kami non pero bigla silang nagpalabas ng babae sa stage, at si Shiela yon. Kita ko sa itsura niya non na ayaw niya yung ginagawa niya. Babae rin ako, alam ko yung pakiramdam ng gawin yung bagay na hindi mo gusto. Alam rin nila Suho yon kaya nung gabing din yon, hindi kami nagdalawang isip na kunin si Shiela don. Kumuha kami ng apartment na pwede niyang matirhan pansamantala. Tinulungan namin siyang makapag aral sa tulong na rin ng mga scholarship galing sa mga foundation na sinusuportahan namin.

Ayaw niyang gawin namin lahat yon ng libre kaya nag insist siya na pagtatrabahuhan niya pero walang wala pa siyang maiibigay nung panahong yon kaya sinabi ko nalang na kapag dumating ang araw na succesful na siya, saka na niya alalahanin yung ganung bagay.

Siguro hindi niya kinalimutan yung sinabi ko noon...

"Siguro nagtataka kung bakit ako yung binigay na maghahandle ng case niyo kahit nagrequest ka ng best.." Taas kilay niyang tanong sakin. "Nung nalaman nilang nag rerequest ka ng best lawyer na maghahawak ng case mo, pinatawag nila lahat ng abogado dito dahil hindi nila alam kung sino yung ibibigay nila sayo." Tawa tawa niyang sabi.

"Walang may gustong kumuha dahil natatakot silang masira ang iniingatan nilang pangalan once na hindi nila maipapanalo tong kasong to. Risky naman kasi talaga.. pag nanalo ka, yung papuri, yung pagkilala, sayo lahat yon pero pag natalo ka, sirang sira ka."

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang magpatuloy.

"Sino ba naman kasing ibibigay nilang pinakamagaling na abogado kung yung best sa firm na to ay yung mismong nagrerequest diba? Dahil sa inyo kung bakit nakilala tong firm na to, dahil sa compassion at sympathy niyo sa mga naaapi. Nakilala tong firm bilang law firm na walang pinipili.. walang nakakataas, lahat pantay pantay, kaya dahil dito, nagsimula ulit silang maniwala na meron pang hustisya."

"Shiela-"

"Atty. Kang, ako ang naglakas loob na tanggapin ang kasong to dahil gusto kong bumawi sa lahat ng tulong na ginawa niyo. Hindi ako confident nung una kaya inaral ko nang mabuti tong kasong to at dun ko nakita na sobrang laki ng chance na mananalo kayo. Pinangunahan lang sila ng takot dahil malaking tao ang kalaban at ikaw yung ipaglalaban. Hindi kasi nila alam pano ka ipaglalaban... nasanay ang mga tao sa paligid mo na ikaw yung laging lumalaban."

Nasanay ang mga tao sa paligid mo na ikaw yung laging lumalaban...

Sanay din akong ako yung lumalaban...

"Tama ka... ako lagi yung lumalaban." Sagot ko at ngumiti nang mapakla. "Thank you Shiela, mapapanatag na ko bago ako umalis."

"You're leaving?" Gulat na tanong niya. "Why? Pano si Irene?"

Pati mga tao sa paligid natin... Ikaw yung unang iniisip tuwing nalalaman na tapos na tayo...

Nung araw na tumawag ka sakin, hindi ko alam kung anong sasabihin ko non, hindi ko alam kung bakit ka pa tumatawag.. Gusto kong tulungan kang makalimot, ayokong isipin mong hindi ko kinakaya tong naging desisyon ko kaya mas pinili kong magmukhang nakakalimutan na kita.

Hindi ko alam kung anong inisip mo nung hindi kita nakilala pero alam kong nasaktan kita.

Hindi kita makakalimutan... Kahit gaano pa katagal, alam kong hindi.

"We broke up." Simpleng sagot ko na ikinagulat niya.

"What?! Tama ba narinig ko? P-pano? Ang perfect niyo na kaya!" Natawa nalang ako. Yun din ang akala ko..

"Hindi naman kami pwedeng mag stay sa isang relasyong kung mismong sarili namin hindi namin kilala." Sagot ko na mas ipinagtaka niya.

"Gulo Seulgi di ko gets." Tanong niya habang naka-kunot na ang noo.

"What I mean is, hindi namin kilala kung sino talaga kami. Naglelead yon sa iba't ibang problema kung ganon... Tsaka we almost destroy ourselves kaya pinili naming ayusin ang sarili namin ng magkahiwalay." Napangiwi naman siya at frustrated na sumandal.

"Sayang naman yung pag give up ko sayo. Pamatay yung tinginan non eh! Kala mo anytime susugurin ka, lalo na nung hinalikan kita sa pisngi gosh!"

Pinag awayan pa natin si Shiela non, tinatanggi mo pa na nagseselos ka eh obvious naman..

"Oo supalpal ka nga nung biglang nag explain tungkol dun sa kaso eh." Tawa ko kaya inirapan niya lang ako.

"Malay ko bang antalino ng girlfriend mo? Kala ko walang alam sa ganon!"

Di ko din alam pero lagi niyang dinadaan sa common sense bagay bagay..

"Walang nananalo don.. Once na kinalaban mo yon, di pa kayo nagsisimula talo ka na." Napangiti nalang ako ng mapakla. Napatingin ako sa kanya na malambot lang ang ekspresyong nakatingin sakin.

"Mahal mo pa noh?." Lintek to! Pero.. Di naman nawawala yon.

"Sakit naman non, pinakawalan mo kahit mahal mo pa. Dapat laban lang ng laban!" Sigaw niya. Kelan pa natuto ng mga ganito to?

"Di pwedeng ganon Shiela, kung pinili naming lumaban ng lumaban baka di na namin napapansin nasasaktan na namin yung isa't isa or worse... Tuluyan na kaming masirang dalawa."

"May point ka.. by the way, kelan alis mo?"

"Bukas." Sagot ko. Nanlaki naman ng mata niya.

Kahit alam kong bukas din yung graduation niyo... Sorry..

"Agad agad?! Ba't ambilis?"

"Naayos ko naman na lahat ng kailangan kong ayusin dito. Sarili ko naman aayusin ko." Mangiyak ngiyak siyang tumingin sakin habang nagpupunas ng luha.

"Huy ba't ka umiiyak diyan?" Natatawa kong tanong.

"S-sira! B-ba't kasi bukas agad?"

"Wala na kasi akong gagawin tsaka babalik din naman ako." Sagot ko ko at lumapit sa kanya para yakapin.

"Kelan ka ulit babalik?"

"Kapag okay na ko Shiela... Kapag alam kong ayos na ko at ayos na rin dito."

Kapag alam kong masaya ka na kahit wala ako...

"M-mamimiss kita Attorney.."

"Drama mo naman Shie! Pagbalik ko bibisitahin kita dito so make sure na maaalagaan niyo tong firm." Tawa ko kaya nakatanggap ako ng mahinang hampas galing sa kanya.

"Wait!" Nagtaka ko nang humiwalay siya at mabilis na pinunasan ang luha niya bago may kalikutin sa bag niya.

"Picture tayo aalis ka na eh!" Napatawa nalang ako. Tumabi ako sa kanya nang itaas niya ang phone niya at nag pose rin sa tabi niya.

"Popost ko to ah, wag kang aangal!" Tumango nalang ako at hinayaan siya sa kung ano mang ipopost niya diyan.

"Oh aalis na ko.. See you in a few years." Tawa ko na ikinasimangot niya.

"Kala mo ba mabilis lang yon?!"

"Bibisita agad ako dito pagbalik ko, wag ka na umiyak diyan."

Sumimangot lang siya at muli akong niyakap. This time, mas mahigpit.

"Sana mahanap mo na sarili mo... I hope you'll be happy as well. I know you're hurting pero malalagpasan mo yan." Bulong niya.

Sana nga.. Sana nga.

"Tama na nga! Iiyak na naman ako eh! Ingat ka kung saan ka man pupunta."

"Yup I will! Ingatan niyo tong firm habang wala ako ah!"

"Basta pagbalik mo pakasalan mo na ko."

"Sira!"

-----

Pagkatapos namin mag usap ni Shiela, umalis na rin ako. Kung di ko pa tatapusin, di ako makakaalis don. Di rin ata ako balak paalisin non.

May dadaanan muna ako bago bumalik ng hotel para ayusin mga gamit ko.

Nilibot ko ang paningin ko nang makarating ako sa pamilyar na daan.. Walang pinagbago, tambay dito, tambay doon. Kahit sikat pa ang araw, mga gin na ang katapat.

Huminto ako sa harap ng isang maliit na bahay.

Marami parin ang tinda nila sa sari sari store.. Mukhang stable na sila.

Iba't ibang mata ang nakatingin sakin pagbaba ko ng sasakyan pero hindi ko na sila pinansin at dumiretso sa tindahan.

"Aling Marie..." Tawag ko sa kanya na nagbabantay ng tindahan.

"Ano ho yon- ATURNEH?!" Agad siyang napatayo at nagmamadaling lumabas.

Natawa nalang ako dahil sa tinagal tagal ng panahon, di na nagbago yung aturneh na tawag niya sakin.

"Kamusta na aturneh? Buti naman at napadalaw ka. Gusto mo ng kok?" Bati niya nang makalabas siya.

"Ayos naman ako Aling Marie.. Dumaan lang talaga ko para kamustahin kayo. Mukhang dumadami na tinda mo ah." Sabi ko habang pinagmamasdan ang tindahan niya.

"Ay oo! Salamat talaga aturneh! Malapit na magtapos sa kolehiyo yung panganay ko dahil sa pagtitinda ko at sa iskularship na binigay mo."

Iniiwasan ko nalang na mapatawa dahil sa tigas ng pronunciation niya. Ang mahalaga naiintindihan ko siya diba haha.

"Ganun ba? Mabuti ho yon, may magtatrabaho na sa inyo. Di na rin kayo mahihirapan."

"Oo nga aturneh! Siguro kung wala kayo baka namamalimos parin kami sa daan ngayon."

"Wala ho yon.. Gusto lang talaga naming makatulong."

Sila yung every month kong binibisita dito sa Tondo dahil ayokong mapunta sa wala yung tuling na binigay namin.

Maraming tao sa panahon ngayon na tinutulungan mo na nga, sa ilegal pa gagamitin yung tulong. Ayokong magaya sila sa mga ganon.

"Sana magtuloy tuloy na yung paglago ng tindahan mo Aling Marie.. Baka hindi ko na kayo mabisita sa mga susunod na buwan o taon. Sana pagbalik ko, marangal parin ang pamumuhay niyo."

"Makakaasa kayo aturneh! Hindi namin sasayangin yung tulong na binigay niyo." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

Atleast panatag ako na hindi mawawalan ng saysay lahat ng tulong na binigay namin.

"Aalis na ho ako, may aayusin pa ko eh." Paalam ko.

"Ay sige aturneh! Mag iingat ka!"

Sumakay na ulit ako ng kotse at nagdrive pabalik ng hotel. Di naman ako nagmamadali pero aayusin ko na yung gamit ko.

Pagbalik ko ng hotel, naabutan ko silang busy sa paglalaro ng PS5. Ayos na rin yung ganito, distracted sila sa lungkot dahil sa mga nangyari.

"Oy Seulgi tara laro!" Aya ni Kai.

"Kayo nalang, mag aayos pa ko ng gamit."

"Ay ganon, sige." Sagot niya at bumalik na sa paglalaro

Napabuntong hininga nalang ako pagpasok ko ng kwarto... Hindi na to yung kwarto na tulad ng dati. Di na masaya dito.

Anong silbi ng laki ng kama ko kung ako nalang yung mahihiga dito?

Nabaling ang tingin ko sa malaking bear na nakaupo sa gilid ng kama ko. Sa side mo.

Hindi mo na pala nakuha to.. Biglaan yung nangyare.. Baka nga nandito pa yung iba mong gamit.

Kinuha ko na ang luggae ko at nilagay ang mga damit at gamit na kailangan ko. Baka kulang tong isang lalagyan...

Habang inaayos ko ang mga dadalhin ko, bigla akong napatingin sa pulso ko kung saan nakalagay yung bigay mong relo at yung customized bracelet na may pangalan mo.

Hindi ko alam kung kelan yung huling beses na tinanggal ko to dito.

Binilisan ko na ang pag iimpake dahil ayoko na magtagal sa kwartong yon. Daming alaala...

Pagkalabas ko ng kwarto, hindi na sila naglalaro at nakahilata nalang lahat sa couch at carpet.

"Wala kong magawa puta." Ungot ni Xiumin.

Napa-iling nalang ako at lumapit sa kanila.

"Jamming tayo." Sabi ko kaya agad silang nagsi-ayos ng upo.

"Ngayon?" Tanong ni Sehun.

"May ibang araw pa ba na pwede?" Tanong ko na ikinalungkot ng mga itsura nila.

"Tara na! Tara na! Sulitin na natin to!" Sigaw ni Kai at hinigit na sila isa isa patayo.

"Sinong papalit sa pwesto nila Chanyeol?" Tanong ni Baekhyun na ikinatahimik ng lahat.

"Kami! Marunong naman kami ah!" Sigaw ni Lay at inakbayan si Baekhyun. "Ikaw sa base, ako sa drums si DO sa keyboard." Dagdag pa niya. Napangiti naman ako.

"Anong pang hinihintay niyo diyan? Set up na tayo don!" Sigaw ni Kai.

Sumunod nalang ako sa kanila sa studio. Masaya nilang sineset up yung mga gagamitin, bumalik na sila sa mga lokohan nila pero iba parin noon.. Kulang yung kagaguhan ngayon.

"Oy Seulgi! Magla-live ako ah, matagal tagal pa bago ka makasama nanin ulit sa tugtugan. Mag live concert tayo!" Masayang sabi ni Baekhyun.

"Bahala ka."

Hinayaan ko nalang siya.. Tama siya, mukhang matatagalan pa ulit bago ako makasama sa kanila tumugtog.

Nagset up siya ng camera sa harap at sumenyas na okay na.

"Ready na boss!" Tawag ni Xiumin.

Tumango ako at pumunta na sa harap ng mic.

"Uhm.. Hello." Awkward na sabi ko habang nakatingin sa camera.

"Ayos Seulgi.." Bulong ni Baekhyun..

"This is Incubus' farewell concert.. Not literally last kase magpapahinga lang kami saglet. Panoorin niyo nalang past videos namin pag miss niyo kami." Natatawa kong sabi. "And... S-sa lahat ng gagraduate bukas.. C-congratulations in advance lalo na dun sa mga may award... Anlupet niyo!"

"And... To you. Alam mo na kung sino ka, kung nanonood ka man... Gusto ko lang malaman mo na I'm so proud of you at... Good luck sa future career na tatahakin mo. I know you will be succesful."

Tipid akong ngumiti at sinenyasan na silang magsimula..

"This is our first song..."

IRENE'S POV

Bukas na yung graduation pero wala akong kagana-ganang gumawa ng kahit ano. Di nga ako excited eh. Parang wala lang.. Wala ka na kasi.

Kanina pa ko nakahiga dito sa loob ng kwarto ko habang nagsscroll sa social media.

Agad akong napahinto sa pagsscroll nang makita ko ang pamilyar na pangalan.

Shiela Cruz is with Seulgi Kang

Napatingin ako sa isang picture na pi-nost niya. Saya mo na ah. Sobrang dikit niyo pang dalawa kala mo di ka galing sa break up.

Shiela Cruz:
With the best lawyer in town! Susulitin ko na pa-picture baka matagalan pa bago ko siya makasama ulit. I will miss you Atty. Kang! Take care, love you!! 😘

Napabalikwas naman ako at agad napaupo sa kama.

Anong matagalan?

Sakto naman biglang pumasok si Jennie at nagtatakang tumingin sakin.

"Aalis ba si Seulgi?" Mabilis kong tanong.

"Huh? Di ko alam. Pare pareho tayong walang update sa kanila, tatanungin mo ko. Tsaka akala ko ba mag mo-move on ka na?" Napa-irap nalang ako.

"Kala mo ba mabilis lang yon? Ilang araw palang!" Sagot ko.

"Ba't mo ba natanong?"

Hinarap ko sa kanya yung phone ko para makita niya yung post nung chuserang lawyer na yon.

"Ah kaya pala.. Baka mag so-soul hunting yang si Seulgi. Sabi mo nga diba? Nag break kayo para hanapin ang sarili niyo. So baka yun yung gagawin niya and hindi makakatulong sa pagso-soul hunting niya kung andito lang siya kung nasaan ka." Naiiyak na naman ako dahil sa sinabi niya.

Hindi pa ba sapat sayo na break na tayo? B-baka pag umalis ka.. Di ka na bumalik. Di na talaga kita makikita.

"Oh!" Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa phone niya.

"Si Baekhyun!" Sigaw niya ulit.

"Ano yon? Gaga kinakabahan ako!"

"Si Baekhyun naka-live! Tutugtog ata Incubus!"

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. Kakanta ka kaya??

"M-manonood ka ba? Si Seulgi kase kasama nila." Nag aalangang tanong niya. Dahan dahan lang akong tumango kaya lumapit siya sakin para makita ko ng maayos yung live.

Parang di ako makahinga ng maayos nung pumunta ka na sa gitna.. Namamayat ka na. Sabi ko alagaan mo sarili mo eh... Wala na ko diyan para alagaan ka.

"Huy papanoorin mo ba talaga? Paiyak ka na naman gaga!"

"Go lang Jen ano ba!" Sagot ko at pinigil ang luha ko kahit nag iinit na ang gilid ng mata ko.

"Uhm.. Hello."

God... Miss ko na boses mo.

May binulong ata si Baekhyun kaya saglit kang tumngin sa kanya bago magsalita ulit.

"This is Incubus' farewell concert.. Not literally last kase magpapahinga lang kami saglet. Panoorin niyo nalang past videos namin pag miss niyo kami." Natatawa niyang sabi. "And... S-sa lahat ng gagraduate bukas.. C-congratulations in advance lalo na dun sa mga may award... Anlupet niyo!"

F-farewell?

Iniwasan ko ang ang mga tingin ni Jennie.

"And... To you. Alam mo na kung sino ka, kung nanonood ka man... Gusto ko lang malaman mo na I'm so proud of you at... Good luck sa future career na tatahakin mo. I know you will be succesful."

Naninikip ang dibdib ko.. Ayoko maging assumera pero sa tingin ko ako yung sinasabihan mo.

"This is our first song..."

Sumenyas siya sa kanila kaya nagsimula na silang tumugtog..

Sina Lay pala yung pumalit kina Chanyeol..

(Sleep Tonight by December Avenue)

Kahit na naiba na yung posisyon... Wala parin kayong kupas.

Tell your goodnight to the light and close your eyes
There's a better place for you than to stay awake
You'll get closer to a paradise of dreamers in love
You'll get better like heaven has done something

Kung alam mo lang... Miss na miss ko na yung boses mo.. Sobra..

So lay now, I'll take over the night
There's no teardrop, you can count on me tonight
Or I'll stay up with you

T-then stay with me..

Baby it's alright
I'll be right by your side
No need to cry out loud
Nothing to cry about
Baby it's alright
I'll be just by your side
I'll keep you on my sight
I'll never leave 'til you sleep tonight

D-don't leave... Kung andito ka sa tabi ko ngayon hindi na ko iiyak..

I'll cover you with my arms and hold you tight
I'll be listening to your wonderful and calm little voice
I'll keep watching 'til my eyes burn down

Napapalunok nalang ako ng bara sa lalamunan ko dahil sa pagpipigil na umiyak. Panindigan mo naman yang kinakanta mo gago ka.

Baby it's alright
I'll be right by your side
No need to cry out loud
Nothing to cry about
Baby it's alright
I'll be just by your side
I'll keep you on my sight
I'll never leave 'til you sleep tonight

I'll never sleep, I'll never leave
I'm gonna chase this dream tonight
I'll never leave, I'll never
I'll never go

D-don't go... Panindigan mo yang kinakanta mo wag puro kanta tanginaka! Nakakainis ka!

Nagfocus nalang ako kay Sehun habang tumutugtig ng electric at kay Lay na nagddrums dahil sila ang nangingibabaw.. Kaso nung kumanta ka ulit, nasayo na naman ang atensyon ko.

So lay now, hear me all through the night
There's no teardrop, you can count on me tonight
Or I'll stay up with you

Bakit kabaliktaran ng kinakanta mo yung gagawin mo? Hindi mo naman kayang gawin yang mga yan.

Baby, it's alright
I'll be right by your side
No need to cry out loud
Nothing to cry about
Baby, it's alright
I'll be just by your side
I'll keep you on my sight
I'll never leave 'til you sleep tonight

G-gawin mo Seulgi.. Gawin mo.

It's alright
It's alright
Baby, it's alright
It's alright
I'll never leave

Marami na rin pala ang nanonood..

Malungkot na tumingin sakin si Jennie.

"Kaya ko pa Jen.. I-I'm okay." Paninigurado ko sa kanya.

"That was a good start!" Nakangiti mong sabi.

"Next song na agad tayo! Sulitin na natin yung oras hanggat nandito pa ko."

Sabay kaming nagkatinginan ni Jennie na para bang pareho kami ng nasa isip.

"J-Jen-"

"Shh.. Irene.. Huwag mong isipin masyado yon."

Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko dahil kanina pa ko nagpipigil ng pag iyak.

"Here's our next song..."

(Imahe by Magnus Haven)

Nagsimula na ulit silang tumugtog ng pamilyar na kanta.

Don't tell me...

"Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan
'Wag mo nang balikan, patuloy ka lang masasaktan
Hindi nagkulang kakaisip sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit ang pangalang nakasanayan"

B-baby... Don't..

"Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo"

Pero kung pinili ba nating lumaban ng magkasama... H-huwag sundin ang itinadhana.. Magkasama parin kaya tayo ngayon?

"Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan"

K-kaya mo.. Kaya nating dalawa.. Kung gugustuhin natin baby..

"Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa't isa"

Tuluyan nang tumulo ang luha ko.. Papatayin na sana ni Jennie yung live pero agad ko siyang pinigilan.

"J-Jen don't... Gusto ko siyang marinig kahit ngayon nalang."

"Irene.."

"Ngayon nalang Jen... This wil be the last time.."

"Hindi na maibabalik ang dati nating pagsasama
Ang tamis ng iyong halik ay 'di na madarama
Pangako sa isa't isa ay 'di na mabubuhay pa
Paalam sa 'ting pag-ibig na minsa'y pinag-isa"

H-hindi na... Seulgi.

"Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo"

Hindi ko na pinansin ang tuloy tuloy na pagpatak ng luha ko at hindi tumigil sa panonood.

A-ano pa bang magagawa ko kung bumitaw ka na.. Sabi mo nga.. Para din sating dalawa to.

Paniniwalaan kita.. I'll choose to believe you because I trust you.

"Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan"

"Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa't isa"

No... We just met at the wrong time but I know you're the right person for me.

Ngayon.. Pinagmamasdan ko nalang kung paano mo damhin yung kanta.. Habang ginagalaw mo yung katawan mo kasabay ng tugtog habang nakapikit...

"Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Pag-ibig na ating sinayang"

You're right... Sayang. Sayang lahat Seulgi...

"Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Hanggang dito na lang tayo"

"Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa't isa"

Masakit na.. Pero gusto pa kitang makita.

"Irene sinasaktan mo na sarili mo eh." Sabi ni Jennie at akmang papatayin ulit yung live pero agad ko siyang pinigilan.

"Please Jen.. Hayaan mo na kong saktan sarili ko ngayon. N-ngayon nalang to.. I-I want to see her and hear her voice for the last time bago ko siya tuluyang kalimutan." Sagot ko kaya napabuntong hininga nalang siya.

"Napapagod na ko." Tawa niya. "Ito na siguro yung huli, babalik ako pag okay na." Tipid siyang ngumiti.

Muli silang tumugtog.. At habang patagal ng patagal nagiging pamilyar na sa pandinig ko ang kantang tutugtugin nila.

(Sa Susunod na Habang Buhay by Ben & Ben)

"Kaya namang makayanan kahit pa na nahihirapan
Kahit lungkot, dumaraan 'pag natuyo na ang luha
Parang nahipan ang 'yong kandila
Init ay wala"

Ambigat sa pakiramdam.. Yung dating kayakap ko, hindi ko na makakasama ngayon.

"Hindi ba pangako mo nu'ng una, tiwala'y iingatan?
Baka naman, sa susunod na habang-buhay, ha-ay na lang"

T-tiwala.. The most important thing na binigay nila sakin pero sinayang ko lang. I-ibibigay mo parin kaya yon sa susunod na habang buhay?

"'Di talaga inasahang magkagulo't magkagulatan
Tahanang pinagpaguran, sa'n na napunta?"

Y-you'll always be my home Seulgi..

"Hindi ba pangako mo nu'ng una, tiwala'y iingatan?
Baka naman, sa susunod na habang-buhay, ha-ay"

Sinabay mo ang galaw ng ulo't katawan mo sa bawat pagpalo ni Lay at bawat pag kalabit ni Sehun sa string ng gitara.. Ma-mimiss kong panooring kayong ganyan...

"Hindi ba pangako mo nu'ng una, tiwala'y iingatan?
Baka naman, sa susunod na habang-buhay, ha-ay"

I-I'm sorry...

"At kahit nabago na ng oras, ang puso ma'y nabutas
Ikaw pa rin sa susunod na habang-buhay, ha-ay, ha-ay"

S-shit.. Baby..

"Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin
Sa susunod na habang-buhay"

Para kong nanigas sa pwesto ko nang kantahin niya ang mga linyang yon habang diretsong nakatingin sa camera..

I can see the pain through your eyes.. Nasasaktan akong makitang nasasaktan ka.

"Tong kupal na to, nakipag break sayo pero binigyan ka parin ng assurance na ikaw parin ang pipiliin niya." Bulong ni Jennie habang malungkot na nakatingin sa screen.

"That jerk.. Anggulo ng utak." Sagot ko.

"I guess you guys will just have to wait 'till that susunod na habang buhay comes and kung darating man.. Sana kayo na."

"Don't worry Jen.. I'll make sure if that comes, kami na hanggang dulo but this time... Kailangan na naming kalimutan ang isa't isa at magsimula ng bago."

Thank you for giving me an assurance. Assurance na ako parin. That assurance will help me start my life again ng di ka kasama

Thank you Seulgi.

~~~~~~~~~~
Ending na next neto T_T pero sabi nga nila there's always a rainbow after the raing hahahahaha tama ba? Puta mali ata yung motto ko pero eneweyzzz huling update na yung susunod dito. AdioOOooS!












Continue Reading

You'll Also Like

165K 5.2K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
107K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
5.3K 233 8
π™Žπ™ƒπ™Šπ™π™ π™Žπ™π™Šπ™π™” π‘πšπžπ πšπ§ πŸ’™ π–π«πžπ§ Inspired by the song: "Babalik sa'yo" by: Moira Dela Torre Hindi naman inaakalang Ikaw pala ang makaka...
213K 10.6K 40
How can you hate and love a person at the same time?