Short Stories

By strawberry008

64.3K 1.5K 295

More

Table of Contents
Sabi Mo Eh!
Try Me
My Fictional Character
One Imaginary Kiss

Maganda Ako PERIOD

9.8K 240 37
By strawberry008

TITLE: Maganda Ako PERIOD

Ako si Jenny V. Maligalig. Seryoso, yan ang apilido ko kaya wag na kayong ano diyan pakiusap lang! Hindi naman importante kung ganyan ang apilido ko.

Ang importante eh maganda ako PERIOD. 

"Ang ganda ganda talaga ng anak ko," Sabi ng nanay ko sa akin. Hindi naman kami mayaman eh. Sa katunayan niyan, nakatira ako malapit sa bukid.

Pero dahil prinsesa ang turing sa akin ng pamilya ko, hindi ako lumalabas ng bahay kasi ayaw nila akong umitim. Ni ayaw nga nila akong ipakagat sa lamok kaya naman nakastuck na ko dito sa SARILI KONG KWARTO at sa KULAMBO ko. 

"Jenny, may bisita ka!" Sigaw ng Kuya ko.

"Sino ba yan Kuya? Madilim na ah? Wag mong sabihing kaeskwela ko yan. Aba! Baka gusto niyang matikman ang hagipit ng kamao ni Jenny M?!" Tumingin ako sa nanay ko pero mukha siyang nalungkot. Ano meron?

"Sira, hindi! Si Ma'am Cherry, kukunin ka na," Agad naman akong napatayo sa aking mala-prinsesang higaan. 

"Ay, ngayon ba iyon? Ngayon na ba ako pupunta sa kamaynilaan?!"

"Ay hindi hindi. Nakagayak naman na mga maleta mo diyan, diba? Ano pa bang hinihintay mo, luwas na!" Pagkalabas ko sa aking pinakamamahal na kwarto, nakita doon si Ma'am Cherry.

"Ma'am Cherry? Ikaw nga!" Niyakap ko si Ma'am Cherry. 

"Oo, Jenny. Sige na, magpaalam ko na sa kanila. Aalis na tayo," Nagpaalam na ko kila nanay at tatay. Umiyak pa nga sila eh pero si Kuya, bato talaga! Nakuu pero sa loob loob niyan, naiiyak na din yan. Scholar kasi ako ni Ma'am Cherry pero kapalit ng pagpapaaral niya sa akin, hindi kami aalis sa kanya. Siya nga pala yung may-ari ng lupa kung saan kami tumitira. Napakayaman nila at talaga namang mababait. 

Mababait? 

Hindi pala. Hindi doon kasama si Neil, anak ni Ma'am Cherry. Isa siyang bastos, mayabang, at talaga namang napakasungit na anak ni Ma'am Cherry. Wala siyang minana sa kanyang ama at ina. Pero dahil tauhan lang nila kami, sinikap kong maging mabait sa kanya.

Yun nga lang, pag walang tao...

Gera na!!!

Pagkadating na pagkadating namin sa Maynila, naisip ko agad sila nanay at tatay. Pati si Kuya Arnold syempre! Ang laki laki pala dito no? Ang ingay! Ang daming sasakyan, pasyalan, at kung anu ano pa! Mahihirapan kaya ako dito? Sabi nila, puro sosyal daw mga tao dito eh. Maaarte daw magsalita tapos iba daw talaga! Madami daw masasamang nilalang kaya nga sabi ni tatay, ingatan ko daw sarili ko at wag magpapaimpluwensya.

Pero dahil probinsyana din ako, hindi nila ako magagalaw. Batak ata ako kahit babae ako! Madaming nagkakagusto sa akin sa lugar namin dahil hindi daw ako madaling makuha. Matapang ako at kaya kong sumuntok ng lalaki. Isa pa, maganda daw ako, makinis, matalino, at maganda ang hubog ng katawan ko. Perpektong perpekto, diba?

Kaya kinaiinggitan din ako ng madami. Pake ko sa kanila?

Ang importante, maganda ako PERIOD. 

"Mom, what is she doing here?!" Tanong ni Neil sa nanay niya pagkakita na pagkakita niya sa akin. Iniirapan ko lang naman siya. Jusko, baka mahawa pa ako ng kayabangan niya eh diba nga sabi ni itay, wag papaimpluwensya. Che! May pa-mom mom pang nalalaman eh pwede namang nanay o mommy! Ang yabang talaga!

Ilang araw din ang nakalipas at nag simula na ang unang klase ko dito sa Maynila. Isa na akong 4th year highschool at next year, kolehiyo na ako. Saan kaya magandang mag-aral? Sa UP? La Salle? Ateneo? UST? UE? FEU? CEU?

Bakit ko ba iniisip yan! Dapat ang iniisip ko eh paano ba makikisama sa mga tao dito? Grabe, panay english naman naririnig ko. Nakalimutan kong sa ekskusibong paaralan ako nag-aaral. Hay nako! Ayos lang naman siguro mag-isa diba? Hindi naman ako mamamatay.

Bigla ko tuloy na-miss mga tao sa amin. 

"Hi, Miss. What's your name? Are you new here?" Tanong ng lalaki. Ingles ng ingles!!! Sus! Kaya ko din yan no, ano akala nila sa akin. 

"Isn't it obyus?" Tinaasan ko siya ng kilay tapos biglang tumawa yung mga tao sa paligid. Ano problema nila? Tama naman grammar ko ah?!

"Ah eh sorry miss ha. What's your name pala?"

"My neym is Jenny Maligalig," Mukhang nagulat naman yung iba at yung iba naman, nagbubulungan tapos nagtatawanan. Eh ano kung Maligalig apilido ko? 

MAGANDA NAMAN AKO PERIOD.

"Paolo Sotto nga pala," Paolo Sotto? "Kaano ano mo sa Vic Sotto?" Tanong ko sa kanya tapos nagtawanan na naman yung mga tao. Ang bababaw naman ng mga kaligayahan ng mga 'to! Ang dadaling patawanin.

"Ahehe, wala. Di ko siya kaano ano," Nagulat na lang ako kasi bigla akong hinila ni Neil palabas. Ano bang problema ng taong 'to? May kinakausap eh. Bastos talaga!

"What's your problem?!" Tanong niya noong wala ng tao sa paligid namin.

"What is my prablem? You are asking me what is my prablem? Baka naman ikaw ang may problema? Sus, you're damaying me pa,"

"Damaying?" Hitsura niya, parang nagugulantang. Muahahaha!

"Dinadamay mo pa ko!!! Ano ba yan! Simple english, you cannot falow!" Gusto kong matawa sa itsura ni Neil. Waaaaahahahahahaha!

"Ano bang problema mo?! Wag kang trying hard, please lang. Isa pa, you're an embarrassment! How could you ask that question?!" Ang sakit naman nito magsalita!

"What kweschon ba?! At anong embarrassment pinagsasabi mo?" Tanong ko kay Neil.

"Yung... Yung about sa Vic Sotto!!!"

"Ahhh yun pala yun. Eh bakit ba?! Sa probinsya, pag magkaparehas kayo ng huling pangalan, may chansang magkamag-anak kayo. Dito ba hindi ganun?!" Gustung gusto ko na talaga humagalpak sa tawa dahil sa itsura niya pero hindi pwede kasi masisira plano ko.

"WTF?! Wala ka sa province! Naririnig mo ba mga sinasabi mo ha? And to think na alam nilang pinag-aaral ka ng mommy ko?"

"Sorry sa mommy mo ha. Don't worry, para sa mommy mo, I'll enhance my intonation and I'll improve my pronunciation. Ang perfect mo kasi. Also, sinong trying hard? I'm not even trying!" Tinadyakan ko siya at umalis na doon. 

Ilang linggo din kaming parang aso't pusa ni Neil. Lagi niya akong tinutukso na pangit! One time pa nga, magkasama kaming naglalakad sa school tapos bigla na lang niya akong lolokohin. Feeling tuloy ng iba, may gusto ako kay Neil. Kung alam lang nila!

May mga pumuporma nga pala sa akin pero tinatarayan ko lang. Hindi ako magpapaloko no! Baka mamaya, pinagpupustahan lang nila ko. Isa pa, nilalait lait lang sila ni Neil. Gusto ko, pag nagkaboyfriend ako, yung ganun kay Neil or better sa kanya para di niya malalait yung taong yun!

BTW, wala akong kakampi sa klase kung hindi ang sarili ko. Naging presidente nga pala ng room at buong school si Neil. Escort din siya at ako naman ang muse. Alam ko naman na pinaglaruan lang nila ako eh. Akala siguro nila, tanga ako o ano pero hindi nila alam, alam ko yung ginagawa nila. Buti na lang palaban ako at hindi ako nagpapatalo. Hindi ako mahina no! Hindi porkit probinsyana ako at pinag-aaral ako ni Ma'am Cherry, ganoon na lang kababa tingin nila sa akin. 

Hindi ako makakapayag!

Kaya noong Sunday, nagpaalam ako kay Ma'am Cherry at nagpunta sa mall. Bumili ako ng make-up at kung anu ano pang bagay. Nagpatrim din ako ng buhok. Nilagyan pa nga ako ng bakla ng bangs eh. Jusko, kahit ano naman ang ayos ko, maganda pa din ako PERIOD.

Binola bola pa nga ako ng bakla kaya naman pati mga kuko ko sa mga daliri ko, paa at kamay, nilagyan niya ng pintura. Kulay bughaw pa!

Astig! Parang uniform ko lang ah? Terno! Ayos 'to, ayos!

Pag-uwi ko nun sa bahay, dumiretso na agad ako ng kwarto at natulog. Sinadya kong hindi magpakita kay Neil para masupresa sila bukas. Di nga pala kami sabay pumasok kasi presidente siya at varsity pa ng basket ball team. Madami daw siyang ginagawa. Sus if I know, ayaw lang niya ako kasabay kasi kinahihiya niya ako.

Humanda siya bukas!!!

Kinabukasan, pinagtitinginan ako sa school. Siguro nabighani sila sa ganda ko no? 

"Srsly, may fashion sense ba yung babaeng yan? Parang wala e,"

"Ano ba yan, paano sila naging friends ni Neil?"

"Duuuh, hindi kaya sila friends. They're enemies! Pinag-aaral lang siya ng Mommy ni Neil. Hayy ang bait talaga!"

"True that! Grabe, trying hard." 

Sus, mga inggitera!!!

"Ano ba kayo! Magchichismisan na lang ba kayo, ha?!" Sigaw ni Blessing sa kanila. Si Blessing nga pala ang kaklase ko at vice president na din ng klase. Siguro sa lahat, siya na ang pinakamabait sa akin. Lagi niya akong pinagtatanggol kahit hindi ko naman kailangan maipagtanggol. Kaya ko ang sarili ko no!

Matapang kaya ako.

Nashock naman ako kasi bigla na namang may humila sa akin papalabas ng school! Pinilit niya akong sumakay sa jeep tapos pagbaba namin, hinila na naman niya ko. Wala na. Di ko na alam kung nasaan ako. Nasaan na ba kami? Parang hindi ko ata alam yung lugar na 'to?

"Ano ka ba! Ang sakit sakit na ng braso ko dahil sa'yo ah!" Pinilit ko 'tong alisin kaya binitawan na niya ko. Namumula na siya. Bakit kaya? Nagandahan ba siya sa akin?

"Ano na naman 'to, Jenny Villanueva Maligalig?!" 

"Alam mo middle name ko?" Tanong ko.

"Obvious ba? Explain mo nga, ano yan?" Tinuro niya yung full bangs ko, "Nananadya ka ba talaga ha?!"

"B-bakit? Ano bang problema?" Tiningnan ko siya ng diretso.

"Yan!" Tinuro niya yung bangs ko, "Yan! Yan! Yan! Yan! Yan! Yan! Yan pa! Ano yan?!" Tinuro niya yung kuko ko, yung bag ko, yung cheeks ko na may blush on, yung lipstick kong kulay orange, yung foundation ko sa mukha ko, yung shoes, at yung mga palamuti sa katawan ko. 

Maganda naman ah?

"Sorry ah," Tiningnan ko siya ng diretso at tumingin ako sa sapatos ko, "Tama ka, tama kayong lahat! Trying hard ako. I'm trying to fit in! Diba yun naman ang gusto mo, makisama ako? Alam mo ba kung gaano kahirap mag adjust, ha? Kaya nga ginaya ko yung mga girls sa school mo e,"

"What?" Pabulong niyang sinabi na para bang di siya makapaniwala.

"You see, all my life, lagi akong nakakulong sa bahay. My family, they love me so much. Ni pakagat nga ako sa lamok, sobrang iniiwasan na nila. OA na kung OA pero ganun eh. Siguro sa lahat ng mahirap at tiga-bukid, ako lang ang buhay prinsensa? Ako lang ang spoiled brat. My friends there love me so much. Tanggap nila ako kung sino at kung ano pa ko.

Sorry ah, hindi ko naman alam na ganito pala kahirap dito? Na pati sa bahay kung saan ako 'nakikitira', kailangan kong mag kunwari. Sorry kung dahil sa akin, napapahiya ka. Di ko naman sinasadyang sirain pangalan niyo eh. Wag kang mag-alala, bukas na bukas din, uuwi na ako sa amin," Umalis na ako. Kahit naman hindi ko alam kung nasaan kami, nakita ko naman kung saan papunta yung jeep kaya yun, salamat naman at nakabalik ako sa school.

Pumunta ako sa CR at inalis yung make-up ko pati yung mga palamuti sa katawan ko. Naglagay din ako ng powder. Yung bag at shoes ko, nilagay ko sa locker ko at nagpalit na ako ng rubber shorts, pe shirt, and shorts. Naghanap ako ng clip sa bag ko tapos I clipped my bangs.

Paglabas ko ng CR...

"Uy Jenny, okay ka lang?" Tanong ni Blessing sa akin. 

"Inaabangan mo ako?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot tapos kinagat niya lips niya. Tama, inaabangan nga niya ako.

"Blessing, thank you ah pero diba may pasok pa tayo? Don't cut your class for me, okay?" Tumango lang siya at sabay na kaming bumalik sa classroom. Grabe, sobrang ingay! Parang nasa palengke! Yung totoo, mayayaman ba talaga 'to?

"Upo ka na, Blessing. Thanks!" Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa teacher.

Ayos! Nakaupo lang yung teacher! Walang ginagawa!

Lumapit ako sa teacher namin, "Hi, Sir! Can I have your time? Uhh, mga less than 10 minutes lang?"

"Sure, yun lang pala eh,"

"Sir, time niyo ah? Pati yung time ng classmates ko,"

"Ha, what?"

"Thank you, Sir!" Pumunta na ako sa harap.

"ATTENTION EVERYONE!" Tumahimik yung mga tao.

"OKAY LANG KUNG I-VIDEO NIYO 'TO BASTA MAKINIG KAYO SA MGA SASABIHIN KO," Nagtawanan yung mga iba. Yung iba naman, nilabas yung phones nila at nag video nga.

Tiningnan ko si Blessing, mukha siyang nag-aalala. Nginitian ko lang siya para sabihin magiging okay lang ang lahat.

"After this speech, I'll leave your school already. I know you don't care but I want you to know that even if my surname is Maligalig and even if I was brought up in a province and lived in a barrio, I know how to speak in english, fluently. By the way, I speak fluent sacarsm also. Forgive my grammar and pronunciation sometimes but I do believe that all of us make mistakes. Pwera na lang kung masyado kayong perfect. Nakakahiya naman sa inyo,"

Mukha silang nagulat dahil sa mga sinabi ko.

"Alam ko naman na hindi maiiwasan magkaroon ng mga inggitera na gagawa ng issue o chismis para masira ako pero you don't have to do that kasi that will only prove na insecure talaga kayo. Tinry kong makisama sa iba sa inyo pero grabe, ang hirap pala. Ibang klase!

Sa iba, I don't wanna stoop down to your level but I really hate you for degrading my personality. My parents never told me I'm ugly inside/out so who are you to tell those things behind my back and in front of me as well. Pag sinasabi niyo kasi yung mga bagay na yan, feeling ko yung parents ko na yung pinagsasabihan niyo ng kung anu ano and yun ang pinakaayoko sa lahat kasi sila ang nagpalaki sa akin and they've always been nice to me! They've been treating me like a princess kahit di naman kailangan. They were always telling me that 'being beautiful doesn't require a pretty face' so for those who hate me right now, wala akong pake sa inyo dahil MAGANDA AKO PERIOD.

Ang sa akin lang, wag niyong idadamay dito si Neil pati yung family niya. Pati na din pala family ko! Sobrang bait nila sa akin at ayokong masira yung pangalan nila ng dahil lang sa akin. Pinag-aaral ako ng mommy niya and sila din ang bumubuhay sa amin. So yeah, nakikiusap ako sa inyo na tigilan niyo na sila. Good bye, classmates! Thank you sa ilang linggong pagsasama!

Oo nga pala, pag dinamay niyo pa ulit dito si Neil, hindi niyo na magugustuhan ang gagawin ko. Basta ha, wala siyang ginagawa! In fact, lagi kaming magkaaway so sa mga inscure na akala eh may gusto ako sa kanya, wag assuming please. That's all, thank you!"

I bowed pero nagulat ako kasi tumayo si Sir at pumalakpak! Pati na din si Blessing at yung iba pa naming classmates. Yung iba naman, hindi maipinta yung mukha. Yung iba, natutulog. Pake ko sa kanila? Umalis na ko doon at kinuha yung mga gamit sa locker ko.

"Aalis ka na ba talaga?" Tanong ni Blessing na nasa likod ko.

"Kailangan eh," Nagulat ako kasi yinakap niya ko.

"Take care, Jenny. Gusto ko lang malaman mo na hindi naman lahat, ganun sa iniisip mo. Yung iba kasi, nadadamay lang at yung iba naman, naniniwala sa'yo. Ang tapang mo kaya. Kung ako nasa posisyon mo, first day palang wala na ko sa school na 'to,"

"Mahal ka nila Blessing. Mabait ka, maganda, matalino, mayaman, at lahat lahat na kaya hindi nila yun kayang gawin sa'yo,"

"Kaya nga bilib ako sayo eh. Minsan nga naiinggit ako kasi sobrang palaban mo. Idol na kita! Minsan, winiwish ko na sana ganyan din ako," Umiling iling ako.

"Wag. Kung may isang bagay man akong natutunan dito, yun ay you have to be yourself always kasi paano mo malalaman kung sino yung totoong magmamahal sayo kung manggagaya ka lang. Kanina, I was trying to be someone else pero wala eh. Lalo lang ako napahiya kaya ikaw, be happy. You're very blessed, Blessing," Ngumiti ako at kumindat tapos nilagay ko na yung bagpack ko sa likod ko. Haaay, kung kailan naman may bago na akong kaibigan oh.

After ng pangyayari, umuwi na ako sa bahay ni Tita Cherry. Sabi niya kasi dati, wag na daw Ma'am ang itawag ko sa kanya at Tita na lang so Tita na tawag ko sa kanya. 

Pagkakita ko kay Tita Cherry, nagpaalam na ko na uuwi ako sa probinsya. Tinatanong niya kung ano yung problema pero sabi ko na lang, namimiss ko na sila mama't papa pati si Kuya. Sabi ko pa, namimiss ko na friends ko doon. Halatang nalungkot si Tita Cherry dahil kahit papaano, naging close kami ng sobra. Wala kasi siyang anak na babae eh. Nagpaalam na din ako kay Tito Junior. Pinilit pa nila akong dalawa na mag stay pero sabi ko, buo na talaga decision ko.

Ginayak ko na ang mga gamit ko. Grabe, mamimiss ko ang kwarto ko dito. Mas malaki kasi ito kesa sa kwarto ko sa bahay. Yun nga lang, mas masaya ako sa bahay namin. Doon kasi, I don't have to pretend para mahalin ako ng mga tao. Mahal naman ako nila Tito't Tita, ramdam ko yun pero yung anak nila, ang sarap... ANG SARAP KUTUSAN!

Isa pa, namimiss ko na yung kulambo ko! Kahit walang aircon doon, malamig naman dahil sa sarap ng simoy ng hangin!

Maaga akong natulog para bukas ng maga, aalis na ko.

Kinaumagahan, nagpunta na agad ako sa terminal na ako. Sabi ko sa kanila, kaya ko naman mag commute papunta sa amin. Sayang lang yung gas nila no! Mas mura pag nag commute!

Papaalis na sana yung bus nang...

*BEEP BEEP*

Ano meron? Bakit huminto? Nakita kong bumaba yung kunduktor ng bus tapos bumaba na din yung iba pang mga pasahero kaya bumaba na din ako.

Makikichismis lang, hehe!

"Umalis na po kasi kayo diyan, boss. Madami po kaming naghihintay na pasahero oh," Sabi ng kunduktor na nagkakamot pa ng batok.

"Ayoko sabi. Pababain niyo muna si Jenny Maligalig," Sabi noong tao sa loob ng kotse. Parang kilala ko yung boses na yun ah? Teka, parang kilala ko din yung kotse na yun? Sobrang pamilyar eh. Saan ko nga ba nakita yan?

"Hindi nga po namin yun kilala. Boss naman,"

"KUYA! AKO PO SI JENNY MALIGALIG!" 

"Ah eh, ikaw pala! Miss, paalis mo naman yan oh. Nakaharang kasi yung kotse niya sa dadaanan. Hindi makadaan yung bus, sagabal masyado!" Nagkamot na naman ng batok yung kunduktor. Kawawa naman, stress na stress na si koya. Ako naman, nagpunta na unahan ng kotse, doon sa driver's seat. Pagkakita ko, nakabukas yung bintana tapos may tao sa loob (MALAMANG!)

"IKAW?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

"Sinusundo ka, obvious ba?" Kung makapagsalita 'to, parang walang nangyari! Ang sakit niya sa stiff neck ko ha! "At bakit mo naman ako sinusundo?"

"Miss, matagal pa ba?" Tanong ng kunduktor. Nagrereklamo na din yung mga pasahero.

"Ano, sasama ka ba o nandito lang ako forever?"

"SASAMA NA OO NA WAIT LANG, KUKUNIN KO LANG YUNG MALETA KO. GAGAWA KA PA NG SCENE DITO EH MASASAPAK TALAGA KITA!" Tumawa siya bwisit!

Kinuha ko na yung mga gamit ko sa bus at bumaba na. Pagkasakay ko ng kotse niya, tahimik lang ako. Hindi ako nagsasalita. 

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Just shut up," Okay fine!

Wala naman kaming ginawa buong araw eh. Pinaayos lang niya yung hindi pantay pantay na bangs ko at naging side bangs siya tapos pinakulot din niya yung dulo ng buhok ko. Yung bughaw naman na pintura sa kuko ko, naging transparent tapos may white sa dulo. Ang ganda! Binilan pa niya ko ng dress, purse, at heels. Pagkatapos nun, pinalagyan niya ako ng make-up at pinabihis niya sa akin yung mga binili niya.

Nakakapagod! Buong araw na din kaming nagshashopping ng nagkukung anu ano! Para saan ba kasi 'to eh?

"Ano ba! Hindi mo ba talaga sasabihin kung saan tayo pupunta ha?!"

"Sa party, okay? Sa party!"

"Tapos ano, mapapahiya na naman ako. Wag na lang! I've had enough!" Yes naman, umeenglish na ko no? Muahaha!

"Hindi ka mapapahiya. Trust me, kahit ngayon lang, Jenny."

"OO NA PERO PAG AKO... FINE!" 

Habang nasa sasakyan kami...

"I saw your Youtube video. Youtube sensation ka na pala," Tumawa siya. 

ANONG VIDEO?!

Nilabas niya yung phone niya tapos may pinanood sa akin...

TITLE NG YOUTUBE: Probinsyanang fluent mag-english!

BWISIT! Pinanood ko yung video ko pero tawa lang ng tawa si Neil tapos tiningnan ko yung comments:

"Wow idol!"

"Nadaig pa ko ah. Shet!"

"Ang arte!"

"Sobrang tapang naman pero bakit siya aalis? Nooo! Mababawasan yung matatapang sa school natin! xD"

"Diba yan yung babaeng laging kasama ni Neil sa school?" tapos may nagreply na, "Oo, yan yung gusto ni Neil, diba?" tapos may nagreply na naman, "Di sila bagay," At may nagreply na naman, "Mga inggitera kayo!" Pag tingin ko sa username noong last na nag comment, nakalagay, blessing02! Sabi ko na nga ba si Blessing yun eh.

Meron pang comment, "Hoy guys, alam niyo ba, yan yung babaeng matagal ng gusto ni Neil. Siguro alam na natin kung bakit, diba? Matapang, maganda, sexy, at higit sa lahat, napakagenuine hindi katulad ng mga iba diyan. Hahaha! Oh ano, magsasalita pa kayo ng kung anu ano? If yes, go lang! Inggit kasi kayoooo! :P" 

Natawa ako sa comment na yun ni Blessing. Hahahaha! Kahit alam kong hindi totoo yung sinasabi niyang matagal na may gusto si Neil sa akin, natuwa pa din ako. 

"Pag umalis ka, ibig sabihin duwag ka. Ibig sabihin, nagpapatalo ka sakanila,"

"Pero kung hindi naman ako umalis, ikakahiya mo lang ako ng ikakahiya,"

"Sino may sabihing kinakahiya kita?"

"Ikaw! Sabi mo, 'You're an embarrassment!" Ginaya ko pa pati yung pagkakasabi niya! Oh ha! Best actress ang lola niyo!

"Pero wala akong sinasabing kinakahiya kita. Kung kinakahiya kita, sana hindi kita sinasabayan sa school pag snacks o lunch,"

"Eh diba mo lagi mo din akong tinutuksong pangit?"

"Pag ba pangit, kinakahiya na? At pag ba pinagsabihan kitang pangit, ibig sabihin, totoo na?" Teka wait, hinga! Nagugulat ako sa mga pinagsasabi niya.

"HA HA HA HA HA! Ikaw naman! Maka-joke, wagas! Ano meron at bigla atang nag iba yung simoy ng hangin?"

"Hindi naman nag-iba eh, ganito pa din. Nakastuck na kasi sa isip mo na masungit ako, sosyalero, at bastos. Alam mo ba kung bakit ko sinabi yung mga sinabi ko sayo?"

Ha? Ano daw? "Bakit?" Tanong ko.

"Dahil ayokong napapahiya ka. Ayokong pinagtatawanan ka ng mga tao. Alam mo bang nainis ako sayo noong pinagmumukha mong tanga sarili mo lalo na noong nag make-up ka ng makapal at yung bangs mo pa eh hindi pantay pantay? Nasa office ako nun tapos bigla naming narinig ni Blessing yung chismosang secretary kaya takbo agad kami,"

"Close kayo ni Blessing?"

"Hindi masyado pero alam niyang may gusto ako sa'yo. Nahuli ako eh," At doon na nga lumaki ng sobra sobra mata ko. Paano siya nahuli?

"Nakita niya kasi yung picture natin noong nahulog yung notebook ko. Nakaipit doon. Diba pinilit tayong magpapicture nun ni Mommy sa bukid? Hindi mo na siguro naaalala?" Naaalala ko! Parang ampalaya ng hitsura namin doon kasi ayaw namin!

"Oo nga pala, kung may pag-uusapan man kami ni Blessing, ikaw yun. Siya nga nagsabi sa akin na aalis ka talaga. Akala ko kasi hindi mo tototohanin na aalis ka. Siya din nagsabi sa akin na may video ka. Syempre, pinanood ko yun. Nasampal din ako ni Mommy, alam mo yun? Napanood niya din kasi yung video eh,"

"P-paano nalaman ni Tita?"

"Sinabi kong ako yung may kasalanan kaya aalis ka pero I told them I like you kaya pinayagan nila akong habulin kita. Ayos ba?" Eh, eh? Ano?

"Ano ba yung mga pinagsasabi mo? Ha ha ha ha! Nakakatawa naman oh! Ahe he he he ahe!" I tried to laugh but I couldn't.

"Alam ko din na fluent ka mag english kaya nga tinatanong ko kung anong problema mo eh. Matalino ka, alam ko yun pero sana wag mong i-prove sa mga taong tama sila. Na hindi porkit tumira ka sa province, kaya ka na nilang i-degrade. Kaya nga noong napanood ko yung video mo, nasabi kong, 'Buti naman at natauhan na si Jenny'. Narinig din yun ni Blessing," Nag pout ako at kinunot ko yung noo ko.

"Sabi mo kaya trying hard ako!"

"Trying hard nga. Di ko yun babawiin! Trying hard mag mukhang tanga,"

"BAKIT MO BA SINASABI LAHAT NG 'TO?!" He just smirked.

Nakadating na kami sa pupuntahan namin. Gabi na pala no? Ang tagal na biyahe na yun ah! Nasaan na ba kami? Feeling ko anytime, madadapa ako sa heels ko. 

Pagdating namin sa venue (Nuxx, vumevenue!), pumasok na kami sa loob. Grabe! Ang dilim!

"Surprise," Bulong ni Neil kaya kinilabutan ako.

Pagbukas ng ilaw...

OMG! Nandito parents ko pati si Kuya! Pati yung ibang mga kaibigan ko! Nandito din sila Tita Cherry at Tito Junior pati si Blessing!!! At yung mga nangchismis sa akin, nandito din! Agad kong niyakap sila nanay at tatay pati na si Kuya! Namiss ko sila, sobra! 

Nag sorry naman yung mga chismosa sa akin. Nag sorry din ako sa kanila kasi kasalanan ko din naman kung bakit nila ko jinudge. Isa pa, najudge ko din naman sila. Pero pag sinabihan pa nila ako ng kung anu ano, wala na akong magagawa. Ganito talaga ako eh, matapang at mataray. Hindi na yun magbabago.

"Hi," Si Neil, naka-microphone. Anong ginagawa niya sa stage? 

Nag 'hello' naman yung mga tao.

"This song is dedicated to Jenny Maligalig," Ha? Kakanta siya?

"She's cold and she's cruel
But she knows what she's doin'
She pushed me in the pool
At our last school reunion
She laughs at my dreams
But I dream about her laughter
Strange as it seems
She's the one I'm after," 

Noong chorus na, sumabay yung mga tao...

"Cause she's bittersweet
She knocks me off of my feet
And I can't help myself
I don't want anyone else," 

Nagsigawan yung mga tao kasi bumababa ng stage si Neil pero mas nagsigawan sila noong lumapit sila sa akin. Parang gusto ko na din sumigaw dahil sa kaba.

"Ano ba ginagawa mo?" I mouthed (Oha, english yan!)

Kumindat lang siya.

"She's a mystery
She's too much for me
But I keep comin' back for more
She's just the girl I'm lookin' for,"

Nagulat ako kasi bigla siyang lumuhod sa harap ko pero sandali lang naman at tumayo na din siya. Hinawakan niya yung kamay ko at dinala papuntang stage. Sumama na lang ako dahil wala na din ako sa katinuan ko. Sabaw na sabaw na ko!

OVER LOAD NA BRAIN CELLS KO EH! 

"She can't keep a secret
For more than an hour
She runs on 100 proof attitude power
And the more she ignores me
The more I adore her
What can I do?
I'd do anything for her

Cause she's bittersweet
She knocks me off of my feet
And I can't help myself
I don't want anyone else
She's a mystery
She's too much for me
But I keep comin' back for more
She's just the girl I'm lookin' for

And when she sees it's me
On her caller ID
She won't pick up the phone
She'd rather be alone
But I can't give up just yet
Cause every word she's ever said
Is still ringin' in my head
Still ringin' in my head

She's cold and she's cruel
But she knows what she's doin'
Knows just what to say
So my whole day is ruined

Cause she's bittersweet
She knocks me off of my feet
And I can't help myself
I don't want anyone else
She's a mystery
She's too much for me
But I keep comin' back for more

Cause she's bittersweet
She knocks me off of my feet
And I can't help myself
I don't want anyone else
She's a mystery
She's too much for me
But I keep comin' back for more
Oh, I keep comin' back for more
She's just the girl I'm lookin' for
Just the girl I'm lookin' for

Just the girl
I'm lookin' for
She's just the girl
I'm lookin' for
Just the girl
I'm lookin' for
Just the girl I'm lookin' for,"

Maganda yung boses niya, in fairness pero hindi ba mukhang ewan ako dito sa stage? Hindi ko alam kung ngingiti ba ko, sisimangot, o ewan. Kaya ang kinalabasan...

Mukha akong tuod na parang natatae na ewan.

Hindi pa din niya ko binibitawan kahit tapos na yung kanta.

"This is for the girl who hurts me, for the girl who's always mad at me, for the girl who hates me since we were kids because according to her, I'm rude and ill-tempered. Well, she's right and I can't be myself, without her. And yeah, this is for the girl who's so genuine and true to herself," Nagtilian na naman yung tao.

Mas nagulat ako kasi grabe, sht! Pinlay nila yung video ko sa malaking ewan! Basta doon sa stage! Yung video ko na nagsspeech sa harap ng klase.

"B-bakit mo ba 'to ginagawa? Tama na, please? Sabi mo hindi mo ako ipapahiya. Nandito sila Kuya, ano ba!" Nanggigilid na luha ko.

"What did I say to you earlier?"

"Trust thingy?" Tumango siya at tumingin na naman sa mga tao. Nakangiti lang siya kaya lumilitaw dimples niya! Nakahawak pa din siya sa kamay ko. Jusko day, pawis na pawis na yan.

Manhid ba siya?!

"You know what, people? She makes a fool out of herself but she doesn't give a damn, wag niyo lang idamay family or loved ones niya kasi for sure, magwawala siya. Mataray din yan at masungit pero pag nagmahal, wagas!" Tumawa sila. Ako naman, tiningnan ko yung family ko. Bakit naman sila umiiyak? Si Kuya din, hala! >,< 

Dahil ba sa video ko o dahil sa speech ng mokong na 'to? 

"At kahit ano pa yung babaeng 'to, kahit taray tarayan niya ko, sipa-sipain, at kung anu ano pa. Siya pa din ang mahal ko. I love her hindi lang dahil she's sexy and pretty but I love her because she's Jenny Villanueva Maligalig,"

"KISS! KISS! KISS!" Sigaw ng mga tao.

Tumulo na yung luha ko. First time! First time may nagtapat sa akin, yung hindi ako pinagpupustahan, yung seryoso at mararamdaman mong sincere. Tangina, pers time 'to! Pers time!!! Madami namang nagtatapat sa akin eh lalo na sa probinsya pero iba 'to! Ano ba, sasaying ko ba yung chance na 'to ha?

"Jenny," Tumingin siya sa akin ng direstong diretso at pinunasan yung luha sa cheeks ko. Nanlalaki lang mata ako...

"Are you staying or leaving? Are you gonna leave me or are you gonna stay here..." Hinila niya ako papalapit sa kanya. Nakahawak na siya ngayon sa waist ko, "...by my side forever?" Napaatras ako pero nakahawak pa din siya sa bewang ko.

"Forever?" Tanong ko.

"Fine, each day as long as we're together. Ano? Sagot!" He glared at me.

I laughed and kissed him tapos nilagay ko yung arms ko around his neck. Yung kamay naman niya, nakapalupot sa bewang ko. 

"W-was that a yes?" 

"Ay hindi, hindi. Hinalikan ka na nga diba? Ang drama ko naman ata kung sasabihin kong goodbye kiss yun! Eh ang sarap kaya!" I kissed him again.

"Hoy, Jenny! Tama na yan!!!" Sigaw ni Tatay at Kuya kaya nagtawanan lahat.

Sabi naman sa inyo eh...

Maganda ako...

PERIOD.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...