Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

CHAPTER 3

95K 2.8K 332
                                    

CHAPTER THREE: Ara's Credit Period


"Stay for a while, Miss Evangelista."

Mabilis na kumawala ang mura sa bibig ko. Katatapos lang ng meeting at nagmadali akong pumunta rito sa pinto. Pero, shemay naman, tinawag pa 'ko!

Anong kailangan niya?

Nginitian ko ang lahat ng Board Of Directors na walang-malay sa paghuhuramentado ng puso ko. Nang wala ng matira at tuluyang sumarado ang pinto ay tumuloy-tuloy ang kaba sa'king dibdib.

"What do you need, Mr. Montreal?"

Pormal kong pagbati habang nanginginig ang dalawang kamay na nakahawak sa bag ng laptop. I stood firmly beside the door and fought the tension that his eyes gave.

"Tsk." Tumayo siya sa kinauupuan at lumapit sa pwesto ko. Nahugot ko ang hininga nang ilang pulgada lang ang iniwan niya. I can almost smell his mint breath. Both of his hands were in his pocket while his eyes were dark tense roaming around my face.

"Long time no see, Aragen." A sarcastic voice filled my ears.

Napatuwid ako ng tayo nang bigla niyang iangat ang kamay at ipasada sa jawline ko. Agad kong nilayo ang mukha mula sa kayang daliri. Tiim-bagang kong itinuon ang tingin sa gilid, ngunit sa sobrang lapit niya ay halos hindi rin ako makahinga.

Tumikhim ako at matapang na hinarap ang mga titig niya. "Tell me what you need, magtatrabaho pa 'ko."

"Don't be too excited. Alam ko ang mga gawain mo."

"Gade, para saan 'to?"

"What do you mean?"

Pilyo siyang ngumisi. Umayos siya ng tayo at muling namulsa sa harap ko. Ganunpaman, ang distansya namin ay hindi pa rin nagbabago.

"I gave you work, Aragen. Aren't you grateful?"

"Don't tell me you didn't plan all these. Stop it, I'm warning you. Nananahimik ako."

"Living a peaceful life as a cheater, huh," sarkastiko niyang sabi. He clenched his jaw. Matalim at madilim ang mga mata niya nang ipilig ang ulo.

"Hindi kita maintindihan. Sinong lumoko sa'yo at ako ang pinagbibintangan mo?"

Napasinghap ako nang bigla niyang hulihin ang magkabilaang pisngi ko gamit ang isang kamay. Diniinan niya ang paghawak doon dahilan ng pamumuhay ng takot sa dibdib ko. Ang kaba ko ay tuluyang naging takot nang makita ang galit sa mga mata niya.

"Why are you still denying your truest self?"

Agad na tumama ang naninigas kong palad sa pisnge niya.

Napaigik ako sa sakit nang mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa pisngi ko at biglang sinandal ang likod ko sa pader. Pilit kong inalis ang kamay niya. Ang sakit sakit na! Naghalo ang gulat at takot sa dibdib ko.

Mas lalo niyang diniinan ang paghawak. Mangiyak-ngiyak na 'ko sa sakit dahil sa halos magsalubong ang loob ng magkabilang pisngi ko.

"Fuck it, Aragen. Leave!"

Mabilis kong pinulot ang laptop bag kong nahulog at aligagang nilisan ang silid. Abot-langit ang tahip ng dibdib ko. Umayos ako ng tayo nang magawi sa pwesto ko ang secretary ni Gade.

Dumeretso ako ng restroom at hinihingal na humarap sa salamin. Namumula ang pisngi ko at bakas pa rin ang takot sa'king mata. Dinahan-dahan kong minasahe ang panga.

What just happened, huh!

"How's work, Mom?" bungad ng anak ko pagkarating ko sa condo unit ni Maddox.

Hiding My Ex- Boyfriend's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon