Hiding My Ex- Boyfriend's Son

By Amoralizz

4.4M 119K 19.9K

Hoping for the advancement of her career as an accountant, Aragen accepts the offer of a prestigious company... More

ANNOUNCEMENT ABOUT WATTPAD ORIGINALS
Hiding My Ex-boyfriend's Son
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER 2

109K 3K 241
By Amoralizz

CHAPTER TWO. New Life in Manila
--

"This way to HR office, ma'am."

Tumango ako at sumunod sa receptionist. Ginala ko ang mata sa kabuuan ng lobby at hindi maipagkaila ang kagandahan nito. It has a black and white minimalist theme with a modern and clean-lined style.

The couches are all black while the walls are painted in dirty white. The paintings on the wall have black frames as well as the frames of the glass wall. The lobby was lighted by natural lights, shimmering floor and congenial staffs. The overall of it speaks luxury and volume.

Maaga akong sumugod sa Montreal Corporation upang magpasa ng curriculum vitae. It has been a week since we arrived here in Manila and since the day I resigned from my previous work. It took a lot of courage dahil sa tagal at improvement ko sa kompanyang iyon.

"Here's the office, ma'am. Good luck!"

I mouthed the word thank you and proceeded in front of the HR manager.

"Good morning, ma'am. Aragen Evangelista."

Wala sa akin ang paningin niya 'pagkat tutok iyon sa hawak na folder. Sampok ang kilay niya at bakas ang stress sa mukha. Nakasandal ang kanyang likod sa sandalan ng upuan at nakapatong sa armrest ang kanyang kanang siko. Minamasahe naman ng kamay na iyon ang sentido niya.

"You must be the accountant from Boracay?"

"Yes, ma'am," nakangiti kong sagot.

"What's your connection with the CEO?"

Sa wakas ay tumunghay siya at sinalubong ang mata ko. She looked strained and her undereye says it all. Her wrinkled forehead and grievous face reigned the atmosphere inside the office. She speaks authority.

Sinundan ko ang paglapag niya ng folder sa lamesang pumagitna sa amin. Huli na rin nang maproseso ng utak ko ang tanong nito kaya no'ng maintindihan ay agad kong binalik ang tanong.

"Pardon?"

Napakagat ako sa labi. Mali yata ako ng naitanong. Tumaas ang isang kilay niya. She warned me through her eyes for about a second before she stood up and lead the way towards the door.

Hindi ko alam ang gagawin at unti-unting namuhay ang kaba sa dibdib ko. Dapat ba akong tumayo at sundan siya o manatili sa kinauupuan ko. I was clueless that I chose to do the latter.

"Our company badly needs an accountant that is honest and with integrity. An accountant that loves her work and is passionate for her title."

Napalunok ako nang humarap siya sa'kin habang nanatiling nakatayo sa harap ng pinto.

"We just had the worst nightmare, Miss Evangelista. Our former CFO ran away with hundreds of millions from the corporation funds. But the CEO seemed not bothered kahit nakasalalay ang kompanya. I'm really puzzled where did he took the confidence to put you in that position."

Nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko alam ang sinasabi niya at hindi ko kilala ang tinutukoy niya. Tila napapraning na naman ako gaya ng sinabi ni Momo sa akin nitong nakaraang araw.

Malakas ang kutob ko na iisang tao lang ang nasa isip namin ng HR manager. Yet my mind ignored all the aligned dots and chose to deal with the uncertainty.

"I guess there's no need for me to check your curriculum vitae." Humigpit ang pagkakahawak ko sa CV nang ilipat ng manager ang tingin niya roon. "Let's go, Miss Evangelista. I'll show you the accounting department."

Bumukas ang pinto at walang pasabi nang lumabas siya. Aligaga ako sa pagtayo at pagsunod sa HR manager. I'm still puzzled by those words from her mouth and my body still did not know what to do.

Though I'm one of the valued and respected accountants from my previous company, the wage and benefit I was receiving were leveled on the wages of fresh passer accountants in Metro Manila. Ibang-iba ang natatanggap na sweldo kung sa probinsya ka nagtatrabaho. The reason why I grabbed this opportunity. Lumalaki na ang anak ko at mas nagmamahal ang pangangailangan niya.

Pagkalabas namin ng elevator, napaawang ang labi ko sa kahabaan ng glass bannister wall at sa likod n'on ay ang kinalulugdan ng mga accountant. Malapad ang ngiti ko nang pumasok kami ng HR manager. Hilera ang cubicles at nangibabaw ang kulay asul sa loob.

Some accountants smiled and others showed no care. Tinuro ng HR ang magiging table ko and I was flabbergasted no'ng pumasok pa kami sa isang pinto.

"You are the new Chief of Finance of the company. Congratulations, Miss Evangelista."

"Wait, what?" Literal na nanlaki ang mata ko at napahawak sa sleeve ng manager. Napalunok ako bago muling magsalita. "Chief F-financial Officer of this big company?"

Shemay! Baka naman nagkakamali lang ang tander na 'to. It's a dream come true for me kaya hindi siya dapat magbiro. CFO is the highest position that the accountants could have, ka-level ng CEO at kung minsan ay higher salary pa.

And it is a dream of mine ever since. I literally dreamed of it from the day I decided to take BSA course. Araw-araw akong nagsusunog ng kilay para maging accountant. Tapos sa isang iglap, sasabihin niya iyan?!

"You heard me. Kahit ako ay nagulat sa desisyong iyan ng CEO. Hindi na nadala kay Mrs. Perz. But I guess it's the perks of being that gorgeous, huh." She looked at me from head-to-toe na para bang may ginawa ako sa kanya. "Sana nga ay mapagkakatiwalaan ka."

Hinilot niya ang sentido niya at tumingin sa relo. "I have lots of stuff to do pa, you can roam around and introduce yourself to your team if you want. You'll formally meet the CEO on the next day."

Teka, 'di pa napoproseso ang lahat. It means CFO na 'ko? May kung anong excitement ang nabuhay sa loob ko. Abot-tainga na rin ang ngiti ko. For real, CFO na 'ko. Gusto kong sumigaw sa saya. Mabuti na lang napapayag ako ni Maddox na kunin itong opportunity.

"Nahanap na 'ko ni Gade," humihikbing sumbong ko kay Momo.

"Shh! Wag ka ngang umiyak. Wala naman kasing kasiguraduhan na si Gade 'yong nagpadala ng sulat. Tumingin ka sa'kin."

Kinulong niya ang pisngi ko sa kanyang palad at pinalis ang luhang namayagpag.

"Gade studied medicine abroad, 'di ba? So, tell me, how come na magiging businessman siya rito? Knowing na passionate siya sa pagiging doktor. Hindi lang naman kasi siya ang may karapatang magkaroon ng gano'ng pangalan."

Nakagat ko ang nangangatal na labi at tiningnan siya nang deretso sa mata. Pagkatapos ko siyang tawagan, pina-cancel niya agad ang meeting with his board members at dumeretso rito sa cafe na malapit sa pinagtatrabahuan ko.

"Come to think of it, Ara. That company is one of the leading companies in Asia. Malakas ang kutob ko na hindi 'yan pagmamay-ari ni Gaden. There's no clue na naririto siya sa Pinas mula no'ng umalis siya," he said.

Matamang nakatutok ang mata ko kay Maddox. Takot ako! Nanginginig ang kalamnan ko. Walang-tigil sa pagbuhos ng luha ang mga mata ko. Ngunit dahil sa kakasabi lang ni Momo ay napaisip ako.

"It has been a decade, for sure he's happily living with his own family. Working with his own hospital and things like that. Ilang taon na ang lumipas, Aragen. Tiyak na hindi ka na hahabulin ng lalaking 'yon. Umalis nga, 'di ba. Kaya bakit siya maghahabol?"

"Hindi ko alam, Mo. Hindi ko alam."

Umiling ako at ibinaon sa sariling palad ang mukha. Patuloy ako sa paghikbi dahil sa takot na patuloy sa paglamon sa sistema ko.

"Ayoko, Momo. Masaya na'ko rito sa isla, dito na 'ko kasama ka at ang anak ko. Dito siya mag-aaral, hindi naman namimili si Zander."

Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga bago magsalita.

"Actually, may sasabihin dapat ako." Mabilis na napunta ang buong atensyon ko kay Momo. That voice and face, hindi maganda ang tibok ng puso ko. "I am currently building another hotel in Manila and I may stay there for a longer time. I want to bring you guys with me but I don't know how to approach you."

"Maddox," I paused. Hinawi ko ang kamay niya sa pisngi ko nang hindi pinuputol ang titigan namin. "Mo, ba't 'di mo agad sinabi? Hindi mo naman kailangang mag-alala. Me and Zander are out of your life so do your things. Susuportahin ka namin sa lahat ng bagay."

Momo is so kind na talagang pina-prioritize ang kapakanan namin ng anak ko. He was there since day one. He's there for me and for my son. I am beyond grateful for having such a company like him.

"You don't get it," he groaned. "Mawawala ako hindi lang isang buwan, Aragen, but years and years and years. I might have bigger infrastructures in Manila. That just meant I'll stay there and you guys here."

"Momo."

"You don't even want to work in my company," he sighed. "At least consider that offer, Ara. Hindi ako mapapalagay kapag ang layo niyo ni Zander. That offer is the only alibi I have para sumama kayo sa'kin sa Manila."

That day, nakumbinsi ako ni Maddox na tanggapin ang alok ng isang bigating kompanya na magtrabaho sa kanila.

The company knew about my performance and that I belonged to the TOP 100 Most Influential Accountants of this year. Doble ang sahod na kaya nilang ibigay and they will assign me to an anticipated position once I give them a chance.

Hindi ko naman inaasahang CFO ang ibibigay sa akin. Alam kong kahina-hinala pero walang mapaglagyan ang saya ko. I already have reviewed the company's profile at napakaganda ng tayo nito sa world market. Ibig sabihin lang na hindi malalagay sa pahamak ang pangalan ko sapagkat maliit ang chance na magka-aberya sila. Masyado ring private at wala ni isang information tungkol sa profile ng CEO, CFO at COO ng kompanya.

Maaga akong tumungo sa kompanya para paghandaan ang first meeting ko with the board of directors and to my future team. I wore the most expensive corporate attire I have.

Black pencil skirt na may slit sa harap, and a white long sleeve collar suit na t-in-uck in ko. I have my coat on and hair in a simple ponytail. My look finishes with light make-up.

First impression lasts kaya dapat presentable at magaan ang atmosphere na mabibigay ko sa kanila.

I'm freaking nervous as I stood in front of the long table. No one is in the MC's conference room yet. I'm still alone. Alone with my heart thumping and with my breath hitching. My presentation is already settled at ang tagapakinig na lang ang hinihintay.

Humugot ako ng malalim na hininga bago lumapit sa pinto at nakipag-shake hands sa unti-unting pagpasok ng mga BoDs. I leaned forward to my laptop na nasa lamesa at chineck ito for the last time. Medyo maingay na rin sa loob dahil sa pagtatawanan ng ibang head.

Bumuntonghininga ako upang pakawalan ang kaba. Muli akong tumingin sa relo dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang meeting. Ang CEO na lang din ang hinihintay.

"May boyfriend ka na ba, head?" tanong ng isang head na nasa around 40s na yata, kinikilig pa.

"Wala po," I smiled.

Binalik ko ang atensyon sa HDMI at siniguradong nakasaksak ito nang maayos sa laptop. I looked at the whiteboard where the projection of my PowerPoint can be seen. Dapat wala akong palpak. I have to impress everybody.

"I have a son and he's single. I think bagay kayo."

The old lady giggled like a teenager.

"Or baka 'yong anak ko mapansin mo. He's a pilot," proud na sabi naman ng isa pang head.

Tanging ngiti ang sagot ko. Hindi 'yan ang pinunta ko rito sana naman maintindihan nila. Umayos ako ng tayo at pinag-crack saglit ang mga buto sa kamay, pampawala ng kaba.

Napatingin ako sa cellphone na pinatong ko sa mesa, katabi ng laptop, nang bigla itong mag-vibrate. A smile automatically plastered on my face when I saw the name of my son on the screen. Tumalikod ako sa gawi ng pinto para makapag-reply.

SON:

Good luck, mom. Don't be so nervous. I know you can make it. I love you <3.

AKO:

Thank you, anak. I love you...

Hindi ko pa nase-send ang text nang biglang tumahimik sa loob. Sunod kong narinig ang pagsarado ng pinto. My heart pounded with the thought that the CEO is finally here. Other heads cleared their throats.

I closed my phone, fixed my hair and coat before I turned my attention in front.

Ngunit sa pagharap ko ay siya ring pagdagundong ng mundo ko. Napaatras ang isang paa ko habang tila bombilya ang mata sa pagkurap. Umawang ang labi ko sa gulat at naging sunod-sunod ang paghinga nang malalim. Pakiramdam ko'y naubusan ng dugo ang mukha ko.

For real?

Hindi maarok na pagtahip sa dibdib ko ang sumunod. Nalulon ko ang sariling laway at literal na nanlaki ang mata. All my body hair stood up in goosebumps.

Nakasunod ang mata ko sa kanya hanggang makaupo ito sa kabilang dulo nitong mahabang lamesa. Muli akong napaatras at ramdam ko ang pagtama ng likod sa malamig na whiteboard. Shems, it's really him.

Nanginginig ang mga kamay ko at nanghihina ang aking tuhod. Ang pagbagsak ng phone ko ay dumagdag sa ingay ng aircon na kumulob sa buong conference room. Tuluyang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang magtama ang paningin namin.

Naghalong kaba at takot na hindi ko maipaliwanag. I wanted to cry. His figure startled me. His eyes horrified mine. Everything in him freaked me out.

"Good morning, Mr. Montreal," bati ng lahat.

Kinagat ko ang nangangatal na labi habang nakipagtititigan sa taong pinagtataguan ko. I saw no emotion but a pitch-black pair of eyes. His body-built and huge height are too much for my view. That expensive suit on his body perfectly matched his broad shoulder and sculptured stance.

He's full-grown. He's matured. He's probably not the Gaden I used to know.

"Welcome to the company, Miss Evangelista," makabuluhan niyang pagbati. 

Am I doomed?

Continue Reading

You'll Also Like

856K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...