Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

CHAPTER 1

143K 3.1K 395
                                    

CHAPTER ONE: Life in Boracay


"Congratulations, Aragen," sambit ng boss ko sabay tanggal ng cork sa magnum wine na hawak niya.

"Thank you, team," aniko at kinuha ang crystal trophy. Nakangiti ko iyong itinaas na nagdulot ng masigabong palakpakan. "Cheers everyone for the great job we did. Kung hindi kayo ang kasamahan ko, tiyak hindi ako makatatanggap ng ganitong award. This achievement is for all of us."

"Let us toast for Aragen Evangelista as one of the 'Top 100 Most Influential People in Accounting," pagmamalaki ng boss ko at sabay-sabay naming itinaas ang mga baso ng wine glass at pinagtatapik iyon.

This island is indeed a blessing for me. It gave me peace of mind and serenity. Maraming bagay akong na-achieve at nagawa na kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan.

It gave me chance and time to change. It gave me the life I wanted for me and for my son. It helped me escape being a prison in dire strait.

"Congratulations, Aragen!"

"Congrats, Ara!"

"Congratulations, Ma'am Aragen!"

Greetings ng mga hotel staff na nadaraanan ko palabas ng hotel ang sumalubong sa akin. Katatapos lang ng mini celebration sa Finance department at walang mapaglagyan ang saya ko dahil pati ibang departments ay masaya sa once in a blue moon na achievement ko.

"Ang ganda niyo po ngayon, Ma'am Aragen," lakas-loob na sabi ng isa sa mga room attendant.

"Ngayon lang ba?" pilya kong tanong.

"Siyempre araw-araw po! N-ngayon lang ako nagkalakas ng loob," namumulang paliwanag niya at pinagtutulak pa ito ng mga kasamahan.

"Crush ka nitong ni Karl, ma'am," pang-aasar nila.

Lalo siyang namula. Asar niyang inambahan ng suntok ang mga kasamahan. Pinagbantaan niya rin ang mga ito kung hindi sila titigil.

"Thank you! Mauuna na ko. Susunduin ko pa si Zander."

Dinig ang lagitik ng red plumps ko sa bawat hakbang. Inayos ko ang suot na coat at muling kumaway kay kuyang janitor na tumawag sa atensyon ko.

LABIN-DALAWANG (12) TAON na ngayon si Zander, at pitong taon na ang lumipas mula nung operasyon niya. Pagkatapos ng operasyon niyang iyon, pumayag ako sa kagustuhan ni Gade na ipa DNA test si Zander, alam kong may kasalanan ako pero buo ang desisyon ko nung pineke ko ang sample specimen ng anak ko. Hindi ko pinagsisihan ang araw na iyon dahil kilala ko si Gade at alam ko ang mga bagay na pwede niyang gawin.

I just really want to get rid of him. I don't want any connection with him. I want nothing from him. He left and never seek. He left without words. Wala man lang ginawa para malam ang tungkol sa anak niya. Kaya anumang meron ako ngayon, na kami ang gumawa, ay hindi na niya pagmamay-ari pa.

Agad kong nakita si Alexander na bitbit ang surfing board niya at sukbit sa balikat ang itim na backpack. Topless siya at suot pa rin ang board shorts sa pagse-surfing. Lalapit na sana ako nang mapansin na may kausap siyang brunette girl.

"By the way, I'm Seymour!"

Nakangiti kong kinagat ang pang-ibabang labi at mas humakbang pa para marinig ang magiging simula ng love life ng anak ko. I'm bitter in mine but I won't slip the one for my child.

"Whatever, Seymor!"

"What?" tumaas ang boses niya nang magkamali si Zander sa pagbigkas ng kanyang pangalan.

Hiding My Ex- Boyfriend's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon