The Charm

By sweet_aria

1.9M 69K 5K

[AGREZOR SERIES #1] Si Amity ay guro sa isang pribadong paaralan sa probinsya ng Rizal. Madalas masangkot ang... More

The Charm
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 57

24.4K 892 53
By sweet_aria

Chapter 57

I went straight to our room when we got home. Sinundan niya ako at tinabihan ako sa kama.

"Amity..." tawag niya sa akin.

Nanatili akong nakatingin sa kawalan.

"Anong nangyari? Kanina ka pa hindi nagsasalita. Nakapagpaalam ka kay President?"

Marahan akong tumango. She held my chin and made me face her. Tumitig siya sa mga mata ko at nalukot ang noo. Bigla niya akong hinigit palapit sa kanya at niyakap nang mahigpit.

"Alam mo 'yong pakiramdam ko? Ang bigat. Sobra."

Mabilis na nag-unahan pagbagsak ang luha sa aking pisngi. Humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Gusto ng mama niya na ipakasal siya sa ex niya. Tapos 'yong nadatnan ko pa."

Hindi siya nagsalita, alam kong nakikinig lang siya.

"Bakit ganito?" Nanginig ang mga balikat ko dahil sa tindi ng nararamdaman kong sakit sa dibdib. "Hirap na hirap na akong intindihin ang sarili ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko na nahihirapan akong kontrolin. Tapos ganito pa. Makikita ko pa sila na ganoon kalapit."

Nalukot ko ang likuran ng kanyang damit. Sumubsob ako sa balikat niya at mas lumakas ang pag-iyak nang halikan niya ang gilid ng ulo ko.

"Amity..."

"B-bakit ganito kasakit?" nabasag nang tuluyan ang boses ko.

"Kasi mahal mo," sagot niya. Inilayo niya ako sa kanya at hinagilap ang mga mata ko.

Napatungo ako. She held both of my hands and squeezed them gently.

"Gusto mo bang papuntahin ko siya rito?" tanong niya.

Mabilis akong umiling. "No. Ayoko."

"Bakit?"

Hindi ko siya sinagot. Hinawakan niyang muli ang baba ko at pinatingin sa kanya. I bursted out crying again and was out of words. It was like crying was the only way to cope with the pain.

Sumubsob ako sa dibdib niya at wala siyang ginawa kundi ang aluhin ako. Hindi ko alam kung ilang oras akong iyak lang nang iyak.

Nagising na lang ako na wala siya sa tabi ko. Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Nang tingnan ko ang oras ay alas singko na ng umaga.

Nasa kusina siya at agad nabalutan ng pag-aalala ang mukha niya pagkakita sa akin. Binitawan niya ang siyanse at nilapitan ako.

"Akala ko... iniwan mo ako." Mahigpit akong yumakap sa kanya.

Iniupo niya ako sa upuan at tiningnan ang mukha ko. Pinunasan niya ang luha ko, at sobrang lamlam ng mga mata niya.

"Why would I do that? Huh?" Umupo siya sa aking tabi. "Nanaginip ka ba? Anong nararamdaman mo?"

Kinuyom ko ang mga kamay. Batid ko na napatingin siya rito. Hindi ko napigilan ang muling pagbuhos ng luha. Sagana ito, katulad ng kung gaano kasagana ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib.

Napahawak ako sa kamay niya nang biglang nakaramdam ako na parang lumulutang ang ulo ko. Mabilis na namanhid ang mga kamay ko.

"Amity..." kinakabahan niyang tawag sa akin.

"Nahihirapan akong huminga. 'Wag mo 'kong iiwan, please. Nagmamakaawa ako sa 'yo."

Kapag nagkakaganito ako noon ay may iniinom akong gamot na prescribed ng psychiatrist. Pero sa ngayon ay siya lang ang meron ako.

"Promise," bahagyang nabasag ang boses niya. "Promise, hindi kita iiwan. Nandito lang ako. Eto o, nasa harapan mo lang. Hindi ako aalis."

Ipinikit ko ang mga mata, pinipilit iwaksi ang halu-halong nararamdaman. Hindi niya nga ako binitawan. Ginawa lang niya 'yon nang medyo umayos na ang paghinga ko. Kumuha siya ng tubig at pinainom 'yon sa akin.

"Ano na ang pakiramdam mo?"

"Pagod," sagot ko. "Nakakapagod 'yong ganito." Sumandal ako sa upuan at mapaklang natawa.

Tumitig lang siya sa akin.

"At ikaw, alam kong napapagod ka na rin. Sa paulit-ulit na nagkakaganito ako, Faerie."

"Tangina, 'wag mo akong tawaging Faerie," mahinahon ngunit madiin niyang sabi.

Pinagsalikop niya ang mga kamay at tumungo siya roon. Nang iangat niya ang ulo ay nagtutubig na ang mga mata niya. Tumayo siya at sumandal sa kitchen counter. Mabilis na binalot ng galit ang maganda niyang mukha.

"Ano bang ginawa sa 'yo ng lalaking 'yon?" hindi na siya nakatiis na magtanong.

Hindi ko kinuwento lahat sa kanya kagabi dahil alam ko kung paano siya magalit.

"Did he cheat on you, huh? Did he hurt you physically? What, Amity?!" hindi niya napigilang sigaw. "Puta, wala siyang karapatang saktan ang kapatid ko!"

Nakatingin lang siya sa akin, naghihintay ng sagot ko. Umiling ako.

"Hindi ganoon..."

"E ano?"

"I... I saw him on top of Meave."

Mahina ngunit malulutong ang pinakawalan niyang mura. She then said nothing. Batid kong naramdaman niya na ayoko nang magkwento at hinayaan niya 'yon.

Tinalikuran niya ako at naghanda siya ng mga niluto niya. Pinagsalin niya rin ako ng fresh milk sa baso at inilapag 'yon sa mesa.

"Hindi ako kakain," sabi ko.

Walang emosyon ang mukha niya na binalingan ako. "Hindi pwedeng hindi ka kakain. Kailangang magkalaman ng tiyan mo. Hindi tayo papasok sa Hasse. Magpapa-checkup ka."

There was finality in her voice. Naglagay siya ng plato sa harapan ko at pinagsandok ako ng fried rice. Ikinuha niya rin ako ng bacon at hotdog. Pumwesto siya sa harapan ko, hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Eat," sabi niya.

Lumunok ako bago hinarap ang pagkain. Pinilit ko kahit na ramdam ko na masusuka ako. This was normal to me. Ang kawalang gana pagkain at pagsusuka.

"Kailangan kong mag-CR..." nakatungo kong sabi.

"Bakit? Masusuka ka?" Alam na alam niya.

Tumango ako at hindi na siya hinintay na magsalita pa. Patakbo akong pumasok sa CR at isinuka ang lahat ng kinain ko. Pagkatapos ko at nakapagmumog na ay bumalik ako sa hapag. Ngunit wala siya rito. Nakita ko siya na lumabas sa kwarto, may dalang bimpo. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang pawis ko sa noo at mukha.

"Sorry kanina," aniya.

Nakuha ko ang tinutukoy niya, noong sumigaw siya. Hindi ko siya masisisi.

"You don't need to say sorry."

Inilapag niya ang towel sa mesa. Inayos niya ang buhok ko at tumingin sa mga kamay at braso ko.

"Amity, alam mong kilalang-kilala kita. Ayokong may gagawin ka na hindi ko gusto," pahiwatig niya.

Iniwas ko ang mga mata.

"Do you hear me?" she asked.

Tumango ako hanggang sa iniligpit na niya ang pinagkainan namin.

Katulad ng sabi niya ay hindi kami pumasok. Kanina ay nai-text ko na ang principal tungkol sa pag-absent ko pati na rin ang strand coordinator.

My phone rang and Faerie glanced at my pocket. Tumingin ako sa bintana na parang walang naririnig.

"May gusto ka bang bilhin bago tayo pumunta sa doctor o pauwi na lang?"

Hindi pa rin tumitigil ang cell phone ko sa pag-iingay kaya inilabas ko na ito sa purse ko at pinatay. Binalewala ko ang panonood niya.

"Wala," tipid kong sagot.

I heard her sigh. Nagpokus na lang siya pagda-drive hanggang sa itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng pamilyar na building kung saan hindi ko na ninais na bumalik.

"Wait for me inside. I'll just park the car."

Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Nasa lounge ako at hinihintay siya nang nakita ko ang doctor ko. Agad akong nilapitan ni Dr. Sienes .

"Miss Escobar, I'm actually waiting for you." The way she stared at me made me bow my head.

Mukhang sa kanya pa rin nagpa-set ng appointment si Faerie. Wala na akong magagawa gustuhin ko man na mag-iba ng doctor. I couldn't blame Faerie because Dr. Sienes is popular for being the best psychiatrist here.

"Where is Miss Hontiveros?" she asked.

Nang iangat ko ang tingin ay naghihintay na pala ang kamay niya para sa akin. I shook hands with her and she chuckled.

"Don't be afraid of me, Amity. Na-miss ko ang pinakamaganda kong patient."

"Oh, nagkita na po pala kayo."

Sabay naming nilingon si Faerie na nakangiting naglalakad palapit sa amin. Gumala ang tingin ko at napansin ko ang pagtingin sa kanya ng mga tao.

What a head turner.

Pumasok kami sa couseling room na ilang beses ko na ring pinasukan noon. Pinaupo ako ni doc at napatingin kami sa pinto nang pumasok ang therapist ko. Hinawakan ni Dr. Sienes si Faerie sa braso at tuluyan na silang lumabas.

"It's good to see you again," Dr. Doroteo started. "Pero hindi ako masaya na sa ganitong dahilan ulit tayo magkikita."

Naramdaman ko ang pananakit ng lalamunan ko.

"How are you?" she asked.

Nagsimula kaming mag-usap at hinayaan kong buksan sa kanya ang lahat ng saradong pinto tungkol sa nakaraan at kasalukuyan. Sobrang sakit ng mga mata ko sa pag-iyak habang tinatanong niya ako.

Matapos ang session ko kay Dr. Doroteo ay prescription naman kay Dr. Sienes. Kinausap ni Dr. Doroteo si Faerie habang ako ay naghintay lang sa waiting room. Nang lumabas siya ay agad niyang inilahad ang kamay sa akin.

"Lika na, nagugutom na ako," aya niya.

Kinuha ko ang kamay niya.

"Mag-iingat kayo. See you next week, Amity."

Tinanguan ko si Dr. Doroteo at matamis ako nitong nginitian. Wala ako sa wisyo na magsalita nang nasa loob na kami ng sasakyan.

Kumain kami sa restaurant at batid ko ang nakabantay niyang tingin sa akin. Madilim na nang nakarating kami sa apartment. Inaasahan na namin 'yon dahil traffic.

Umupo ako sa sofa at tinabihan niya ako. Ipinatong niya ang paper bag kung saan nandoon ang mga gamot ko.

"Dr. Sienes have instructed you when to take them, right?"

Bumuntonghininga siya nang hindi ako sumagot.

"Amity..."

Saka lang ako nagkalakas-loob na tingnan siya. Seryoso ang mga mata niya pero sumisingaw pa rin doon ang tunay niyang nararamdaman. She didn't want seeing me like this.

Yumakap ako sa kanya at hinayaan lang niya ako. I badly needed this. Kasi sa tuwing niyayakap niya ako, gumagaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko, ligtas ako sa kahit saan at kahit mismong sa sarili ko.

"What if I leave you? Kaya mo ba?" bigla kong tanong.

Inilayo niya ako sa kanya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. She looked into my eyes and shook her head.

"'Wag mo akong usapan nang ganito. It's not funny." Inayos niya ang buhok ko.

Binitawan din niya ako at kinuha niya ang paper bag. Nilabas niya ang mga laman noon.

Tumikhim ako at alam kong nakuha ko muli ang atensyon niya. "Hindi ka ba hinahanap sa office n'yo?"

"Hindi."

"Baka kailangan ka ro'n."

"Wala akong pakialam. Mas kailangan ako ng kapatid ko."

Nagtubig ang mga mata ko. Pinaypayan ko ang mukha gamit ang mga kamay at mariing kinagat ang ibabang labi.

"I can't leave you alone in times like this."

"Thank you," I almost whispered.

"You don't need to say thank you."

Tumungo ako, bumagsak ang tingin sa kandungan.

"Mag-boyfriend ka na. I want to see you happy."

Mahina siyang natawa. "Why suddenly you're talking about getting a boyfriend?"

"Gusto kong makita kang ngumingiti. Deserve mo 'yon."

"Being in a relationship is not the only thing that makes a person happy. Hindi lang doon umiikot ang mundo."

Hindi ako nakapagsalita.

"Bakit? Sawa ka na ba na makita ako rito sa apartment mo?"

Mabilis akong umiling. "I always want you here." Nilingon ko siya. "Pero hindi pwedeng laging nasa akin ang atensyon mo. Paano ka? Your happiness should be your first priority."

"Seeing you okay and happy is my happiness."

My tears fell down crazily.

"Fuck you!" I couldn't help but smile.

"Oh, I love you more, sis."

Nagtawanan kami. Muli akong humilig sa kanya at pareho kaming napabaling ng tingin sa lamesita nang nakatanggap ako ng message.

Hindi ko sana 'yon papansinin ngunit may kung ano na nagtulak sa akin na damputin ito.

I read the message and my forehead creased.

Is this the reason why you are absent, Ma'am Amity? People are talking about Meave and Aegeus. Someone saw them kissing last night outside his office. Aware ka? If not, poor you. - Sahara

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
4.1M 77K 55
THE SECRET LOVE (Zamora Brothers Series I) YVO MICHAEL J. ZAMORA Love knows no boundaries, but Yvo learned that his love for his adoptive sister, El...
1.6M 37.1K 61
MATURE CONTENT | SPG | R-18 Too much love is vicious, and Saintess learned that the hard way. Daunted by the animalistic and cruel way of Saint Yves...
1.4M 25K 50
He is my first love. High school pa lang kami, I am already truly, madly, and deeply in Love with him up to the point that I already surrendered ever...