Reclaiming the Stars (Agustin...

By cloudryll

44.2K 1.8K 3K

AGUSTIN SERIES #1 (COMPLETED) Priyanka Guevarra, a carefree and just the right amount of wild seventeen year... More

Reclaiming The Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Author's Note

Kabanata 2

1.3K 60 69
By cloudryll

Kabanata 2

Name

"May girlfriend ka?"

His expression changed from mad to confused.

"Mag-a-apply sana ako," sinadya kong hinaan ang boses ko. With his looks and complete attire, it's impossible for him to be single.

"Babe, ako wala!" pagpepresinta ni Sid sa tabi ko. The man gave him a taunting look. Siniko ko tuloy s'ya. Ang daldal naman kasi ni Sid. Kapag ito talaga nawalan ng trabaho, tatawanan ko.

"I'll be expecting you here tomorrow morning," iyon lamang ang sinabi n'ya bago tumalikod.

Gusto siguro n'ya akong makita ulit bukas. Ang hirap naman maging maganda. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko katapusan ko na. Pinalinis n'ya sa mga kasambahay ang nasirang dollhouse. Nag-sorry ako sa kanila at tinulungan sa pagpupulot at pagwawalis dahil nakakahiya naman. Kadarating lang namin tapos magkakalat na agad kami.

Hindi ko na tinanong kung bakit ako pinapapunta bukas kasi hindi rin naman ako magrereklamo. Kahit naman hindi n'ya sabihin, pupunta talaga ako. Hindi ko palalampasin ang oportunidad na ito.

Boys from my school could never be placed on the same place as he is. Palipat-lipat ako ng school pero wala talaga akong nakitang kasing-gwapo n'ya. Lalo na kapag ang seryoso n'ya.

"Babe, hayaan mo nalang si Kuya. Baka may dalaw," si Sid na kanina pang imik nang imik. Hindi ba marunong tumahimik 'to?

"Kuya?! Kapatid mo 'yun?" he looked at me, completely offended. "Bakit ang dumi mo?" dagdag na tanong ko sa kanya.

I wasn't expecting them to be siblings. Magkaibang-magkaiba ang gayak nila. Although there are some parts that they have in common, I was still surprised. Sid's brother has more matured features, highlighted by his stoic aura. While Sid have this more approachable and friendly vibe.

"Aray ha! Mas masipag lang talaga ako," proud n'yang sabi.

That adds a lot. Iba pa rin talaga ang dating kapag marunong sa gawain ang isang tao. I get that you're rich, but slacking off because you know you can provide for yourself doesn't really sound appropriate.

"Yung Kuya mo, hindi ba s'ya nagtatrabaho?" I asked him curiously. I wanted to know how he would look like in dirty clothes. Sobrang linis n'ya kasing tingnan kanina, with his plain white shirt and khaki shorts.

Ibang-iba kay Sid na akala mo'y member ng Peppa Pig family dahil sa sobrang putik.

Ganoon rin naman ang tinatrabaho ni Papa pero hindi s'ya kasing dungis ni Sid.

"He prefer office works," maikling sagot ni Sid. "Teka, bakit ba si Kuya ang tinatanong mo? Ako yung kaharap mo ah!" he complained and whined.

"Sorry. Hindi kita type. Ayoko sa madaldal," napanganga s'ya sa sinabi ko. I took that as an opportunity to face my brother.

"Alam mo ikaw, pahamak ka talaga," I lectured him. He bowed his head and I saw his shoulders shaking. Namumula rin ang tainga n'ya. Kinain naman ako ng konsensya ko.

"Joke lang. Ikaw naman, bakit ka ba umiiyak. Hindi naman kita pagagalitan. Baka makita ka ni Papa, ako na naman sisisihin. Tumahan ka d'yan," sunod sunod kong sabi sa kanya. Hinagod hagod ko ang likod n'ya at pinunasan ang luha.

"Wala kang puso," si Sid na hindi pa rin pala umaalis. "Marami akong games sa kwarto, gusto mo?" pag-aalok n'ya kay Kael.

"Talaga po?" kumislap ang mata ng kapatid ko. Maya-maya pa ay iniwan na nila ako. Hindi man lang ako inaya. Wala tuloy akong makasama.

I tried looking for Sid's brother but by only glancing at the entire place, I would probably lost my way. Ang daming pasikot-sikot sa baba tapos may taas pa and there's more! Sa labas pa!

Maghapon tuloy akong nakatulala. Nagpunta na ako sa kusina nila tapos halos na-interview ko na ang mga kasambahay nila. Ang babait nilang kausap at hindi nila ako tinuturing na ibang tao. Pinanood ko rin si Papa magtrabaho hanggang sa dumilim.

"Ronald, dito na kayo maghapunan ng mga bata," pag-iimbita ni Lolo Joaquin. He's always smiling kaya napapangiti rin ako kapag kausap s'ya.

"Hindi na po, Sir. Nakakahiya naman po," si Papa na nagkamot pa sa ulo.

"Pa, ano ka ba? 'Wag ka ng mahiya, hindi tinatanggihan ang biyaya," sabi ko naman na nakapagpatawa kay Lolo Joaquin.

Iniisip ko pa lang na makakasabay ko ang kapatid ni Sid kumain, parang busog na agad ako.

Nahihiyang sumunod si Papa kay Lolo Joaquin samantalang halos mag-tumbling na ako papasok sa mansyon. Kung ano ano pa ang sinabi n'ya sa'kin, na hindi raw n'ya ako pinalaking makapal ang mukha. 

Once in a lifetime opportunity. Minsan lang sa talambuhay ko. Sulitin na.

Umupo kami sa mahaba nilang lamesa. The maids brought tons of dishes na halos mapuno na ang lamesa. Pinatawag naman ni Lolo Joaquin ang dalawa n'yang apo. Automatic akong nag-ayos ng upo at ngumiti.

Naunang bumaba si Sid na kasama ang kapatid ko. Kasunod naman ay ang kapatid n'ya na mukhang bagong ligo. Sa harapan ko pa talaga s'ya umupo. Konting konti nalang talaga iisipin kong may gusto na sakin 'to.

We started eating, with Lolo Joaquin doing all the talking. He would ask questions from time to time making us feel a lot more welcome. Hindi n'ya pinaramdam na ibang tao kami dahil lang nagtatrabaho si Papa sa kanya.

"Ilang taon ka na pala, iha?" he asked me.

"Seventeen po," sagot ko nang hindi inaalis ang ngiti sa labi.

"Senior high school?" dagdag na tanong niya.

"First year college po," his mouth formed an 'o' then he nodded. I explained to them that I went to school early because of some certain cutoffs when I was little.

"Parehas pala kayo ni Isidro," nagtaka naman ako kung sinong tinutukoy n'ya. But as soon as I saw Sid's disgusted look, I already knew who he was pertaining to.

Pinalobo ko ang pisngi ko at kunwaring nagkakamot ng ilong dahil sa pagpipigil sa tawa. Ang historic naman ng pangalan n'ya. Parang kasabayan nina Magellan.

"What course are you in?" Lolo Joaquin interrogated me again.

"Architecture po," taas noo ko iyong sinabi habang nakatingin sa kapatid ni Sid na hindi man lang ako pinapansin.

If there's one thing to be proud of, it's my education. Despite our financial status, my father would never let us be left behind and would even work more only to sustain us. My mother left us after giving birth to Kael so he had to take all the responsibility. Ganon kasipag ang Papa ko kaya sobrang proud ako sa kanya.

"Magkakasundo pala tayo, iha," he exclaimed happily. Ayan na, nakikilala na ako ng pamilya n'ya.

I felt Sid throwing sharp stares on my side. Without looking at him, I mouthed, "Isidro pala ha."

Tiningnan n'ya ako na parang nanghahamon kaya sa pagkakataong ito ay malakas akong napatawa. I completely forgot about table manners. Mahina akong siniko ni Papa.

"Tapos ka na, Apo?" si Lolo Joaquin sa kapatid ni Sid. Tumayo na kasi s'ya at akmang aalis na. Tumango lang ito pero hindi ko hinayaang makalayo.

"Wait!" I voiced out, a little to loud.

Everyone in the table looked at me, giving me questioning looks except for Kael who's busy digging on his ice cream. Nilingon ako ng kapatid ni Sid na puno ng pagtataka ang mukha. He impatiently stared at me so I gathered all the courage left in me.

"Anong pangalan mo?"

Pinagkunutan n'ya ako ng noo. He studied my face, probably checking whether I'm serious regarding my question. He cleared his throat before speaking.

"Lorenzo."

Lorenzo. Lorenzo. Lorenzo.

Bigla na lang s'yang naglakad palayo. Si Lolo Joaquin ay nakangiti pa rin na parang walang nangyari. Si Papa naman ay hiyang-hiyang tumungo na parang ilang segundo nalang ay sasabunutan na ako. Si Isidro naman ay hindi makapaniwalang tumingin sa akin habang si Kael ay kumakain pa rin ng ice cream.

Pangalan pa lang pero kinikilig na agad ako. Iba ka talaga, Lorenzo.

Tinulungan ko ang mga kasambahay sa pagliligpit ng kinain, with Lolo Joaquin nagging me to stop because we're his visitors. We thanked him before heading home. Nangyari naman ang part two ng pagsesermon ni Papa pero nakangiti pa rin ako.

"Priyanka, hindi ka na nahiya. Ano nalang iisipin ni Sir Joaquin," he continued. "Nakikinig ka ba? Anong ngini-ngiti ngiti mo d'yan?"

"Pa, nakita ko na yata ang tatay ng mga magiging anak ko," I dreamily said.

"Ikaw bata ka! Pinapasakit mo ang ulo ko," kinuha ni Papa ang tsinelas n'ya at hinabol ako. Si Kael naman ay todo cheer lang sa may gilid.

"Hindi ka pa nga nakaka-graduate, bibigyan mo na agad ako ng apo!" pagpapatuloy n'ya.

"Joke lang, Pa! Study first ang architect n'yo!" sumuot na ako sa ilalim ng lamesa dahil seryoso talaga si Papa. Napatawa nalang ako.

Pagkatapos ng nakakapagod na habulan ay nileksyunan na naman ako ni Papa. He told me that I should focus myself first with my studies so I can give Kael a bright future. And he also wanted me to be the one to build our own house, isa iyon sa mga pangarap ni Papa para sa amin.

That night, I slept with my heart full. Naalala ko na naman si Lorenzo. Parang gusto ko nalang iadjust yung relo para mag-bukas na.

Excited na'ko!

See you tomorrow, love!

Continue Reading

You'll Also Like

174K 4.2K 46
Envy is when one lacks another's superior quality, achievement, or possession and either desires it or wishes that the other lacked it. | Seven Deadl...
7.6K 494 45
After Zira's break up with her long time boyfriend, she began to have a dream every night about a man in an isolated Island where her dreams help her...
10.9K 393 30
Rebecca Andres has been heartbroken before. Kaya naman nang makabangon mula roon ay ipinangako niya muna sa sarili na uunahin niya na muna ang pag-aa...
19.5K 542 55
Sloth is the lack of any feeling about self or other, a mind-state that gives rise to boredom, rancor, apathy, and a passive inert or sluggish mentat...